Huwebes, Enero 10, 2019

Seven Last Words Tagalog 2019 (Tema: "Humayo sa Kalbaryo at Magbunga")

Tema: "Humayo sa Kalbaryo at Magbunga"

Panimula:

May kwento tungkol sa isang kabataan na naka-isip ng kalokohan. Pumunta siya sa isang pari para magkunwaring mangungumpisal. Nagsabi siya ng mga kasalanang hindi naman niyang totoong nagawa. Mga grabeng kasalanan, tulad ng pagpatay, pag-rape at iba pa, para lamamng makita niya kung ano ang ipapayo ng pari para siya patawarin.

Matalino ang pari at agad niyang nahalata na niloloko lamang siya ng kabataan.  Kaya sabi ng pari, “Para sa iyong mga nagawang kasalanan, ganito ang gawin mo.  Pumunta ka sa harap ng altar, tumingin ka sa krus at sabihin mo, “Jesus, alam kong namatay ka para iligtas ako mula sa aking mga kasalanan, ngunit wala akong pakialam!”

Ulitin mo ito ng tatlong beses, at maari ka nang umalis.
Sagot ng kabataan, “Ganun lang? Ganun lang kadali?

Ginawa ito ng pilyong kabataan. Sinabi niya ito ng pasigaw, “Jesus, alam kong namatay ka para sa aking mga kasalanan, ngunit wala akong pakialam!” Inulit ito ng kabataan, “Jesus, alam kong namatay ka para sa aking mga kasalanan, ngunit wala akong pakialam!”  Pangatlo at pang-huli, sinubukang ulitin ito ng kabataan, ngunit...napaluhod siya sa harap ng altar at umiyak.  At sinabi niya, “Jesus, alam kong namatay ka para iligtas ako sa akingmga kasalanan.  Patawarin mo po ako.”

Naging Kristiano ang kabataan at naglingkod siya sa Panginoon.

Ang paglapit sa krus upang katagpuin ang Panginoong ay may ibubungang kabutihan. Kapatawaran para sa mga nagkasala.  Bagong buhay para sa sinumang magsusuko ng kanyang buhay sa Diyos.  Halina at humayo tayo sa kalbaryo at katagpuin si Jesus.

_______________________________

A.   Bunga ng Pagpapatawad
“Ama patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.”
(Lucas 23:34)

a.   Bunga ng Pagpapatawad

“Ama patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” (Lucas 23:34)

Ito ay isang panalangin upang magpatawad.  Isang panalangin na nagsasaad na ang Diyos na ating sinasampalatayanan ay nagpapatawad.

Ayon sa Awit 51:1, “Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos, sang-ayon sa iyong kagandahang-loob; mga kasalanan ko'y iyong pawiin, ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!”

1. Ang unang bunga ng paglapit sa kalbaryo ay pagpapatawad sa ating mga kasalanan, at ito rin ang unang hinihingi ng Diyos mula sa atin.

“Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit.” (Mateo 6:14)

2. . Ang pagpapatawad ay paglaya mula sa nakalipas.

Marami ang nakakulong sa nakalipas, dahil ayaw nilang magpatawad.  Ayaw ng Diyos na manatili tayong nakakulong sa ating nakaraan.  Pinatawad tayo para tayo rin ay magpatawad.

Ang galit at hinanakit ay pabigat sa ating  damdamin.

May kwento tungkol sa isang guro nagturo kung paano nakakabigat ang kawalan ng pagpapatawad.

Kumuha siya ng maliit na bato. tanong niya sa mga estudyante, “Mabigat ba ito?   “Hindi” sagot nila.
Patuloy ng guro, hindi mabigat ito, ngunit kung dadalhin ko ito, at hindi ko ito bibitawan, ng isa o dalawang taon, magiging pabigat ito sa akin.

Ganyan din ang kawalan ng pagpapatawad, lalaki at titindi ang galit kung hindi tayo nagpapatawad.

3. Tungkulin natin ang ipanalangin ang mga nagkasala sa atin.

Bilang tagasunod ng Panginoong Jesus, tungkulin natin ang idalangin ang mga nagkasala sa atin.

Sabi sa Mateo 5:43

“You have heard that it was said, ‘Love your neighbor[a] and hate your enemy.’ 44 But I tell you, love your enemies and pray for those who persecute you, 45 that you may be children of your Father in heaven. He causes his sun to rise on the evil and the good, and sends rain on the righteous and the unrighteous. 46 If you love those who love you, what reward will you get? Are not even the tax collectors doing that? 47 And if you greet only your own people, what are you doing more than others? Do not even pagans do that? 48 Be perfect, therefore, as your heavenly Father is perfect.

Kung sinasabi nating tayo ay alagad ni Cristo, kailangan tayong magpatawad bilang mg atunay na anak ng Diyos.

Manalangin tayo para magpatawad.

_____________________

B. Bunga ng Tapat na Pangako ng Diyos
"Sinasabi ko sa iyo: ngayon din ay isasama kita sa Paraiso" (Lucas 23:43)

1. . Bunga ng Tapat na Pangako ng Panginoong Jesus

"Sinasabi ko sa iyo: ngayon din ay isasama kita sa Paraiso" (Lucas 23:43)

Ang Panginoong Jesus ay may mga pambihirang mga pangako.  Tulad ng pangako niyang, “Ang sinumang mananalig sa akin, bagamat mamamatay ay muling mabubuhay at hindi na siya mamamatay kailanman.”

O ang pangakong ganito,

“Yes, I am the vine; you are the branches. Those who remain in me, and I in them, will produce much fruit. For apart from me you can do nothing.” John 15:5

Ang sabi ni C.S. Lewis, na dating hindi naniniwala sa Diyos, na anging Kristiano, “Sa mga sinasabi ni Jesus, dalawa lang ang pweding itugon natin.  Mananalig ka sa kanya, o ituturing mong isa siyang huwad.”

Alin sa dalawa ang nais mong itugon kay Jesus?

Ang unang salarin ay hindi nanalig kay Jesus. Ang pangalawang salarin ay nanalig kay Jesus.

Bilang bunga ng kanyang pananalig siya ay tumanggap ng pangako,

“Ngayon din ay isasama kita sa paraiso.” ito ang pangako ng Panginoong Jesus sa kanya.

Ano ang ibig sabihin nito?  Ano ang pangakong paraiso?

a. Ito ay isang pangako.

Ang pangako ay paninindigan ng Diyos kapag tayo ay sumamapalataya sa kanya.  Ito ay mula sa kanyang salita.
The Lord is not slow to fulfill his promise as some count slowness, but is patient toward you, not wishing that any should perish, but that all should reach repentance. (2 Peter 3:9)

Pansinin na ang nais ng salarin ay ang “alalahanin lamang siya” ni Jesus sa kanyang paghahari. Wala siya hininging higit dito. Ngunit sa mga nananalig, tatanggap tayo ng higit pa sa ating inaasahan (Efeso 3:20).

Higit pa sa ating hinihingi o inaasahan ay ibibigay ng Diyos.

b. Ang Paraiso. Ano ito?

Hindi ito ang langit.  Dahil hindi naman agad-agad pumunta ng langit si Jesus.  Siya ay namatay at inilibing. Namatay din ang salarin at maaring inilibing o itinapon ang kanyang bangkay. Hindi naniniwala ang mga Judio na hihiwalay ang kaluluwa o espiritu sa katawan kapag namatay.  Ang bangkay ng tao ay pinaniniwalaang muling mabubuhay kapag dumating na muli si Jesus, at dadalhin niya ang kaharian ng Diyos dito sa lupa. Ito ang alam ng salarin.

May pagtatalo kung ano talaga ang kahulugan ng salita ng Panginoong Jesus, “And Jesus said today I will be with you in paradise.”  Dahil sa kuwit o comma, nagbabago ang kahulugan ng salita.  Madalas ilagay ang comma bago ang salitang “today”.  Kaya ang dating sa tagalog, ay ganito, “Sinasabi ko sa iyo, ngayun din isasama kita sa paraiso.”  Pero subukan nating ilagay ang comma pagkatapos ng “today”.  Magbabago ang kahulugan ng sentence. “Sinasabi ko sa iyo ngayun din, isasama kita sa paraiso.”

b1. Ang paraiso ay ang paghahari ng Diyos sa tao at hindi ito yung “ngayun din isasama kita sa langit”.  Asamin natin ang makasama ang Diyos.  At kapag kasma natin ang Diyos, iyun ang paraiso.

b2. Maniwala tayo na darating ang paghahari ng Diyos dito sa lupa. At kapag nagkagayun, tayo magkakaroon ng buhay na walang hanggan bilang mga pnaghaharian ng Diyos sa sanlibutan.

Ito ang pangako ng Panginoong Jesus ngayon din.

 _______________________

C. Bunga ng Tunay na Pag-ibig sa Pamilya
"Babae, narito ang iyong anak. . . . Narito ang iyong ina!" (Juan 19:26b-27)

1. Bunga ng Tunay na Pag-ibig sa Pamilya

"Babae, narito ang iyong anak. . . . Narito ang iyong ina!" (Juan 19:26b-27)

Kung mayroon tayong dapat pahalagahan, ito yung pagmamahal  sa pamilya.  Kailangang ituro ito sa mga bata.  Huwag ninyong ipagpalit ang inyong mga magulang sa mga barkada.  Huwag ninyong ipagpapalit ang inyong mga kapatid sa ibang best friends.

Hanggang sa huling sandali ng ating buhya, walang hihigit sa pagmamahal ng sariling pamilya.   Alam ito ni Jesus.

Kaya sa huling sandali ng kanyang buhay sa lupa, tinawag niya ang pansin isang tapat na alagad.

2. Ang kanyang alagad.

Habang ang ibang alagad ay wala, ang nag-iisang alagad na ito ay nasa paanan ng krus. Maari siyang dakpin at ipako rin sa krus.  Ngunit ayon sa ating nabasa, lantaran niyang kinilala ang Panginoong Jesus kasama si Mariang ina ni Jesus.

Ito ay tanda ng kanyang katapatan. Nanatili siyang kasama ng Panginoon hanggang kamatayan.

c. Ang ina ni Jesus.

Gayun din si Maria. Pinarusahan ang kanyang anak at naroon siya. Ganyan ang mga ina, kapag may lagnat ka, darating sila. Kapag may problema ka, kasama mo siya.  Walang kapalit sa ating mga buhay ang mga nanay.

Pero aalis na si Jesus.  Sa kanyang pagpanaw, iiwan na niya ang kanyang ina na hindi nang-iiwan.  Ikatamung anak, lalakwan tala ding inang tamu, pero anggat agawa da ding inang, edaka tamu lakwan den.
Kaya pinagkatiwala ng Panginoon ang kanyang ina sa maasahang alagad.
Ang pangatlong salita ay panawagan sa ating lahat na mahalin natin ang ating mga magulang.

Mga dapat gawin.

1. igalang natin sila tulad ng utos ng Diyos.

"Honor your father and your mother, so that you may live long in the land the LORD your God is giving you. (Exodo 20:12)

2. lingapin natin sila sa kanilang pagtanda.

May kwento tungkol sa isang matanda na minsan ay nakakabasag ng plato.  Nang-hihinayang ang kanyang anak sa nabasag. Ang ginawa ng kanyang anak, gumawa ito ng platong kahoy para hindi na ito basta-basta nababasag.

Isang araw, ang apu ng matanda ay gumawa rin ng platong kahoy. Tinanong siya ng kanyang tatay, “Anak, para kanino ang platong kahoy na ginagawa mo?”

Sagot ng anak, “Para sa inyo po tatay. Para kapag matanda na po kayo hindi rin kayo makakabasag ng mga pinggan.”

Mula noon, hindi na pinagamit ng ama ang kahoy na pinggan sa matanda. Hindi na siya nang-hinayang sa nabasag na pinggan ng kanyang matandang magulang.

May bunga ang paggalang at pagmamahal sa mga magulang.  Lalawig ang iyong buhay. Ang pagpapala ng Diyos ay dadaloy sa iyo kung mahal mo ang iyong mga magulang.

______________________


D.  Bunga ng Pananalig sa Diyos
"Eli, Eli, lama sabach-thani?" ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?"
(Mateo 27:46b; Marcos 15:34)

Ang salitang ito ay hango sa Awit 32.

a. Kahit ang mga tapat sa Diyos nakakaranas ng pagsubok at maaring makaramdam na sila ay pinabayaan ng Diyos.

b. Ngunit may pinag-kaiba ang mga may kaugnayan sa Diyos.   Sila ay nananatiling tumatawag at nagtitiwala sa Diyos na kanilang ama.

- pananalig, ito ay ganap na pagtitiwala

c. Ang mga nagtitiwala sa Diyos ay hindi mabibigo sa kanilang pagtitiwala sa Diyos.


____________________

E.  Bunga ng Pagtugon sa Kalooban  ng Diyos

“Sinasabi ng Banal na Kasulatan, "Pagkatapos nito, alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, ‘Nauuhaw ako!” (Juan 19:28)

a. Ang Kalooban ng Diyos

Madalas ang kalooban ng Diyos ay ipipakilala sa tao.  May mga propeta noong una, na nagpapakilala sa mga plano ng Diyos. Laging may mga "revelations" tungkol sa mga plano ng Diyos. Ang mga ito ay nababasa sa Kasulatan.

Halimbawa: Kalooban ni Yahweh na matulad sa isang halaman ang kanyang lingkod,
parang ugat na natanim sa tuyong lupa. (Isaiah 53:2)

Less than 1000 years before Jesus, it was revealed that the Messiah will experience extreme thirst.
He will be deprived with basic needs. (Isaiah 53:2-4)

Why? 

Continuously reading Isaiah 53, in verses 5,

“Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan;
    siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.
Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya
    at sa mga hampas na kanyang tinanggap.”

Ito ng katuparan ng Kasulatan.  

b. Alam ito ni Jesus.  Personal awareness ng kanyang pagsunod.

 It is a sign of his obedience unto death.
Awareness of doing God’s will.

__________________________ 


F. Bunga ng Katapatan

"Naganap na! (Juan 19:30).

a.       Tetelestai – a military term, “Mission accomplished sir!”

b.       It is a word of Fulfillment – and fulfillment is fruit of faithfulness – to finish your calling, to be obedient.

“Work half done is work undone. – Howard

c.       Magkadugtong ang salitang “Nauuhaw ako.” At ang “Naganap  na.”



Application:

1.       Finish what you have started. See Luke 14:28 – 30.

“Suppose one of you wants to build a tower. Won’t you first sit down and estimate the cost to see if you have enough money to complete it? 29 For if you lay the foundation and are not able to finish it, everyone who sees it will ridicule you, 30 saying, ‘This person began to build and wasn’t able to finish.’

2.       Obedience is better than sacrifice

Dealing with God’s will can never be covered with religiosity.  It is a sin to cover – up sins with religion.


Religion without obedience is weakening the faith. Observe 2 Timothy 3:5, “having a form of godliness but denying its power. Have nothing to do with such people.”


________________________ 





G. Bunga ng Pagtitiwala sa Diyos Hanggang Kamatayan

"Ama, sa mga kamay mo'y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu!" (Lucas 23:46)

1.       What is spirit? See Ecclesiastes 12: 6-7,

Remember him—before the silver cord is severed,
    and the golden bowl is broken;
before the pitcher is shattered at the spring,
    and the wheel broken at the well,
and the dust returns to the ground it came from,
    and the spirit returns to God who gave it.

2.       Death is an unknown territory among the Jews.

Reading Ecclesiastes 9:10

Whatever your hand finds to do, do it with all your might, for in the realm of the dead, where you are going, there is neither working nor planning nor knowledge nor wisdom.


3.       Death must be a journey of entrusting ourselves to God.
4.       That in death experience, we can still rely on God.
5.       Trusting God for our resurrection. This is the ultimate expression of faith.

a.       Jesus trusted his Father - Matthew 20:17-19

And Jesus going up to Jerusalem took the twelve disciples apart in the way, and said to them, Behold, we go up to Jerusalem; and the Son of man shall be betrayed to the chief priests and to the scribes, and they shall condemn him to death, And shall deliver him to the Gentiles to mock, and to whip, and to crucify him: and the third day he shall rise again.

b.       We must trust God

1 Corinthians 6:14
Now God has not only raised the Lord, but will also raise us up through His power.

  
_________________



Seven Last Words Tagalog 2018

Pagpapalang Mula sa Krus ni Jesus (Seven Last Words-Tagalog)

ANG HULING PITONG WIKA


I.  Unang Wika: Ang Pagpapala ng Pagpapatawad

“Ama patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” (Lucas 23:34)

Maraming kwento ng pamamaril sa America, sa mga paaralan, mga simbahan at iba pang lugar.  May mga pangyayari na - bigla na lamang magpapapaputok ng baril ang isang kabataan at basta na lamang niyang papatayin ang sinumang makita niya.

*May nangyaring ganito sa Colorado Spring, USA.  Si Matthew Murray, 24 years old ay isang kabataan na pumasok na isang Youth with a Mission Headquarters at pinatay niya ang ilang mga tao doon. Pagkatapos ay pumunta siya sa isang simbahan at napatay niya ang dalawang kabataan.

Siya ay napatay ng security guard.

Pagkatapos ng mga pangyayari, sinubukang imbitahan ng pastor ang mga Murray upang magsimba sa church na iyon.  Nagatubili sila, ngunit bandang huli ay nagsimba rin ang mga magulang ni Matthew sa simbahan kung saan nakapatay at namatay ang kanilang anak.

Ang pangyayari sa office ng pastor ay kakaiba. Nagkita ang mga magulang ng mga napatay ni Matthew, at ang magulang ng pumatay. Nagkita rin ang security guard at ang magulang ni Matthew.  Sa office, nagyakapan sila, humingi ng tawad, nagpatawaran sila, at nanalangin.

(*http://www.foxnews.com/story/2007/12/10/colorado-church-gunman-had-grudge-against-christian-group-cops-say.html)

Marami na ang aking narinig na kwento ng mga inabusong tao, mga nasaktan na mga babae at lalaki na nakaranas ng kalupitan.  Ang hanap nila ay paghihiganti.  Para sa kanila,  ang pagpapatawad ay higit na mabigat.  Sa kabilang banda, kapag ang isang biktima ng kasalanan ng ibaay isang Kristiano, ang tinig ng Panginoong Jesus ay isa rin boses na ngungusap sa alooban ng biktima.

Dahil ang pagpapatawad ay utos ng Panginoon. Sa Mateo 18:22,

”Sinagot siya ni Jesus, “Hindi ko sinasabing pitong beses (kayo magpatawad), kundi pitumpung ulit na pito.”

Ayon pa sa Lucas 11:4, “At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinapatawad namin ang bawat nagkakasala sa amin.”

Kung uunawain natin ang mga nararamdaman ng mga biktima ng kasalanan ng iba, ito ay  mabigat na utos.  Sa puso ng isang biktima, sa isang banda, nais niyang maghiganti. Sa kabilang banda, nais niyang sumunod sa kanyang Panginoon.

Magpatawad  o  Maghiganti?

Kahit  ang  mga sinaunang Kristiano ay maaring  nakaranas din ng magkahalong damdamin ng pagnanais na magpatawad  o maghiganti. Makikita ito sa kasaysayan mismo ng ating batayan mula sa Biblia.  Dahil minsan, ang Lucas 23:34 ay maaring inalis sa Biblia.  Ayon sa footnote ng Magandang Balita Biblia 2005 Edition,

“Sa ibang matandang manuskripto , ang mga salitang ito ay hindi nakasulat.”*

At kung wala itong talata sa  ibang kopya ng Ebanghelyo ni Lucas, ano ang  maaring dahilan nito? Ano ba ang  ating ibang mababasa tungkol sa damdamin ng Kristiano sa hindi makatarungang pagpatay sa Panginoon? Kung ito ay  orihinal na bahagi ng Biblia, bakit kaya ito inalis ng kumopya?

1. Dumanas ng matinding kalupitan ang mga Kristiano  tulad ng sinapit ng Panginoong Jesus.  Mababasa sa 1 Tess. 2:14-16, na alam at dama ng mga Kristiano noong una ang kawalang katarungan ng mga Judio.

2. Sinabi rin ng Panginoon na makakaranas ng paguusig ang mga Kristiano, ayon sa Juan 16:2, mula sa kapwa nila Judio.

“Ititiwalag nila kayo sa mga sinagoga. Darating ang panahon na ang sinumang pumatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Diyos.“

Ang ganitong kalupitan ay hindi malayong magbunga ng pagnanais na makaganti. Tulad ng sinabi ni John Crysostom (Judeo Oratio) “Matapos ninyong patayin si Jesus...wala nang natitirang kapatawaran para sa inyo.”

Kahit tayo ay mga Kristiano, tayo ay nasasaktan din.  Dahil hindi bato ang ating mga puso at hindi manhid ang ating damdamin.

Ngunit, may matibay ding ebidensya na ang talatang ito na naglalaman ng unang wika ay tunay na bahagi ng Biblia.  At ang unang wika ay consistent sa mga turo ng Panginoong Jesus tungkol sa pagpapatawad.  Walang duda na ito ay nakahanay sa mga nilalamang turo ni Lucas. Halimbawa, ang patawarin ang mga pumatay ka Esteban sa Aklat ng Mga Gawa 7:59.  Ibig sabihin, tama lamang na ito ay ibinalik muli sa Biblia, bilang lehitimong bahagi ng Salita ng Diyos.

Ano ang mensahe nito sa atin?

1. Hindi natin kailangang  ikaila na tayo ay nasaktan dahil sa kasalanan ng iba. Ngunit, dapat tayong magpahayag ng pagpapatawad at sumunod sa  utos ng Panginoon bagamat sa una, mabigat ito sa ating kalooban dahil tayo ay nagdaramdam.

2.  Si Jesus ay hindi tinanggap ng kanyang sariling bayan (Jn. 1:11), at ang mga unang Kristiano ay pinahirapan ng kapwa nila Judio.  Ngunit sila ay nagpatawad.  Kung ikaw ay nasaktan ng sariling kapamilya,  o ng sinuman, magpatawad.

3. Magpatawad upang makamit mo ang pagpapatawad ng Diyos. Alalahanin ang sabi ng Panginoon, “Kung hindi kayo magpapatawad, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama sa langit.” (Mateo 6:15).

4. Magpatawad at bigyang kapayapaan ang sarili.  Huwag mong pabayaang maging alipin ka ng pagkamuhi habang buhay.  Sa Diyos ang paghihiganti     ayon sa Roma 12:19.

Ang Pagpapatawad ay Isang Desisyon

Kung ikaw ay galit at nagnanais gumanti - pag-isipan mo sandali ito;

Alin ang pipiliin mong mas matinbang? Ang nararamdaman mong galit o ang utos ng Diyos na magpatawad?


II. Ikalawang Wika: Ang Pagpapala Ng Kaligtasan


"Sinasabi ko sa iyo: ngayon din ay isasama kita sa Paraiso" (Lucas 23:43)

Sa ating pagsisimula, magandang aralin natin ang kaibahan ng nilalaman ng Ebanghelyo ni San Lucas kung ikukumpara sa ibang ebanghelyo, tungkol sa kwento ng dalawang salarin na ipinako kasama ng Panginoong Jesus.

Sa Mateo 27:38; 44 / Marcos 15:27 /  Juan 19:18a, - Binanggit lamang na ang dalawang salarin. Sa Mateo, pareho nilang tinuya si Jesus. Sa Lucas, may pinagkaiba ang dalawang salarin.

Mga Katangian ng Ebanghelyo ni San Lucas

Para kay San Lucas, ang kwento ng Panginoong Jesus ay naglalaman ng Mabuting Balita, kung kaya,

”Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem. “(Lucas 24:47)

Ang Ebanghelyo ni San Lucas ay puno ng mga kwento ng kaawaan ng Diyos na nagpapatawad sa mga nagsisisi.  Ang kwento ng nagsising salarin ay isang mabuting halimbawa ng isang nagbalik loob sa Diyos.

May isang hindi kilalang tao ang biglang nakiusap sa pastor na ipanalangin siya dahil nasa bingit na siya ng kamatayan.  Ang taong ito ay hindi kailanman nagsimba.  Siya ay namuhay sa pagkakasala sa buong buhay niya. Sa huling sandali, hiniling niya na siya ay ipanalangin.  Nagpahayag siya ng pagsisisi at sumampalataya siya sa ginawang paglligtas ng Panginoon.  Pumanaw siya pagkatapos ng ilang sandali.

Sumpa na Naging Pagpapala

Ang krus para sa mga salarin ay parusa sa kanilang pagkakasala.  Ayon sa Biblia, “isinumpa ang sinumang ipapako sa krus.” (Deut.  21:22-23).  Resulta ito ng kanilang maling uri ng pamumuhay.   Namuhay sila sa kasalanan, at ito ay nagbunga ng kaparusahan.

Ngunit nakasama nila ang Panginoong Jesus, na pinarusahan din bagamat wala siyang anumang kasalanan.

Tamang Pagpili sa Huling Sandali

Naniniwala ako sa kasabihang ito, “Life is made up of choices and not of chances.”  Para kay San Lucas, ang Diyos ay nagpapatawad hanggang sa huling sandali.  Gaano man kasama ang isang tao, kapag ito ay lumapit sa Panginoon at humingi ng kapatawaran, siya ay patatawarin.  Ang Aklat ni Lucas ay umaapaw sa mga kwento ng mga taong binago at pinatawad ng Diyos.  Nariyan sina Maria Magdalena sa Lucas 8, sina Zaqueo sa chap. 19, ang kwenta ng alibughang anak at iba pa. Ang kwento ng salaring nagsisi ay ang tuldok ng mga kwentong ito na maarng lumapit ang isang tao sa Diyos kahit sa kanyang huling sandali, at makakaasa siya na siya ay patatawarin.

Dalawa ang salarin ngunit magkaiba ang kanilang pasya tungkol kay Jesus. Ang una, tinuya niya ang Panginoon.   Alam niya ang tungkol sa Messias.  At sa halip na sumampalataya, sabi ng Kasulatan,

“vTinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.”

Ito  ay maling pasya at nasayang na pagkakataon.

Ang ikalawa naman ay nagsabi ng ganito, “Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! vTama lamang na tayo’y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y walang ginawang masama.”

Tamang Desisyon sa Tamang Pagkakataon

Kaunti na lamang ang nalalabing oras para sa dalawang salarin.  Ilang sandali na lamang ay mamamatay na sila.  Kasama nila sa Kalbaryo ang Tagapagligtas.  Ang huling sandaling ito ay ang kanilang huling pagkakataon.  Ito ay pagkakataon na sa ilang saglit ay mawawala rin.

Sa pagwika ng salarin, “Jesus, alalahanin mo ako pagdating mo saiyong kaharian”,  pinili niya ang kapatawaran at pagliligtas ng Diyos. Tinawag niya sa pangalan ang Panginoon, ito ay tanda ng katapatan.

Ang pagkakataong ito muling ipinagkakaloob ng Diyos sa atin sa araw na ito.  Wika ng Biblia sa 2 Cor. 6:2,

 “Sapagkat sinasabi niya, “Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita, sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.”

Ngayon na ang panahong nararapat! Ito na ang araw ng pagliligtas!”


Ang Pangako ng Paraiso sa Araw Ding Iyon

Ang kahilingan ng salarin ay tinugon ng Panginoon ng isang pangako,

“Ngayun din (sa araw ding ito) ay  isasama kita sa paraiso.”

1. Si San Lucas ay maingat sa pagbanggit sa mga oras at panahon.  Ang pagbanggit niya ng ika-anim na oras (12nn) at ang padating na ika-siyam (9th hour / 3 pm) ay hudyat ng pagdating ng oras ng pagliligtas ng Panginoon.  Ito ay sandali ng kamatayan ni Cristo na magbubunga ng kaligtasan ng mga makasalanang tulad ng salaring sumampalataya.

2.  Ang paggamit niya ng “isasama kita sa araw ding ito” ay nangangahulugan din ng bagong kaugnayan ng Panginoon sa kanya bilang isang bagong alagad.

Sabi ng Panginoon sa kanyang mga alagad sa Lucas 22:28-30,

“ 28"Kayo ang nanatiling kasama ko sa mga pagsubok sa akin. v 29Kung paanong ang Ama ay nagbigay sa akin ng karapatang maghari, gayundin naman, ibinibigay ko sa inyo ang karapatang ito. v30 Kayo’y kakain at iinom na kasalo ko sa aking kaharian, at kayo’y uupo sa mga trono at mamumuno sa labindalawang lipi ng Israel.”

“Isasama kita” ito ang pagpapala ng tinanggap ng salarin sa ibabaw ng krus.

Nakatapos na po tayo sa ikalawang wika. Pero nais ko po muna kayong tanungin:  masasabi po ba ninyo na ang Panginoon ay kasama ninyo ngayon?  Ibig kong sabihin;

Tinanggap mo na ba ang pagliligtas ng Panginoon?
Ikaw ba ay tunay na alagad ni Cristo?


III. Ikatlong Wika:  Pagpapala ng Bagong Ugnayan

"Babae, narito ang iyong anak...  Narito ang iyong ina!" (Juan 19:26b-27)

Ang talatang ito ay sa Ebanghelyo ni San Juan lamang mababasa.  sa Ebanghelyong ito makikita kung gaano kalapit ang Panginoon sa isang alagad na hindi pinangalanan.  Iniisip ng iba na maaring siya si Apostol Juan (John the Beloved).

Ang isa pang malapit sa Panginoon ay siyempre, ang kanyang ina.  Wala na ngang  hihigit sa kalapitan ng isang anak sa kanyang ina.

Mahalaga ang pagkakaroon ng malapit na kaugnayan sa Diyos.  Si Abraham ay minsang tinawag na kaibigan ng Diyos ayon sa Santiago 2:23,

v”Natupad ang sinasabi ng kasulatan, “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at dahil dito, siya’y itinuring ng Diyos bilang isang taong matuwid,” at tinawag siyang “kaibigan ng Diyos.”

Minsan ding sinabi ng Panginoon sa mga alagad, “Hindi ko na kayo itinuturing na alagad, kundi mga kaibigan.”  (Juan 15:15)

Ang Kanilang Kaugnayan Kay Cristo

Sa tagpong ito, may tatlong tauhan na nanatili sa paanan ng krus, ang tatlong Maria (Mariang ina ni Jesus, Mariang (anak ni/asawa ni?) Clopas*, at si Maria Magdalena) at ang isang alagad na hindi pinangalanan.

Sa dinami-dami ng mga alagad, sila lamang ang sinasabing nanatili upang samahan ang Panginoon sa kanyang pagdurusa.  Ganoon kalalim ang pagmamahal nila sa Panginoong Jesus.

Kung ikukumpara sa salaysay ni Lucas, ang mga kababaihan ay nagmamasid lamang mula sa malayo (Lucas23:49).  Gayundin ang sabi sa Marcos 15:40.  Samantalang sa Juan, sila ay nasa paanan ng krus.

Ang naroon ang mga nanlilibak sa Panginoon tulad ng mga Pariseo, mga sundalo, mga dumadaang mamayan  na tumutuya sa Panginoon, at ang dalawang nakapako sa krus.   Ang manatili sa panig ni Jesus ay napakahirap gawin sa tagpong iyon.  At maari nilang ikamatay ang pagpunta nila doon upang ipakita sa madla na sila ay mga alagad ni Cristo.  Inilalarawan nitoang kanilang malapit na kaugnayan sa Panginoong Jesus.

Ang Ina at Alagad  ni Jesus

Sa lahat ng naroon, pinagtuunan ng pansin ni Juan ang ina at ang alagad.  Ang tinutukoy na ina ni Jesus ay walang iba kundi si Maria. Ang nakakatawag pansin sa atin ngayon ay ang pagtawag na “Babae o Ginang“ ng Panginoon sa kanyang sariling ina.  Hindi ito natural o inaasahan.  Ngunit ito ay inulit lamang ni Juan, dahil sa kasal sa Cana, (Juan 2:1-10) tinawag ding “Babae” ni Jesus ang kanyang ina.

Babae, ang Iyong Anak

Ang “Babae” ay inutusan ng Panginoon na tanggapin ang alagad bilang kanyang anak.  Sa Aklat ng Apokalipsis, ay mayroon ding “babae” na ina ng Tagapagligtas.   Ang babaeng ito ay ang bagong Israel o ang iglesia. Ang “Babae” at alagad kung gayun ay ang bagong ugnayan na itinatag ni Cristo, sa krus sa pagitan ng iglesia at ng mga alagad.

Ang hindi pinangalanang alagad ay binabanggit sa Juan 18:15.  Siya ay maimpluensyang mamamayan na naging alagad na “nakakapasok kasama ni Jesus sa patyo ng pinakapunong pari”.  Malinaw na hindi siya kabilang sa labing dalawa.  Dahil kahit  si Pedro ay hindi nakasunod sa kanya sa loob ng patyo ng punong pari.  Maaring kayang ito ay si Joseng Tiga-Arimathea o si Nicodemo kaya?  Malinaw na siya ay tinanggap na bagong alagad habang nakapako sa krus ang  Panginoon.

Ang nasabing alagad ay ibinigay ni Cristo sa “ina” bilang bagong ugnayan ng mga alagad na mag-iingat sa iglesia.  Ibig sabihin,  doon pa sa  Kalbaryo ay mayroon ng bagong alagad si Jesus na dapat kupkupin ng iglesia upang ituring silang anak, bagamat sila ay dating nasa panig pa ng mga pumatay kay Jesus tula ni Nicodemo o Joseph of Arimathea..

Ano ang kahulugan ng bagong ugnayan?
Ang ina ni Jesus sa Ebanghelyo ni Juan ay sumisimbolo sa iglesia, na mag-iingat sa mga dati at bagong alagad bilang ina.  At gayun din, ang alagad sa paanan ng krus, ay sumisimbolo sa mga bagong Kristianong nagpapakita ng katapatan sa Panginoon na arugain  ang iglesia bilang kanilang bagong ina.  Ang bagong kaugnayang ito ay sa antas na espiritual bilang mga alagad ni Cristo.

Ang mga kaanib sa komunidad ni Juan (Johanine Community) ay hindi ipinanganak sa laman (Juan 3:6-8).   Kung kaya, ang kwentong ito ay hindi maaring tungkol sa ina at  anak  dito sa lupa.  Ito ay espiritual na pamumuhay sa bagong kaugnayan sa iglesia.  Ang kaugnayang ito ay pinatitibay ng Espiritu Santo, na nagkakaloob sa atin ng bagong kapanganakan.  At ito ang ating katibayan na tayo ay mga anak ng Diyos.  Sabi nga ni Cyprian of Carthage(3rd century AD): “You cannot have God as your Father unless you have the church for your Mother.”

Ina, ang Iyong  Anak (Pagiging  Ina ng  Iglesia sa Mga Kaanib)

Ang iglesia ay lugar ng  bagong kapanganakan ng mga taong nagbabagong buhay.  Si Nicodemo at Joseph of Arimathea ay halimbawa ng mga taong miembro ng Sanhedrin.  Sila ay may kapangyarihan ngunit naging tagasunod ng Panginoon.  si Nicodemo ay pinuno ng mga Pariseo, at naroon siya sa libing  ng Panginoong Jesus (John 19:39).  Sinasabi rin sa Gawa  6:7 na maraming  pari sa templo ng Jerusalem  ang  naging Kristiano.

Ang Centurion na nakasaksi sa kamatayan ng Panginoon ay  kumilala rin habang nakabayubay sa krus si Jesus.

At bandang huli, si Pablo  na dating umuusig sa iglesia ay kinatagpo rin ng Panginoon.  At inutusan ng Panginoon upang  puntahan siya ni Ananias.  Takot si Ananias dahil inuusig ni Saulo ang iglesia noon.  Gayunman, siya ay sumunod sa utos ng Panginoon,

“Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, “Pumunta ka roon, sapagkat pinili ko siya upang ipangaral ang aking pangalan sa mga Hentil, sa mga hari, at sa mga anak ng Israel.”

1. Bilang ina, tungkulin natin ang dalawang bagay, manganak - manghikayat ng bagong kaanib.

2. Gayundin ang magdisipulo, ang gumabay sa bawat alagad upang  lumago at maging kagamit-gamit sa paglilingkod.

Anak, ang Iyong Ina  (Pagiging Anak  ng  mga Alagad  sa Iglesia)

Ang bilang alagad ay pagtanggap ng bagong tungkulin upang alagaan ang iglesia at palaguin ito.  Tulad ng pag-aaruga sa ina sa laman, ang bawat alagad ay nararapat kumuha ng bahagi upang ang iglesia ay lumago (Efeso 4:16).

Ang kamatayan nI Jesus ay hudyat ng pagsisimula ng paglago ng iglesia, dahil ang mga nakasaksi sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay ay nagsimulang sumampalataya.

Gaya ng kanyang sinabi sa mga alagad, “At kung paanong itinaas ni Moises ang tansong ahas doon sa ilang, gayundin naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. “ (Juan 3:14-15)


IV. Ika-apat na Wika: Pagpapala ng Matatag na Kaugnayan sa Diyos

"Eli, Eli, lama sabach-thani?" ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?"
(Mateo 27:46b; Marcos 15:34; Mateo 27:46b)

Hanggang saan ang pagtitiwala mo sa Diyos?

Isang pastor ang nagkaroon ng cancer at tinanong niya ang Diyos kung bakit. Ayon sa kanyang patotoo sumagot ang Diyos sa kanyang kalooban ng isa ring tanong,

"Anak, hanggang saan ang pagtitiwala mo sa akin?"

May mga tanong sa buhay na walang madaling paliwanag.

Ang kamatayan ng isang mabuting tao, ang biglang pagkakasakit ng isang mabuting pastor, ang pagkakasunog ng isang kapilya...etc.

Isang aklat ang sinulat ng isang Judiong pastor, "When Bad Things Happen to Good People" dahil namatay ang anak niya sa sakit na "progeria", mabilis na pagtanda, walang kagamutan at nauwi sa tiyak na kamatayan. Napuno ng pagtatanong ang kanyang buhay...ng mga “bakit” sa Diyos.

Si Jesus man ay nagtanong ng "bakit" sa Ama. 

May isang uri ng suffering na pinapayagan ng Diyos dahil mayroon siyang mas makabuluhang dahilan. Ito ay ang mga tinatawag na “Meaningful sufferings.”

a. may mga bagay na mahirap unawain, na maaring ipagawa sa atin ang Diyos para sa kabutihan ng mas nakakarami. Halimbawa rito ang mga sakripisyo ng mga bayani, o  sakripisyo ng isang magulang para sa anak.

b. May bagay din na masakit / mahirap tanggapin o ipaliwanag, na pinapahintulutan ng Diyos sa buhay natin at Diyos lang nakaka-alam kung bakit.  Maiintindihan din natin ito katagalan. Halimbawa ang buhay ni Jose sa Genesis.

Subalit may mga “Meaningless Sufferings” din.
May mga paghihirap na bunga ng kawalan ng katarungan, o kasalanan na nagdudulot ng pang-aapi, paghihirap ng marami ay hindi naman kalooban ng Diyos at matatawag nating "meaningless suffering". Sakripisyo sila na walang mabuting bunga. Ang ganitong paghihirap ay taliwas sa nais ng Diyos.

Ang naganap sa buhay ng Panginoong Jesus ay isang “meaningful suffering”. Gumawa siya ng sakripisyo para sa ikabubuti ng lahat ng tao. Ang hindi pagsagot ng Ama sa kanyang mga “bakit” ay, pansamantala lamang. Dahil ang dulo ng kanyang sakripisyo ay tagumpay para sa Diyos.

Alam ni Jesus ang sagot sa kanyang tanong. Kaya sa pananahimik ng Ama, lubos pa rin ang kanyang pagtitiwala.

Ang salitang ito ay may kinalaman sa Awit 22. Ito ay awit o panalangin na nagsimula sa pagtatanong sa Diyos at nagwakas naman sa pagtitiwala sa katapatan ng Panginoon.

Kung uutusan ka ng Diyos na dumaan sa mahirap na sakripisyo alang-alang sa ikabubuti ng marami, susunod ka ba at magtitiwala sa pansamantalang pananahimik ng Diyos?

Bilang alagad ni Cristo, huwag sana tayong matatakot na humarap sa mga sakripisyo ng paglilingkod. Huwag nating pababayaang manghina ang ating pananampalataya.  Tapat ang Diyos at matuwid.  Hindi niya bibitawan sa ere ang kanyang mga lingkod.

Ang Diyos, bagamat minsan ay nanahimik, ay mananatiling tapat. Hindi kailanman tatlikuran ng Diyos ang sinumang hindi tatalikod sa kanya sa gitna ng mga pagsubok.

Kung kaya ang wakas ng Awit 22 ay panalangin ng pagpupuri at pagtatagumpay, sa kabila ng paghihirap at pag-iisa.

Kapag tayo ay sumusunod sa Diyos sa kanyang panawagan upang magsakripisyo para sa ikabubuti ng mas marami, darating din tayo sa puntong magdiriwang tayo sa tagumpay ng Diyos! Amen!


V.  Ika-limang Wika:  Pagpapala ng Paglilingkod sa Panginoon


v28Alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay. Kaya’t upang matupad ang kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!”
v29May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Inilubog nila rito ang isang espongha, ikinabit iyon sa isang tangkay ng hisopo at idiniit sa kanyang bibig.
 (Juan 19:28-29)

Nakakalungkot na sa ating panahon, hindi na nahihingi ang tubig, dahil ibinebenta na ito. Sa oras na iyon, humihingi ang Panginoon ng isang simpleng bagay na available naman, "tubig". Karaniwan sa panahon na iyon ang magbaon ng tubig. At may maraming nagbibigay ng tubig sa iba, bilang kawanggawa. Marami ring mga aqueduct o daluyan ng tubig mula sa mga bundok papuntang bayan.  Kung kaya sagana ang tubig noon sa Israel.

"Pahingi ng inumin dahil uhaw ako." Ito ay inaasahan sa Panginoon. Isang natural na mangyayari sa isang taong hindi natikim ng tubig ng ilang araw mula ng dakpin siya, binugbog at ibinilad sa mainit na araw habang ang dugo niya at pawis ay patuloy na nawawala mula sa kanyang katawan.

Ang buhay ng Panginoong Jesus ay nakatala sa Biblia, lalo sa Lumang Tipan.  Ang buhay niya ay katuparan ng mga hula sa Biblia (Awit 69).

Simpleng Kahilingan na May Maling Katugunan

v21 Sa halip na pagkain, nang ako’y magutom, ang dulot sa aki’y mabagsik na lason.  Suka at di tubig ang ipinainom

Maraming  simpleng bagay na hinihiling ang  Panginoon mula sa atin na maaring ipaglingkod sa kanya tulad sa paghingi niya ng  tubig.

Simpleng kahilingan tulad ng;
ang mahalin siya,
magmahalan tayo
mag-kaisa sana tayo
maglingkod sana tayo sa kanya,
gumawa sana tayo ng mabuti at
umiwas sa anumang uri ng kasalanan.

Ang paghingi ng tubig ay ang siyang narinig mula sa Panginoon.

Ito ay isang simpleng paglilignkod.   Ngunit ano ang kadalasang ibinibigay natin sa Diyos?  Paano ba tayo tumutugon?

Nang humingi siya ng tubig, hindi tubig ang ibinigay sa kanya kundi alak na maasim (na may apdo). Isang mapait at maasim na inumin.  Isang mapait at maasim  na tugon.

Madalas nating pinupuna ang mga nagparusa sa kanya, ngunit sa ating pagsuway sa Diyos - parang wala tayong pinag-kaiba sa kanila.

Tubig ang hiniling - suka ang pinatikim.

Hindi kaya ganito rin ang ating nagiging tugon tuwing may kahilingan ang Diyos sa atin?  Nais nating maging manhid ang Diyos sa ating mga pag-ayaw.    Gusto nating sanayin ang Diyos sa ating mga pagsuway.  Ayaw nating ibigay ang eksaktong hinihiling ng Diyos.

Halimbawa, kung ang isang politiko ay nagbabansag bilang Kristiano, ngunit naniniwala siyang  imposible ang makaiwas sa kasalanan ng corruption. Hinihiling ng Diyos ang kanyang pagsunod upang manatiling malinis pero pilit kinakatwiran ng taong ito, na, “Mauunawaan siguro ako ng Diyos kung magnanakaw ako sa gobyerno dahi ito ang kalakaran.”

Malinaw na hindi niyaibinibigay kung ano ang mismong  kahilingan ng Panginoon.  Taliwas ang kanyang  ginagawa.  Humihiling ng tubig, ngunit suka ang ibinibigay.

Ang kahilingan ng Panginoon ay tubig, pero ano po ba ang ibinibigay natin sa kanya? Suka at apdo pa rin ba?  Tubig ang kahilingan ng isang nauuhaw.

Kung ano ang kinauuhawan ng Panginoon ay siya sana ang ating ibigay. Wika ng Panginoon, "Kung mahal ninyo ako,  sundin ninyo ang aking mga utos."

Simpleng kahilingan mula sa Tagapagligtas.  At sa pamamagitan ng katagang ito ay natupad ang nasasaad sa kasulatan.  Ayon sa Awit 69:21,

“Sa halip na pagkain, nang ako’y magutom, ang dulot sa aki’y mabagsik na lason.   
   Suka at di tubig ang ipinainom. “

At Natupad ang Kasulatan

Ang kahilingang tubig ng Panginoon ay katuparan ng Kasulatan.  Ito ay nagsasabi sa atin na ang tagumpay ay nakamit ng Panginoon bagama't hindi siya binigyan ng tubig.  Ipinapakita dito ag kakayanan ni Cristo na magpatuloy sa pagtupad ng sinasabi ng Biblia sa gitna ng napakahirap na sitwasyon.

Siya ay nagtagumpay - sa kabila ng pagtalikod ng mga alagad.

Tara sumunod tayo sa kanya - at maglingkod - upang makamit din natin ang tagumpay kasama ng Panginoon.


VI. Ika-anim na Wika: Pagpapala ng Tagumpay 


"Nang masipsip na ni Jesus ang alak, sinabi niya, “Naganap na!” Iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga."  - (Juan 19:30)

Ayon sa talatang 28, ”Alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay.”

Sa mga magtatapos na sa pag-aaral, ito ay salitang nagbibigay ginhawa.
Ito ay salita ng tagumpay, mula sa isang nakagawa ng kanyang misyon. Tetelestai sa Griego - tulad ng "Mission accomplished!"

Sa ika-anim na salita, nais kong pag-isipan natin, "Ano ang mga bagay na nais ipagawa sa atin ng Diyos?"

May mga pangako ba tayo na binitawan sa Diyos na hindi pa natin tinutupad?

Kaya ba nating tapusin ang ating mga assignments para sa Diyos?

Ilang bagay lamang   ang madalas na pinagsisihan ng mga taong malapit ng  pumanaw sa mundong ito;

           a.   kung alam nilang mayroon pa silang dapat tapusin,  pero hindi  nila nagawa, o

           b.   mga bagay na dapat hihingi ng tawad, o kasalanang dapat ituwid, subalit  nagawa dahil                        inabutan sila ng kamatayan,  at wala na silang panahon, kaya sila lubos na nagsisisi.

Ang masakit sa kamatayan, ay hindi ang mismong pagtigil ng buhay, kundi ang pagputol ng Diyos sa ating pagkakataong gumawa ng mga bagay na dapat  pa nating gawin.

Isang kwento tungkol sa isang ama na nagkasala sa kanyang pamilya, ang nais niyang muling bumalik sa kanyang asawa at mga anak. Sisikapin sana niyang "makabawi" sa nagawa niyang pagkukulang, kaya nagplano siyang umuwi. Ngunit habang nasa bus papunta sa kanyang pamilya, inatake siya sa puso at namatay.

Huli na, hindi niya nagawa ang dapat niyang gawin.

Ang kalagayan ng Panginoon ay kakaiba, dahil nagawa niya ng buong pagtatagumpay ang kanyang misyon sa lupa.

Ang Mga Natupad ng Panginoon

Ang natupad ng Panginoon ay;

1.  Ang katuparan ng kanyang tungkulin sa Ama upang maging Tagapagligtas.
Ayon sa Juan 18:11, “vSinabi ni Jesus kay Pedro, “Isalong mo ang iyong tabak! Dapat kong inumin ang saro ng paghihirap na ibinigay sa akin ng Ama.”

Alam niyang ito ang kalooban ng Ama para sa Kanya.  Sa  Gethsemane, tinanggap ni Jesus ang kalooban ng Ama, bagamat hiniling niya na alisin ang saro sa kanya. Buong pagsuko at pagpapakumbabang tinaggap ng Panginoon ang kamatayan sa krus. Kung kaya, nagtagumpay siya sa pagtupad sa kalooban ng  Diyos.

2. Pangalawa, ay ang katuparan ng Kasulatan sa Awit 22.   Lahat ng paghihirap niya ay nabanggit, pati pagsusugal sa kanyang damit ng mga sundalo.  Ang kanyang pagka-uhaw ay katuparan ng mga hula tungkol sa kanyang kamatayan.

3. Pangatlo, naganap niya ang tungkulin bilang kordero ng Diyos.  Ang isoppo, ay  tangkay ng halaman na ginagamit sa pagwisik sa dugo ng kordero ng Passover.  ”Kumuha kayo ng sanga ng isopo, basain ito ng dugo ng kordero at ipahid sa mga hamba at sombrero ng inyong pintuan. (Ex. 12:22a)

Isa pa, ang isopo ay simbolo ng paglilinis at pagpapatawad ng Diyos.  Ayon sa Awit 51:7, “Linisin mo ako ng isopo, at ako’y magiging malinis; hugasan mo ako at ako’y magiging higit na maputi kaysa niyebe.

Nililinaw ng Hebreo :918-20,

”Kaya’t maging ang unang tipan ay hindi pinagtibay ng walang dugo.  Sapagkat nang sabihin ni Moises ang bawat utos sa buong bayan ayon sa kautusan, kumuha siya ng dugo ng baka at ng mga kambing, na may tubig at mapulang balahibo at isopo, at winisikan niya ang aklat at gayundin ang buong bayan, vna sinasabi, “Ito ang dugo ng tipan na iniutos ng Diyos sa inyo.”

Sa gayunding paraan, ang tabernakulo at ang lahat ng mga kasangkapang ginagamit sa banal na pagsamba ay pinagwiwisikan niya ng dugo.  Sa katunayan, sa ilalim ng kautusan, halos lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at kung walang pagdanak ng dugo ay walang kapatawaran ng mga kasalanan.”

Tanggapin mo ang paghahari ng Panginoon at tanggapin ang kaligtasang ito. Simulan mo ang mamuhay bilang isang tunay na anak ng Diyos.


VII. Ika-pitong Wika: Pagpapala ng Pagtitiwala sa Diyos

"Ama, sa mga kamay mo'y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu!" (Lucas 23:46)

Ang buhay natin ang pinakamahalagang kaloob ng Diyos. Ang maganda rito, hindi lamang tayo para sa buhay dito sa lupa, nilikha tayo ng Diyos para sa buhay na walang hanggan. At nandito tayo sa kasalukuyan upang maghanda sa isang buhay na walang katapusan.

Ngunit bago ito mangyari, dadaan muna tayo sa karanasan ng kamatayan. Ayon sa Eccl 12:7, ang kamatayan ay may dalawang yugto, ang katawang lupa ay babalik sa lupa at ang espiritu ng tao ay babalik sa kanyang Lumikha.

"and the dust returns to the ground it came from, and the spirit returns to God who gave it."

Ito ay katotohanan ng kagandahan at lawak ng kahulugan ng salitang “buhay”.  Dahil higit ito sa limitadong pag-unawa ng marami tungkol sa buhay  at kamatayan. Totoo ang kamatayan, ngunit mayroong Diyos na lumikha ng buhay, at kaya niyang lumikha ng buhay sa gitna ng kamatayan.

a. higit sa buhay dito sa lupa ang kaloob ng Diyos.

Nakakalimutan ito ng marami na nagiging "obsessed" sa buhay dito sa lupa. Kung tatanungin ang mga tao, "Alin ang mas mahalaga, ang kaluluwa ng tao o ang material na pangangailangan ng katawan?" Agad-agad sumasagot ang marami na mas mahalaga ang kaluluwa. Kaya ganito na lamang ang paalala ng Panginoon,

"Ano ang mapapala ng isang tao kung mapasa kanya man ang lahat kayamanan sa mundo at mawala naman niya ang kanyang kaluluwa?".

Gayun man, madalas makalimutan ito ng marami. Nakakalimutan nilang alagaan at ihanda ang kanilang kaluluwa sa pagbalik nito sa Diyos.

b. Ang ipagkatiwala natin sa Diyos ang ating espiritu ay isang napakamahalagang bagay na dapat nating  gawin para sa ating sarili.  Nais ng Diyos na makasama tayong lahat sa buhay na walang hanggang.

Pagkilala sa Ama

“Ama, sa iyong mga kamay, itinatagubilin ko...”

Maaring marami na ang ating narinig na Sermon tungkol sa Pitong Wika ng Panginoon sa Krus. At sa araw na ito, patuloy na nagpapakilala ang Ama sa atin. At lalong lalalim  ang ating pagkilala sa kanya sa pamamagitan ng pagbubulay sa ika-pitong wika ni Jesus.

Sino nga ba ang Ama ni Jesus?

Makilala lamang natin ang Ama sa pamamagitan ng Anak.

1. Ang ika-pitong wika ay nagpapatunay na ang Ama ay nakikipag-ugnayan sa mga anak niya.  Nakikita natin ang matibay na kaugnayan ng Anak sa Ama sa salitang ito, “Ama sa iyong mga kamay..” habang si Jesus ay nakabayubay sa krus.  Ito ay kaugnayan na hindi mapapatid ng paghihirap o kahit ng kamatayan.

2.  Ito ay salita ng pagtitiwala sa Ama.  Sa kamay ng Diyos, ang kamatayan ay hindi na isang nakakatakot na karanasan.  Ang malaking  tiwala ni Jesus sa Ama ay nagbibigay sa atin ng kasiguruhan na tayo rin magtiwala sa ating Ama.

Pagpapahalaga sa Ating Espiritu

Ang ating espiritu ay hindi lamang isang "entity" kundi ito ay isang "existence with meaning". Kailangan tayong mabuhay na may kahulugan at layunin.

*Ito ang uri ng espiritu mayroon si Jesus. Ang kahulugan ng kanyang buhay ay nababagay na ilagay sa mga kamay ng Diyos na banal. Nagamit lamang ang kanyang buhay sa paglilingkod sa Diyos.

*Ang kanyang espiritu ay karapat-dapat sa Diyos. Ito ay wagas, puno ng Espiritu Santo. Wika ng Ama tungkol sa kanya, "Ikaw ang kinalulugdan kong Anak."

*Nabuhay lamang siya para sa Diyos, at pumanaw siya para sa Diyos. Hindi nasayang ang alin mang sandali ng kanyang buhay.

Lahat tayo ay papanaw. Subalit ang ating espiritu ba ay nakatagubilin sa Diyos Ama? Ngayon pa lamang ay italaga na natin ang ating espiritu sa Diyos. Sa gayon, maging ang kamatayan ay hindi na natin katatakutan. Magkita-kita po tayo sa buhay na walang hanggan. Amen

Seven Last Words Tagalog (2017)


Unang Wika: Salita ng Pagpapatawad


“Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” (Lucas 23:34)

I. Ang Tunay na Nagpapatawad

May kwento tungkol sa isang babae na nabuhay sa panahon ng digmaan, at dahil siya ay Kristiano, pinatay ang kanyang pamilya at siya ay nagustuhan ng isang military officer ng kaaway nilang bansa, kung kaya't sapilitan siyang ginawang "sex slave" ng military officer. Isang araw, nakatakas ang babae. Sa kanyang paglaya, sinikap niyang itindig ulit ang kanyang buhay at nakapagtapos siya ng pag-aaral bilang nurse. Hindi nagtagal, siya ay nakapagtrabaho sa isang military hospital. Sa muling pagsabog ng digmaan, maraming sundalo ang dinadala sa hospital na kanyang pinaglilingkuran. Minsan, isnag sundalo ang halos mamatay na at sa tulong ng nurse na ito, naligtas sa kamatayan ang sundalo.

Nang bumalik ang lakas ng sundalo, agad nitong nakilala ang nurse na nagligtas sa kanya. Kanyang sinabi, "Bakit hindi mo ako pinatay noong may pagkakataon ka upang gumanti sa akin?" Siya ang sundalong umabuso sa dalaga. Ngunit nagwika ang babae, "Kristiano ako, tagasunod ako ni Jesu-Cristo. Tungkulin ko ang magpatawad sa nagkasala sa akin."

Paano man sabihin, ang pagpapatawad ay hindi madali.  Subalit ito ay utos ng Diyos na dapat sundin. Mahirap mang gawin, anumang utos ng Diyos ay tama at makabubuti. Alam ng banal na Diyos kung ano ang mas mainam para sa atin.

Jesus is Committed to Forgive
1. Nanalangin upang magpatawad, walang gahibla mang galit sa damdamin ng Panginoong Jesus. Maraming tao ang nagnanais magpatawad subalit dahil hindi inaalis ang galit sa kanilang kalooban, hindi rin sila makapagpatawad ng lubusan.

2. Alam ng Panginoong Jesus ang kanyang misyon. Ayon sa Juan 3:17, "Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas ang mga ito sa pamamagitan niya."

Ano ang mga tanda ng tunay na pagpapatawad?
1. Ang tunay na pagpapatawad ay ginagawang naririnig at nakikita ng Diyos. Ang pagpapatawad ng Panginoong Jesus ay isang panalangin. Ito ay pagpapatawad sa harap ng Diyos. Ibig sabihin, nagpatawad siya at saksi ang Ama sa kanyang ginawang pagpapatawad. Anumang bagay na ginawa sa harapan ng Diyos ay hindi maaring pahindian.

2. Ang tunay na pagpapatawad ay paghahangad ng kalayaan sa nagkasala sa bagsik ng kanyang kasalanan. Nanalangin siya hindi para isumpa ang mga nagkasala laban sa kanya, hindi siya nanalangin upang parusahan sila ng Diyos. May mga nagpapatawad na nagsasabing, "Pinatawad ko na siya, at Diyos na ang bahalang gumanti sa kanya!" Ang panalangin ng Panginoong Jesus ay upang patawarin ng Diyos ang mga nagkasala sa kanya - ang mga Judio na humatol at mga Romano na nagparusa sa isang taong walang kasalanan.

Sino "sila" na nangangailangan ng pagpapatawad?
May dalawang pangkat ng tao na nagparusa sa Panginoon. Ang mga Judio, na mulat sa sinasabi ng Kasulatan, dahil narinig nila ito at nabasa ang tungkol sa pagdating ng Messias.   At ang mga Romano, ay inosente tungkol sa sinasabi ng Kasulatan tungkol sa Messias. Hindi alam ng mga Romano ang katotohanan, at hindi naunawaan ng mga Judio ang kanilang narinig at nabasa. Hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Kailangan nila ang pagpapatawad ng Diyos dahil hindi nila alam kung sino ang kanilang ipinako sa krus. 

Madalas nating idalangin ang ating sarili na naway patawarin tayo ng Diyos.  Hindi natin namamalayan na wala tayo ay makasalanan din, na nangangailangan din ng pagpapatawad ng Diyos. Subalit ilan kaya ang nanalangin sa atin upang ihingi ng tawad ang mga taong nakagawa ng kasalanan sa laban sa atin?

Maaring itanong pa natin: "Bakit hindi na lamang sila pinatawad ni Jesus, bakit kailangan pa siyang manalangin? “

 Ang kasalanan ay hindi lamang sa laban sa kapwa tao kundi pa naman,  ito ay paglabag sa kalooban ng Diyos.   Ang usapin ng kasalanan ay hindi lamang sa pagitan ng tao sa tao kundi pa naman ang Diyos ang unang apektado sa ating maling nagagawa laban sa ating kapwa.   Ang pagpapatawad ng Diyos ay ang tanging ikaliligtas ng isang nagkasala sa kapwa.  Ang pinatawad ng Diyos ay hindi na maaring hatulan ninuman (Roma 8:1).
Ang isang nagkasala ay nangangailangan ng dalawang kapatawaran, mula sa kanyang biktima at mula sa Diyos.

Ang unang hakbang ng pagpapatawad ay magmumula sa mismong nasaktan.  Kailangan tayong magpatawad dahil ito ay utos ng Diyos.  Kailangan tayong magpatawad dahil kailangan din natin ang pagpapatawad ng Diyos. Wika ni Jesus, "Ang hindi nagpatawad ay hindi patatawarin ng Ama." Sa tuwing tayo ay nagpapatawad, pinalalaya natin ang sarili sa damdamin ng pagkamuhi. Ang galit ay paghahangad ng paghihiganti sa iba samantalang pinaparusahan mo ang sarili.Kailangan nating lahat ang pagpapatawad ng Diyos.

Ngunit, hindi magiging kumpleto ang kapatawaran kung wala ang pagpapatawad ng Diyos para sa mga nagkasala sa atin.  Ang tunay na pagpapatawad ay manggagaling lamang sa isang taong nakiki-isa kay Jesus. Hindi nagtatanim ng galit sa kapwa at dumadalangin para sa kapatawaran ng mga nagkasala sa kanya.


Ikalawang Wika: Salita ng Kasiguruhan


“Sinasabi ko sa iyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.” (Lucas 23:43)

May kasabihan na may dalawang  bagay na hindi na maibabalik:
masasamang na salita at mga gawa na hindi pinag-isipan at
ang pagkakataon (opportunities) na dumaan sa buhay na hindi napakinabangan.

Dalawang magnanakaw ang mga kasamang ipinako sa krus kasma ng Panginoon. At mayroon tayong ilang puna tungkols apaggamit nila ng kanilang buhay;

a. hindi nila ginamit sa kabutihan ang kanilang buhay

Alam nilang nagamit sa maling kaparaaan ang kanilang buhay dahil namuhay sila bilang magnanakaw.

Sinayang nila ang opportunidad na mamuhay sa tamang paraan. Maraming tao ang gumagawa pa rin sa pagkakamaling ito. Maraming buhay hanggang ngayon ang nasasayang dahil hindi ito nagagamit ng tama.

b.  pinagkalooban sila ng isang malaking pagkakataon

Lahat ng tao ay pinagkakalooban ng pagkakataon upang gumawa ng mabuti para sa sarili, para sa kapwa at para sa Diyos.  Kahit sino ay may pagkakataong umunlad, o mag-aral kaya. Lahat tayo ay may opportunidad na magkaroon ng mabuting buhay.  Yun nga lang, hindi lahat ay gumagamit nitong pagkakataon.

Hanggan sa huli, ang dalawang magnanakaw ay dumaan sa pinaka malaking pagkakataon (greatest opportunity)  ng kanilang buhay. Sa huling yugto ng kanilang buhay, sa kanilang huling hininga, binigyan sila isa pang pagkakataon. Ang totoo, ito ang pinakamalaking opportunidad na dumating sa kanilang buhay- ang makasama ang Tagapagligtas.

Nais ko po katong anyayahan upang aralin nating mabuti ang oras na ito ng ating pagdulog sa Diyos.   Una, kumusta na ang paggamit mo sa iyong buhay?  Paano mo ba ginamit ang iyong mga oras?  Kabataan, nag-aaral ka ba ng mabuti o nagbubulakbol?  Kapatid, nagagamit mo ba ang mga gintong oras na kaloob sa iyo ng Diyos sa iyo?

At sa isang pagkakataon, nakasama nila ang Panginoon.
Sa ibabaw ng krus natagpuan sila ng Panginoon.

Ito ay isang magandang pagkakataon.


c. Paano nila ginamit ang pagkakataong iyon?

Yung isa, pinalampas na naman niya ang pagkakataon. Tinuya niya ag Panginoon.  Ngunit ang isa ay sumampalataya sa Panginoon para sa kanyang kaligtasan.  Sabi niya :”Jesus, alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong kaharian.”

Ang una, tinaggian niya si Jesus.  Ang ikalawa, pinili niya si Jesus.  Nasaan ka ba sa dalawang ito?

Grabbing the Opportunity.

Ito ang pagkakataong gawin ang pinakamabuti. Maraming tao ang nagsasamantala sa kahinaan ng iba at kasalanan ang sinasamantala. Para sa ating mga  anak ng Diyos, paggawa ng kabutihan ang ating dapat na sinasamantala. May lumapit ba sa iyong nangangailangan ng tulong? Samantalahin mo!
Nag-aaral ka ba ngayon? Samantalahin mo! Isa ka bang tatay o asawa o pastor? Samantalahin mo na magamit ng Diyos ang buhay mo, dahil maari itong mawala sa isang iglap.

c. Hindi sinamantala ng unang nakapako  ang pagkakataon upang magsisi at maligtas. Sa halip, tinuya niya ang Tagapagligtas.

d. Ang pangalawa, sinamantala niya ang pagkakataon para maligtas.

Pagkakataon  na hindi dapat Palampasin

Nakailang Seven Last Words na po kayo? Sa dami ba ng pagsamba na inyong dinaduhan, nagawa na ba ninyong sumapalataya upang tanggapin ang pagliligtas ng Panginoon.

Nandito na naman tayo mga kapatid, nagbubulay sa mga salita ng Panginoon sa krus ng Kalbaryo.  Kung ikaw ay papipiliin, alin sa dalawang nakapako ang susundan mong halimbawa?

Ito ang araw ng kaligtasan, maaring wala ng bukas.


Ikatlong Wika: Salita ng Pagtitiwala 


“Babae, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito  ang iyong ina!” (Juan 19:26-27)

Maari bang makuha ang pagtitiwala ng Diyos? Maaring sasabihin natin, “Nagtitiwala ako sa Diyos”,  gayunman,  naranasan mo na ba ang pagkatiwalaan ka ng Diyos?

Ayon sa kasabihan, ang tiwala ang maaring mawasak sa  isang sandali, at nangangailangan ito ng habang buhay na pagsisikap, upang ito ay maitayong muli. Kung ito ay nangyayari sa pagitan ng mga tao, paano pa kaya ang relasyon natin sa Diyos. Kailan ba tayo maaring pagkatiwalaan ng Panginoon?

Isang malaking biyaya ang pagkatiwalaan tayo ng Diyos. At lahat tayo ang pinagkakatiwalaan niya - ng ating buhay - ng ating tungkulin - ng ating panahon - ng ating pamilya.

Pinagkakatiwala ng Panginoon sa atin ang iglesia.

Walang hanggang pagtitiwala ang kaloob ng Diyos sa atin. Sana hindi nagkamali ang Diyos na ginawa ka niyang ama, o guro, o kaibigan o pastor o deaconesa. May tiwala ang Diyos sa iyo sa maraming bagay.

Ang kwento ng pagtitiwala ng Diyos ay makikita sa buhay ni Haring Saul sa Lumang Tipan. Ginawang hari ng Israel si Saul subalit hindi siya naging tapat sa Panginoon. Kaya sa pamamagitan ni Propeta Samuel sinabi ng Panginoon, "Nagsisisi ako kung bakit ginawa kong hari si Saul."

Ang Alagad na Mapagkakatiwalaan

Ang mahal na ina ng Panginoon ay naroon sa tabi ng krus. Alam ng Panginoon na paalis na siya. Kanino niya ipagkakatiwala ang kanyang ina?

Ayon kay San Juan, isang alagad lamang ang naroon.

Isang alagad na hindi humiwalay sa Panginoon habang ang iba ay takot na nagtatago. Hindi pinangalanan ang alagad na ito.  Siguro nga katulad siya ng maraming miembro ng ating simbahan na minsan ay hindi man nakikilala.  Marami ang kanilang nagagawa ngunit , nananatili silang tahimik lamang sa isang bahagi ng iglesia.  Ngunit tapat sila sa Diyos.


Mayroong ilang natatanging katangian ang mga ganitong alagad;

a. kakaiba ang pag-ibig niya sa Panginoon.  Ang pag-ibig niya ay hanggang kamatayan.  Maari niyang ikamatay ang pananatili niya sa tabi ng krus. 

b. handa siyang mamatay kasama ang Panginoon. Naroon siya sa ilalim ng krus, isang bagay na nakakatakot gawin. Handa siyang gumanap ng mabigat na tungkulin sa gitna ng nagbabantang panganib alang-alang sa Panginoon.

Sa loob ng iglesia ay may maraming tapat na alagad na minsan hindi man napapangalanan. Mga taga-linis ng iglesia, taga-luto, mga lingkod ng Diyos na hindi man napaparangalan.
Minsan sa panahon ng panganib, may mga alagad nakakikitaan ng katapatan,  na kahit kamatayan ay susuhungin nila upang makasunod lamang sa Panginoon. Sila marahil ang katulad ng alagad na ito. Walang pangalan, ngunit tapat sa Panginoon.  Sila ang pinagkakatiwalaan ng Diyos sa iglesia. Hindi naghahanap ng papuri o pagkilala.

Isang modelong alagad na dapat nating tularan.

Maging Mabuting Katiwala ng Diyos

Maging karapat-dapat nawa tayo sa pagtitiwala ng Diyos.

1. Gawin natin ang pinakamabuti para sa ating tungkuling ginagampanan.   Kung  ikaw ay isang ama ng tahanan, maging mabuti kang ama, maging mabuti kang asawa.  Pinagkatiwalaan ka ng Diyos ng isang pamilya.

2. Huwag mong bibiguin ang Diyos sa kanyang pagtitiwala sa iyo.  Napili ka ba bilang leader ng iglesia?  Gawin mo ang pinaka-mainam na paglilingkod.

3. Maging tapat sa Panginoon.  Tularan natin ang alagad na ito na tunay na nagmahal sa Panginoon kahit sa gitna ng panganib.  Tularan antin si Pablo na nagsabing “Sa buhay o kamatayan, kay Cristo ako.”


Ika-apat na Wika: Salita ng Pananalig


“Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” (Mateo 27:46)

Hanggang saan ang pagtitiwala mo sa Diyos? 

Isang pastor ang nagkaroon ng cancer at tinanong niya ang Diyos kung bakit. Ayon sa kanyang patotoo sumagot ang Diyos sa kanyang kalooban ng isa ring tanong, 

"Anak, hanggang saan ang pagtitiwala mo sa akin?"

May mga tanong sa buhay na walang madaling paliwanag. 

Ang kamatayan ng isang mabuting tao, ang biglang pagkakasakit ng isang mabuting pastor, ang pagkakasunog ng isang kapilya...etc. 

Isang aklat ang sinulat ng isang Judiong pastor, "When Bad Things Happen to Good People" dahil namatay ang anak niya sa sakit na "progeria", mabilis na pagtanda, walang kagamutan at nauwi sa tiyak na kamatayan. Napuno ng pagtatanong ang kanyang buhay...ng mga “bakit” sa Diyos. 

Si Jesus man ay nagtanong ng "bakit" sa Ama. 

May isang uri ng suffering na pinapayagan ng Diyos dahil mayroon siyang mas makabuluhang dahilan. Ito ay ang mga tinatawag na “Meaningful sufferings.”

a. may mga bagay na mahirap unawain, na maaring ipagawa sa atin ang Diyos para sa kabutihan ng mas nakakarami. Halimbawa rito ang mga sakripisyo ng mga bayani, o sakripisyo ng isang magulang para sa anak.

b. May bagay din na masakit / mahirap tanggapin o ipaliwanag, na pinapahintulotan ng Diyos sa buhay natin at Diyos lang nakaka-alam kung bakit. Maiintindihan din natin ito katagalan. Halimbawa ang buhay ni Jose sa Genesis. 

Subalit may mga “Meaningless Sufferings” din.

May mga paghihirap na bunga ng kawalan ng katarungan, o kasalanan na nagdudulot ng pang-aapi, paghihirap ng marami ay hindi naman kalooban ng Diyos at matatawag nating "meaningless suffering". Sakripisyo sila na walang mabuting bunga. Ang ganitong paghihirap ay taliwas sa nais ng Diyos. 

Ang naganap sa buhay ng Panginoong Jesus ay isang “meaningful suffering”. Gumawa siya ng sakripisyo para sa ikabubuti ng lahat ng tao. Ang hindi pagsagot ng Ama sa kanyang mga “bakit” ay, pansamantala lamang. Dahil ang dulo ng kanyang sakripisyo ay tagumapay para sa Diyos.  

Alam ni Jesus ang sagot sa kanyang tanong. Kaya sa pananahimik ng Ama, lubos pa rin ang kanyang pagtitiwala. 

Ang salitang ito ay may kinalaman sa Awit 22. Ito ay awit na nagsimula sa pagtatanong sa Diyos na nagwakas naman sa pagpupuri sa katapatan ng Panginoon.

Kung uutusan ka ng Diyos na dumaan sa mahirap na sakripisyo alang-alang sa ikabubuti ng marami, susunod ka ba at magtitiwala sa pansamantalang pananahimik ng Diyos?

Bilang alagad ni Cristo, huwag sana tayong matatakot na humarap sa mga sakripisyo ng paglilingkod. Huwag nating pababayaang manghina ang ating pananampalataya.  Tapat ang Diyos at matuwid.  Hindi niya bibitawan sa ere ang kanyang mga lingkod. 

Ang Diyos, bagamat minsan ay nanahimik, ay mananatiling tapat. Hindi kailanman tatlikuran ng Diyos ang sinumang hindi tatalikod sa kanya sa gitna ng mga pagsubok.

Kung kaya ang wakas ng Awit 22 ay awitin ng pagpupuri at pagtatagumpay.  Kapag tayo ay sumusunod sa Diyos sa kanyang panawagan upang magsakripisyo para sa ikabubuti ng mas marami, darating din tayo sa puntong magdiriwang tayo sa tagumpay ng Diyos! Amen!



Ika-limang Wika:  Salita ng Kahilingan 

“Nauuhaw ako!” (Juan 19:28)

Nakakalungkot na sa ating panahon, hindi na nahihingi ang tubig, dahil ibinebenta na ito. Sa oras na iyon, humihingi ang Panginoon ng isang simpleng bagay na available naman, "tubig". Karaniwan sa panahon na iyon ang magbaon ng tubig. At may maraming nagbibigay ng tubig sa iba, bilang kawanggawa. Marami ring mga aqueduct o daluyan ng tubig mula sa mga bundok papuntang bayan.  Kung kaya sagana ang tubig noon sa Israel. 

"Pahingi ng inumin dahil uhaw ako." Ito ay inaasahan na mangyayari sa Panginoon. Isang natural na mangyayari sa isang taong hindi natikim ng tubig ng ilang araw mula ng dakpin siya, binugbog at ibinilad sa mainit na araw habang ang dugo niya at pawis ay patuloy na umaalis sa kanyang katawan. 

Simpleng Kahilingan na Walang Katuparan

Maraming  simpleng bagay na hinihiling ang  Panginoon 
mula sa atin na maaring itulad sa paghingi niya ng tubig. 

Simpleng kahilingan tulad ng; 
ang mahalin siya, 
magmahalan tayo 
mag-kaisa sana tayo 
maglingkod sana tayo sa kanya, 
gumawa sana tayo ng mabuti at 
umiwas sa anumang uri ng kasalanan. 

Mga simpleng paglilingkod na hinihiling ng Diyos mula sa atin. Pero ano ang kadalasang ibinibigay natin sa Diyos?  Paano ba tayo tumutugon?

Nang humingi siya ng tubig, hindi tubig ang ibinigay sa kanya kundi suka (na may apdo). Isang mapait na inumin.  Isang mapait na tugon.
Madalas nating pinupuna ang mga nagparusa sa kanya, ngunit sa ating pagsuway sa Diyos - parang wala tayong pinag-kaiba sa kanila. 

Tubig ang hiniling - suka ang pinatikim. 

Hindi kaya ganito rin ang ating nagiging tugon tuwing may kahilingan ang Diyos sa atin?  Nais nating maging manhid ang Diyos sa ating mga pag-ayaw. Gusto nating sanayin ang Diyos sa ating mga pagsuway.  Ayaw nating ibigay ang eksaktong hinihiling ng Diyos. 

Halimbawa, kung ang isang politiko ay nagbabansag bilang Kristiano, ngunit naniniwala siyang  imposible ang makaiwas sa kasalanan ng corruption. 

Hinihiling ng Diyos ang kanyang pagsunod upang manatiling malinis pero pilit kinakatwiran ng taong ito, na, “Mauunawaan siguro ako ng Diyos kung magnanakaw ako sa gobyerno dahi ito ang kalakaran.”  

Malinaw na hindi niyaibinibigay kung ano ang mismong  kahilingan ng Panginoon.  Taliwas ang kanyang  ginagawa.  Humihiling ng tubig, ngunit suka ang ibinibigay. 

Ang kahilingan ng Panginoon ay tubig, pero ano po ba ang ibinibigay natin sa kanya? Suka at apdo pa rin ba?  Tubig ang kahilingan ng isang nauuhaw.  

Kung ano ang kinauuhawan ng Panginoon ay siya sana ang ating ibigay. Wika ng Panginoon, "Kung mahal ninyo ako, sundin ninyo ang aking mga utos." 

Simpleng kahilingan mula sa Tagapagligtas. 


Ika-Anim na Wika:  Salita ng Tagumpay 

 Naganap na!” (Juan 19:30)


Ito ay salita ng tagumpay, mula sa isang nakagawa ng kanyang misyon. Tetelestai sa Griego - tulad ng "Mission accomplished!" 

Sa ika-anim na salita, nais kong pag-isipan natin, "Ano ang mga bagay na nais ipagawa sa atin ng Diyos? Ano ba yung dapat nating tapusin?" 

May mga pangako ba tayo na binitawan sa Diyos na hindi pa natin tinutupad? 
Kaya ba nating tapusin ang ating mga assignments para sa Diyos? 

Ang Tagumpay ni Jesus

Isang bagay lamang daw ang madalas na pinagsisihan ng mga taong malapit ng mamatay, kung alam nilang mayroon pa silang dapat tapusin, o mga bagay na dapat hihingi ng tawad, o kasalanang dapat ituwid, subalit dahil padating na ang kanilang kamatayan, at wala na silang panahon, sila ay lubos na nagsisisi. 

Ang masakit sa kamatayan, ay hindi ang mismong pagtigil ng buhay, kundi ang pagputol ng Diyos sa ating pagkakataong gumawa ng mga bagay na dapat gawin. 

May kwento tungkol sa isang ama na nagkasala sa kanyang pamilya. At nais niyang muling bumalik sa kanyang asawa at mga anak. Sisikapin sana niyang "makabawi" sa nagawa niyang pagkukulang, kaya nagplano siyang umuwi. Ngunit habang nasa bus papunta sa kanyang pamilya, inatake siya sa puso at namatay. 

Huli na, hindi niya nagawa ang dapat niyang gawin. 

Sa aklat ni Stephen Covey na Seven Habits, isa rito ang payo niya na "pag-isipan natin ang buhay natin kung paano natin ito ninanais magwakas." Always start with the end in mind. 

Ang Ika-anim na salita ay nag-aanyaya rin na gawin natin ito. Sikapin natin na ang wakas ng iyong buhay ay walang halong pag-sisisi, kaya...

1. Gawin mo na ang mga bagay na alam mong utos sa iyo ng Panginoon.  Tapusin mo ang mga ito, bago matapos ang buhay mo. 

2. Ituwid mo na ang mga pagkakamaling nagawa mo habang may panahon ka pa. 

3. Tanggapin mo ang paghahari ng Panginoon to secure your salvation, and to live alife under God’s control at simulan mo nang mamuhay bilang isang tunay na anak ng Diyos kasama ang ibang tao. 

When Jesus is about die, he knew very well that his mission is accomplished. Pumanaw siyang walang pinagsisihan sa buhay.




Ika-Pitong Wika: Salita ng Pagtatagubilin

“Ama, sa mga kamay mo’y itinatagubilin ko ang aking espiritu!”


Ang buhay natin ang pinakamahalagang kaloob ng Diyos. Ang maganda rito, hindi lamang tayo para sa buhay dito sa lupa, nilikha tayo ng Diyos para sa buhay na walang hanggan. At nandito tayo sa kasalukuyan upang maghanda sa isang buay na walang katapusan.

Ngunit bago ito mangyari, dadaan muna tayo sa karanasan ng kamatayan. Ayon sa Eccl 12:7, ang kamatayan ay may dalawang yugto, ang katawang lupa ay babalik sa lupa at ang espiritu ng tao ay babalik sa kanyang Lumikha. "and the dust returns to the ground it came from, and the spirit returns to God who gave it."

a. higit sa buhay dito sa lupa ang kaloob ng Diyos.

Nakakalimutan ito ng marami na nagiging "obsessed" sa buhay dito sa lupa. Kung tatanungin ang mga tao, "Alin ang mas mahalaga, ang kaluluwa ng tao o ang material na pangangailangan ng katawan?" Agad-agad sumasagot ang marami na mas mahalaga ang kaluluwa. Kaya ganito na lamang ang paalala ng Panginoon,

"Ano ang mapapala ng isang tao kung mapasa kanya man ang lahat kayamanan sa mundo at mawala naman niya ang kanyang kaluluwa?"

Gayun man, madalas makalimutan ito ng marami. Nakakalimutan nilang alagaan at ihanda ang kanilang kaluluwa sa pagbalik nito sa Diyos.

b. Ang ipagkatiwala natin sa Diyos ang ating espiritu ay isang napakamahalagang bagay na ating magagawa para sa ating sarili. Nais ng Diyos na makasama tayong lahat sa buhay na walang hanggan.

Ang espiritu ay hindi lamang isang "entity" kundi ito ay isang "existence with meaning". Kailangan tayong mabuhay na may kahulugan at layunin. *Ito ang uri ng espiritu mayroon si Jesus. Ang kahulugan ng kanyang buhay ay nababagay na ilagay sa mga kamay ng Diyos na banal. Nagamit lamang ang kanyang buhay sa paglilingkod sa Diyos.

*Ang kanyang espiritu ay karapat-dapat sa Diyos. Ito ay wagas, puno ng Espiritu Santo. Wika ng Ama tungkol sa kanya, "Ikaw ang kinalulugdan kong Anak." *Nabuhay lamang siya para sa Diyos, at pumanaw siya para sa Diyos. Hindi nasayang ang alin mang sandali ng kanyang buhay.

Lahat tayo ay papanaw. Subalit ang ating espiritu ba ay nakatagubilin sa Diyos?

Ngayon pa lamang ay italaga na natin ang ating espiritu sa Diyos.
Sa gayon, maging ang kamatayan ay hindi na natin katatakutan.
Magiing katulad tayo ni San Pablo na nagsabing, "Sa mabuhay o mamatay - kay Cristo ako."

Magkikita-kita po tayo sa buhay na walang hanggan. Amen

Spiritual Disciplines Tagalog (9 Basic Discipleship Lessons)

Spiritual Discipline 1: Silent Meditation 

Tahimik na Pagbubulay
 Batayan sa Biblia: Awit 63:6; Genesis 24:63

Ano ang Tahimik na Pagbubulay?

Ang pagbubulay ay karaniwan sa Biblia. Ito ay kinabibilangan ng pagbabasa sa Biblia (Awit 1:2), pakikiniig sa Diyos sa gitna ng katahimikan tulad g ginawa ni Elias (1Hari 19:9-18), o kaya’y pagmamasid sa mga nilikha ng Diyos (Awit 8) at pakikinig sa nais sabihin ng Diyos (Matt. 14:13).  At kahandaan na sumunod sa mga nais ng Diyos.

Bakit Ito Mahalaga sa Mga Kristiano?

Sa ating panahon, ang kaaway  natin  na si Satanas ay may tatlong ginagawa upang hindi tayo maka-tuon sa Panginoon (lack on focus to God): ingay, pagmamadali, at sobrang dami ng tao na ating nakikita at nakakausap.  Dahil dito, nawawalan tayo ng oras para makitagpo sa Diyos.  Ang Panginoong Jesus ay may oras ng pagbubulay araw-araw, pumupunta siya sa tahimik at malungkot na lugar upang masolo siya ng Diyos. Ang pinaka mahabang Chapter sa Biblia ay ang Awit 119. 

Ito ay naglalaman ng mga personal na pagbubulay sa mga Kautusan ng Diyos.

Ang pagbubulay ay mahalagang gawaing Kristiano dahil kailangan natin ang Diyos.  At kung nagkukulang tayo sa pakikinig, at pakikitagpo sa Diyos, madali nating makaligtaan ang Kanyang mga utos.  Ito ang nais ng Kaaway.  Ang malayo tayo sa Diyos na hindi natin namamalayan. 

Ang Halimbawa ni Moses

Si Moses ay taong abala, subalit nakuha niya makitagpo palagi sa Diyos.  Ito ang naging susi sa kanyang tagumpay sa kanyang buhay espiritual.  Marunong siyang makinig sa Diyos at alam niya ang nais ipagawa ng Panginoon.  Kinakausap niya ang Diyos na parang isang kaibigan (Exodo 33:11).  Ang mga Israelita ay hindi handa sa ganitong pakikipag-usap sa Diyos - sila ay takot sa Panginoon.  Kaya pakiusap nila kay Moses, siya na lang ang makipag-usap sa Diyos (basahin ang Exodo 20:19).

Ang Halimbawa ng Panginoong Jesus

Lagi ring abala ang Panginoong Jesus dahil sa lawak ng misyon at halos hindi na siya makakain o makatulog man, ngunit lagi siyang may panahon upang makitagpo sa Amang Diyos (Mat. 14:13).  Sabi ng Panginoon, “I can do nothing on my own authority, as I hear, I judge.” (John 5:30). 

Upang Magabayan Tayo ng Diyos

Tayong mga Kristiano ay dapat nakikinig kay Jesus, sabi ng Panginoong Jesus, “Kilala ng aking mga tupa ang aking boses (John 10:4).” 

Ang paggabay ng Diyos sa ating mga Kristiano ay mahalaga, kung kaya ang pagbubulay ay tungkulin ng lahat ng Kristiano.   Kailangan tayong making sa Diyos.  Sa ating pagbubulay, nabubuksan an gating pandinig na spiritual, at dumadaloy ang mga Salita ng Diyos sa ating kalooban. Kailangan nating malaman ang nilalaman ng puso ng Diyos.  Ito ay natatamo sa pakikipag-tagpo sa Diyos (fellowship with God) at pakikinig sa Diyos.      Ayon kay Thomas A’Kempis, isang manunulat na lagging binabsa ni John Wesley, ang pagbubulay ay “pakikitagpo sa Panginoong Jesus bilang isang kaibigan”.

Pabanalin Natin ang Ating Isipan

Ang pagpapakabanal ay nag-sisimula sa pagbabago ng isipan  ayon sa Roma 12:2.

“Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong  ito, mag-iba kayo at magbago ng isip, upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos - kung ano  ang mabuti, nakalulugod sa kanya at talagang ganap.”

Dahil sa sobrang panonood ng TV at pagbabad sa internet,  may mga Kristiano na naaakay sa masama dahil hindi nila iniingatan ang pumapasok sa kanilang isipan. Sa halip na tungkol sa Diyos at kabutihan, ang ating mundo ngayon ay nag-aalok sa atin na manood at makinig ng mga marurumi at masasamang bagay na maaring maglayo sa atin sa Panginoon.

Mga Paraan ng Pagbubulay

1. Manalangin - Magbasa ng Biblia - Manalangin tuwing  umaga.  Sa pagbabasa mo, tanungin ang sarili “Ano ang nais ipagawa sa akin ng Diyos ayon sa aking nabasa.” Isulat angmga ito sa notebook o diary at sundin ang mga utos ng Diyos.

2. Isa pang paraan, pumunta sa isang tahimik na lugar  upang katagpuin ang Panginoon. Pakiramdaman mo ang presensya ng Diyos, sa loob mo at sa paligid. I-sentro ang isipan sa krus.

Kausapin mo ang Panginoon.  Tanungin mo siya kung mayroon siyang nais sabihin sa iyo. Hilingin mo ang kapayapaan na pangako niya sa John 14:27. Magbasa ng Biblia at manalangin.

3. Sa tahimik na lugar na may magandang tanawin, tahimik na magmasid sa mga nilikha ng Diyos,  mga bulaklak, parang, bundok, ulap, etc. Basahin ang Awit 91.1 o ang kwento ng paglikha. Pabayaang mangusap  ang Diyos sa iyo.

4. Gamit ang Biblia, pagbabasa ng Upper Room Discipline,  tahimik na  magbasa at manalangin. 

Mga Tanong:

1.       Paano nakakatulong sa iyo ang pagninilay sa presensya ng Diyos?
2.       Bakit mahalaga ang piliin nating mabuti ang pumapasok sa ating isipan?



Spiritual Discipline #2 - Paglilingkod Kristiano

 Paglilingkod Kristiano
(Christian Service)
Juan 13:14-15

Ang ating bagong buhay bilang tunay na Kristiano ay katibayan ng ating pag-alis sa tanikala ng kasalanan, tungo sa isang malayang paglilingkod sa Diyos.  Ang bawat Kristiano ay may kapangyarihang pumili sa tama at hindi na tayo alipin ng masasamang ugali, pananalita at maling gawi.  Tayo ay malayang maglilingkod sa Diyos na nagbuwis ng buhay para tayo maligtas.

Ano ang Paglilingkod?

Sa maraming pagkakataon, ang mga alagad ay may problema sa usapin “kung sino ang pinakadakila” sa kanila (Lucas 9:46).  Dahil dito, sa harap ng Panginoon, suliranin sa kanila kung sino ang maglilinis ng paa ng lahat, dahil gusto nila, sila ang paglingkuran at ayaw nilang maglingkod.

Ang paglilingkod ay ang madalas iwasan ng maraming tao, kahit mga Kristiano.  Para nga yatang mas madali pa ang “kalimutan ang mga mahal sa buhay alang-alang sa Panginoon” pero ang talikuran ang sarili ay hindi madali. Gusto nating tao ang maging mataas, mayaman, igalang at paglingkuran (Mateo 20:25-26). Pero ito ay isang napakahalagang turo ng Panginoon.  Kung talagang tinanggap natin si Jesus bilang Panginoon, kailangan tayong maglingkod. Ang paglilingkod ay radical self-denial.  Pagtalikod ito sa sarili alang-alang sa Diyos at kapwa.

Ang Tunay na Paglilingkod ay Hindi Self-Righteousness

Ang paglilingkod ay ginagawa.  Ang self-righteousness ay pagkilala sa sarili na “mas banal ako kaysa iba”.  Mahalagang paghambingin natin ang dalawa:


  Makasariling Paglilingkod               Maka-diyos na Paglilingkod

  bunga ng human effort                    bunga ng ating relasyon sa Diyos

  naghahanap ng papuri ng tao        hindi naghahanap gantimpala 

  pinipili nito ang paglilingkuran       hindi namimili

  umaasa sa resulta                               pinagkakatiwala sa Diyos                                                                             
                                                               ang resulta ng paglilingkod

  pansalamantala at                              nananatili
  nagsasamantala

  Nakabase sa “mood”                        tapat na naglilingkod
                                                                    kahit may mga hadlang


Paano Maglingkod?

1. Patayin ang mga “hilig ng laman” (lust of the flesh) o pagnanasa para mapapurihan upang lalong magkaroon ng “pride”.  (Basahin po ang 1 John 2:16).

2. Be Humble - ang pagpapakumbaba ay isang kalayaang mula sa Diyos.  Ang pagmamataas ay pagkakulong sa sarili, at hadlang sa pag-abot sa nasa mababang kalagayan.

3. Hanapin ang tunay na Kagalakan sa Paglilingkod - ang mga self-righteous ay walang kasiyahan at walang “contentment”.  Sabi nga ni St. Francis,

“Above all the graces and gifts of the Holy Spirit which Christ gives to His friends is that of               conquering  oneself and willingly enduring sufferings, humiliations, and hardships for the love of Christ.”

Ang hamon sa atin ng Panginoon ay kusang paglilingkod na siyang susi ng kagalakan kasama ang Diyos.

Pamumuhay Bilang Alipin ng Diyos

Ang pagtanggap kay Jesus bilang Panginoon ay pagpapasakop bilang alipin ng Diyos.  Maraming tao ang takot maglingkod dahil sa:

                -  takot na maliitin ng iba
                -  takot na tapakan ng iba

Hindi po itinuturo ng Biblia na magpa-abuso tayo.  Ang sinasabi ng Biblia ay maglingkod tayo ng buong makakaya, suklian ng kabutihan ang gumagawa sa atin ng mali at patuloy na isuko ang sarili sa Diyos. Kung wala ang paglilingkod na may pagpapakumbaba, hindi tayo makagagawa para sa Diyos.  Ang  maka-diyos na paglilingkod ay nagagawa pati sa kaaway, dahil hindi ito naghahanap ng kapalit o   pabuya.
                       
Maglingkod Tayo

1. Maglingkod maging sa maliit o simpleng   paraan.  Tulad ni  Dorcas na namimigay ng damit sa mahihirap ayon  sa Gawa 9:39.
2.  Maglingkod sa pamamagitan ng “pag-iingat sa  reputasyon ng iba”. Speak of no evil of anyone (Titus 3:2). Ang paglilingkod na ito ay napaka-halaga sa buhay ng iglesia bilang pamilya ng Diyos.
3.  Maglingkod sa pamamagitan ng pagtanggap sa paglilingkod ng iba.  Ayaw magpalinis sa paa ni Pedro, ngunit binalaan siya ni Jesus. ‘na wala silang magiging kaugnayan sa kanya kung hindi niya  tatanggapin ang kanyang paglilingkod’.
4.  Maglingkod sa pamamagitan ng pagiging maunawain (Titus 3:2b).
5.  Maging bukas sa pagtanggap  (hospitable, 1Peter4:9).
6.  Matutong makinig sa kapwa. Sa ating pakikinig, tayo ay nakapaglilingkod sa isang nagsasalita o nagpapahayag. 
7. Tumulong sa pasanin ng iba (Galatia 6:2)                  
8. Ibahagi ang Salita ng Diyos. Sa ganitong paraan, natutulungan natin ang iba tungo sa kanilang kaligtasan.


 Spiritual Disicpline 3: Prayer

Mabisang Pananalangin

“Kung nananatili kayo sa akin, at ang salita ko ay nananatili sa inyo, hingin ninyo ang inyong maibigan at ipagkakaloob sa inyo.” -Juan 15:7

Nais ng lahat ng Kristiano na maging mabisa ang kanilang pananalangin.  Wala na yatang sasaya pa sa isang taong tinugon ng Diyos pagkatapos niyang manalangin.  Maraming tao ang nanalangin, at marami rin ang nabibigo sa kanilang kahilingan sa Diyos.  Ang dahilan ay wala ng iba kundi: ang hindi natin pagtupad sa mga tuntunin na nais ipagawa ng Panginoon sa atin, upang maging mabisa ang ating panalangin.

Tuntunin ng Mabisang Pananalangin

1. Kung nananatili kayo sa Akin.

Nais ng Panginoon na maging palagian at personal ang ating pakikitagpo sa Kanya.  Hindi mabuti na tinatawag lamang natin siya tuwing tayo ay may maigpit na pangangailangan.  Hindi tama na ang Diyos ay ikinukumpara sa isang medicine cabinet, na hinahanap lamang kung may nagkakasakit.  Sa maraming tao, ang Diyos ay ina-alala kung may problema, nalilimutan naman ang Diyos kapag masaya.

