Ang Makadiyos na Pamumuhay sa Gitna ng Pagsubok
1 Peter 4:12–14; 5:6–11
Ang mga sinaunang Kristiano ay nakaranas ng mga pagsubok dahil kakaunti pa sila at karamihan sa kanila ay mga alipin ng mga mayayamang pagano. Ang emperyo ng Roma ay pinamumunuan pa ng mga Hentil. Ang may mga emperador pa na nag-uutos sa mga tao upang sila ay sambahin na parang diyos.
Ang pagkakaroon ng ibang hari ay ipinagbabawal. Ang marinig ng mga Hentil na ang Panginoong Jesus ay kinikilalang Hari ng mga hari ng mga Kristiano, ay dahilan upang kamuhian ng mga Hentil ang mga mananampalataya.
Sa kabila ng mga pagsubok na ito, tinuruan ng apostol ang mga Kristiano na manatili sa tamang asal bilang mga tagasunod ng Panginoon. kanilang paghihirap bilang Kristiano ay dapat ituring na pakikibahagi nila sa paghihirap ng Panginoong Jesus. Sa gitna ng ganitong kalagayan, inutusan ng apostol ang mga Kristiano na;
1. una ay manatiling nagpapakumbaba (5:6)
Ang kapakumbabaan ay malaking hamon kahit sa mga Kristiano. At lalong mabigat ay ang paghihirap dahil sa paggawa ng mabuti o dahil sa pagsunod sa Diyos. Sa halip na gumanti, ayon sa apostol, ang tamang pagharap sa ganitong pagsubok ay pagpapakumbaba. Dahil ang bawat Kristiano ay makaka-asa na itataas siya ng Panginoon sa tamang panahon.
2. Pangalawa, sabi ng apostol Pedro sa talatang 7, "Cast all your anxiety on him because he cares for you." Ang lahat ng pasanin natin ay dapat nating ibigay sa Panginoon dahil siya ay nagmamalasakit sa atin. Sa gitna ng mga pagsubok, dapat tayong manatiling nagtitiwala sa Panginoon.
3. Pangatlo, ay ang pagkakaroon ng pagpipigil sa sarili at pagiging listo (v.8 ). Dahil, "Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour." Ang mapagpigil sa sarili ay mabuting katangian na angkop sa nagnanais maging makadiyos. Marami ang napapahamak dahil sa init ng ulo at pagnanais na makaganti. Habang ang galit na walang pagpipigil ay paraan ng diablo upang ipahamak tayo, ang pagpipigil sa sarili ay bunga ng Espiritu sa ating buhay. Ito ay ebidensya na ang Banal na Espiritu ay sumasaatin.
Kakambal ng pagpipigil sa sarili ay ang pagiging listo. Marami ang nagtatagumpay sa labanan ng buhay dahil alam nila ang mga kilos ng kaaway. Ang regular na pananalangin, pagbasa sa Biblia, pananambahan at pakikisalamuha sa kapwa Kristiano ay mabisang paraan upang manatiling listo sa mga maaring gawin ng kaaway.
4. Ang ikaapat na makadiyos na pagharap sa pagsubok ay ang paglaban sa mga gawa ng diablo. Sabi nga ng kasabihan, "A part time Christian will not defeat a full time demon." Ang bawat Kristiano ay nasa gitna ng labanan sa kasamaan. Ang hindi paglaban sa kasamaan ay malinaw na pagayon dito. At marami ang mga Kristianong nakikag-kompromiso sa masama dahil ayaw nilang labanan ang mga baluktot at mali. Ang pananahimik sa mali ay pangungunsinti.
5. Panglima, ang bawat Kristiano ay dapat manatiling matatag sa pananampalataya. Ang pagiging Kristiano ay kakambal ng pagsubok. Kaya nga krus ang ating simbulo. Ang pagsunod sa Panginoon ay magagawa lamang kung tatalikuran natin ang sarili, kung papasanin natin ang ating krus at susundin natin ang Panginoon sa kabila man ng mga mabibigat na pagsubok.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento