Imitating God
Matthew 5:38-48
"Be perfect, therefore, as your heavenly Father is perfect."
Sa aking muling pagbasa sa ating Gospel Reading, inaamin ko na ako ay nahikayat na muling tanungin ang aking sarili ng ganito: "Hanggang saan ko kayang sundin ang mga utos ng aking Panginoon bilang isang Kristiano?"
Ang pagiging totoong Kristiano ay sukatan ng ating katapatan sa Panginoon. At ang katapatan ay napapatunayan sa pagsunod. Ang Kristianismong puro salita na walang gawa ay pananampalatayang patay. Ang ating binasang Kasulatan ngayong umaga na batayan din ng ating mensahe ay hindi parabola o dating kwento ng Panginoon na palaisipan na may ibang kahulugan. Ang ating pagbasa ngayon ay mga tuwirang utos. Maliwanag na ang mga ito ay utos na hahamon sa ating pagkatao.
May kwento tungkol sa isang military training camp, habang itunuro ng isang sargeant ang kasabihang, "Obey first before you complain."
Ang sargeant ay nag-utos na kainin ng mga sundalo ang mga bulate. At kanila itong kinain. Nag-ihaw ng daga ang sargeant at ipinakain ang mga ito sa mga trainees - at kinain naman ito ng mga trainees. Panghuli, kumatay ng ahas ang sargeant at inihaw nito ang ahas at ipinakain ito sa mga trainees. Marami sa mga trainess ang umayaw, dahil hindi matanggap ng kanilang sikmura ang kinatay na ahas.
Pagkatapos mapansin ng sargeant ang pagsuway ng mga trainees, tinipon niya ang mga ito. At nagpaliwanag siya, "Ipinakita ninyo na may hangganan ang inyong pagsunod sa mga utos ko. Sinasanay ko kayong kumain ng ganito dahil survival ang susunod na mission natin. Maari tayong mawalan ng baong pagkain, kailangan kayong matutong kumain ng mga hayop sa gubat, upang manatiling buhay."
Pagkatapos ng munting paliwanag, isa-isang kumuha ang mga sundalo ng kinatay na ahas at kumain. Napag-isip nila na ang utos ng sargeant ay para sa kanilang ikaliligtas.
Sa biglang tingin, ang mga utos ng Panginoon ay mahirap. Marahil kung kasama tayo sa mga nakikinig sa Panginoon sa tagpong iyon, nagtaas din tayo ng kilay at maaring sa saloobin natin ay ating nasabi, "Anong uri ng mga utos ito? Ako na ang inabuso, ako pa ang magpaparaya. Paano ko mamahalin ang aking kaaway na kumuha ng aking balabal? Bakit ko ihaharap ang aking kabilang pisngi pagkatapos akong sampalin ng masamang taong iyon?"
Pagkatapos kong balik-balikan ang ating teksto, nabasa ko ang huling bahagi nito na nagsasaad na, "Kaya maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit."
Bakit nga ba pinagagawa ng Panginoon ang ganitong kabigat na utos?
1. Una, ito lamang ang paraan upang matularan natin ang Diyos bilang ating Ama.
Inaaral natin ang Biblia upang makilala ang Diyos. At habang tumatagal, nakikita natin ang mga katangian ng Diyos ay pag-ibig, mapagpatawad at puno siya ng biyaya (grace). Nakikilala natin siya bilang Tagapagpatawad ng ating mga kasalanan. At sa kanyang biyaya tayo ay naligtas. Sa napaka-personal na paraan, nakikilala natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating sariling karanasan. Nakikilala natin siya dahil sa kanyang pagbibigay ng sariling buhay para sa ating kaligtasan.
Hindi po natin makikilala ang Diyos sa pamamagitan ng kwento ng ibang tao. Makikilala lang natin siya kung magiging bahagi siya ng ating personal na buhay. Kung kaya, ang tanging paraan upang matularan natin siya ay ang sumunod tayo sa kanyang mga utos at halimbawa.
Minahal niya ang mga makasalanang tulad natin na sumuway at kaaway ng Diyos. Maaring sasabihin natin na, "Hindi ko naman inaway ang Diyos. Naging mahina lamang ako sa mga tukso."
Ngunit ang anumang kasalanan ay pagsuway at paghamon sa kapangyarihan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ang bayad ng kasalanan ay kamatayan. Dahil ang pagsuway sa kalooban ng Panginoong Diyos ay tutumbasan ng parusang kamatayan.
Gayuman, nanaig ang pag-ibig ng Panginoon. Tayong mga kaaway ay hinamon niya upang maging kakampi. Tayong mga anak ng kasalanan ay tinawag niya upang maging anak ng Diyos.
Sa halimbawang ito ng Diyos, kailangan natin siyang tularan.
2. Pangalawa, ito ang tanging paraan upang maging ganap tayo sa ating pagka-Kristiano.
Dapat nating hangarin ang pagiging ganap na Kristiano.
Noong kami ay nasa boyscout pa, tinuruan kami ng, "Work half done is work undone." Anumang trabaho na hindi tapos ay hindi trabaho. Na dahil hindi mo natapos ang iyong gawain, isipin mo na wala ka pang ginawa. Kung kaya, ang anumang trabaho ay dapat na tinatapos upang matawag na totoong trabaho.
Sa paalala ni Apostol Pedro sinasabi niya ang ganito, "Magpakabanal kayo tulad ng inyogn Ama sa langit." (1 Pet. 1:15).
Ang pagiging Kristiano ay hindi maaring maging bantilaw na pakikitungo sa Diyos. Ito ay magagawa lamang ng mga buong pusong nagmamahal sa Diyos, gamit ang buo nilang lakas, isip at buong kaluluwa.
Kung ibig nating maging ganap ang ating pagiging anak ng Diyos, kailangan po nating gawin lubos ang ating pagsunod sa mga utos ng Panginoon.
3. Pangatlo, dito natin nasusukat ang ating sarili sa ating pagsunod sa Diyos. Ang mga utos ng Panginoon ay dalawang uri. May magaan at mabigat. May mga utos na kapag ginawa natin tayo ay mapupuno ng pagpapala at hahangaan tayo sa lipunan. Ngunit may utos na maaring sisira ng ating reputasyon. May utos ang Panginoon na maaring maglagay sa atin sa kapahamakan o kamatayan.
Ngunit hanggang saan nga ba ating pagsunod sa Panginoon? Banggitin natin isa-isa ang mga utos na ito at tignan natin kung ang mga ito ay nagagawa natin;
a. huwag maghihiganti sa mga masasamang tao at ipanalangin mo ang mga umuusig sa iyo.
b. kung sinampal ka...magparaya ka at tanggapin ang dagdag pang sakrispisyo upang makamit mo ang kalooban ng Diyos.
c. magbigay ka ng higit pa kung kinakailangan.
d. Kung pilitin ka ng manlulupig na pasanin ang kanyang dala ng isang milya, e pasanin mo iyon ng dalawang milya.
e. Bigyan mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong tanggihan ang nanghihiram sa iyo.
Tularan po natin ang ating Panginoong Diyos. Ginawa niya ang mga pinagagawa niya sa atin. Tayo po ang unang nakinabang sa ginawang pagmamahal ng Diyos sa mga makasalanan. At ngayon, tayo naman ang inuutusan ng Panginoon na gumawa nito.
Susunod ka ba kapatid?
__________________________________
*Following God is not necessarily opening ourselves to abuses. Christian sufferings are for peace and to put an end to the cycle of vengeance. Meaningful sufferings are sacrifices made by Christians to bless even the offenders and abusers. By this we can evidence God's unconditional love. This love can only be felt if modeled by imitating God.
*The Christian way of defeating evil is not by repaying evil with evil. We are commanded by God to confront evil deeds by repaying it with good.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Hallelujah Praised God..Salamat sa nagbahagi ng katuruan na ito dahil malaking tulong Po sa aking pgaaral at naiituru ko sa aking grupo ng Bible study .kya Talagang nagppsalamat po ako sa buhay ng ptr na nagbgay ng effort .Glory to you JESUS
TumugonBurahin