Lesson 1
Ang Magagawa ng Pag-ibig
April 28, 2013: Fifth Sunday of Easter
Acts 11:1-18 ; John 13:31-35
Ice Breaker Question: Paano kayo binago ng pag-ibig? Halimbawa, paano nababago ang isang tao mula sa pagiging mainitin ang ulo tungo sa pagiging mapagtimpi, at matiyaga kapag nag-asawa na?
Ang Ating Aralin
Ang Gawa 11:1-18 ay usapin ng mga unang Judiong Kristiano tungkol sa pag-abot ni Pedro sa sa mga pagano. Nakita ni Pedro na maging ang mga pagano ay kabahagi sa plano ng Diyos sa pagliligtas. Ang pahayag na ito ay bago sa mga mananampalataya dahil akala nila, sila lamang ang kabilang sa iglesia ng Panginoon dahil sila ay mga Judio. Subalit higit sa kanilang akala ang plano ng Diyos. Tulad ng nakita ni Apostol Pablo ayon sa 1 Tess. 5:9,
"Hindi tayo pinili ng Diyos upang parusahan, kundi upang iligtas ang lahat sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
Ang katotohanang ito ay sinabi niya sa mga paganong Kristiano sa Tessalonica. Sila ay may bahagi sa plano ng Diyos sa pamamagitan ng pagliligtas na ginawa ni Kristo.
Ang Ating Misyon sa Labas ng Iglesia
Ang iglesia ay dapat maging matatag na kongregasyon upang maging malakas sa paglabas sa misyon. Sa pananaw ng iba, ang dalawang bagay na ito (pagpapalakas at paglabas sa misyon) ay dapat magkasabay. Habang nagpapalakas ang iglesia sa pananalangin, pagsamba at pagkakaloob - lalabas naman ito pagkatapos ng pagsamba upang magmisyon ang bawat miembro sa mga hindi pa kabilang sa mga mananampalataya.
Ang pangitain na ibinigay ng Diyos kay Pedro ay isang "eye opener" sa mga Kristiano.
1. Una, ang pagmimisyon sa mga pagano ay itinuturing na "paghawak sa marumi". Ngunit malinaw ayon sa Biblia ang plano ng Diyos, ayon kay Pablo sa 1 Tim. 2:4-7,
"Inihandog niya ang kanyang buhay upang tubusin ang lahat mula sa kasalanan. Ang katotohanang ito ay pinatunayan sa takdang panahon. 7 Dahil dito, ako'y pinili upang maging mangangaral, apostol at tagapagturo ng pananampalataya at katotohanang ito para sa mga Hentil. Totoo ang sinasabi kong ito, at hindi ako nagsisinungaling!"
Ang usaping ito ay naging laganap sa buong iglesia, dahil nakita ang mga apostol na nabahala ang maraming Judiong Kristiano sa pagmimisyon ng mga alagad sa mga Hentil.
2. Pangalawa, ang unang iglesia ay hinamon ng katotohanang ito upang magbago ng istruktura at paraan (mission strategy) sa kanyang pamamalakad tungkol sa pag-abot sa mga at ibang lahi na hindi Judio.
Naging mainit ang usapin tungkol sa nasabing issue kung paano tatanggapin ang mga hindi Judio sa kapulungang Kristiano. Mababasa ito sa Gawa 15:1-2,
"1May dumating doon na ilang taong mula sa Judea at nagturo sa mga kapatid, "Kapag hindi kayo nagpatuli ayon sa kaugaliang itinuturo ni Moises, hindi kayo maliligtas." 2Mahigpit itong tinutulan nina Pablo at Bernabe at naging mainitan ang kanilang pagtatalo. Kaya't napagpasyahang papuntahin sa Jerusalem sina Pablo at Bernabe at ilan pang kapatid na taga-Antioquia, upang ang suliraning ito ay isangguni sa mga apostol at sa pinuno ng iglesya."
Bilang tugon sa hamong ito, gumawa ng hakbang ang iglesia upang abutin ang mga hindi Judio. Hindi sila nanatili sa dati nilang sistema bilang iglesia. Dahil dito, lumago ang iglesia, dahil naging bukas ito sa mga bagong pamamaraan ng pag-abot sa iba’t ibang lahi.
Ang Hamon sa Iglesia sa Ating Panahon
Ang misyon noon ay paghayo sa malayong lugar. Noon ang mga misyonero ay lumalabas ng bansa o nagpupunta sa mga kabundukan. Ngunit ngayon, ang misyon ay nasa loob ng tahanan, sa mga miembro ng pamilya na hind nagsisimba. Ang misyon ay nasa kapitbahay, ang mga kamag-anak o kasama sa trabaho. Sa mga kakilala nating nasa bisyo, nasa kahirapan. Ang misyon ngayon ay nasa ating bakuran. Minsan nga, kasama na sila sa loob mismo ng iglesia.
Ang distansya ngayon ng iglesia sa misyon ay hindi na layo ng lugar kundi layo ng damdamin. Dahil sa damdamin ng mga Kristiano ngayon, mahirap abutin ang hindi kapananampalataya o hindi kapuso o hindi kapamilya. Kahit ang sariling kapatid sa pamilya ngayon ay parang mahirap na ring bahaginan ng ebanghelyo dahil malayo ang damdamin ng magkakapamilya. Ang buhay sa ating mga komunidad ngayon ay nagiging kanya-kanya. Ang sikat na kataga ngayon ay, "Buhay ko 'to! Huwag mo akong pakiki-alaman!"
Ang problema ngayon ay hindi malayong distansya kundi malayong damdamin ng mga taong nagkakanya-kanya. Ito ay makikita kahit sa loob ng iglesia.
Pag-ibig ang Tulay
Ang paraan ng Panginoong Jesus ay malinaw na tulay sa usaping ito.
1. Una, inuutusan tayo ng Panginoon na mahalin natin ang isa't isa sa loob ng iglesia. Ito ay magpapalakas sa atin sa loob ng kapulungan. Ang iglesia walang pag-ibig sa loob ay mahina. Dapat makita sa atin ang pagtutulungan, kahandaan sa sakripisyo kung kinakailangan para sa kapakanan ng iglesia.
2. Pangalawa, inaasahan natin na kapag nakikita ng mga nasa labas ng iglesi aang ating pagkaka-isa, maaakit sila sa ating pagkakaisa. Kaya sabi ng Panginoon, "Makikita nila na kayo ay mga alagad ko."
Ang nakikita ng ibang tao sa atin ang ating buhay na patotoo. Sa ganitong paraan tayo nagiging liwanag at aisn sa kanila.
3. Kung malinaw na nakikita sa ating iglesia ang #1 at #2, sa aking palagay, madali na nating magagawa ang ating misyon.
Isang mabuting halimbawa ang ginagawa sa ating iglesia (Wesley UMC, Olongapo). May mga kapatid tayo na nag-aayuno ng isang beses kada sa sanglinggo. Ang iba ay meryenda, o kaya ay full meeal Ang hindi nila kinain ay ibinibigay nila sa Outreach Ministry upang ipamigay sa mga nagugutom na miembro, at mga namamalimos sa lansanggan, sa hospital ministry. Bawat Sabado, lumalakad ang mga kabataan natin upang gawin ito.
Ang pundasyon ng ganitong programa ay pagmamahal sa Diyos at kapwa. Hindi rin ito nangangailangan ng pondo o salapi, ang kailangan nito ang mga taong nakahandang talikuran ang sarili para matulungan ang iba.
Ang Evangelism Program ay hindi rin nangangailangan ng pondo o programa. Ang kailangan dito ay mga taong tumanggap ng tunay sa pag-ibig ng Panginoon para sa kanilang kaligtasan. At saan man sila dadako, ibinabahagi nila ang pag-ibig ng Diyos sa iba. Nanghihikayat sila sa ibang tao sa iglesia, dahil alam nila, hindi lamang relihiyon ang ating ibinabahagi, kundi kaligtasan ang ating dala mula sa Panginoon.
Pag-ibig at Misyon
Ang pag-ibig ng Diyos ang ating baon sa ating pagmimisyon. Ang kailangan natin ngayon ay ang ilapit ang ating sarili sa mga tao. Paglabas mo sa iglesia, naririyan na sila, minsan namamalimos, minsan nga sila ay mga miembro ng iglesia na hindi man nakikilala ng kapwa miembro, at hindi man sila nabibisita ng pastor.
Kung ang pag-ibig na sinasabi ng Panginoon ay makikita lamang sa loob at lalabas sa iglesia, naniniwala ako na talagang mababago natin ang mundo.
Mga Tanong:
1. Ang politika ay itinuturing na marumi ng ilang Kristiano na hindi raw dapat suhungin ng mga mananampalataya. Hindi kaya ito isang "maruming" lugar na dapat ding pasukin ng mga Kristiano upang lumawak ang ating misyon? Ano sa palagay mo?
2. Paano tayo aabot sa mga hindi mananampalataya na hindi naman natin kinokompromiso ang ating pagka-kristiano?
3. Bakit kailangang maging bukas ang iglesia sa mga pagbabagong ipinapahayag ng Diyos? Paano natin malalaman ang tamang pagbabago sa maling pagbabago? Bakit kailangan tayong maging maingat sa bagay na ito tulad ng unang iglesia?
_____________________
Lesson 2
Halimbawa ng Pagsunod sa Kalooban ng Diyos Para sa Misyon
Gawa16:9-15
Mapalad tayo dahil ang Biblia ay sapat upang gabayan tayo sa ating pananampalataya. Ang halimbawa nina Pablo at Lucas pagdating sa pagsunod sa Diyos ay isang pambihirang halimbawa ng kanilang pagiging bukas sa mga nais ng Diyos para sa misyon. Ang pangalawang bahagi ng ating pag-aaral ay tungkol naman sa pagtanggap ni Lydia sa pananampalatayang Kristiano, at kung paano nakita sa kanya ang pagiging tunay na mananampalataya sa Diyos.
Ang Halimbawa ni Pablo
Alam natin gaano kahanda si Pablo upang sumabak sa misyon na nais ipagawa ng Diyos sa kanya. Matalino siya at masipag. Ngunit makikita sa kwentong ito na malinaw para kay Pablo ang isang katotohanan: “Tao ang gumagawa, ngunit ang Diyos ang nagpapala.”
Una siyang nagbalak magmisyon sa Asia. Ngunit hindi siya pinayagan ng Diyos doon. Pangalawa ay sa Bithynia, ngunit hindi rin siya pinayagan ng Diyos doon.
May ilang bagay tayong makikita sa halimbawang ito ni Pablo.
Una ay ang kanyang pagiging bukas sa pakikinig sa kalooban ng Diyos. Hindi siya nagpapasya ayon sa kanyang kalooban at sariling plano. May mga tao na ayaw nilang pinipigilan sila sa kanilang "mabuting plano" o panukala. May kasabihan pa po tayo na "Every person is entitled to his/her own opinion." Gayun man, si Pablo ay ganap na umaasa sa kalooban ng Diyos.
Pangalawa ay ang kanyang kahandaan upang sumunod sa nais ipagawa ng Diyos para sa kanya. Maraming Kristiano ang laging handa upang magmisyon, subalit ang sarili nilang panukala at galing ang kanilang gamit. Ang resulta, sila ang napapapurihan at hindi ang Diyos.
Madalas din na ang kalooban ng Diyos ay hindi nangyayari dahil kalooban ng tao ang nangingibabaw kahit sa loob pa ng iglesia magkaminsan.
Ang Tawag sa Macedonia
Dahil hindi nga pinayagan ng Diyos na magpunta sina Pablo sa Asia at Bithynia, patuloy lamang silang naghintay sa susunod na nais mangyari ng Diyos.
Hindi rin madali ang utusan tayong maghintay, lalo kapag nag-aapoy tayo sa excitement ng paglilingkod. Subalit ang Diyos ay may sariling panahon at kailangan tayong sumunod sa "timing" ng Diyos. Kailangan tayong matutong maging mahinahon at maghintay sa panahon ng Diyos.
At ang wika ng Biblia sa Gawa 16: 9-10, “Kinagabihan, nagkaroon si Pablo ng isang pangitain; isang lalaking taga-Macedonia ang nakatayo at nakikiusap sa kanya, "Pumarito kayo sa Macedonia at tulungan ninyo kami.” Pagkatapos ng pangitaing ito, gumayak agad kami sapagkat natiyak naming kami'y tinatawag ng Diyos upang ipangaral sa Macedonia ang Magandang Balita.”
Ang Ressulta ng Kanilang Pagsunod
Agad pumunta sina Pablo sa Macedonia, ngunit hindi pa rin sila agad-agad nangaral ng mabuting Balita. Naghintay pa sila ng ilang araw hanggang dumating ang araw ng Pamamahinga o Sabbath. Ngunit walang sinagoga sa lugar na iyon. Upang makapagtayo ng sinagoga ang mga Judio, kailangan ng sampung kalalakihan na bubuo nito at hindi maaring pangunahan ng mga kababaihan ang isang sinagoga.
Ang nakita nilang pinagtitipunan ng mga Judio at mga naniniwala sa Diyos ay tabing ilog at doon sila nananalangin. Noon nila nakilala si Lydia, isang nangangalakal ng mamahaling damit. Nagpabautismo si Lydia at ang kanyang buong sambahayan. At sa ganoong paraan nagsimula ang isang iglesia ng Panginoon sa Macedonia.
Hindi madali ang naging karanasan nina Pablo. Pinigil sila ng makalawang beses ng Diyos, at pagkatapos ay binigyan sila ng “go signal” at pagkatapos ay “wait signal” at pagkatapos ay “GO!” na naman.
Ang ganitong katangian ng mga unang alagad ay nagpapatotoo sa kanilang pagiging sensitibo sa kalooban ng Diyos. Nagpapatunay ito sa kanilang pagiging mapanalangin at kalapitan sa Diyos na patuloy na nagungusap sa kanila.
Si Lydia: Ang Bunga ng Kanilang Pagsunod
Ang pagiging tunay an Kristiano ay nakikita rin sa mga alagad na inakay nina Pablo sa Panginoon. Halimbawa rito si Lydia, ang unang naging alagad sa Macedonia. Aralin natin ang kanyang mabilis na pag-unlad sa pananampalataya.
1. Tinanggap niya ang Salita ng Diyos na may bukas na isipan (v.14). Ibig sabihin, inaral niyang mabuti ang ibinabahagi sa kanya ng mga apostol bago siya nagpabautismo.
2. Nagpabautismo siya at ang kanyang buong pamilya. Maaring si Lydia ay isang balo, na tumatayo bilang ama at ina ng tahanan. Malinaw para sa kanya na ang kanyang tinanggap ay hindi lamang pakiki-anib sa isang relihiyon, kundi pagtanggap ng kaligtasan. Ito ang dahilan kung bakit isinama niya agad ang kanyang buong sambahayan, upang maligtas din sila.
3. Handa niyang pinanindigan ang kanyang pagiging tunay na alagad ng Panginoon sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga apostol sa kanyang tahanan.
Nakita natin sa ating aralin na ang tunay na paglilingkod sa Diyos ay may sangkap ng pagiging masunurin sa kalooban ng Diyos. At upang malaman ang kalooban ng Diyos, kailangan tayong maging sensitibo sa kanyang kalooban, maging malapit sa Panginoon sa pamamagitan ng palagiang pananalangin at pagsamba. At makikita natin ang mabungang resulta na gawa ng Diyos.
____________________
Lesson 3
Ang Tagumpay ng Kabutihan Laban sa Kasamaan
Gawa 16:16-34
May isang kwento upang ilarawan ang tagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan.
May isang bayan na nakubkob ng mga mananakop. Walang maaring pumasok at lumabas sa siyudad, dahil napapalibutan sila ng mga sundalo ng kaaway. Ang mga mamamayan ay puno ng takot.
Ngunit isang gabi, may espiyang kakampi ng nasakop na bayan na nakapasok sa siyudad ng palihim. Ang dala ng espiya ay isang balita na ang mga mananakop ay natalo sa isang digmaan sa iba pang bayan. Na nangapi na ang kanilang mga leaders at nawasak na ang kanilang mga armas. At hindi magtatagal ay hihina ang pwersa ng kaaway at makakalaya rin ang kanilang siyudad.
Ang kalagayan natin bilang Kristiano ay katulad ng kwentong ito. Sa unang tingin, para tayong sukol ng kaaway. Para bang nangingibabaw ang kasamaan sa mundo. Ngunit, doon sa Calbaryo ang pinuno ng kasamaan ay natalo na ni Cristo. Hindi magtatagal ay babagsak na ng tuluyan ang kasamaan sa kamay ng Diyos.
3 Katangian ng Kasamaan (Three Characteristics of Evil)
1. Evil enjoys oppression. Ang kasamaan ay umaalipin. Ang isang tanda ng kasamaan ay ang paggamit nito ng kapwa tao upang gamitin at alipinin. Kumpara sa Diyos, ang kasamaan ay gumagamit ng tao upang alipinin, samantalang ang Diyos ay tumatawag ng tao upang upang gawin silang mga anak ng Diyos.
2. Evil encourages love of money. Ang manifestation ng kasamaan ay makikita sa labis na pag-ibig sa salapi. Kahit ang Biblia ay nagpapa-alala na ang pag-ibig sa salapi ay ay ang ugat ng lahat ng kasamaan. Ayonsa 1 Tim 6:10,
“Sapagkat ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.”
3. Evil craves for power. Isa pang katangian ng kasamaan na makikita sa kwentong ito ay ang kahandaan ng kasamaan upang magparusa kahit sa mga walang kasalanan. Ito ay upang ipakita na sila ang nasa “control”. Ang pagkauhaw sa kapangyarihan ay isang uri ng kasamaan na dapat iwaksi ng mga Kristiano. Tayo ay tinawag upang maglingkod sa kapwa, at upang makipamuhay sa mga mahihirap at mababa.
Ang Tagumpay ng Kabutihan
Mababasa sa kwento na tuwing makita ng masamang espiritu ang mga alagad, sinasabi nito na sila ay mula sa Diyos at nagdadala ng balita ng kaligtasan. Ang dahilan ng masamang espiritu ay para tuyain sila. At bigla, pinalaya ni Pablo ang bata mula sa pang-aalipin ng masamang espiritu.
Gayun man, sa halip na matuwa, nagalit ang mga taong umaalipin sa bata dahil pinagkakakitaan nila ang panghuhula ng bata. Ibig sabihin, higit na masasama ang mga taong gumagamit sa bata upang pagkakitaan.
Sa kabilang banda, makikita natin sa kwentong ito ang mga katangian naman ng kabutihan.
3 Katangian ng Kabutihan (Three Characteristics of Good)
1. Readiness to comfront Evil even if it will lead to suffering. Righteousness triumphs over evil in a struggle. Dapat may ginagawa ang kabutihan upang magapi ang kaaway. Ang tagumpay ng kasamaan ay bunga ng kabutihan na walang pagkilos. Ang tunayna kabutihan ay handang magsakripisyo magapi lamang ang kasamaan. Sa ganitong paraan natalo ng Panginoong Jesus ang kaaway sa ibabaw ng krus. Siya ay namatay alang-alang sa atin na kanyang minamahal. Anumang sakripisyo sa ngalan ng kabutihan at hindi mawawalan ng saysay.
2. Good is dependent on God. Hindi natitinag ang kabutihan sa pagtitiwala sa Diyos. Pagmasdan na bagamat nagdusa ang mga alagad, hindi sila nawalan ng pananampalataya sa Diyos. Sa loob ng bilanguan, sila ay patuloy na umaawit at nanalangin.
3. Good leaves the results to the hands of God.
Alam ng mga alagad na kahit sila ay nakabilanggo, kailan man ang Diyos ay hindi maari ibilanggo! Dahil ang diablo ang siyang ibibilanggo ng Diyos!
Ang Resulta ng Pagpapakasakit ng mga Alagad sa Ngalan ng Kabutihan
Bandang huli, nakita natin na kumilos ang Diyos sa karanasan ng mga alagad. Pinalaya sila at maging ang nagparusang pinuno ng bilangguan ay sumampalataya sa Panginoon.
Ang kabutihan ay nagbubunga ng mas maraming kabutihan. Ito ay nagpapalaya, at nagliligtas. Ang kabutihan ay gagantimpalaan ng Diyos. Hindi tayo dapat tumigil sa pagsupil sa anumang uri ng kasamaan. Ito ang tanda na tayo ay mga tunay na alagad ni Cristo.
_________________________
Lesson 4
Ang Pagdating ng Banal na Espiritu
Gawa 2:1-21
Ang isa sa pinakamahalagang pangako ng Panginoong Jesus sa mga alagad ay ang pagdating ng Espiritu Santo, ang pangatlong Persona ng Diyos. Ang Espiritu ang presensya ng Diyos kasama natin. Ang pagdating ng Espiritu Santo ay may tatlong bahagi sa kwentong ito na ating matutunghayan.
A. Ang Pista ng Pentecostes
Sinasabing kwento na dumating ang Espiritu sa araw ng Pentecoste. Ano ang Pentecoste? Ibig sabihin nito ay “limampu” or fifty. Ito ang pinakamahalagang taunang pista ng Judio, dahil,
1. Isa itong thanksgiving festival sa pag-ani ng trigo (Ex. 23:14-17; Deut. 16:9-12).
2. Pasasalamat ito ng mga mamamayan ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagkakaloob ng unang bunga sa Panginoon (first fruit harvest).
3. Tinatawag din itong Feast of Weeks, dahil inaalala rin dito ang kasunduan ng Diyos at ni Noe.
4. At inaalala rin sa pistang ito ang pagkakaloob ng Diyos ng Sampung Utos kay Moises.
Mahalaga ang pistang ito kung kaya maraming Judio mula sa ibat-ibang panig ng mundo ang nagpupunta sa Templo ng Jerusalem, upang makipagdiwang. Subalit sa pista rin ito dumating ang Espiritu Santo, sa mga naghihintay na Kristiano.
Binigyang diin ni San Lucas na ang pagdating ng Espiritu ay puno ng mga kakaibang karanasan para sa mga alagad.
1. Ang ingay ng hangin mula sa langit
2. Ang apoy na dumapo sa bawat alagad
Ang hangin sa Biblia ay nangangahulugan ng kapangyarihan ng Diyos na lumikha at magdala ng pagbabago tulad ng sinasabi ng Ezekiel 37:9,
“Sinabi sa akin ni Yahweh, "Ezekiel, anak ng tao, tawagan mo ang hangin sa lahat ng dako. Sabihin mong ipinapasabi ko: Hangin, hingahan mo ang mga patay na ito upang sila'y mabuhay."
Ang apoy naman ay sumisimbolo sa kabanalan at makapangyarihang presensya ng Diyos, tulad ng inilalarawan ng Exodo 19:18, “Ang Bundok ng Sinai ay nababalot ng usok sapagkat bumaba si Yahweh sa anyo ng apoy.”
