Ang mga bagong liriko ng mga Himno sa ibaba ay salin ni Ptr. Jess Alvarado.
WE GATHER TOGETHER
Tayo'y nagkatipon upang papurihan,
Ang D'yos na ating Gabay at Tanggulan,
At kung mayr'ong hapis, sakit at kamatayan,
Sa tulong ng Diyos, ay may kaligtasan.
Ang Diyos ay Patnubay, ating kaagapay
Kahit sa lupa, naghaharing tunay,
Sa mga pagsubok, lakas ay ating taglay;
Sa tulong ng Diyos, ganap ang tagumpay.
Itataas namin, banal mong pangalan,
At ang dalangin ay dinggin mong tunay,
Ang buong daigdig, nasa kapahamakan,
Iligtas mo O Diyos. Sa banal Mong Ngalan. Amen.
Ama Naming Sumasalangit
(Our Father, Tune: Malotte)
Ama naming sumasalangit, ngalan Mo’y sambahin
Kaharian Mo’y dumating, kalooban Mo ay sundin.
Bawat araw, bigyang pagkain,
at patawarin kami, iba’y patatawarin.
sa tukso ay ilayo mo, at iligtas sa Tuso,
Sa’ Yo ang kaharian, kalakasan, luwalhati kailanman. Amen.
________________________
Papuring Awit, Paglilingkod
(We Are an Offering)
Papuring awit, at pagsamba, aming buhay sa Iyo ay aming kaloob,
Kami’y aawit, maglilingkod, aming buhay sa Iyo ay aming kaloob.
Kayamanan, aming lakas, lahat sa buhay ay aming alay,
Tanging sa ‘Yo.
Ang aming awit, at pagsamba.
Buhay namin ay handog sa ‘Yo Panginoon. Sa ‘Yo Panginoon.
_____________________________________
Humayo at Maglingkod
(Go Make of All Disciples UMH 571, Lancasire)
Humayo at maglingkod, at gawing alagad,
Sa buong daigdigan balita’y ihayag,
Luhod sa panalangin, sa Dios ay dumulog;
Nang Kanyang pagpalain ating paglilingkod.
Ating gawing alagad ang lahat ng bansa,
Bautismuhan sa Ngalan ng ating Lumikha,
Ama, Anak at Banal, Espiritung mahal;
At turuang sumunod sa banal na aral.
Maglingkod at humayo sa lahat ng tao,
Atin silang akayin patungo kay Cristo,
Dalhin sa kaligtasan, ituro ang Daan,
Tungo sa kabanalan, sila ay gabayan.
Halina at humayo, sumunod sa tawag
Ng ating Panginoon at Tagapagligtas,
Maglingkod sa gawain habang mayr’ong lakas;
Sa wakas ay masabing tayo ay tumupad.
_____________________________
Katulad ng Usa
(As The Deer)
Katulad ng usa ako’y uhaw sa ‘yo Panginoon,
Hanap ko ay ikaw, at nais kong sambahin kang lubos.
Koro:
Ikaw ang tanging lakas ko, laging hanap ng aking puso,
Hangad ko ay ikaw lamang at nais kong sambahin ka.
Ikaw ang tangi kong karamay kung ako’y nalulumbay,
Tangi kong kaibigan, kapiling lagi sa aking buhay.
Higit ka sa ginto, o pilak kung aking ihahambing,
Ligaya ka sa buhay, kay inam Mo sa paningin.
__________________
Gawing Biyaya
(Make Me A Blessing)
Sa anomang larangan ng buhay, may taong napapagal,
Ang kabigatan na pinapasan, sa puso ay may lumbay.
Koro:
Gawing biyaya, gawing biyaya,
daluyan ng pagpapala,
Gawing biyaya ang aming buhay,
Maging daluyan ng pagmamahal. Amen.
Ipakilala si Cristong mahal, kaloob N’ya ay buhay,
Ang manalig sa Kanya ng tunay, patawad ay kakamtan.
Magkaloob ka ng buong puso, umibig nang taimtim,
Maging lakas ka sa nanghihina , tumupad sa tungkulin.
__________________
O Lingkod ng Dios
(Ye Servants of God, UMH 181)
O lingkod ng Dios, inyong itanghal,
bigyang parangal Kanyang pangalan
Ang pangalang Jesus, inyong awitan.
Siya’y maghahari na walang hanggan.
Sya'y Dios ng langit, at Nagliligtas.
Ating kapiling at ating lakas,
Sy,a’y ating purihin, laging sambahin.
Tanging Manunubos, ang Hari natin.
Ang kaligtasan ng Panginoon.
Ating itanghal, umaga’t hapon,
Awit ng papuri, pagsambang alay.
Buong puso at isip, at buong buhay.
Lahat sumamba, tayo’y umawit.
Sa Panginoon, Dios ng pag-ibig,
Kasama ng langit at mga angel.
Ating papurihan ang Emmanuel!
_________________
Nais Kong Ibalita
(I Love to Tell the Story of Unseen Things Above)
Nais kong ibalita ang tungkol sa langit
Kay Jesus na dakila at kanyang pag-ibig,
Nais kong ibalita dahil ito’y tunay,
At aking isasaysay habang ako'y buhay.
Koro:
Nais kong ibalita, hanggang kaitaasan,
Ang tungkol sa biyaya ng Dios nating mahal. Amen.
O kay inam awitin at muling sambitin,
Na si Jesus ay akin, at ako’y kanya na rin,
At nais kong ulitin, upang iparinig
Sa ‘di pa tumatanggap sa kanyang pag-ibig.
O kay sarap ulitin ang balitang taglay
Sa mga nauuhaw, sa mga naliligaw,
Upang sila’y akayin, patungo kay Jesus;
Hanggang sila’y sumapit sa paanan ng krus.
