Tinatakan ng Pag-ibig ng Diyos
John 13:31-35
John 13:31-35
Ang huling dalawang Sundays ng May 2019 ay medyo mabigat sa ilang manggagawa. Tinutukoy ko po yung mga pastor at mga deakonesa na lilipat ng destino.
Ang ating teksto mula sa Biblia ay kwento ng pamamaalam ng Panginoon Jesus.
Ang masaklap sa pa, sinasabi ng Panginoong Jesus ay mapait na katotohanan. Aalis siya at hindi nila siya makikita.
"Hindi kayo makakapunta sa paroroonan ko."
Parang sa mga lilipat na pastor. Walang susunod sa lilipatan. Bawal po iyun. At walang mag-hahabol. Marunong po ba kayong tumanggap ng mapait na katotohanan.
Sa isang banda, masasaktan ang kalooban ng mga alagad, ngunit inihahanda sila ng Panginoon sa kanyang pag-alis.
Ang kanyang pag-alis ay mahalaga. Ito ay paraan ng Diyos upang marangalan ang Ama at ang Anak.
Tandaan po natin na mas magaling ang Diyos kaysa atin. Magtiwala po tayo sa Diyos lalo sa panahon na hindi nasusunod ang gusto natin, sumunod po tayo sa gusto ng Diyos.
Sa panahon ng pamama-alam ng Panginoon, tinuruan niya ang mga alagad ng mahalagang aral, "Mag-ibigan kayo."
Nakapa-importante po nito.
Kailangan silang mag-mahalan. Kahit may mga kasama sa iglesia na mahirap pakisamahan.
May kakilala kayong ganito? Mahirap pakisamahan. Mahirap paki-usapan. Ok lang na may kakilala tayong ganun. Pero huwag sana tayong aasal ng ganito. Gayunman po, sabi ng sabi ng Panginoon, "Mahalin ninyo yang mga iyan."
May mga taong mahirap pakisamahan dahil may pinag-dadaana sila. Unawain natin sila.
Isang miembro ang nagsasawa na sa kakaunawa sa kapawa miembro ang nagpunta sa pastor. Sabiniya, Pastor, nakakaasar po ang miembro nating si_____________."
Sagot ni Pastor, "Unawain po ninyo. Baka po nag-lilihi lang."
Sagot ng miembro, "Pastor e lalaki po siya."
E mayroon po talagang ganun. Lalaki pero kasing-sungit ng mga naglilihi. Unawain parin sila.
May dahilan po ang utos na itong Panginoon.
1, Una, ang pag-ibig sa isa't nating mga Kristiano ang ating lakas.
Alam ninyo yung kwento ng mga Siber Tooth Tigers>? Ang mga tigers na ito ay malalaki, mabibilis at mabangis. Kahit mga Dinosaurs, talo nila. Natutumba nila ang mga mammoth. Pero ang mga tigreng ito ay madaling naubos sa mundo. Dahil sila mismo ay nagpapatayan, nagkagatan at nagka-ubusan ng lahi.
Kaya kung ayaw ninyong mawala ang iglesiang ito, huwag po kayong mag-aaway, ano po?
2. Pangalawa, ang pag-ibig sa isa't isa ang ating sandata upang magwagi tayo sa ebanghelismo. Ito yung ating patotoo sa ibang tao. "Magmahalan kayo sabi ng Panginoon. At malalaman nilang kayo ay mga alagad ko."
E kabait pala ng mga Kristianong Metodista! Nag-kakaisa!
Sali ako diyan!
Sali ako diyan!
Pero kung sira ang ating patotoo ng pagkaka-isa. Talo tayo diyan mga kapatid.
3. Pangatlo, ang pag-ibig sa isa't isa ng mga Kristiano ay ang "training' natin para matuto tayong mahalin ang ibang tao maging ang ating mga kaaway.
Inaaway ka kamo ng ka-miembro mo sa church? Mahalin mo.
Kapag nagawa mo ito, pati yung ibang kaaway mo, magagawa mong mahalin. Oh? Di bah?
Sabi ng Panginoon, "Kung yung mga gumagawa sa iyong mabuti, silalang amg mahal mo. Wala kang pinag-kaiba sa mga makasalanan."
Ngunit kung hindi mo kayang mahalin maging yung gumagawa ng masama sa iyo, hindi ka makakasunod sa Panginoon."