Lunes, Nobyembre 5, 2018

Himnario ng Nagkaisang Iglesia Metodista (Tagalog - Mga Clasikong Himno)

ANG KUMPLETONG SIPI NG BOOKLET NG IMNARYONG ITO AY AVAILABLE
KAY PTR. JESTRIL, CP 09271349895.

160 Bilang ng mga Imno, kasama ang mga bagong salin ni Ptr. Jess Alvarado.

_______________________________________________
Christ the Lord is Risen Today

Si Jesus ay nabuhay - aleluya
Mga angel nagsaysay - aleluya
Itanyag ang katwaan - Aleluya
Lupa't langit magdiwang - aleluya.

Naganap ang pagtubos - aleluya
Pagbabaka'y natapos - aleluya
Nagtagumpay na lubos - aleluya
Sa kamataya't lunos - aleluya. 

Nawalang kabuluhan - aleluya
Ang batong tinatakan - aleluya
Pinawi'y kamatayan - aleluya
Paraiso'y binuksan - aleluya. 

Palalong kamatayan - aleluya
Ang tibo mo'y nasaan? - aleluya
Si Jesus ay nabuhay - aleluya
Sa Iyo'y nagtagumpay - aleluya! 

Dios Natin ay Luwalhatiin
(CRL Hymnal, Liriko ni Rev. Danilo Sanchez, Musika: Pajaro)

Dios natin ay l’waltian, atin S’yang papurihan,
May paggalang na lapitan, Ngalan N’ya’y ipag-awitan.

Koro:   
Diyos ng awa,  Diyos ng pagsinta, tanggapin aming pagsamba;
Alay namin puso’t kalul’wa, at laging ppupurihin Ka.  Amen.

Sala nati’y ipahayag, nang kamtin ang patawad,
Ating dalhin ang bagabag, pala N’ya ay igagawad.

Nasa ng Diyos ay hanapin, aral N’ya’y dinggin natin.
Buhay natin ay ihain, atas N’ya ay ating tupdin.

___________________________


O Bathala Kung Masdang May Paghanga
(How Great Thou Art)

O Bathala, kung masdang may paghanga,  sanlibutang, Ikaw ang lumikha;                 
Bit'win at b'wan kulog man na maingay,  kapangyarihan Mo'y sinasaysay.
Koro:
Umaawit ang aking kalul'wa, dakila Ka, O Dios Ama 
Umaawit ang aking kalul'wa, dakila Ka, dakila Ka.

Ang dangal Mo'y bihis ng kagubatan,   awit ng ibon sa kakahuyan;                   
Liwanag sa bundok, lunsod at bayan;  huni ng batis at ng hangin man.

Pagdating ng Cristong lalong mabunyi, dadalhin N'ya ako sa l'walhati;             
Mapagpakumbaba akong sasamba,  sasaysayin, Dios ko, dakila Ka!

_____________________  

O Diyos Naming Ama 
(Great is Thy Faithfulness)

O Dios naming Ama laging tapat ka, Hindi nagbabago sa twi-twina; 
Namamalagi ang awa’t pagsinta, Ang katapatan Mo’y walang hangga.

Koro: 
Tunay Kang matapat, Tunay Kang matapat
Araw-araw aking namamalas, ang nasa ko ay aking natatanggap, 
Tunay Kang matapat hanggang wakas.Amen.

Tag-ani, tag-ulan at sa tag-araw; B’wan,araw at bitwin kumikinang,
Nag-aawitan na may kasayahan, Katapatan mo O Dios ay tunay.

Kapatawaran at kapayapaan, mga pangako Mong umaakbay,
Ang pag-asa’t lakas ay sumisilang, Ang lahat na ito’y labo’b lamang.


_________________________  

Kapanatagang Maligaya
(Blessed Assurance, Jesus is Mine)

Kapanatagang maligaya, na idinulot ng Diyos Ama
Sa klaluluwang nagkasala, na nahahanda sa parusa.

Koro:
Ako’y aawit gabi’t araw, sa pagpupuring walang humpay,
At ang kay Cristo na pangalan, purihin nating walang hanggan. Amen.

Wagas na handog ng pagsuko, wagas na daing ng pagsamo,
Wagas na labi, sampung puso, ang ihahandog kong pangako.

Wagas na gawa ng pag-ibig, sa Dios at tao’y isusulit,
Upang malayo sa panganib, at sapitin ko yaong langit.

_______________________________ 

Sa Tana’ May Balitang Mainam
(We’ve a Story to Tell)

Sa tana’y may balitang mainam, upang puso’y liwanagan,
Balita ng katotohana’t kapayapaa’t buhay! Kapayapaa’t buhay!

Koro:
Ang dilim ay magliliwanag at sa lupa ay itatatag,
Ni Cristo ang kaharian ng pag-ibig at liwanag. Amen.

Mayroong awit na aawitin, puso kay Cristo ay dalhin,
Awit sa sama ay susupil, dudurog sa patalim.  Dudurog sa patalim.

May magandang balita sa lahat, na ang Hari sa itaas,
Sinugo ang Anak na liyag, upang tayo’y iligtas! Upang tayo’y iligtas!

Nagligtas ay ating ipahayag, daang malungkot tinahak,
Upang ang lahat ng tao, sa Kanya ay maligtas, katotohana’y gawad.


_________________________


Tawag ng Macedonia’y Napakinggan
(Send the Light)

Tawag ng Macedonia’y napakinggan, “Ilaw kami’y dalhan.”
May mga kaluluwang nadirimlan, at nangaliligaw.

Koro:
Ang ilaw ng Bagong Balita, siyang paliwanagin!
Sa lahat ng nagiging aba, sa salang nasa atin. Amen.

Tinig ng Macedonia’y napakinggan”Ilaw, kami’y dalhan!”
Tulong naman namin ay nalalaan, upang dalhin ang ilaw.

Biyaya ni Jesus ay makakamtan, na taglay ng ilaw.
Kaya’t ibalita ang kanyang aral, sa mga naligaw.

Sa gawang pag-ibig h’wag manglupaypay at dalhin ang ilaw,
At samantalang may lakas pa’t buhay, itanglaw ang ilaw.

__________________________

Putungan ang Hari
(Crown Him with many Crowns)

Hari ay putungan si Cristong Cordero,  
Pakinggan ang hukbo ng anghel na nag- aawitan;
Siya ang Panginoon at Manunubos ko,
Atin Siyang luwalhatiin Haring walang hanggan.

Cristong Anak ng Dios ating dakilain,
Pagliligtas Niya’y ipahayag sa sang katauhan;
Naghirap Siya sa krus nang dahil sa atin,
Bawat manalig sa Kanya ay may kaligtasan,

Si Cristo ang Haring nagbibigay buhay,
Sa libingan Siya’y nagtagumpay puspos ng luwalhati,
Ngayo’y nakaluklok sa tronong marangal,
Walang hanggan tayong kasama Niyang maghahari.

Putungan si Cristong Hari ng pag-ibig,
Sa kalbaryo’y kusang namatay nang tayo’y maligtas;
Kaya’t ang ngalan Niya’y paksa ng pag-awit,
Kaluwalhatian Niyang taglay ay di magwawakas. Amen!.

_____________________  

Ang Pag-asa Ko’y Natatag
(My Hope is Built on Nothing Less)

Ang pag-asa ko’y natatag, sa kabanalan at hirap,
Ng ngalang Jesus na tanyag,  higit sa larawang lahat.
Koro:
Si Cristo’y batong matibay,  na aking kinasaligan
Di gaya ng buhanginan. Amen. 

Maging alon mang mabagsik, at bagyo’y di maibubuwal
Ang pag-asa sa biyayang aking pinanghahawakan. 

Siya kung dito ay dumating, ako nawa ay maratnang
May damit ng kabanalan, Diyos ay pinaglilingkuran. 

____________________  

Banal! Banal! Banal!
(Holy! Holy! Holy!)

Banal! Banal! Banal!, Dios na maalam,  Ikaw ngayo’y aming pinapupurihan;
Banal! Banal! Banal! Makapangyarihan,  Dios na tatlong Personang marangal.

Banal! Banal! Banal! Sa ‘Yo nag-aalay,  at nanambahan ang lahat ng banal
Kerubin at Serapin ay nagluluhuran, sa pagsamba sa ‘Yo walang hanggan.

 Banal! Banal! Banal! Kahit di mamasdan ng makasalanang taong nadirimlan,
 Ang kal’walhatian Mo at kabanalan,   puspos pag ibig at kalinisan.

Banal! Banal! Banal! Dios dinadakila  ng tanang likha Mo sa langit at lupa;
Banal! Banal! Banal!Mahabaging lubha,  Dios na tatlong Personang dakila. Amen.

___________________   

Aking  Minamahal, Iyong Kaharian
(I Love Your Kingdom Lord)

Aking minamahal, iyong kaharian
Iglesiang binayaran ng dugo mong marangal.

Ang tunay kong nasa'y makitang marangal
Walang bahid at dalisay iglesia mong mahal.

Ang aking dalangin lahat kong gawain,
Sa kanya ko dadalahin nang pala ay kamtin.

Ang ka'walhati'y kan'yang ibibigay
Sa Zion kong bayang mainam puspos ng kat'waan.
________________________  

PurihinSiya na Diyos at Hari
(Praise to the Lord, the Almighty)

Purihin Siya na Dios at Hari ng sansinukob!
Kaluluwa ko, magpuri sa iyong manunubos!
Ang Dios natin ay luwalhatiing lubos,  awitan Siyang may pag-irog.

Purihin Siya na may ari ng sangkalikasan,
Sa ngalan Niya lahat tayo ay may kaligtasan;
Bawat tao, bawat kanyang nilalang ay pinagpapalang tunay.

Puri sa Dios na Siyang tanging Panginoon natin,
Patnubay Niya’t habag ay laging sumasaatin;
Umaaliw kung tayo’y naninimdim,  Pag-ibig Niya’y walang maliw.

Puri sa Dios, Siya ay lagi nating luwalhatiin!
Sa bawat sandali ang Dios ay ating purihin!
Pagluwalhati’y ating ulit-ulitin,  Ang Dios ay laging purihin. Amen.

____________________________  

Ang Pag-asa Ko’y Natatag
(My Hope is Built on Nothing Less)
Ang pag-asa ko’y natatag, sa kabanalan at hirap,
Ng ngalang Jesus na tanyag, higit sa larawang lahat.
Koro:
Si Cristo’y batong matibay, na aking kinasaligan
Di gaya ng buhanginan.  Amen. 

Maging alon mang mabagsik,  at bagyo’y di maibubu'bwal
Ang pag-asa sa biyayang aking pinanghahawakan. 

Siya kung dito ay dumating, ako nawa ay maratnang
May damit ng kabanalan, Diyos ay pinaglilingkuran. 

_________________  

Ang Iyong Puso Kaya’y nalinis Na?
(Are You Washed in the Blood?)

Ang iyong puso kaya'y nalinis na sa dugo ng Corderong Banal?
Ang tiwala mo kaya'y nalagak na sa dugo ng Corderong Banal?

Koro: 
Sala mo kay rumi!  Nahugasan na ba ng dugo?
Ang iyong puso kaya'y nalinis na,  nahugasan na ba ng dugo?

Bawat araw ba'y nagpapasakop ka kay Jesus na kordero ng Diyos?
Bawat oras ba'y nagtitiwala ka  kay Jesus na Kordero ng Diyos?

Maputi  ba ang iyong kasuotan, nahugasan ka ba ng dugo?
Pagdating niya handa ka bang tunay, nahugasan ka ba ng dugo?

