Miyerkules, Hunyo 24, 2015

Marunong Maghintay sa Diyos

Halaga ng Marunong Maghintay

Isaiah 40:31 but those who hope in the LORD will renew their strength. They will soar on wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and not be faint.

Ang marunong maghintay ay isang mabuting katangian na dapat nating aralin sa sarili. Madali tayong mabagot. Ayaw natin ang naghihintay. Ngunit ang paghihintay ay katangian ng mga nagtitiwala sa Diyos.

Isang minero ang bumili ng lupa upang pagminaan ng langis. Humukay ng humukay ang minero ngunit wala itong nakulkol na langis sa kanyang lupain. Dumaan ang isang taon, wala itong nakitang langis.  Nakaukay ang kanyang mga tauhan ng malalim, hanggang sumuko na sila.

Ibinenta ng minero ang lupa sa ibang minero dahil hindi na siya makapaghintay. Hindi na siya nagtiyagang humukay pa.

Ang nakabili naman ay nagpatuloy sa paghukay. Pagkatapos ng isang araw lamang, bumulwak ang langis! Ilang dipa na lamang pala, naroon na ang kayamanan!

Ang mga marunong maghintay sa Diyos ay pagpapalain.

1. They will renew their strength.

Ang ating buhay sa araw-araw ay nakakahapo. Nakakapagod ang buhay sa mundo. Isa sa mga nakamamatay sa tao ngayon ay stress related deseases. Maraming tao ngayon ang hindi makatulog
ng mahimbing.  Ngunit kung marunong tayong maghintay sa Panginoon, hindi natin kailangang ma-stress.

Ang mga naghihintay sa Panginoon ay mga taong stress free, dahil ang Diyos mismo ang nagkakaloob sa kanila ng lakas. Pakinggan po ninyo ang sabi sa Awit 23:1 and verse 3,

 "the Lord is my shepherd, he restores my soul." Ibinabalik ng Diyos ang kalakasan ng mga nagtitiwala at naghihintay sa kanya. Ibig sabihin nito, totoo na napapagod tayo, ngunit ibinabalik ng Diyos ang ating nawawalang lakas.

Pagmasdan natin ang ating mga cell phone, nauubusan sila ng baterry charge. Ngunit kapag ikinabit natin sila sa electric outlet, muli silang narere-charge.  Ang ating pananalangin, ang ating pagsamba ay mga paraan ng Diyos to recharge our soul, to renew our spirit. Sa ganitong paraan - we are being
restored.

2. They will soar like eagles. Mataas ang nararating ng mga nagtitiwala sa "timing" ng Diyos. Hindi sariling lakas ang kanilang gamit kundi ang kapangyarihan ng Diyos.  Ang mga agila ay hindi kumakampay kapag sila ay pumapailanlang sa himpapawid. They simply glide on the air current. Sumasakay lamang sila sa agos ng hangin. At gayundin sa mga naghihintay sa Diyos. Sumasabay sila sa agos ng kapangyarihan ng Diyos at sila ay itinataas ng Panginoon!

Subukan mong magtiwala sa Diyos. Kung hindi pa dumarating ang iyong panahon upang maitaas ka, maghintay ka muna. Kahit ang mga alagad ay hindi nagmisyon at nangaral. Bakit? Dahil sabi ng Panginoon, "Maghintay muna kayo sa Banal na Espiritu, at kayo ay bibigyan ng kapangyarihan." Naghintay sila at nanalangin - at dumating ang Espiritu Santo, at napuspos sila ng kapangyarihan ng Diyos! Kaya nabago nila ang buong daigdig sa kapangyarihan ng Panginoon!

3. Hindi sila mapapagod. They will not get weary. They will walk, they will run, but they will not faint.

Hindi madali ang maging Kristiano. Marami ang gawain. Marami ang aaniin. Sa mga tunay na naglilingkod, wala pong "burnout" experience. Ang mga nakakaranas ng burnout ay gumagamit ng sariling lakas. Ngunit ang mga naglilingkod sa Diyos ay gumagamit ng lakas ng Diyos. Hindi sila nauubusan ng lakas.

Una, dahil marunong silang magpahinga sa piling ng Diyos. God gives them rests. Sabi ng Awit 23, "he gives me rests. He leads beside the still waters."

Learn to wait. Wait for God's time. Do not force things according to your will you will just get disappointed. Trust in God's timing.





Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...