AUGUST SERMONS
and SUNDAY SCHOOL LESSONS BASED ON LECTIONARY READINGS
___________________
Sermon 1: Feeding
Ministry ni Jesus August 2, 2026
Matthew 14:13-21
Sa background,
bago ang ating teksto, sa Matthew chapter 14:1-12, may isang birthday party. Birthday party ni Herodes. Libre ang pagkain, nilitsong
baka, tupa at malalaking isda, sari-saring pagkain sa buffet at umaapaw na
alak. Pero sa mga piling bisita lamang ito. Bawal ang mga mahirap. Bawal ang
mga gusgusin. Exclusive party ito para
sa mga may mataas na tungkulin sa lipunan at rich friends ni Herodes. For VIPs
only.
Sa party na ito,
ay may kakaibang plato. Ito ay may ulo ng tao na pinagutan. Ulo ni Juan
Bautista. Masaya ang mga nakasaksi sa kamatayang ito ni Juan. Dahil ayaw nila na
tinutuligsa ni Juan ang kanilang mga kasalanan.
Sa kasunod na
pagbasa, ay ang ginawang pagpapakain ni Jesus na malaking feeding program, 5000+
ang mga taong kumain. Tinapay lang at isda, pero busog ang madla. Kanya-kanya
ang dala ng inumin.
Kung ikukumpara
sa birthday party ni Herodes ang feeding ministry ni Jesus,
a. Si Herodes ay masaya
sa una, pero bandang huli ay naging hollowin party.
·
Dahil napilitan siyang ipapatay
si Juan Bautista, bagamat naawa siya kay Juan. Pero
ang kanyang awa ay damdamin lamang na walang gawa.
·
Hindi niya naipaglaban si Juan.
Hindi niya naipaglaban ang kabutihan.
·
Resulta: ang birthday ay naging
malagim at nakakasuka.
b. Samantalang sa
feeding of the 5000, si Jesus ang in-charge.
· - Kapag si Jesus ang in-charge,
kahit kulang ang pagkain, gagawa ng paraan ng Diyos.
· - Ang naramdamang awa ni Jesus ay
nilapatan niya ng gawa.
· - Pinaglaban ni Jesus ang mga
mahirap at nagugutom sa nais mangyari ng mga alagad.
·
Resulta: Busog ang lahat. Lahat
masaya.
Sa ating pagbasa
sa Biblia, maraming followers si Jesus. Mga taong gutom sa Salita ng Diyos at
gutom din ang kanilang mga sikmura. Sa pagkakaloob ng Diyos ng buhay na sagana,
parehong tinugon ng Diyos ang pangangailangang ito.
Si Herodes din ay
may maraming followers. Mga taong walang prinsipyo. Yumaman lang, handa nilang
isangla sa diablo ang kanilang kaluluwa. Natutuwa sila sa masama, kahit
makasakit o makapatay. Ang ending ng kanilang buhay ay parusa mula sa Diyos.
Sa ating Banal na
Komunyon, nag-aanyaya ang Panginoon sa kanyang dulang. Handa niyang ibigay ang
tinapay at inumin. Ayon sa imbitasyon ng Diyos sa Isaias 55:1, “Sinabi ni
Yahweh, “Narito ang tubig, kayong mga nauuhaw. Ang mga walang salapi ay lumapit
din dito, bumili kayo ng pagkain at ito'y kainin ninyo! Bumili kayo ng alak at
gatas kahit walang salaping pambayad.”
Sa ating
pagtatapos, nais ko kayong tanungin. Alin sa dalawang party ang gusto ninyong
daluhan?
Party ni Herodes
o feeding ministry ni Jesus?
_______________________________________
Sermon 2: When
God Encounters Us
Matthew 14:22-33 August
9, 2026
Nagpapasalamat
ako sa inyong lahat na nagbigay ng oras upang magsimba.
Ang sandaling ito
ay ating oras ng pakikitagpo sa Diyos.
Kung gusto mo ng
makabuluhang pagsamba, katagpuin mo ang Diyos.
Siya ang isipin
mo. Siya ang kausapin mo. (Huwag yung katabi mo.)
Ang bawat sandali
ng panalangin ay pakikitagpo sa Diyos.
Gayundin ang
pagbabasa ng Biblia.
Si Bro. Lawrence
ng France, noong 12th Century, sinabi niya na ang bawat sandali, sa
lahat ng oras maari tayong manatili sa presensya ng Diyos.
Manalangin po
tayo.
Patawarin mo
kami, kami’y mga makasalanang lumalapit sa Iyo. Katagpuin mo kami
Panginoon, sa simbahang ito, at sa bawat sandali. Iparanas mo sa
amin ang iyong pag-ibig, presensya at kapangyarihan. Pagalingin mo po
ang mga maysakit, katagpuin ang nalulungkot at may pangangailangan. Sa pangalan ni
Jesus. Amen.
Sa ating kwento,
naglalayag ang mga alagad sa lawa ng Galilea, dahil pinauna sila ni Jesus.
Pagkatapos
magsiuwian ng maraming tao, nagpunta ang Panginoon sa lugar dalanginan.
Lumipas ang
magdamag, bago mag-umaga, ay pinuntahan ng Panginoong Jesus ang mga alagad na
nasa gitna ng dagat. Naglakad ang Panginoon sa tubig.
Nabigla ang
alagad, at napagkamalang multo si Jesus. Sa paniwala kasi ng mga sinaunang Judio,
ang katubigan ay lugar ng mga masamang espiritu. Ngunit sinabi ng Panginoon,
“Ako ito.”
Sa ating
reflection, nais kong I presenta sa inyo kung saan at paano nakikitagpo ang
Panginoon sa atin.
1. Una, siyempre
ang simbahan o kapilya. Dito, ang Diyos ay nakikitagpo sa atin. Sa pagsamba, we
celebrate God’s presence more than anything else. May nagturo sa akin noon na
spiritual mentor, sabi niya, “Always seek God’s face.” Mula noon, nag-iba na
ang aking pagsamba. Ang lahat ay naging encounter with God para sa akin.
2. Pangalawa
siyempre, ang oras ng pananalangin sa bahay o kahit saan. God is always
available and able to meet us. Tayo madalas ang hindi available. Masyado tayong
busy. Minsan wala tayong oras.
3. Sa pangatlo,
nais kong balikan natin ang kwento ng paglalayag ng mga alagad sa katubigan. Sabi
sa Bible, sumasagwan sila laban sa hangin habang gabi. At sa madalingaraw, dumating
ang Panginoon na naglalakad sa tubig.
Naglalakbay na
sila sa madilim na gabi, sa gitna ng katubigan, lilitaw pa ang isang naglalakad
sa tubig, e talagang matatakot ka nga naman. Ngunit, nagsalita ang Panginoon,
“Ako ito.”
Ano ang gustong
ipakita sa atin ng kwentong ito mula sa Salita ng Diyos?
a. May
pagkakataon na dumarating ang Panginoon upang katagpuin tayo sa ating
paglalakbay sa buhay. Minsan, sa madilim na bahagi ng
ating buhay.
Ang ibig kong
sabihin sa “madilim na bahagi ng buhay” ay kapag may mabigat tayong problema. Yung para bang iniwan ka na ng Diyos. Yung,
parang nag-iisa ka na lang. Pero, bigla mong mararamdaman na sasamahan ka ng
Diyos. “Ako ito.” Sabi ng Panginoon.
b. Sa kwento, si
Peter ay nagsabi, “Kung ikaw nga talaga yan Lord, utusan mo ako, upang lumakad
din ako sa tubig.” Aba, ang angas ano po?
Pero, huwag po
nating masyadong husgahan si Peter. Dahil madalas tayo rin ay may pagdududa.
“Ikaw ba yan
Lord? Bakit mo ko iniwan, Panginoon? Lord, ba’t ganyan?” O kaya hinahamon pa
natin ang Diyos, “Kung talagang tinawag mo ako Panginoon, bigyan mo kami ng
malaking church!”
Sabi ng Panginoon
kay Peter, “Halika.”
·
Eto yung pagkakataon na
sinasabi ng Panginoon sa atin, “Halika, subukan mo.”
Because
Jesus is challenging us to recognize him. And being with Him, kakayanin nating
lakbayin, maging ang madilim na bahagi ng ating buhay. Kakayanin nating lumakad
sa tubig ng mga pagsubok.
·
Hindi naman po inalis ni Jesus
sa madilim na katubigan ang mga alagad. Dumating si Jesus, upang samahan sila
sa gitna ng dagat. Hindi naman po tayo inaalis ng Diyos sa mga problema at mga mabigat
na responsibilidad sa buhay. Instead, dumarating ang Panginoon, kinakatagpo
tayo ng Diyos para samahan tayo, at sabi niya, “Narito ako. Ako ito.”
·
Then Peter, dared to walk on
waters. Kasi sabi niya, “Lord, kung ikaw yan, utusan mo akong lumakad sa
tubig.” Peter proved, that with God, the impossible can be possible.
·
Kaya lang, nawalan ng pananampalataya
si Peter ng maramdaman niya ang malakas na hangin at nagsimula siyang lumubog. At
tumawag siya sa Panginoon, “Lord, save me!”
Ang sabi ng Bible, “Agad-agad. Mabilis siyang inabot ng Panginoon. At
sinabi ni Jesus, ‘ang liit ng faith mo bro’.”
·
Pagka-sakay nila sa banka,
tumigil ang hangin. At sinamba ng mga alagad si Jesus.
Kailan
nakikitagpo ang Diyos sa atin? Sa
lahat ng oras.
Saan nakikitagpo
ang Panginoon sa atin? Sa lahat ng panahon.
Bakit may panahon
o oras na hindi natin maramdaman ang presensya ng Diyos? Kasi wala tayong
panahon para pakiramdaman siya. Hindi siya ang nakakalimot. Tayo ang
nakakalimot sa Diyos.
Lagi siyang may
panahon para sa atin. Tayo minsan, o madalas ang walang panahon sa kanya.
Sa sandaling ito.
Sa lugar na ito, kasama natin ang Diyos.
Sabihin mo sa
kanya ang kailangan mo. Dalhin mo sa kanya ang pasanin mo.
“Ako ito. Narito
ako.” Wika ng Panginoon.
____________________________
Sermon 3: A
Woman of Great Faith August
16, 2026
Matthew 15: 21-28
Ang
pananampalataya ay isa sa Spiritual Gifts na dapat mayroon ang lahat ng
Kristiano.
Faith is having extraordinary
confidence in God’s power to act, enabling prayer and action that moves mountains.
Sa nakaraang
Linggo, si Peter ay nakitaan ng Panginoon ng ‘maliit na pananalig”. Sabi ni
Lord sa kanya, “Ang liit ng faith mo, bro.” Lumubog kasi si Peter sa tubig. Nawalan
kasi siya ng pananalig.
Ngayon, ang ating
kwento mula sa Biblia ay tungkol sa isang babae. Isang ina, na lumapit sa
Panginoong Jesus, dahil napasukan ng bad spirit ang anak niya.
Kailangan tayong
tumulad sa nanay na ito. Ilapit natin sa Diyos ang ating mga anak. Marami
kasing bad influences sa ating panahon, na ginagamitin ng kaaway para sirain
ang buhay, ang isip, at kinabukasan ng ating mga kabataan. Pray for this
generation. Nasa panganib sila ng drug use, vices at pornography at sexual temptations.
Mas mabuti kung
ang Panginoon ang makilala nila habang kabataan pa sila.
Let us reflect on
this story. At ganito ang background ng kwento.
Nasa pagan
district ng Tyre at Sidon sina Jesus at mga alagad, marahil para magpahinga, at
makaiwas sa maraming tao. Pero may babaeng
lumapit sa Panginoon, isang Cananea, isang pagano. Nakikiusap ang babae, na
kung pwede ay pagalingin ng Panginoon ang anak niyang babae na sinaniban ng bad
spirits.
·
Una, hindi siya sinagot ni
Jesus.
·
Pangalawa, sabi ng mga alagad,
“Itaboy ang babaeng iyan. Maingay masyado.”
·
Pangatlo, sumagot si Jesus, “Sa
mga naliligaw na tupa ng sambahayan ng Israel lamang ako isinugo.” Dala ni
Jesus ang minanang kaisipang Judio, na ang ministeryo niya ay para lang sa mga
Judio.
·
Pang-apat, hindi parin tumigil
ang babae. Sigaw niya, “Lord, help me!” Masakit na tugon ng Panginoon, “Hindi
dapat kunin ang pagkain ng mga bata at ibigay sa mga aso.”
·
Panghuli, sagot ng babae, “Totoo
nga, Panginoon. Ngunit ang mga aso man po ay kumakain ng mumong nalalaglag sa
hapag ng kanilang panginoon,”.
·
Sagot ng Panginoon, “Ang tindi
ng iyong pananampalataya!”
Ito po yung
kwento na narinig natin. Ano ang ibig sabihin nito?
Ang kwentong ito
ay isang malaking reflection ng mga unang Kristiano, kung lalabas ba sila sa
Israel sa pagmimisyon? Kung kasama ba ang mga Gentiles o mga hindi Judio sa mga
paglilingkuran at ililigtas ng Diyos? Lalabag ba sila sa minanang tradisyon, na
exclusive lang sa mga Judio ang Diyos at ang kaligtasan?
Tignan natin ulit
ang nangyari. Pagpalain nawa tayo ng Diyos sa pagbubulay sa kanyang Salita.
Una mga kapatid,
Ang babae ay hindi lang basta makulit. Siya ay may malaking pananampalataya kay
Jesus. Ang panawagan niya kay Jesus ay, “Jesus, anak ni David, maawa ka sa akin!”
Isa pa, ang babae
ay may pambihirang pananampalataya sa Panginoong Jesus. Kung si Peter ay may
maliit na pananalig, ang babaeng ito ay ay may malaking pananalig.
Maari bang
manalig sa Diyos ng Israel ang isang pagano? Yes!
Alam ba ninyo,
noong unang panahon ay may doktrina ang Roman Catholic Church, sabi nila,
“Outside the Roman Catholic Church, there is no salvation”. Sinabi nila ito dahil sa mga
Protestanteng umalis sa kanila. May mga denominations
din na nagsasabing sila lang ang maliligtas.
Huwag po sana
tayong matukso na gawin ang ginawa nila. Sa halip tignan natin kung saan tayo
dinadala ng kwento.
1. Tinugon ni
Jesus ang pakiusap ng babae pagano. Ibig sabihin, lumabas tayo sa ating mga
simbahan. Abutin natin ang hindi kabilang sa ating relihiyon. Tulungan natin at
misyunan pati hindi natin ka-miembro.
2. Tinuturuan
tayo ng kwento na ang pag-ibig ng Diyos ay para sa lahat. Hindi namimili ng
tutulungan ang Diyos.
3. Panghuli, nais
ng Diyos na maligtas ang lahat ng tao.
Maging gabay sana
natin ang kwentong ito upang maunawaan natin, na ang ating simbahan ay simbahan
ng barangay. Na ang ating pastor ay pastor ng barangay, ng lahat ng tao at
hindi lang miembro na Metodista.
Alisin po natin
ang pader na humahadlang sa ating misyon. Maglingkod tayo na tulad ng ginawa ng
Panginoon.
·
Be a welcoming church. Open
hearts, open minds, open doors.
______________________________
Sermon 4: Si
Jesus ang Messias Aug
23, 2026
Matthew 16:13-20
Ang mga Sermon
Series para sa buwan ng Augusto ay tungkol sa pananalig.
·
Sa feeding of the 5000,
pinarami ng Panginoon ang kulang na pagkain, upang makakain ng sapat ang lahat.
Dito, nasaksihan ng mga alagad ang kapangyarihan ng Diyos.
·
Sa paglakad ni Jesus sa ibabaw
ng tubig, sinamba ng mga alagad si Jesus.
·
Sa nakaraang Linggo, nakita
natin ang pagtugon ng Panginoon sa pambihirang pananalig ng babaeng pagano.
·
Ngayon, maririnig po natin kung
paano ipinahayag ni Peter ang kanyang pananampalataya sa Panginoong Jesus,
bilang Cristo ang Anak ng Diyos.
Tayo po ay
manalangin.
Tulungan mo po
kami na lubos ka naming makilala, upang kami ay maligtas.Nais po naming
mapabilang sa mga tunay na Kristiano, mga pinatawad, at mga pinili – upang
maging ilaw at asin ng sanlibutan. Amen.
Tayong mga United
Methodists ay dapat mamuhay bilang mga tunay na Kristiano.
Mahirap yung
tinatawag ko ang sarili ko, bilang Kristiano pero sa totoo, hindi naman pala ako
totoong Kristiano.
May isang
artista, nanapakabait sakanyang role sa pelikula,
kaya marami ang humanga sa kanya.
Isang araw, nakita
ng isang fan ang artista para magpa-autograph. Hindi siya pinagbigyan ng
artista. Masungit pala ito sa totoong buhay. Palabas lang pala yung kabaitan
niya.
Maging totoo po
tayong Kristiano, dahil ang ating pagiging Metodista ay pananampalatayang
nakapagliligtas. Tayo ay kabilang sa tunay na iglesia ng Diyos, sa mga sumasampalataya kay Cristo Jesus bilang
ating Panginoon at Tagapagligtas.
Bilang background
ng kwento, mapapansin na sina Jesus at mga alagad ay nasa Caesaria Philippi.
Ito ay isang Gentile territory, kung saan nakatayo ang templo ni pagan god na
si Pan, mukhang tao na may paa ng kambing. Sa lugar na ito ay may iba’t ibang
pananampalataya.
Sa ating reflection
ngayon, may dalawang tanong ang Panginoon sa kanyang mga alagad.
1. Unang tanong
niya, “Ano ang sinasabi ng mga tao patungkol sa Anak ng Tao?”
Sagot nila, 'At
sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan kayo si Juan na Tagapagbautismo. Sabi po
naman ng iba, kayo si Elias. At may nagsasabi pong kayo si Jeremias, o isa sa
mga propeta.” '(Mateo 16:14)
Totoo na si Jesus ay isang propeta. Ngunit
hindi ito kumpletong pagkilala sa Panginoon. Dahil kung propeta lamang siya,
maari nating aralin at sundin ang kanyang mga turo, pero hindi na tayo
kailangang sumampalataya sa Kanya.
2. Kaya
nagpatuloy ang Panginoong Jesus sa pangalawa niyang tanong, “Ngunit para sa
inyo, sino ako?” (Mateo 16:15). Dito sumagot si Pedro, “Kayo po ang Cristo, ang
Anak ng Diyos na buháy.”
Nagsalita ngayon
ang Panginoon, na ito ang pinakamahalagang bagay sa ating pananampalataya.
Na ganap nating
makilala ang Panginoon, bilang ating Diyos at Tagapagligtas o Messias.
Dahil kung ang
isang tao, Metodista man o ibang sekta,
kung ang ating
pananampalataya ay hindi personal na pagkilala sa Tagapagligtas,
Kung ang ating
pananampalataya ay nasa papel lang ng baptismal Certificate, pero wala sa
buhay.
Ang ganitong
pananampalataya mga kapatid ay patay.
3. Masasabi mo
lamang na si Jesus ay ang Cristo, kung tinanggap mo na siya bilang iyong
Tagapagligtas. Ang kaligtasan po ay isang personal na desisyon. Kaya nagtanong ang
Panginoon, “Para sa inyo, sino ako?”
Para sa iyo, sino
si Jesus? Siya ba ang iyong Tagapagligtas? Siya ba ang iyong Panginoon?
Sabi sa Gawa
4:12, “Sa kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang
pangalan ng sinumang tao sa buong mundo na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang
tayo ay maligtas.”
Ang ibig sabihin
ng Pangalang Jesus ay, “si Yahweh ang nagliligtas”.
Tanggapin mo ang
ngayon ang iyong kaligtasan.
Tanggapin mo
ngayon si Jesus.
________________________________
Sermon 5. Following
the Mind of Christ August
30, 2026
Matthew 16:21-28
Minsang sinabi ng
dakilang pastor na si A.W. Tozer,
Ang tunay na
kristiano ay pambihira. Pinakamamahal niya ang hindi pa niya nakakatagpo,
Kinakausap niya
ng hindi pa niya nakikita, umaasang papasok siya ng langit dahil sa kabutihan
ng iba.
Kailangan niyang
talikuran ang sarili, upang makita ito,
Dapat niyang
tanggapin na siya ay nagkamali upang maging tama,
mayroon siyang
kalakasan sa kanyang kahinaan,
Kailangan siyang
magpakumbaba, upang maitaas,
Malakas siya
kapag siya ay mahina,
Mayaman kapag
siya ay mahirap, at masaya kahit nasa pagsubok.
Kailangan siyang
mamatay upang mabuhay, nagkakaloob upang tumanggap
Nakikita niya ang
hindi nakikita, naririnig ang hindi maaring marinig,
At alam niya ang
hindi kayang unawain ng kaisipan. – (A. W. Tozer, The Root of the Righteous)
A. Ang misyon
ni Jesus.
May misyon na
dapat gampanan ang Panginoong Jesus. Sinabi niya, “Dapat akong magtungo sa
Jerusalem at magdanas ng maraming hirap sa kamay ng mga pinuno ng bayan, mga
punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Ako'y papatayin, ngunit sa ikatlong
araw ako'y muling mabubuhay.”
Akala ni Peter,
ito ay isang suicide attempt. Kaya hinadlangan niya si Jesus. Ngunit hinarap
siya ni Jesus at sinabihan, “Umalis ka sa harapan ko, Satanas! Hadlang ka sa
aking landas. Ang iniisip mo'y hindi sa Diyos kundi sa tao.”
Sa banal na
Mensaheng ito may nais ipabatid ang Diyos sa atin.
·
Ang misyon ni Cristo ay ang
iligtas ang sanlibutan mula sa kasalanan.
·
At ito ay magagawa lamang niya
sa pamamagitan ng pagbubuwis ng buhay.
·
Ito ay dapat mangyari dahil ito
ang nais ng Diyos.
At ang sinumang
hahadlang sa dakilang plano ng Diyos na kaligtasan ay alagad ni Satanas.
B. Pangalawa,
ang ating misyon.
'Sinabi ni Jesus
sa kanyang mga alagad, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay
kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at
sumunod sa akin. '
·
Kapag sinasabi natin, na
tayo ay alagad ni Cristo – patunayan natin ito sa
pamamagitan ng self-denial o pagtalikod sa sarili.
·
Pasanin natin ang ating krus – gawin po natin ang pinagagawa ng Diyos na may kahandaang
magsakripisyo. Sa kasalukuyan. Maraming Kristiano sa Africa ang pinapatay dahil
sa pagsunod nila kay Jesus. Hindi sila papatayin kung lilipat sila sa Islam.
Ngunit mas pipiliin pa nila ng mamatay, kaysa talikuran ang Panginoon. Mas
pipiliin nilang pasanin ang kanilang krus hanggang kamatayan.
·
Sumunod tayo kay Cristo – sa kanyang mga turo ng pag-ibig at pagpapatawad
sa
kanyang utos na tayo ay maglingkod sa mahirap. Sa kanyang halimbawa ng
pagmamahal sa Diyos. Sabi nga ng mga UMYAF natin, Follow in the footsteps of
Jesus. Sumunod tayo sa yapak ni Jesus.
Ibig
sabihin, ito ang pagiging tunay na Kristiano.
Hindi
mababaw na relihiyon sa papel lang.
C. Following the Mind of God.
Sabi ng Panginoon kay Pedro, “Ang iniisip mo'y hindi sa Diyos kundi
sa tao.”
Ano ba ang iniisip ng Diyos? Naitanong mo na ba sa sarili, “Ano kaya
ang iniisip ng Diyos tungkol sa akin? Ano kaya ang gustong mangyari ng Diyos sa
aking buhay?”
Sa Old Testament Reading, nabasa natin ang pagtawag ng Diyos kay
Moises.
·
Nakita natin na tinawag ng
Diyos si Moises upang iligtas ang mga Hebreo mula sa pagka-alipin sa Egypt.
·
Tumutol si Moises, ngunit buo
ang plano ng Diyos para sa kanya.
·
Walang Plan B ang Diyos. Ang
plano niya kay Moises ay hindi na pwedeng magbago.
Gayundin ang
plano ng Diyos para sa iyo kapatid.
·
Nais ng Diyos na maligtas ka.
·
Namatay si Cristo para sa iyo.
·
Sumunod ka kay Cristo bilang
alagad.
·
Mamuhay tayo bilang tunay na
Kristiano.
Ito ang iniisip
ng Diyos para sa bawat isa sa atin.
Naghihintay ng
sagot ang Diyos galing sa atin.
Kasama ka ba sa
mga magsasabing, “Narito po ako Panginoon. Susunod ako sa iyo.” Amen.
__________________________________________
References:
Sharing the Word, Guztavo Gutierez
Preaching
the Old Testament, A Lectionary Commentary, Ronald Allen, Clark Williamson
https://sermonwriter.com/
__________________________________________
SUNDAY SCHOOL
LESSONS: Ptr. Jestril Alvarado
Lesson 1. Ang
Pakikipagbuno ni Jacob sa Diyos Sunday School
Genesis 32:22-31 August
2, 2026
Background:
Ang pangalan ng
mga tao sa Lumang Tipan ay may kaugnayan sa kanilang pagkatao. Ang ibig sabihin
ng Jacob ay mandaraya o mapanlamang. Nadaya niya ang kanyang ama, nakuha
niya ang mana na dapat ay para kay Esau, ang kapatid niyang panganay. Nalamangan
niya ang kanyang biyenan na si Laban at nakuha ang mga tupa nito (Gen. 30:25-43).
Kaya, si Jacob ay
nahihirapan at nagpupumiglas dahil nais niyang ayusin ang hindi magandang
relasyon niya kay Esau, dahil galit ang kanyang kapatid, bunga ng kanyang
maling ginawa.
Aral ng
Kwento: Ang Imbitasyon Upang Magbago
Ang relasyon ni
Jacob at Laban ay puno ng sumbatan at galit (Gen. 31). Kaya binalak na umalis
ni Jacob kasama ang dalawang anak ni Laban (si Leah at Rachel) at mga anak
nila. Ngunit bago sila umalis, ang
pagbabago kay Jacob ay nagsimula sa anyaya ni Laban, na nagtayo ng Bato ng
Tipan, sa pagitan nila ni Jacob, at saksi ang Diyos (Gen. 31:43-55). Ito ay imbitasyon
kay Jacob na magkaroon ng mabuting pakikitungo sa kapwa lalo sa pamilya, bilang
maka-diyos na tao. Umalis si Jacob at ang kanyang pamilya, na dala ang
pagpapala ng kanyang biyenan. Nagtapos ang hidwaan sa pagitan nila ni Laban.
Ngayon, gustong
magkipagkita ni Jacob sa kanyang kapatid, upang iwasto ang kanyang kamalian.
Hindi ito madali.
Maaring siya ay patayin ni Esau at lipulin ang kanyang buong pamilya.
Ang Pakikitagpo
ng Diyos kay Jacob
Pinauna ni Jacob
ang kanyang pamilya, upang humarap kay Esau. Ang layunin niya ay ang pagtutuwid
sa kanyang kamalian, at handa siyang magpakumbaba (31:3), magbigay ng regalo at
nagsasabi kay Esau, “mga regalo mula sa ang iyong aliping si Jacob”.
Naiwang nag-iisa
si Jacob, at biglang lumitaw ang isang mahiwagang lalaki at nakipagbuno sa
kanya. Sa tagpong ito, tinanong ng mahiwagang lalaki ang pangalan ni Jacob.
Pagkatapos ay pinangalanan ng lalaki si Jacob na Israel. Jacob – isang
mandaraya, na naging Israel – isang nagpupumiglas kasama si Yahweh (one
who struggles with God).
·
Hindi agad nakilala ni Jacob
ang Diyos na kanyang nakatagpo. Madalas, kumikilos ang Diyos sa ating mga buhay
na hindi natin namamalayan.
·
May pagkakataon na nasasaktan
tayo tulad ni Jacob, ngunit ito ay paraan ng Diyos upang maunawaan natin at
mangyari ang kanyang mga layunin.
·
Binago ng Diyos ang pangalan ni
Jacob. Binago ng Diyos buhay ni Jacob.
·
Napilay si Jacob, ngunit ang
mahalaga ngayon! – siya ay haharap kay Esau, baon niya ang pagpapala ng kanyang
biyenan at ang pagpapala ng Diyos.
Pagkilos ng
Diyos sa Ating Buhay
Hindi madali ang
pagtanggap sa pagkakamali. Lalong hindi madali ang pakikipagkasundo sa mga
taong nasaktan natin. Ngunit kung nais nating maging matuwid sa harap ng Diyos,
kailangan tayong magpakumbaba at ayusin ang ating kamalian. May mga bagay na
hindi kayang ayusin ng “sorry” lang. Ito
ay tinatawag na “restitution”. Halimbawa
ay si Zacchaeus na nagbayad ng ‘apat na beses” sa kanyang ninakaw. Si Jacob ay
naghandog ng kanyang kayamanan kay Esau upang mawala ang galit nito (Gen.
32:5). Ito ay patunay ng tapat na pagsisisi.
Sa kabila ng kanyang pagkapilay, tinanggap ni Jacob ang pagpapala ng Diyos, at ang bagong
pagkatao.
Imbitasyon sa
Banal na Pamumuhay
·
Hindi kalooban ng Diyos ang
magulong relasyon ng mga tao sa pamilya, simbahn o lipunan. Ang ating Diyos ay
Diyos ng kapayapaan. Ang pakikipagtipan sa Diyos ay nagsisimula sa
pakikipagkasundo sa kapwa na ating nasaktan (Mateo 5:24).
·
Hindi madali ang magpakumbaba,
ang magpatawad o humingi ng tawad. Ngunit ito ang paraan ng paghilom ng mga
sugat sa ating buhay. Sa patnubay ng Diyos, maari tayong mag-struggle upang
magawa ito. Maaring masaktan tayo, pero tayo gagaling at magiging payapa.
·
Ang kwento ni Jacob ay kwento
ng bayang Israel, sa patuloy nitong struggle o pagpupumiglas, upang ayusin ang
kanyang relasyon sa kanyang mga kapatid na mga bansa sa kanyang paligid.
Mga Tanong sa
Talakayan:
1. Sa halip na
magtanim ng galit kay Jacob, nakipagtipan si Laban sa kanyang manugang. Ano ang
mabuting aral na nakita mo kay Laban sa kwento? Bakit mahalaga ang
pakikipagkasundo sa ating mga Kristiano?
2. Pansinin na
ang pagdating ng mahiwagang tao (ang Diyos) ay hindi para lusubin at saktan si
Jacob, kundi upang pagpalain. Pero, bakit madalas, nasasaktan ang ating “pride”
kapag itinutuwid tayo sa ating kamalian?
3. Ang nais ng
Diyos ay mamuhay tayo ng payapa kasama ang ating pamilya, at ng ating lipunan. Ano
pa ang mga dapat gawing pagsisikap upang makamit natin ito?
___________________
Lesson 2: Si
Jose at ang Kanyang Mga Kapatid Sunday
School
Genesis 37:1-4,
12-28 August
9, 2026
Ang kwento ni
Joseph ang mahalagang tulay sa kasaysayan ng pamilya ni Israel (Jacob) kung
paano naging alipin ang mga Israelita sa Egypt hanggang sila ay lumaya at nasakop
ang Canaan.
Background:
Galit at inggit
ang mga kapatid ni Joseph sa kanya.
·
Si Joseph ay mas mahal ng
kanyang amang si Jacob. Gumawa ng makulay na kasuotan si Jacob, para kay
Joseph, na kina-inggitan naman ng kanyang mga kapatid.
·
Si Joseph ay may dalawang
panaginip. Sa una, ang mga bigkis ng trigo ng mga kapatid ni Joseph ay yumuko
sa bigkis ng trigo ni Joseph. Ang pangalawa ay tungkol sa panaginip na ang
buwan at araw at labing isang (11) bituin ay yumuko kay Joseph (37:9).
