Lesson II: Experiencing the Holy Spirit
John 7:37–39
37 On the last and greatest day of the Feast, Jesus stood and said in a loud voice, "If anyone is thirsty, let him come to me and drink.
38 Whoever believes in me, as the Scripture has said, streams of living water will flow from within him."
39 By this he meant the Spirit, whom those who believed in him were later to receive. Up to that time the Spirit had not been given, since Jesus had not yet been glorified.
----------------------
Ang Pentecostes ay ang ating pagdiriwang sa unang karanasan sa Banal na Espiritu sa buhay ng mga mananampalataya. Ang Banal na Espiritu ay ang presensya ng Diyos sa ating buhay. Dahil ang Diyos ay kasama natin. Siya ay sumasaatin.
Dati, ang Pentecostes ay pista ng anihan (Ex. 23:16). Pagtagal, ito ay ginawang pista ng pag-alala sa pagkakaloob ng Kautusan ng Diyos kay Moises. Sa ating mga Kristiano, ito ay pag-alala sa pagdating ng Banal na Espiritu. Bakit nga ba mahalaga ang Banal na Espiritu? Bakit kailangan natin siyang maranasan sa ating buhay?
Kung wala ang Espiritu ng Diyos sa atin, ibig sabihin--kung kontrolado pa tayo ng ating makasalanang pagkatao (na dinidikta ng laman) ay hindi pa ganap ang ating pagiging mananampalataya. Katulad ng mga unang alagad, sa halip na magpahayag, sila ay nabalutan ng takot sa mga Judio (Juan 20:19). Ito ay dahil-hindi pa nila tinanggap ang. Banal na Espiritu ng Diyos.
Napakahalaga ng Banal na Espiritu sa ating buhay bilang Kristiano. Dahil siya ang nagdudugtong sa ating kaugnayan sa Panginoong Jesus. Malinaw ang sinasabi ng Biblia sa Roma 8:9, "Kung wala ang Espiritu ni Cristo sa atin, ay hindi tayo kay Cristo."
Isa pa, napakahalaga ng presensya ng Banal na Espiritu, dahil siya ang tatak ng ating kaligtasan (Efeso 4:30).
Dagdag pa rito, siya ang nagbibigay sa mga alagad ni Cristo ng tapang at kapangyarihan upang magpatotoo bilang mga saksi ng Panginoon (Gawa 1:8).
Kapag ang isang Kristiano ay walang tapang na magpahayag ng Salita ng Diyos sa iba, at ikinahihiya pa niya ang magbahagi ng Salita ng Diyos - eh may problema po ito. Tayo po kasi ay tinawag upang magpahayag tungkol sa pagliligtas ng Panginoon.
Ang ganitong kawalan ng presensya ng Espiritu ay parang pagkauhaw sa tubig. Ito ay ebidensya ng kawalan ng bagay na lubhang napakahalaga.
Gayunman, sinasabi ng Panginoon na kung nararamdaman natin ang pagkauhaw sa Banal na Espiritu, maari natin siyang tanggapin gaya ng saganang pagdaloy ng tubig sa pamamagitan ng ating paglapit sa Panginoon.
Sa oras na ito, dapat nating aralin ang ating kalagayan ugnay sa Panginoon sa kanyang Persona bilang Banal na Espiritu.
1. Una, kailangan tayong mauhaw sa Diyos.
Sa bawat tao ay may kulang na dapat mapunan. May pagka-uhaw na tanging ang Diyos ang makatutugon. May kakulangan sa ating buhay na tanging ang Diyos ang makapagbibigay ng kaganapan.
Sa isang bahagi ng daigdig ay may isang uri ng ibon na nangingitlog sa kakaibang paraan. Ang mga itlog nito ay hindi nilililiman ng inahin. Kapag napisa na ang mga inakay, ang mga ibon ay nag-iisang lalaki hanggang makalipad. Ngunit sa kanilang unang paglipad, iisa ang kanilang gagawin-hahapin muna nila ang kanilang mga magulang! Kapag natagpuan na nila ang kanilang mga magulang doon pa lamang makukumpleto ang kanilang pagiging ibon.
Ang bawat tao ay kusang naghahanap sa Diyos dahil ito ang disenyo ng Panginoon. "Wala kayong magagawa", wika ng Panginoon, "kung hiwalay kayo sa akin."
Tayo ay nilikha ng Diyos upang hanapin Siya. Kusa tayong ginawa ng Diyos upang mauhaw sa kanyang presensya. Hindi magiging kumpleto ang ating buhay hangga't di natin natatagpuan ang Diyos.
Ang pagkauhaw at maghahanap sa Diyos ay natural sa tao. Tulad ng pagkauhaw sa tubig, kung hindi tayo makaiinom sa matagal na panahon, tayo ay mamamatay. Gayundin naman, walang kabuluhan ang buhay na hiwalay sa Diyos.
Ngunit kung tayo ay lalapit sa Panginoon, tayo ay paiinumin! Sa ating paglapit sa Panginoon, tayo ay pagkakalooban ng buhay na kasiya-siya (Juan 10:10). Wala pang lumapit sa Panginoon na nabigo.
Ngunit ang kakulangang ito sa ating buhay ay madalas nating hinahanapan ng tugon sa ibang bagay. May tao na naghahanap ng kaganapan sa buhay sa pamamagitan ng kayamanang material. Ngunit hindi napapawi ang kanilang pagka-uhaw. May ilan na naghahanap ng katugunan sa mga kasikatan at karangyaan, ngunit hindi rin nawawala ang pagkuhaw nila. Ang iba ay naghahanap ng mataas na posisyon, ngunit hindi rin sila nakukuntento. Nanatili silang uhaw.
Ang sabi ng Panginoon ay ganito, "Kung kayo ay nauuhaw, lumapit kayo sa akin." Napansin po ba ninyo, sabi niya, "sa AKIN!"
Kapatid ko, kung pakiramdam mo, ay may kulang sa iyong buhay, lumapit ka sa Panginoon! Pabayaan mong tugunin ng Diyos ang iyong pagkauhaw sa Kanya.
2. Pangalawa, kailangan tayong sumampalataya sa Diyos.
Ang pananampalataya sa Diyos ay hindi lamang paniniwala na may Diyos. Kahit demonyo ay naniniwala na may Diyos (Santiago 2:19). Ito ay ganap na pananalig kay Cristo na siya ay namatay at muling nabuhay para sa ating kaligtasan.
Ito ay paniniwala na si Jesu-Cristo ay ang Diyos na nagkatawang tao (Juan 8:24).
Ito ay paniniwala na mahal tayo ng Diyos sa kabila ng ating mga kasalanan.
Ito ay pananampalataya na naghahatid sa atin sa pagsisisi at pagbabagong buhay. Ang mahalin ang Diyos ng buong puso at paglingkuran siya habang tayo ay nabubuhay.
At kung mapapatunayang tunay ang ating pananalig, hindi lamang tayo makakainom ng tubig. Kundi pa naman- babalong ang tubig mula sa ating pagkatao.
May kwento tungkol sa mga tao na naligaw sa disyerto. Naubos ang kanilang tubig. Nanghina sila ng husto at natigilan sa paglalakbay. Ngunit ang isa sa kanila ay naglakas ng loob na magpatuloy. Hanggang nakakita siya ng tubig. Ang nakita niyang tubig ay hindi lamang sapat upang siya ay nakainom. Ito ay batis na sagana sa bumubukal na tubig. Nakakuha pa siya ng tubig para sa iba niyang kasama. Hindi lamang siya ang nakaligtas. Pati ang mga kasama niya. Nakapagdala pa sila ng tubig para sa ibang manlalakbay. At pati ibang manlalakbay ay itinuturo niya sa batis na kanyang natagpuan.
Ganito rin ang nakakatagpo sa Panginoon, para silang nakatagpo ng bukal ng tubig. Hindi lamang sila ang naliligtas, kundi pati ang iba ay naliligtas din.
Pakinggan po ninyo ang sabi ng Gawa 16:31. "Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus at maliligta ka. Ikaw at ang iyong sambahayan." Hindi lamang ikaw ang maliligtas. Pati ang iba na babahaginan mo ng Salita ng Diyos. Maliligtas din sila, lalo ang iyong sambahayan.
Sumampalataya ka ngayon at matutupad ang pangako ng Panginoon sa iyo- sisibol sa buhay mo ang tubig ng buhay! Saganang babalong ang Kaligtasan sa buhay mo! Ikaw ay magiging buhay na patotoo sa marami!
3. Panghuli, kailangan nating tanggapin ang Banal na Espiritu.
Tulad ng aking nabanggit, kailangan natin ang Espiritu Santo dahil siya ang nagdudugtong sa atin sa Diyos, siya rin ang nagbibigay lakas at tapang upang tayo ay makapagpatotoo. Siya ang tatak ng ating kaligtasan.
Paano tatanggapin ang Banal na Espiritu?
Pakinggan ninyo ang sagot mula sa talatang 13 mula sa Lucas kabanatang 11, "ipagkakaloob ng Panginoon sa pamamagitan ng pananalangin ang Espiritu Santo sa sinumang hihiling sa Kanya."
Ang iglesia ay mananatiling mahina at walang kapangyarihan kung wala ang Espiritu Santo. Mawawalan tayo ng mga bunga ng Espiritu tulad ng pagpipigil sa sarili, o kagalakan, o pag-ibig sa kapwa, at kapayapaan, kung wala sa atin ang Espiritu ng Diyos.
Manampalataya ka na siya ay darating sa iyong buhay ngayon. Tanggapin mo ang Banal na Espiritu ngayon din sa pamamagitan ng mapagpakumbabang pananalangin. Hilingin natin na magkaroon ng Pentecostes sa ating iglesia. Kung hindi kapa nakaranas ng personal revival, hilingin mo Panginoon ngayon-opo ngayun din! Hilingin mo na ipagkaloob sa iyo ng Panginoon ang kanyang Espiritu! amen!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento