Biyernes, Mayo 15, 2015

Knowing the Holy Spirit

Lesson I: Knowing the Holy Spirit

Mahalaga na makilala natin kung sino ang Banal na Espiritu. 

Ang ating Diyos ay iisa. Ngunit nagpakilala siya sa Tatlong Paraan, bilang Ama, ang Lumikha at nagpapanatili sa buhay ng kanyang mga nilikha.  Bilang Anak, siya ang ating Tagapagligtas mula sa kasalanan.  Bilang Banal na Espiritu, siya ang nagbibigay kapangyarihan sa ating buhay bilang mananampalataya. Siya ang persona ng Diyos na pumapatnubay sa atin. 

Ang makilala ang Diyos sa pamamagitan ng Holy Trinity, ay pagkilala sa kabuoan ng Diyos.  Sa doktrinang ito, mauunawaan natin kung paano ipinagkakaloob ng Diyos ang kanyang sarili bilang Mapagmahal na Ama, Anak na Tagapagligtas sa kasalanan at  Espiritu na nagpapasakdal sa atin (sanctifier). Kaya hindi sapat na kilala lamang natin ang Diyos, bilang Ama, at Anak. Sinabi mismo ng Panginoong Jesus, sa Juan 14:16 
"Dadalangin ako sa Ama na kayo ay bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman." 

Ang Banal na Espiritu ay ipinangako din ng Diyos  sa Lumang Tipan (Gawa 2:33), bilang hudyat ng kaganapan ng pagkilos ng Diyos. Ayon sa Ezekiel 36:27,

"And I will put my Spirit in you and move you to follow my decrees and be careful to keep my laws."

Sa Joel 3:28,  "And afterwards, I will pour out my Spirit on all people. Your sons and daughters will prophesy, your old men will dream dreams, your young men will see visions."

Bakit kailangan nating makilala ang Banal na Espiritu?

1. Dahil siya ang Espiritu ng Diyos

Ang Banal na Espiritu ay ang kapangyarihan ng Diyos.  Siya ang Kapangyarihan sa likod ng paglikha, at gayun din sa  muling pagkabuhay ni Cristo. 

Siya ang Espiritu ni Cristo (Luke 4:4) na gumagawa ng mga himala at tumutugon sa pangangailangan ng mga tao. 

2. Dahil ang kanyang presensya sa ating buhay ay katibayan na tayo ay mga anak ng Diyos. (The Holy Spirit is the Evidence of our being children of God.)

Sabi sa Romans 8:14 - "because those who are led by the Spirit of God are sons of God."

3. Dahil ang Holy Spirit ay ang tatak (seal) ng ating kaligtasan.

 Ephesians 4:30, "And do not grieve the Holy Spirit of God, with whom you were sealed for the day of redemption."

4. Siya ang nagkakaloob ng kapangyarihan sa ating pagpapatotoo. 

 Acts 1:8, "But you will receive power when the Holy Spirit comes on you; and you will be my witnesses in Jerusalem, and in all Judea and Samaria, and to the ends of the earth."

Ganito kahalaga ang makilala natin ang Diyos bilang Espiritu Santo. Kung wala sa atin ang Espiritu, wala tayong kapangyarihan upang gampanan ang ating gawain.  Tandaan na ang ating gawain ay sa Diyos.  Siya rin ang kapangyarihan na pumatnubay sa mga alagad para sa mabungang pagpapahayag ng ebanghelyo at mga himala (signs and wonders). 

May kwento tungkol sa isang simbahan na may bagong destinadong pastor. Pagdating ng pastor, may kotse pala sa simbahang iyon.  Kaya lang ay luma na. Ang kotse ay di-tulak dahil madalas ayaw mag-start. Kaya kapag walang magtutulak, laging naghahanap ng parking ang pastor, yung daan na pababa. Sa ganitong paraan, ini-start ng pastor yung kotse. Tatlong taon na laging ganito yung kotse-kailangan pang itulak! 

Nagkaroon ng bagong pastor ang kapilya paglipas ng tatlong taon. Itong bagong pastor ay may kaalaman pala sa pagmemekaniko. Pagdating niya, agad niyang binuksan ang hood ng kotse, kinalikot at- pinaandar at ayun! Umandar ng maayos yung sasakyan! 

Nagtaka ngayon yung dating pastor. Paliwanag ng bagong pastor, "Sira po ang isang cable nito, at walang dumadaloy na power (kuryente) sa starter." Umaandar naman pala ang kotse, nawawalan lang ng POWER!

Ang Espiritu Santo ay ang POWER NG iglesia at mga Kristiano. Kung wala siya, wala tayong magagawa.

B. Pamumuhay sa Espiritu

Ang tamang pagkilala sa Banal na Espiritu ay nagbubunga ng bagong pagkatao na kalarawan ni Cristo.  Sabi sa Aklat ng mga Gawa! Dating mga matatakutin ang mga alagad, ngunit naging masigasig sila at matapang mula ng tanggapin nila ang Espiritu Santo.

Sabi sa Gawa 2:2-4, "Narinig nila ang malakas na hangin at apoy...Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo..." Ang pagdating ng Espiritu sa mga alagad ay may dalawang simbulo;

a. Hangin - ito ang hininga ng buhay.  Tulad ng pagbibigay ng buhay kay Adan, hiningahan ng Diyos ang unang tao. Sa karanasan ng mga alagad, sila naman ay nakaranas ng "malakas" na hangin.  Ito ay nagpapahayag ng kapangyarihan ng Diyos. 

b.  Apoy - ito ay nagpapadalisay tulad sa pagluluto.  Ang kaloob ng Diyos ay buhay na may kabanalan.  Sa tulong ng Espiritu, ang bawat Kristiano ay nagiging malinis at banal.

C. Pagkilala sa Espiritu Santo

1. Una, maging bukas sa pagkilos ng Espiritu sa tungo sa tunay na pagtugon sa tawag ng Diyos para sa kaligtasan, pananampalataya at ganap na pagsisi (Conviction or desire to be saved, faith and repentance)

Ang pagkilala sa pagdating ng Espiritu Santo ay makikita sa Gawa 2, noong tumanggap ang tatlong libo, sa pangangaral ni Pedro. 

a. Desire to be saved / Conviction - ayon sa Gawa 2:37, sila ay nabagabag sa kanilang narinig. Dahil dito, nagtanong sila kung paano sila maliligtas. Ito ang tanda ng kanilang "conviction" - katibayan na tumalab sa kanila ang Salita ng Diyos. Wala silang hangad kundi ang maligtas. 

b. Faith - sa Gawa 2:38 naman, sinabihan sila ng bagay na dapat nilang gawin. Kailangan silang sumampalataya kay Jesus bilang Panginoon at Cristo (v.36). Ito ay nangangahulugan ng pagpapasakop sa kapangyarihan ni Cristo at pagtanggap sa kanya bilang Tagapagligtas. 

c. Repentance. Kailangan ang tunay na pagsisisi at pagtalikod sa kanilang mga kasalanan.  Ang totoong pagsisisi ay panghahangad ng kapatawaran at pag-alis sa mga nagagawang kasalanan na nagbubunga ng pagbabagong buhay. Ang pagsisisi na walang pagtalikod sa kasalanan ay huwad na pananampalataya at walang ibubungang kaligtasan. 

2. Pangalawang paraan upang makilala ang Banal na Espiritu ay sa pamamagitan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ayon sa Gawa 5:22, 

"Saksi kami sa mga bagay na ito- kami at ang Espiritu Santo na ipinagkaloob ng Diyos  sa mga tumatalima sa kanya."  

Kailangan tayong sumunod sa mga utos ng Diyos kung nais nating makilala ang Espiritu Santo. 

3. Pangatlong paraan ng pagkilala sa Espiritu Santo ay ang tunay na pagsamba sa espiritu at katotohanan. Mababasa sa Juan 4:24, "Ang Diyos ay Espiritu ay dapat siyang sambahin sa Espiritu at katotohanan." Ang pagsamba ay oras ng pagkilos ng Diyos upang buksan ang ating kaisipan sa mga katotohanan ng Salita ng Diyos. Sabi pa ng Panginong Jesus sa Juan 6:63, "Ang Espiritu ang nagbibigay buhay, hindi ito magagawa ng laman.  Ang Salitang sinasabi ko sa inyo ay Espiritu at buhay."

4. Pang-apat ay ang paghahangad ng malinis na puso at paghiling na pagkalooban ng Espiritu ng Diyos. Basahin ang Awit 51:10-11;

"Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo O Diyos ng bagong damdamin. Sa iyong harapan huwag mo akong alisin.  Ang Espiritu mo ang papaghariin."

5. Ikalima, ang kailangan upang makilala ang Espiritu ay sa pamamagitan ng pamumuhay sa Espiritu sa halip na sa laman (Roma 8:5).

Experiencing the Holy Spirit

Lesson II: Experiencing the Holy Spirit
John 7:37–39

37 On the last and greatest day of the Feast, Jesus stood and said in a loud voice, "If anyone is thirsty, let him come to me and drink.

 38 Whoever believes in me, as the Scripture has said, streams of living water will flow from within him."

 39 By this he meant the Spirit, whom those who believed in him were later to receive. Up to that time the Spirit had not been given, since Jesus had not yet been glorified.

----------------------

Ang Pentecostes ay ang ating pagdiriwang sa unang karanasan sa Banal na Espiritu sa buhay ng mga mananampalataya. Ang Banal na Espiritu ay ang presensya ng Diyos sa ating buhay.  Dahil ang Diyos ay kasama natin.  Siya ay sumasaatin. 

Dati, ang Pentecostes ay pista ng anihan (Ex. 23:16). Pagtagal, ito ay ginawang pista ng pag-alala sa pagkakaloob ng Kautusan ng Diyos kay Moises.  Sa ating mga Kristiano, ito ay pag-alala sa pagdating ng Banal na Espiritu.  Bakit nga ba mahalaga ang Banal na Espiritu?  Bakit kailangan natin siyang maranasan sa ating buhay?

Kung wala ang Espiritu ng Diyos sa atin, ibig sabihin--kung kontrolado pa tayo ng ating makasalanang pagkatao (na dinidikta ng laman) ay hindi pa ganap ang ating pagiging mananampalataya. Katulad ng mga unang alagad, sa halip na magpahayag, sila ay nabalutan ng takot sa mga Judio (Juan 20:19). Ito ay dahil-hindi pa nila tinanggap ang. Banal na Espiritu ng Diyos.

Napakahalaga ng Banal na Espiritu sa ating buhay bilang Kristiano. Dahil siya ang nagdudugtong sa ating kaugnayan sa Panginoong Jesus. Malinaw ang sinasabi ng Biblia sa Roma 8:9, "Kung wala ang Espiritu ni Cristo sa atin, ay hindi tayo kay Cristo."

Isa pa, napakahalaga ng presensya ng Banal na Espiritu, dahil siya ang tatak ng ating kaligtasan (Efeso 4:30).  

Dagdag pa rito, siya ang nagbibigay sa mga alagad ni Cristo ng tapang at kapangyarihan upang magpatotoo bilang mga saksi ng Panginoon (Gawa 1:8).  

Kapag ang isang Kristiano ay walang tapang na magpahayag ng Salita ng Diyos sa iba, at ikinahihiya pa niya ang magbahagi ng Salita ng Diyos - eh may problema po ito.  Tayo po kasi ay tinawag upang magpahayag tungkol sa pagliligtas ng Panginoon. 

Ang ganitong kawalan ng presensya ng Espiritu ay parang pagkauhaw sa tubig. Ito ay ebidensya ng kawalan ng bagay na lubhang napakahalaga. 

Gayunman, sinasabi ng Panginoon na kung nararamdaman natin ang pagkauhaw sa Banal na Espiritu, maari natin siyang tanggapin gaya ng saganang pagdaloy ng tubig sa pamamagitan ng ating paglapit sa Panginoon.

Sa oras na ito, dapat nating aralin ang ating kalagayan ugnay sa Panginoon sa kanyang Persona bilang Banal na Espiritu. 

1. Una, kailangan tayong mauhaw sa Diyos. 

Sa bawat tao ay may kulang na dapat mapunan.  May pagka-uhaw na tanging ang Diyos ang makatutugon.  May kakulangan sa ating buhay na tanging ang Diyos ang makapagbibigay ng kaganapan.

Sa isang bahagi ng daigdig ay may isang uri ng ibon na nangingitlog sa kakaibang paraan. Ang mga itlog nito ay hindi nilililiman ng inahin.  Kapag napisa na ang mga inakay, ang mga ibon ay nag-iisang lalaki hanggang makalipad. Ngunit sa kanilang unang paglipad, iisa ang kanilang gagawin-hahapin muna nila ang kanilang mga magulang! Kapag natagpuan na nila ang kanilang mga magulang doon pa lamang makukumpleto ang kanilang pagiging ibon. 

Ang bawat tao ay kusang naghahanap sa Diyos dahil ito ang disenyo ng Panginoon.  "Wala kayong magagawa", wika ng Panginoon, "kung hiwalay kayo sa akin."

Tayo ay nilikha ng Diyos upang hanapin Siya.  Kusa tayong ginawa ng Diyos upang mauhaw sa kanyang presensya.  Hindi magiging kumpleto ang ating buhay hangga't di natin natatagpuan ang Diyos.

Ang pagkauhaw at maghahanap sa Diyos ay natural sa tao. Tulad ng pagkauhaw sa tubig, kung hindi tayo makaiinom sa matagal na panahon, tayo ay mamamatay.  Gayundin naman, walang kabuluhan ang buhay na hiwalay sa Diyos.

Ngunit kung tayo ay lalapit sa Panginoon, tayo ay paiinumin! Sa ating paglapit sa Panginoon, tayo ay pagkakalooban ng buhay na kasiya-siya (Juan 10:10). Wala pang lumapit sa Panginoon na nabigo.

Ngunit ang kakulangang ito sa ating buhay ay madalas nating hinahanapan ng tugon sa ibang bagay.  May tao na naghahanap ng kaganapan sa buhay sa pamamagitan ng kayamanang material.  Ngunit hindi napapawi ang kanilang pagka-uhaw.  May ilan na naghahanap ng katugunan sa mga kasikatan at karangyaan, ngunit hindi rin nawawala ang pagkuhaw nila.  Ang iba ay naghahanap ng mataas na posisyon, ngunit hindi rin sila nakukuntento.  Nanatili silang uhaw.

Ang sabi ng Panginoon ay ganito, "Kung kayo ay nauuhaw, lumapit kayo sa akin." Napansin po ba ninyo, sabi niya, "sa AKIN!" 

Kapatid ko, kung pakiramdam mo, ay may kulang sa iyong buhay, lumapit ka sa Panginoon! Pabayaan mong tugunin ng Diyos ang iyong pagkauhaw sa Kanya. 

2. Pangalawa, kailangan tayong sumampalataya sa Diyos. 

Ang pananampalataya sa Diyos ay hindi lamang paniniwala na may Diyos.  Kahit demonyo ay naniniwala na may Diyos (Santiago 2:19).  Ito ay ganap na pananalig kay Cristo na siya ay namatay at muling nabuhay para sa ating kaligtasan.  

Ito ay paniniwala na si Jesu-Cristo ay ang Diyos na nagkatawang tao (Juan 8:24).

Ito ay paniniwala na mahal tayo ng Diyos sa kabila ng ating mga kasalanan. 

Ito ay pananampalataya na naghahatid sa atin sa pagsisisi at pagbabagong buhay.  Ang mahalin ang Diyos ng buong puso at paglingkuran siya habang tayo ay nabubuhay. 
 At kung mapapatunayang tunay ang ating pananalig, hindi lamang tayo makakainom ng tubig.  Kundi pa naman- babalong ang tubig mula sa ating pagkatao.

May kwento tungkol sa mga tao na naligaw sa disyerto. Naubos ang kanilang tubig.  Nanghina sila ng husto at natigilan sa paglalakbay. Ngunit ang isa sa kanila ay naglakas ng loob na magpatuloy.  Hanggang nakakita siya ng tubig.  Ang nakita niyang tubig ay hindi lamang sapat upang siya ay nakainom.  Ito ay batis na sagana sa bumubukal na tubig. Nakakuha pa siya ng tubig para sa iba niyang kasama. Hindi lamang siya ang nakaligtas.  Pati ang mga kasama niya. Nakapagdala pa sila ng tubig para sa ibang manlalakbay. At pati ibang manlalakbay ay itinuturo niya sa batis na kanyang natagpuan. 

Ganito rin ang nakakatagpo sa Panginoon, para silang nakatagpo ng bukal ng tubig.  Hindi lamang sila ang naliligtas, kundi pati ang iba ay naliligtas din. 

Pakinggan po ninyo ang sabi ng Gawa 16:31. "Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus at maliligta ka.  Ikaw at ang iyong sambahayan." Hindi lamang ikaw ang maliligtas.  Pati ang iba na babahaginan mo ng Salita ng Diyos. Maliligtas din sila, lalo ang iyong sambahayan.

Sumampalataya ka ngayon at matutupad ang pangako ng Panginoon sa iyo- sisibol sa buhay mo ang tubig ng buhay! Saganang babalong ang Kaligtasan sa buhay mo! Ikaw ay magiging buhay na patotoo sa marami!

3. Panghuli, kailangan nating tanggapin ang Banal na Espiritu. 

Tulad ng aking nabanggit, kailangan natin ang Espiritu Santo dahil siya ang nagdudugtong sa atin sa Diyos, siya rin ang nagbibigay lakas at tapang upang tayo ay makapagpatotoo.  Siya ang tatak ng ating kaligtasan. 

Paano tatanggapin ang Banal na Espiritu? 

Pakinggan ninyo ang sagot mula sa talatang 13 mula sa  Lucas kabanatang 11, "ipagkakaloob ng Panginoon sa pamamagitan ng pananalangin ang Espiritu Santo sa sinumang hihiling sa Kanya."

Ang iglesia ay mananatiling mahina at walang kapangyarihan kung wala ang Espiritu Santo.  Mawawalan tayo ng mga bunga ng Espiritu tulad ng pagpipigil sa sarili, o kagalakan, o pag-ibig sa kapwa, at kapayapaan, kung wala sa atin ang Espiritu ng Diyos. 

Manampalataya ka na siya ay darating sa iyong buhay ngayon. Tanggapin mo ang Banal na Espiritu ngayon din sa pamamagitan ng mapagpakumbabang pananalangin.  Hilingin natin na magkaroon ng Pentecostes sa ating iglesia. Kung hindi kapa nakaranas ng personal revival, hilingin mo Panginoon ngayon-opo ngayun din! Hilingin mo na ipagkaloob sa iyo ng Panginoon ang kanyang Espiritu! amen!

Gifts of the Holy Spirit

Lesson III. Gifts of the Spirit
2Corinto 12:1-11

Ang mga kaloob ng Espiritu ay para sa mabungang paglilingkod ng mga Kristiano.  Tandaan na ang Espiritu Santo ay pinangako sa mga alagad "para sa makapangyarihang pagpapatotoo, tungo sa mabungang pagdidisipulo" (Gawa 1:8).  

Ang usapin tungkol sa Banal na Espiritu ay tungkol din kay Jesu-Cristo.  Kaya ang mga  kaloob ng Espiritu ay para lamang sa mga nagpapasakop kay Cristo bilang Panginoon. Hindi sila kaloob para sa mga ayaw tumanggap kay Jesus bilang Panginoon.  Ang pagsasalita ng "Sumpain si Jesus!" ay mula sa mga Judiong ayaw tumanggap sa pagka-diyos ng Panginoong Jesus. 

A. Kanino Nanggaling ang Mga Kaloob?

Ayon sa verse 4, "There are different kinds of gifts, but the same Spirit. 5 There are different kinds of service, but the same Lord. 6 There are different kinds of working, but the same God works all of them in all men." 

Ang mga kaloob na ito ay mula sa Espiritu, na siya ring Panginoon, at siya ring Diyos. Same Spirit, same Lord, same God. Siya ay iisang Diyos na Siya ring Tatlong Persona.

Nilinaw dito ni Apostol Pablo na ang maaring panggalingan ng ganitong kaloob ay ang Diyos lamang. Kapag sinasabing Espiritu, siya ang Espiritu ng Diyos at siya rin ang Espiritu ng Panginoong Jesus. 

B.  Para Kanino ang Kaloob? 

Ang kaloob ay para sa lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu. At ito pinagkakaloob para sa ikabubuti ng lahat.  Ayon sa verse 7, "Now to each one the manifestation of the Spirit is given for the common good."  Ang kaloob na ito ay hindi para sa mga pansariling gamit at lalong hindi para maitaas ang isang tao na pinagkalooban nito. Hindi sila maaring ipagyabang. At hindi nakakahigit ang isang kaloob sa ibang kaloob.  Ang mga ito ay ibinigay ng Diyos sa mga Kristiano para paglilingkod at ikaluluwalhati ng Diyos.

C. Ano ang mga kaloob na ito? Aralin natin ang siyam (9 gifts) na kaloob.  May mga grupo ito ayon sa kanilang gamit. 

Ang mga ito ay, ayon sa kanilang pangkat;

1) karunungang magpahayag at 2) karunungang umunawa. 

Ang Karunungang magpahayag (gift of wisdom), at karunungang umunawa ng aral (gift of knowledge) ay kakayahang upang mangaral at magturo (preaching and teaching ministries) ng Salita ng Diyos. Ang pangangaral at pagtuturo ay ang pinakamahalagang kaloob. 

3) Malaking pananalig, 4) kapangyarihang magpagaling at 5) kapangyarihang gumawa ng kababalaghan. 

Ang pananalig na binabanggit dito ay hindi pananalig upang maligtas ( faith for salvation) kundi ang pananalig upang kumilos ang Diyos bilang tugon para sa isang pangangailangan, tulad ng sakit na maaring pagalingin ng Diyos o pagliligtas sa isang mapanganib na sitwasyon (Lucas 17: 6, Lucas 18:42). 

Ang pananalig na ganito ay may antas. May malaking pananalig (Lucas 7:9) at may maliit na pananalig (Mateo 8:26).  Ang mga mas malaki ang pananalig ay tumatanggap ng higit na tugon mula sa Diyos. 

Ang unang gamit ng ganitong pananalig ay para sa ikagagaling ng mga maysakit.  Sa ganitong paraan, naipapakilala ang Panginoon sa mga hindi sumasampalataya. 

6) Kakayahang manghula (prophecy) at ang 7) Kakayahang makakilala kung alin ang mula sa Diyos at ang mula sa masamang espiritu (discerment). 

Ang gift of prophecy ay hindi panghuhula ng isang bagay na walang basehan. Ito ay panghuhula o pagsasalita ng isang Kristiano tungkol sa mga bagay na mangyayari sa mga darating na panahon.  At mga sasabihin ng propeta ay mula sa Diyos. 

Ngunit maari itong sabayan ng diablo para manghula rin mula kay Satanas ang isang gustong manggulo sa simbahan. Kaya kailangan dito ang may kakayahang makakilala sa mga tunay at huwad na propeta para patigilin ang mga nagpapanggap na manghuhula. 

8) Kakayahang magsalita ng iba't ibang wika (speaking in tongues) at ang  9) Kakayahang magpaliwanag ng iba't ibang wika (interpreter). 

May dalawang uri ng speaking in tongues sa Biblia. Ang una ay mababasa sa Gawa 2:11, kung saan nagsalita ang mga alagad ng iba't ibang wika na "nauunawaan" ng lahat ayon sa kanilang wika. Hindi kailangan dito ang interpreter dahil agad itong nauunawaan ng mga nakikinig.

Sa ating aralin, isa pang uri ng "wika" o speaking in tongues ang binabanggit na nangangailangan pa ng tagapagpaliwanag. May paliwanag si Apostol Pablo tungkol dito na mababasa sa 1Corinto 14: 2, 

"Ang nagsasalita sa ibang wika ay sa Diyos nakikipagusap, hindi sa tao, sapagkat walang nakakaunawa sa kanya; gayunman, nagsasalita siya ng mga hiwaga sa tulong 
Espiritu Santo." Ang speaking in tongues ay bunga nga mga damdaming espiritual sa isang tao, habang nakakaramdam sa presensya ng Diyos. At dahil walang salita na sasapat upang ipahayag ang kanilang nararamdaman, ito ay nailalabas nila sa mga wikang hindi maunawaan. Walang masama sa ganitong karanasan, lalo kung ito ay nakakatulong sa personal na kaugnayan ng isang tao sa Diyos. Dapat lamang itong ingatan upang hindi ito maging dahilan ng pagkalito sa loob ng iglesia. 

Gayunman, ang ganitong kaloob ay itinuturing na hindi gaanong mahalaga kung ikukumpara sa pangangaral. Patuloy na paliwanag ng apostol, "Higit na mahalaga ang pangangaral ng Salita ng Diyos kaysa pagsasalita ng iba't ibang wika." Sinabi niya ito para sa higit na pakinabang para sa iglesia (1 Cor. 14:5).

Panghuli, ang mga kaloob ng Espiritu ay para sa ikalalago ng iglesia.  Ang mga "gifts of the Spirit" ay mahalaga dahil tanda ang mga ito na nasa atin ang Espiritu ng Diyos (1Cor12:7).  Kaya nga, 

1. Nasain natin ang mga ito at hilingin na pagkalooban tayo ng Espiritu ng Diyos nitong mga kaloob. Dahil, "Iisa ang Espiritu, na gumagawa ng lahat ng ito at namamahagi ng iba't ibang kaloob, ayon sa kanyang maibigan."(1 Cor. 12:11).

2. Sikapin natin na makapagpahayag tayong lahat ng Salita ng Diyos, ( 14:24) upang makaakit tayo ng mga hindi pa sumasampalataya sa iglesia. Ang pangangaral at pagtuturo ng Salita ng Diyos ay ang pinakamahalagang kaloob ng Espiritu. 

3. Gamitin lamang ang mga kaloob na makakatulong para sa ikauunlad ng iglesia. 

4. Sikaping mapuspos ng Espiritu Santo ang iyong buong pagkatao. Ito ay ang kailangan upang tumanggap ng mga kaloob. Mababasa mula sa 1 Cor. 2:14, 

"Sapagkat ang taong di nagtataglay ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon."

Baptism of the Holy Spirit

Lesson IV. Baptism of the Holy Spirit

Ang ating aralin ngayon ay kung paano natin tatanggapin ang Espiritu ng Diyos. Nalaman natin sa mga naunang aralin na;

a. Ang pinapatnubayan ng Espiritu Santo ay mga anak ng Diyos. (Roma 8:14).
b. Ang Espiritu Santo ay tatak ng mga maliligtas (Efeso 4:30). 

Ang Espiritu Santo ay ang persona ng Diyos na kasama natin mismo sa ating buhay bilang Kristiano. Tulad ng paalala ni San Pablo, 

"Hindi ba ninyo alam na kayo ang templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu?" (1 Cor. 3:16)

Upang tanggapin ang Espiritu Santo, kailangan muna nating alamin ang mga hakbang upang ang bawat isa sa mga Summer Instituters ay ganap na mapuspos ng Espiritu ng Diyos. Tandaan na ang Diyos ay hindi maaring utusan. Kailangan dito ang tapat na pananalangin at kapakumbabaan. Kailangan dito ang tapat na pagnanais upang maligtas at maging banal sa harapan ng Panginoon. 

A. Ang Unang Hakbang

Ang unang pagpapakilala sa Banal na Espiritu sa Ebanghelyo ay nasa Juan 1:32-33.  

Ito ang patotoo ni Juan, "Nakita ko ang Espiritung bumababa  mula sa langit, gaya ng isang kalapati, at nanatili sa kanya (Jesus).  Hindi ko siya lubos na nakikilala noon, ngunit ang nagsugo saakin upang magbautismo sa tubig ang nagsabi sa akin, "Makikita mo ang Espiritu na bababa at mananatili sa isang tao- siya ang magbabautismo sa pamamagitan ng Espiritu Santo."

Ang bahaging ng Biblia ay lubhang mahalaga kung talagang gusto nating tanggapin ang Banal na Espiritu dahil ang Panginoong Jesus ang tanging nagkakaloob sa Bautismo sa Espiritu Santo. 

Ang unang hakbang kung gayun ay, kailangan munang tanggapin nating lahat ang Panginoong Jesus para sa ating kaligtasang espiritual. 

1. Magsisi - humingi ng kapatawaran sa mga kasalanan, lubos na talikuran ang mga kasalanan at magsimula ng mamuhay bilang totoong anak ng Diyos. 

2. Maglingkod sa Diyos na may ganap na pagpapasakop sa kalooban at kapangyarihan ng Panginoong Jesus.  Siguraduhing naitataas ang Panginoong Jesus sa iyong buhay at hindi ang iyong sarili. 

B. Pangalawang Hakbang

Ang presensya ng Banal na Espiritu sa mga alagad ay kamangha-mangha!  Nakagawa sila ng mga himala maging bumuhay ng mga patay! Dahil dito, marami ang nagnais tumanggap ng Espiritu Santo. May isang tao na nagngangalang Simon, isang Salamangkero ang nais magbayad kahit magkano, upang makamit niya ang Espiritu Santo, ngunit nagalit ang mga alagad sa kanya at siya pinarusahan. 

May tamang paraan upang tanggapin ang Espiritu ng Diyos.  Bagamat hindi maaring diktaan ang Espiritu, dahil ginagawa niya ang kanyang kalooban at hindi siya maaring utusan bilang Diyos, gayunman, alam natin na tumutugon siya sa pagbubukas ng ating sarili sa ganap na paghahari ng Diyos sa ating buhay. 

1. Hangarin ang Banal na Espiritu at hilingin ang kanyang pagpuspos sa pamamagitan ng pananalangin. Ayon sa Luke 11:13, 

"If you then, though you are evil, know how to give good gifts to your children, how much more will your Father in heaven give the Holy Spirit to those who ask him!"

2.  Nasain ang kabanalan ng buhay. Ayon sa Hebreo 12:14, 

"Make every effort to live in peace with all men and to be holy; without holiness no-one will see the Lord."

Sabi pa ng 1 Pedro 1:15, " Magpakabanal kayo sapagkat ang inyong Amang nasa langit ay banal."

May 17, 2015 - Sunday Lesson

May 17, 2015
Bible Text for the Week: Ascension Sunday

1 John 5:9-13

9 Kung pinaniniwalaan natin ang patotoo ng mga tao, higit nating dapat paniwalaan ang patotoo ng Diyos, at ito ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak. 10 Ang sinumang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay naniniwala sa patotoong ito. Ngunit ang Diyos ay ginagawang sinungaling ng sinumang hindi sumampalataya sa Diyos, sapagkat hindi ito naniniwala sa patotoo niya tungkol sa kanyang Anak. 11 At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak. 12 Ang sinumang pinapanahanan ng Anak ng Diyos ay mayroong buhay na walang hanggan, ngunit ang hindi pinapanahanan ng Anak ng Diyos ay hindi makakaranas ng buhay na walang hanggan.

13  Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan.

ANG PATOTOO NG DIYOS

Sa ating panahon, dahil sa internet, sobrang dami na ng mga informations ang ating nababasa at naririnig. At minsan, mahirap ng sabihin kung alin ang totoo. 

Ang Biblia ay balitang mula sa Diyos. Ang sabi ng ating aralin, ang aral ng mga apostol tungkol sa Panginoong Jesus ay patotoo ng Diyos.  

Ano ang Patotoo? 

Ang salitang ito ay isang "legal word", na tumutukoy sa sasabihin ng isang testigo sa korte. Ang nilalaman nito ay "pawang katotohanan lamang".  Ang anumang mapatunayang kasinungalingan sa testomonyo ng testigo ay maari niyang ikakulong.  Kung sinasabi ni Apostol Juan na ito "patotoo ng Diyos", para na rin niyang inilalarawan ang pag-upo ng Diyos bilang testigo sa husgado. Nakahanda ang Diyos na sabihin ang katotohanan para ating ikabubuti. 

Ang patotoo ng Diyos ay hindi dapat pinagduduhan. 

May kwento tungkol sa isang pamilya. Isang ama ang nagkaroon ng isang anak at isang ampon. Dumating ang oras upang ipagkaloob ng ama ang mana ng kanyang mga anak. Mahina na kasi ang katawan ng ama at alam niyang malapit na siyang pumanaw. Pinatawag ng matanda ang abogado nito at gayun din ang mga anak niya. 

Sa panawagan, hindi tumugon ang ampon. Duda siya sa tawag ng kanyang ama. Inisip niya na baka hindi naman siya bibigyan ng mana dahil ampon lang siya. Hindi siya makapaniwala na kabilang siya sa mga minamahal na anak. Kaya, pinili ng ampon na hindi niya tatanggapin ang anumang balita na nagsasaad na siya ay tagapagmana. 

Maraming tao ang dapat sana ay maliligtas ngunit dahil hindi sila nananalig sa pagliligtas ng Diyos, hindi nila tinatanggap ang kaloob ng Diyos. 

Aralin natin ang ating teksto.

1. Ang Patotoo ng Diyos Tungkol kay Cristo (v.11)

Sa patotoong ito, itinataya ng Diyos ang kanyang buong karangalan bilang Diyos. Anumang bahid ng kasinungalingan sa balitang ito ay sisira sa kabanalan at kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit dahil ito ay "pawang katotohanan", alam ng Diyos na hindi mabibigo ang sinumang maniniwala sa kanyang sinasabi. 

Ang hamon ngayon ay nasa panig na ng tao na nakakarinig ng balitang ito mula sa Diyos. Nasa atin ang tungkulin ng pagpili kung paniniwalaan ba natin ito o hindi. Ngunit sa panig ng Diyos, pawang katotohanan lamang ang sinasabi ng Panginoon tungkol kay Jesu-Cristo na ating Tagapagligtas.

2. Ang Paraan ng Diyos Upang Tayo ay Maligtas (v.12)

Ang paraan ng Kaligtasan ay "paniniwala sa balitang mula sa Diyos".  

Sa mga tao noong unang siglo na nakarinig at nakabasa sa sulat na ito ng Biblia, kapag sinabing "maniwala sa balita" tumutukoy ito sa;

a. Paniniwala kay Jesu-Cristo bilang Anak ng Diyos, na dapat sambahin. Ang mga tagapakinig ay mga Judio, na sumasamba lamang sa Diyos na nasa langit at ang mga pagano na sumasamaba sa mga diyus-diyosan. Kung maniniwala sila sa balitang ito, kailangan ilipat ang kanilang pagsamba kay Jesus-Cristo. 

b. At kung ito ay kanilang gagawin, kailangan silang pabautismo, upang ipahayag ang kanilang pagsapi sa mga Kristiano na inuusig sa panahon na iyon. 

c. Pangatlo, kapag nagpahayag sila ng paniniwala sa Balitang ito, kailangan silang sumunod sa mga patakaran ng samahang Kristiano tulad ng pagmamahal sa kapwa Kristiano bilang tunay na kapatid, hindi pagihiganti sa mga umuusig sa kanila, at tapat na pagsunod sa mga turo ng Panginoong Jesus na ibinabahagi ng mga apostol. 

Ang "paniniwalang" ito sa Panginoong Jesus ay isinasabuhay at hindi 
pinaniniwalaan sa isipan o salita lamang.

3. Ang Kasiguruhan ng Kaligtasan sa Pamamagitan ng Pananalig (v.13)

Ang pagtanggap sa Balitang ito ay nagbubunga ng kaligtasan.  Ang pagiging Kristiano ay hindi lamang pagkakaroon ng sekta o pangalan ng isang kinaaanibang grupo ng relihiyon. 

Ito ay may importanteng katangian na dapat natin hanapin sa ating buhay upang mapatunayan natin na tayo nga ay totoong kabilang sa mga tunay na sumasampalataya sa Panginoon.

a. Kapatawaran - ang tunay na Kristiano ay pinatawad na at wala na siyang bahagi sa dating masamang pagkatao. Nilinis na tayo at inalis na sa dating pamumuhay.  Sa pahayag ng Biblia, tayo ay mga "inampon o adopted" ng Diyos (Efeso 1:5) at tayo ay dating napapailalim sa kapangyarihan ng kasamaan. Sabi s Efeso 1: 1-3

1    Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan. 2 Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa prinsipe ng kasamaan, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos. 3 Ang totoo, tayong lahat ay dati ring namumuhay ayon sa ating laman, at sumusunod sa masamang hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya't sa ating likas na kalagayan, kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng Diyos.

Dahil sa pahayag na ito, maasahan ng sinumang maniniwala sa Balitang mula sa Diyos na hindi na aalungkatin pa ng Diyos ang nakalipas. Mawawala na ngayon ang anumang gapos ng masamang nakalipas sa buhay ng isang pinatawad. 

b. Bagong Buhay 

Ang bangungot ng nakaraan ay wala ng lugar sa bagong buhay na kaloob ng Diyos.  Ang anino ng nakalipas ay mawawala sa liwanag ng Diyos. Ang tanging makikita ngayon ay isang bagong pagkatao na kalarawan ni Cristo. 

c. Panghuli, kapag pinakikinggan ito ng sinaunang Kristiano at pinaniwalaan ang Balitang mula sa Diyos, ito ay kasabay nilang sinasampalatayanan na sila tatanggap ng buhay na walang hanggan. 

Maraming Judio ang hindi naniniwala sa buhay na walang hanggan noong panahon ng Panginoong Jesus. Sa paniwala nila, dito lang sa lupa ang buhay ng tao. Ang mga pagano naman ay naniniwala sa Hades o lugar ng mga patay, kung saan nanatili lamang silang bilanggo doon. 

Ngunit ang buhay na walang hanggan na sinasabi ng Balitang mula sa Diyos ay buhay na nagsisimula dito sa lupa (buhay nasagana at kasiya-siya ayon Juan 10:10) at aabot hanggang sa kabilang buhay.  Ito ay hindi katulad ng paniniwala ng pagano sa lugar ng Hades at kabaligtaran naman ito ng paniniwala ng mga Judio. 

Sa mga unang nakarinig nitong Balita, para sa kanila ito ay bagong pananampalataya! Kaya ang hamon ng Kristianismo sa kanila ay isang bagong paniniwala, dahil winawasak nito ang paniniwala sa dati nilang relihiyon.

MGA TANONG SA TALAKAYAN

1. Bakit hindi kumpleto ang maniwala sa Ebanghelyo sa isip at salita lamang? Paano kinukumpleto ng gawa ang pananampalataya? 

2. Kung ang bagong buhay na kaloob ng Diyos ay bunga ng ganap na pagpapatawad, paano natutulungan sa iglesia ang mga dating nagkasala upang lubusan silang lumaya sa kanilang masamang nakalipas? 

3. Paano naliligtas ang isang tao sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo? Paano naliligtas ang tao mula sa kasalanan at kasamaan? Ano ang mga halimbawa ng kasamaan ang sumisira sa buhay ng tao na dapat nating gapiin?

Banal na Komunyon

Sa Banal na Komunyon: Kasama Natin Si Jesus!
Luke 24:13–35

Ang ating kwento mula Biblia ay salaysay ng dalawang alagad na pauwi sa kanilang tahanan. Pagkatapos nilang makita si Jesus na namatay at inilibing, ang tanging hangarin nila ngayon ay bumalik na lamang sa kanilang tahanan sa Emaus. 

Noong sumunod sila sa panawagan ng Panginoon upang maging alagad, iniwan nila ang kanilang tahanan at pamilya. Ngayong wala na ang Panginoon, marahil nga, ang pinaka magandang magagawa nila ay ang umuwi. 

Sa Daan Pauwi

Masarap umuwi lalo kapag may sasalubong sa iyo tulad ng halik ng asawa at yakap ng mga anak. Masaya rin sila kung may pasalubong na dala ang isang uuwi ng tahanan. Sa tahanan maririnig ang mga halakhak, tawanan at mga pagbabawal ng magulang sa kakulitan ng mga bata. Walang lugar na katulad ng tahanan. 

Ngunit ang pag-uwi na iyon nina Cleopas at ng kasama nila ay isang malungkot na pag-uwi. Naaalala ko po ang mga kwento ng mga biktima ng mga illegal recruiter noong bata pa kami sa aming baryo. 

Isang pamilya ang nagbenta ng kanilang nag-iisang kalabaw at maliit na lupang sinasaka upang makapunta sa Saudi Arabia ang ama ng tahanan. Sa pamamagitan ng pangingibang bansa, inasahan ng pamilya na sila ay uunlad na sa kabuhayan. Ngunit lingid sa kaalaman ng ama, siya ay biktima pala ng illegal recruitment. Inihatid pa naman siya sa airport ng buong pamilya. Pagdating sa airport ng Maynila, wala siyang passport, wala siyang ticket at wala rin ang recruiter. Umuwi ang buong pamilya na malungkot at bigo. 

Malungkot at bigo, ito rin ang damdamin nina Cleopas. Umasa sila na si Jesus ay ang Messias. Umasa sila na magbabago na ang takbo ng buhay ng bawat Judio na lalahok sa kilusan ng Panginoong Jesus. Ngunit ngayong patay na si Jesus, patay na rin ang kanilang pag-asa. 

Pauwi sila sa Emaus dala ang malungkot na balita, patay na ang inaasahang nilang Tagapagligtas. Ang dala nila ay kwento ng kabiguan. Marahil nahihiya nga silang uuwi sa kanilang bayan ng Emaus. 

Sinamahan Sila Ni Jesus sa Pag-uwi

Sa kanilang paglalakbay pauwi, nakisabay ang Panginoong Jesus sa kanila. Kasama nila ang Panginoong Jesus pero hindi nila alam na siya yun. Buhay na muli ang Panginoong Jesus ngunit hindi ito namalayan.

May kwento ang dakilang mangangaral na si Charles Spurgeon tungkol sa isang katulong na naglingkod sa isang lalaking mayaman. Namatay ang mayaman at ang tanging iniwan niya sa katulong ay isang sulat. Dahil hindi marunong bumasa ang katulong, umuwi siya at itinabi ang nasabing sulat sa isang sulok ng kanyang barung-barong. Nasadlak sa lungkot ang katulong dahil napamahal siya sa kanyang amo na parang ama niya ito. Bumalik siya sa kanyang dating bahay, sa lalong mahirap na buhay dahil wala na siyang alam na kabuhayan kundi ang maging katulong. 

Isang araw, binisita siya ng kanyang pastor. Pinabasa niya ang nilalaman ng sulat ng kanyang dating amo. At laking gulat ng pastorng mabasa ang sulat. Ito pala ay isang testamento na nagsasaad na ang lahat ng ari-arian ng kanyang pumanaw na amo ay pinamamana sa kanya! 

Kasama niya ang sulat pero hindi niya alam...na siya pala ay tagapagmana. Na siya ngayon ay isang napakayamang tao salupain na iyon!

Ang mga alagad, kasama na nila si Jesus pero hindi pa nila alam! 

Alam ninyo mga kapatid, kahit ngayon baka mayroon kayong pag-papala sa buhay na hindi ninyo nalalaman. Life is full of unrecognized blessings. For so many times, God is just beside us, ready to bless us, ready to journey with us, but we may just not recognize Him. 

Bakit kaya? 

Bakit hindi nila nakilala si Jesus? Ang dahilan, nakapako na sila sa maling kaisipan na patay na si Jesus. 

Sa bahay namin dati, ay may manequin. Ito ay nasa sala at iniwan namin itong nakatayo sa loob ng bahay. Ilang buwan din itong walang nakalagay doon na walang t-shirt (may shorts naman). Minsan, una akong umuwi sa bahay at naisipan kong tumayo sa lugar ng manequin. Tinakpan ko siya ng kumot at doon ako tumayo sa lugar niya. Inalis ko ang t-shirt ko at nag-pose ako na parang ako yung manequin. Dumating si misis at ang aking anak, at hindi nila napansin na nandoon ako sa bahay. Padaan-daan sila sa aking harapan ko ng mahabang sandali at hindi nila alam na nandoon ako!

Kaya ng ako ay kumilos, nabigla po sila. Nandoon lang ako, pero hindi nila alam. 

Nakapako kasi ang kanilang kaisipan na manequin ang naroon, kaya hindi nila ako pansin habang ako ay naroon lamang. 

Nandoon lang si Jesus, pero hindi nila alam na Siya na pala ang kasama nila. 

Hindi kaya ganyan din tayo mga kapatid? Nandiyan lang ang Panginoon pero hindi natin alam? Na ang turing natin sa Diyos ay isang estranghero?

Gayun pa man, matiyaga parin silang tinuruan ng Panginoon. Pina-alala ng Pagninoong sa kanlila ang mga hula sa Lumang Tipan. Sa kanilang mahabang lakaran, marami rin ang naibahagi ng Panginoon sa kanila, ngunit isa lang ang alam nilang kwento, nakapako pa rin sila sa maling kaisapang "Patay na si Jesus.".

Nang Makauwi na Sila

Pagdating sa Emaus, pinatuloy nila ang Panginoon sa kanilang tahanan. At ito ang pinaka magandang bahagi ng kwento. Hindi man nila naunawaan ang mga sinasabi ng Panginoon, hindi man nila nakilala si Jesus, pinatuloy nila ang "estranghero ito" sa kanilang tahanan. 

May kwento tungkol sa isang pamilyang hindi mananampalataya. Isang araw nakipanuluyan ang isang pastor sa kanilang bahay at tinanggap naman nila ang pastor. Sa una nilang pagharap sa hapag kainan, hiniling ng pastor na manalangin sila, at ito ay nakabigla sa pamilya dahil hindi naman sila sanay manalangin. Ngunit sa unang pagtanggap nila sa pastor na iyon, sa unang panalangin nila, nakadama ang pamilya ng kakaibang diwa. Nakaramdam sila ng presensya ng Diyos. Karanasan na hind nila maunawaan, pero totoo. Mula noon, hinahanap-hanap nila ang panalangin ng pastor, hanggang sila ay naging mananampalataya. 

Nang nasa hapag na sila, kumuha ng tinapay ang Panginoong Jesus at hinati tio, matapos magpasalamat, ibinigay niya ito sa mga alagad. 

Bigla nabuksan ang kanilang mga mata! Kasama pala nila si Jesus!

Banal na Komunyon, Paraan ng Diyos Upang Buksan ang Ating mga Mata

1. Binubuksan ng Banal na Komunyon ang mata natin upang malaman natin na kasama pala natin si Jesus sa ating paglalakbay sa buhay. At kahit sa gitna ng mga kabiguan, sa gitna ng lungkot, God is journeying with us. Hindi po tayo tinalikuran ng Diyos.

2. Pangalawa, binubuksan ng Pangiinoon ang ating mga mata sa pamamagitan ng Banal na Komunyon sa katotohanang handa siyang pumasok sa ating buhay, Handa siyang manuluyan sa ating mga tahanan upang makasalo natin siya.

3. Pangatlo, ang banal na Komunyon ay katibayan na ipinagkaloob na sa atin ang pinaka-mahalagang pagpapala ng buhay at kaligtasan. Ibinigay ng Ama ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sasampalataya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

Ilang beses na po akong nakarinig ng mga kwento ng mga nagpapatiwakal na tao. At kadalasan, ang iniiwan nilang sulat ay magkakahawig. Sabi nila, "Walang nagmamahal sa akin.." 

Sayang ano po. 
Hindi nila alam mahal sila ng Diyos.
Kayo, alam na po ba ninyo na mahal kayo ng Diyos? 
Na dahil sa pagmamahal niya sa atin Siya ay kusang namatay para sa ating kaligtasan?

Hinati niya ang tinapay at ibinigay sa kanila...at nabuksan ang kanilang mga mata.  Halina po sa hapag ng Panginoon at makisalo.

Salvation from God

Kaligtasang Kaloob ng Diyos
1 Peter 1:3–9

Kung paano makaaabot sa Diyos ang tao ang matagal ng usapin.  Maraming relihiyon ang nagsasabi na ang paraan ng kaligtasan ay sa pamamagitan ng mabuting gawa ng tao.   At ang kaligtasan ay itinuturing na gantimpala sa mabuting gawa.  

Ngunit sa Biblia at tamang katuruang Kristiano, malinaw na sinasabi ni Apostol Pablo na ang kaligtasan ay biyaya ng Diyos.  At ito ay matatanggap sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoong Jesu-Cristo lamang (Efeso 2:8-9). 

Ang mga apostol ay nagkakaisa sa doktrinang ito ng kaligtasan.  Ang mabuting gawa naman ay inaasahang bunga ng pananalig sa Panginoong Jesus.

Ang Kaloob ng Diyos

Ang mga kaloob ng Diyos na mga biyaya ay "sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo".  Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ni Apostol Pablo na ang kanyang pinakahahangad ay,

"Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay... (Fil. 3:10a)."

Sa ating aralin, may apat na kaloob ang Diyos na bunga ng muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus.  Dahil sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Cristo; 

a. Tayo ay binigyan ng Bagong Buhay (v.3)

Ang pagiging Kristiano ay pagkakaroon ng bagong buhay. Ganito ang sabi ng Roma 6:4, "Samakatuwid, tayo'y namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay."

Maliban na ang isang tao ay magkaroon ng bagong buhay o ipanganak na muli, ang taong ito ay hindi tunay na sumampalataya at hindi maliligtas.  

Ang bisa ng muling pagbuhay ni Cristo ay inaasahang makikita sa buhay ng bawat Kristiano sa pamamagitan ng ating pgbabagong buhay.

b. Tayo ay Pinagkalooban ng Isang Buhay na may Pag-asa (v.3)

Ang pag-asa (hope) ay pagkakaroon ng positibong pananaw sa kasalukuyang buhay dahil sa mga magagandang. mangyayari sa hinaharap. Dahil sa muling pagkabuhay, makakaasa tayo sa dakilang pag-iingat ng Diyos, mga dakilang pagpapala para sa ating mga pangangailangan, at sa ating makakamit na buhay na walang hanggan.  Ang pag-asang ito ay nasa atin na, bagamat ang kaganapan nito ay sa hanaharap pa (Roma 8:24).

c. Tayo ay Pinagkalooban ng Kaligtasan

Ang muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus ay batayan ng pananampalataya sa Biblia na inaasahang sasampalatayanan ng isang nagnanais maligtas. Ang bunga ng tunay na pananampalataya ay kaligtasan (v.9). 

Sa Roma 10:9 ay mababasa ang ganito, 

"Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka."
   
d. Tayo ay Pinagkalooban ng Kagalakan

Ang tinutukoy dito ay hindi lamang masayang damdamin.  Kahit ang mga namumuhay pa sa kasalanan ay maaring maging masaya.  Ngunit ang mga nagpapasakop sa kapangyarihan ng Diyos nakakaranas ng tunay na pagpapala sa kabuoan ng kanilang buhay espiritual, emosyonal at material na kalagayan. 

Ang mga nasa Panginoon ay may kapayapaan.  Ang mga nasa kasalanan ay mayroong kasiyahang pagsamantala, ngunit wala silang kapayapaan (shalom). Ang isang tunay na Kristiano ay payapang makakaharap sa mga sakit, pagsubok o maging sa kamatayan, dahil alam niya na may nakalaang buhay na walang hanggan para sa kanya. 

Ang isang makasalanan ay takot sa kahatulan ng Diyos, samantalang ang isang tunay na nakiisa kay Cristo ay hindi na hahatulan (Roma 8:1).

New Life in Christ

Ang Ating Bagong Pagkatao
1 Peter 1:17–23

Ang ating bagong pagkatao ay isang bagong puso, bagong pag-uugali, at pag-ayaw sa kasalanan.  Ito ay buhay na may bagong direksyon.  Dati, ito ay naghahanap ng sariling kapakanan.  Ngayon, ang ating buhay ay nagpapasakop sa kalooban ng Diyos.  

Ang isang tunay na Kristiano ay nakadarama ng pagbabago sa sariling buhay.  Mayroon siyang kauhawan sa Diyos, sa kanyang Salita, sa pananalangin at pagsamba. Ang nais niya ngayon ay ang masunod ang kalooban ng Diyos. 

Ang paliwanag ng apostol Pedro ay kung saan naguugat ang ganitong pagbabago na nakikita sa mga Kristiano.

1. Una ito ay naguugat sa ating bagong kaugnayan sa Diyos bilang ating Ama (v.17).  At dahil siya ang ating Ama, namumuhay tayo na may malalim na takot at paggalang sa kanya (reverence).  Ito ay kung paano natin seryosong sinusunod ang bawat kalooban ng Diyos pagdating sa mga ginagawa natin sa ating buhay. At habang patuloy tayo sa pagsunod, ang ating pagkatao ay nahuhubog ayon sa ninanais ng Diyos para sa atin. 

2. Pangalawa, dahil tinubos tayo sa dugo ni Cristo (v.19).  Ang katubusang ito ay higit pa sa lahat ng kayamanan ng buong daigdig.  Ang ginamit na salita dito (lutrooo sa Greek) ay tumutukoy sa bayad upang palayain ang isang alipin o ang bihag sa digmaan.  Tayo naman, ay mga dating bihag ng "walang saysay na pamumuhay" (worthless manner of life), na namana pa natin mula sa ating mga ninuno.  At ngayon, tayo ay pinalaya na ng Panginoon. Sa ganitong paraan nagkaroon ng saysay ang ating buhay.  

Sa dati nating buhay, ang kaligayahang nadarama noon ay pawang pansamantala.  Masaya ka ng ilang sandali at pagkatapos ay babalik ka rin sa lungkot. Ang ibang damdamin sa buhay makasalanan ay mga pagkukunwaring kaligayahan.  Mga ngiti sa labi ng isang nagdurugong puso. 

Ang isang tinubos ay masaya dahil totoo siyang malaya mula sa kasalanan.

3. Pangatlong pinaguugatan ng ating pagbabagong buhay ay ang ating pagsampalataya sa Diyos (v. 21). Hindi maaring paghiwalayin ang pananampalaya sa Diyos sa pagbabagong buhay.  At kung walang pagbabagong buhay, ito ay nangangahulugan ng kawalan ng tunay na pananampalataya sa Diyos. Ang pananalig sa Diyos ay pagtitiwala sa ginagawa ng Diyos para sa atin. 

4. Pang-apat, ay ang pagsunod natin sa katotohanan (v. 22).  Dahil dito, nasasabi natin na nilinis na tayo ng Diyos.  Nagiging pagkukusa na ngayon ang ating pagtalima sa kalooban ng Diyos.  Ang pagsunod sa Diyos ay hindi lamang pagbabago sa panlabas na anyo.  Ito ay naguugat sa pagbabago ng kalooban ng tao, upang ibigin ang Diyos ng buong puso.  Ang pagsunod sa Diyos ay hindi pasanin kahit gaano ito kahirap.  Sa halip ito ay nagbibigay ng kagalakan sa mga Kristiano.   

May mahalagang doktrina na nakapaloob sa ating aralin. 

Ang pagtubos (redemption) at pagbabagong buhay (transformation) ay gawa ng Diyos sa ating buhay (God's work in us).  Ngunit ang pagsunod natin sa kalooban ng Diyos ay katibayan ng pagkilos ng Diyos sa ating buhay (God's work through us).   Ang pagiging masunurin sa Diyos ay resulta ng sinasabi ni Apostol Pablo na "si Cristo na ang nabubuhay sa akin".  Ang kanyang mabubuting gawa ay parangal sa Panginoon at hindi niya itinuturing na sariling karangalan. 

Ang saligan natin sa katotohanan ay walang iba kundi ang Salita ng Diyos. Ito ay itinuturing nating mga nakasulat na kalooban ng Diyos.  

Ayon sa talatang 23, "Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng kapanganakang may kamatayan, kundi sa bisa ng buhay at di nagbabagong salita ng Diyos."  

Ang Bungang Inaasahan Mula sa Pagbabago

Ang inaasahang bunga ayon sa talatang 22, ay kapag "naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang magkakapatid, nawa'y maging maalab at taos sa puso ang inyong pagmamahalan."

Ang pagbabago sa buhay ng isang Kristiano ay hindi lamang isang personal na pagbabago.  Lalo itong mapapatunayan kung ito ay magbubunga ng maayos na kaugnayan sa loob ng iglesia.  Ang pag-ibig sa kapatiran ay ang inaasahang bunga ng tunay na pagbabago dahil ito ang layunin ng Diyos para sa atin.  

Sabi ng Panginoong Jesus, "Malalaman ng  mga tao na kayo ay alagad ko, kung nagmamahalan kayo."

Mga Tanong sa Talakayan

1. Ano ang mga halimbawa ng mga "walang saysay na pamumuhay" na dating nagagawa natin at namana pa mula sa ating mga ninuno, na ngayon ay inalis na ng Panginoon?

2. Paano malalaman ng isang tao na siya ay binago na nga ng kanyang pananampalataya sa Diyos?

Christian Suffering

Makabuluhang Pagtitiis
1 Peter 2:19-25

Noong tayo ay tawagin ng Panginoon ang mga alagad upang sumunod sa Kanya, sinabi niya na kailangan nilang talikuran ang sarili at pasanin ang kanilang krus (Lucas 9:23).  Tulad ng mga unang alagad, tayo rin ay tinawag ng Panginoon at mahalagang maunawaan natin ang kahulugan ng makabuluhang pagtitiis. 

May mga pagtitiis na bunga ng parusa sa nagawang kasalanan.  Ngunit may uri ng pagtitiis na bunga ng ginagawang kabutihan.  Ang pagtiis ng mga bayani ay halimbawan nito.  Sila ay pinarusahan dahil sa paggawa ng mabuti.  

Ang Kalagayan ng Mga Kristiano Noon

Ang mga Kristiano sa panahon na isinulat ang 1 Pedro, ay kakaunti sa bilang ng populasyon (minority).  Marami sa kanila ang alipin na pinahihirapan ng kanilang mga amo dahil sila ay mananampalataya sa Panginoong Jesus.  Sa ganitong kalagayan sila sinulatan ng Apostol Pedro. 

Bahagi ng sistema ng lipunan ang ganitong kaugnayan ng amo at mga alipin. Ang mga mayayamang Hentil ay karaniwang malupit sa mga alipin nila.  Dahil kakaunti lamang ang mga Kristiano, hindi pa naging usapin kung dapat nga bang baguhin ang sistema ng lipunan noon.  

Mabuting Pagtitiis

1. Pagtitiis Upang Magkapagpatotoo (v. 19)

Ang mga unang alagad ay nakaranas ng mga hindi makatarungang parusa mula sa kanilang mga amo.  Ang kanilang pagtitiis ay upang maipakita nila na tunay silang alagad ni Cristo, at ng sa gayon ay mahikayat din nila ang kanilang mga amo sa pananampalataya. 

Sa kanilang kalagayan, sa halip na ituring nilang pagdurusa ang paghihirap, hinihikayat ng apostol na ituring ng mga Kristiano ang paghihirap (unjust suffering) bilang pagkakataon upang maipakita nila na sila ay mga tunay na naniniwala sa Diyos. 

2. Pagtitiis bunga ng paggawa ng Kabutihan (v. 20)

Ang paggawa ng kabutihan ay higit sa pagbibigay ng mga bagay na hindi na natin kailangan, o pagkakaloob ng mga gamit na napaglumaan na. Ang paggawa ng mabuti ay may kaakibat na 
sakripisyo.  Ang layunin ay para sa ikabubuti ng higit na nakakarami.    

Sa kalagayan ng mga Kristiano sa panahong iyon, hindi madali ang gumawa ng mabuti sa mga taong nagpapahirap sa kanila. Ngunit sa halip na gumanti, nakikita ng apostol na ito ay pagkakataon pa rin upang magliwanag sila bilang mga alagad ni Cristo. 

Ang paggawa ng kabutihan sa gitna ng paghihirap ay ang dahilan kung bakit nahikayat na maging Kristiano ang mga Romano. Dahil habang pinahihirapan nila at pinagpapatay ang mga Kristiano, lalong nakikita ang kanilang katapatan sa pananampalataya sa Diyos. 

Ang pananatiling tapat sa Diyos hanggang kamatayan ang siyang pinakamabisang patotoo sa mga hindi sumasampalataya. 

3. Pagtitiis tulad ng ginawa ni Cristo (v. 21-23)

Kung mananatili sila sa pananalig, sa gitna ng pagsubok, sila ay lalong pinadadalisay ng Diyos sa kanilang kaugnayan sa Panginoon. 

Sila rin lalong nagiging katulad na Cristo na dumanas din ng paghihirap upang makamit ang lalong mabuti para sa nakararami. 

Pentecost Sermon2

 Day of Pentecost

Acts 2:1-21
1 Corinthians 12:3b-13

Kapangyarihan  Mula sa Kalangitan

Ang Diyos ay makapangyarihan. Ito ang dahilan kung bakit maari lamang siyang katagpuin na may takot at paggalang. Siya ang hahatol sa ating lahat at siya ang may hawak ng buhay ng lahat. 

Ngunit ang Diyos ay pag-ibig. Ang paraan niya ng pagkakaloob ng buhay ay pagkakaloob ng kanyang sariling buhay.  Sa paglikha, nabuhay si Adan dahil ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang sariling hininga. Sa ating pagkahulog sa kasalanan, ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang buong buhay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesus.  Upang tayo ay lumago sa kabanalan, muling ipinagkakaloob ng Diyos ang kanyang sarili, sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ibig sabihin, ang Banal na Trinidad ay ang patuloy na gawain ng Diyos tungkol sa pagkakaloob ng kanyang sarili. 

Apoy at Hangin

Dumating ang Banal na Espiritu ayon sa sinabi ng Panginoong Jesus.  Sa anyo ng apoy, ang Espiritu Santo ay dumadalisay (purging) at sa anyong malakas na hangin, ito ay nagbibigay buhay at nagpapakilos ng kanyang dinadaanan. Ang hangin ding ito ang anyo ng Espiritu sa paglikha. Sa kanyang pagkilos, lumilikha siya ng bagong bagay. 

Sa Pentecostes kung gayun, ang Diyos ay lumilikha ng panibago. Ito ay bagong simula ng kasaysayan.  

Kung sa paglikha, gumawa ang Diyos ng tao, na kanyang hinngahan sa ilong upang mabuhay.  Ngayon, muli siyang nagtitindig ng panibagong uri ng tao.  Sila ang mga bagong anak ng Diyos na lalakad sa mundo. Sila ang mga Kristinong, hingahan ng Diyos, upang taglayin ang Espiritu ng Panginoon!

Epekto ng Petecostes

1. Nagkaroon ng Tapang at Kapangyarihang Magpahayag ang mga Alagad

Noong ipako sa krus ang Panginoon at namatay, namatay din ang pag-asa ng mga alagad.  Noong muling nabuhay ang Panginoon, muli rin silang nabuhayan ng loob! Ngunit nang dumating ang Banal na Espiritu, nagkaroon sila ng tunay na lakas ng loob!

Ang pagdating ng BAnal na Espiritu kasi ang katuparan ng mga pangako ng Panginoong Jesus na;

a. Hindi sila iiwan ng. Panginoon ni pbabayaan man hanggang sa wakas ng panahon, 

b. pangalawa, na darating ang Espiritu ni Cristo sa kanila upang magbigay kapangyarihang magpatotoo (Gawa 1:8).

2. Ang Mensahe ng Kaligtasan ay Naipahayag at Naunawaan sa Kabila ng Pagkakaiba ng Wika ng mga Tao

Sa pagdating ng Espiritu, nagunawaan ang mga tao habang ipinapahayag ang Salita ng Diyos.  Hindi naging isa ang kanilang salita.  kundi pa naman, nauunawaan ng mga kagapakinig ang Mensahe ng Kaligtasan ayon sa kani-kanilang sariling wika! Ibig sabihin, sa presensya ng Espiritu, makapangyarihang naipapahayag sa Salita, at ito ay nakakarating ng malinaw sa mga nakikinig. 

3. Nagbunga ng Malawakang Pag-ani ng mga Kaluluwa

Panghuli, ang presensya ng Espiritu ay nagbubunga ng mabungang ani ng mga kaluluwang naliligtas! Tunay na kapangyarihan ng Diyos ang nakapagliligtas at hindi talino, kabutihan o galing ng tao! 

Sa unang sermon ni Pedro, tatlong libo ang sumampalataya! Marami ang lumaya sa kasalanan at gumagaling sa mga sakit hanggang ngayon! Purihin ang Panginoon! Hindi Siya nagbabago!

Mother's Day

Araw ng mga Ina
Romans 16:13

Maraming taon na ang nagdaan, may isang tunay na pangyayari tungkol sa isang ina na naglakbay sa bulubunduking bahagi ng South Wales, England. Dala niya ang kanyang anak at sila ay naglakbay, ngunit sinalubong sila ng malakas na bagyo ng yelo. Sa lakas ng pag-ulan ng snow, halos hindi na makita ng ina ang daraanan. Dahil sa tindi ng lamig, namatay ang babae. Noong mahukay ang kanyang bangkay sa ilalim ng yelo, nakita na buhay pa rin ang kanyang anak. Hinubad pala ng ina ang kanyang mga damit at ibinalot sa bata. At saka niya niyakap ng mahigpit ang bata, sa gayung paraan nailigtas niya ang kanyang anak. Ang batang ito ay nakilala bilang si David Lloyd George, na sa kanyang pagtanda ay naging prime minister of Great Britain. Isa sa mga dakilang leader ng Inglatera.  

Ang kabanatang 16 ng aklat ng Roma ay talaan ng mga mahahalagang tao sa ministeryo ni Pablo.  At isa sa kanyang binanggit ay ang ina ni Rufo.  Siya ay isang mabuting ina para sa kanyang anak, at gayun din kay Pablo na nagturing sa kanya na  "para na rin niyang ina."

Sa buhay ng mga pastor,  totoo na may mga miembro ang ating iglesia na inilalagay ng Diyos bilang mga "ina" sa simbahan. Sila ay parang ina ng mga pastor at mga deakonesa. Sila minsan ay nagluluto, naglalaba, at nagpaplantsa ng barong ng manggagawa bago dumating ang Linggo. Sila ay kabilang sa mga mahirap kalimutan sa mga destino. 

Kung inyong itinatanong kung sino si Rufo, siya ay anak ni Simon na taga-Cirene. Si Simon ay ang lalaking nagbuhat ng krus ng Panginoong Jesus patungong kalbaryo. Ang ina na tinutukoy ni Pablo na para na rin niyang ina ay asawa ni Simon taga Cirene. Ang kanilang pamilya ay may kaugnayan sa nakita at naranasan ng kanilang ama. Saksi si Simon na taga-Cirene sa pagdurusa at kamatayan ng Panginoong Jesus. At nasaksihan din niya ang muling pagkabuhay ng Panginoon.   At sa nasaksihan niyang ito - siya ay naging mananampalataya. 

At ang pananampalatayang ito ay ibinahagi niya sa kanyang asawa at mga anak.

Sa araw na ito, samahan natin si Apostol Pablo na parangalan ang isang ina. At gayun din, parangalan natin ang mga ina, ang bawat ina ng mga pamilya. 

1. Una, parangalan natin sila dahil sa kanilang pagmamahal. 
May maari bang magmahal ng higit sa isang ina?  Mula sa paglilihi, pagdadalantao, panganganak, at pagpapalaki ng anak, ang ina ang nagbubuhat ng isang napaka-laking responsibilidad.  Ang lahat ng ito ay ginagawa niya hindi lamang bilang isang tungkulin, kundi bunga ng pagmamahal sa kanyang supling.  Ang bawat nanay ay sibol ng pagmamahal sa kanyang pamilya.  Sila ay mga balon ng paglingap, modelo ng paglilingkod. 

Ngunit madalas sila ay hindi pinapansin.  Hindi sila napapasalamatan ng kanilang asawa at ng mga anak.  Madalas pa ngang mapintasan dahil kulang sa alat ang niluluto o kaya ay hindi sila nakapag-laba agad ng uniporma ng anak na nag-aaral.  Sila ay madalas namumuhay na parang katulong, kung hindi man alipin.  Naiiwan mag-isa sa tahanan, upang maghanada ulit sa pagdating ng kanyang pamilya upang maghain ulit ng makakain sa hapunan.  Talagang walang katulad ang mga nanay. Pwede bang palakpakan natin sila?

2. Pangalawa, parangalan natin sila sa tindi ng kanilang impluensya sa buhay ng kanilang mga anak. 
Alam ba ninyo na si Thomas Edison ay hindi tinanggap sa paaralan noong siya ay bata pa? Sabi ng guro niya, "Bobo ang anak ninyo at wala na kaming magagawa para matulungan siya." Sumagot ang ina ni Thomas, "Hindi lamang ninyo kilala ang aking anak, ako na lamang ang magtuturo sa kanya." At lumaki si Thomas Edison na isa sa masasabing pinakamatalinong tao na nabuhay sa mundo.

Hindi maaring tawaran ang impluensya ng isang ina sa kanyang mga supling.  Sinasabi na si St. Agustine ay naging Kristiano sa impluensya ng kanyang ina.  Dahil sa kanya, naging matatag ang theologiya ng Christian Church.  Kung ano tayo ngayon ay utang natin sa ating mga nanay.  

3. Pangatlo, parangalan natin sila dahil sila ang ilaw ng ating mga tahanan.
May kasabihan ang mga Judio.  Sabi nila, “Ang naulila ng tatay ay ulila sa ama, ngunit ang naulila sa nanay ay para naring ulilang lubos.”   Sa sinapupunan ng nanay nagsisimula ang buhay ng isang bata.  At ang buong pamilya ay umaasa sa patnubay at gabay ng nanay hanggang sa paglaki ng mga anak.  

Ang nanay ay ang bumabalansse sa lakas at disiplina ng mga tatay.   Habang ang mga tatay ay nagtatrabaho, ang mga nanay ang nag-aaruga sa mga anak, nag-aayos ng mga material at emotional na pangangailangan ng mga anak.  

Napalaka-dilim ng isang tahanang walang ina.  Ang mga magulang ang pinag-uugutan ng lakas ng loob ng mga anak.  Ngunti marami ang mga kabataan na hindi nila nakakasama ang kanilang mga anak.  Ang mga kabataan ay nasisikap makakita ng pamilya sa pamamagitan ng kanilang mga barkada.  Ngunit walang maaring maging kapalit ang mga magulang.  

Ang bawat ina ay regalo ng Diyos sa mundo at sa buhay ng bawat isa sa atin.  Parangalan natin sila at pasalamatan.

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...