Resulta ng
Inggit at Galit
·
Pinapunta ni Jacob si Joseph sa
kanyang mga kapatid sa Shechem hanggang Dothan (50 milya) mula sa Hebron, upang
kumustahin ang mga ito sa kanilang pagpapastol ng tupa. Nang makita si Joseph ay
binalak nila itong patayin.
Sa payo ni Reuben, inihulog na lamang nila ito sa balon (mga 20 feet ang lalim)
at huwag patayin. Ang balon ay ginagamit
na pansahod ng ulan, upang magbigay tubig at buhay sa tag-araw. Ngunit ito ay nagamit
ng mga galit na kapatid ni Joseph na pansamantalang kulungan kay Joseph.
·
Sa payo naman ni Judah, sa
halip na patayin ay ibenta na lamang si Joseph bilang alipin. Nagbago ang plano
ng magkakapatid. Ang perang galing sa
kasamaan, ay pagpapala sa gahaman.
·
Upang pagtakpan ang kanilang
mga ginawa, nagsinungaling ang magkakatid, at sinabing si Joseph ay napatay ng
mabangis na hayop. Nilagyan nila ng dugo ang damit nito at ipinakita sa
kanilang ama.
Aral ng Kwento:
Lumalaking Kasalanan
·
Ang simpleng inggit, ay maaring
lumaki at maging galit. Ang galit ay maaring lumaki at maging gawa ng
karahasan.
·
Nagkaka-anak ang kasalanan sa patuloy
na maling pangagatwiran. Ito ay lalong dumarami
tuwing ito ay pinagtatakpan.
·
Ang kasalanan ay sumisira sa
ugnayan ng pamilya.
·
Ang kasalanan ay sumisira ng
ating pagkatao.
Anomang kasalanan
ay may kabayaran. Ang unang kabayaran nito ay ang pagbaba ng pagkatao ng
nagkasala. Ang pinaka-malalang kabayaran nito ay kamatayan.
Ang Pagkilos
ng Diyos
Sa kabila ng mga
inggitan at galit sa pagitan ng mga magkakapatid, ay patuloy na gumagawa ang
Diyos sa buhay ni Joseph at sa kanyang mga inggit na kapatid.
·
Ang panaginip ay kinikilalang
paraan ng pangungusap ng Diyos sa Biblia. Ibig sabihin, kabataan pa si Joseph
ay nagsasalita na ang Diyos sa kanya sa panaginip.
·
Lingid sa kaalaman ng kanyang
mga kapatid at magulang, ang mga pangyayari sa buhay ni Joseph ay ayon sa mga
plano ng Diyos.
Sabi sa Isiah
55:8-9,
Ang sabi ni
Yahweh, “Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay
hindi ko kaparaanan. Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang
aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaisipan ay
hindi maaabot ng inyong kaisipan.”
Iwaksi ang
Kasalanan
·
Ang kasalanan ay sumisira ng
pagkatao, at relasyon.
·
Ang Diyos ay kumikilos sa
kabila ng ating mga pagkakamali at pagkukulang.
·
Patuloy tayong magtiwala at
sumunod sa Diyos.
Imbitasyon sa Maka-diyos na Pamumuhay
Ang halimbawa ni
Joseph ay buhay na maka-diyos.
·
Ibinenta siya ng kanyang mga
kapatid.
·
Tinukso ng asawa ni Potiphar
·
Siya ay nakulong sa kasalanang
hindi niya ginawa.
Ngunit hindi siya
bumigay sa kasalanan.
Mga Tanong sa
Talakayan.
1. Ang damdamin
ng inggit, ay maaring lumaki sa galit, at maaring maging gawa ng karahasan. Bilang
Kristianong anak ng Diyos, bakit mahalaga ang Bunga ng Espiritu tulad ng
kahinahunan at pagpipigil sa sarili?
2. Si Joseph ay
nanatiling nagtitiwala sa Diyos, mahusay at tapat nakatiwala. Ano ang mga
pagsisikap na dapat nating gawin upang magtagumpay sa buhay ayon sa kanyang
halimbawa?
____________________
Lesson 3: Pag-ibig
at Pagpapatawad Sunday
School
Genesis 45:1-15 August
16, 2026
Background
Sa patuloy na
kwento ni Joseph.
·
Siya ay naging mabuting
tagapamahala sa Egypt.
·
Siya ay puno ng katapatan.
·
Nakapagpaliwanag siya ng kahulugan
ng mga panaginip.
·
Kinilala ng Hari ng Egypt ang
kahusayan ni Joseph.
Sa ating pagbasa
sa Genesis 45, si Joseph ay isa nang dakilang tao sa Egypt dahil sa solusyong
dala niya upang magkaroon ng saganang pagkain sa bansa sa panahon ng taggutom. Kaya
inutusan ni Jacob ang mga anak na bumili ng pagkain sa Egypt.
Ang
Pagpapakilala ni Joseph sa Mga Kapatid
Ang pagtatagpo ng
magkakapatid ay ma-dramang kwento.
·
Bumili ng pagkain ang mga
kapatid ni Joseph, at upang subukin sila, nagkunwaring malupit si Joseph (42:8).
At pinaratangan na mga espiya ang mga kapatid niya.
·
Nagsinungaling ang magkakapatid
sa pagsasabing ang isa sa kanilang kapatid ay patay na (si Joseph na kaharap
nila).
·
Binantaan ni Joseph ang mga
kapatid na, hindi sila maaring bumili ng pagkain kung hindi nila kasama ang
bunsong si Benjamin.
Hanggang bumigay
si Joseph at umiyak na nagpakilala sa kanyang mga kapatid.
3“Ako
si Jose!” ang pagtatapat niya sa kanyang mga kapatid. “Buháy pa bang talaga ang
ating ama?” Nagulantang sila sa kanilang narinig at hindi nakasagot.
Aral ng Kwento:
Pangingibabaw ng Pag-ibig
·
Maaring magbuhos ng galit at
paghihiganti si Joseph, ngunit mahal niya ang kanyang mga kapatid.
·
Sa buong buhay ni Joseph,
kumilos ang Diyos. “Lumapit kayo,” sabi ni Jose. Lumapit nga sila, at
nagpatuloy siya ng pagsasalita, “Ako nga si Jose, ang inyong kapatid na
ipinagbili ninyo sa Egipto. 5Ngunit huwag na ninyong ikalungkot ang nangyari.
Huwag ninyong sisihin ang inyong sarili sa ginawa ninyo sa akin. Ang Diyos ang
nagpadala sa akin dito upang iligtas ang maraming buhay.”
·
Mapapansin na si Joseph ay
walang bahid ng galit. Ito ang kanyang character ayon sa kwento. Sa halip na
maging paghihiganti, ang tagpo ay naging masayang reunion ng pamilya.
·
Ang kanyang pagpapatawad ay
nagbukas ng panibagong yugto sa mga nagkasalang kapatid, upang aminin at ituwid
ang kanilang pagkakamali (Gen. 42:31).
Ang Pagkilos
ng Diyos
Gumagawa ng
pambihirang bagay ang Diyos sa buhay ng mga taong may takot sa Kanya.
Ang kwento ni
Joseph ay halimbawa kung paano kumikilos ang Diyos sa mga nananalig.
·
Si Joseph ay halimbawa ng taong
patuloy na gumagawa ng mabuti, sa kabila ng masamang ginagawa ng iba.
·
Ang mabuting pagkatao ay
bumabago ng buhay ng pamilya, simbahan o ng lipunan. Itinuwid ni Joseph ang
kasalanan ng kanyang mga kapatid. Ngunit siya gumamit ng kalupitan, sa halip ay
kaawaan at buong pagmamahal niyang kinupkop ang kanyang pamilya na nagkulang sa
kanya sa una.
·
Patuloy na kumilos ang Diyos sa
buhay ni Joseph habang patuloy na
hinahamon ng Diyos na maging mabuti sa kabilang ng gawang masama ng iba.
Imbitasyon sa Banal
na Pamumuhay
·
Sabi ni Mother Theresa, “If you
are kind, people may accuse you of selfish, ulterior motives: Be kind anyway.
If you are successful, you will win some false friends and true enemies:
Succeed anyway. If you are honest and frank people will try to cheat, you: Be
honest anyway. What you spend years building, someone could destroy overnight:
Build anyway. If you find serenity and happiness, they may be jealous of you:
Be happy anyway. The good you do today, will often be forgotten by tomorrow: Do
good anyway. Give the world the best you have, and it may never be enough: Give
your best anyway.”
Mga Tanong sa
Talakayan:
1. Bakit mahirap
ang magpatawad sa iba? Ano ang nagpapahirap sa pagpapatawad?
2. Paano naman
ito nagiging possible sa mga gumagawa nito?
3. Si Joseph ay
parang napaka-ideal person na maka-diyos. Pero, possible bang maabot ang
ganitong waagas at dalisay na pagka-makadiyos?
__________________________
Lesson 4: Pagpapala
ng Diyos sa Pamilya Sunday
School
Exodus 1:8-2:10 August
23, 2026
Ang pagpapala ng
Diyos ay para sa lahat. Hindi namimili ang Diyos ng lahi, bansa o pagkatao.
Mahal ng Diyos ang lahat ng tao. Ito ang tema ng Biblia, lalo na ang
Kristianismo. Anomang tema ng kalupitan, pagmamalabis o pagmamataas ay hindi ayon
sa kabutihan at kabanalan ng Diyos. Sabi ng Diyos kay Abraham sa Genesis 12:3,
“Ang sa iyo'y
magpapala ay aking pagpapalain, at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain; sa
pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain.”
Background ng
Kwento
Nagpatuloy ang kwento
ng mga anak ni Israel sa Egypt, noong nagkaroon ng isang haring walang kaalaman
tungkol kay Joseph. Sa halip na tignan ang mabuting kapakanan ng mga Judio,
natakot ito sa pagdami ng pamilya ni Jacob sa Egypt. Kaya, inisip nito na
patigilin ang pagdami ng mga Judio sa pamamagitan ng pagpatay sa sanggol na
lalaki. Pinahirapan din nito ang mga Judio sa mabibigat na trabaho at
pagpaparusa.
Sa kabila ng
pangit na bahagi ng kwento ng pagpapahirap at pagpatay sa mga sanggol, ay may mga
matatapang na babae na ginamit ang Diyos upang mabuo ang mabuting larawan ng
pamilya.
·
Ang mga komadronang sina
Shiphrah at Puah. Ang dalawang babaeng ito ay matapang na sumuway sa utos ng
hari, dahil “sila ay may takot sa Diyos”. Sa halip na patayin ay inililigtas
nila ang mga sanggol.
·
Ang matapang na ina ni Moises. Ang
bata ay itinago ng kanyang ina. Ngunit dumating ang sitwasyon na mahirap ng
itago ang sanggol, kaya ipina-anod niya ito sa isang basket sa ilog.
·
Si Miriam, ang batang babae na
nagbantay sa kanyang kapatid habang inaanod sa ilog.
·
Ang prinsesa, na naawa sa
sanggol. Inampon nito ang sanggol at pinalaki.
Aral ng
Kwento: Katapangan, Kaawaan at Takot sa Diyos.
Ang ating batayang
kwento ay naglalarawan ng mga halimbawa ng mga taong ginagamit ng Diyos upang
matupad ang layunin ng Diyos.
·
Si Shiphrah at Puah ay
nanindigan para sa buhay ng mga sanggol na “nangangailangan ng pamilya” (v.
21). Patuloy silang nagregalo ng buhay
sa mga nanganganib na sanggol.
·
Ang ina ni Moises, tulad ng mga
matapang na ina ay nagpamalas ng kagitingan, at patuloy na gumawa ng paraan,
mailigtas lang ang anak.
·
Ang masunurin at matalinong si
Miriam. Masunurin dahil sa utos ng ina,
at matalino dahil nag-alok siya sa prinsesa ng yaya para sa sanggol.
·
Ang prinsesa. Alam niya na ang
sanggol ay anak ng Hebrea. Ngunit nangibabaw ang awa sa kanyang puso.
Ang Pagkilos
ng Diyos sa Kwento
Sa pagkilos ng
Diyos sa kasaysayan ng Israel, makikita na gumagamit ang Diyos ng mga babae,
lalaki, bata o matanda. Prinsesa o alipin, Judio o ibang lahi.
·
Sa pamamagitan ng mga taong
ito, ang Diyos ay nagliligtas ng buhay.
·
Sinusupil ng Diyos ang masamang
gawa ng mga nagmamalabis.
·
Ang Diyos ay patuloy na
nagpapakilala ayon sa kanyang kabutihan at kabanalan.
Imbitasyon sa
Banal na Pamumuhay
Ang batas ng
pagpatay ng mga sanggol na ginawa ng hari ng Egypt ay halimbawa ng isang
masamang paggamit ng kapangyarihan. Ang
kasamaan ay maaring maging sistema ng batas na maaring magpahirap sa mga
inosente, o mahihirap.