________________________--
Dakilang Dios ng Biyaya
(God of Grace and God of Glory)
Dakilang Diyos ng biyaya, iglesia Mo’y tulungan
Espiritu Mo ay igawad, bigyang kapangyarihan.
Igawad ang katapangan ng kami’y magtagumpay;
Sa mga hamon ng buhay.
Kasamaan at pagsubok, lumiligid sa amin,
Bigyang laya ang nasusukol sa kasalanang madilim.
Igawad ang kalakasan, nang hindi manlupaypay,
Sa buhay habang naglalakbay.
Supilin ang mga pag-aaway, kami ay bigkisin mo,
Kapakumbabaan ay itanyag, kayabanga’y ibagsak,
Igawad ang karunungan upang aming makamtan;
Pagkaka-isa at tagumpay.
Bigyang tatag sa pagsubok, baluti ay isuot,
Sa labanan ay ibalot sa pag-ibig ng Diyos
Igawad mo ang biyaya, kung kami ay mahina,
Tanging sa ‘Yo lang umaasa. Amen.
________________-
Halina’t Papurihan! Alleluyah! Amen!
(Come Christians Join to Sing)
Halina’t mag-awitan! Alleluyah! Amen!
Ang Dios ay papurihan! Alleluyah! Amen!
Dakila Siyang tunay. Sa lupa at langit man.
Sambahin ang pangalan! Alleluyah! Amen!
Ibigay ang luwalhati!Alleluyah! Amen!
Sa Diyos nati’t Hari! Alleluyah! Amen!
S’ya’y ating patnubay, tunay na kaibigan!
Tapat at Walang Hanggan. Alleluyah! Amen!
Si Jesus ay purihin! Alleluyah! Amen!
Ang Nagligtas sa atin! Alleluyah! Amen!
Langit ay makakamit, sa biyaya’t pag-ibig,
na kaloob ng langit! Alleluyah! Amen!
_________________________
Lumalapit Jesus
(Jesus I Come Today)
Noong ako ay nasa dilim, Jesus ako ay lumapit,
At ako ay iyong sinagip, lumalapit Jesus.
Lugmok ako sa kasalanan, sa tulong mo, lumayang tunay,
Pagtawag mo ako’y lumapit. Lumalapit Jesus.
Nahihiya akong lumapit, ngunit ako ay tinawag ,
Biyaya mo ay nagtagumpay sa buhay kong taglay.
Aking luha ay pinahiran, bawat sugat ay nilunasan,
Lungkot ay naging pagdiriwang. Sa tulong Mo Jesus.
Sa gitna ng kabalisahan, sayo’y may kapayapaan,
Buhay sa ‘Yo aking nakamtan, pinagpalang tunay,
Kabiguan naging tagumpay, kasawian naging kat’waan,
Sa piling mo ako’y lalapit. Lumalapit Jesus.
Sa takot man sa kamatayan, Jesus ako’y lumalapit.
Sa hangganan ng aking buhay, lumalapit Jesus.
Ang tagumpay ay makakamit, kung sa langit ako’y sasapit;
Sa piling mo ako’y kakapit, lumalapit Jesus.
_________________________
Papurihan ang Diyos!
(Rejoice the Lord is King)
Papurihan ang Diyos, haring walang hanggan!
Buong galak, umawit, pasalamatan!
Puso’y buksan, umawit at magpuri ng lubos sa Diyos!
Naghahari Siya sa buong daigdig!
Dios ng katotohanan at ng pag-ibig!
Puso’y buksan, umawit at magpuri ng lubos sa Diyos!
Paghahari ng Dios, walang katapusan!
Langit at lupa ay nasa kanyang kamay!
Puso’y buksan, umawit at magpuri ng lubos sa Diyos!
Magalak na lubos, naghahari ang Diyos!
Ligtas sa panganib lahat ng tinubos!
Puso’y buksan, umawit at magpuri ng lubos sa Diyos!
________________________
Ang Dios ay Purihin
(Tune: Magtanim ay ‘Di Biro)
Ang Diyos ay purihin, ating pasalamatan
Sa buhay nating taglay na bigay ng Maykapal,
Halina’t purihin, umawit at sumamba
Laging dumalangin, iwaksi ang masama.
Kay Jesus ay sumunod, sa kapwa ay maglingkod
Tayo ay magkaloob sa mga nagdaraop
Mahirap tulungan, malungkot ay samahan
Mahalin ang kapwa , at maging pagpapala.
Mamuhay ng payapa, kapiling ang pamilya,
At sa tulong ng kapwa, ay maging masagana,
Magsikap, magtanim, upang may aanihin,
Buhay na masaya ay makakamit natin.
___________________________
Walang Kaibigang Tulad ni Jesus
(No Not One)
Walang kaibigang tulad ni Jesus, siya’y tunay na tapat.
Ginamot niya ang lahat kong sugat, siya’y tunay na tapat.
Koro:
Alam niya ang lahat sa akin. Lakas niya ay aking angkin.
Walang ibang katulad si Jesus, siya’y tunay na tapat. Amen.
Walang banal na tulad ni Jesus, dalisay na tunay.
Ngunit maamo bilang kaibigan, siya’y tapat na tunay.
Kasama ko sa lahat ng oras, siya’y tunay na tapat.
Kung gabi ay may dalang liwanag, si Jesus ay tapat.
__________________________________
Kung Mahirap ay Tutulong
(When the Poor Ones, UMH # 434, Tune Name: El Camino)
Kung mahirap ang tutulong sa mahirap,
Kung pulubi ang siyang magbibigay;
Kung mahina ang magbabahagi ng lakas.
Koro:
Alam nating Dios ay ating kasama.
Alam nating Dios ay ating kasama. Amen.
Kung ang mga naghihirap, payapa,
May pag-asa ang walang kinabukasan,
Kung pag-ibig sa halip na kalupitan.
