Huwebes, Pebrero 15, 2024

Pag-iikapu

Batayan Mula sa Biblia: Malakias 3:10, Levitico 27:30-34

Ang Prinsipyo ng Pag-iikapu Mula sa Old Testament

Ang pag-iikapu ay turo mula sa Lumang Tipan, ito ay  pagkakaloob sa Diyos ng handog na 10% mula sa kinikita ng mga Israelita sa templo (Leviticus 27:30; Numbers 18:26; Deuteronomy 14:24; 2 Chronicles 31:5).  Utos ito ng Diyos para mapunan ang pangangailangan ng templo at tulong sa nangangailangan.

Pag-iikapu sa Bagong Tipan

Apat na beses lamang binabanggit ang pag-iikapu sa Bagong Tipan (Luke 18:12, Matt. 23:23; Heb. 7:1-10 at Luke 11:42).  Mababasa natin na binabatikos ng Panginoon ang gawain ng mga Pariseo, dahil mas binibigyan nila ang pagpapahalaga ang ikapu at naisasantabi nila ang hustisya, habag at katapatan. Sa Hebreo 7:1-10, binabanggit naman ang ginawang pag-iikapu ni Abraham.  Maliban dito, wala ng pagbanggit tungkol sa pag-iikapu sa Bagong Tipan.  

Ang prinsipyo ng pag-iikapu sa Lumang Tipan ay pagbibigay sa Diyos ng pasasalamat at hindi dahil ito ay requirement lamang.  Ang prinsipyong ito ay may lugar pa rin sa Bagong Tipan.

Ang Ating Pagkakaloob  

Una, tandaan na ang pag-ibig sa Diyos ay dapat maging  pangunahin sa ating buhay.  Sabi ng Panginoon sa Mateo 6:21, "Where your treasure is, there your heart will be also.” Isa pa, ang salapi ay mapanganib kapag pinapanginoon (Lucas 16:13).  Ang salapi ay dapat magamit sa paglilingkod sa Diyos (Lucas 18:22). Ang prinsipyo ng pagkakaloob ay hindi batas kundi kapahayagan ng ating pag-ibig sa Diyos na nagpapala sa ating buhay. 

Pangalawa, tulad ng pananaw sa Lumang Tipan, may pangangailangan din sa simbahan sa ating panahon.  Tulad ng tungkulin ng iglesia sa mga manggagawa (Lucas 10:7; 1Corinto 9:7).  Ang gastusin sa ministeryo ng pagtulong sa mahihirap (2Cor. 9:11) at ang pag-sasaayos ng simbahan (Ageo 1:14). 

Ang usapin ng pagkakaloob ay dapat suriin ng bawat Kristiano kung paano natin mapapalago ang ating mga gawain at misyon para sa Diyos, upang hindi mapabayaan ang mga simbahan ng Diyos, at mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng mga ito.  Isang malaking hamon sa iglesia ang tumulong sa mga nahihirapan at nagugutom.  Tandaan na ang pagpapakain sa mga nagugutom, pulubi, mga balo at mga ulila ay ministeryo ng iglesia na nangangailangan ng regular na pagkakaloob ng mga mananampalataya.

Saganang Pagkakaloob

Sa Lucas 12:33, inuutusan tayo ng Diyos na mag-impok sa langit.  Ang isang halimbawang pinuri ng Panginoon sa saganang pagkakaloob ay ang pagbibigay ng balo sa Lucas 21:4.    Gayun din ang pagpuri  ni Pablo sa mga taga-Macedonia sa pagkakaloob nila ng tulong sa Jerusalem ng “higit pa sa kanilang kaya” (2 Cor. 8:3).  Ang pagkakaloob ng sagana ay katibayan ng ating pagmamahal sa Diyos. Maipapahayag natin ang pag-ibig na ito sa ating pagkakaloob ng ikapu. 

Paano Mag-ikapu?

Ang ating iglesia ay nagmumungkahi na gamitin natin ang sistema ng tithing, hindi bilang batas kundi bilang kapahayagan ng ating pag-ibig sa Diyos at suporta sa mga gawain ng iglesia. May mga mungkahing paraan para gawin ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1. Kung hindi mo pa tinanggap si Jesus bilang iyong Tagapagligtas, unahin mo ang muna ang mga bagay na nais ipagkaloob sa iyo ng Panginoon.  Nais ng Panginoon na  patawarin ka sa lahat ng iyong mga kasalanan, nais ka niyang maligtas at gawing anak niya.  Maari mong tanggapin ang kaloob na ito sa pamamagitan ng panalanging may pananalig kay Cristo Jesus na tumubos sa iyong mga kasalanan.

2.  Bilang tunay na mananampalataya, maging tapat ka nawa sa pagkakaloob ng iyong ikapu sa ating iglesia. Hindi man ito requirement sa Bagong Tipan, requirement pa rin ito ng Lumang Tipan at kailangan pa rin ng iglesia ang kaloob ng mga tao para sa Panginoon.

3. Kung hindi mo pa nasusubukan ang hamon ng Diyos 

tungkol sa ikapu ayon sa Malakias 3:10, bakit hindi mo subukan ang Diyos sa loob ng 90days? Magkaloob ka ng ikapu sa loob ng tatlong buwan.  Ibigay mo ang 10% ng iyong kinikita sa ating iglesia at pagmasdan kung tunay ngang pagpapalain ka ng Diyos.  Kung hindi, huwag kang magpatuloy.

4. Kung kayo ay mag-asawa, pag-usapan ninyo kung paano kayo magkakaloob ng inyong ikapu sa iglesia. Gumawa ng record para sa inyong finances.  Ayusin ang inyong budget at gamitin ang payong ito sa paggastos.  Sweldo (100%) - tithes (10%) - savings (10%+) = 80% Budget sa Paggastos.

5. Kung hindi ka pa sigurado kung 10% net income o gross income ang iyong ipagkakaloob,  idalangin mo sa Panginoon ang iyong desisyon.  Maaring subukan mo muna ang iyong tithing base sa iyong net income, at pagmasdan kung paano ka pagpapalin ng Diyos ayon sa kanyang Salita. 

6. Turuan ang mga bata na magkaloob sa Panginoon.  Maari itong manggaling sa kanilang mga allowances, regalong tinatanggap, o extrang pera mula sa magulang.

7. Aralin ang takbo ng finances sa loob ng tahanan.  Pagmasdan kung paano dumadaloy ang mga pagpapala ayon sa mga pangako ng Diyos.  Hilingin na pagpalain ng Panginoon ang iyong sambahayan upang lalo tayong makatulong sa mga gawain ng iglesia.

Nakadepende ang pananalapi ng iglesia sa biyaya ng Diyos, sa pamamagitan ng mga kaloob ng mga taong nagmamahal sa Panginoon.  Hindi man sapilitan ang ikapu, maganda pa rin itong batayan ng pagkakaloob sa simbahan upang magkaroon ng sapat na gastusin para sa pangangailangan ng iglesia, sa paglago, at ng sa gayun, lalawig ang gawain ng Panginoon.

Real Humbleness, True Blessedness

 Luke 14:1, 7-14

Isang pambihirang sekreto ng buhay Kristiano ang sinabi Pablo, “I am crucified with Christ and therefore I no longer live.”(Gal.2:20). 

Ito ang tunay na kapakumbabaan.  Ang maitaas si Cristo at hindi ang sarili kapakanan. Mahalagang turo ng Panginoon ang pagtalikod sa sarili at unahin ang sa Diyos.

May kwento tungkol kay dakilang mangangaral na si Dwight Moody.  Sa isang preaching conference, naka-ugalian ng mga guest ang iwan nila ang kanilang sapatos sa labas ng kwarto ng hotel upang pakintabin ng mga naglilingkod sa hotel.  Kaya iniwan nga ng mga pastor ang mga sapatos nila sa hallways. Ngunit walang hotel attendants na nag-shine sa mga sapatos nila. Napansin ito ni Ptr. Moody, kung kaya siya na mismo ang nag-shine sa mga sapatos ng  kanyang mga bisita. 

Pagka-morning, hangang-hanga ang mga bisita sa kintab ng kanilang mga sapatos. Gustong  bigyan ng ng mga pastors ng tip ang mga hotel attendants.  Pero sabi ng lecturer na si Ptr. Moody, siya na ang bahalang magpapasalamat sa nag-shine ng sapatos.  

Ito ay halimbawa ng kapakumbabaan.  Isang taos pusong paglilingkod. 

Ganito ang turo ng Panginoon. 


1. Huwag maghangad ng parangal ng tao. 

Dahil, ang nagmamataas ay ibababa, ngunit ang nagpapakumbaba ay itataas. 

May kwento tungkol sa isang kapitan ng mga sundalo ang nagnanais magpaturo  sa isang master. 

“Master, turuan mo po ako tungkol sa impierno at langit.”

Sabi ng master, “Isa kang ulol! Wala kang alam! Umalis ka dito!”

Tumaas ang pride ng kapitan.  Gigil na gigil, sumabog ang galit ng kapitan. Binunot nito ang kanyang espada at handang tagain ang master.  Tumitig ang master sa kapitan at sinabi, “Iyan ang impierno.”

Natigilan ang kapitan. Ibinaba ang kanyang espada at yumuko sa master. 

Tinitigan siya ulit ng master at sinabi, “Iyan ang langit.”


HUMBLENESS

Maraming tao ang bigo sa buhay dahil ayaw nilang magpakumbaba. 

1. ang humble - mas madaling turuan, mas madaling matuto 

2. ang humble - masayang naglilingkod

3. ang humble - kinikilala ang sariling kamalian

4. ang humble - inuuna ang iba bago ang sarili

Kaya ang humbleness ay pagiging maka-diyos.  Ito ay bunga ng Espiritu Santo sa buhay ng mga mananampalataya. 

5. ang mga humble ay may matibay na pagkatao - para silang matandang kawayan.  Nakakayuko pero hindi sila nababali. 

6. ang mga humble - sila ay itinataas ng Diyos. 


BLESSEDNESS

Isa pang katangian na nais ng Panginoon para sa atin ay ang pagiging pagpapala sa iba. 

1. Huwag maghahangad ng bayad o kapalit kapag gumagawa ng kabutihan. 

2. gumawa ng mabuti para sa kapurihan ng Diyos.

Kapag sumunod k kay Jesus, magbabago ang pagkatao mo. Ugali, pananalita at gawa. Mawawala ang kagaspangan ng ugali.  

Nagbubunga ng mabuting pagkatao ang pagsunod sa Diyos. Kapakumbabaan at pagiging pagpapala sa iba.    

Touch of Christ

 Luke 13:10-17

18 years.  Marami na ang mababago after 18 years. Yung dating walang bahay at establisimiento, ngayon, puno na ng mga gusali. 

Ngunit sa babaeng ito, walang nabago sa kanyang kalagayan.  Dati na siyang ukot, baluktot ang likod.   Sa kabila ng kanyang kalagayan, siya ay palagi pa ring nagsisimba, ngunit walang nagbabago sa kanyang kalagayan.

Ganun ka rin ba? 

Sana may nagbabago naman sa iyo...na habang nagsisimba ka, nawa’y umunlad ang iyong pananampalataya.  Sana, nagbabago ang relasyon mo sa Panginoon.  Sana, umuunlad din ang paglilingkod mo sa Diyos. 

Ang babae ay nagsisimba ngunit nananatili siyang “nakatali” sa kanyang kalagayan. 

Madalas siyang magsimba, ngunit sa araw na iyon ng siya nagsimba, ay may guest speaker.  Pagkatapos ng sermon, biglang tumawag ng altar call ang speaker at pinalapit ang mga gustong magpagamot. 

 Pinalapit ang mga maysakit. 

Nahihiyang lumapit ang babae, ngunit sinubukan niyang pumunta sa harap. Hinawakan siya ng guest speaker at siya’y gumaling.  Iba ang araw na iyon.  Yung 18 years na nakaraan ay biglang nagbago. Magaling na siya. 

Ang mga nagsisimba ay sari-sari.  Iba-iba ang dahilan ng ma tao kung bakit sila nagpupunta sa simbahan. 

a.  yung iba, nakasanayan lang. 

b. yung iba, obligasyon lang.

c. pero yung iba, may kailangan lang sa Diyos. 

Maaring ang babae ay kabilang sa mga ikatlong nabanggit. O maari nating sabihin na may kailangan siya sa Panginoon, pero hindi siya sigurado, baka sakaling gagaling siya. 

Ngunit iba yung araw na iyon. 

Dahil gumaling siya. 

Dahil may kakaibang nangyari sa kanyang katawan. 

Ang ukot niya sa likod ay gumaling. 

Ano ang nangyari?

1. Una, si Jesus ang guest speaker sa araw na iyon. 

Ang pagsamba na makakatagpo kay Jesus ay iba sa nagsisimba na hindi nakakaranas ng presensya ng Dios. 

Marami ang mga nagsisimba na walang inaasahang kakaiba. Marami ang hindi naman interesado sa Panginoon.  Maaring hinihintay nila ang magandang sermon o awit ng choir, pero hindi si Jesus. 

Pero ito ang makikita natin sa kwento.  Ang babaing ukot ay nakaranas ng kakaibang karanasan dahil naroon si Jesus. 

Kahit ngayon sa ating pagsamba, kung bukas sana ang ating mga puso para sa presensya ng Diyos, naniniwala ako na may kakaibang mangyayari sa ating pagsamba ngayong araw na ito. 

2. Tinawag siya ng Panginoong Jesus. 

Kapag ang Panginoon ay present, may kakaibang nagyayari dahil dumarating si Jesus hindi para sa sarili. Lagi siyang gumagawa para ikabubuti ng iba. 

Kung kailangan mo ng bagay na ikabubuti mo, ikagagaling mo, ikasasaya mo...pumunta ka kay Jesus. 

 

3. Lumapit siya at pinabayaan niyang kumilos si Jesus para sa kanyang kagalingan. 

Pinabayaan niyang hawakan ni Jesus ang kanyang kapansanan. Sabi ng Panginoon sa Pahayag 3:20, “ako’y kumakatok sa pintuan ng inyong puso.”

Kahit ang mga bulag ay nagsabing, “Nais naming makakita Panginoon.” At sila ay nakakita.

Maging ang mga ketongin ay nagsabing, “Maawa ka sa amin.” Bago sila pinagaling. 

Nais din ng Diyos na lumapit tayo sa kanya.

Narito ang Panginoon.

Tinatawag ka niya. 

Lumapit ka.

Pabayaan mong hawakan niya ang buhay mo. 

May mabuting mangyayari sa buhay mo ngayon. 

 


Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...