Biyernes, Mayo 5, 2023

4th Sunday After Easter

 

ANO ANG IBIG SABIHIN NG “SUMAMPALATAYA SA DIYOS?

(What Does It Mean to Believe in God?)

John 14:1-10; Gawa 7:54-60

 “Huwag na kayong mabalisa; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin.

 Panimula:

Ang dakilang preacher na si George Whitefield ay nagtanong sa isang sa isang nagsisimba,“Ano ang pinaniniwalaan mo tungkol sa Diyos?” Sumagot ang lalaki, “Kapareho lang ng pinaniniwalaan ng aking simbahan.”“Ano ba ang paniniwala ng iyong simbahan?” Sagot ng lalaki, “Pareho lang siguro ng aking paniniwala.”Tanong ulit ng pastor, “Ano ang paniniwala ng iyong simbahan at ikaw?”

Sagot ng lalaki, “Pareho lang.”

Si C.H. Spurgeon ay nagtanong sa maraming tao kung sila ay naniniwala sa Diyos? Sagot nila, "Opo."  Naniniwala rin sila na si Cristo ay namatay para sa kanilang katubusan.   Ngunit napansin ng pastor na sila ay namumuhay sa kasalanan. Ang kanilang paniniwala ay hindi nakikita sa kanilang buhay at gawa.

 Sabi ni C.S. Lewis, “Hindi mo talagang malalaman, kung ikaw ay tunay na sumasampalataya, hanggang hindi nagiging usapin ng buhay o kamatayan ang iyong pananampalataya. Paano mo malalaman kung matibay nga ang isang lubid?  Kung itatali mo dito ang isang mamahalin at mabigat na bagay, kailangan, na ito ay matibay at mapagkakatiwalaan.”  Gayundin ang pananampalatayang Kristiano, kailangan mo itong alamin, kung ito ay katotohanan.  Dahil dito nakasalalay ang iyong kaligtasan.

 Sumampalataya Kayo sa Diyos

 Ang pananampalataya sa Diyos ay hindi sa isip lamang. Malinaw sa halimbawa ni Stephen sa Acts 7, na ang pananampalataya ay lubusang desisyon ng pagkakaloob ng buong buhay sa Diyos hanggang kamatayan.

 Ano ngayon ang kawalan ng pananalig? Unbelief in the Bible is the conscious rejection of God and his Word, which makes him a liar. Maaring sasabihin ng isang tao na siya ay naniniwala sa Diyos, kung ang taong ito naman ay namumuhay sa kasinungalingan, o panig sa kabaligtaran ng katotohanan – ang taong ito ay walang pananalig sa Diyos.

 Do not let your actions deny your faith. We better believe and live according to our Christian faith. Abraham believed and obeyed God. Kabaligtaran ng Diablo, naniniwala ang demonyo sa Diyos, ngunit hindi niya iginagalang ang Diyos. Kaya, kung tayo ay naniniwala sa Diyos, ngunit ayaw nating sumunod sa Diyos – our faith is the faith of the devil. Ito ay paniniwala sa Diyos na walang pagsisisi. Paniniwala na walang pagbabagong buhay. Ito ay paniniwala na hindi makapagliligtas.

Sumampalataya  kay Jesu-Cristo.

 Wika ng Panginoong Jesus, “Sumampalataya kayo sa akin.” Dito, makikita natin na ipinapantay ni Jesus ang sarili sa Diyos. Sabi pa ng Panginoong Jesus sa Juan 10:30, “Ako at ang Ama ay iisa.”  Kaya, kung sumasampalataya tayo sa Diyos Ama, dapat din tayong sumampalataya sa Diyos Anak. At siyempre, dapat din tayong sumampalataya sa Diyos Espiritu Santo.

 Ang pagsampalataya kay Jesu-Cristo bilang panginoon ay nagbibigay sa atin ng;

 1.      Una, kapatawaran ng kasalanan tungo sa ganap na pagbabagong buhay.  Si Jesus ang kordero ng Diyos na nag-aalis ng ating mga kasalanan (Juan 1:29). Ang tunay na pananalig kay Cristo ay nagreresulta sa ganap na pagtalikod mula sa kasalanan.  May nagsusugal pa ba sa atin? May lugar pa ba ang pagsisinungaling? Ang kayabangan o pagmamalaki? Ang kagaspangan ugali at paninibugho?

2.      2. Pangalawa, ang pananalig kay Jesu-Cristo ay nagbubunga ng buhay na walang hanggan (1 Juan 5:13).

3.      3. Pangatlo, ang pananalig sa panginoong Jesus ay nagbubunga ng ganap na kaligtasan John 3:16).

 Sa ating mga teksto, mababasa ang mga sumusunod:

 1.      Wala tayong dapat ikabalisa, kahit harapin man tayo ng kamatayan, kung tayo ay lubos na sumasampalataya sa Diyos at sa Panginoong Jesus. Somehow, we may be tempted to lose our faith by worrying and complaining.  As if we can not put our trust in God. But we are invited by Jesus to be still.  Exodus 14:14 says, “The Lord will fight for you; you need only to be still.”

2.      2. Isa pa, sabi ng Panginoong Jesus, “Ipaghahanda ko kayo ng lugar sa bahay ng aking Ama. Sa bahay ng aking Ama ay may maraming silid.  Sa Greek, ang silid na tinutukoy ay monai.  Dito galing ang salitang monastery.  Ibig sabihin, lugar ng pahingihan o resting place. Dito maari tayong magpahinga dahil kasama natin ang Panginoon.

 

May kwento tungkol sa isang anak na ampon, kaya ng namimigay na ng mana ang magulang sa kanyang mga anak, medyo nag-aalala ang ang anak na ampon.  Baka hindi siya bibigyan ng lugar na pagtitirikan ng bahay.   Napansin ng tatay ang restless na kilos ng kanyang anak.  Nilapitan ito at binigyan ng kasiguruhan na tatanggap ito ng manang lupain, dahil siya ay anak din. 

 

Tayo rin po ay tinanggap ng Diyos bilang mga ampon dahil kay Cristo (Efeso 1:5).  Hindi po tayo mga original na anak ng Diyos gawa ng ating mga kasalanan (Efeso 2:1). Sa pamamagitan ng pananalig sa Anak ng Diyos, tayo ay itinuring na mga anak ng kaitasasan.

 

3.      3. Ang pinaka-mahalaga, sa buhay na walang hanggan, kasama natin ang panginoong Jesus.  Sabi niya, “Kukunin ko kayo, upang kung nasaan ako, doon din kayo.”

A      Ang tunay na pananampalataya ay nagbibigay na tunay na kasiguruhan.  Dahil ang Diyos ay tapat at      banal,  ang kanyang pangako ay kanyang tutuparin sa sinumang mananalig. Amen. 


Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...