Lesson IV. Baptism of the Holy Spirit
Ang ating aralin ngayon ay kung paano natin tatanggapin ang Espiritu ng Diyos. Nalaman natin sa mga naunang aralin na;
a. Ang pinapatnubayan ng Espiritu Santo ay mga anak ng Diyos. (Roma 8:14).
b. Ang Espiritu Santo ay tatak ng mga maliligtas (Efeso 4:30).
Ang Espiritu Santo ay ang persona ng Diyos na kasama natin mismo sa ating buhay bilang Kristiano. Tulad ng paalala ni San Pablo,
"Hindi ba ninyo alam na kayo ang templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu?" (1 Cor. 3:16)
Upang tanggapin ang Espiritu Santo, kailangan muna nating alamin ang mga hakbang upang ang bawat isa sa mga Summer Instituters ay ganap na mapuspos ng Espiritu ng Diyos. Tandaan na ang Diyos ay hindi maaring utusan. Kailangan dito ang tapat na pananalangin at kapakumbabaan. Kailangan dito ang tapat na pagnanais upang maligtas at maging banal sa harapan ng Panginoon.
A. Ang Unang Hakbang
Ang unang pagpapakilala sa Banal na Espiritu sa Ebanghelyo ay nasa Juan 1:32-33.
Ito ang patotoo ni Juan, "Nakita ko ang Espiritung bumababa mula sa langit, gaya ng isang kalapati, at nanatili sa kanya (Jesus). Hindi ko siya lubos na nakikilala noon, ngunit ang nagsugo saakin upang magbautismo sa tubig ang nagsabi sa akin, "Makikita mo ang Espiritu na bababa at mananatili sa isang tao- siya ang magbabautismo sa pamamagitan ng Espiritu Santo."
Ang bahaging ng Biblia ay lubhang mahalaga kung talagang gusto nating tanggapin ang Banal na Espiritu dahil ang Panginoong Jesus ang tanging nagkakaloob sa Bautismo sa Espiritu Santo.
Ang unang hakbang kung gayun ay, kailangan munang tanggapin nating lahat ang Panginoong Jesus para sa ating kaligtasang espiritual.
1. Magsisi - humingi ng kapatawaran sa mga kasalanan, lubos na talikuran ang mga kasalanan at magsimula ng mamuhay bilang totoong anak ng Diyos.
2. Maglingkod sa Diyos na may ganap na pagpapasakop sa kalooban at kapangyarihan ng Panginoong Jesus. Siguraduhing naitataas ang Panginoong Jesus sa iyong buhay at hindi ang iyong sarili.
B. Pangalawang Hakbang
Ang presensya ng Banal na Espiritu sa mga alagad ay kamangha-mangha! Nakagawa sila ng mga himala maging bumuhay ng mga patay! Dahil dito, marami ang nagnais tumanggap ng Espiritu Santo. May isang tao na nagngangalang Simon, isang Salamangkero ang nais magbayad kahit magkano, upang makamit niya ang Espiritu Santo, ngunit nagalit ang mga alagad sa kanya at siya pinarusahan.
May tamang paraan upang tanggapin ang Espiritu ng Diyos. Bagamat hindi maaring diktaan ang Espiritu, dahil ginagawa niya ang kanyang kalooban at hindi siya maaring utusan bilang Diyos, gayunman, alam natin na tumutugon siya sa pagbubukas ng ating sarili sa ganap na paghahari ng Diyos sa ating buhay.
1. Hangarin ang Banal na Espiritu at hilingin ang kanyang pagpuspos sa pamamagitan ng pananalangin. Ayon sa Luke 11:13,
"If you then, though you are evil, know how to give good gifts to your children, how much more will your Father in heaven give the Holy Spirit to those who ask him!"
2. Nasain ang kabanalan ng buhay. Ayon sa Hebreo 12:14,
"Make every effort to live in peace with all men and to be holy; without holiness no-one will see the Lord."
Sabi pa ng 1 Pedro 1:15, " Magpakabanal kayo sapagkat ang inyong Amang nasa langit ay banal."
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.
TumugonBurahin