Lunes, Hunyo 29, 2015

Sermon - First Commandment

Diyos Muna!
Exodo 20:1-3

Alam mo ba ang Sampung Utos? Kabisado mo ba ang mga ito? Itinuturo mo ba ang mga ito sa iyong mga anak? Pinamumuhay mo ba ang mga ito? Ang serye ng mga aralin ngayong susunod na dalawang buwan ay tungkol sa Sampung Utos ng Diyos.
“Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos maliban sa Akin.”

Kailan nagiging diyus-syusan ang isang bagay?

Ano mang inuuna natin o pangunahin (highest priority or ultimate concern) na pinakamahalaga sa ating buhay ay siyang dinidiyos natin.  Ang isang dinidiyos ay hindi lamang sinasamba sa paraang pangrelihiyon, kundi siya ang napagkakalooban natin ng ating pinakamahalagang oras, kayamanan at lakas.

Ang Mga Utos ng Diyos

Ang mga utos ng Diyos ay hindi ibinigay para pabigatan at pahirapan tayo kundi para tulungan tayo ng Diyos tungo sa magaan, maayos at matagumpay na buhay.  Ang mga ito ay batas ng Diyos.  Ang mga batas, tulad ng “Law of Gravity” ay hindi pweding baliin.  Halimbawa, gusto mong lumundag mula sa 10th floor, siguradong hindi ka lulutang, at hindi mo mababali ang law of gravity sa iyong paglundag.  Ikaw ang magkakabali-bali! Tuwing sinusuway natin ang mga utos ng Diyos, sinasaktan lamang natin ang ating sarili.

Ang unang utos ay “huwag kang magkakaroon ng ibang diyos maliban sa Akin”, wika ng Panginoon.  Binabawalan tayong magkaroon ng “ibang” diyos dahil maari tayong gumawa ng ibang diyos sa ating buhay.  Hindi lamang rebulto ang tinutukoy dito, kundi kasama ang mga “ultimate concerns” o mahahalagang bagay sa ating buhay na inuuna natin bago ang Diyos.

PAANO GAGAWING UNA ANG DIYOS SA BUHAY?

May acrostic na ginawa si Rick Warren, F-I-R-S-T sa isa niyang mensahe tungkol sa araling ito.

F- finances, unahin mo ang Diyos sa mga paglalaanan mo ng iyong salapi.  Sinasabi sa Malakias 3:10 na dapat bigyan ng prioridad ang ikapu sa ating paggastos.  Unahin ang pagpapasalamat sa Diyos bago gamitin ang ating kayamanan sa ibang layunin.  May pangako ang Diyos kung susundin natin ito, ayon sa Kawikaan 3:9-11

Honor the Lord with your wealth,
with the firstfruits of all your crops;
then your barns will be filled to overflowing,
and your vats will brim over with new wine.(NIV)

I - interests, unahin ang Diyos sa mga interests mo sa buhay.  Maraming tao na makikita ang kanilang interest sa kaligayahan,  bisyo o libangan.  Hindi masama ang mga ito.  Ngunit, kapag ang mga interest natin ang nangunguna sa ating buhay at naisasantabi ang Diyos, ang  mga ito ay nagiging diyus-diyusan. Lalo kung magiging mababa ang ating pagpapahalaga sa mga bagay para sa Diyos.

sabi sa 1 Corinto 10:31;
      So whether you eat or drink or whatever you      do, do it all for the glory of God. (NIV)

R -relationships.  Ang kaugnayan natin sa ating kapwa, lalo sa ating pamilya ay mahalaga.  Pero, dapat pa ring mauna ang relasyon natin sa Diyos.  Hinihiling ng Diyos na unahin natin siyang mahalin ng buong puso, lakas, isipan at kaluluwa.  Pumapangalawa ang pag-ibig sa kapwa.  Maari kasing maging diyus-diyusan ang kapwa tao, na minamahal ng higit sa Diyos.  Ayon sa Lucas 14:26,
"Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin.”

S- schedule.  Sa ating panahon, paggising pa lang sa umaga, marami na tayong ginagawa at nakalatag na kaagad sa isip natin ang ating mga gagawin para sa maghapon.  Pero sa gitna ng ating mga busy days, at pagmamadali, may oras ba tayo para sa Diyos? Ang Diyos ay maaring magtampo kapag siya ay nakakalimutan. Ayon sa Jer 3:21-22

“A cry is heard on the barren heights,
the weeping and pleading of the people of Israel,
because they have perverted their ways
and have forgotten the Lord their God.” (NIV).
 
 a. kailangang isama ang pananalangin at pagbabasa       ng Bible sa ating daily routine.
  b. Isang oras sa buong linggo ay sumali sa
      Small Group Bible Study o cell group.
  c.Magsimba tuwing Linggo.

T- troubles.  Sa mga kabalisahan natin, Inuutusan tayo ng Diyos na ilagak natin sa kanya ang ating mga pasanin.
Sabi sa Awit 50:10,
“Call upon me in your days of your trouble,
and I will deliver you and you will honor me.”

Mahalagang isipin din natin kung kanino tayo tumatakbo tuwing kailangan natin ang tulong.   Sa ganitong paraan binibigyan natin ng pagpapahalaga ang Diyos kapag sa kanya tayo bumabaling sa oras ng pangangailangan.

Mga Pagtalakay:

1. Kailan nagiging kapalit ng Diyos ang isang bagay o  tao sa ating buhay?

2. Ano ang masasabi mo tungkol sa pagiging seloso ng Diyos?

3. Alam natin na hindi “insecure” ang Diyos.  Pero bakit gusto niya na siya ang laging inuuna?  Paanong   nakabubuti para sa ating kapakanan ang unahin ang Diyos?



Sermon - 2nd Commandments

Bawal ang Idols
Exodo 20:4-5

Ang mga idolo ay mga bagay o tao na kukuha sa lugar ng Diyos sa ating buhay.  Sila ang mga bagay na minamahal natin at inuuna bago ang Panginoon.  Ano mang bagay na nagiging karibal ng Diyos sa ating buhay, kahit ito pa ay mabuti - ito ay idol!  Ang mga idolo ay nanghihikayat sa atin upang mawala ang ating focus sa Diyos. Ang pangalawang utos ay nagsasabing, “Hindi mo kailangan ang mga idolo, sambahin mo lamang ay ang Diyos.”

Ano ang mga idolo?*

Sa Lumang Tipan ay may tatlong idolo o diyus-diyusan.  Si Baal ang idolo ng sex, si Mammon, ang idolo ng pera, at si Molech ang idolo ng kaguluhan o violence.  Ang mga ito ay mga metal images, nililok mula sa kahoy, bato o bakal, at pagkatapos bigyan ng hugis, sila ay sinasamba.

Sa ating panahon, ang mga idolo ay hindi na metal images, kundi mental images o mga bagay na nasa isip ng mga tao.  Mga bagay na inaasam, tulad ng pagnanais na maging sexually attractive (pagsamba kay Baal), sambahin ang pera (pagsamba kay Mammon) at ang pagka-uhaw sa kapangyarihan (power) para masakop ang kapwa (pagsamba kay Molech).  Ang kapangyarihan ng mga idolo ay makikita araw-araw.  Nandiyan ang produkto na humihikayat sa atin, para “habulin ka ng mga babae”, o programa sa TV na magpapayaman sa iyo, o mga tao

Mapapansin na kahit sa ating pahanon, pumapasok ang mga diyus-diyusang ito sa ating buhay na hindi natin namamalayan. Sabi ng Biblia, mapanganib sila dahil;

1. Nagbibigay sila ng kabiguan.  Ang mga idolo ay may mga mensahe ng pangako na hindi natutupad. Mga bagay na binibili natin, o pinagtutuunan natin ng pansin o maraming pera, para gumanda tayo at maging sexy, yumaman o magkaroon ng kapangyarihan. Sabi sa Jeremiah 10:14,  “Ang bawat tao ay hangal at walang kaalaman; bawat  platero ay inilalagay sa kahihiyan ng
kanyang mga diyus-diyosan.”

2. Sila ang magpapatakbo ng iyong buhay at kokontrol sa buhay mo.   Ang katumbas ng idolatry sa ating panahon ay “addiction”! Addiction  sa sex, droga, bisyo, sa sugal, sa sports, sa pelikula sa mga palabas sa TV, concerts performers, internet games, etc. Sila ang mga bagay unti-unting naglalayo sa atin mula sa Diyos at sa pananampalataya.

3. Ipapahamak nila tayo! Binabago nila ang takbo ng ating buhay, mula sa routine ng ating pagtulog, pagggamit ng pera, hihigupin nila ang ating lakas, at panahon.  Bago, sila ang uukitin natin, pero sa huli, ang mga idolo ang uukit sa ating buhay hanggang nakikita na lamang natin ang ating sarili na nawawasak, bumabagsak na grades, nasisirang relasyon sa pamilya at papalayo na pala tayo sa Diyos.

Sambahin lamang ang Diyos!

Sabi ng Diyos, “Ako lamang ang inyong sasambahin!”  Ang pagsamba ay pagbibigay ng pinakamataas na devotion and love.  Ang Diyos ang karapat-dapat bigyan ng ating pinakamataas na loyalty.

