Biyernes, Abril 24, 2020

Hakbang sa Pagbuo ng Caregroups / Cell Groups

Hakbang sa Pagbuo ng Cellgroup.

A. PAGHAHANDA

Rekomendado na mismong pastor ang bubuo ng caregroups sa iglesia lokal.

1. SPIRITUAL PREPARATION NG PASTOR. Ihanda ang sarili sa pamamagitan ng pananalangin, pag-aayuno at pagbabasa ng Biblia, mga aklat, o artikulo sa internet tungkol sa pagbuo ng cellgroup.  Ang 40 days o higit pa na paghahanda ay mahalaga at hindi optional.

a. Saliksikin ang sarili gamit ang tanong sa https://www.umc.org/en/content/book-of-discipline-304-qualifications-for-ordination. Kahit ang mga hindi pa ordained ay mabuting aralin at tuparin ito.

2. COMMITTMENT TO ORGANIZE CELLGROUPS. Italaga ang sarili sa gagawing pagbuo ng cellgroups. Sa kasaysayan ng Metodismo, ang pagbuo ng cellgroup (o class meeting noon) ay mahalagang sangkap para sa paglago ng iglesia.

3. Kung nagawa na (ng pastor) ang sariling espiritual na paghahanda, (40+ days prayer and fasting) PUMILI NG MGA CHURCH LAY LEADERS (alinsunod sa 1Tim. 3:8-13) sa lokal church na may,

a. Spiritual maturity. Nagsasanay ng spiritual disciplines. Marunong manghikayat o mag evangelize (kung kulang ang kaalaman sa evangelism, isama ito sa future trainings na gagawin).

b. Spiritual leadership. Pinagkakatiwalaan bilang maka-diyos na lider simbahan. Marunong magturo ng Biblia (Sunday School, home Bible Study, o lider ng caregroup).

c. Spiritual Committment. Handa upang tumupad bilang Cellgroup leader ng iglesia.

4. Maghanda ng mga cellgroup materials na gagamitin sa unang 6 months.

Halimbawang materials.

a. https://ptrjess.blogspot.com/2019/09/aralin-para-sa-bagong-kaanib.html

b. https://ptrjess.blogspot.com/2019/01/spiritual-disciplines-tagalog.html

c. https://ptrjess.blogspot.com/2015/08/mga-doktrinang-binibigyang-diin-ng.html

d. https://ptrjess.blogspot.com/2019/02/assorted-lessons-2.html

Note: maaring gamiting materials ang : Purpose Driven Life, o ang Upper Room Disciplines at Our Daily Bread. Kailangan lamang ay maging resourceful ang pastor. Bigyan ng kopya (printed copies) ang bawat lider. Pag-aaralan nila ito ng 2 months.

5. Ihanda ang retreat training para sa mga cellgroup leaders.

Sa puntong ito, wala pang nagaganap na cellgroups sa mga church members. Ang pastor at mga leaders pa lamang ang involved sa paghahanda.


B. BAKIT KAILANGAN ANG CELL GROUP SA ATING IGLESIA?

Ang cell group ay napatunayang mabisa para sa paglago ng iglesia. Sa patotoo ng pinakamalaking simbahan sa buong mundo, sa pangunguna ni Paul Yonggi Cho, ng South Korea, ang isang dahil ng tagumpay ng Diyos sa kanyang iglesia ay ang cell group system.

Sa mga walong (8)factors na binabanggit ni Christian A. Schwarz, eksperto sa Church Growth, isa ang cell group system sa kanyang natuklasan sa pagpapalago ng iglesia (Natural Church Development).

Anumang pagkilos sa ating panahon tungkol sa church growth, ang cell group ay kabilang sa mga dahilan kung paano tumatatag at lumalaki ang iglesia ng Panginoon.

Sa aking palagay, ang Pastor Centered Model ang pumipigil sa ating paglago.

Pastor Centered Model Church

Sa ganitong modelo, ang pastor ang gumaganap ng halos lahat ng gawain sa iglesia. Si pastor, ang nangangaral, tiga-dalaw, nananalangin sa may sakit, siya ang evangelist, tiga libing, tiga kasal, binyag, administrator at lahat. Sumusweldo siya para paglingkuran ang mga miembro.

Habang lumalaki ang iglesia lokal, lumalawak ang gawain ni pastor. Hanggang hindi na niya ito makaya, at magpapalipat na lamang siya ng destino.

Sa Mateo 28:19, sinasabi ng Panginoong Jesus na "gawin natin alagad niya ang lahat ng mga bansa".   Gawing alagad, hindi lamang miembro ng iglesia.  Sa ating bautismo, bilang alagad, kailangan tayong magsanay upang maglingkod, at hindi miembro na paglilingkuran.

Cell Group Church Model

Ang cell group system ay paraan upang matupad ang hangarin ng Panginoon na "maging alagad" ang mga kaanib ng iglesia. Sa ganitong paraan, ang mga miembro, simula sa mga "spiritual leaders" ng simbahan ay kukuha ng bahagi, upang tumulong sa pastor at deakonesa, na maglingkod, mangaral, magturo, manghikayat, at magsanay ng mga kaanib upang maging alagad na magsasanay din sa iba upang maging alagad.

Sa ganitong modelo, matutupad ang sinasabi ni San Pablo sa Efeso 4:12, at 16;

“Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, ang iglesya,”
‭‭
“Sa pamamagitan niya, ang mga bahaging pinag-ugnay-ugnay ng kasukasuan ay magiging isang katawan; at kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, ang buong katawan ay lálaki at lalakas sa pamamagitan ng pag-ibig.”
‭‭

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...