Lunes, Agosto 3, 2020

Pagdidisipulo Gamit ang Caregroups at NOW Ministries

Pagbuo ng CareGroups: Para sa Epektibong Pagdidisipulo Gamit ang N.O.W. Ministries sa Local Church

Dahil tayo ay inuutusan ng Panginoong Jesus na “gawing alagad ang lahat ng tao”, kailangan tayong magsanay ng mga miembro na maglilingkod bilang alagad na hahayo, maglilingkod, mangunguna, magtuturo at mangangaral ng Salita ng Diyos.

Kung pastor at deakonesa lamang ang gagawa sa mga ministeryo, kaunting tao lamang ang maabot ng iglesia.

Maling kaisipan ang paniniwala na “ang pastor at deakonesa ay sinugo upang maglingkod sa simbahan.”

Sa Great Commission, sinusugo ang pastor, deakonesa at ang BUONG IGLESIA sa “sanlibutan”.  Ibig sabihin, tayo bilang iglesia ay sinusugo sa labas ng iglesia, upang gawing alagad ni Cristo ang lahat ng tao.

Ang mga pastor at deakonesa ay itinatalaga upang manguna sa iglesia na maglilingkod at mangangaral sa komunidad kung nasaan ang iglesia. Kung kaya kailangang sanayin bilang disipulo ang mga miembro, upang ang buong iglesia ay umabot sa pamayanan.

A. Magsanay ng mga Caregroup Leaders

Ang pagsasanay ng mga CareGroup Leaders ay mabisang paraan ng Pagdidisipulo. Ang pastor ay magiging epektibong discipler kung gagawin niya ito.

a. Hindi sosolohin ng pastor ang gawain na mag-isa. Kung may maraming caregroup leaders, mas maraming tao ang maabot ng iglesia.

b. Kung may maraming alagad na nangunguna sa mga gawain ng Bible Studies, visitations, personal evangelism at outreach, mas mabilis lumago ang iglesia.

c. Sa intensyonal na pagdidisipulo ng mga caregroup leaders, at mga miembro, siguradong matutupad natin ang utos ni Cristo, na gawing alagad Niya ang mga tao.

B. Mabisang Nurture Ministries

Dapat maalagaan ang mga miembro ng iglesia. Kailangang tumibay ang pananampalataya at katapatan ng bawat miembro. Gamit ang Caregroup system, mahalaga na mahikayat ang bawat miembro na;

a. Regular na ma-abot (connected) sila ng iglesia.
b. Makapag-simba ng regular (Sunday Worship)
c. Maging kabilang sa isang Caregroup para sa regular na Bible Study, prayer meeting.
d. Mapabilang ang bawat miembro sa pasanin at ministeryo ng iglesia sa komunidad.

C. Mabisang Outreach Ministries

Ang Outreach ay gawaing pagtulong ng iglesia lalo sa mga hindi kaanib sa labas ng iglesia. Ang pagtulong sa miembro ay maituturing na bahagi ng nurture ministries, ngunit ang pagtulong sa hindi miembro ay “OUT-Reach”.  Ito rin ang tinatawag na WORKS OF MERCY ng ating iglesia, kabilang ang pagbibigay pagkain, tulong sa mahihirap, pagbisita sa maysakit, pagbisita sa nakabilanggo, pagtulong na pagkumpuni ng sirang bahay ng hindi miembro, scholarship program, medical mission, relief distribution, disaster response at iba pa.

Ang Caregroup, ay hindi lamang para sa miembro sa NURTURE ministries. Sa panahon ni John Wesley, sa caregroup (class meeting) ay may collection na ginagamit ng grupo sa pagtulong. Ang bawat caregroup ay may misyon na ginagawa sa pamayanan, sa abot ng kanilang kakayanan. Sila ay regular na nag-aayuno upang may maibigay sa nagugutom.

Sa isang iglesia, ang caregroup ng mga UMW ay lumilikom ng ₱50. per person, weekly. Sila ay regular na tumutulong sa gift giving ministry para sa mga senior citizens na hindi miembro sa baranggay. Namimigay ang iglesia ng fruits at food packs sa mga matatanda, at maraming nahihikayat na pamilya ang umaanib sa iglesia.

Kailangang gumawa ng regular na misyon ang bawat caregroup, upang INTENSYONAL na umabot sa mga hindi kaanib ng iglesia.

D. Mabisang Witness Ministries

Ang layunin natin ay PAGDIDISIPULO, kaya hindi natatapos sa pagtulong ang ating gawain. Nais nating gawing ALAGAD ni CRISTO ang mga miembro, pati ang hindi pa kaanib sa iglesia. Nais natin silang mapabilang sa buhay ng iglesia bilang katawan ni Cristo.

Ang iglesia na may mabisang Caregroup ministries ay
may makakagawa ng mabisang Christian NURTURING, ay
nakakagawa rin ng mabisang OUTREACH ministries, at
Makakagawa rin ng mabisang WITNESS Ministries.

Dahil sa regular na pagtulong ng mga caregroups sa pamayanan, ang pagpasok ng iglesia sa WITNESS / EVANGELISM program nito sa komunidad ay napakabisa.

Maraming Evangelistic Crusade ang aking napapansin, na ginagawa sa pamamagitan ng biglaang pag-imbita ng mga taong hindi kakilala, at walang kaugnayan sa mga miembro ng iglesia. Para silang “lupa na biglang tinamnan”, na hindi man lang diniligan at binungkal muna.

Sa paggamit ng Caregroups, at regular Outreach, ang mga iniimbitahan sa Evangelistic Crusades ay ang mga matagal ng binibisita, pinag-pray at inabutan ng tulong ng caregroups. Ibig sabihin, matagal na silang “binubungkal at dinidiligan,” at sa Crusade ay handa na para “taniman” ng Salita ng Diyos.

At pagkatapos ng Evangelistic Crusade, ang mga tumanggap ay aalagaan ng Caregroups para sa follow-up at nurturing, hanggang ganap na maging bagong kaanib sa iglesia ang mga ito.

Maging INTESYONAL SA PAGDIDISIPULO,
Magsanay tayo ng mga Caregroup leaders,
Bumuo ng mga Caregroups sa mga Miembro,
Abutin ang mga hindi kaanib, at isama sa Caregroups at hikayating maging kaanib.

Gawin nating alagad ni Cristo ang lahat ng tao.

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...