May dalawang motibo kung bakit mas gusto ng mga tao ang mga idols;

1. to limit the location of their god. Ang tunay na Diyos hindi limitado, pero ang idol, limitado siya at ito ang gusto ng marami.  Ayaw ng maraming tao na laging nandiyan ang Diyos na nakakakita ng lahat ng kanilang ginagawa.  Mas gusto nila ang isang diyus-diyosan na nasa simbahan lang, at sasambahin nila siya kapag gusto lang nila.

2. to limit the power and size of their god.  Ang gusto ng tao ay isang diyos na kontrolado ng tao. Mas gusto nila ang diyos na sumusunod sa gusto nila, kaysa sa tunay na Diyos na susundin natin.

MABUTI ANG SUMUNOD SA DIYOS!

1. Nagdudulot ito ng tunay na kagalakan.

Sabi sa Awit  37:4, “Seek your hapiness in the Lord and He will give you the desires of your heart.” Pero siyempre, ang mga gusto natin ay dapat na naaayon sa kanyang kalooban.

2. Ito ang magpapalaya sa atin  

Sabi ng Panginoong Jesus,  “Sundin ninyo ang aking mga utos, dahil ito ang katotohanan.  At ang katotohanan ang siyang magpapalaya sa inyo.”  

“Ang pinalaya ng Anak ng Diyos ay tunay na malaya.”

Ang kalayaang ito ay tunay.  Sa ating pag-focus sa Diyos, para Diyos lang ang mapasaya, hindi na natin kailangang i-please ang ibang tao. Ang mahalaga ngayon ay ang sasabihin ng Diyos at hindi ang sasabihin ng ibang tao.

Malaya na tayo sa ating nakalipas.  Hindi na tayo alipin ng aking nakaraan.  Hindi natin mababago ang ating nakalipas, pero babaguhin ng Diyos ang ating kasalukuyan at ang ating hinaharap sa buhay.

PERSONAL NA KILALANIN ANG DIYOS

Walang kapalit ang Diyos. Siya ang pinagmulan ng ating buhay at siya ating hukom.

Maari lamang siyang sambahin sa pamamagitan ng pagkilala kay Jesus, dahil si Jesus ang, “Larawan ng Diyos na hindi nakikita” - ayon sa Colosas 1:15.

Gawing sentro ng iyong buhay si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas.  Siya lang ang ating sambahin, dahil Siya lamang ang Diyos---ang ibang idols ay mga ...FAKE!


Sermon - 3rd Commandment

Tamang Paggamit sa Pangalan ng Dios

Ang pangalan ay mahalaga. Dahil dito iniuugnay ang karangalan (reputation), pagkatao (character) at ang kapangyarihan (authority) ng isang tao. Ang taong may “sirang pangalan” ay wasak ang reputasyon. O di kaya’y hindi na iginagalang.

Ang Pangalan ng Diyos

Nang magpakilala ang Diyos kay Moses, sinabi ng Panginoon na “Ako ay Ako” ang kanyang pangalan. Isang Diyos na hindi nagbabago at nakapangyayari. Siya ang Diyos na lumikha at nagpapanatili sa lahat ng bagay. Ang Diyos ay makapangyarihan at naka-ugnay sa kanyang pangalan ang kanyang kadakilaan. Ang kanyang pangalan ay banal. Hindi sinasambit ng mga Judio ang pangalan ng Diyos dahil sa kabanalan nito. Maging ang mga sumulat sa Biblia ay hindi basta-basta gumamit ng pangalan ng Diyos, dahil sa lalim ng kanilang paggalang sa Diyos.

Maling Paggamit ng Pangalan ng Diyos

1. paggamit sa pangalan ng Diyos sa panlalait ng tao lalo kapag tayo ay nagagalit. Halimbawa, “Diyos ko namang bata ka!” “Santisima namang tao ka!”

2. paninisi sa Diyos sa mga pangit na nangyayari sa ating buhay.

3. ginagamit na panakot ang Diyos. “Aha, magagalit sa iyo si papa Jesus!” At may mga pastor o TV evangelists na ginagamit ang Diyos upang kumita mula sa mga tao gamit ang Diyos bilang panakot.

4. Ang paggamit ang mga religious jargons o salitang relihiyoso. Halimbawa, “Alam mo brother, praise the Lord Jesus, na bless ako kanina sa...Praise God!”. Walang masama dito subalit tandaan na ang salitang walang kaakibat na gawa ay walang kabuluhan. Kahit pa sabihin ng isang tao na mahal niya ang Diyos, kung wala itong katibayang makikita sa buhay ay walang kabuluhan at nagiging pagkakasala. Sabi sa Tito 1:16,
“They claim to know God,
   but their actions deny Him.”

Maging sa panalangin, iwasang gamitin bilang “filler” o panugtong ang pangalan ng DIyos. Halimbawa, “Panginoon, salamat po, Jesus sa lahat Panginoon ng mga pagpapala, Panginoon.” Ang ganitong paraan ay paggamit sa salitang :Panginoon bilang salita na sumusulpot lamang sa mga sentences ng panalangin.
Ang paggamit ng pangalan na tumutukoy sa Diyos ay kailangang gawin ng may pag-iingat, may takot at paggalang sa Diyos.

5. Pagsambit sa pangalan ng Diyos kapag nabibigla. “Hesus, maryosep!” “Aayy! Diyos ko!” Pero kapag hindi nabibigla, hindi naman nananalangin. Ang “impulsive” na paggamit ng pangalan ng Diyos ay pagsambit sa Diyos na hindi nag-iisip. Sabi ng Panginoon, “These people worship me with their lips but their hearts are far from me.”

Tandaan - ang pangalan ng Diyos ay may kaugnayan sa kanyang power, character at reputation.

Ang Tamang Paggamit sa Pangalan ng Diyos

1. gamitin ito sa diwa ng pagsamba. Sabi sa Awit 29:1,
“Purihin ang Panginoon, ninyong banal na nilalang.    Pagkat siya ay dakila at banal ang kanyang ngalan.”

2. maingat na ipamuhay ang paniniwala sa Diyos.
Ayon sa 2 Timothy 2:19b,

“Ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon, ay dapat lumayo sa kasamaan.”

3. lubusang magtiwala sa pangalan ng Diyos. Sabi sa Awit 33:21, “Dahilan sa kanya kami’y natutuwa, sa kanyang ngalan ay nagtitiwala.” Sabi rin ng Panginoong Jesus sa Juan 14:14, “Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko.”

4. tanggapin ang kaligtasang kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon. Ayon sa Gawa 4:12,

“Kay Jesus lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit, ang kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng Diyos sa ikaliligtas ng tao.”
Sabi rin sa Roma 10:13, “Maliligtas ang mga tumatawag sa pangalan ng Panginoon.”

Mga Talakayan

1. Bakit ganito na lamang ang paggalang na hinihingi ng Diyos sa kanyang pangalan?
2. Ano ang ibig sabihin ng paggamit natin sa dulo ng ating panalangin na “sa pangalan ni Jesus”? Ano ang kaugnayan nito sa Juan 14:13-14?

Sermon - 4th Comandment

Kailangan Mo ng Day-Off!
Exodo 20:8-9

Lagi ka bang pagod, at parang wala ka nang pahinga sa buhay?  Do you feel guilty when you take a rest? Pakiramdam mo ba, ‘pasan mo ang daigdig”?  Ang pang-apat na utos ng Diyos ay ganito, “Magpahinga ka!”  Sa ating panahon, kahit marami na ang mga imbensyon upang maging mabilis ang mga gawain, lalong naging abala ang tao.

Ang ating aralin ay nagsasabing, “Remember the sabbath day, and keep it holy. 9 Six days you shall labor and do all your work. 10 But the seventh day is a sabbath to the Lord your God; you shall not do any work — you, your son or your daughter, your male or female slave, your livestock, or the alien resident in your towns.

11 For in six days the Lord made heaven and earth, the sea, and all that is in them, but rested the seventh day; therefore the Lord blessed the sabbath day and consecrated it.” (NRSV)

Ano ang Sabbath?

Ang Sabbath ay araw ng pagsamba at pahinga. Ito ay utos ng Diyos upang hindi tayo “ma-burnout” o masobrahan ng pagod.  Ayon sa Panginoong Jesus, Ang Sabbath ay ginawa para sa tao, at hindi ginawa ang tao para sa Sabbath.”(Marcos 2:27).  Ibig sabihin, ang Sabbath ay ginawa ng Diyos para sa ating pakinabang. Ito ang solusyon ng Diyos para sa nakakapagod na takbo ng ating buhay.

Ang sabbath ay isang araw ng pahinga sa buong linggo.  Sa mga Judio ito ay Sabado, para sa mga Muslim, tuwing Biernes, at sa mga Kritiano ay tuwing Linggo.

Bakit Linggo ang Pagsamba ng mga Kristiano?

Ang mga unang Kristiano ay nagsisimba ng Sabado, dahil sila ay kadalasang mga Judio.  Subalit dumating ang panahon na ang iglesia ay nagtipon ng Linggo, bilang  paggalang sa araw ng muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus.  Ang araw ng Linggo ay tinawag na “the Lord’s day” ni apostol Juan sa Revelation 1:10.