Kasalana'y iwaksi ng lubusan, magpalinis ka na sa dugo.
May bukal na lunas sa kasalanan, magpalinis ka na sa dugo.  

______________________________________________  

Si Jesus ay Kaibigan
(What A Friend We Have in Jesus)
Si Jesus ang kaibigang  matapat kailan pa man;
Tayo ay tinutulungan at pinapatnubayan;
Kay daming lumbay at hirap na ating pinapasan;
Bakit di natin ilagak sa Kanya, lahat-lahat?

May pagsubok ba sa buhay  at bigat pinapasan?
Tayo’y huwag manlulupaypay,  sa Diyos natin isaysay;
Si Jesus walang katulad na karamay sa hirap,
Sa kanya tayo tumawag,  upang tayo’y maligtas. 
Tayo ba ay may pasanin, at mga suliranin?
Sa Diyos natin idalangin,  at tayo’y aaliwin;
Kaibigan ma’y lumimot, sa Diyos natin idulog;
Kay Jesus tayo pasakop  at laging magpakupkop. Amen

__________________________  
Kay Jesus Iniaalay Ko
(I Surrender All)

Kay Jesus Iniaalay ko, sa Kaniya ang lahat:
Akin Siyang iibigin, magpahanggang sa wakas.

Koro:
Iniaalay ko, Iniaalay ko,
Sa ‘yo ang lahat Oh, Cristo, iniaalay ko. Amen.

Kay Jesus iniaalay ko, paluhod sa paanan:
Kamunduha’y tatalikdan, kupkupin mo ngang tunay.

Kay Jesus iniaalay ko, gawin akong ‘yong Iyo;
Banal na diwa’y puspusin, ikaw ay suma akin.

Kay Jesus iniaalay ko,  Ama buhay sa Iyo:
Pag-ibig mo ay ilapit, sa aki’y ipakamit.

Kay Jesus iniaalay ko, ang boong pagkatao;
Aleluya! Layang lubos, gloria sa Manunubos!

______________________________ 

Kalooban Mo ang S’yang Sundin
(Have Thine Own Way Lord)

Kalooban Mo ang s’yang sundin putik ako na huhugisin,
Ayon sa ibig Mo ay gawin, handa akong Iyong baguhin.

Kalooban Mo nawa’y gawin ako ngayon ay ‘yong subukin.
Ako’y hugasa’t paputiin, nakatungong Ikaw’y hihintin.

Kalooban Mo’y s’ya kong sundin ako’y tulungan ang dalangin,
Kapangyarihan ay Iyo rin hipuin Mo at pagalingin.

Sundin Mo ang ‘Yong kalooban, ako’y sakupin ng lubusan.
Hanggang si Cristo ay mamasdang tanging sa aki’y tumatahan. Amen.

_________________________

Ang Pangako Ko Jesus Ikaw’y Paglingkuran
(O Jesus I Have Promised)

Ang pangako ko Jesus Ikaw’ y paglingkuran,
Ako ay saklolohan O Jesus na mahal!
Ang pakikipaglaba’y di katatakutan,
Tatahakin ang daan kung papatnubayan.

Maramdaman kong laging malapit ka sa ‘kin;
Sanglibutan ay sutil, tukso’y walang tigil;
Kaaway nagdidilim ako’y naninimdim;
Kaya Jesus kupkupin at ako’y akayin.

Bayaang Mong sa lihim ang tinig Mo’y dinggin,
Manga maling nasain ay aking patayin;
Patotohanang muling ako’y pipigilin;
Ang nais Mo’y sabihin, at aking susundin.

Ang pangako Mo, Jesus, sa bawa’t susunod,
Kung saan Ka lulukluk doon kami kupkop;
Ako’y isang nangakong sa ‘yo’y maglilingkod;
Tulong Mo ay ihandog upang makasunod. Amen.

______________________________ 


Ang Ningning ng Kaawaan
(Brightly Beans the Father’s Mercy)

Ang ningning ng kaawaan, ng Amang tumatanglaw;
Sa ‘ti’y pinababantayan mga ilaw sa pampang.
Koro:
Bayaang nagliliwanag ilaw sa tabing dagat;
Upang ang nangaglalayag ay Iyong mailigtas. Amen.

Kay dilim ng kasalanan alon ay umuungal;
May mga matang pag-asa’y ang liwanag sa pampang.

Hayo na’t papagningasin ilaw mong makulimlim,
Nang iba’y mangaligtas din; at maagaw sa dilim.

____________________________________ 

Jesus Kong Ligayang Tunay
(Thou My Everlasting Portion)

Jesus kong ligayang tunay at sa akin ay buhay,
Sa landas ng kahirapan ako’y Iyong samahan;
Sa piling Mong hirang, sa piling Mong hirang,
Sa landas ng kahirapan ako’y Iyong samahan.

Hindi ang lugod at yaman ang hanap ko at dangal,
Kaya’t sa katotohanan ako’y Iyong samahan.
Sa piling Mong hirang, sa piling Mong hirang,
Kaya’t sa katotohanan ako’y Iyong samahan.

Sa dilim ng kaparangan, bangis ng karagatan,
At hirap ng paglalakbay, ako’y Iyong samahan.
Sa piling Mong hirang, sa piling Mong hirang,
Sa hirap ng paglalakbay ako’y Iyong samahan. Amen.

_________________________________   

O, Muli Ninyong Iawit, Ang Sabing Matamis  
(Wonderful Words of Life) 

O, muli ninyong iawit, ang sabing matamis            
Na ang twa ko'y masisilip, doo't mababatid.          
Buhay at pag-ibig, pala at tangkilik                   
Anong dikit, anong dikit, ng sabing matamis   
Anong dikit, anong dikit, ng sabing matamis

Si Jesus ay nagagawad, ng sabing masarap,                                                              
 Ang tinig Niyang matimyas, ganito ang saad,                                                           
Ligtas ka sa habag, langit ang tumawag;                    
Anong galak, anong galak, ng sabing masarap 
Anong galak, anong galak, ng sabing masarap

Dingging muli ang pag-awit, ng sabing matamis,   
Ang sala ay nalilinis, ng dugong natigis.             
Buhay at pag-ibig, pala at tangkilik,                   
Anong dikit, anong dikit, ng sabing matamis  
Anong dikit, anong dikit, ng sabing matamis

________________  

Ako ay May Kaibigan  Na Lubhang Mapagmahal
(I’ve Found a Friend)

Ako ay may kaibigan  na lubhang mapagmahal,
Ako’y Kanyang tinalian  nang din a mahiwalay
Sa lubos na katamisan  Aming pag-iibigan;
Ako’y nagging Kanya lamang, magpakailan pa man.

Ako ay may nasumpungan na tanging kaibigan;
Sa krus Siya ay namatay upang ako’y mabuhay.
Kaya at lahat kong taglay, handog ko sa nagbigay;
Puso, lakas ko at buhay ay Kanya kalian man.

Ako ay may nasumpungang tapat na kaibigan!
Tagapayo at patnubay, malakas kong sanggalang.
Ano ang maghihiwalay sa Kanyang pagmamahal?
Sa mabuhay o mamatay, Ako’y di iiwanan. Amen.

_____________________

Dios ay Suma’yo Hanggang Muling Pagkikita-kita Natin
(God be With You Till We Meet Again)

Dios ay suma’yo hanggang muling pagkikita-kita natin,
Kalinga N’ya ay ‘yong dalhin sa lahat nga ng ‘yong lakbayin.
Koro:
Sa muling pagkikita-kita sa paanan ni Jesus;
Sa muling pagkikita-kita, patnubayan ka nawa ng Dios. Amen.

Tanggapin ang Kanyang biyaya, ang ingat patnubay N’ya,
Ang mahal N’yang pag-aadya nang malisya ka nga sa sama.

Bathalang dakila’y suma’yo sa hirap nang pagtawid mo.
Sa tuksong nasa sa mundo, sa gayo’y magkikita tayo.

Lingap N’ya nawa ay ‘yong kamtan, sa pag-ibig N’ya’y lukuban;
Nang magtagumpay kang tunay sa dulot nitong sanglibutan.

____________________


Ako Ngayo’y Kay Cristo
Now I Belong To Jesus)

Pagmamahal sa akin ni Cristo di magmamaliw, di magbabago
Buhay Niya ay inihandog nang ako’y matubos.

Koro:
Ako ngayo’y kay Cristo, si Cristo’y sa akin
Kahit pumanaw sa mundo, at langit ay datnin. Amen! 

Buhat sa lusak ng kasalanan iniligtas ako ng lubusan
Ang buhay ko ay hawak niya dahil ako’y kanya. 

Sa aking puso’y nag-uumapaw ang kagalakan sa bawat araw
Buhat nang iligtas ni Jesus sa ligaya’y puspos. 


_______________________  

Buhay Ko'y Iyong Kuni't, Banalin sa Gawain
(Take My Life and Let it Be)

Buhay ko'y Iyong kuni't, banalin sa gawain                        
Kamay ko'y pagalawin, sa udyok ng paggiliw, sa udyok ng paggiliw.

Paa ko'y kuni't gawing, Matulin sa gawain,
Aking laging awitin, Dios ay ating purihin, Dios ay ating purihin.

Bibig ko'y puspusin Mo, Biyayang mula sa Iyo;               
Ang pilak at ginto ko, ipaglilingkod sa 'Yo, ipaglingkod sa Iyo.

Ang pag-ibig ko, O Dios, Ay aking ihahandog;            
Nang maging Iyong lingkod, Na sa Iyo'y susunod, sa Iyo ay susunod. Amen.


______________________   


Patnugot Ko ay si Jesus
(He Leadeth Me)

Patnugot ko ay si Jesus, At kaaliwan ng loob,                
Sa anomang aking kilos, Ako ay Kaniyang kupkop. 
Koro: 
Patnugot Kita, O Jesus, Sa anomang aking kilos;           
Tapat akong tagasunod, Sa salita Mong mairog. AMEN. 

Kahit sa masayang bayan, O sa kapighatian man,                   
Sa dagat na kalawakan, Ang patnugot ko ay Ikaw.

Jesus kamay ko'y abutin, At huwag Mo akong hapisin    
Sa laot ng madlang lagim, Patnugot Kita at aliw

At sa aking kawakasan, Biyaya Mo ay pakamtan,            
O Jesus, sapagkat Ikaw, Ang patnugot ko saan man.


_________________________   

Ang Bawat Nilalang ng Dios
(All Creatures of Our God and King) 

Ang bawat nilalang ng Dios, 
Magpuri sa Manunubos; Aleluya! Aleluya!  
Ang araw na maliwanag at ang buwang sakdal dilag; 
Dios ay ating papurihan, Aleluya! Aleluya! Alelu…ya!

O mga hanging malakas, 
At nasa langit sa ulap; Dios ay inyong papurihan!
Pagbubukang liwayway man, dapit hapong dumaratal,
Dios ay inyong papurihan. Aleluya! Aleluya! Alelu…ya!

O lupang laging nay taglay, 
Na pala iyong kamay, Dios ay inyong papyrihan!
Bungang kahoy at bulaklak, mag- awitan nang may galak!
Dios ay ating papurihan, Aleluya! Aleluya! Alelu…ya!

Tayong  lahat na tinubos  
ni Jesus na Anak ng Dios- Dios ay ating l’walhatian;  
Tayong laging naninimdim kung sumasapit ang dilim, 
Dios ay ating lwalhatian, Aleluya! Aleluya!  Alelu…ya! Amen!


_________________  

O  Dios  ng Aming Mga Magulang
(God of Our Fathers)   

O  Dios  ng aming mga magulang, akayin kami at patnubayan.
Ng iyong ilaw  ng kabanalan, mula sa iyong  kal’wahatian.

 Ang pag-ibig na aming tinanggap, sa aming bayan ay ilaganap;
Ikaw nawa sa ami’y mag-ingat, kautusan mo’y aming matupad.

Ipag-adya kami sa panganib, ng kamay mo na mapagtangkilik:
Palakasin mo an gaming bisig sa kapayapaan ay ihatid.

Buhay ng aming bansa’y puspusin, ng liwanag ng iyong luningning;
Buong puso naming mamahalin ang ngalan mo’y aming pupurihin. Amen.


_________________________   

Sa Lupang Kagandahan
(For The Beauty of the Earth)

Sa lupang kagandahan at sa kal'walhatian
Sa pag-ibig na alay mula sa 'ming pagsilang.

Koro: 
Diyos ng buong nilalang pinasasalamatan. Amen!

Sa panahong mainam, ng gabi at ng araw
Parang at bulaklakan, bituin araw at buwan.

Sa galak ng tainga, puso, isip at mata
Hiwagang magkasama, ng himig at ligaya.

Dahil sa pag-ibig ng kapatid at magulang
At mga kaibigan, sa lupa't sa langit man.

Sa iglesia mong banal tuwina ay katuwang
Sa nangangailangan ng gawaing marangal.

Sa banal mong kaloob na sa amin ay handog,
Sa dakilang pag-irog ni Cristong mananakop.


________________________   

Pagtakas ng Dilim 
(When Morning Guilds the Sky)

Pagtakas ng dilim ako ay gigising, si Cristo’y purihin!
S gawa’t dalangin aking sasabihing, “Si Cristo’y purihin!”

Tunog ng batingaw, aking napakinggan, “Cristo’y papurihan!” 
Siyang alingawngaw ng mga awitan, “Cristo’y papurihan!” 

At kung may pasanin, aking wiwikain, “Si Cristo’y purihin!”
Kahit na dumilim di ko papansinin, “Si Cristo’y purihin!” 

At sa kalangitan, masayang awitin, “Cristo’y papurihan!”
At ang kalupaan aawit din naman, “Cristo’y papurihan!” 


__________________________   


Maglingkod kay Jesus ay Kaaliwan
(It Pays to Serve Jesus)

Maglingkod kay Jesus ay kaaliwan pagka’t sa kanya’y may kagalakan;
Ito’y isang ganap na katungkulan  ng tao sa bawa’t araw.
 Koro:
Maglingkod kay Jesus,  tayo’y maglingkod,
Bawa’t  maglingkod; tayo’y  maglingkod,
Kay Jesus ay maglingkod na masaya at walang pagod. Amen. 

Tayo’y  maglingkod anomang  sapitin,  at magtapat kahit anong gawin;
Pagka’t siya’y mayama’t mahabagin, bawa’t aral  ating sundin.

Bagama’t mahirap ang daraanang  patungo doon sa kalangitan:
Si Jesus ang sa ati’y papatnubay, kung maglingkod bawa’t araw.   


________________  

Si Bathala ay Matibay 
(A Mighty Fortress is Our God)

Si Bathala ay matibay, na moog nati’t kalakasan, 
Siya ang ating tanggulan, sa paglaban sa kasamaan;
Pagka hinahalay tayo ng kaaway 
Siya ang tawaga’t, ang pagtatagumpay 
sa tulong N’yay ating kakamtan. 

Kung sariling kalakasan, ang s’ya nating panghahawakan, 
Tayo ay mapipilan, sa ating pakikipaglaban;
Ngunit kung ang Banal ang ating kapisan, 
Walang katakutan tayo sa digmaan.  
Sa tulong N’ya’y magtatagumpay. 

Sa mundo man ay umapaw ang sama’t kalupitan, 
Wala kaming agam-agam, pagka’t Diyos ang aming tanggulan;
Puno ng karimlan di katatakutan, 
pagka’t nalalamang siya’y wawakasan,
Ng kay Jesus na wika lamang. 

Ang kay Cristong wika lamang , higit sa mundong kalakasan, 
Espiritung ibibigay niyang kakampi nating tunay.  
Sa pakikilaban buhay ma’y maparam.  
Ang kalwalhatian ng Dios na marangal
Ay siya naming itatanghal. Amen. 


_______________   

Samahan Mo Ako Jesus
(O Master Let Me Walk with Thee) 

Samahan Mo ako Jesus, sa paggawa't paglilingkod;  
Lihim Mo ay ipatalos, nang lumakas yaring loob.

Ang pusong nanglulupaypay, sana'y aking matulungan;  
Salita ng pagmamahal, sa kanya ay maibigay.

Ako'y turuang magtiis, tulad ng Iyong sinapit;                 
Sa gawain ng pag-ibig, tanang sama'y nang magahis.

At umasang Ikaw lamang, ang tanglaw sa aking daan;       
Sa Iyong kapayapaan, ako'y loobing mabuhay. Amen.

___________________   

Tayo ay Tinatawagan
(Jesus Calls Us O’er the Tumult)

Tayo ay tinatawagan, sa mga kaguluhan;               
Ni Jesus na nagsasaysay, “Alagad ako’y sundan.”

Sa hidwang pananambahan, tayo’y tinatawagan,   
At ang Kanyang sinasaysay, “Ako ang paglingkuran.”

Sa lungkot at kagalakan, gawa’t kapahingahan;   
Payo ay di nagkukulang, “Pag-ibig mo’y dagdagan.”

Kami’y Iyong tinatawag, sa Iyong pagkahabag;       
Dinggin naming boong galak, sundin Ka hanggang wakas. Amen.

_______________

Pastor Kang Aming Patnugot           
(Savior, Like A Shepherd Lead Us)

Pastor Kang aming patnugot,  pag-iingat Mo'y lubos;
Ikaw nga ang nagdudulot, ng tahanang malugod;
Mapagpala naming Jesus, sa tanan ay tumubos,
Mapagpala naming Jesus, sa tanan ay tumubos.

Kami ngayo'y alagaan, sapagka't Iyong tunay;
Kaya't sa tunay na daan, itungo kung maligaw. 
Mapagpala naming Jesus, dinggin ang aming luhog,
Mapagpala naming Jesus, dinggin ang aming luhog.

Ang pangako Mo ay pala, kahi't masalang lubha;     
Ikaw sa ami'y maawa, iligtas sa dalita.           
Mapagpala naming Jesus, lingapin ang may lunos,
Mapagpala naming Jesus, lingapin  ang may lunos.     

At nang dagling matutuhan, banal Mong kalooban;         
Ang biyaya ay pakamtan, sa nangangailangan,   
Mapagpala naming Jesus, lubusin ang pag-irog,
Mapagpala naming Jesus, lubusin ang pag-irog. Amen!

________________________ 

Hari Kang Tunay
(Fairest Lord Jesus)

Hari kang tunay ng iyong nilalang, Diyos na makapangyarihan!
Ikaw ang aking kal’walhatian, sasambahi’t igagalang!

Mga halaman, kahuyan at parang, magaganda kung tag-araw,
Ngunit higit kasa kagandahan, umaaliw sa may lumbay.

Sikat ng araw, bituin at buwan, maningning sa kalangitan,
Ngunit ang sikat at kaningningan ni Cristo’y lalong makinang. Amen.

_____________________________ 

Itong Sanlibutan ay sa Aking Ama
(This is My Father’s World)

Itong sanlibutan ay sa aking Ama,
Katalagaha’y may awit na aking naririnig,
Itong sanglibutan ay sa aking Ama,
Bata, kahoy, langit , dagat, gawa Niya’ng lahat.

Itong sanglibutan ay sa Amang gawa,
Mga ibo’y umaawit, puri sa Lumikha;
Itong sanglibutan ay sa aing Ama,
Sa kahoy at mga damo Siya’y nakikita.

Itong sanglibutan ay sa aking Ama,
Sama’y malakas man wari Diyos din ang siyang Hari,
Itong sanglibutan ay sa aking Ama,
Lupa’t langit na gawa N’ya, magiging iisa. Amen.


________________________ 

Mga Anak ng Diyos, Tayo ay Magdiwang
(We’re Marching to Zion )

Mga anak ng Diyos tayo ay magdiwang, mag-awitan tayong lubos
Mag-awitan tayong lubos sa harap ni Jesus.  Sa harap ni Jesus!

Koro:
Hayo nga’t magdiwang mag-saya at mag-awitan!
Si Cristo’y pasalamatan habag tayo ay may buhay. Amen!

Nasa piling ng Diyos saganang biyaya. Laan sa pusong dakila,
Laan sa pusong dakila, may banal na nasa. May banal na nasa.

Lumapit kay Jesus, taong nagkakasala. Pagbutihin mga gawa
’Pagbutihin mga gawa, tatamo ng pala. Tatamo ng pala.

___________________ 

PAGPAPALA NIYA’Y BILANGIN MO
(Count Your Blessings)

Kung bagyo sa buhay mo’y dumadalaw, at ang pag-asa’y waring napaparam,
Pagpapala ng Dios ay bilangin mo, sisiglang muli ang iyong espiritu.

Koro:
Pagpapala Niya’y bilangin mo, pagpapalang kaloob sa iyo;
Bawat pala na nakakamit kaloob ng Dios, pagkat Siya’y pag-ibig.

May tinitiis ka bang karamdaman, krus mu bang pasan ay may kabigatan?
Pagpapala ng Ama ay bilangin, puso mo’y mapupuspos ng awitin.

Kung mabibigat ang suliranin mo Dios  nama’y hindi lumalayo sa iyo;
Angeles ng Dios sa iyo ay tutulong dahil sa mahal ka ng Panginoon.


_____________________________ 

Tinig Mo’y Narinig
(I Hear Thy Welcome Voice)

Tinig Mo’y narinig tinatawag ako,
Upang linisin ng dugong ‘nagos sa kalbaryo.

Koro:
Lumalapit nga ngayon sa Iyo,
Linisin ng dugo Mong ‘nago sa kalbaryo. Amen.

Mahina’t masama, binibigyang lakas,
Kasamaa’y nililinis hanggang maging wagas.

Siya\y tumatawag upang maging sakdal,
Sa karanasan sa buhay maging sa diwa man.

Binibigyang tapang mga pusong tapat,
Pangako Niya’y  natupad sa nagsisihanap.

___________________ 

Ikaw ang Batong Buhay
(Rock of Ages Cleft For Me)

Ikaw ang batong buhay, na sa aki’y nabuksan,
Ako’y isinanggalang sa lakas ng kaaway;
Batis kang sakdal inam, gamot naming may damdam.

Hanggang may tumitibok, hininga sa pag-irog,
Hindi ako tutugot hanggang ‘di maibantog,
Ikaw ang nagpalubog sa angkan ng balakyot.

Iyaalay kong lahat buhay ko hanggang wakas,
Kami’y pawang haharap, sa hukuman Mong tapat;
At doo’y mahahayag ang tanang pagkahubad. Amen.


__________________________ 

Maligayang Araw Noong Paglingkuran Ka Panginoon
(O Happy Day the Fixed My Choice)

Maligayang araw noong paglingkuran ka Panginoon,
Ang t’wang ito dapat ngayong sabihin sa may linggatong.

Koro:
Oh laking ligayang sa awa Niya’y nakamtan!
Tanglaw ka at kalayaan sa aking pagtatagumpay,
Sa hirap ngang tanan, buhay ko ay nabihisan. Amen.

Sa salitang matatamis dalisay Niya’ng pag-ibig,
Ako sa kaya’y nanalig at nagalak akong labis.

Katungkulan ko’y ganap na, Kanya ako at akin S’ya,
Akin ngang nakikilala malugod Niyang anyaya.

Hapong puso’y magtigil na, sa gawang pagkakasala,
Sa ligaya’y mamuhay ka, lumagi ka sa kaniya.


______________________ 

Magiliw na Tumatawag si Jesus
(Softly and Tenderly Jesus is Calling)

Magiliw na tumatawag si Jesus, sa iyo at sa akin,
Sa pintuan ng puso’y tumutuktok, buksa’t Siya’y tanggapin.

Koro:
Lapit, lapit ang mga napapagal-
Si Jesus ikaw ay tinatawagan, lapit makasalanan. Amen.

Siya’y naghihintay huwag tayong magluat, mat’yagang tumatawag
Tanggapin natin habag Niyang gawad, upang tayo’y maligtas.

Panaho’y tumatakas na matulin hindi na mapipigil,
Ang kamatayan pilit na darating, sino’g ‘di aabutin.

Alalahanin ang Kanyang pag-ibig sa mga naaamis,
Makasalana’y kanyang binibihis, patawad makakamit.


______________________

Kay Jesus Dulog Taong Sala
(In the Sweet, Bye and Bye)

Kay Jesus dulog na taong sala, kaligtasan ay nasa Kanya
At alin mang hangad mo’t pita, matatagpuan mo twi-twina.

Koro:
Kay Jesus lapit na, at sa Kaniya ay ligtas ka,
Kay Jesus dulog na, at sa Kanya ay may buhay ka. Amen.

Nagkasala kang walang malay, dumalog sa mga paanan,
Ni Jesus at matatagpuan sa Kanya ang kapatawaran.

Ang ikamamatay mong damdam sa kay Jesus mo ipagsakdal
Dugo Niya ang kagamutan sa iyo’y siyang ibibigay.

Tayo nga ang tupang nawaglit na pinaghahanap na pilit
At sa balikat ikakapit Niya ang lubos na pag-ibig.


____________________________ 


Nais Mo Bang Maibsan ang Pasan?
(There’s Power in the Blood)

Nais mo bang maibsan ang pasan? Makapangyarihan ang dugo!
Sa sala ay makalayang tunay? May tanging bisa ang dugo!
Koro:

Dugong mahal ng Cordero ay makapangyarihan!
Dugo lamang ni Cristong banal, panghugas sa kasalanan. Amen.

Nais mo ang lubos na tagumpay? Makapangyarihan ang dugo!
Sa masasamang pita ng laman? May tanging bisa ang dugo.

Nais mo bang kalul’wa ay kuminang? Makapangyarihan ang dugo!
Lapit sa bukal ng kabuhayan, may tanging bisa ang dugo.

Nais mo bang maglingkod kay Jesus?  Makapangyarihan ang dugo!
Nais mong sa twi-twina’y mapuspos? May tanging bisa ang dugo.


________________________   

Aba Akong ‘Di Gasino
(Just As I am, Without One Plea)

Aba kong ‘di gasino na tinubos ng dugo Mo, 
Lumalapit na totoo, sa Iyo Dios na Cordero. 

Sa aba kong  kaluluwa, dugo Mo nga ang sukat na, 
Na makahugas sa sala.  Oh Cordero ng Dios Ama. 

Akong abang lumalangoy sa sigalot at linggatong, 
At nang huwag maparool. ampunin Coderong Poon. 

Sa ‘king aba’t maralita, bulag ang isip at dukha
Magdalang habag at awa, Corderong Dios na dakila. 

Nang lubos na maging Iyo akong abang tinubos Mo, 
Ay dumudulog na totoo sa Iyo Dios na Cordero. 


_______________________   


Jesus Kong Ligayang Tunay 
(Thou My Everlasting Portion)

Jesus kong ligayang tunay at sa akin ay buhay,
Sa landas ng kahirapan  ako’y Iyong samahan.
Sa piling Mong hirang  sa piling mong hirang,
Sa landas ng kahirapan  Ako’y Iyong samahan.

Hindi ang lugod at yaman  Ang hanap ko at dangal,
Kaya’t sa katotohanan  Ako’y iyong samahan.
Sa piling Mong hirang  Sa piling mong hirang,
Kaya’t sa katotohanan  Ako’y Iyong samahan.

Sa dilim ng kaparangan,  Bangis ng karagatan,
Sa hirap ng paglalakbay, Ako’y Iyong samahan.
Sa piling Mong hirang  Sa piling mong hirang,
Sa  hirap ng paglalakbay  Ako’y Iyong samahan. Amen.


____________________________   


 O Pag-ibig na Dakila, Suma Amin Ka Nawa
(Love Divine All Loves Excelling)

O pag-ibig na dakila, suma amin ka nawa;
Sa tahanan Mo’y itugma, busugin sa biyaya.
Ikaw, lubhang mahabagin, Jesus na magiliwin,
Kaligtasan mo’y ibiging sumapuso nga namin.

Ang Espiritu’y ilakip sa damdaming may hapis;
Maghari sa aming isip, nang sa Iyo’y masanib.
H’wag Mo kaming pabayaan sa pitang kasamaan;
Ang banal Mong kalooban, kami ay pangunahan.

Kailangan namin ngayon ang lingap Mong hinahon,
H’wag bayaang maparool sa nag-akmang lingatong:
Hangad nami’y kabuhayan na nasa Iyong dangal,
At hindi masusumpungan sa sino mang kinapal. Amen. 

___________________   

 Umaasang Ako’y Aakbayan
 (I Trust in God)

Umaasang ako’y aakbayan, kahit sa lupa o sa dagat man;
Ano man ang pangyarihan, ako ay Kan’yang aalalayan.

Koro:
Umaasang ako’y aakbayan, tiwala ko sa Dios ay matibay;
Kalul’wa ko’y iingatan sa Dios Ama sa kaitaasan. Amen. 

Kung ang maya sa gitna ng parang, Kan’yang laging inaalagaan;
Lalong higit akong mahal, na iingatan sa kagipitan.

