Sabado, Pebrero 20, 2016

Paul - Timothy: A Model in Disciple-making

Pablo at Timoteo sa Pagdisipulo
2 Timothy 1:1-14

Ice Breaker Question: “Sino ang nag-akay sa iyo upang makilala mo ang Tagapagligtas at paano ka naturuan upang maglingkod sa iglesia ng Panginoon?”

Ang pangunahing gawain ng bawat Kristiano ay ang “Ibahagi ang Mabuting Balita at gawing alagad ni Cristo ang lahat ng tao”.   Kung ito ay ating tutuparin, hindi lamang tayo basta miembro ng simbahan (members), kundi tayo ay magiging totoong alagad ni Cristo (true disciples).  At kapag tayo ay namumuhay bilang tunay na alagad, nagiging natural sa atin ang paggawa ng iba pang alagad (making disciples).

Paul: the Disciple of Christ (v.1)

Ganito ang pagkadisipulo ni Pablo.

1. Siya ay isang taong tunay na binago ng Panginoon.
Lubos ang pagbabagong buhay ni Pablo mula ng makilala niya ang Panginoong Jesus.  Nagbago ang kanyang ugali, at ang layunin niya sa buhay.

2. Siya naging lingkod ng Panginoon.  Naging gawain niya ang magbahagi ng kaligtasang mula sa Panginoon. Ipinagpatuloy niya ang misyon ni Cristo.

3. Nagsanay siya ng iba pang disipulo.  Hindi lamang siya nagtuturo sa marami - nagtuturo din siya at nagsasanay ng ilang alagad na makakasama niya sa gawain.

Paul: the Disciple-Maker 

Ang pagsasanay ng ibang alagad ay mahalagang gawaing Kristiano.  Tulad ng pagpapalaki ng isang magulang sa anak, hindi sapat na pinapakain lamang siya at inaalagaan.  Ang bata ay kailangan ding sanayin upang magkaroon siya ng mabunga at matagumpay na buhay.   Kailangan siyang matutong magtrabaho, at maging pakinabang para sa marami.

Ang isa sa sinanay ni Pablo ay si Timoteo na kanyang sinusulatan sa ating aralin.  At makikita natin ang paraan ni Pablo sa paggawa ng iba pang alagad.

1. Siya ay tumayo bilang ama sa pananampalataya (discipler). Mababasa sa talatang 2 na itinuring niyang “anak” si Timoteo. Mababakas din sa sulat na ito kung gaano kalapit ang kalooban ni Pablo kay Timoteo. Laging idinadalangin ni Pablo si Timoteo.

2.  Si Pablo ay nagsilbi bilang tagapag-sanay ni Timoteo (trainor). Mula pagkabata, tinuruan na si Timoteo ng kanyang nanay at lola sa pananampalataya (v. 5).   Pinili siya ni Pablo dahil kinakitaan siya ng mga kaloob (Spiritual Gifts).  Ang mga kaloob na ito ay mga biyayang mula sa Diyos na palatandaan ng mga pinili upang maging tagapaglingkod sa iglesia.

3. Si Pablo ay nanatiling nagpapalakas at nagbibigay inspirasyon kay Timoteo (encourager).

Si Timoteo: Ang Batang Disipulo

Bilang alagad, dumaan si Timoteo sa proseso ng pagiging tunay na alagad ni Cristo at hindi lamang siya basta isang kaanib sa iglesia.  Ang kaganapan ng pagiging alagad ni Timoteo ay bunga ng pagsusumikap ni Pablo:

1. ibinahagi ni Pablo ang pananampalataya at Salita ng Diyos kay Timoteo, at sa kanyang pamilya.
2. ibinilang ni Timoteo, ang kanyang mga magulang at lola ay naging aktibong kaanib ng iglesia.
3. sinanay si Timoteo bilang alagad.
4. sinugo si Timoteo upang magmisyon at manguna sa gawain ng iglesia.

Mga Payo ni Pablo sa Batang Disipulo

1. Huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon (v.8).
2. Umasa ka sa kapangyarihan ng Diyos (v.8b-10).
3.  Gawin mong batayan ang mabubuting aral na itinuro ko sa iyo (v.13a).
4. Manatili ka sa pananampalataya at sa pag-ibig na tinanggap natin sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus (v.13b).
5. Sa tulong ng Espiritu Santo na nananatili sa atin, ingatan mo ang lahat ng magagandang bagay na ipinagkatiwala sa iyo (v.14)

Mga Tanong sa Talakayan:

1. Sino ang iyong modelo o mentor sa iyong paglilingkod sa Diyos? Gaano kalalim ang impluensya ng taong ito sa iyong buhay espiritual?

2. Ano ang pagkakaiba ng miembro lamang sa tunay na alagad ni Cristo? “Ang miembro ay tagapakinig lamang, subalit ang alagad ay nakikinig at sumusunod.  Ang miembro ay pinaglilingkuran, ang alagad ay naglilingkod. Ang miembro ay nagsisimba kapag gusto niya, ang alagad ay nakatalaga sa paglilingkod sa iglesia.”

3. Ano sa palagay mo ang pagkakaiba ng iglesiang may "discipleship training program" sa isang iglesiang nangangalaga lamang ng mga miembro (maintenance)?






Ang Pag-ibig ng Diyos - Lucas 13:31-35, Filipos 3:17-4:1; Genesis 15:1-12

May kwento tungkol sa isang sundalo sa Vietnam na nai-love sa isang dalagang Vietnamese.  Pagkatapos ng digmaan, bago umalis ang American soldier, nangako ito na babalikan niya ang dalaga para isama sa America.  Ang daan patungo sa tahanan ng dalaga ay isang ilog. Kung gagamit ng bangka ang sundalo balik sa village ng dalaga, siya ay madaling makikita ng mga sundalong Vietnamese ay madali siyang mapapatay.

Ang ginawa ng sundalo, nilakbay niya ang "ilalim ng ilog" gamit ang mga oxygen tanks, gumawa siya ng paraan para makalakad siya sa ilalim ng tubig hanggang marating niya ang tirahan ng dalaga.

Naglakbay din sila pabalik sa kampo ng mga Amerikano gamit ang mga oxygen tanks sa ilalim ng tubig, hanggang sila ay nakaalis ng ligtas.

Ahhh- O pag-ibig na makapangyarihan, kapag pumasok ka sa puso ninuman, gagawin ang lahat, makamit ka lamang!

Ang lundo ng paglalakbay ng Panginoong Jesus ay patungong Jerusalem.

Sa isang banda ang Jerusalem ay ang tahanan ng pananampalatayang Judio. Ito ay itinuturing na banal na lugar, sa paniniwalang ito ang tahanan ng Diyos.

Ito rin ang sentro ng kapangyarihang politikal ng mga Judio. Dito nagpupulong sanhedrin at naninirahan ang mga pinuno ng bayan.

Sa kabilang banda, ito ang Jerusalem na pumapatay ng mga propeta ng Diyos. Na dahil sa kabanalan ng lugar, inaakalan ng mga nasa lugar na ito na sila ay mga mas banal na tao, lalo at sila ay nasa kapangyarihan din sa lipunan.

Ito ang uri ng lugar na pupuntahan ng Panginoon. At makikita sa mga talatang ito ang

KATAPATAN
SAKRIPISYO at
DETERMINASYON

ng Panginoon upang tupdin ang layunin ng kanyang pagmamahal.

Ang bayan ng Jerusalem ay binigyan ng pagpapahalaga ng Diyos ng higit sa alinmang bayan. Ngunit ang mga pinuno ng templo at mga nasa politikal na kapangyarihan ay naging mapagmataas at nalunod sa kapangyarihan.

Dahil dito, hindi na nila naunawaan ng lubos ang layunin ng Diyos. Sa halip ang pansarili nilang layunin at kapakanan ang kanilang pinatutupad.  Isang halimbawa si Herodes, ang gobernador ng bayan, ay naging palalo at nakita niya ang mga katulad ni Juan Bautista at ang Panginoong Jesus bilang mga "threat" o panganib sa kanyang political career.

Kaya noong bigyan si Jesus ng babala na papatayin siya ni Herodes, sinabi niya na hindi siya titigil sa kanyang misyon.

Magbulay tayo sumandali.

1. Una, ang pag-ibig ng Diyos ay makikita sa katapatan ng Diyos sa kanyang pagtupad sa kanyang
Tipan at Pangako

Sa Lumang Tipan nabasa natin ang pagmamahal ng Diyos na kanyang ipinamalas sa kanyang
katapatan kay Abraham.

Si Abraham ay may espesyal na kaugnayan sa Diyos. Siya ay maituturing na kaibigan ng Diyos. What binds them is a covenant, isang tipan na pinatibay sa isa't isa.

May tatlong bahagi ang tipan ng Diyos kay Abraham:

PAGTAWAG
PANGAKO
PAGTUPAD.

a. Tinawag ng Diyos si Abraham upang maging kabahagi siya sa proyekto ng Diyos na magtatag ng isang piniling bansa.  Tumugon si Abraham upang magkaroon ito ng katuparan.

b. Nangako ang Diyos na pagpapalain niya si Abraham at magkakaroon ng anak si Abraham bulang simula ng isang lahi.

c. Tinupad ng Diyos ang kanyang pangako ayon sa kanilang tipan.

Tandaan na ang alinmang tipan ay walang silbi

kung wala itong pagtugon sa tawag ng Diyos

At ang bawat pagtugon ay pinatitibay ng mga pangako,

At ang mga pangako ay walang halaga kung hindi sila tutuparin.


Sinasabi ng Aklat ng Genesis na noong makita ni Abraham ang katapatan ng Diyos,

"naniwala si Abraham sa sinabi ni Yahweh". (Genesis 15:6).

2. Pangalawa, ang Pag-ibig ng Diyos ay makikita sa kanyang Kahandaang Isakripisyo ang Sarili Para ating Kapakanan.

(Illustration)

May isang Bible School student na nakikinig sa kanyang guro tungkol sa katapatan ng pag-ibig ng Diyos. Sabi ng teacher, naglakbay ang Diyos mula langit hanggang lupa, upang ipaabot niya ang kanyang pag-ibig sa atin."

Binago ng Diyos ang kabataang pastor, at nabuo sa isip niya ang pasalamatan ang kanyang teacher sa araw ng kanilang graduation. Isang Linggo bago ang pagtatapos, nagpa-alam ang kabataan.

After a week, dumating ang kabataan dala ang mga magagandang perlas at mga kabibe.

Sa araw ng graduation sa Bible School, malugod niya itong iniregalo sa kanyang mahal na guro.

Nang tanungin kung saan niya ito kinuha, paliwanag ng kabataan,

naglakad siya ng dalawang araw papunta at dalawang araw pabalik;
Sumisid siya ng buong araw at gabi sa ilalim ng dagat para makuha ang mga perlas at mga kabibe.

Sacrifice is God's proof of love for us.

Mababasa sa ating Epistle Reading na ang pag-ibig na ito ay naranasan ng mga Kristiano sa halimbawa ni Apostol Pablo;

a. Pangangaral na may kasamang pagluha - v. 18
b. Katapatan sa pagsalunga sa mga kaaway ng krus v. 18
c. Pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos, vv. 20-21

3. Panghuli, ang pag-ibig ng Diyos ay pinatunayan niya sa determinasyon ng ating Panginoon na ituloy ang kanyang misyon kahit ano pa ang mangyari.  Sa simula pa lamang ng kanyang pagyapak sa Jerusalem, tinapos na ni Jesus sa kanyang puso ang kanyang gagawin. At alam niyang wala ng makakapigil sa kanyang hangarin.

Alam ng Panginoon na hindi siya tanggap ng Jerusalem. Loving  despite of rejection is very hard.  Gayun man, hindi napigilan ng pagtanggi ng Jerusalem ang pag-ibig ni Cristo.

Aking kapatid, kung hindi mo pa alam, in-love sa iyo ang Diyos.

Maaring sabihin mo na desperado ang Diyos na mahalin  ka.

Pag-ibig ng buong

katapatan.
sakripisyo
at
determinasyon.

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...