Linggo, Setyembre 24, 2023

Kamatayan ng Isang Paslit

 Sermon: Kamatayan ng Isang Paslit

 

Psalm  34:18,

Tagalog: Ang Panginoon ay malapit sa mga taong nasa kalungkutan, at inililigtas niya ang mga nadurog ang puso.

Kapampangan: Ing Ginu, malapit ya kareng atyu king kagutgutan, at liligtas nala ding taung medaldak pusu.

English: CEB The LORD is close to the brokenhearted; he saves those whose spirits are crushed.

 

2 Samuel 12:15-23

 

Last week po, ay may inilibing na patay sa isang church.  Siya ay lola ng isang pastor. Sabi ng pastor, “Nagpapasalamat ang aming pamilya sa Diyos, sa pagpanaw ng aming lola, dahil matagal din siyang naratay. Ang kanyang pagpanaw ay isang form of relief.  Hindi na siya mahihirapan. Gayundin ang aking nanay na matagal nag-alaga sa kanya. Bagamat masaya na pinaglingkuran siya ng aming pamilya. Ngayon po, nasa piling na siya ng Panginoon.”

Kapag bata ang pumanaw, parang hindi angkop na sabihin ang ganitong pananalita.

Iba kapag bata ang namatay. Para inagawan tayo ng isang buhay na ayaw nating mawala.  Tunay na hindi pinasasalamatan sa Diyos ang ganitong karanasan. Kaya ang araw na ito ay araw ng matinding kalungkutan dahil pumanaw si_______________. At siya ay ating ililibing.

Dalanagin ko na bigyan kayo ng Diyos ng kapayapaan sa gitna ng lungkot na inyong nararamdaman ngayon.

Sa ating pagbasa, isang bata, anak ni David ang pumanaw.  Pitong araw lamang ang itinagal ng bata.

Ang kamatayan, kapag nagbabadya – ito ay may ipina-aalala sa atin.

1. On the death of a child we are being reminded how short life is.

Hindi natin hawak ang haba ng ating buhay.  “Each man’s life is but a breath” (Psalms 39:5).

(Kapampangan: Makuyad yang tutu ing bie ku; balamu ala yang ulaga king arapan mu. Anti ya mung sakildap ing bie ning tau keti king yatu.)

(Tagalog: Ang damdam ko sa sarili'y pinaikli mo ang buhay, sa harap mo ang buhay ko'y parang walang kabuluhan; ang buhay ng bawat tao'y parang hanging dumaraan.)

Kaya samantalahin natin ang bawat sandali ng buhay sa pag-ibig sa ating pamilya at kapwa. The death of a child is a reminder how short life is.  Let usa take every moment as opportunity.

2. On the death of a child, we are allowed to grieve.  Malungkot tayo dahil, ito ang tunay na damdamin natin.

Huwag nating ibaon ang ating kalungkutan. Ok lang na ilabas natin ito. 

Alam ng Diyos na bahagi ng ating buhay ang kalungkutan, lalo kapag pumanaw ang isang mahal natin sa buhay.

Sabi sa  Romans 12:15, “Rejoice with them that do rejoice, and weep with them that weep.” Yun nga lang, sa kwento ng kamatayan ng anak ni David, sinolo ni David ang kanyang lungkot. He grieved alone instead of sharing his loneliness. Nagkulong siya at ayaw niyang kumain. Gusto niya na mag-isa.

a.       kapag malungkot tayo – sinasabi ng Biblia, share your grief.

b.       At tayong mga kapatid sa church – makilungkot tayo sa mga nalulungkot.

3. On the death of a child, this is our opportunity activate our faith and hope.

Doon sa bahay namin, wala pa kaming kuryente. Kapag umuuwi ako doon, nagsisindi ako ng flashlight o minsan kandila. Madilim kasi sa amin.  Kaya yung matagal na hindi ginagamit na kandila o flashlights, nagagamit din, kahit matagal nan aka tabi lang.

Ang moment na ito ay madilim. Oras ito para magsindi tayo ng kandila ng pananampalataya at pag-asa na muling mabubuhay ang batang si_______________.

Dahil sa atoing pananampalataya, naniniwala tayo na muli nating maklikita ang batang ito sa piling ng Diyos. Dahil sinasabi ng ating pananampalataya na siya umuwi sa Diyos.  At ang daan minsan patungo sa Diyos, ang pag-uwi sa ating tunay na tahanan ay kamatayan. 

Isang bata ang palaging dmadaan sa sementeryo.  Tinanong siya ng kanyang mga classmates.  “Hindi ka ba natatakot dumaan sa semnteryo?” Hindi, dabi ng bata.  Ito lang ang daan pauwi sa bahay namin.”   

4. On the death of a child, this is our moment to offer the child to God. 

Para kay Apostle Paul, death is a form of offering. Ibigay natin siya sa Diyos.
Noong, ipinanganak siya, ibinigay siya ng Diyos sa inyo.  Ngayon kahit malungkot. Kahit nasasaktan tayo, tanggapin na siya ay aalis na. Uuwi na siya sa kanyang Lumikha.

 

 

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...