Sa panahon ni
John Wesley, ang mga itim ay ginagawang alipin. Tinutulan ito ni John Wesley at
ng mga unang Metodista. Ang resulta ay Kalayaan para sa mga Itim ang balat. Ang
sinumang tao ay hindi dapat ibenta, dahil ang nais ng Diyos ay pagka-pantaypantay
ng lahat.
Mga Tanong sa Talakayan.
1. Ayon sa ating
pag-aaral, ang hari ng Egypt ay threatened o takot sa mga Hebreo, samantalang
wala namang ginagawang masama ang mga Israelita. Ano ang masasabi mo sa mga
lider ng bansa na nagmamalupit? Ano ang tungkulin ng simbahan sa ganitong sitwasyon?
2. Paano nagiging
regalo ang mabuting pamilya para sa mga miembro nito, lalo sa mga bata?
3. Ang kapayapaan
ay nagsisimula sa pamilya. Ano ang ating maaring gawin upang maging instrumento
ng kapayapaan sa sanlibutan?
_____________________________
Lesson 5: Pagpapakilala
ng Diyos Kay Moises Sunday
School
Exodus 3:1-15 August
30, 2026
Background
Nakarating sa
Diyos ang kalagayan ng mga Israelita. Ang kanilang pag-iyak ay narinig sa
langit. Kaya kumilos ang
Diyos dito sa lupa, upang tumawag ng susuguin. Nakitagpo ang Diyos kay Moises
sa bundok at nagpakilala.
Dito nagsimula
ang dakilang kasaysayan ng paglaya ng Israel mula sa pagka-alipin sa
Egypt.
Aral ng Kwento:
Pagpapakilala ng Diyos
·
Pagpapakilala ng Diyos sa halamang,
nag-aapoy ngunit hindi natutupok. Ang Diyos ay nagpakilala ayon sa plano niyang pagliligtas sa
Israel. Ang halaman ay madalas mabasa sa Biblia na ginagamit bilang simbolo ng
pag-asang mula sa Diyos (Isaias 65:22). Sa pagpapakilala ng Diyos kay Moises, sa
patnubay ng Diyos, ang Israel ay tulad ng punong nagliliyab ngunit hindi matutupok
ng apoy.
.Ang apoy ay tumutukoy sa kabagsikan ng pang-aalipin ng
Egypt. Ayon sa Deu. 4:20, “Iniligtas
kayo ni Yahweh mula sa napakainit na pugon ng pagkaalipin sa Egipto upang
maging kanyang bayang hinirang.”
Nagpapakilala ang Diyos sa kanyang gagawing pagliligtas
sa Israel, na hindi matutupok ng apoy ng Egypt ang bayang pinili ng Diyos, ayon
sa pag-asang dala ng pagliligtas ng Panginoon.
·
Pagtanggal ng sandalyas. Banal ang lupang kinatatayuan ni Moises. Ang pagtawag ng Diyos sa
kanyang personal na pangalan ay isang imbitasyon. Ang paghubad ng sandalyas ay pagyapak
sa banal na dako. Ito ay pagpasok sa presensya ng Diyos.
· Ang pangalan ng Diyos. Ang Diyos ang nagbigay
ng pangalan sa sarili. Hindi siya pinangalanan ng sinuman. Ang pangalan sa
Lumang tipan ay tumutukoy sa character o personality ng maypangalan. Dahil ang
Diyos ang nagbigay pangalan sa sarili, ibig sabihin, siya lang ang nakakakilala
o nakaka-unawa sa sarili. Ang pangalan niya at pagka-diyos ay hindi natin
kayang unawain. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi maaring bigkasin ang
pangalan ng Diyos. Diyos lamang ang maaring bumigkas ng kanyang pangalan at nakakaunawa
sa sarili, bagamat siya ay nakikitagpo sa atin.
8Ang sabi ni Yahweh, “Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan,
ang inyong
kaparaanan ay hindi ko kaparaanan.
9Kung paanong ang
langit ay mas mataas kaysa lupa,
ang aking kaparaanan
ay higit kaysa inyong kaparaanan,
at ang aking
kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan. – Isaias 55:8-9
Ang Pagkilos
ng Diyos sa Kwento – Pagtawag kay Moises
Isang bansa ang
nais iligtas ng Diyos, ngunit ang tinawag niya ay isang tao lamang – si Moises.
Dito makikita ang
dakilang pagtawag ng Diyos. Kapag
tinawag ng Diyos ang isang tao, ang Diyos ay hindi nag-iisip ng alternatibo.
·
Kinikilala ng Diyos ang ating
uniqueness. Ang pagtawag ng Diyos sa bawat tao ay walang katulad, dahil ang
bawat isa ay walang katulad.
·
Dapat din nating tanggapin na
may special purpose ang Diyos para sa bawat isa sa atin. Ang
pagtawag at plano niya ay unique din para sa bawat tao.
Sa tingin ng
Diyos, wala kang kapalit. Sa iyong calling, walang alternative ang Diyos. Special
ka talaga sa Diyos.
Imbitasyon sa
Banal na Pamumuhay
Nakiusap si
Moises na huwag na lang siya ang susuguin. Marami siyang dahilan upang tumutol.
Ngunit siya talaga at wala ng iba ang pinili ng Diyos. Walang plan “B” ang
Diyos.
Ang ating pag-YES
sa Diyos ang kukumpleto sa ating calling. Sa ating pagtango sa Panginoon,
papatunayan ng Diyos na hindi niya tayo iiwan. At tutuparin ng Diyos ang layunin
ng ating buhay. Oras na upang sabihin natin sa Diyos – “Opo Panginoon, susunod
ako. Maglilingkod po ako sa iyo. Gamitin mo ang aking buhay.”
Tanong sa
Talakayan:
1. Paano mo
nakikita ang uniqueness ng Diyos ayon sa pagpapakilala niya bilang iyong Tagapagligtas?
Paano ka pinatawad at binago ng Diyos? Magpatotoo.
2. Ang bawat
Kristiano ay tinawag ng Diyos upang maglingkod. Magkakaiba ang ating
pagkatawag. Ang iba ay pastor, deakonesa, tagapagturo, lider o kaanib na
naglilingkod tulad ng Lay Servant. Paano mo nauunawan ang pagtawag sa iyo ng
Diyos? Mag-kwento at ibahagi ang iyong karanasan.
__________________________________________
References: Sharing the Word, Guztavo Gutierez
Preaching the Old Testament, A Lectionary
Commentary, Ronald Allen, Clark Williamson
https://sermonwriter.com/