Kung ang lirio ay pinararamtan ng maganda’t iba’t ibang kulay;
Ako’y walang alinlangan, sa akin ang Ama’y magbibigay.

Sa Dios ilalagak ang tiwala sa gitna ng kahirapa’t digma;
Sa l’walhati O sakuna, babantayan ako ni Bathala.



________________________   

Corderong  Humugas  sa  Sala  ng  Lahat  
(My Faith Looks Up To Thee)

Corderong  humugas  sa  sala  ng  lahat,  at  nagligtas;
Sa nga may damdam,  ang nananawagang Napasasanggalang  ay  ingatan

Sa Iyong kalinga, ang pusong mahina, sumagana.
Ikaw  rin ngang tunay, Ang pumapatnubay at di binayaang mangaligaw.

Sa aming tawirin, na sakdal ng dilim, ay kupkupin
Ang Iyong liwanag,  pamawi sa ulap, sa nangaglalakad  ay igawad

Ang bukal na tunay ng tubig na buhay, pumaparam;
Ng malaking pagod, sa pag-alinsunod, sa dakilang utos,  Mo, oh! Jesus.  Amen.


___________________________  

Masayang Sinasamba
(Joyful, Joyful We Adore Thee)  

Masayang sinasamba, Dios ng l’walhati’t pag-ibig,
Araw Kang may init na buhay ng pusong malamig.
Sala’t lungkot ay tunawin, alinlanga’y pawiin,
Ilaw ng twang di magmaliw liwanag kami’y punin.

T’wa ng sangnilikha Mo, sa lupa’t langit ay saksi,
Mga bitwin, mga angel, awit sa ‘yo’y papuri.
Bukid, gubat, bundok, parang, halamana’t karagatan;
Huni ng ibon at batis, kami sa yo’y magdiwang.

Ikaw ang nagpapatawad, pala’y lagi Mong gawad,
Balong ng buhay mapalad, ligaya’y isang dagat.
Dios Ama, Cristong may aral, kami’y mangag-ibigan,
Nang amin nang maranasan kagalakan Mong banal.

Tanang tao’y magsianib sa hukbong umaawit,
Sundin ang Amang pag-ibig, nating magkakapatid.
Sulong laging mag-awitan, magwagi sa labanan,
Awitin ang kagalakan, sa tagumpay ng buhay. Amen.



______________________   

Samahan Mo Ako Sa Pagpanaw
(Abide With Me)

Samahan Mo ako sa pagpanaw, lumalalim na ang kadiliman, 
Tulong , aliw ng iba’y naparam.  Saklolohan at ako’y samahan. 

Buhay ko’y matuling bumababa, lumalamlam galak na panglupa, 
Lahat ngayo’y bago’t pawang sira; ako’y samahan Dios na dakila. 

Kailangan Kita bawat oras, biyaya Mo sa tukso’y panlunas,
Sino pa ang sa’ki’y mag-iingat, sa dilim at maging sa liwanag. 

Walang kaaway kung Ika’y sa akin, karamdama’t luha’y kayang dalhin
Tibo man ng kamataya’y datnin; tagumpay pa kung Ika’y kapiling. 

Krus Mo’y hawaka’t aking titingnan, gawing sa dilim ay maging tanglaw, 
Langit sa akin ay Iyong buksan; at saakin ay laging tumahan. Amen. 



_________________________    

Kung ang Pakakak ng Panginoon Ay Tumunog Na
(When The Role is Called Up Yonder)

Kung ang pakakak ng ng Panginoon ay tumunog na, 
At ang maligayang araw’y bumuka,  
Kung ang lahat ng tao’y nagkakatipon na doon;
Ang Panginoon ang Siyang huhukom. 

Koro: 
Kung lahat ay nagkatipon, kung lahat ay nagkatipon, 
Kung lahat ay nagkatipon - angPanginoon ang siyang huhukom. Amen. 

Sa araw na yaon mga patay ay magbabangon, 
at luluwalhati sa Panginoon
Kung ang lahat ng mga tao’y magkatipon-tipon, 
ang Panginoon ang SIyang huhukom. 

Bayaan akong mag-ingat hanggang Siya’y dumatal, 
Itatanghal ko kanyang kabutihan, 
Upang masama ako sa Kanya kailanman, 
At h’wag sa walang hanggang kamatayan. 


____________________  

Dulog Espiritung Banal
(Fill Me Now)

Dulog Espiritung Banal puso ko’y pagharian, 
Anyo mo ako’y puspusin, lapit ako’y puspusin. 

Koro: 
Puspusin, puspusin, Jesus ako’y puspusin,
Anyo Mo ako’y puspusin, lapit ako’y puspusin. 

Ako’y Iyong mapuspos, paraa’y di ko talos, 
Lubha kitang kailangan, dulog Esp’ritung Banal. 

Ako nga’y mahinang tunay na nasa ‘yong harapan, 
Espiritung mapangaliw, ako’y Iyong puspusin. 

Lisanin at pagpalain, buhay ko’y tangkilikin, 
Ikaw tanging mahabagin, ako ngayo’y puspusin. 


_____________________   


Ang Espiritung Banal, Tapat na Tagaakay
(Holy Spirit Faithful Guide)

Ang Espiritung Banal, tapat na tagaakay, 
Twina’y sinasamahan tayo sa paglalakbay;
Ang mga nagtitiis nagalak ng marinig, 
na silang ihahatid sa tahanang tahimik. 

Di tayo babayaan, Siya ang aalalay 
Sa pinagdaraanan na nasa kadiliman, 
Sakaling malaginlin puso sa paninimdim, 
Akay Niya’ng magiliw nang tahana’y marating.

Kung matapos na ang araw ng madlang kahapisan, 
Umasa at kakamtan ang kapahingalayan; 
Sa pangalan ni  Jesus na ating manunubos
Sasapit tayong lubos sa langit na pag-irog. 









Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...