Ang Mabuting Halimbawa ng mga Balo
Ruth 3:1-5; 4:13-17 / 1 Kings 17:8-16
Mark 12:38-44
Ang mga balo o widows ay espesyal sa mata ng Diyos. Mahal sila ng Panginoon. May magandang plano ang Diyos para sa isang pamilyang nabalo ng ama. Ang mga salitang ito ay lagi kong naririnig noon pa mula sa aking ina. Maagang pumanaw ang aking ama, ako po ay pitong taong gulang pa lamang noon ng yumao ang aking ama. Ito ang pinaghawakang katotohanan ng aking ina habang kami ay lumalaki. At kailan man, hindi namin siya nakitang pinanghinaan ng loob sa pagtataguyod sa kanyang pamilya.
Sabi sa Ex 22:22-24, "Do not take advantage of a widow or an orphan. If you do and they cry out to me, I will certainly hear their cry. My anger will be aroused, and I will kill you with the sword; your wives will become widows and your children fatherless.” (NIV)
Ang ating mga teksto sa Linggong ito ay kwento ng mga balo, si Ruth at Naomi, ang balo ng Zarepath, at isang balo sa Marcos 12:38-44.
Tunay nga na sinasabi sa Biblia, na may malalim na malasakit ang Diyos sa mga balo at ulila (Deut. 10:18). Pero bakit kaya?
1. Kung wala ng ama ang isang pamilya, wala silang tagapagtanggol, lalo sa kalagayan na may digmaan.
2. Kaunti ang kanilang kabuhayan.
3. Walang magpapatuloy sa paglinang ng lupa para magamit ng pamilya, lalo kapag ang mga batang naulila ay mga bata pa.
4. Ang inang nabalo ay tatayong ina at ama ng pamilya. Ang pasanin ng pamilya ay mag-isa niyang tutugunin.
Tatlo lamang ito sa mga dahilan kung bakit espesyal sa puso ng Diyos ang kalagayan ng mga ulila at balo. Dahil dito, ang Diyos ay may nakahandang tugon para sila pamangalagaan.
1. Ang Diyos mismo ang tagapagtanggol ng mga naulilang pamilya o ng asawang balo (Deut. 10:18).
2. Sa kultura ng Israel, iniutos ng Diyos na dapat pangalagaan ng isang kamag-anak ang ari-arian ng mga ulila, at kung may kapatid ang namatay, kukunin siya ng kanyang bayaw at ituturing na asawa, upang may mangalaga sa mga ulila at sa balo (Ruth 4:10; Mark 12:19).
3. Sa Deut 26:12, kabilang mga ulila at balo sa mga tutulungan mula sa kaloob sa pananalapi ng templo (mga ikapu) upang hindi maghikaos ang mga ay ulila.
Kahit sa Bagong Tipan, ang mga ulila at balo ay kasama sa ministeryo ng iglesia; sa James 1:27, ganito ang sinasabi,
“Religion that God our Father accepts as pure and fault less is this: to look after orphans and widows in their distress and to keep oneself from being polluted by the world.”
Ang Mabuting Halimbawa ng Mga Balo
Mahirap man ang kalagayan ng mga balo, maraming halimbawa ang Biblia sa mga balo, na dapat pamarisan. Katulad ng teksto sa Marcos 12:38.
1. Katapatan sa pagkakaloob. Ang katapatan ng isang mahirap sa pagkakaloob ay higit na kagalakan sa puso ng Diyos, kaysa kaloob ng isang mayaman na nagbibigay ng sobra lamang sa kanyang kayamanan. May kasabihan na “pay till it hurts”. Ang ginawang pagkakaloob ng balo ay pagbibigay ng lahat ng salapi niya.
2. Katapatan sa Pananampalataya. Sa 1 Tim 5:5-6, sinasabi,
“ The widow who is really in need and left all alone puts her hope in God and continues night and day to pray and to ask God for help.” Ang mga balo sa ating aralin ay may pagtitiwala sa Diyos.
Alam natin na ang karanasan ng kahirapan ay maaaring mag-udyok sa isang tao para gumawa ng kasalanan sa pamamagitan ng pagkapit sa patalim. Ngunit ang mga balo sa ating kwento ay nagpakita ng pagkapit sa Diyos at hindi sa kasalanan. Gaano man kahirap ang kalagayan natin sa buhay, huwag sana tayong mag-iisip na yumakap sa kasamaan. Huwag sana nating gawing katuwiran na dahil mahirap tayo, maari tayong magnakaw o mandaya.
3. Katapatan sa Pagsunod sa Diyos. Minsang sinabi ni John Wesley sa Liturhiya ng Covenant Service, “ang pagsunod sa Diyos ay minsan magaan, at kung minsan ay mabigat, may ipinagagawa ang Diyos sa mga naglilingkod sa kanya ng mga bagay na madaling gawin, at may mga bagay na mangangailangan ng sakrispisyo”. Sa sakripisyo napapatunayan ang katapatan. Ang katapatan ng babaeng balo ay sakripisyo para sa Diyos, dahil siya nagkaloob ng lahat niya para sa Panginoon. Ang hamon ng propeta sa balo ng Zarepath ay hindi simpleng hamon. Ngunit tumugon siya sa utos ng propeta ng Diyos. Gaano man kaliit ang ating kinikita, kung tapat tayo sa ating pagsunod at pagmamahal sa Panginoon, dapat tayong makibahagi sa pasanin ng simbahan. Huwag po sana tayong manghihinayang sa ibinibigay natin sa Diyos, dahil hindi po sila kawalan.
4. Pagtitiwala sa mga Paraan ng Diyos. Ang mga balo sa ating kwento ay nagpakita ng pagtitiwala sa paraan ng Diyos. Si Naomi at Ruth ay naging tapat sa panuntunan ng Diyos Si Ruth ay sumunod sa paraan ng Kautusan bagamt siya ay isang Moabita at maaring hindi sanay sa kaugaliang Judio. Ngunit siya ay nagtiwala sa paraan ng Diyos . Sa ganitong paraan nagka-anak siya, at naging apo siya si Haring David, at ang Panginoong Jesus. May mga pagkakataon nahindi natin maunawaan ang paraan na nais ng Diyos. Gayun man, dapat tayong sumunod sa paraan ng Diyos.
Ang ginawang paghingi ni propeta Elias sa balo ay maaring ituring kalabisan o pang-aabuso. Ngunit basahing mabuti ang 1Hari 17:14. ginawa ito ng propeta hindi para kumain siya kundi dahil ito ang utos ng Diyos. Ito ang paraan ng Diyos para pagpalain niya ang mahirap na balo. May paraan ang Diyos para pagpalain niya ang mga mahihirap, pero iniuutos ba natin ito sa mga miembro natin? Sinasabi ba natin sa kanila ang ipinagagawa ng Panginoon?
May pastor na minsang nagsabi, “Ayaw kong mangaral tungkol sa ikapu, dahil mahihirap ang aking mga miembro.” At sabi ng isa pang pastor, “Ayaw kong ma-offend ang mga miembro ko, hindi ako nangangaral tungkol sa pagkakaloob.”
Ang ginawa ni Propeta Elias ay pagsunod sa Diyos para pagpalain ang balo. Kung hindi natin ituturo ang mga pamamaraan ng Diyos sa mga tao, inaalisan natin sila ng pagpapala mula sa Diyos. Sabi sa Awit 127:1, “Maliban na ang Diyos ang nagtayo ng bahay, ang ginawa ng nagtayo ay walang kabuluhan.” Dapat tayong magtiwala sa paraan ng Diyos at hindi sa ating sariling paraan. Ang pag-iikapu ay paraan na turo ng Biblia, ito ay malinaw na paraan ng Diyos.
Huwebes, Oktubre 29, 2015
Pagkakaloob ng Ikapu sa Panginoon.
Ang pag-iikapu ay tungkuling Kristiano na itinuturo ng Luma at Bagong Tipan. Ito ay mahalagang paraan upang matugunan ang pangangailangan ng iglesia at ng kanyang misyon. Ang pagtupad sa tungkuling ito ay pagsunod sa kalooban ng Diyos.
