Forgiveness Within the Family
Genesis 45:1-15 / Aug. 17, 2014
Nakapagpatawad si Jose.
Hindi madali ang magpatawad. Hindi ito isang magaang "forgive and forget". Si Jose man ay nahirapan noong makita niya ang kanyang mga kapatid. Masakit lalo kapag ang umabuso ay sariling kapatid sa pamilya.
Naghalo sa simula ang pag-ibig at sama ng loob sa kanyang puso. Sa kanyang pagpapatawad, nanaig ang kanyang pag-ibig sa kanyang mga kapatid. Ngunit higit pa rito ang naranasan ni Jose. Ano nga ba ang tunay na pagpapatawad?
1. Ito ay pagkamulat sa nakatagong kalooban ng Diyos sa gitna ng mga mapapait na karanasan sa buhay.
Ito ay isang sekreto ng mga tunay na nagmamahal sa Diyos sa kabila ng mga karanasang masasakit. Higit nilang mahal ang Diyos kaysa sarili. Kaya, " all things work together for good" simply because they "love God".
Sa pagbubulay niya, ang mga nangyaring pagbenta sa kanya, ang kanyang pagkabilanggo ay hindi serye ng pagka-abuso. Ang mga ito ay pawang mga paraan ng Diyos tungo sa ikabubuti.
Ang pagpapatawad ay nagaganap sa taong nakakasumpong ng "nakatagong" kahulugan sa kanilang mga paghihirap na natamo dahil sa mga kasamaang ginawa sa kanila. Nakikita ng isang nagpapatawad ang nakatagong kalooban ng Diyos sa gitna ng mga kasamaang ito. At dahil nakikita niya ang layunin ng Diyos, nagpapatawad siya upang mangibabaw ang kalooban na Diyos kaysa kanyang damdamin ng galit at sama ng loob. Higit niyang pinahalagahan ang Diyos kaysa paghahanap ng ganti.
Ang pagpapatawad ay isang pagkamulat: ang lahat ng mga nangyari sa nakalipas ay may mas malalim na dahilan. Ang pagpapatawad ay pagdiskubre sa mga nakatagong paraan ng Diyos sa mga pangyayaring animo'y masama, ngunit ang dulot pala ng mga ito ay kabutihan!
Sa kwento ni Jose, ang layunin ng Diyos ay napakabuti, bagamat ang mga paraan ng Diyos ay mahirap unawain.
Pagisipan natin: kung may pinagdaanan kang mabigat na problema, dapat mong hanapin ang layunin ng Diyos.
Itiwala sa Diyos ang lahat at magtiwala sa kanyang kalooban.
2. Ang pagpapatawad ay pagtugon sa panawagan ng Diyos na sumunod tayo sa kanyang mga paraan bagamat mahirap itong maunawaan. Ang pagpapatawad ay pagsunod sa Diyos at pagtalikod sa sariling damdamin.
Mahirap makita ang layunin ng Diyos dahil madalas inuuna natin ang paghahanap ng katarungang pansarili, bago ang kalooban ng Diyos. Marami ang hirap sa pagpapatawad dahil una nilang hinahanap ang pagganti. upang saktan din ang "umabuso" sa kanila.
Ngunit ang paghahanap sa kalooban ng Diyos ay may kaakibat na sakripisyo. Ang pagsunod sa Panginoon ay nagagampanan lamang ng mga tumatalikod sa sarili.
3. Ang pagpapatawad ay pagsunod sa kalooban ng Diyos.
Nais iligtas ng Diyos ang sambahayan ni Jacob, upang sa pamamagitan ng pamilyang ito, magaganap din pagliligtas ng Diyos sa sanlibutan.
Kung hindi pinatawad ni Jose ang kanyang mga kapatid, marahil ang pamilya ni Jacod ay mawawasak! Ang plano ng Diyos ay hindi matutupad.
May mabuting plano ang Diyos sa bawat pamilya o sa iglesia. Huwag sana nating wawasakin ang ating sariling sambahayan dahil sa personal na galit, kahit nasa katuwiran pa tayo para magalit. Magpatawad tayo alang-alang sa Diyos.
Malinaw ang nais ng Diyos: magsisi ang mga nagkasala at magpatawad ang mga nasaktan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
sana may mga verses na kasama
TumugonBurahin