Father's Day
(Luke 15:20-24)
Ang Diyos ang dapat tularan ng lahat ng ama. Siya ang pinakamabuting ama sa lahat! Sa kwento ng. Panginoong Jesus, inilarawan niya ang kabutihan ng ating Diyos bilang magulang.
1. Siya ay matiyaga sa pag-asang babalik na muli ang kanyang anak (patient father). Being a father is a blessing. But it is also a great challenge. Lalo ang pagpapalaki ng mga anak.
Kapag maliliit pa ang ating mga anak, tinuturuan natin silang magsalita at lumakad. Kapag kabataan na sila, nais natin silang turuan na tumahimik at umupo! Mahirap talagang magpalaki ng kabataan, lalo kapag malaki na sila!
Nang lumaki na ang kabataang ito sa kwento, kinuha niya ang kanyang mana at nilustay ang pera ng kanyang ama sa walang kwentang uri ng pamumuhay. Sa ganitong kalagayan, naging matiyaga ang ama.
Hindi siya nagsawa sa paghihintay sa muling pagdating ng kanyang anak. Maraming kabataan ang nakita kong nalulong sa droga at hindi tumigil na umaasa ang kanilang mga magulang na magbabago buhay ang kanilang mga anak.
Mga ama, gaano ba tayo katiyaga sa ating mga anak kapag sila ay nagkakamali?
2. Siya ay mapagmahal na ama (a loving father). Noong bumalik ang kanyang anak, hinalikan niya ito. Hindi niya sinalubong ng buntal o sampal ang kanyang anak na nagkamali.
Mga ama, mas kailangan ng ating mga anak ang ating pagmamahal kapag sila ay nagkakamali o nagkakasala. Sa kwento, nagselos pa ang mabuting anak sa masamang anak.
Minsang tinanong ang isang tatay kung sino ang mas mahal niya sa kanyang mga anak. Sabi niya, "kung sino ang higit na nangangailangan ng aking pagmamahal ang siyang higit kong mamahalin." At madalas, ang isang kabataang naliligaw ng landas ang higit na nangangailangan ng pagmamahal.
At ang alibughang anak nga ang pinagkatay ng baka, siya ang hinandugan ng pagdiriwang at binigyan ng pansin. Dahil kailangan niyang makita ang pag-ibig ng ama.
3. Pangatlo, siya ay amang mapagpatawad (forgiving father). Ipinagmamalaki ko na ako ay isang Kristianong Metodista. At ang pinakamagandang doctrina mayroon tayo ay ang "prevenient grace". At dito po makikita ang kahulugan ng doktrinang ito.
Hindi pa lubusang nakahingi ng tawad ang anak, ay lubusan na siyang pinatawad ng ama. Sa talatang 18-19, inaral ng anak kung paano siya hihingi ng tawad sa ama, ngunit sa verse 21-22, hindi man natapos ng anak ang kanyang sasabihin, agad na siyang pinasuotan ng ama ng singsing at sandalyas, bilang pagpaparangal sa anak, at pinaghanda siya nito ng piging!
He was totally restored in his status as a son, even before he asked for forgiveness. That is exactly the meaning of prevenient grace. God is willing and ready to forgive even before we repent.
4. Ama na higit na nagpapahalaga sa kanyang mga anak.
Hindi na binaggit sa kwento ang sakit ng kanyang damdamin noong abusuhin ng kanyang anak ang kanyang kabutihan. Hindi na naging mahalaga kung gaano katagal ang kanyang paghihintay o paghahanap sa kanyang anak. Hindi na binaggit kung magkano ang nilustay na kayamanan ng kanyang bunso.
Iisa lang ang mahalaga sa kanya bilang ama, buhay na bumalik ang kanyang anak sa kanyang piling.
May kwento tungkol sa mga bangkero na binayaran upang mag deliver ng mga kargamento sa kabilang ibayo ng dagat. Ngunit ang dalawang banka ay nagkarerahan. Nang makita ng isa na nauunahan na siya, itinapon ng bangkero ang mga kahon na nagpapabigat sa kanyang bangka. At gayun din ang ginawa ng isa pa. Ginawa nila ito para manalo. Nang matapos ang paligsahan, noon pa lamang nila natanto, itinapon pala nila ang mga kahon na ipinagkatiwala sa kanila upang dalhin sa kabilang ibayo. Itinapon nila ang mas mahalaga- para lang manalo sa paligsahan.
Maraming ama ang nagnanais magtagumpay sa trabaho, at sa ibang karera ng buhay. Ngunit madalas silang makalimot sa pamilya. Nagkukulang sila ng panahon para sa pamilya na siyang pinakamahalaga.
Para sa Diyos ama, ang pinakamahalaga ay ang pagbabalik ng kanyang anak.
Sa lahat ng ama, nais namin kayong parangalan sa araw na ito. Happy father's day po!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Magandang sermon classmate! 😊
TumugonBurahin