Sabado, Hunyo 11, 2016

Kasalanan at Kapatawaran (1 Kings 21:1-21, Lucas 7:36-8:3)

Ang Kasalanan ni Ahab at Jezebel
1 Kings 21:1-21

Mabigat na usapin ang mga paratang sa ating pamahalaan. Corruption, pagpatay, droga at iba pa. Maraming paratang ang bagong administrasyon, at gayun din ang dating gobyerno sa bagong pangulo.

Ang mga bagay na ito ay hindi na natin dapat pagtalunan. Ito ay dapat nating idalangin.

Gayunman, ang kasalanan sa mata ng Diyos na banal ay kasamaan. Ang sabi ng Roma 6:23,

"Ang bayad ng kasalanan ay kamatayan. "

Aralin natin ang nagawang pagkakasala ni Ahab at Jezebel.

1. Maling paghahangad.

Makikita sa kwentong ito kung saan nagsimula ang kasalanan ni Ahab. Nais niyang mabili ang lupa ni Naboth. Walang masama dito sa simula.

Kaya nandiyan ang babala ng Diyos sa simula pa kay Cain sa Genesis 4:7. "Cain, pumapasok ang kasalanan sa iyong pinto, kailangan mo itong gapiin."

Ang maling pagnanasa na makuha ang hindi sa atin ay maliit na kasalanan na maaring lumaki.

Kaya kailangan po nating turuan ang ating kaisipan sa mga bagay na nais nating makuha para sa sarili.

2. Maling paraan ng pagkuha ng inahangad.

Inisip ni Jezebel na ipapatay si Naboth. At ito nga ang kanyang ginawa, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang ipapatay si Naboth ng walang kasalanan. Nagpahanap siya ng mga bayarang saksi na magbibintang kay Naboth ng kasalanang hindi niya ginawa. Pagkamatay ni Naboth, nakuha nga ni Ahab ang lupa.

3. Pagtanggap ni Ahab sa ginawang kasalanan ng asawa niya.

Alam niyang mali, sinangayunan pa niya.

Ang ating pagbasa naman sa Bagong Tipan ay tungkol sa pagsisi ng isang babaeng naging masama - at sa halip kaparusahan ay kapatawaran ang kanyang tinanggap. Kabilang sa mga nabanggit ay mga babae ring mga dating alipin ng kasamaan, ngunit bandang huli ay naging lingkod ng Panginoon.

1. Tapat na pagsisisi ng babaeng makasalanan.

Ang kanyang kilos ay nagpapahiwatig ng tapat na pagkakasala.

2. Pagkamit ng kapatawaran mula sa Panginoon.

3. Mga babaeng binago, na naging lingkod ni Cristo.





Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...