Birthday's Bible Text
Best Gifts
(a birthday service honoring a 50 year old christian man) Psalm 139:13
May isang anak na nagpunta sa Sm para bilhin ang pinakamahalagang regalo na maaring ibigay sa kanyang ama na nagdiriwang ng 50th birhtday. Sa daan, nakasaksi ang anak ng isang aksidente, at may punanaw. Sa kanyang sariling pagmumuni-muni naisip ng anak na mayroong regalo ang Diyos para sa sinumang nagdiriwang ng birhtday na dapat nating bigyan ng pansin.
1. Regalo ng Diyos ang ating buhay.
Walang makakahigit sa regalo ng Diyos para sa iyo, na higit sa buhay mo.
Ito ay nag-iisa.
Ito ay walang katulad.
Ito ay buhay na binayaran ng Diyos ng buhay ng Panginoong Jesus.
Ito ay ang iyong buhay na dinudugtungan ng Diyos araw-araw.
At ngayon, isa pang taon ang ipinagkaloob sa iyo. Limampung taon ka ng pinagpapala ng Diyos.
2. Regalo ng Diyos ang iyong pamilya sa iyo.
Do you appreeciate your family? Sa totoo lang, napaka laking pagpapala ng pagkakaroon ng pamilya. Mula pa sa ating pagsilang, kinakalinga na tayo ng ating magulang. Binigyan din tayo ng mga kapatid at mga kaibigan. Regalo sila ng Diyos sa iyo.
Bilang tugon, dapat tayong;
1. Manatili ka nawang Regalo ng Diyos sa iyong pamilya at sa iba.
Ang bawat tao ay regalong kaloob ng Diyos lalo sa kanyang pamilya. Binigyan tayo ng Diyos upang maging pagpapala sa iba.
2. Ibalik natin ang pasasalamat sa Diyos dahil sa iyong kaarawan. At mayroon akong suggestions,
a. Una, subukan mong bilangin ang kabutihan ng Diyos iyo.
b. Pangalawa, ipagkaloob mo sa Diyos ang pinakamabuting pasasalamat na maari mong ipagkaloob, bilang tugon sa kanyang kabutihan. Ipagkaloob mo sa Diyos ang iyong buhay.
c. Maari mo bang ipangako na paglilingkuran mo ang Diyos, kasama ng iyong buong pamilya na mula ngayon, kayo ay magsisimba at mabubuhay lamang para sa kanya?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Tnx for this sermon
TumugonBurahin