Paano tayo mananatili sa Panginoon?

a. Manalangin upang ipagkaloob ang Banal na Espiritu
Ang Espiritu Santo ang presensya ng Diyos sa ating buhay.  Sabi sa 1Cor. 3:16, “Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu?”

b. Mamuhay ng may kabanalan
Kung tayo ay namumuhay kasama ang Diyos sa lahat ng oras, tayo ay nakiki-isa sa Panginoon at ito ay makikita  sa ating bagong pagkatao.  Sabi nga ng 2Cor. 5:17, “Sinumang naki-isa na kay Cristo ay isa ng bagong nilalang.” 

c. Mamuhay na sumusunod sa kalooban ng Diyos 
Ang pagsunod sa utos ng Diyos ay mahalaga, kung nais nating hilingin ang kanyang pagtugon.  Tumutugon lamang ang Diyos ng ayon sa kanyang kalooban. Hindi maaring tugunin ng Diyos ang salungat sa kanyang kalooban.  At lalong hindi maaring maki-isa sa Panginoon ang mga pasaway sa Kanya.

d. Pakamahalin ang Diyos
Ang pinakamahalagang utos ng Diyos sa atin ay ang ibigin siya.  Ibig sabihin, ang pinaka-malaking kasalanan na maari nating gawin bilang tao ay ang kawalan ng  pagmamahal sa Diyos. Abiding in God simply means, we let God to be with us through His Spirit, then we live in obedience to His will, and we love God  with all our hearts, our soul, mind and whole strength.

Sabi ng Panginoon, “If you abide in me, and I abide in you, your prayers will be answered.”

2. Kung ang Salita Ko ay nanatili sa inyo

Ang pangalawang tuntunin ng mabisang panalangin ay ganito: “If my Words abide in you, whatever you ask in prayer shall be given to you”.  The first condition is to abide in Christ, the next condition for a successful prayer is abiding in His word.
Ang panalangin ay “dialogue” at hindi “monologue”.  Nagsasalita tayo sa Diyos, ngunit ang Diyos ay nangungusap din sa Kanyang Salita sa atin.

Paano tayo mananatili sa Salita ng Diyos?

a. Aralin araw at gabi ang Salita ng Diyos
“Nagagalak siyang magsaliksik ng banal na aral, laging binubulay sa gabi at araw.” Ito ay mula sa Awit 1:2. Gaano man tayo ka-busy sa ating mga gawain, ang pagbabasa ng Biblia ay dapat nating binibigyan ng panahon.

b. Sundin ang Salita na ating inaaral.
Sabi sa Santiago 1:23, “Mamuhay kayo ayon sa Salita ng Diyos.  Kung ito’y pinakikinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili.”

c. Hanapin lagi ang kalooban ng Diyos sa Kanyang Salita. Tanging sa Biblia lamang mababasa ang mga kalooban ng Diyos, maging ang kanyang mga plano para sa ating personal na buhay, sa ating pamilya, para sa iglesia at para sa mundo.

Ang Panalanging Tinutugon ng Diyos

Hindi lahat ng panalangin ay tinutugon ng Diyos.  Tanging ang mga naaayon sa kanyang kalooban ang kanyang tinutugon.  Hindi siya maaring pilitin ng labag sa kanyang kalooban. Sa tunay na panalangin, hindi ang Diyos ang susunod sa ating kalooban, tayo ang susunod sa kanya kalooban. Bago manalangin, tanungin muna natin ang ating sarili;

a.  Ayon ba sa kalooban ng Diyos ang aking hihilingin?
b. Nananatili ba ako sa Panginoon?
c. Nasa akin ba ang Espiritu ng Diyos?
d. Sumusunod ba ako sa Panginoon?

Mga Pagtalakay

1. Maraming tao ang nag-uutos sa Diyos sa panalangin. Sa paanong paraan natin nasasabi na mali ang ganitong pananalangin?

2.  Bakit importante ang pananatili sa Diyos bago niya tutugunin ang ating mga panalangin?

3. Bakit hindi tinutugon ng Diyos ang mga panalanging hindi ayon sa kanyang kalooban? Paano natin malalaman ang mga kalooban ng Diyos?

Spiritual Discipline 4    (Secrecy)

Disiplina ng Pagsesekreto 

Sa mga sundalo, disiplina rin ang secrecy na nilalaman ng isang motto, “What you see, what you hear, when you leave, leave it here.”       Dahil hindi makakabuti ang pagsisiwalat ng mga kaalaman na dapat ay iniingatan.   Ang disiplina ng pagsesekreto ay gawaing Kristiano. At ito ang ating aaralin ngayon.

Ano ang secrecy ayon sa Biblia?

Mababasa sa   Mateo 6:1, 
"Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti.  Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit.”
Mula naman sa Santiago 3:5, “Ganyan din ang dila ng tao; maliit na bahagi lamang ng katawan, ngunit napakalaki ng nagagawang kayabangan.’
Ang pagsisiwalat sa madla ng lahat n gating ginagawa ay maaring magpahamak sa atin. Isa dito ay ang pakitang-tao na maaring sumira sa ating dalisay na motibo para papurihan ang Diyos.  Dahil ang kapurihan ng tao ay maaring maghulog sa atin sa kasalanan sa pamamagitan ng pride at  pagyayabang.
Ang kasalanang ito ay binatikos ng Panginoong Jesus sa gawa ng mga Pariseo.  Pinagsisigawan nila ang kanilang mga gawang mabuti, inilalathala nila ito at lagi silang naghahangad ng papuri ng tao.
Isa pang talata sa Biblia ang nagtuturo ng pagsisikreto ay sa Awit 101: 5,

“ Siyang naninira ng kanyang kapwa'y aking wawasakin;   di ko papayagan ang mapagmalaking hambog kung tumingin.”

Ang tsismis at paninira ng kapwa ay gawaing kinamumuhian ng Diyos.   Ang pag-iingat sa sekreto ng buhay ng ibang tao tungkol sa kanilang nakalipas ay paninira ng buhay at reputasyon.  Sabi pa ng Santiago 4:11,   
     
‘Mga kapatid, huwag kayong magsiraan sa isa't isa. Ang namimintas o humahatol sa kanyang kapatid ay namimintas at humahatol sa Kautusan. At kung hinahatulan mo ang Kautusan, hindi ka na tagasunod ng Kautusan kundi isang hukom nito.’

Bakit mahalaga ang pagsisikreto sa Kristiano?

Una, upang hindi natin aakitin ang iba para papurihan tayo sa ating mabuting gawa.  Sa halip, ang kapurihan ng Diyos ang dapat nating hanapin.

Pangalawa, ang pag-iingat sa ating mga nalalaman tungkol sa iba na maaring makakasira sa kanilang reputasyon ay dapat itago na lamang sa ating sariling kaalaman.  Muli ayon kay Apostol Santiago, sa kabanatang 3:6,  

“Ang dila ay parang apoy, isang daigdig ng kasamaang nagpaparumi sa ating buong pagkatao. Ang apoy nito ay mula sa impiyerno at sinusunog ang lahat sa buhay ng tao.”

Ang Halimbawa ng Panginoong Jesus

1.       Nasasaad sa Biblia na ang Panginoong Jesus ay palagiang nanalangin sa mga sekretong lugar upang makitagpo sa Ama (Lucas 5:16). 

2.       Tuwing pupunta ang Panginoon sa isang lugar, sinisikap niyang hindi siya mapansin ng madla (Mark 7:24).  Hindi man niya maiwasan ang pagdagsa ng mga tao, pagkatapos niyang maglingkod sa madla, agad-agad umaalis ang Panginoon upang makaiwas sa maraming tao. 

3.       Tuwing nanggagamot ang Panginoon, lagi niyang sinasabihan ang ginamot na huwag itong ipagsabi kanino man  (Mark 1:44).

Ang tawag ng Panginoong Jesus sa sarili ay “Anak ng Tao”.  Ito ay tanda ng kanyang kapakumbabaan.  Si Pedro ang unang tumawag sa kanya na “Anak ng Diyos”.   Gayunman,  inutusan  ng Panginoon ang  mga alagad na huwag itong ipagsabi.

Paano  gagawin pagsesekreto?

1.       Huwag ipag-ingay ang ginagawang mabuti upang magkamit ng gantimpala mula sa Diyos sa langit Mateo 6:2-5).
2.       Asamin lamang ang kapurian ng Diyos at huwag itataas ang sarili upang hindi tayo mahulog sa kasalanan ng pagyayabang at pagmamataas.
3.       Huwag gagamitin ang nalalamang katotohanan sa mga sekreto ng iba upang siraan sila at wasakin ang kanilang reputasyon.  

Mga Tanong:

1.       Paano inaagaw ng isang tao ang kapurihan ng Diyos sa pamamagitan ng pagyayabang at pagtataaas sa sarili dahil sa mabuting gawa? Paano ito nakakasama sa ating pananampalataya?
2.        Bakit mahalaga ang pag-iingat ng mga sekreto sa buhay ng iglesia? Paano ito nakakatulong sa mga pinatawad na at binago na ng Diyos?
3.       Paano natin maiiwasan ng lubusan ang tsismis sa iglesia?


Spiritual Discipline 6: Giving


Batayan Mula sa Biblia: Malakias 3:10, Levitico 27:30-34

Ang Prinsipyo ng Pag-iikapu Mula sa Old Testament

Ang pag-iikapu ay turo mula sa Lumang Tipan, ito ay  pagkakaloob sa Diyos ng handog na 10% mula sa kinikita ng mga Israelita sa templo (Leviticus 27:30; Numbers 18:26; Deuteronomy 14:24; 2 Chronicles 31:5).  Utos ito ng Diyos para mapunan ang pangangailangan ng templo at tulong sa nangangailangan.

Pag-iikapu sa Bagong Tipan

Apat na beses lamang binabanggit ang pag-iikapu sa Bagong Tipan (Luke 18:12, Matt. 23:23; Heb. 7:1-10 at Luke 11:42).  Mababasa natin na binabatikos ng Panginoon ang gawain ng mga Pariseo, dahil mas binibigyan nila ang pagpapahalaga ang ikapu at naisasantabi nila ang hustisya, habag at katapatan. Sa Hebreo 7:1-10, binabanggit naman ang ginawang pag-iikapu ni Abraham.  Maliban dito, wala ng pagbanggit tungkol sa pag-iikapu sa Bagong Tipan.  

Ang prinsipyo ng pag-iikapu sa Lumang Tipan ay pagbibigay sa Diyos ng pasasalamat at hindi dahil ito ay requirement lamang.  Ang prinsipyong ito ay may lugar pa rin sa Bagong Tipan, bagama’t hindi tuwirang iniuutos ito ng mga apostol.

Pagkakaloob sa Ating Panahon.

Una tandaan na ang pag-ibig sa Diyos ay dapat maging  pangunahin sa ating buhay.  Sabi ng Panginoon sa Mateo 6:21, "Where your treasure is, there your heart will be also.” Isa pa, ang salapi ay mapanganib kapag pinapanginoon (Lucas 16:13).  Ang salapi ay dapat magamit sa paglilingkod sa Diyos (Lucas 18:22). Ang prinsipyo ng pagkakaloob ay hindi batas kundi kapahayagan ng ating pag-ibig sa Diyos na nagpapala sa atin. 

Pangalawa, tulad ng pananaw sa Lumang Tipan, may pangangailangan din sa simbahan sa ating panahon.  Tulad ng tungkulin ng iglesia sa mga manggagawa (Lucas 10:7; 1Corinto 9:7).  Ang gastusin sa ministeryo ng pagtulong sa mahihirap (2Cor. 9:11) at ang pag-sasaayos ng simbahan (Ageo 1:14). 

Ang usapin ng pagkakaloob ay dapat suriin ng bawat Kristiano kung paano natin mapapalago ang ating mga gawain at misyon para sa Diyos, upang hindi mapabayaan ang mga simbahan ng Diyos, at mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng mga ito.  Isang malaking hamon sa iglesia ang tumulong sa mga nahihirapan at nagugutom.  Tandaan na ang pagpapakain sa mga nagugutom, pulubi, mga balo at mga ulila ay ministeryo ng iglesia na nangangailangan ng regular na pagkakaloob ng mga mananampalataya.

Generous Giving

Sa Lucas 12:33, inuutusan tayo ng Diyos na mag-impok sa langit.  Ang isang halimbawang pinuri ng Panginoon sa saganang pagkakaloob ay ang pagbibigay ng balo sa Lucas 21:4.    Gayun din ang pagpuri  ni Pablo sa mga taga-Macedonia sa pagkakaloob nila ng tulong sa Jerusalem ng “higit pa sa kanilang kaya” (2 Cor. 8:3).  Ang pagkakaloob ng sagana ay katibayan ng ating pagmamahal sa Diyos. Maipapahayag natin ang pag-ibig na ito sa ating pagkakaloob ng ikapu. 


Paano Mag-ikapu?

Ang ating iglesia ay nagmumungkahi na gamitin natin ang sistema ng tithing, hindi bilang batas kundi bilang kapahayagan ng ating pag-ibig sa Diyos at suporta sa mga gawain ng iglesia. May mga mungkahing paraan para gawin ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1. Kung hindi mo pa tinanggap si Jesus bilang iyong Tagapagligtas, unahin mo ang muna ang mga bagay na nais ipagkaloob sa iyo ng Panginoon.  Nais ng Panginoon na  patawarin ka sa lahat ng iyong mga kasalanan, nais ka niyang maligtas at gawing anak niya.  Maari mong tanggapin ang kaloob na ito sa pamamagitan ng panalanging may pananalig kay Cristo Jesus na tumubos sa iyong mga kasalanan.

2.  Bilang tunay na mananampalataya, maging tapat ka nawa sa pagkakaloob ng iyong ikapu sa ating iglesia. Hindi man ito requirement sa Bagong Tipan, requirement pa rin ito ng Lumang Tipan at kailangan pa rin ng iglesia ang kaloob ng mga tao para sa Panginoon.

3. Kung hindi mo pa nasusubukan ang hamon ng Diyos tungkol sa ikapu ayon sa Malakias 3:10, bakit hindi mo subukan ang Diyos sa loob ng 90days? Magkaloob ka ng ikapu sa loob ng tatlong buwan.  Ibigay mo ang 10% ng iyong kinikita sa ating iglesia at pagmasdan kung tunay ngang pagpapalain ka ng Diyos.  Kung hindi, huwag kang magpatuloy.

4. Kung kayo ay mag-asawa, pag-usapan ninyo kung paano kayo magkakaloob ng inyong ikapu sa iglesia. Gumawa ng record para sa inyong finances.  Ayusin ang inyong budget at gamitin ang payong ito sa paggastos.  Sweldo (100%) - tithes (10%) - savings (10%+) = 80% Budget sa Paggastos.

5. Kung hindi ka pa sigurado kung 10% net income o gross income ang iyong ipagkakaloob,  idalangin mo sa Panginoon ang iyong desisyon.  Maaring subukan mo muna ang iyong tithing base sa iyong net income, at pagmasdan kung paano ka pagpapalin ng Diyos ayon sa kanyang Salita. 

6. Turuan ang mga bata na magkaloob sa Panginoon.  Maari itong manggaling sa kanilang mga allowances, regalong tinatanggap, o extrang pera mula sa magulang.

7. Aralin ang takbo ng finances sa loob ng tahanan.  Pagmasdan kung paano dumadaloy ang mga pagpapala ayon sa mga pangako ng Diyos.  Hilingin na pagpalain ng Panginoon ang iyong sambahayan upang lalo tayong makatulong sa mga gawain ng iglesia.

Nakadepende ang pananalapi ng iglesia sa biyaya ng Diyos, sa pamamagitan ng mga kaloob ng mga taong nagmamahal sa Panginoon.  Hindi man sapilitan ang ikapu, maganda pa rin itong batayan ng pagkakaloob sa simbahan upang magkaroon ng sapat na gastusin para sa pangangailangan ng iglesia, sa paglago, at ng sa gayun, lalawig ang gawain ng Panginoon.



Spiritual Discipline  7: Fasting 


Mark 9:14-29

Ang pag-aayuno ay isang mabisang paraan upang hilingin sa Diyos ang kanyang pagkilos sa pamamagitan ng panalangin. Gayunman, ang pag-aayuno ay madalas makalimutan ng maraming Kristiano.  Si John Wesley at ang mga Metodista noong una ay nag-aayuno tuwing Wednesday at Friday.  Ang mga pastor na sumalungat kay John Wesley tungkol sa pagpapatupad nito ay hindi binigyan ng lisensya sa pangangaral.

Nagbago ang takbo ng mundo dahil sa Methodist Revival noong ika-labing walong siglo (18th Century).  Ang sekreto ng kanilang tagumpay ay panalangin at pag-aayuno.  Ganito rin ang naranasan ng maraming Reformers at Evangelist katulad nina  Charles Finney, Martin Luther, Andrew Murray, John Calvin at iba pa.

Bakit kailangan ang Pag-aayuno?

1. Ito ay pagpapakita ng tunay na kapakumbabaan sa harapan ng Diyos (Awit                        35:13; Ezra 8:21).

2. Naipapakita sa gabay ng Banal na Espiritu, ang tunay na kalagayang espiritual ng isang tao, Nagbubunga ang pag-aayuno ng tunay na pagsisisi at  pagbabagong buhay.

3. Mahalaga itong hakbang tungo sa Personal   Revival o pagpuspos ng Espiritu                   Santo sa personal na  buhay ng isang tao para sa makapangyarihang pagkilos                     ng Diyos.

4. Nakatutulong ito upang malinaw nating maunawaan na ang Salita ng Diyos, at      maipamuhay ito sa praktikal na paraan.

5. Binabago ng pag-aayuno ang ating panalangin tungo sa maas malalim at             makahulugang pakikipag-usap sa Diyos.

6. Nagreresulta ang pag-aayuno ng mas malalim na relasyon sa Diyos at malakas na determinasyong  espiritual upang magpatuloy tayo sa ating matatag na kaugnayan sa Diyos.

7. Ibinabalik nito ang nawalang init at sigla ng ating pag-ibig sa Diyos.

Ano ang Pag-aayuno?

Ang pag-aayuno ay pag-papakumbaba sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng pag-ayaw sa pagkain (Awit 35:13). Sa Isaias 58:5-7, sinasabi na ang pag-aayuno ay pagtalikod sa sarili para itaas ang Diyos at magpakita ng malasakit sa kapwa. Sa ibang bahagi ng Biblia, ang pag-aayuno ay paraan ng pagpapakita ng Israel ng pag-sisisi at pagbabalik loob sa Diyos.

Ang pag-aayuno ay pagpapakumbaba sa harapan ng Diyos, at pinatutunayan natin na kaya nating talikuran  ang sarili, pagkain at anumang material na bagay alang-alang sa Diyos.

Ang mga Kristiano sa Biblia ay nag-aayuno para sa kapangyarihang espiritual na kaloob ng Espiritu Santo (Gawa 1:8).  Sa kanilang pagpapasakop sa Diyos sa ganitong paraan, pinupuno sila ng Diyos ng kanyang Espiritu at nagkakaroon sila ng kapangyarihang mangaral at magpagaling ng maysakit.

Paano Mag-ayuno?

1. Linawin ang iyong layunin kung bakit mo ito gagawin.  Ang pinaka-mahalagang dahilan ay upang     matupad mo ang mga utos ng Diyos lalo na ang Great Commission sa Mateo 28:19.

2. Gumawa ng pundasyong espiritual katulad ng totohanang pagsisisi sa mga kasalanan
     (1John 1:9) at pagtalikod sa mga ito.

3. Gumawa ng Physical Preparations.  Ang pag- aayuno ay hindi para sa mga buntis, o may sakit   na umiinom  ng gamot. Ang mabuti sa mga nasa ganitong kalagayan ay ang magkaroon ng regular na pananalangin.

4. Magkaroon ng planadong pananalangin.

5. Magtiwala na tutugon ang Diyos sa
    makapangyarihang paraan.

Fasting sa  Ating Iglesia

Kailangan natin ang tulong ng Diyos upang magkaroon tayo ng lakas at kapangyarihang magpahayag ng salita ng Diyos at para matulungan  ang maraming tao na  maligtas mula sa bagsik ng kasalanan. 

“Maging matalino kayo at mapagbantay.  Ang diyablo na inyong kaaway ay tulad ng leong gumagala at umuungal, na umahanap ng kanyang masisila.” -  1 Pedro 5:8

Marami na sa ating mga kapatid ang nagsimulang mag-ayuno ng isang “meal” at ibinibigay sa Outreach Ministry ang halaga ng hindi nila kinaing “meal”.  Sa ibang pagkakataon baka, kailangan na rin tayong magbawas sa mga bagay na hindi lubhang mahalaga tulad ng sobrang cellphone texting, sobrang panonood ng TV, o pamimili ng hindi kailangan.  Sa halip, bakit hindi natin luwalhatiin ang Diyos sa tamang paggamit ng ating oras, lakas at pera.

Sinasabayan nila ito ng pananalangin para sa iglesia,  para sa pagpapagaling ng Diyos sa mga maysakit at para ipanalangin ang mga pastor at leaders ng iglesia.

Kailangan nating maranasan ang pagdaloy ng kapangyarihan ng Diyos sa ating iglesia, upang maipangaral natin ang Salita ng Diyos.

Mga Tanong:

1.       Bakit maraming Kristiano ang hirap sa pagtupad ng disiplinang ito? Paano natin napapatunayan ang ating pag-ibig sa Diyos higit sa pagmamahal natin sa pagkain sa pamamagitan ng pagaayuno?
2.       Paano natutupad ang pag-ibig sa Diyos ng buong puso sa pamamagitan ng pag-aayuno?

3.       Tuwing kailan mo ito ginagawa at ano na pakinabang na espiritual ang nakita mo sa pag-aayuno? 


Spiritual Discipline 8: (Studying God’s Word)


Pag-aaral ng Salita ng Diyos  

Awit 119: 105    
“Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay,
sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.”

Ang mga disiplinang  espiritual ay subok na paraan upang manatili tayong nakikipag-ugnayan sa Diyos.  Dapat itong gawin sa itinakdang oras araw-araw.  Ito ang ibig sabihin ng disiplina.  Ito ay dapat ginagawa na may pagpapahalaga, sinasadya at pagsusumikap.  Paggising sa umaga, hanggang bago matulog, ang bawat Kristiano ay dapat manalangin, magbulay, at magbasa ng Salita ng Diyos.

Ano ang Pag-aaral ng Biblia?

1.       Ang pag-aaral ng Biblia ay paghahanap sa katotohanang magpapalaya at magbibigay sa atin ng kaligtasan.

2.       Ang pag-aaral ng Biblia ay paraan upang lalo nating makilala ang Diyos.  Bilang tao, limitado ang ating kaalaman lalo sa ating pagkilala sa Diyos.  Habang tumatagal sa ating pag-aaral ng Salita ng Diyos, mapapansin natin na umuunlad ang ating kaalaman at pagkilala sa Panginoon.

3.       Ang pag-aaral ng Biblia ay paghahanap sa kalooban ng Diyos. 

4.       Ang pag-aaral ng BIblia ay pagpapatatag ng ating relasyon sa Diyos.

Bakit Kailangang Aralin ang Biblia?

Minsang sinabi ni John Wesley ang ganito,

“I want to know one thing, the way to heaven—how to land safe on that happy shore. God himself has condescended to teach the way: for this very end he came from heaven. He hath written it down in a book. O give me that book! …Let me be homo unius libri [a man of one book]. Here then I am, far from the busy ways of men. I sit down alone: only God is here. In his presence I open, I read his Book; for this end, to find the way to heaven. “

Ang kanyang tinutukoy na aklat ay walang iba kundi ang Biblia. Ang Biblia ay ang ating gabay tungo sa kaligtasan.  Ito ang ating tuntunin sa ating paghahanap ng katotohanan.

Ang paghahanap sa katotohanan ay mahalaga sa ating pagbabahagi ng Ebanghelyo.  Tagubilin ni Pablo sa 2 Timoteo 2:15,

“Sikapin mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, isang manggagawang walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan.”

Ang Halimbawa ng Panginoong Jesus

Ang bawat batang Judio ay dumadaan sa masusing pag-aaral ng Biblia.  Ito ay bahagi ng mga utos ng Diyos sa bawat Israelita, lalo sa panahon ng Luma at Bagong Tipan. 

Sa Lucas 2, sinasabi ng Biblia na ang batang Jesus ay nakipagtalastasan sa mga tagapagturo sa temple. At sa talatang  52, sinasabi na,

“Patuloy na lumaki si Jesus; lumawak ang kanyang karunungan at
lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.”

Sa kwento naman ng pagaayuno ng Panginoong Jesus sa ilang, siya ay bumigkas ng mga talata sa Biblia, na halatang kabisado niya, laban sa mga sinasambit ng diablo habang siya ay tinutukso.   Sa mga pangangaral ng Panginoon, lagi niyang sinasabi ang ganitong kataga, “Nasusulat…nabasa ba ninyo sa kasulatan?”   Nagpapatunay ito na nagbabasa ng Kasulatan ang Panginoon at inaaral niya ito upang ituro sa mga tao.

Paano Aaralin ang Biblia?  

Palagiang magtakda ng mga pangaraw-araw na aralin sa Biblia.  Gamit ang UMC-DOC Bible Study Guide, maaring aralin ang Biblia araw-araw.  

1.       Basahin at aralin ang Biblia na may bukas na isipan.  Ang Biblia ay naglalaman ng literal na turo at mayroon din itong mga turo na dapat maipaliwanang ayon sa kanilang kalagayan kung kailan sila sinabi, at bakit sila sinabi.  Ito ay tinatawag na konteksto ng isang kwento o bersikulo sa Biblia. Ang mga nilalaman nitong mga parabola, halimbawa, ay mga kwentong may ibang kahulugan.
2.       Basahin ang Biblia sa gabay ng Espiritu Santo.   Ang Biblia ay Salita ng Diyos, at hindi ng tao.  Dapat itong unawain at gamitin ayon sa mga nais ng Diyos na mangyari. Hindi ito nararapat gamitin para sa kalooban ng tao.
3.       Palagiang basahin ito na may pusong handang sumunod sa kalooban ng Diyos. 

Mga Tanong:

1.       Bakit hindi maaring umunlad ang ating kaugnayan sa Diyos kung kulang ang ating kaalaman sa Kanyang Salita?
2.       Paano tayo napapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng ating pag-aaral sa Biblia?
3.       Ngayong nagbabasa ka ng Biblia araw-araw gamit ang SLAP at daily devotions, ano ang paglagong spiritual ang iyong nararanasan kumpara noong hindi ka regular na nagbabasa ng Biblia? 




Spiritual Discipline 9: Simple Living


Payak na Pamumuhay Bilang Kristiano
(Christian Simplicity)

1 Juan 2:15-17       
“Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. 16 Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang nasa ng laman, ang nasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa mundong ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.
17 Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng kinahuhumalingan nito, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.”

Ano ang Simpleng  Pamumuhay Kristiano?

Ang simplicity ay panloob na katotohanan na nakikita sa paraan ng pamumuhay ng isang Kristiano.  Ito ay bunga ng pag-ibig sa Diyos ng buong puso, bago ang anumang bagay na ipinagkakaloob ng sanlibutan.  At dahil ang Diyos ay siyang pangunain at pinakamahalaga sa lahat, ang ibang bagay ay nagiging karagdagan na lamang.

Ang pagiging simple kung gayun ay tagumpay ng pananampalataya sa ating buhay, dahil sa pangingibabaw ng Diyos bago ang lahat ng makamundong bagay.   Ito nagpapalaya sa tao upang hindi tayo masilaw sa kinang ng mga bagay material.  At hindi na tayo aasa pa sa bigay nitong kagandahang panlabas. Ang pamumuhay ng simple bilang Kristiano ay;
                        
1.       Pagpapahalaga sa mga kagandahang panloob  (inner beauty)


              Tulad  ng sinasabi ni Apostol Pedro Tungkol sa kaganyakang panlabas.  Sinasabi sa 1 Pedro 3:4,
“Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa mata ng Diyos.”

2.       Pagpapahalaga sa mga bagay na espiritual.

Ayon sa Roma 8: 5, “Ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan kundi ang mga bagay na ukol sa laman; ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal.”

3.       Pagpapahalaga sa mga kayamanang panlangit.

               Ayon sa Mateo  5: 20,     

“Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw.”

Bakit Mahalaga Ito?

Ang pagpapahalaga sa mga  makamundong bagay ng higit sa Diyos ay idolotria.  Ang isang makamundong tao na nagmamahal ng higit sa sarili at sa kayamanan ay hindi makapaglilingkod ng tapat sa Diyos (Mateo 6:24).    Ang simpleng pamumuhay ay katibayan na ang Diyos ay ang siyang pinakamahalaga sa buhay ng isang mananampalataya.   Tanging ang Diyos lamang ang nagbibigay ng kahulugan sa kanyang buhay.   Dahil dito, maari na niyang busugin ang sarili sa Diyos at ang paghahanap ng mga bagay material ay hindi na gaanong mahalaga sa kanya.

Simpleng Pamumuhay sa Mga Halimbawa at Turo ni John Wesley

Si John Wesley ay nagturo at namuhay sa simpleng pamamaraan bilang isang Kristiano.  Higit niyang pinahalagahan  ang kapakanan ng mga mahihirap bago ang sarili.  Ang lahat ng kasabikan sa mga material na bagay ay kanyang pinaalis sa mga Metodista. 

1.       Ipinagbawal niya sa General Rules ang pagsusuot ng mga mamahaling alahas at ang pangongolekta ng mga mamahaling paintings. 
2.       Tinuruan niya ang mga Metodist na maging masipag, maging matipid upang makapagbigay sila ng higit sa mga nangangailangan.  Turo niya, “Work all you can, save all you can, give all you can.”
3.       Siya mismo ay madalang kumain ng karne, upang makapagtipid sa gastusin sa pagkain.
4.       Iilang damit at sapatos lamang ang kanyang ginagamit, at wala siyang maraming kagamitan para sa pansariling kaganyakan.
5.       Iilang pirasong barya lamang ang nakita sa loob ng kanyang bulsa noong siya ay pumanaw.
6.       Maging sa kanyang libing, hiniling niya ang paggamit ng pinaka-murang kabaong  bilang kanyang himlayan.

Ang Halimbawa ng Panginoong Jesus at ng mga Alagad

 Ang kayamanan ng Panginoong Jesus ay ang kanyang kaugnayan sa Diyos Ama.  Ang kanyang kahabalaan ay ang kanyang misyon.  Ang karangyaan at labis na kayamanan ay walang puwang sa kanyang buong buhay.

1.       Pinanganak siya sa sabsaban.
2.       Lumaki sa pamilya ng isang karpintero.
3.       Nagmisyon siya na walang dalang kayamanan o kagamitan kahit unan lamang na pahingaan ng kanyang ulo (Mateo 8:20).

Pakinabang ng Simpleng Pamumuhay Kristiano

1.       Ang pamumuhay ng simple ay tulay tungo sa tunay na kapayapaan at kagalakan na masusumpungan lamang sa Diyos.  Inilalayo nito ang mga Kristiano sa mga kabalisahang walang saysay, dahil sa sobrang paghahangad ng mga bagay na material.
2.       Ito ay paraan upang malaya tayong makapaglingkod na may wagas na pag-ibig sa Diyos at hindi tayo nasisilaw sa kinang ng kayamanang makasanlibutan.
3.       Magiging una sa ating buhay ang maglingkod sa kapwa bago ang paghahanap ng pansariling kapakanan.

4.       Ang simpleng pamumuhay ay kapahayagan ng wagas na pagmamahal sa Diyos.


Mga Tanong:

1.       Ano ang iyong nauunawaan sa salitang “tumipon kayo ng kayamanan sa langit”?   Paano mo ito ginagawa sa iyong buhay?
2.       Sa paanong paraan nagagamit ang simpleng pamumuhay upang ituon natin ang ating pagmamahal sa Diyos sa halip na mahalin ng higit ang kayamanan?
Paano mo ginagamit ang iyong ari-ariang material at ibang kayamanan para sa mga gawaing espiritual?  Paano nakatutulong ang pamumuhay ng simple para maging magaan ang pagbibigay ng ikapu at ibang tulong financial sa gawain ng iglesia? 












Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...