Kaligtasang Kaloob ng Diyos
1 Peter 1:3–9
Kung paano makaaabot sa Diyos ang tao ang matagal ng usapin. Maraming relihiyon ang nagsasabi na ang paraan ng kaligtasan ay sa pamamagitan ng mabuting gawa ng tao. At ang kaligtasan ay itinuturing na gantimpala sa mabuting gawa.
Ngunit sa Biblia at tamang katuruang Kristiano, malinaw na sinasabi ni Apostol Pablo na ang kaligtasan ay biyaya ng Diyos. At ito ay matatanggap sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoong Jesu-Cristo lamang (Efeso 2:8-9).
Ang mga apostol ay nagkakaisa sa doktrinang ito ng kaligtasan. Ang mabuting gawa naman ay inaasahang bunga ng pananalig sa Panginoong Jesus.
Ang Kaloob ng Diyos
Ang mga kaloob ng Diyos na mga biyaya ay "sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo". Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ni Apostol Pablo na ang kanyang pinakahahangad ay,
"Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay... (Fil. 3:10a)."
Sa ating aralin, may apat na kaloob ang Diyos na bunga ng muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. Dahil sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Cristo;
a. Tayo ay binigyan ng Bagong Buhay (v.3)
Ang pagiging Kristiano ay pagkakaroon ng bagong buhay. Ganito ang sabi ng Roma 6:4, "Samakatuwid, tayo'y namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay."
Maliban na ang isang tao ay magkaroon ng bagong buhay o ipanganak na muli, ang taong ito ay hindi tunay na sumampalataya at hindi maliligtas.
Ang bisa ng muling pagbuhay ni Cristo ay inaasahang makikita sa buhay ng bawat Kristiano sa pamamagitan ng ating pgbabagong buhay.
b. Tayo ay Pinagkalooban ng Isang Buhay na may Pag-asa (v.3)
Ang pag-asa (hope) ay pagkakaroon ng positibong pananaw sa kasalukuyang buhay dahil sa mga magagandang. mangyayari sa hinaharap. Dahil sa muling pagkabuhay, makakaasa tayo sa dakilang pag-iingat ng Diyos, mga dakilang pagpapala para sa ating mga pangangailangan, at sa ating makakamit na buhay na walang hanggan. Ang pag-asang ito ay nasa atin na, bagamat ang kaganapan nito ay sa hanaharap pa (Roma 8:24).
c. Tayo ay Pinagkalooban ng Kaligtasan
Ang muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus ay batayan ng pananampalataya sa Biblia na inaasahang sasampalatayanan ng isang nagnanais maligtas. Ang bunga ng tunay na pananampalataya ay kaligtasan (v.9).
Sa Roma 10:9 ay mababasa ang ganito,
"Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka."
d. Tayo ay Pinagkalooban ng Kagalakan
Ang tinutukoy dito ay hindi lamang masayang damdamin. Kahit ang mga namumuhay pa sa kasalanan ay maaring maging masaya. Ngunit ang mga nagpapasakop sa kapangyarihan ng Diyos nakakaranas ng tunay na pagpapala sa kabuoan ng kanilang buhay espiritual, emosyonal at material na kalagayan.
Ang mga nasa Panginoon ay may kapayapaan. Ang mga nasa kasalanan ay mayroong kasiyahang pagsamantala, ngunit wala silang kapayapaan (shalom). Ang isang tunay na Kristiano ay payapang makakaharap sa mga sakit, pagsubok o maging sa kamatayan, dahil alam niya na may nakalaang buhay na walang hanggan para sa kanya.
Ang isang makasalanan ay takot sa kahatulan ng Diyos, samantalang ang isang tunay na nakiisa kay Cristo ay hindi na hahatulan (Roma 8:1).
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento