Mga
Alagad, Wala ng Ibang Plano si Jesus
(Disciples,
Jesus Had No Other Plan), Trinity Sunday, June 4, 2023
Matthew
28:16-20
•
Ang hula ni Zechariah ay, “tignan ninyo, ang inyong hari ay dumarating, maamo
at nakasakay sa isang asno.” (21:5).
•
Tanong ni Pilate, “Are you the King of the Jews?” (27:11).
•
Hinamak siya ng mga sundalo, “Hail, King of the Jews!” (27:29).
•
Ang hatol sa kanya ay, “SIYA SI JESUS, ANG HARI NG MGA JUDIO!” (27:37).
•
Hinamak din siya ng mga tao habang nakabayubay sa krus, sinasabing “siya ang
hari ng Israel.” (27:42).
•
Sa kanyang muling pagkabuhay, naging ganap na ang paghahari ni Jesus.
A.
Ang Paghahari ng Diyos sa pamamagitan
ni Jesu-Cristo.
Jesus knew, “All authority has been given to me in heaven and on earth.”
·
Ito ay kapangyarihan sa langit at
lupa.
·
His authority is from God and not from
the devil (Note: the devil tempted Jesus in Matthew 4:8-10, promising all
authority in earth, which is a worldly promise).
Ang
araw na ito ay Trinity Sunday. Ito ay Linggo ng pagpapakilala ng Diyos
sa atin. Ito ay Linggo ng pagsamba upang itanghal natin ang Diyos bilang hari
at Panginoon ng ating buhay. Siya ay
Ama, Anak at Espiritu Santo na nais maghari sa ating buhay. Siya na ba ang
iyong Panginoon na sinusunod?
· Mga babae ang mag-uutos.
·
Alam nilang namatay sa krus ang
nag-uutos.
·
Malayo ang Jerusalem sa Galilea. Mahabang lakbayin ito.
1.
About his disciples. Jesus knew he was
dealing with the 11 less-than-perfect disciples.
Judas
even dropped-out!
·
God uses ordinary people to do
extra-ordinary ministry.
·
Mas mapanganib pa yata kapag tayo ay
masyadong tiwala sa sarili habang naglilingkod sa ministeryo, baka maging hadlang
pa ang kataasan at pagmamalaki, sa halip na parangalan ang Diyos.
Kahit sa Mark 16:14, nasusulat, “Pagkatapos, nagpakita si Jesus sa
labing-isang alagad habang kumakain ang mga ito. Sila ay pinagalitan niya dahil
sa hindi nila pananalig sa kanya at dahil sa katigasan ng kanilang ulo, dahil
ayaw nilang maniwala sa mga nakakita sa kanya pagkatapos na siya'y muling
mabuhay.”
Pero
sila ay patuloy na pinagkatiwalaan ng Panginoong Jesus upang humayo.
Kaya:
Kahit
may duda ka, humayo ka parin.
Kahit may nagawa kang kasalanan? Magsisi ka at
hhumayo ka parin. May isa akong nakilala, siya ay Kristiano. Pero siya ay nakulong. Sa loob ng selda, patuloy siyang nangaral at marami
ang tumanggap sa Panginoon sa kanyang ministeryo.
May
kahinaan ka? Humayo ka parin.
Ipinagkakatiwala
ng Panginoon ang Ebanghelyo sa mga mahinang tulad natin.
At tayo naman, palibhasa may kahinaan po tayo, magtiwala lang tayo sa kanya.
C. Jesus’ Plan: Ano ang Gagawin?
·
Humayo (Go)
·
Gawing alagad ni Cristo ang mga tao. Ipagkatiwala
rin natin sa iba ang ministeryo ni Cristo (kahit may kahinaan din sila.)
·
Bautismuhan sila sa Ngalan ng Diyos.
Ang Ama, Anak at Espiritu Santo. Tatakan
natin sila ng Sakramento at ikintal ito sa kanilang buhay – upang matandaan nil
ana sila ay sa Diyos.
· Turuan ninyo silang sumunod (para alam nila ang kanilang gagawin) sa lahat ng iniutos ko sa inyo.
D. Pangako ni Jesus: Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.
At pangako niya, hindi niya tayo
iiwan. Kaya magtatagumpay tayo sa ating
misyon.
Humayo tayo.
Diyos ng Pagbabago, Kami'y Akayin
(Many Gifts One Spirit)
Diyos ng pagbabago, kami'y akayin. Sa
aming lakbayin lakas ka namin;
Tanggulan kang matatag, magbago man ang lahat.
Koro:
Aming Diyos, Di-wa ng pag-ibig at biyaya,
Balon ka ng pagpapala, O banal na Lumikha,
Ikaw ang ngayon, bukas, kahapon
Salitang Mahal at Diyos na Banal. Salamat sa
kaloob, "Purihin"!
Diyos ng mga lahi, bayan at bansa,
nagpapasalamat, iyong nilikha
Kanlungan kang matatag, pag-asa ka ng lahat.
Sa bawat umaga, laging sagana, ang iyong
pag-ibig at pagpapala,
Kaloob mo sa amin, sa 'yo'y iaalay din.
Diyos ng Pagbabago, Kami'y Akayin
_________________________
Humayo at Maglingkod
(Go Make of All Disciples UMH 571, Lancasire)
Humayo at maglingkod, at gawing alagad,
Sa buong daigdigan balita’y ihayag,
Luhod sa panalangin, sa Dios ay dumulog;
Nang Kanyang pagpalain ating paglilingkod.
Ating gawing alagad ang lahat ng bansa,
Bautismuhan sa Ngalan ng ating Lumikha,
Ama, Anak at Banal, Espiritung mahal;
At turuang sumunod sa banal na aral.
Maglingkod at humayo sa lahat ng tao,
Atin silang akayin patungo kay Cristo,
Dalhin sa kaligtasan, ituro ang Daan,
Tungo sa kabanalan, sila ay gabayan.