LECTIONARY SERMON FOR OCTOBER 4, 2015
Ang Kristianong Pamilya
Mark 10:2-16
Ang Kristianismo ay nakadisenyo upang maging pananampalataya ng pamilya at pamayanan. Hindi ito pansariling relihiyon lamang sa pagitan ng isang tao at ng Diyos.
Ito ang dahilan kung bakit pinalalakas ng mga apostol ang Kristianong tahanan dahil, sa loob ng sambahayan umuunlad ang pananampalatayang Kristiano.
Ang pananampalataya ay pampamilya. Pagmasdan ang sinabi ni Pablo sa Gawa 16:31, "Sumampalataya ka at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan."
Gayun din sa mga sulat niya sa Efeso, Colosas at iba pa, tungkol sa ugnayan sa loob ng pamilya na nagpapakita ng pananampalataya. Laging mababasa sa mga sulat na ito ang gabay sa mga mag-asawa at sa tamang pagpapalaki sa mga anak.
Ang Diyos ang nagtakda ng pamilya bilang pundasyon ng pamayanan. Ito rin ang lakas ng pananampalatayang Kristiano. Kapag ang pamilya ay nagsisimula ng magkawatak-watak, ang lipunan ay nagiging mahina, ang mga values ng mga tao ay nawawalang halaga, at ang simbahan ay nawawalan ng miembro.
Ang matatag na pamilya ay nagpapalakas ng lipunan at nagpapatibay sa simbahan. Ang mahinang ugnayan sa pamilya ay kalimitang pinapasok ng kasalanan, mga bisyo at awayan.
Ano nga ba ang sinasabi ng Marcos 10:2-16 tungkol sa matatag na pamilyang Kristiano.
A. Matatag na samahan ng mag-asawa.
Naaalala ko ang sinabi ng pastor na nagkasal sa amin ng aking kabiyak, "Mangako kayo, for better or for worse, magmahalan kayo."
After 20 years of being an husband, nakita ko na marami nga yung worse experiences sa buhay na dapat naming pagtagumpayan to keep our marriage strong. And we reliazed that our strength is brought by our ability to stick together whenever trouble comes.
Ang tanong kay Jesus ng mga Pariseo ay; kung pinapayagan ng batas ang paghihiwalay sa pagitan ng mag-asawa.
Ang sagot ng Panginoon ay nagpapalinaw sa layunin ng Diyos na mapanatili ang ugnayan ng mag-asawa habang sila ay nabubuhay. Ngunit, dahil sa katigasan ng ulo, may mag-asawa na naghihiwalay.
Ang sagot ng Panginoon sa kanilang tanong ay maaring ipaliwag sa ganitong paraan: "Oo, maari ang paghihiwalay ayon sa batas ng Lumang Tipan, ngunit hindi masaya ang Diyos kapag ito ay nangyayari. Dahil, nangyayari ang paghihiwalay, hindi dahil kalooban ito ng Diyos kundi bunga ito ng katigasan ng ulo ng isa o ng parehong mag-asawa.
Ang layunin ng Diyos ay obvious, nais niyang manatili ang samahan ng mag-asawa kahit anong mangyari. Upang matupad ito, mahalaga ang mga sumusunod;
1. Gawing pang-habang buhay na committment ang pag-ibig ng mag-asawa sa isa't isa sa harapan ng Diyos. Pabayaang mamagitan palagi ang Diyos sa dalawa.
2. Manatiling nag-kakaisa ang mag-asawa, sa pagharap sa mga pagsubok.
3. Kailangang manatiling matatag sa pananampalataya sa Diyos ang mag-asawa, at kung sakaling magiging mahina ang isa sa kanila, mananatiling malakas ang isa at hindi babagsak ang kabuoan ng pamilya.
Sa ganitong paraan, kung sakaling magkamali o magkasala ang isa, dahil sa matatag na pananampalataya, ang pagpapatawad at pagtanggap ay posible paring mangyari, at mananatiling matibay ang pamilya.
B. Pangalawang paraan sa matatag na pamilya ay ang tamang paghubog ng mga anak sa pananampalataya.
Ang ating teksto ay nagpapalinaw kung paano ito gagawin;
1. Una, pabayaang lumapit ang mga bata sa Panginoon sila ay mababasbasan at ng maranasan nila ang yakap ng Panginoon.
Maraming bata ang nag-iisip na walang nagmamahal sa kanila.
Walang perpektong magulang, kung kaya may mga batang nag-aakalang hindi sila mahal ng kanilang magulang. May mga magulang na nagkukulang naman talaga sa kanilang mga anak. Ngunit ang susi dito ay ang pag-ibig ng Diyos, bilang lakas ng isang bata sa paglaban sa mga pagsubok.
Dahil kapag naranasan ng isang bata ang pag-ibig ng Diyos, makakaya niyang salungain ang mga pagsubok sa buhay kasama ang Diyos.
2. Pangalawa, ituro na ang pananampalataya sa bata habang sila ay nasa murang edad pa.
Ituro sa bata ang dapat niyang malaman, upang sa kaniyang pagtanda, hindi niya ito makalimutan.
Ang regular na pagsasanay sa pananampalataya ay lubhang mahalaga sa paghubog ng isang bata sa maka-diyos na buhay.
Ito ay dapat na sinasadya. Ibig sabihin, ito ay ginagawa sa pamamagitan ng,
a. Teaching by example. Pagiging modelo ng mga magulang sa kanilang mga anak.
b. Teaching by giving regular instructions. Patuloy pagbibigay paalala sa mga anak.
c. Teaching by association. Isama ang mga bata sa iglesia at mabubuting kaibigan upang mahubog sila kasama ng ibang bata sa pananampalataya. Ang Sunday School, children's choir at fellowship ay mabisang paraan upang matuto sa Diyos ang mga bata.
Nasa ating mga kamay ang kinabukasan ng ating pamilya. Lagi nating idalangin ang ating mga desisyon, na may malaking epekto sa ating relasyon bilang mag-asawa at sa buhay ng ating mga anak.
Tandaan, mahal ng Diyos ang ating pamilya. Ingatan natin ito at pakamahalin.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...