Ang Prinsipyo ng Pag-iikapu Mula sa Old Testament
Ang pag-iikapu ay turo mula sa Lumang Tipan, ito ay pagkakaloob sa Diyos ng handog na 10% mula sa kinikita ng mga Israelita sa templo (Leviticus 27:30; Numbers 18:26; Deuteronomy 14:24; 2 Chronicles 31:5). Utos ito ng Diyos para mapunan ang pangangailangan ng templo at tulong sa nangangailangan.
Pag-iikapu sa Bagong Tipan
Apat na beses lamang binabanggit ang pag-iikapu sa Bagong Tipan (Luke 18:12, Matt. 23:23; Heb. 7:1-10 at Luke 11:42). Mababasa natin na binabatikos ng Panginoon ang gawain ng mga Pariseo, dahil mas binibigyan nila ang pagpapahalaga ang ikapu at naisasantabi nila ang hustisya, habag at katapatan. Sa Hebreo 7:1-10, binabanggit naman ang ginawang pag-iikapu ni Abraham. Maliban dito, wala ng pagbanggit tungkol sa pag-iikapu sa Bagong Tipan.
Ang prinsipyo ng pag-iikapu sa Lumang Tipan ay pagbibigay sa Diyos ng pasasalamat at hindi dahil ito ay requirement lamang. Ang prinsipyong ito ay may lugar pa rin sa Bagong Tipan, bagama’t hindi tuwirang iniuutos ito ng mga apostol.
Mababasa sa Mateo 23:23 ang nag-iisang turo ng Panginoong Jesus tungkol sa pag-iikapu.
"Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari!
Ibinibigay ninyo ang ikasampung bahagi ng naaani ninyong yerbabuena, ruda, linga, ngunit kinakaligtaan naman ninyong isagawa ang mas mahahalagang turo sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Huwag ninyong kaligtaang gawin ang mga ito kahit na tamang gawin ninyo ang pagbibigay ng ikasampung bahagi ng ani."
Sa turo ng Panginoong Jesus sa Bagong Tipan ay malinaw na dapat pa ring ipatupad ang pag-iikapu.
Pagkakaloob sa Ating Panahon.
Una tandaan na ang pag-ibig sa Diyos ay dapat maging pangunahin sa ating buhay. Sabi ng Panginoon sa Mateo 6:21, "Where your treasure is, there your heart will be also.” Isa pa, ang salapi ay mapanganib kapag pinapanginoon (Lucas 16:13). Ang salapi ay dapat magamit sa paglilingkod sa Diyos (Lucas 18:22). Ang prinsipyo ng pagkakaloob ay hindi batas kundi kapahayagan ng ating pag-ibig sa Diyos na nagpapala sa atin.
Pangalawa, tulad ng pananaw sa Lumang Tipan, may pangangailangan din sa simbahan sa ating panahon. Tulad ng tungkulin ng iglesia sa mga manggagawa (Lucas 10:7; 1Corinto 9:7). Ang gastusin sa ministeryo ng pagtulong sa mahihirap (2Cor. 9:11) at ang pag-sasaayos ng simbahan (Ageo 1:14).
Ang usapin ng pagkakaloob ay dapat suriin ng bawat Kristiano kung paano natin mapapalago ang ating mga gawain at misyon para sa Diyos, upang hindi mapabayaan ang mga simbahan ng Diyos, at mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng mga ito.
Generous Giving
Sa Lucas 12:33, inuutusan tayo ng Diyos na mag-impok sa langit. Ang isang halimbawang pinuri ng Panginoon sa saganang pagkakaloob ay ang pagbibigay ng balo sa Lucas 21:4. Gayun din ang pagpuri ni Pablo sa mga taga-Macedonia sa pagkakaloob nila ng tulong sa Jerusalem ng “higit pa sa kanilang kaya” (2 Cor. 8:3). Ang pagkakaloob ng sagana ay katibayan ng ating pagmamahal sa Diyos. Maipapahayag natin ang pag-ibig na ito sa ating pagkakaloob ng ikapu.
Paano Mag-ikapu?
Ang ating iglesia ay nagmumungkahi na gamitin natin ang sistema ng tithing, hindi bilang batas kundi bilang kapahayagan ng ating pag-ibig sa Diyos at suporta sa mga gawain ng iglesia. May mga mungkahing paraan para gawin ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Kung hindi mo pa tinanggap si Jesus bilang iyong Tagapagligtas, unahin mo ang muna ang mga bagay na nais ipagkaloob sa iyo ng Panginoon. Nais ng Panginoon na patawarin ka sa lahat ng iyong mga kasalanan, nais ka niyang maligtas at gawing anak niya. Maari mong tanggapin ang kaloob na ito sa pamamagitan ng panalanging may pananalig kay Cristo Jesus na tumubos sa iyong mga kasalanan.
2. Bilang tunay na mananampalataya, maging tapat ka nawa sa pagkakaloob ng iyong ikapu sa ating iglesia. Hindi man ito requirement sa Bagong Tipan, requirement pa rin ito ng Lumang Tipan at kailangan pa rin ng iglesia ang kaloob ng mga tao para sa Panginoon.
3. Kung hindi mo pa nasusubukan ang hamon ng Diyos tungkol sa ikapu ayon sa Malakias 3:10, bakit hindi mo subukan ang Diyos sa loob ng 90days? Magkaloob ka ng ikapu sa loob ng tatlong buwan. Ibigay mo ang 10% ng iyong kinikita sa ating iglesia at pagmasdan kung tunay ngang pagpapalain ka ng Diyos. Kung hindi, huwag kang magpatuloy.
4. Kung kayo ay mag-asawa, pag-usapan ninyo kung paano kayo magkakaloob ng inyong ikapu sa iglesia. Gumawa ng record para sa inyong finances. Ayusin ang inyong budget at gamitin ang payong ito sa paggastos. Sweldo (100%) - tithes (10%) - savings (10%+) = 80% Budget sa Paggastos.
5. Kung hindi ka pa sigurado kung 10% net income o gross income ang iyong ipagkakaloob, idalangin mo sa Panginoon ang iyong desisyon. Maaring subukan mo muna ang iyong tithing base sa iyong net income, at pagmasdan kung paano ka pagpapalin ng Diyos ayon sa kanyang Salita.
6. Turuan ang mga bata na magkaloob sa Panginoon. Maari itong manggaling sa kanilang mga allowances, regalong tinatanggap, o extrang pera mula sa magulang.
7. Aralin ang takbo ng finances sa loob ng tahanan. Pagmasdan kung paano dumadaloy ang mga pagpapala ayon sa mga pangako ng Diyos. Hilingin na pagpalain ng Panginoon ang iyong sambahayan upang lalo tayong makatulong sa mga gawain ng iglesia.
Nakadepende ang iglesia sa biyaya ng Diyos, sa pamamagitan ng mga kaloob ng mga taong nagmamahal sa Panginoon. Hindi man sapilitan ang ikapu, maganda pa rin itong batayan ng pagkakaloob sa simbahan upang magkaroon ng sapat na gastusin para sa pangangailangan ng iglesia, sa paglago, at ng sa gayun, lalawig ang gawain ng Panginoon.
Susi sa Paglago ng Iglesia
Susi sa Paglago ng Iglesia
(James 5:13-20)
Open hearts, open minds, open doors. Ito ang isa sa mga motto ng ating iglesia. Ang pagiging bukas upang tanggapin ang mga makasalanang nagbabalik loob sa Diyos, ang mga tao na naghahanap sa Diyos. Marahil nararapat na pag-aralang mabuti ng iglesia ang tamang paraan upang makita ng mga tao sa paligid na tayo nga ay katawan ni Cristo na nananalangin, naglilingkod, sumasamba, at umaabot sa kanila.
Kung halimbawang aaralin natin ang pananaw ng mga tao sa paligid ng iglesia; kung anong uri ng simbahan ang kanilang hinahanap, marahil maari nating gamitin ang sumusunod na survey;
A Community Survey Questions:
1. Are you an active member of a nearby church?
2. What do you think is the greatest need in this community?
3. Why do you think most people don't attend church?
4. If you were looking for a church in the area, what kinds of things would you look for?
5. What advice would you give me as the pastor of a new church?
6. Are you interested in getting more information about the United Methodist Church?
And consider this survey conclusion; that says 90% of new members will stay in the church if:
1. they can articulate their faith (implies need for
membership confirmation and evangelism classes),
2. They belong to subgroups (i.e. choir, Bible Studies, Sunday School classes, etc.),
3. They have 4-8 close friendships within the church.
Ang ating aralin ay may paraan ding tinuturo upang manatiling masigla, matatag at lumago ang iglesia;
A. Nananalangin. Sa James 5:13 ang sabi ay, "Are any among you suffering? They should pray. Are any cheerful? They should sing songs of praise."
Are any among you suffering? Ibig sabihin, natural na nagkaka-problema sa iglesia, personal mang problema ng miembro o problema ng buong iglesia. Ang tanong ay: "Nagkakaisa ba ang ating iglesia sa pagdulog sa Diyos sa pananalangin?" This verse is talking about a united church, who feels the suffering of anyone, and is praying as one. Ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan.
At mayroon ding sinasabi ang ating aralin, kung anong uri ang panalangin na dapat nating gawin upang makamit natin ang pag-asa na tayo ay diringgin ng Diyos tungo sa paglago ng ating iglesia;
a. a prayer for the sick (v.14) - kapahayagan ng ating pagmamahal at malasakit
b. a prayer of faith (v.15) - kapahayagan ng ating pananampalataya
c. a prayer of confession (v.16) - kapahayagan ng ating pagpapakumbaba at sincerity. This will further heal the spiritual sicknesses of both the person and the whole church.
d. fervent prayer like that of Elijah (v. 17) - madalas tayong magkulang nito. Madalas ang ating panalangin ay hindi "marubdob" at mababaw. Sinasabi na si John Wesley ay nananalangin ng ilang oras bago mangaral, ang mga dakilang alipin ng Diyos ay nag-aayuno ng ilang araw bago gumawa para sa Panginoon. Ang kanilang mga panalangin ay may sangkap na malalim na damdamin ng pagmamakaawa sa Diyos.
2. Naglilingkod. Sabi sa 5:14 "Are any among you sick? They should call for the elders of the church and have them pray over them, anointing them with oil in the name of the Lord."
Nakatutuwang isipin na ang tawag natin sa ating pagsamba ay "service". Ang ating iglesia ay naglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Minsang sinabi ng evangelist na si Dwight Moody,
"Show me a church where there is love, and I will show you a church that is a power in the community."
3. Sumasamba. Sa verse 13b, ang sabi ay, "Are any cheerful? They should sing songs of praise." Ang masiglang pagsamba at maayos na simbahan ay magnet sa mga taong uhaw sa paglapit sa Panginoon. Ang ating pagsamba ay dapat na kapahayagan ng ating kagalakan at pasasalamat sa Diyos.
4. Pag-abot sa mga tao sa labas ng iglesia. Sa verse 19-20, binabanggit naman ang gawain ng panghihikayat. Ang sabi ay ganito, "My brothers and sisters, if anyone among you wanders from the truth and is brought back by another, you should know that whoever brings back a sinner from wandering will save the sinner's soul from death and will cover a multitude of sins."
Ayon sa Focus on the Family, matapos ang survey sa 10,000 people, “The Institute for American Church Growth concluded that 79 percent began attending church after receiving such an invitation. Only 6% were attracted by the pastor, 5% by the Sunday school and 0.5% by an evangelistic crusade.”
Ang sabi sa verse 19, "if anyone among you wanders from the truth and is brought back by another", ito po yung mga nabibisita at maiimbitahang dumalo sa iglesia. Malinaw kahit sa Biblia na ang ating trabaho ay "paghahanap sa mga nawawala." Sabi ni John Wesley, "Our task is nothing but to save souls."
Pag-isipan din natin ang lumabas sa survey na ito, na bagamat doon sila sa America ginawa, naniniwala ako na mayroon silang katotohanan maging sa ating kalagayan sa mga iglesia sa Pilipinas.
Consider the six needs discovered in his survey: Ganito raw po ang hanap ng mga tao sa iglesia;
1. To believe life is meaningful and has a purpose.
2. To have sense of community and deeper relationships.
3. To be appreciated and respected.
4. To be listened to--and heard.
5. To feel that one is growing in the faith.
6. To have practical help in developing a mature faith.
Taimtim na pananalangin sa Diyos, masayang pag-samba, masigasig na paglilingkod at evangelismo, pagbibisita at panghihikayat. Mga bagay na dapat nating isaalang-alang kung nais nating lumago ang ating iglesia.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...