Ayon sa Roma 14:6 at Colosas 2:16-17, hindi na nakatali ang mga Kristiano sa kung aling tuntunin ng pagkain o araw ng sabbath dahil si Jesus ang higit na mahalaga kaysa mga ito. Kung gayon, ang araw ng Linggo ay maaring gamitin bilang araw ng pagsamba at pahinga para bumalik ang ating lakas at sumigla ang ating espiritu

Ano ang mga bagay na dapat gawin sa Sabbath?

Keep it holy - panatilihin itong banal at gamitin ito sa pagsamba sa Diyos.  Ang ibig sabihin ng banal ay “nakabukod para sa Diyos”.   Nais ng Diyos na magbukod tayo ng especial na araw para lang sa kanya.

Tamang Paggalang sa Sabbath

1. Bigyang pahinga ang katawan, utos ito ng Diyos.
    Sabi sa Awit 127:2,
     “Di na dapat magpahirap, magdibdib sa hanapbuhay.       Agang-agang mag-umpisa’t gabing-gabi kung    humimlay.  Pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang    kanyang mahal.”

Kahit ang Awit 23:1-2 ay nagsasabing kalooban ni Yahweh ang bigyan ng kapahingahan ang kanyang mga tupa.

2.  Palakasin ang espiritual na buhay.  Kailangan ng sinumang tao ang lakas sa espiritu.  Ang ating emosyon, ay nauubusan din ng lakas.  Ang pagsamba ay gawain upang tayo ay mag-recharge sa Diyos, at magpalakas sa ating buhay espiritual.  Sa panahon ng French Revolution, inalis ng French Government ang  paggalang sa araw ng Linggo bilang pahinga.  Ang resulta, marami sa mga mamamayan nila ang bumagsak ang kalusugan. Dahil dito, ibinalik nila sa kanilang batas ang pahinga ng lahat tuwing Linggo.

Mga Gawaing Kristiano Tuwing Linggo

1.  Tahimik na manalangin, magbasa ng Biblia (Quiet time)
Sa isang tahimik na  “batisan” ayon sa Awit 23:3, tayo ay inaakay ng Panginoon. Ang quiet time ay mahalagang gawaing Kristiano, dahil sa ganitong paraan, nakikitagpo  tayo sa Diyos. Maari itong gawin tuwing Linggo, paggising o araw-araw sa umaga.

2.   Magsimba.  Makipagfellowship sa iglesia.
Sabi sa Hebreo 10:25,
     “Huwag kaligtaan ang pagdalo sa ating mga      pagtitipon gaya ng ginawa ng ilan, kundi palakasin       ang loob ng isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating            nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.”

3. Bigyang panahon ang pamilya. Ang sabbath ay utos ng Diyos para patatagin ng bawat Kristiano ang kanyang pamilya. Maging ang mga kabataan ay dapat na nagbibigay ng oras upang samahan ang kanilang mga magulang sa bahay at huwag magbulakbol tuwing Linggo, pagkatapos ng gawain sa iglesia.

Mga Talakayan

1.  Maraming tao ang nagnanais magtagumpay sa buhay at madalas makalimot sa pagsamba sa Diyos at wala silang panahon sa kanilang pamilya. Ano sa palagay mo ang mabuting pakinabang ng Sabbath sa kalusugan ng katawan, espiritu at ng pamilya?

2. Payag ka ba na isa-batas ang pagsasara ng mga tindahan, malls at business tuwing Linggo,katulad ginagawa ng ibang bansa?




Sermon - 5th Commandment

Igalang Mo ang Iyong Ama’t Ina
Exodo 20:12

Ang mga batas ay tuntunin ng Diyos para sa maayosl na daloy ng buhay.   At kapag nilalabag natin ang mga batas ng Diyos, ito ay ikapapahamak natin.  Maraming tahanan ang napapahamak dahil sa hindi pagsunod sa mga utos ng Diyos.  Sa atin panahon maraming mag-asawa ang naghihiwalay at maraming bata ang nasasaktan.  Ang mga batas ng Diyos ay solusyon sa marami nating suliranin.  Kung susundin lamang natin ang mga ito.

Ang ating aralin ay ang ika-limang utos ng Diyos.  Ito ay utos para sa mga anak.

    “Igalang mo ang iyong ama’t ina. Sa gayo’y       mabubuhay kayo ng matagal sa lupaing
     ibibigay ko sa inyo.”(MBB)

Bakit Ibinigay Ito ng Diyos Bilang Utos?

1. Una dahil, walang perfectong magulang.

Dahil ang lahat ay nagkakamali at nagkakasala.  Ang  pagrespeto ay dapat gawin bagamat hindi perfecto ang mga magulang.  May tatlong bagay na pinaglalagakan ng respeto; ang pamilya, simbahan at ang pamahalaan. Ang bawat isa ay may mahalagang papel na ginagampanan sa buhay ng tao para sa kaayusan ng lipunan.  Ang paggalang sa magulang ay dapat gawin, kahit nagkakamali ang mga magulang.

2. Ang pagrespeto sa kapangyarihan ay dapat magsimula sa tahanan.
May mga utos na sa ayaw natin o hindi, ay kailangan nating sundin.  Sa trabaho, kailangan tayong sumunod sa nakatataas.  Sa mga batas trapiko, o sa gobyerno, may mga maykapangyarihan na dapat sundin.  Ang natutong sumunod at gumalang sa loob ng tahanan ay magiging mabuting mamamayan.  

3. Ang pagtrato natin sa ating mga magulang ay may epekto sa ating pakikitungo sa ibang tao.

Marami ang nawawasak na tahanan dahil sa mga nag-aasawa na may sirang relasyon sa kanilang magulang. “Katulad ka lang ng aking tatay.” wika ng isang babae habang nag-aaway sila ng kanyang asawa.  Hindi alam ng babae na ang galit niya sa kanyang magulang ang ibinubunton niya sa kanyang asawa.

4. Ang paggalang ay paraan ng Diyos upang mabigyan niya tayo ng mapagpalang buhay.

 Nais ng Diyos na maging puno ng pagpapala ang ating buhay.  Subalit kung ayaw nating igalang ang ating mga magulang, ay sumusuway tayo sa Diyos.  Tayo mismo ang humahadlang sa mga pagpapala ng Diyos  sa atin.
Paano Natin Igagalang ang Ating mga Magulang?

Depende sa ating edad, iba-iba ang stages ng paggalang sa magulang.

1. Kapag bata at kabataan pa, ang paggalang sa magulang ay lubusang pagsunod, o total obedience.
Gaya ng sabi sa Efeso 6:1; “Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang alang-alang sa Panginoon, sapagkat ito ang  nararapat.”
Sa puntong ito ng buhay, sila ang masusunod.  Sila kasi ang nagpapakain sa iyo, nagpapa-aral sa iyo, bumubuhay sa iyo. Kaya kapag bata pa, sumunod sa magulang ng walang pasaway.

2. Bilang young adult, igagalang mo sila.  Sa puntong ito, magsisimula mo nang mapuna ang mga kamalian ng iyong magulang.  At sa kabila ang kanilang mga pagkakamali, kailangan mo silang igalang at tanggapin.  Huwag mo sanang sasabihin na wala kang magagawa  kundi tanggapin sila.   Mga magulang din, they have no choice but accept you as their child. Accepting our parents doesn’t mean that you will pretend that they are perfect.  Lalong hindi ito nangangahulugan na hindi mo na titignan ang kanilang kamalian.  Hindi hinihingi sa iyo na susunod ka sa lahat ng gusto nila, dahil may sarili ka nang isipan sa puntong ito at baka may trabaho ka na. Alam ng iyong magulang na naghahanap ka na ng kalayaan. Pero hindi mo kailangan ang pagrerebelde para makamit mo ang kalayaang ito.   Paano sila tatangapin at igagalang?

a.  tandaan mo na sila ang nagbigay sa iyo ng buhay at     nagpalaki sa iyo.  Anumang uri ng magulang sila, sila lang    ang nakagawa nito para sa iyo.
b.  makinig ka sa kanilang sinasabi. Igalang mo ang kanilang     opinyon.  Ayon ito sa Kawikaan 23:22,
    “Pakinggan mo ang iyong ama na pinagkakautangan     mo ng buhay, at huwag mong hahamakin ang iyong  ina       sa kanyang katandaan.”
c.  ang pagtanggap at paggalang sa magulang ay     mangangailangan ng pagpapatawad sa kanilang mga     pagkakamali o pagkukulang sa iyo.

3.  Bilang adult, igalang mo ang iyong magulang, huwag mo silang pababayaan kapag sila ay matanda na.
Sabi sa Kawikaan 3:27,  “Ang kagandahang loob ay huwag ipagkait sa kapwa, kung ikaw ay may kakayahan na ito ay magawa.”  Hindi dapat ipagkait sa magulang ang pag-aruga sa panahon ng kanilang katandaan.

Para sa mga magulang may paalala rin ang Biblia.

Sa  Efeso 6:4, “Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong anak dahil sa labis na kahigpitan, sa halip palakihin sila sa tuntunin at aral ng Panginoon.”
a. mamuhay po tayo ng kagalang-galang sa ating mga    anak.  Magpakita tayo ng mabuting halimbawa na    maari nilang tularan sa kanilang pagtanda.
b. The key to good parenting is loving discipline.
c. Ipakilala sa kanila ang Diyos. Palakihin sila na    sumasamba at naglilingkod sa Panginoon.


Sermon - 6th Comandment

Huwag kang Papatay

Marahil ang utos na ito ang pinakamadalas pagtalunan sa mga Sampung Utos at maging sa mga batas sa kasalukuyan.  May kaugnayan ito sa usapin ng abortion, death penalty, animal killings, at sa euthanasia (pagkitil ng isang taong humihinga pa sa tulong ng mga aparatong medikal ngunit patay na ang utak).  Ang utos na ito ay madaling unawain, ngunit masalimuot.

Huwag kang papatay!

Ang mga hindi sakop ng utos na ito,

1. Hindi bawal ang pagkatay ng hayop upang gawing pagkain ng tao. Ayon sa Genesis 9:3;

“Gaya ng mga halamang luntian na inyong kinakain, lahat ng mga ito'y maaari na ninyong kainin.”

2. Hindi pinagbabawal ang capital punishment lalo sa Lumang Tipan dahil sa utos na ito.  Dahil ayon sa Leviticus 24:17,

"Ang sinumang pumatay ng kapwa ay papatayin din.”

Sa interpretasyon ng iba, ang prinsipyo nito ay may kaugnayan sa pagpapatupad ng mga pamahalaan ng batas para sa kaayusan  at hustisya sa lipunan.  Sabi ng iba, “Kung ang krimen katulad ng pagpatay ay walang parusang kamatayan, ang pamayanan ay magkakagulo.”

3. Hindi rin oinagbabawal ng utos na ito ang pagsasanay ng mga sundalo para sa digmaan. Naghahanda ang mga bansa ng pwersang militar upagn hindi sila sakupin ng ibang bansa, at sa ganitong paraan naipagtatanggol nila ang sariling kasarinlan.

Ano ang halaga ng utos  na ito kung gayon?  Tayong Pilipino ay nakakaranas ng pagpatay araw-araw ayon sa balita.  Mga patayan, aksidente, holdapan at awayan.  Sa totoo lang, parang manhid na tayo sa ganitong mga usapin.  Ano nga ba ang mensahe ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng utos na ito?

Mahalaga ang buhay para sa Diyos.  Ito ay banal na kaloob ng Diyos.  higit sa ibang bagay, kalooban ng Diyos na bigyan natin ng pagpapahalaga ang buhay ng tao.

Ano ang tamang pagsunod sa utos na ito ng Diyos?

1.  Kasalanan ang magpakamatay.  Ang Diyos ang may karapatang kumitil ng buhay.  Gaano man kahirap ang kalagayan ng isang tao sa buhay, wala siyang karapatang kitlin ang sarili.  Sabi sa Job 14:5,

“Sa simula pa'y itinakda na ang kanyang araw, at bilang na rin ang kanyang mga buwan, nilagyan mo na siya ng hangganan na hindi niya kayang lampasan.”
Gaano man kahirap ang karanasan ng tao, ang pagpapatiwakal ay hindi solusyon. Mahal tayo ng Diyos at nakahanda siyang palagi upang tumugon sa oras ng ating suliranin.

2. Ang abortion ay pagpatay.  Ayon sa panuntunan ng United Methodist Church, ang abortion ay maari lamang kung nanganganib ang ina at sanggol sa loob ng tiyan.  Kung iisa lamang sa kanila ang maaring iligtas, karaniwang mas pipiliin ng pamilya ang kaligtasan ng ina.

Sa ibang bansa, ang mga sanggol na bunga ng rape o incest (rape sa loob ng pamilya), ay maaring dumaan ng abortion procedures.  At sa ganitong sitwasyon, ang ina ang pinapipili kung bubuhayin o aalisin sa kanyang sinapupunan ang fetus.

Ang mga bata ay regalong mula sa Diyos.  Ang bawat buhay ay mahalaga.  Ang mga bata ay pinapanganak sa  pamamagitan nating mga magulang.  Hindi sila  galing sa atin, dumadaan lamang sila sa atin mula sa Diyos.

May karapatan ang bawat bata na maipanganak, dahil ang Diyos ang nagbigay buhay sa kanila.  Ang mga babae na pinagsamantalahan ay dapat unawain  dahil sa hirap na kanilang pinagdadaanan.  Gayunman, ang abortion para sa iba ay hindi pa rin dagliang solusyon sa ganitong  uri ng problema.

Ang anumang uri ng pagpaslang ay dapat iwasan, lalo ang digmaan.  Ang pwersang militar, ay  dapat gamiting panghuling alternatibo o “last resort”.  At hindi rin mabuti  kung magyabang ang isang malaking bansa dahil sa lakas ng kanilang armas sa pakikidigma, upang sakupin ang mga maliliit at mas mahirap na gobyerno.

Ang utos ng Diyos ay huwag tayong papatay.  Ito ay utos upang igalang natin ang buhay ng ating kapwa ng sarili.  Huwag tayong gagawa ng anumang hakbang upang sirain ito.  Ang tungkulin ng iglesia ay ang akayin ang mga tao tungo s pangako ng Panginoong Jesus na nagwika, “ Dumating ako upang bigyan ko kayo ng buhay.”

Mga Tanong:

1. Ano ang palagay mo tungkol sa euthanasia o mercy killing?  Bilang Kristiano, ano sa palagay mo ang dapat nating maging paninindigan sa usaping ito?

2. Bawal ang abortion sa Pilipinas, ngunit madalas labagin ito ng marami.  Ano ang opinyon mo sa usaping ito?  Ano pa ang alam mong ayon sa batas at sa Biblia ang tungkol dito?
   

Sermon - 7th Commandment

Ingatan ang Dangal ng Pamilya
Exodo 20:14

May mga warning signs sa mga delikadong  palikong daan na nagsasaad ng “NO OVERTAKING”.  Ang pagsuway sa ganitong batas ay nakamamatay.

Ang paglalagay ng warning signs ay para sa kaligtasan ng lahat.

Ang Diyos ang nagbigay ng mga utos, bilang “warning signs” upang iligtas tayo sa kapahamakan.  Ang mga utos ay tanda ng pagmamahal ng Diyos sa atin.  Ang ikapitong utos ay “Huwag kayong mangangalunya.”

Ang utos na ito ay “protection plan”  ng Diyos para sa pamilya at personal na buhay.  Ang ating aralin ngayon ay maaring magdulot ng sakit ng kalooban sa iba sa atin, dahil ito ay sensitibo.  Pero ang layunin natin ay hindi upang makasakit, at lalong ayaw nating mapahiya ang sinuman.  Kung nagkasala tayo sa nakaraan, humingi tayo ng tawad sa Diyos, at hindi na tayo dapat mahiya.

Ang ‘guilt feelings” na nararamdaman ng isang nagsisi na ay hindi po mula sa Diyos kundi sa diablo.  Huwag tayong papayag na pahirapan pa tayo ni Satanas sa mga kasalanang pinatawad na ng Diyos.

Hindi naman po tayo binabawalan ng Diyos sa paggamit ng sex.  Ang ipinagbabawal ng Diyos ay ang maling paggamit nito.  Tulad ng pag-gamit ng tubig, mabuti  ito kung nagagamit ng tama, ngunit kung sobra na, ito ay nakakalunod.  Ang apoy din ay mabuti, ngunit kung nagagamit sa maling paraan, ito ay nakakasunog.  Gayun din ang sex, ang maling paggamit nito ay masisira sa buhay ng tao.

Sinasabi ng Biblia ang ganito tungkol sa mga-asawa, “Dapat igalang ng lahat ang pag-aasawa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakiki-apid at mga nangangalunya.”

Madali ang mag-asawa, ngunit mahirap ang magpamilya.  Dahil sa kaluwagan ng mga paniniwala at paninindigan sa ating panahon, ang sex ay parang pwede kahit saan at kahit paano at kahit kailan. Halimbawa, sa mga patalastas sa TV, alak man, o kotse, at maging sa pagkain minsan, ang mga komersyal ay may sexual connotations.  Sa isang survey ng Reader’s Digest, lumilitaw na 50% sa mga lalaki at 35% sa mga babae ang nahuhulog sa ganitong uri ng tukso.  At kahit sa mga Kristiano, marami rin ang nahuhulog dito.

Ang tungkulin natin ngayon ay ang ingatan ang malinis na buhay na kaloob ng Diyos, bilang mga pinatawad na.
Dala natin ngayon ang isang bagong buhay na kaloob ng Diyos sa atin.  

Mga Paraan ng Pagsunod sa Ikapitong Utos

1. Sundin ang mga Pamantayan ng Diyos.  Anuman ang  ating nakalipas at nagawang pagkakamali, dapat tayong manindigan ngayon, na hindi na tayo susuway at  susunod na tayo sa mga pamantayan ng Diyos (standards of God).  Ang sex ay para sa mag-asawa.  Hindi para sa bago mag-asawa at hindi rin sa labas ng pag-aasawa.  Sabi ng Awit 119: 9, “Paano iingatang maging wagas yaong buhay ng isang tao ang kanyang kabataan? Ang sagot ay , “Sumunod siya sa banal mong kautusan.”

Si Joseph sa Aklat ng Genesis ay isang mabuting halimbawa.  Ibinenta siya ng kanyang mga kapatid at tinukso, ngunit hindi nahulog sa pagkakasala dahil may takot siya sa Diyos.  Kailangan tayong sumunod sa Diyos, kahit hindi tayo nasisiyahan sa ibang nangyayari sa ating buhay.  Kailangan tayong manatiling sexually pure bilang Kristiano.

2. Huwag pababayahang sirain tayo ng mga Kasalanang Seksual.  Maraming tao ang nakalilimot sa halaga ng dangal.  Ang mga sexual sins ay nag-iiwan ng malalim na bakas sa emotional at espiritual na buhay ng tao.  Sikapin nating mapanatiling malinis ang ating buhay para sa Diyos, lalo na’t ang ating katawan ay templo ng Diyos.  Parurusahan lamang ng Diyos ang wawasak sa kanyang templo (1 Cor. 3:16-17).  Sabi rin sa Kawikaan 6:29, “Ang sisiping sa asawa ng kapwa, tiyak siyang magdurusa dahi ito ay masama.”

3. Pangalagaan natin ang ating relasyon sa pamilya. Dahil sa paggalang at pag-ibig ng mag-asawa sa isa’t isa, nagiging karapat-dapat ang mga anak sa Diyos (1 Cor. 7:14) Kapag maayos ang relasyon ng mag-asawa, ito ay nagiging inspirasyon at mabuting halimbawa sa mga anak.

Dapat ding ibigay ng mag-asawa ang pangangailangan emotional at sexual ng isa’t isa.   Ang pangangailangan ng bawat isa ay kakaiba, kaya kailangang gawin lahat na may pag-ibig ang lahat upang pagyamanin ang relasyon ng mag-asawa.   Ayon kay Dr. Willard Harley, sa aklat niyang His Needs, Her Needs,

  Kailangan ng Lalaki                 Kailangan ng Babae
  Sexual Fulfillment                  Affection
  Recreational Companion           Conversation
  Attractive Spouse                     Honesty and Openness
  Domestic Support                     Financial Support
  Admiration                     Family Committment

4. Panatilihing Malinis ang Isipan Pagdating sa Sex.
   Ang anumang kasalanan ay nagsisimula sa isipan.     Kailangan tayong umiwas sa mga malalaswang usapan   at panoorin.

5. Mag-ingat upang hindi mahulog sa tukso.

a. Huwag makikinig sa marital problems ng ibang tao mula    sa opposite sex.  Ang sympathy ay maaring maging    dahilan ng tukso dahil sa awa.
b. Mga babae, huwag maghahanap ng “sexually colored    compliments” mula sa hindi mo asawa.
c. Mag-ingat sa mga “nadedevelop na emotional relation    ships” sa sobrang titig at touches sa opposite sex.
d. Kung makaramdam ng tukso, umiwas habang maaga.

Sermon - 8th Commandment

Pagpapayaman sa Tamang Paraan
Exodo 20:15

Nais nating yumaman, subalit bilang Kristiano, ito ay may nararapat na paraan.  Ang utos ng Diyos ay, “Huwag kayong magnanakaw.”

Ang pagnanakaw ay may ibat-ibang anyo na hindi dapat ginagawa ng mga Kristiano.

Ibat-ibang Anyo ng Pagnanakaw

1. Sabi sa Amos 8:5, “Tataasan namin ang halaga, gagamit kami ng maling takalan at dadayain namin sa timbang ang mga mamimili.”

Kasama na dito ang mga unnecessary tests ng doctor, o hindi naman kailangang repair, ngunit pinapabayad sa customers.

2. Pagnanakaw sa mga amo o employers.
Hindi lamang ang pag-uuwi ng gamit mula sa kumpanya ang kabilang dito.  Ang hindi pagpasok sa tamang oras, ang sobrang break time o lunch time, kung kailan binabayaran ka sa oras ng iyong trabaho, ngunit hindi nagagamit sa produktibong paraan.

3.  Hindi pagbabayad ng pagkakautang.  Kabilang dito ang mga bayarin sa electric, at water bills, charges at iba pang pagkakautang na ipinangako natin sa kapwa. Ang hindi pagtupad sa mga pangakong babayarin na walang paghingin ng paumanhin ay pagpapahirap sa pinag-utangan.  Ang hindi pagpapasweldo ng tama ay isa ring pandaraya.

4. Hindi pagsasauli ng bagay na hiniram.  Baka mayroon tayong gamit na hiniram ngunit hindi naibabalik, minsan wala namang masamang motibo, sadyang nakalimutan lang talaga.  Nakakahiya mang ibali, pero mas mainam na po na haharap tayo sa Diyos na may malinis na budhi.

5. Pandaraya sa mga babayarin sa pamahalaan.   Ang gobyerno ay naglilingkod sa mamamayan.  Ang bayarin sa mga taxes ay dapat wasto.  Kung hindi, wala na rin tayong pinag-kaiba sa mg acorrupt na tao sa gobyerno na nagnanakaw ng pera ng taong bayan.

6. Hindi pagkakaloob ng ikapu. Mali ang angkinin natin ang pag-aari ng Diyos.  Malinaw sa Malakias 3:8,
“Maari bang pagnakawan ng tao ang Diyos? “Pinagnanakawan ninyo ako,” wika ng Panginoon.  Sa paanong paraan? tanong ninyo.  Sa pamamagitan ng hindi ninyo pagbibigay ng ikapu at ng mga handog sa Diyos.”

Ang ikapu (10%) ay tamang tugon sa kabutihan ng Diyos.

Bakit Kailangan Tayong Maging Tapat?

1. Pinagmamasdan po tayo ng Diyos.  Ayon sa Job 34:21-22, “Bawat kilos ng tao'y tinitingnan niya, ang bawat hakbang nito'y di lingid sa kanya. Walang sapat na kadiliman ang mapagtataguan ng mga makasalanan.”

2. Pinagmamasdan tayo ng mga hindi natin kasama sa pananampalataya.  Malinaw ang paalala ng 1 Juan 1:5-6, “Ito ang aming narinig sa kanyang Anak at ipinapahayag naman namin sa inyo: ang Diyos ay ilaw at walang anumang kadiliman sa kanya. Kung sinasabi nating tayo'y may pakikiisa sa kanya ngunit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay ayon sa katotohanan.”

3. Aanihin natin ang anumang ating itanim.
Ayon sa Galacia 6:4-5, “Suriin ng bawat isa ang kanyang sarili. Magalak siya kung mabuti ang kanyang ginagawa, huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba, sapagkat ang pananagutan ng bawat isa ay ang kanyang sariling gawain.”

Mga Maaring Pag-ugatan ng Kawalan ng Katapatan

1. Kasakiman. Sabi sa 1 Tim. 6:10, “Sapagkat ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.”

2. Katamaran. Ito ay dapat alisin sa buhay at ugali ng mga Kristiano.  Ayon sa Hebreo 6:12, “Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong dahil sa kanilang pagtitiis at pananalig sa Diyos ay tumatanggap ng mga ipinangako niya.”

3. Pride. Para lang makapagyabang, kahit ill-gotten wealth ay pinangangalandakan.  Ayon sa Kawikaan 15:27,  “Ang gahaman sa salapi ay nauuwi sa kaguluhan,
ngunit ang tumatanggi sa suhol ay mabubuhay nang matagal.”

Mga Paraan Upang Makaiwas
sa Mga Problemang Financial

1.  Magsipag. Sabi nga ni John Wesley, “Work all you can.” Ang kasipagan ay ugaling Kristiano.  Sabi Pablo sa 2 Tesalonica 3:10, “Nang kami ay kasama pa ninyo, ito ang itinuro namin sa inyo, "Huwag ninyong pakainin ang sinumang ayaw magtrabaho."

Palaguin natin ang ating salapi, mag-invest po tayo para umunlad (Lucas 19: 17)

2. Pagkasyahin ang kinikita.  Mag-budget lamang ng ayon sa iyong kita at huwag mangungutang liban lamang kung nanganganib ang buhay ng miembro ng pamilya. Alisin ang mga luho at mamuhay ng simple, basta’t marangal.

3. Mag-impok. Sa Lucas 19:23, ang pag-iimpok ay itinuring na matalinong paghawak ng salapi bilang katiwala ng Panginoon.

4. Magbigay ka sa Diyos ng ikapu at mga kaloob Sa Diyos.  Ito ay daluyan ng mga pagpapala na hindi mo dapat palampasin.  Ang pagkakaloob sa Diyos ay hindi pagsasayang kundi paraan ng pagpapalago ng mga pagpapala.




Sermon - 9th Commandment

Pagsasabi ng Katotohanan
Exodo 20:16

Si Dr. Leonard Keeler, ang nakaimbento ng lie detector test machine at sinubukan niya ito sa 25,000 katao. At napatunayan niya na mas marami ang nagsisinungaling kaysa nagsasabi ng katotohanan.   Sa isang pag-aaral na ginawa, sa malawak na gawain sa buhay, mula politika hanggang karaniwang buhay, napatunayan na ang pagsisinungaling ay karaniwang ginagawa ng maraming tao.

May isang bata ang minsang nagsinungaling, at sabi ng kanyang tatay, “Anak, hindi tatanggapin sa heaven ang mga sinungaling!” Nag-isip ang bata at nagtanong sa kanyang ama, “Daddy, ikaw ba nagsinungaling ka na rin?” “Oo naman.” wika ng ama. Sabi ng bata, “Ibig sabihin daddy, pareho tayong hindi papapasukin sa heaven?”

Bilang Kristiano, kailangan tayong matutong magsabi ng katotohanan, at pawang katotohanan lamang. Paano natin ito gagawin?

1. Ipahayag ang katotohanan sa mahinahon na paraan.
Akala ng iba, ang pagsasabi ng katotohanan ay dapat na maging matalas at  nakakasakit. Maari nating sabihan ang isang tao ng katotohanan na hindi natin siya inaaway.   Mahalaga ito sa mag-asawa, kapatid o ibang tao.  Sabi sa Kawikaan 16:23, “Iniisip ng matalino ang kanyang sasabihin, kaya naman ang kausap ay madali niyang akitin.”

Magplano kung gayon kapag may sasabihing katotohanan at huwag magmamadali.  Siguraduhing makakatulong ang sasabihin, gawin ito sa tamang pagkakataon, at gawin ito sa tamang paraan.  Hindi po tayo kailangang maging brutal para lang makapagsabi tayo ng katotohanan. Hindi rin kailangan na makasira pa tayo ng reputasyon o buhay ng ibang tao para lang mag-tsismis ng katotohanan.  Paalala ng Biblia sa Efeso 4:15,
“Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat.”

2.  Sabihin ang katotohanan ng walang dagdag at bawas.
Ano mang intensyon na iligaw ang kausap sa pamamagitan ng pagsasabi ng binawasan o dinadagdagang katotohanan ay paraan ng pagsisinungaling.  Ayon sa Kawikaan 28:23,
“Ang tapat sa pagsaway sa bandang huli'y pasasalamatan kaysa sa taong panay ang pagpuri kahit hindi nararapat.”

3. Laging isapuso ang pagsasabi ng tapat.
Laging magsimula sa pagiging totoo sa sarili.  Ayon sa Kawikaan 11:3, “Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan, ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan.”  Ang kasinungalingan ay balakid sa tagumpay.  Ang anumang relasyon o samahan ay tumatatag sa lumalagong tiwala sa isa’t isa.  Kung mawawala ang tiwala, mawawala ang pag-kakaisa.


Pagsasabi ng Katotohanan sa Diwa ng Pag-ibig

Sakaling nais nating makatulong upang magbago ang isang tao, tandaan na magsasalita lang tayo na puno ng malasakit.  Isaalang-alang ang mga sumusunod;

1. ang taong sinasabihan na may pag-ibig ay siyang      nakikinig sa pagtutuwid.

2. ang taong sinasabihan na walang pag-ibig ay    nakakaramdam ng pag-atake sa kanyang pagkatao    (character attack).  Siguradong lalaban siya at    ipagtatanggol ang sarili.

Sabi ng isang kasabihan, “Kung kailangan mong tumudla ng pana ng katotohanan, ibabad mo muna sa pulot ang   palaso. Upang malasahan ng tatamaan ang tamis nito.”

Maging maingat sa ganitong gawain kahit nais pa nating makatulong.  At kung talagang hindi naman makatutulong ang ating sasabihin, piliin na manahimik na lamang po tayo kaysa makasira pa tayo ng buhay at dangal ng ibang tao.

Pero bakit nga ba tayo nagsisinungaling?

1. Ito ay bunga kadalasan ng takot.  Sa ganitong paraan nais nating ingatan ang ating sarili mula sa ating sariling kahinaan.  Gamit ang pagsisinungaling, napagtatakpan natin ang ating mga insecurities, fears and weaknesses.

2. Maaring sinasadya o hindi, ito ay isang defensive mechanism natin, upang makaganti o makasakit tayo ng ibang tao na inaakala nating mananakit sa atin.  Inuunahan natin sila gamit ang mga exagerated words, o hindi totoong paratang laban sa kanila.

3. Para magyabang, at para magustuhan tayo ng iba, maari nating dagdagan ang mga kwento o salita. Sa ganitong paraan maaring nais nating itaas ang ating bangko, upang hanggaan tayo.

4. Kapag gusto natin mag-manipulate ng ibang tao, tulad ng pambobola sa kapwa, halimbawa dito ang mga hindi naman totoong pangako ng isang politiko na naghahanp ng boto ng mga tao.

5. Minsan, ang pagsisinungaling ay mas madaling gawin kaysa pagsasabi ng katotohanan.  Maraming katotohanan ang mahirap ilahad lalo kapag ang isang tao ay takot at ayaw mapahamak.  May mga tao na mas pipiliin talaga nila ang maggsinungaling para lang iligtas ang sariling kapakanan kahit iapahamak pa ng iba.

Bilang Kristiano, kailangan tayong mamuhay sa katotohanan at magsalita ng katotohanan.  Ayon sa Utos ng Diyos, “Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa kapwa.”

Sermon - Tenth Commandment: Maging Kuntento sa Buhay

Maging Kuntento sa Buhay
Exodo 20:17

Kapansin-pansin na dumadagsa ang mga tao kapag panahon ng mga “Mall Sales”  at inaabot ng ilang oras ang pila bago makapagbayad.  Ang ganitong karanasan ay tanda minsan ng ating maling paghahangad na makamit ang isang bagay na “bago” at “uso.”  Hindi natin maikakaila na ang mga patalastas sa TV ay nagtuturo sa atin na maging mabilis upang mamili, maging sa mga bagay na hindi naman natin kailangan, o mga pagkain na hindi naman totoong masustansya.

Ang salitang “covetousness” sa English ay tumutukoy sa walang control na paghahangad para makuha ang gusto. Hindi tuwirang masama ang maghangad.  Nais ng Diyos na gumanda ang ating buhay, at makakain tayo ng masarap dahil mahal niya tayo.  Ngunit ang maghangad ng sobra ng walang pagpipigil sa sarili, ay madalas magresulta ng kapahamakan sa halip na pakinabang.  Anumang wala sa control ay mapanganib.

May ilang masasamang binubunga ang maling paghahangad;

1. Kapaguran. Sa panahong ito, marami ang nagmamadali upang yumaman.  Kaya ang marami ay pagod at nawawalan ng oras ng pahinga. Kahit ang Biblia ay may paalala sa Kawikaan 23:4-5, “Huwag mong pagurin ang sarili sa pagpapayaman; pag-aralan mong umiwas doon. Sapagkat madaling mawala ang kayamanan, ito'y simbilis ng agila sa paglipad sa kalawakan.”

Maraming tao ang naghahanap-buhay at sinasakripisyo ang kalusugan, nasisira ang sariling katawan, at pagkatapos ay nauubos din ang kinita sa pagamutan.

2. Pagkabaon sa Utang. Sabi ng Mangangaral 5:11, “Kung kailan dumarami ang iyong pera, gayun din dumarami ang pagnanais na gumasta.”

Sa pagnanais na magmukhang mayaman, maraming tao ang nababaon sa utang, kahit hindi kailangan.  Tandaan  kahit gaano karami ang hawak na pera, kung ito ay inutang, ito ay pananagutan na iyong babayaran at hindi mo ito kayamanan.  Ang paghawak ng pera na hindi naman sa iyo ay nagbibigay ng “hindi makatotohanang damdamin” na “feeling mo rich ka.”

3. Nagbubunga ito ng pag-aaway.  Maraming mag-asawa, magkapatid at magkaibigan na ang mga nag-away dahil sa sobrang paghahangad.  Kaya sa ng Biblia, sa Santiago 4:1,

“Saan nanggagaling ang inyong mga alitan at pag-aaway? Hindi ba't nagmumula iyan sa masasamang nasa na naglalaban-laban sa inyong kalooban?”

4.  Pagkabalisa. Magulong isip at buhay ang dala ng hindi pagiging kuntento sa buhay.  Ang taong naghahangad ng labis ay kadalasang ma “unrealistic perception in life”.  Niyayakap niya ang hindi niya kayang yakapin. Dahil dito nawawala ang kapayapaan ng isip at nagkukulang siya ng pahinga ng katawan.

5.  Hindi makuntento. Ang kawalan ng satisfaction, ay nagdudulot ng sakit ng kalooban.  Hindi ka makukuntento kung ang nais mo ay labis na kayamanan.  Kahit yumaman pa ang isang tao, makikita niya na may kulang lagi sa kanyang buhay. Maalas ito ay nagreresulta rin ng kalungkutan.

Paano natin pipigilan ang maling paghahangad?

1. Maging kuntento, huwag ikukumpara ang sarili sa iba.  Hindi mo kailangang magselos dahil higit na tinatangkilik ang iba kaysa sa iyo. Ituon mo ang isip sa mga pagpapalang pangwalang hanggan na kaloob ng Diyos.  Higit silang mahalaga kaysa material na bagay tulad ng salapi.

2. Maging mapagpasalamat, at matuwa kung ano mayroon ka.  Ang paghahangad na maangkin ang hindi atin, na ugaling sakim, ay magreresulta lamang ng kapahamakan.

3. Gamitin ang sariling pera sa matalinong paraan at matutong mag-ipon at magbudget.  Ang pagyaman ay bunga ng sipag, tiyaga at pag-iipon ng kinikita. Kung mas malaki ang ating gastos kaysa ating kinikita, ito ay magbubunga ng hindi balanseng buhay.  Kahit malaki ang iyong kinikita, kung hindi ka naman nag-iipon, ay hindi ka rin yayaman.

Sundin ang payo ni John Wesley, “Work all you can, save all you can, give all you can.”

4. Tumulong din sa kapwa at magkaloob  sa Diyos ng pasasalamat.  Ang pagpapala pa rin ng Diyos ang ating sandigan sa buhay.

Ang tunay na sukatan ng buhay ay wala sa yaman kundi sa kalidad ng buhay.  Ang tunay na kapayapaan at kaligayahan ay hindi nabibili ng salapi. Ang pera ay isa lamang sa maraming aspeto ng buhay.

Sa simula ng Sampung Utos, nababasa na ang sinabi ni Yahweh sa mga Israelita ay tungkol sa kaugnayan ng ng bayan sa Diyos.  Wika ng Panginoon, “Ako ang Diyos na naglabas sa inyo mula sa pagka-alipin.”  Makakamit natin kung gayon ang katuparan ng mga utos na ito, kung wasto ang ating kaugnayan sa Diyos.  Ang mga panuntunang ito ay malinaw na ipinagkaloob ng Diyos upang mapabuti ang ating kalagayan sa buhay.  Hindi sila utos na mabigat tupdin, kundi mga paraan ng Diyos upang ingatan tayo at gabayan tungo sa buhay na sagana at kasiya-siya.





Sermon on Christian Commitment

On Our Christian Commitments
Luke 14:25-33

Sa ating panahon ang nais ng maraming tao ay buhay na walang commitments. Ayaw na sa pangako ng marami sa ngayon.

Kaya may kwento tungkol sa isang ikakasal na ayaw gumawa ng "vows". Sa oras ng counselling kinausap ng lalaki ang pastor ng sekreto. "Rev, pwede bang sa aming kasal, alisin ninyo yung bahagi na, "Ikaw lalaki, nangangako ka ba na hindi ka na titingin sa ibang babae? Nangangako ka ba na sa hirap o ginhawa, mananatili kang tapat sa iyong asawa?"

"Pastor, ayaw kong mangako. Eto ang 5 thousand pesos, ikasal ninyo kami, pero wala aking "promises" na gagawin." Tahimik na tinanggap ng pastor ang pera.

Sa kasal, nagsimula ang ritual. Sabi ng pastor, "Ikaw lalaki, nangangako ka ba na hindi ka na titingin sa ibang babae? Nangangako ka ba na ang babaeng ito ang tanging iyong pakamamahalin, sa hirap man o ginhawa, sa tuwa man o kalungkutan, sa sakit o karamdaman, hanggang paghiwalayin kayo ng kamatayan?" Napalunok ang lalaki, at kahit masama ang loob, nagsabi siya ng mapait na "OPO!"

Pagkatapos ng kasal, kinausap ng lalaki ang pastor. "Pastor, bakit hindi ka yata tumupad sa usapan?"

Ibinalik ng pastor ang pera at sabi ng pastor, "MAS MALAKI ANG HALAGANG IBINIGAY NG MISIS MO!" Ha! Ha! Ha!

Marami ang ayaw sa mga pangako, commitments at sa mga vows. Marami na ngayon ang gusto sa relasyon na walang kasamang pangako. Kapag gusto pa, nagsasama. Kapag ayaw na, eh di hiwalay! Kahit sa church ganyan din ngayon, ang nais ng marami, membership without commitment!

Mahilig na kasi sa disposable ang mga tao ngayon. Disposable plate, disposable spoon and fork, disposable wife & husband, at DISPOSABLE CHURCH! Kapag gusto sa isang church, a-attend. Kapag ayaw na sa isang church, papalitan! Marami nga namang churches kahit saan. Kahit ang Panginoon ngayon, ginagawa na ring disposable! Kapag gustong manalangin, nananalangin, kapag ayaw, e di ayaw! Kapag gustong magsimba, nagsisimba - kapag ayaw...e di ayaw na. Naglilingkod - depende sa "mood".

Ang hinahanap ng mga tao ngayon at kung saan masaya. Kaya ayaw na sa mga pangako, at ayaw na nilang magtalaga ng sarili sa mga habangbuhay na relasyon. Nawawala na ang mga habangbuhay na relasyon pati sa pamilya, sa simbahan, at nakakalungkot - pati sa Diyos.

Habang-buhay na Pagkatalaga

Ang relasyon sa Diyos ay may kaakibat na pangako. Ang imbitasyon ng Panginoon ay panghabangbuhay na kaugnayan. Hindi po tayo maaring maging Kristiano kung hindi tayo papasok sa panghabangbuhay na relasyon sa Diyos. Ito ay panghabangbuhay na paglilingkod bilang tagasunod ng Panginoong Jesu-Cristo.

Ang Ating mga Pagtatalaga sa Diyos

1. Commitment to Put God First
Ayon sa talatang 26 "Whoever comes to me and does not hate father and mother, wife and children, brothers and sisters, yes, and even life itself, cannot be my disciple.”

Tinatawagan po tayo ng Panginoon na unahin Siya, bago ang anupamang bagay. Maging ang ating pamilya o ang sarili. Above any relationship, unahin po natin ang Diyos. Kung hindi natin ito ipapangako at kung hindi natin ito gagawin, hindi po tayo magiging alagad ni Cristo.

Ayaw ng Panginoon na magkaroon siya ng karibal sa ating buhay.
Ayaw ng Panginoon na nahuhuli siya sa ating buhay.

Italaga natin ang ating sarili sa Diyos. Mangako tayo na pakamamahalin natin ang Panginoon. Sa ganitong paraan lamang tayo magiging totoong Kristiano mga kapatid. Ang hinihingi ng Panginoon ay ang ating buong pagmamahal, buong puso, buong isp, buong lakas at buong kaluluwa.

2. A Commitment to the Cross
14:27 Whoever does not carry the cross and follow me cannot be my disciple.

May mga nagnanais sumunod sa Panginoon, ngunit ayaw nilang magpasan ng krus. Kaya maraming simbahan ang nagiging mahina. Kapag may responsibilidad na sa simbahan, marami ang nagsisi-alisan.

Marami ang gumagamit sa krus ngayon bilang palamuti. Krus na kwintas sa leeg. Krus na borloloy, dekorasyon lamang ito ngayon. Ngunit, magiging totoo lamang tayong Kristiano - magiging alagad lamang tayo ni Cristo kung papasanin po natin ang ating mga krus. Ang ating krus ay ang ating ministeryo. Mayroon na ba kayo nito? Ano ang ministeryo ninyo para sa Panginoon?

Ano po ba ang pangako ninyo sa Diyos? Nakatalaga po ba tayo sa Diyos upang gawin ang isang ministeryo sa iglesia. Naaalala ko ang Commitment Service na ating ginawa noong nakaraang ilang buwan. Nangako ang ating mga Choir, na aawit sila para sa Panginoon habang sila ay nabubuhay. Nangako ang mga Band members, at tayong lahat.

At pinapatibay ng ating mga pangako ang ating relasyon sa Panginoon. Ngunit anumang pagsira sa pangakong ito, ay susugat sa puso ng ating Diyos.

3. A Commitment to Finish What We Have Started

14:28 For which of you, intending to build a tower, does not first sit down and estimate the cost, to see whether he has enough to complete it? Otherwise, when he has laid a foundation and is not able to finish, all who see it will begin to ridicule him, saying, 'This fellow began to build and was not able to finish.'

Napansin ko sa ating iglesia, marami ang nagpapabautismo, pero, hindi naman nagpapatuloy sa pananampalataya.
Bato-bato sa langit, ang tamaan - buti nga!

Pero huwag po tayong magagalit, dahil ang sabi ng Panginoon, ang sinimulan natin, kailangan - tatapusin natin. Tayong mga Metodista, mahilig tayong nagsisimula ng bagay na hindi natin natatapos.

Kapag nakakakita tayo ng simbahang maganda, maayos, nakapintura at agad natatapos ang pagpapatayo - aminin natin - ito ay marahil, INC o kaya ay simbahan ng mga Mormons. May pagkilanlan sa mga ito.

Ngunit, biro ng isang kapatid natin, "Pastor agad ko ring nakikilala ang isang simbahang Metodista, na walang karatula!"

"Paano mo nalalamang ito ay simbahang Metodista?" tanong ko po. Sabi niya, "Kapag sinimulang itayo at nakatiwangwang ---hindi tapos - Methodist church po iyon!" Ngiii!!!

Upang maging tunay na alagad ni Cristo, kailangan po nating italaga ang ating sarili sa pagtapos sa anumang ating sinimulan.

Kayong mga nagsimula ng magsimba, sana mangako kayo na panghabangbuhay na po iyan.

Kayong mga nagsimula na sa family devotion sa inyong pamilya, mangako kayo, alang-alang sa kaligtasan ng inyong sambahayan, magpatuloy po kayo ay huwag titigil.

Kayong mga nagsimula na sa Small Group Ministries - magpatuloy po tayo at huwag titigil. Huwag kayong tutulad sa isang eroplano na mabilis pumaitaas sa himpapawid.    Nang nasa ere na - bigla itong tumigil. Bagsak. Patay ang mga nakasakay. Sayang!

Kayong mga magulang nagpapabautismo ng mga sanggol - huwag naman ninyong ibabalik sa simbahan ang inyong anak kapag ikakasal na. Nangako kayo sa Panginoon na tuturuan ninyo silang magsimba - Linggo-linggo.      

Nangako kayo na tuturuan ninyo silang manalangin at magbasa ng Biblia. Nagsimula na po ba kayo? - pero, ipangako ninyo - TAPUSIN NINYO ANG INYONG SINIMULAN.


4. A Commitment to Fully Surrender to God

14:31 Or what king, going out to wage war against another king, will not sit down first and consider whether he is able with ten thousand to oppose the one who comes against him with twenty thousand? If he cannot, then, while the other is still far away, he sends a delegation and asks for the terms of peace.

14:33 So therefore, none of you can become my disciple if you do not give up all your possessions.

Alam na ng haring ito na matatalo siya. Siya ay isang taong nag-iisip. Inaaral niya ang kanyang magiging kalagayan kung patuloy siyang lalaban sa kaaway, hindi siya magwawagi. Kaya susuko na lamang siya at nakikipagbati sa kalabang hari.

Magiging alagad lamang tayo ng Panginoong Jesus - KUNG ISUSUKO NATIN SA DIYOS ANG ATING BUHAY. Dahil kung patuloy tayong susuway sa Panginoon, hindi tayo magtatagumpay.

Naranasan na nating lahat ang magkasala. Naranasan na po natin ang sumuway sa Diyos. Dati - dahil sa ating kasalanan, tayo po ay naging kaaway ng Diyos. At ano nga ba ang ating naging pakinabang sa ating pagsuway sa Diyos? Wala, di po ba?

Bakit hindi mo lamang italaga ang iyong sarili at isuko ito sa Diyos?

Ang buhay na hindi isinuko sa Panginoon ay isang sayang na buhay.
Ang buhay na wala sa kamay ng Diyos ay isang ligaw na wasak na buhay. Tulad hari sa kwento, dapat tayong mag-isip. Ano ang mangyayari sa iyo kung magpapatuloy ka sa kasalanan? Ang kasalanan ay maaring magbibigay sa atin ng pansamantalang kaligayahan, ngunit hahantong ito sa walang hanggang kaparusahan.

Kung isusuko mo ang iyong buhay sa Diyos, ikaw ay magkakaroon ng kapayapaan at buhay at buhay na walang hanggan. Kung gagawin mo ang pangakong ito, at sasabihin mo, "Isinusuko ko ang lahat sa iyo Panginoon. Ang aking mga kasalanan, ang aking mga kahinaan, ipaglilingkod ko sa iyo ang aking kalakasan, at ako ay nangangako na maglilingkod ako sa Iyo habang buhay."

Ikaw ay magiging tunay na alagad ni Cristo.
Mangako ka, uunahin mo ang Diyos bago ang sinuman.
Mangako ka, papasanin mo ang iyong krus at susunod ka sa Panginoon.
Mangako ka, tatapusin mo ang iyong sinimulan para sa Panginoon.

At mangako ka, na isusuko mo ang iyong buhay sa Diyos - at bilang isang alagad ni Cristo - ikaw ay magwawagi. AMEN.

Birthday Sermon

 Happy Birthday!
Psalm 137:13

May kwento tungkol isang bata, ang pangalan niya ay Gian, siya ay grade 6 at may kaibigan siyang pastor.

Minsan pumunta si Gian sa kapilya upang imbitahan ang pastor sa kanyang laro na marathon. Bago ang paligsahan, wika ng bata sa pastor, “Pastor, nakikita po ba ninyo yung relo na naka-display doon sa salamin?  Yun po yung premyo sa mananalo sa palarong ito.  Mananalo po ako at magiging akin yun!”  “Sige manonood ako.  Give your best shot Gian.” sabi ng pastor.

Nagsimula ang palaro at ang resulta...third place lamang si Gian.  Umuwi sila na walang himik, hanggang dumating ang araw ng Linggo.

Sa oras ng pagsamba malungkot pa rin si Gian.  bagamat ang araw na iyon ay birthday niya.  Pagkatapos ng pagsamba, nagmano si Gian sa kaibigan niyang pastor, at masaya namang ibinigay ng pastor ang kanyang kamay sa bata.

Pagkatapos magmano, dinukot ng pastor ang kanyang nakahandang regalo sa birthday ng kanyang kaibigan.  Kinuha ng bata ang regalo at masiglang binuksan niya ito.  At nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita!  Isang relo na katulad ng premyo sa palaro!  halos maiyak ang bata sa kanyang regalong tinanggap.

Kaya sinabi ng pastor, “Anak, ang relong iyan ay regalo ko sa iyong kaarawan, hindi mo iyan, pinagpaguran, hindi ka kailangang tumakbo upang makuha iyan.”

Tulad ng relong iyon, ang pinakamahalagang bagay sa ating buhay, sa totoo lang ay hindi natin binili o pinagpaguran.  Sila ay pawang regalo gn Diyos sa atin.

Pagmasdan ninyo ang mga regalong ito.

1. Ang regalo ng buhay.
Ang ating buhay ay regalong mula sa Diyos.  Ito ang pinaka-mahalagang regalo na tinanggap natin mula sa Diyos.   Hindi ito binili o pinagpaguran, kusa itong pinagkaloob ng Diyos sa atin.  Sa araw ng ating unang kapanganakan, pinagkalooban tayo ng Diyos ng buhay.

Ang ating buhay ay regalo ng Diyos sa atin at ibang tao.  Regalo tayo para sa ating pamilya.  Para sa ating mga kapatid.
2. Ang regalo ng mga taon (patuloy na buhay).
Ang bawat birthday celebration ay regalo ng Diyos.  Ang totoo, bawat umaga na gigising tayo na may buhay ito ay regalo ng Diyos! Hindi ko maaring kalimutan ang karanasan namin sa pamilya.  Noong maliit ako at pitong tao pa lamang, magkatabi kaming natulog ng aking ama.  pagka-umaga - nagising ako at ang aking ama ay hindi na nagising.  Iyon na ang oras ng kanyang pagpanaw, kinuha na siya ng Diyos.

Kaya mula noon, ang bawat paggising para sa akin ay tanda ng patuloy na biyaya ng buhay na kaloob ng Diyos araw-araw.  Ang bawat segundo, minuto at oras ng ating buhay ay regalo ng Diyos! Lalo ang mga tao na lumalakad, mga mahabang taon ng buhay na tanging ang Diyos ang makapagkakaloob. Salamat po Panginoon sa aming buhay.

3.  Ang regalo ng isa pang pagkakataon.
Tuwing nakikita nating binibigyan tayo ng Diyos ng dagdag na taon sa ating buhay, pinagkakalooban din tayo ng Diyos ng mga sumusunod;
a. isa pang pagkakataon upang maituwid natin ang ating pagkakamali.  May mga tao na kailangan nilang ituwid ang kanilang buhay, ang kanilang mga pagkakamali sa nakalipas.  

b.  isa pang pagkakataon upang matapos natin ang mga bagay na dapat nating tapusin sa ating buhay habang nandito pa tayo sa mundo.  Baka may pangako ka na hindi mo pa natutupad sa iyong pamilya o sa Diyos?  Ang bawat birthday ay isa pang pagkakataon upang magawa mo ito.

c. (isa pang) pagkakataon upang magkaroon tayo ng pagkakataong maligtas (kung hindi pa).  Isipin nating muli yung bata sa ating kwento.  Pinilit niyang makuha ang relo sa pamamagitan ng kanyang lakas, ensayo at bilis.  Ngunit bigo siya. Gayun man, ang relo ay ibinigay sa kanya bilang regalo.  Gayun din ang kaligtasan, ang pinaka mahalagang regalo ng Diyos para sa iyo kapatid na nag-cecelebrate.    Sabi ng Biblia, maliligtas tayo sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo, at hindi sa pamamagitan ng ating mga gawa.

Ang pinakamahalagang regalo ay nasa harapan nating lahat ngayon. Sa iyo kapatid, at para sa lahat ng naririto.  Nawa’y tanggapin ninyo ang pinakamahalagang regalo  ng Panginoon, ang ating kaligtasan.  Buksan ninyo ang iyong mga puso at tanggapin Siya sa ating buhay.  



Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...