Kung ating tahanan ay pinagpala
Sa halip na digmaan ay payapa
Ang salat ay ating natutulungan.
_________________
Tayo ay Humayo
(Tune: Bringing in the Sheaves)
Tayo ay humayo, magtanim sa puso ng maraming taong nasisiphayo,
Buhay na Salita, ating ibalita, tayo ng umani ng gintong bunga.
Koro:
Ibahagi na, dalhin sa madla, Mabuting Balita sa mga bansa,
Ibahagi na, dalhin sa madla, halina’t anihin ang gintong bunga. Amen.
Tayo nang umani sa bawat umaga,
ang maraming bunga’y naghihintay na,
Ang Pangino’ng Jesus ay nag-aanyaya,
tayo na’t anihin ang gintong bunga.
Bungkalin ang lupa, magtanim, umasa na sa tamang oras ay aani ka,
Ngayo’y may pagtangis, bukas may pagtawa,
bawat kalungkutan, magiging saya.
________________
Ang Landas Kong Binabagtas
(I’m Pressing On the Upward Way, Tune Name: Higher Ground)
Ang landas kong binabagtas ay patungo sa itaas,
Sa aking bawat paglakad tungo sa Tagapagligtas.
Koro:
Panginoon, dalhin ako, doon sa ligtas na dako.
Panginoon, itindig mo ako sa buhay na bato. Amen.
Tanging nais ng loob ko ay manatili sa Iyo,
Ang dalangin ng puso ko ang itaas maabot ko.
Kailingan ko’y mabuhay hindi sa mundong ibabaw,
Dahil nais kong makamtan ang marating ang kaita’san.
Langit nais kong marating, ito ang aking hangarin,
Kapahingaa’y lasapin at kay Jesus makapiling. _____________________________________
Halina O Emmanuel
(O Come O Come Emmanuel, UMH 211)
Halina O Emmanuel, at iligtas ang Israel
Sa labis na dusa’t sakit. Hanggang Anak ng Dios ay sumapit.
Koro:
Magdiwang ka, Emmanuel! Iligtas mo ang Israel!
Halina O aming pag-asa. Kagalakan ang makapiling ka.
Hawiin mo kami sa dusa. Bigyang lakas at pag-asa.
Bumaba ka’t lisanin ang langit. Kamay ng Diyos sa ami’y ilapit.
Nais namin ay mabuhay, sa diwa ng Iyong pagmamahal.
Lumapit ka, Ika’y inaasam ng daigidig na ‘Yong minamahal,
Ang Iyong kapayapaan, igawad Mo, kami’y naghihintay.
____________________________________
Lahat ng Tungkol Kay Jesus
(More About Jesus Would I Know)
Lahat ng tungkol kay Jesus, nais kong malamang lubos
Ang pag-ibig N’yang tumubos, kung bakit namatay sa krus.
Koro:
Patungkol kay Jesus, patungkol kay Jesus,
Nais kong malamang lubos, lahat ng tungkol kay Jesus. Amen.
Nais kong matutong lubos sa kabanalan ng Diyos
Sa biyaya Niyang handog, ang kaligtasang kaloob.
Tungkol sa Kan’yang Salita, lahat nais kong mabasa,
Ang tungkol sa pag-ibig Niya, ligtas ako sa biyaya.
Nais ko S’yang makilala, dahil ako ay mahal N’ya,
Para sa’kin ay nagdusa, tinanggap N’ya ang parusa.
____________________________________
Awit Ko ay Para sa Nagmamahal
(I Sing the Song of the Saints of God, UMH#712)
Awit ko ay para sa nagmamahal sa Dios ng buong puso.
Na naglilingkod, at humahayo sa diwa ng pagsuyo;
Ilan ay doktor, at mayayaman, at mayro’ng yagit ngunit marangal,
Sila’y lingkod ng Diyos sa pamayanan. Nais kong mapabilang.
Mahal nila ang Panginoon, wagas na naglilingkod
Tapat sila na sumusunod, kay Jesus Anak ng Dios;
May mga sundalo at mga pastor, ang iba’y namatay, buhay ang alay,
Mahirap ngunit, para kay Jesus. Nais ko ring sumunod
Mula pa noon, hanggang sa ngayon, mayro’ng alagad ang Dios
Sila ay ilaw na tumatanglaw, sa mundong naliligaw,
May mga guro, at magsasaka, may naglalakad lang sa kalsada
Mga lingkod ng Dios, ako’y kasama, sana’y mapabilang ka.
__________
Humayo at Maglingkod
(Go Make of All Disciples UMH 571, Lancasire)
Humayo at maglingkod, at gawing alagad,
Sa buong daigdigan balita’y ihayag,
Luhod sa panalangin, sa Diyos ay dumulog;
Nang Kanyang pagpalain ating paglilingkod.
Ating gawing alagad ang lahat ng bansa,
Bautismuhan sa Ngalan ng ating Lumikha,
Ama, Anak at Banal, EspIritung mahal;
At turuang sumunod sa banal na aral.
Maglingkod at humayo sa lahat ng tao,
Atin silang akayin patungo kay Cristo,
Dalhin sa kaligtasan, ituro ang Daan,
Tungo sa kabanalan, sila ay gabayan.
Halina at humayo, sumunod sa tawag
Nang ating Panginoon at Tagapagligtas,
Maglingkod sa gawain habang mayr’ong lakas;
Sa wakas ay masabing tayo ay tumupad.
_______
Ang Iglesiang Hinirang ay Nagkakaisa
(O Church of God United, UMH 547, Tune Ellacombe / Aurelia)
Ang iglesiang hinirang ay nagkakaisa,
Binigkis ng pag-ibig ng Dios ng pagsinta,
Lahat ay humahayo sa sandaigdigan;
Tunay na kaligtasan ihayag sa tanan.
Nagkaisang iglesia, tatak ay pag-ibig
Mula sa mga bansa ng buong daigdig,
Si Jesus ang pangulo, tayo ay katawan
Tinawag na magsilbi at Dios paglingkuran.
Sa iglesiang hinirang ay walang banyaga,
Kahit sa pangungusap, sari-sari’ng wika,
Sa pananampalataya naman ay iisa,
Naglilingkod sa tanging banal na Ngalan Niya.
Tayo ay dumalangin sa ating Dios Ama,
Iglesia’y manatili sa pagkaka-isa,
Sa bigkis ng pag-ibig tayo’y tumatag pa,
Mapuspos ang iglesia sa kabanalan Niya.
---------------------------
Halina, Jesus na Mahal
(Come, Thou long-expected Jesus, UMH#196)
Halina Jesus na mahal, bayan mo’y naghihintay
Sa iyong kapanganakan, pag-asa’y makakamtan.
O lakas ng Israel, pag-asa ng daigdig;
Bawat bansa’y umaasa, sa banal mong pagsinta.
Dakilang handog ng langit, sanggol na anak ng Diyos
Maghari ka na sa amin, at gawin kaming lingkod
Sa Diwa ng kabanalan, buhay nami’y bihisan;
Sa tunay na kaligtasan, kami ay biyayaan.
Halina O Panginoon, dumating ka na ngayon,
Kami’y iyong saklolohan, upang ‘di maparool,
Ang liwanag mo’y itanglaw sa taong naligaw,
At ang dungis ay hugasan sa iyong dugong mahal. Amen.
-------------------------
1. Kayo’y Butil
(You are the Seed, UMH # 583, Tune Name: Id Y Ensenad)
Kayo’y binhi na puno ng buhay,
mga bagong ani ng palay,
Kayo’y umaga ng bagong araw,
o ilaw na tumatanglaw,
Kayo’y asin na lasa’y maalat,
o sinag sa mandaragat
Kayo’y kamay na dala’y pag-ibig,
sinusugo ko sa daigdig.
Koro 1:
Humayo ka kaibigan, Diwa ko ang gabay,
Ihayag ang pag-ibig ng Diyos sa sanglibutan,
Saksi ka kaibigan ko, muli akong nabuhay.
At ako ay kasama mo, magpakailanman. Amen.
Kayo’y liwanag sa karimlan, tumatanglaw sa sanlibutan
Kayo'y apoy na may dalang init, sa taong nanlalamig,
Mga kamay na magpapagaling sa mga may karamdaman.
Mga pastol na dala ay gabay sa mga naliligaw.
Kayo'y buhay na mag-aaruga sa halaman at kabukiran,
Mangangalaga sa kalikasan, maglilinis ng karagatan,
Kayo'y tinapay sa nagugutom, kayo'y tubig sa nauuhaw
Kabutihan ay inyong itanyag, katuwiran ay ipatupad.
2. Bagong Araw, Bagong Umaga
(This the Day of New Beginning, UMH #)
Bagong araw, bagong umaga; taos pusong sumasamba
Puso'y galak, puno ng pag-ibig, tanging sa Diyos nananalig.
Bagong buhay mula kay Cristo, pag-ibig na buhat sa Diyos;
Gabay ng Espiritu Santo, pag-asa ng buong mundo.
Tanggapin mo ang bagong buhay, na kaloob ng Maykapal;
Kasalanan ng ating kahapon, talikuran at itapon.
Sa iglesia tayo'y tinipon, ng Diyos Amang Panginoon,
Mag-kaisa sa kanyang pag-ibig, sa pag-asa't pananalig.
Bagong araw, bagong pag-asa, umawit ng buong saya;
Lumilikha ang Panginoon, ng panibagong panahon.
__________________________
3. Maging Tunay
(I Would Be True)
Maging tunay, mayro’ng nagtitiwala
Maging wagas, mayro’ng nagmamasid;
Magpalakas, may maraming pasanin,
Maging matapang sa susuhungin;
Buong tatag, sama’y sagupain.
Maging maamo sa lahat ng tao,
Magkaloob tapat na pagsuyo,
Magpakumbaba, at huwag maging palalo,
Maglingkod sa Diyos ng buong puso;
Buong galak, tayo ay humayo.
Maging ilaw tayo sa daigdigan,
Nasa dilim ay ating tanglawan;
Kabutihan ang ating isabuhay,
At si Jesus ay ating itanghal,
Papurihan ang Dios nating mahal.
______________________________
4. Si Jesus Ang Nais
(I’d Rather Have Jesus)
Si Jesus ang nais, higit sa lahat, kahit na yagit, sa yaman ay salat;
Mas nanaisin ko ang maligtas, kay Jesus buhay ko’y ganap.
Koro:
Yaman ng mundo ito ma’y akin, kung ang Dios ‘di kapiling;
Mas pipiliin ko si Jesus, katiyakan ay akin. Amen.
Higit si Jesus kung umibig. Pagmamahal N’yay ‘di nagmamaliw
Ang daigdig ma’y mapang-aliw, ito ay may wakas din.
Mas nanaisin ko si Jesus, higit sa katanyagan,
Ang kasikatan, may hangganan. Si Jesus ay walang hanggan!
________________________
5. Kami’y Naghahandog sa Diyos ng Pasalamat
(Now Thank We All Our God, UMH 102)
Kami’y naghahandog sa Diyos ng pasalamat,
Sa kanyang kaloob, pala na walang sukat;
Mula sa pagsilang, Diyos ang nag-iingat,
Pag-ibig N’ya’y wagas para sa ‘ting lahat.
Awit ng papuri, sa Diyos ating ialay,
Ating ipagbunyi, banal Niyang pangalan;
At dahil kay Jesus, naligtas ang tanan,
Kasalanan natin kanyang binayaran.
Bigyan ng parangal, ang Diyos na pumatnubay,
Sa lahat ng banal sa sama’y nagtagumpay;
Lahat ay magpuri, Dios ay papurihan,
S’yang kahapon, ngayon, at magpakailan paman. Amen.
_______________________
6. Anong Ligaya ang Makakamit
(And Can It Be That I Should Gain? UMH363)
Anong ligaya ang makakamit kung ang dugong banal ang maglilinis!
Kasalanan ba’y lilinis? Ang karumihan ba’y maalis?
Dakilang pag-ibig ni Jesus! Ang a-king Diyos ay- nabayubay sa krus!
Dakilang pag-ibig ng Diyos! Nabayubay ang Manunubos.
Diyos na banal, ay nakipamuhay sa taong nalugmok sa kasalanan,
Ang buhay ay ini-alay, sa kanyang nilikhang namamanglaw;
Kaawaan ng Diyos na marangal, ang nag-ligtas- sa nanlu-paypay,
Dakilang biyaya ng Diyos! Sa kasalanan ay tinubos.
Kusang iniwan ang kalangitan, at kusang hinubad kanyang kadiosan,
Doon sa krus ay namatay, ang dugo at buhay ini-alay;
Dakilang biyaya ang kaloob! Ang buhay at dugo kusang inihandog!
Dakilang biyaya ng Diyos! Iniligtas ako ni Jesus!
Ako’y wala na sa parusa, inalis ni Jesus lahat ng sala,
Ako ngayon ay sa kanya, sakop ng pag-ibig n’ya’t pagsinta,
Buhay ko ay aking ihahandog. Sa namatay at nabuhay na Manunubos!
Dakila ka aking Jesus! Tagapagligtas ko at Diyos!
__________________________
7. Tanging Pangitain K Diyos ay Ikaw
(Be Thou My Vision, UMH 451, Slane)
Tanging pangitain ko Diyos ay ikaw,
Ang aking buhay ay may saysay,
Kung ikaw ang aking kapiling;
Kapayapaan ay aking angkin.
Ang kaloob mong karunungan,
Sa Salita mo mananangan,
Sa aking isip at kalooban;
Ikaw ang aking kayamanan.
Dakilang Dios ng langit, aking tagumpay
Ika’y makapiling sa walang hanggan,
Hangad na aking kalooban;
Manatili kang aking kaakbay.
_______________________
8. Ang Diyos ay Tumatawag
(The Voice of God is Calling, UMH 436)
Ang Diyos ay tumatawag, tinig N’ya’y nahayag,
“Sino ang susuguin sa bayang nalinsad?
Sino ang magsasabi at magpapahayag?
Sa bayan kong nalugmok sa sakit at hirap?”
“Bayan ko’y inalipin at pinahirapan,
Ang hapdi ng damdamin, aking naramdaman.
Mamamayan kong mahal, nasa kadiliman;
Sino ang susuguin nang sila’y tanglawan?”
Tinig mo ay narinig, at kami’y hahayo,
Lingkod mo ay suguin sa nasisiphayo,
Hininga ay lilipas, buhay magwawakas
Kami ngayo’y gamitin habang mayro’ng lakas.
Kami ngayo’y iligtas sa pagmamataas,
Puso nami’y linisin sa maling pangarap,
Pabanalin mong tunay sa buhay na ganap;
O Diyos kayo’y mangusap, pagdinig ko’y bukas.
_______________________
9. Bagong Umaga
(Morning Has Broken, UMH145C)
Bagong umaga, dala’y pag-asa, ang bawat puso sumisigla!
Tayo’y umawit, sa lupa’t langit, lahat magpuri sa Lumikha.
May bagong araw, dala ay buhay sa kalupaang anong ganda,
Ibon sa langit ay umaawit ng pagpupuring walang humpay.
O kay ligaya, Diyos ay kasama. Tayo’y magpuri sa twi-twina,
Tayo’y lumapit, lahat umawit sa Panginoon nating Ama.
O ang liwanag ay sumisikat. Ang kagandahan ay kay tindag!
Ang sangnilikha ay umaawit at nagpupuri Lumikha.
_____________________
10. Sa Sangang Namumulaklak
(Hymn of Promise, UMH# 707)
Sa sangang namumulaklak, bukas bunga’y darating
Sa mga binhing may buhay, halaman uusbong din.
Lingid man sa nakikita ng matang naninimdim,
Sa huling yugto ng buhay pag-asa ay darating.
Sa bawat katahimikan, sisibol ang awitin
Sa dilim magliliwanag, malungkot, aaliwin;
Kahapon ay mayro’ng bukas na ating haharapin,
Ating Dios ay kumikilos, pag-asa ay kakamtin.
Kahit na sa kamatayan, buhay ay makakamit
Sa mundo tayo’y lilisan, sasapitin ang langit;
Pagpanaw may bagong buhay at ganap ang tagumpay!
Himalang hindi malirip, Dios ang nakababatid.
Ang buhay sa daigdigan ay mayroong hangganan,
Ngunit sa patutunguhan, buhay ay walang hanggan,
Ang tunay nating tahanan, hindi ang sanglibutan
Sa piling ng Diyos sa langit, buhay ay makakamit.
__________________________________________
11. Tayo ay Humayo
(Sowing in the Morning / Bringing In the Sheaves)
Tayo ay humayo, magtanim sa puso ng maraming taong nasisiphayo,
Buhay na Salita, ating ibalita, tayo ng umani ng gintong bunga.
Koro:
Ibahagi na, dalhin sa madla, Mabuting Balita sa mga bansa,
Ibahagi na, dalhin sa madla, halina’t anihin ang gintong bunga. Amen.
Tayo nang umani sa bawat umaga, ang maraming bunga’y naghihintay na,
Ang Pangino’ng Jesus ay nag-aanyaya, tayo na’t anihin ang gintong bunga.
Bungkalin ang lupa, magtanim, umasa na sa tamang oras ay aani ka,
Ngayo’y may pagtangis, bukas may pagtawa, bawat kalungkutan, magiging saya.
___________________
12. Diyos ng Pagbabago, Kami'y Akayin
(Many Gifts One Spirit)
Diyos ng pagbabago, kami'y akayin. Sa aming lakbayin lakas ka namin;
Tanggulan kang matatag, magbago man ang lahat.
Koro:
Aming Diyos, Di-wa ng pag-ibig at biyaya,
Balon ka ng pagpapala, O banal na Lumikha,
Ikaw ang ngayon, bukas, kahapon
Salitang Mahal at Diyos na Banal. Salamat sa kaloob, "Purihin"!
Diyos ng mga lahi, bayan at bansa, nagpapasalamat, iyong nilikha
Kanlungan kang matatag, pag-asa ka ng lahat.
Sa bawat umaga, laging sagana, ang iyong pag-ibig at pagpapala,
Kaloob mo sa amin, sa 'yo'y iaalay din.
_________________________________
13. Narito Ako
(Here I Am Lord)
Ako ang Diyos na lumikha nitong langit at lupa;
bayan kong nasa dilim, liwanagin.
Mga bit’win at buwan, sa buong kalangitan,
bayan ko’y naninimdim, bigyang pansin.
Koro:
Narito ako, suguin mo, narinig ko, Diyos ang tawag mo.
Susundin ko ang utos Mo. bayan mo’y mahal sa puso ko. Amen.
Ako na Diyos ng panahon, bayan ko’y iaahon,
sa hapis at sa lagim, sila’y akin.
Sila man ay lumayo, babaguhin ang puso.
Sino ang susuguin? Ako’y dinggin.
Diyos ako ng sinuman, alay Ko’y kaligtasan,
kayo ay mahal sa’kin, ako’y dinggin.
Nais ko ngang abutin, sa hirap ay sagipin,
lahat ay iaalay, maging buhay.
_________________________
14. Bubuhos ang Pagpapala
(There Shall Be Showers of Blessing)
Bubuhos ang pagpapala, ayon sa pangako N'ya,
May darating na biyaya, galing sa 'ting Lumikha.
Koro:
May pagpapala, uulan ng biyaya!
Bubuhos na sagana, kaloob ng Lumikha. Amen.
Bubuhos ang pagpapala sa mga taong aba,
Tanging sa Dios umaasa, pala ay sasagana.
Ibuhos ang pagpapala, O Panginoong Dakila,
Ang iglesia'y dumalangin, saganang pala’y kamtin.
Saganang pala’y darating nawa ngayon sa atin,
Kay Jesus ay manalangin at ng tayo ay dinggin.
_______________
15. Ang Tinatahak Kong Landas
(Hymn at Tune Name: Higher Ground)
Ang tinatahak kong landas ay patungo sa itaas,
Sa aking bawat paglakad, tungo sa Tagapagligtas.
Koro:
Panginoon, dalhin ako, doon sa ligtas na dako.
Panginoon, itindig mo ako sa buhay na bato. Amen.
Tanging nais ng loob ko ay manatili sa Iyo,
Ang dalangin ng puso ko, ang itaas maabot ko.
Kailingan ko’y mabuhay hindi sa mundong ibabaw,
Dahil nais kong makamtan, ang marating ang kaita’san.
Langit nais kong marating, ito ang aking hangarin,
Nang si Jesus makapiling, sa ligayang ‘di ma'hambing.
_________________________________________
16. Pag-ibig Mo Ang Yumayakap
(O Love That Wilt Not Let Me Go, UMH 480, Tune: St. Margaret)
Pag-ibig mo ang yumayakap, sa puso kong nalulumbay,
Buhay ko ay sa Iyo lamang. Sabay sa agos ng ilog patungo sa Iyo.
O liwanag sa aking daan, Ikaw ang tangi kong tanglaw
Kalul’wa ko’y nananawagan, liwanag mo ang tanging kong pag-asa sa buhay.
Ligaya ka sa kalungkutan, lakas kung may kabigatan,
Bahaghari ka sa tag-ulan, pangako mo’y tutuparin sa ‘kin lamang.
O krus na umako sa sala kailan ma’y hindi lalayo
sa ‘yo hanggang sa kamatayan
hanggang ako’y babalik doon sa piling Mo.
______________________
17. Kung Mahirap ay Tutulong
(When the Poor Ones, UMH # 434, Tune Name: El Camino)
Kung mahirap ang tutulong sa mahirap,
Kung pulubi ang siyang magbibigay;
Kung mahina ang magbabahagi ng lakas.
Koro:
Alam nating Dios ay ating kasama.
Alam nating Dios ay ating kasama. Amen.
Kung ang mga naghihirap, payapa,
May pag-asa ang walang kinabukasan,
Kung pag-ibig sa halip na kalupitan.
Kung ang ating tahanan ay pinagpala
Sa halip na digmaan ay payapa
Ang salat ay ating natutulungan.
______________________________________
18. Jesus, Jesus
(Jesu, Jesu, MH #432, Tune Name: Chereponi)
Refrain:
Jesus, Jesus, puspusin kami ng ‘yong pag-ibig,
Kami ay maglilingkod. Amen.
Lumuhod sa paanan ng iyong kaibigan,
Paa ay hinugasang lahat.
Kapwa man ay mahirap, o kahit na mayaman
Sila ay dapat paglingkuran.
Mahalin aming kapwa, kaibigan o kaaway,
Utos Mo ay susunding tunay.
Luluhod sa paanan, paa ay huhugasan
Aming kapwa ay paglingkuran.
_________________________________
19. Kung Salita Ko Ma’y Ganap
(The Gift of Love, MH#408, Tune Name: Gift of Love)
Kung salita ko ma’y ganap, maging bantog na mangusap
Kung puso ay hindi wagas, sa pag-ibig na ma’y salat.
Kahit buhay ko’y ibigay, kung kulang sa pagmamahal;
Ako’y walang kabuluhan, buhay ko ay hungkag naman.
Kahit talino ma'y akin, kung pag-ibig ay 'di angkin,
Aking dunong, pawang walang halaga sa 'king Lumikha.
Halika Esp’ritung Banal, at kami ay pagharian,
Puspusin ng pagmamahal ang buhay namin sa ‘yo lamang.
Sa aming Dios ng pag-irog, tanggapin aming kaloob,
Papuri at pasalamat, pagsambang sa Iyo’y handog.
__________________________
20. Sa Mumunting Siklab
(Pass It On)
Sa mumunting siklab, apoy ay magniningas
At sa ilang iglap, makikita’y liwanag.
Katulad ng pag-ibig ng Dios na nagliligtas,
Tanggapin S’ya sa buhay mo, pag-ibig N’yay wagas.
Kay ganda ng hardin, luntian ang tanawin;
Halama’t bulaklak, ibon ay may awitin
Katulad ng pag-ibig Niya, kung iyong tanggapin
Sa puso ay may awitin, ang Diyos ay purihin.
Dalangin ko sa Diyos, ikaw aking kaibigan
Ang maranasan mo, tunay na kaligtasan;
Sabay nating isisigaw, ang Diyos papurihan,
Pag-ibig Niya ang nagligtas, sabihin sa lahat.
Mga anak ng Diyos, sabay-sabay sa awit,
Sa iisang tinig, sabihin sa daigdig;
Ang tanging Dios na dakila, nagkatawang kusa,
Pagliligtas N’ya’y tanggapin. Sabihin sa lahat.
___________________________________
21. Salamat sa Lumikha
(Come Ye Thankful People Come)
Salamat sa Lumikha sa anihang sagana
Mga punong sisidlan, umaapaw na kaban;
Sa Dios na nagkaloob papurihan na lubos,
Pasalamat ihandog sa Dios nating mairog.
Ang buong daigdigan, puno ng halamanan,
Nilikhang may’rong buhay, pagpapala ngang tunay;
Tumubong mga palay, mga bunga at gulay
Anihan ay dumatal, Dios ay pasalamatan.
Si Jesus ay darating, tayo ay aanihin,
Sa daigidig kukunin, sa langit ay dadalhin,
Masama’y itatapon sa apoy na linggatong,
Bunga ay titipunin, ng lalo’ng pagyamanin.
Jesus, nawa’y dumating ka ngayon sa ‘ming piling
Kami ay 'Yong linisin, at kami ay anihin;
Mabubuti ngang gawa kaloob ng iglesia,
Handog namin sa Ama, papuri at pagsamba.
__________________________________________
22. Tindig Anak ng Diyos
(Rise Up O Men of God)
Tindig anak ng Diyos, humayo’t maglingkod,
Buong puso mo at lakas, sa Diyos mo ihandog.
Tindig anak ng Diyos, tungkulin gampanan,
Mahalin mga kapatid, madla’y paglingkuran.
Ang krus ay itaas, iglesia’y itanyag,
Dakilang ngalan ni Jesus ating ipahayag.
Buhay ay ihandog sa Panginoong Jesus,
Humayo ka at maglingkod, tindig anak ng Diyos!.
________________________________________
23. “Kaya Mo Ba ang Mabuhay Para sa Akin Lamang?”
(“Are Ye Able?” Said the Master)
“Kaya mo ba ang mabuhay para sa akin lamang?”
Panginoon ang tugon ko, “Buhay ko ay sa'Yo lang.”
Koro:
Ang aking buhay, sa Iyo lamang.
Ako’y hubugin, gamiting tunay,
Ang Iyong tanglaw ng pagmamahal
Ang liwanag at gabay sa ‘king daan. Amen.
“Iyo bang naaalala, ang napakong salarin?
Siya ay sumamp’lataya, at s’ya ay naligtas din?”
“Kaya mo bang magpatuloy sa iyong paglilingkod?
Bagama’t mayroong pagsubok, ikaw ba ay susunod?”
“Susunod ka ba sa akin kung puno ng pasanin?”
"Susunod ako O Jesus, hanggang ako ay kunin!"
_____________________________
24. Tulad Mo ay Isang Ibon
(Like the Murmur of the Dove’s Song, UMH#544, Tune Name: Bridegroom)
Tulad mo ay isang ibon na mayroong awitin,
Hangin kang dala ay buhay na di kayang supilin,
Halina Espiritu.
Sa iglesia mong tinawag, kami ay itinatag
Sa lupa ay magpahayag, buong tapat at lakas
Halina Espiritu.
Sa diwa ng ‘yong pag-ibig, kami ay ‘yong binigkis
Sa timyas ng Iyong tinig sa iyo ay umanib.
Halina Espiritu.
Kami ngayo’y maglilingkod, sa nais Mo’y susunod,
Hahayo ng buong lugod sa mundong iniirog.
Halina Espiritu.
______________________
25. Kay Jesus Ka Lumapit
(Turn Your Eyes Upon Jesus)
Ikaw ba’y pagod at balisa? Dilim ang s’yang nakikita?
Mayro’ng liwanag at pag-asa, kung si Jesus ang kasama.
Refrain:
Kay Jesus ka lumapit, sa banal N’yang mukha tumitig,
Dilim ng mundo ay madadaig, sa tanglaw ng kanyang pag-ibig.
S’ya ay namatay at nabuhay, nagapi n’ya ang libingan
Kasalana’y wala ng tagumpay, tayo ay wagi ngang tunay.
Salita N’ya ay ‘di nagbabago, pangako n’ya’y ‘di nagmamaliw,
Kahit na ang mundo’y magdilim, pagliligtas N’yay t’yak pa rin.
______________________
26. Ang Kapayapaan Kung sa 'Ki'y Dumating
(A Peace Like a River / It is Well)
Ang kapayapaan kung sa 'ki'y dumating, lungkot kusang lilipas din,
Ano mang pagsubok, payapang lubos. Puso ko'y panatag sa Diyos.
Koro:
Panatag na lubos, diwa ko'y payapa sa Diyos. Amen.
At kung may panganib, masama'y may badya, sa Diyos ako'y may tiwala.
Dahil si Jesus ang sa'ki'y tumubos buhay ko'y panatag na lubos.
Kasalanan ko ay tunay na nilinis, ganap, lahat ay naalis
Doon sa kalbaryo, buhay ko'y binago, purihin ang Dios kalul'wa ko.
Panginoon ko sa iyo'y maghihintay sa muli mong pagdating
Doon sa langit ako'y salubungin, nang kapayapaan ay kamtin.
_____________________
27. Ako’y Sumayaw at Umi-indak
(Lord of the Dance)
Ako’y sumayaw at umi-indak, sa paglikha ko puso ko ay nagalak,
Kasabay ng tala at ng bulaklak, doon sa belen ng ipanganak.
Koro:
Indak, sumabay, sumayaw, buong galak - kayo’y sumigaw,
Umawit lahat at pumalakpak, sumabay sa awit na may pag-indak.
Awit ko’y tumawag sa marami, tinig ko’y di pansin at para silang bingi,
Mangingisda nama’y ‘di tumanggi, nakisayaw sila sa akin.
Ako’y sumayaw sa pagsamba, mga pilay pinagaling ko pa,
Relihiyoso ay nagalit na, kaya tinanggap ko ay parusa.
Sa krus na kahoy, ako’y pinatay, ako’y ipinako at doon binayubay
Ngunit kailanman ako'y buhay. Sa aking sayaw, kayo’y sumabay.
________________________
28. Ayon sa Kasulatan (Tagumpay Ko Ay Tunay)
(Oh Victory in Jesus)
Ayon sa kasaysayan, nasaad sa kasulatan
Si Cristo’y nakipamuhay sa sangkatauhan;
Buhay ay inihandog, at sa atin ay kaloob,
Ang mananalig kay Jesus, tagumpay ay lubos!
Koro:
Tagumpay ko ay tunay, naligtas aking buhay
Panginoon kong si Jesus, aking Manunubos;
Sa krus ay nabayubay, buhay ko’y dinalisay,
Ako’y nanalig kay Jesus, tagumpay ko’y lubos.
Narinig kong salaysay, bulag, mata’y nabuksan,
At lumakad mga pilay, O himalang tunay!
Ako ay dumalangin, ng sa sala hanguin,
Samo ko’y tinugon ng Diyos, tagumpay ko’y lubos.
May Mabuting Balita sa dakilang biyaya,
May tahanan na kay ganda sa kaharian Niya;
Doon ako’y aawit ng tinig makalangit,
Kasama ng mga angel papuri ang sambit.
________________________
29. Buhay na Pananalig
(Faith of Our Fathers Living Still)
Buhay na pananalig, sa amin ay ipinamana
Puso namin ay masayang maglilingkod at sasamba.
Pananalig namin sa Diyos! Habang buhay maglilingkod.
Ninuno natin ay nanalig, sa gitna man ng panganib,
Dugo’t sarili ang kaloob, sa Dios buhay ay inihandog.
Pananalig namin sa Diyos! Buhay namin ihahandog.
Pananalig na tinanggap ay siya naming ihahayag,
Maglilingkod na buong tapat, ng kaligtasa’y lumaganap.
Pananalig namin sa Diyos! Magtatapat kaming lubos.
Pananalig ay mamahalin, habang buhay na tangkilikin
Kapwa’t kaaway ay iibigin, utos ng Dios na mairugin;
Pananalig namin sa Diyos! Kay Jesus ay maglilingkod. Amen!
__________________________________
30. Dakilang Biyaya ng Diyos
(Amazing Grace)
Dakilang biyaya ng Diyos sa akin ay nagligtas!
Ako ay naligaw, at Kanyang hinanap. Dilim naging liwanag.
Biyaya’ng sa ‘ki’y nag-alis sa takot at hapis,
Saganang biyaya, mula sa Lumikha mula ng manalig.
Ang pangako ng Pangino’n, ay may pag-asang angkin,
Aking Manunubos, tiwala ay lubos, na ako'y lilingapin.
At kung dulo man ay abutin, at ako'y kukunin,
Sa langit na mahal aking pupurihin, Dios ay luwalhatiin.
____________________________________
Siya’y aking kapiling, sa 'king buhay.
Kapiling ko’t kasama ko, sa ‘king paglalakbay.
Siya ay nasa puso ko. Alam kong Siya’y buhay!
Ikaw ay buhay magpakailanman.
Kaluwalhatian Mo’y walang hanggan.
Tiyak ang tagumpay sa kamatayan. Amen.
Alisin ang lumbay at ang takot man.
Ang ‘yong biyaya sa ‘mi’y ibigay.
Panginoong walang hanggan, tanging banal.
kaming lahat ay sasamba sa Ngalan niya.
ang lakas ko'y sa agila, kaloob niya.
sa langit ay pupurihin siya sa t'wina.
halaman di natutuyo sa tag-araw.
Diyos ng bukas at sa lahat ng panahon.
Mas mataas sa kalawakan malalim sa karagatan.
Nang ibigay ang Anak Niya, pantubos sa sala.
Ang dakilang pagmamahal mula sa Maykapal. Amen.
Ang tumanggi sa Manunubos, ay hindi makakaligtas.
Ang manalig sa Anak Niya, maliligtas sa sala.