Ang Pentecoste kung gayon ay isang panibagong karanasan sa Diyos ng mga Kristiano na naghahanap ng pagbabago at kapangyarihan sa kanilang pananampalataya. Napuno sila ng presensya at kapangyarihan ng Diyos ayon sa pangako ng Panginoong Jesus sa Gawa 1:8,
“Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig."
Dahil sa pagdating Espiritu ng Diyos sa kanila, ang mga alagad ay nakapagsalita ng wika na nauunawaan ng mga maraming tao.
1. tumutukoy ito sa paraan ng Diyos upang abutin ng mga Kristiano ang lahat ng tao sa buong mundo. Ang pagpapalaganap natin ng Salita ng Diyos para sa kaligtasan ng lahat ng tao ay binibigyang halaga sa kwentong ito.
2. Sa kapangyarihan ng Diyos, nagkakaunawaan ang mga tao sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Kabaligtaran ito ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao noong itayo ang Tore ng Babel sa Genesis 11:1-9.
Ang mga alagad ay nangaral at naunawaan ng mga tao ang kanilang sinasabi bagamat napagkamalan silang mga lasing.
B. Ang Pangangaral ni Pedro
Ang pangalawang bahagi ng kwento ay ang pangangaral ni Pedro. Sinabi niya na hindi sila lasing at ang pangyayaring nakikita ng mga tao at kaganapan lamang ng hula ng Propeta Joel tungkol sa pagdating ng Banal na Espiritu.
Sinabi rin niya ang tungkol sa kamatayan ng Panginoong Jesus at ang kanyang muling pagkabuhay. Ipinaliwanag niya ang natupad na plano ng Diyos, at ang mga alagad ay saksi sa lahat ng pangyayari. At ito ang nasaksihan nila ay ang pagbuhos ng kapangyarihan ng Diyos sa mga sumasampalataya kay Jesus, bilang Panginoon at tagapagligtas.
C. Ang Tugon ng mga Nakinig
Sa pangangaral ni Pedro, may tatlong bagay na hinihiling sa mga nagnanais maging alagad ng Panginoong Jesus;
1. Magsisi - ito ay pagtalikod sa mga bagay na hindi nagbibigay lugod sa Diyos. Sinisira ng kasalanan ang masayang buhay na dapat mayroon tayo. Ang pagsisi ay pagtalikod sa kasalanan tungo sa pagsunod sa Diyos.
2. Magpabautismo - upang tanggapin ang pagpapatawad ng Diyos sa mga kasalanan, at magkaroon ng tunay na paglilinis, at maging kabahagi ng katawan ni Cristo, ang iglesia.
3. Ang tanggapin ng isang alagad ang Banal na Espiritu, ang presensya at kapangyarihan ng Diyos, na nagbibigay ng lakas sa alagad upang patunayan niya na ang kanyang sinasampalatayanang Panginoon ay nasa kanyang buhay.
Reflections:
1. Ang sabi ng Lucas 11:13 tungkol sa pagtanggap ng Banal na Espiritu?
2. Paano malalaman ng isang Kristiano kung tinanggap na niya ang Holy Spirit? Basahin ang Galatia 5:16-26.
3. Ano ang mga bagay na dapat makita sa isang napupuno ng Banal na Espiritu?
___________________
Lesson 5
Batayan ng Mabuting Balita
Galacia 1.1-12
Madalas sabihin ng ating Obispo na dapat tayong magsimula sa tama, upang magwakas tayo ng tama. Tama nga naman, ang anumang sinimulan sa maling pundasyon ay babagsak. Kahit ang Panginoon ay nagsasabi na dapat ilagay sa batong matatag ang pundasyon upang hindi ito mawasak ng malakas na hangin.
Ang Linggong ito ay bagong simula ng isa na namang taon ng paglilingkod at pagsamba sa Diyos. Idalangin natin na kakitaan tayo ng tamang puso sa paglilingkod upang mapasaya natin ang ating Diyos.
Ang Kalagayan sa Likod ng Sulat sa Galatia
Ang mga taga-Galacia ay mga Hentil sa Asia Minor (Turkey sa ating panahon) na nakakilala sa Panginoong Jesus. Sila ay naturuan tungkol sa kaligtasan bunga ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesus. Gayun man, may mga Judio na nangaral din sa kanila na nagsabing kailangan silang magpailalim sa mga batas pangrelihiyon ng Judaismo para sila maging tunay na Kristiano. Ibig sabihin, ang mga Judiong ito ay nangaral na ang kaligtasan ay bunga ng gawang pangrelihiyon at hindi sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo.
1. Ang Batayan ng Mabuting Balita (Mababasa sa v.4)
"Inialay ni Jesu-Cristo ang kanyang sarili dahil sa ating kasalanan ayon sa kalooban ng ating Diyos Ama upang mahango tayo sa kasamaang naghahari ngayon sa sanlibutang ito."
Ito ang saligang turo ng mga apostol. Ang kaligtasan ay natatamo sa pamamagitan ng pananampalataya sa ginawang pag-aalay ng buhay ng Panginoong Jesus upang mahango tayo sa kasamaan.
Wala na tayong maaring idagdag sa ginawang ito ng Diyos, At kung sinasabi nating nakapagliligtas ang mabuting gawang pangrelihiyon, ay para narin nating sinasabi na "hindi na natin kailangan ang pagliligtas na ginawa ng Panginoong Jesus". Dahil kung maililigtas naman pala ng isang tao ang sarili sa pamamagitan ng kanyang sariling gawa, hindi na niya kakailanganin pa ang isa pang Tagapagligtas.
Tulad ng nasasaad sa Hebreo 10:10, "At dahil sinunod niya ang kalooban ng Diyos, tayo ay ginawang banal ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng minsanan at sapat na paghahandog ng kanyang sarili."
Ang Lugar ng Mabuting Gawa sa Kaligtasan
Ang kaligtasan ay hindi bunga ng mabuting gawa (Efeso 2:9), ngunit ang tunay na pananampalatayang nakapagliligtas ay nagbubunga ng mabuting gawa (Santiago 2.22).
"Dito ay makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at mga gawa, at naging ganap ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa."
Ang mabuting gawa ay katibayan ng pananampalataya, ngunit hindi ito ang mga pangunahing saligan ng kaligtasan. Dahil ang tanging saligan ng kaligtasan ay pananalig kay Cristo Jesus.
Ang mga Judio ay may ibang saligan:
a. Itinuro nila na kailangan munang umanib ang mga Hentil sa Judaismo para maligtas.
b. Kailangan muna daw silang dumaan sa ritual na pangrelihiyon upang maging ganap na Kristiano o para maligtas.
Ito ay malinaw na taliwas sa turo ng mga apostol.
2. Ang Tamang Pagkilatis at Pagtanggap sa Mabuting Balita
Gahibla lamang ang pagitan ng dalawang turong ito, ngunit napalaki ng kanilang pagkaka-iba. Maraming Kristiano ang naaakay sa maling katuruan na ang gawa ay nakapagliligtas at maraming tagapagturo ang nagsasabing ang pakiki-anib sa kanilang relihiyon lamang ang nakapagliligtas.
Ngunit pananalig lamang kay Jesus ang makapagliligtas sa atin. May kwento tungkol sa isang kabataan na dumalo sa isang spiritual retreat. Sa oras ng pagtatalaga, naglagay ng isang malaking krus ang pastor at sinabi niya na isulat ng mga kabataan ang kanilang mga kasalanan at ipako ang papel sa krus. At wika ng pastor, "Gaano man kalaki ang inyong kasalanan, maniwala kayo na kaya kayong patawarin ng Diyos!" Hindi makapaniwala ang kabataan na ganoon lamang kadali ang patawarin ng Diyos. Kaya nagtanong siya sa pastor, "Pastor marami at malubha po ang aking mga kasalanan. Wala ba talaga akong dapat gawin para bayaran ang mga ito sa harap ng Diyos?"
Wika ng pastor, "Wala anak, basta dalhin mo lang sa krus ang papel, at maniwala ka na patatawarin ka ng Diyos."
"Ganun lang po ba kadali iyon?!" nagtatakang tanong ng kabataan. "Oo, anak, ganun lang kadali iyon para sa atin, ngunit huwag mong kalilimutan na para maligtas tayo, nagdusa ang Panginoong Jesus ng parusa at kamatayan sa krus upang maganap ang kapatawaran ng ating mga kasalanan."
Noon pa lamang naunawaan ng kabataan kaya dali-dali niyang ipinako sa krus ang listahan ng kanyang mga kasalanan. Habang ginagawa niya ito, dumaloy ang luha sa kanyang pisngi, dahil sa oras na iyon, naramdaman niya ang ganap na pagpapatawad ng Diyos. Siya ay naligtas sa pamamagitan ng biyaya, tanging sa biyaya ng Diyos, at hindi dahil sa kanyang sariling gawang kabutihan.
3. Mga Tunay na Tagapagdala ng Mabuting Balita
Isa pang masaklap na ginawa ng mga Judio sa Galatia ay ang paninira na ginawa nila laban kay Pablo. Dahil dito, kinailangan pang ipagtanggol ng apostol ang kanyang sarili, upang patunayan niya na ang kanyang dalang turo ay mula sa Panginoong Jesus mismo at hindi ito katuruan ng tao.
Ang turo ng apostol tungkol sa doktrina ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya (salvation by faith) ay kanyang naranasan sa kanyang buhay at kung paano siya naligtas.
a. Si Pablo ay dating nananalig sa kanyang relihiyon bilang isang panatiko, laban sa Diyos. Alam ni Pablo na siya naging napakasama sa harapan ng Diyos dahil sa pagsugid niya sa iglesia ng Diyos. Ayon sa Galacia 1:13-14,
"Hindi kaila sa inyo kung paano ako namuhay noon bilang masugid na kaanib ng relihiyon ng mga Judio. Walang awa kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na ito'y wasakin. Sa relihiyong iyon, ako'y naging masugid nang higit sa maraming Judiong kasing-edad ko, dahil ako'y panatiko sa kaugalian ng aming mga ninuno."
b. Napagbulayan niya na ang lahat ng naganap sa kanyang buhay ay pawang ayon sa kabutihan ng Diyos mula pa noong bago siya ipinanganak.
Alam ni Apostol Pablo na ang kanyang natamong kaligtasan ay hindi niya tinanggap dahil sa kanyang kabutihan o karapatan. Ito ay bunga ng biyaya ng Diyos.
Dahil ngayon sa sariling karanasang ito, nagkaroon ng karapatang ipangaral ng apostol ang Mabuting Balita ng pagliligtas sa mga Hentil dahil siya man ay dating makasalanan na iniligtas ng Diyos.
Ang Mabuting Balita ay turo ng Panginoon
Ang pagtuturong ginawa ng Panginoon sa apostol ay sa pamamagitan ng karanasang maligtas dahil sa awa at biyaya ng Diyos. Hindi siya naging matuwid dahil sa pagtupad niya sa mga kautusan ng kanyang relihiyon bilang isang Judio. Naligtas siya dahil sa pananalig sa ginawa ni Cristo sa krus. Alam ng apostol na sapat na iyon para sa kaligtasan ng lahat ng tao.

_________________
Lesson 6
Ang Patotoo ni Pablo Bilang Apostol
Galacia 1:11-24
Si Francis Asbury, ang unang obispo ng Methodist Episcopal Church sa United States, ay minsang nanalangin sa isang deacon ordination ng ganito, "0 Panginoon, ipahintulot mo na ang mga kapatid na ito ay hindi mangarap na makitulad lang sa iba."
Ang mangarap na “maging katulad ng iba” ay maaring maging daan ng kompromiso ng prinsipyo. O di kaya’y ang makiayon sa maling desisyon ng nakakarami. Totoo na mapanganib din kapag ang isang tao ay hindi marunong makisama. Ngunit may pagkakataon na dapat magtiis ang isang tao sa tama kahit wala na itong kakampi. Ang tunay na apostol ng Panginoon ay naninindigan sa tama kahit nag-iisa na lamang. At ganito ang halimbawa ni Pablo, upang ipagtanggol ang Mabuting Balita ni Cristo.
Ang Hindi Pakikiayon ni Pablo sa Marami
Si Pablo ay pinaratangan ng ibang Kristiano, dahil hindi siya naki-isa sa kanilang paniniwala na dapat daw sumunod sa mga patakarang Judio ang mga sumasampalataya kay Kristo. Si Pablo, bagamat nag-iisa ay nanindigan na hindi ito kailangan dahil sapat na ang sumampalataya kay Cristo para maligtas. At ang sabi niya, kung talagang kailangang pang sundin ang mga patakarang Judio para maligtas, ay parang sinasabi nila na walang kabuluhan ang kamatayan ni Jesu-Cristo.
Ang Kanyang Patotoo Tungkol sa Ebanghelyo
Naging Kristiano si Pablo dahil nakatagpo niya ang Panginoong Jesus, at ang Panginoon na mismo ang nagturo sa kanyang ipangangaral sa mga Hentil. Kung kaya, ang mga aral ni Pablo ay tuwiran niyang natutunan mula sa Panginoong Jesus. Kaya nga sabi niya, sa verse 11-12,
“Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang Magandang Balitang ipinangaral ko'y hindi katha ng tao. Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, at hindi rin itinuro sa akin ng sinumang tao. Si Jesu-Cristo mismo ang naghayag nito sa akin.”
Ito ang inspirasyon ni Pablo sa pangangaral. Matibay ang kanyang conviction na mula sa Panginoon ang kanyang itinuturo.
Ang Patotoo ni Pablo Tungkol sa Kanyang Karanasan
Isa pang ebidensya ni Pablo ay ayon sa sarili niyang naranasan kung paano siya naging Kristiano. Hindi siya naging Kristiano dahil sa kanyang pagiging Judio, na dati iyang relihiyon. Sahalip, ang pagiging Judio pa nga niya ang naging dahilan upang usigin niya ang mga Kristiano.
Hindi rin siya naging ganap na Kristiano dahil sa turo o impluensya ng ibang apostol. Kung baga, ang impluensya ng kanyang pagiging Kristiano ay tuwirang mula sa Diyos., kaya alam niyang tama siya, bagamat binabatikos siya ng marami.
Tanging pananampalataya kay Cristo ang daan sa pagiging Kristiano ng apostol. Sa ganitong paraan niya naranasan ang ganap na kapatawaran at kaligtasan. Ito rin ang dahilan kung bakit matatag ang kanyang paninindigan sa tamang paniniwala.
Ang Mahalagang Dahilan ni Pablo
Ang mga taga-Galacia rin ay naging Kristiano dahil sa pananalig sa Panginoong Jesus. May mga Judiong mangangaral na nagsabing, magiging ganap lang ang kanilang pagiging Kristiano kung susundin nila ang mga batas Judio. Malinaw ngayon na pinanawalang halaga ng mga Judio ang ginawang pananampalataya ng mga taga-Galacia sa Panginoong Jesus. At pinawawalang halaga rin nila ang kamatayan at pagliligtas na ginawa ng Panginoon sa krus. Sinasabi nila na ang makapagliligtas sa tao ay ang sariling gawang mabuti, ang pagsunod sa mga batas, at seremonyas na pangrelihiyon.
Mahirap ang ginawa ni Pablo. itinuwid niya pati ang mga taga-Galacia at pinagsabihan niya pati si Apostol Pedro (pinuno ng mga original apostles!). Ngunit napatunayang tama si Pablo.
Tanong sa Talakayan:
1. Sang-ayon ka ba sa mga taong pumapayag sa kompromiso, para lang makaiwas sa gulo at division?
Sila yung nagsasabing, “Para wala ng gulo, sang-ayunan na lang muna natin sila.” Sabi naman ng mga naninindigan, “Di baleng magkagulo, lumitaw lang kung ano ang tama!” Pag-usapan ito ng walang pag-aaway.
2. Maraming Kristiano ang nagpakatotoo at sila ay pinahirapan dahil ayaw nilang ikompromiso ang ang prinsipyo at pananampalatayang Kristiano. Bakit mahalaga ang may paninindigan?
3. Kailan nararapat ang paninindigan at kailan nararapat ang pagsang-ayon sa nakakarami? May balanse bang paraan para makaiwas sa confrontation o division sa pagitan ng pagpili sa tama at mali?
_____________________
Lesson 7
Halimbawa ng Pagsunod sa Kalooban ng Diyos Para sa Misyon
Gawa16:9-15
Mapalad tayo dahil ang Biblia ay sapat upang gabayan tayo sa ating pananampalataya. Ang halimbawa nina Pablo at Lucas pagdating sa pagsunod sa Diyos ay isang pambihirang halimbawa ng kanilang pagiging bukas sa mga nais ng Diyos para sa misyon. Ang pangalawang bahagi ng ating pag-aaral ay tungkol naman sa pagtanggap ni Lydia sa pananampalatayang Kristiano, at kung paano nakita sa kanya ang pagiging tunay na mananampalataya sa Diyos.
Ang Halimbawa ni Pablo
Alam natin gaano kahanda si Pablo upang sumabak sa misyon na nais ipagawa ng Diyos sa kanya. Matalino siya at masipag. Ngunit makikita sa kwentong ito na malinaw para kay Pablo ang isang katotohanan: “Tao ang gumagawa, ngunit ang Diyos ang nagpapala.”
Una siyang nagbalak magmisyon sa Asia. Ngunit hindi siya pinayagan ng Diyos doon. Pangalawa ay sa Bithynia, ngunit hindi rin siya pinayagan ng Diyos doon.
May ilang bagay tayong makikita sa halimbawang ito ni Pablo.
Una ay ang kanyang pagiging bukas sa pakikinig sa kalooban ng Diyos. Hindi siya nagpapasya ayon sa kanyang kalooban at sariling plano. May mga tao na ayaw nilang pinipigilan sila sa kanilang "mabuting plano" o panukala. May kasabihan pa po tayo na "Every person is entitled to his/her own opinion." Gayun man, si Pablo ay ganap na umaasa sa kalooban ng Diyos.
Pangalawa ay ang kanyang kahandaan upang sumunod sa nais ipagawa ng Diyos para sa kanya. Maraming Kristiano ang laging handa upang magmisyon, subalit ang sarili nilang panukala at galing ang kanilang gamit. Ang resulta, sila ang napapapurihan at hindi ang Diyos.
Madalas din na ang kalooban ng Diyos ay hindi nangyayari dahil kalooban ng tao ang nangingibabaw kahit sa loob pa ng iglesia magkaminsan.
Ang Tawag sa Macedonia
Dahil hindi nga pinayagan ng Diyos na magpunta sina Pablo sa Asia at Bithynia, patuloy lamang silang naghintay sa susunod na nais mangyari ng Diyos.
Hindi rin madali ang utusan tayong maghintay, lalo kapag nag-aapoy tayo sa excitement ng paglilingkod. Subalit ang Diyos ay may sariling panahon at kailangan tayong sumunod sa "timing" ng Diyos. Kailangan tayong matutong maging mahinahon at maghintay sa panahon ng Diyos.
At ang wika ng Biblia sa Gawa 16: 9,
“Kinagabihan, nagkaroon si Pablo ng isang pangitain; isang lalaking taga-Macedonia ang nakatayo at nakikiusap sa kanya, "Pumarito kayo sa Macedonia at tulungan ninyo kami.” Pagkatapos ng pangitaing ito, gumayak agad kami sapagkat natiyak naming kami'y tinatawag ng Diyos upang ipangaral sa Macedonia ang Magandang Balita.”
Ang Resulta ng Kanilang Pagsunod
Agad pumunta sina Pablo sa Macedonia, ngunit hindi pa rin sila agad-agad nangaral ng mabuting Balita. Naghintay pa sila ng ilang araw hanggang dumating ang araw ng Pamamahinga o Sabbath. Ngunit walang sinagoga sa lugar na iyon. Upang makapagtayo ng sinagoga ang mga Judio, kailangan ng sampung kalalakihan na bubuo nito at hindi maaring pangunahan ng mga kababaihan ang isang sinagoga.
Ang nakita nilang pinagtitipunan ng mga Judio at mga naniniwala sa Diyos ay tabing ilog at doon sila nananalangin. Noon nila nakilala si Lydia, isang nangangalakal ng mamahaling damit. Nagpabautismo si Lydia at ang kanyang buong sambahayan. At sa ganoong paraan nagsimula ang isang iglesia ng Panginoon sa Macedonia.
Hindi madali ang naging karanasan nina Pablo. Pinigil sila ng makalawang beses ng Diyos, at pagkatapos ay binigyan sila ng “go signal” at pagkatapos ay “wait signal” at pagkatapos ay “GO!” na naman.
Ang ganitong katangian ng mga unang alagad ay nagpapatotoo sa kanilang pagiging sensitibo sa kalooban ng Diyos. Nagpapatunay ito sa kanilang pagiging mapanalangin at kalapitan sa Diyos na patuloy na nagungusap sa kanila.
Si Lydia: Ang Bunga ng Kanilang Pagsunod
Ang pagiging tunay an Kristiano ay nakikita rin sa mga alagad na inakay nina Pablo sa Panginoon. Halimbawa rito si Lydia, ang unang naging alagad sa Macedonia. Aralin natin ang kanyang mabilis na pag-unlad sa pananampalataya.
1. Tinanggap niya ang Salita ng Diyos na may bukas na isipan (v.14). Ibig sabihin, inaral niyang mabuti ang ibinabahagi sa kanya ng mga apostol bago siya nagpabautismo.
2. Nagpabautismo siya at ang kanyang buong pamilya. Maaring si Lydia ay isang balo, na tumatayo bilang ama at ina ng tahanan. Malinaw para sa kanya na ang kanyang tinanggap ay hindi lamang pakiki-anib sa isang relihiyon, kundi pagtanggap ng kaligtasan. Ito ang dahilan kung bakit isinama niya agad ang kanyang buong sambahayan, upang maligtas din sila.
3. Handa niyang pinanindigan ang kanyang pagiging tunay na alagad ng Panginoon sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga apostol sa kanyang tahanan.
Nakita natin sa ating aralin na ang tunay na paglilingkod sa Diyos ay may sangkap ng pagsunod sa kalooban ng Diyos. At upang malaman ang kalooban ng Diyos, kailangan tayong maging sensitibo sa kanyang kalooban, maging malapit sa Panginoon sa pamamagitan ng palagiang pananalangin at pagsamba. At makikita natin ang mabungang resulta na gawa ng Diyos.
________________
Lesson 8
Ang Hamon sa Iglesia sa Ating Panahon
Acts 11:1-18 ; John 13:31-35
Tanong: “Paano kayo binago ng pag-ibig? Halimbawa, paano nababago ang isang tao mula sa pagiging mainitin ang ulo tungo sa pagiging mapagtimpi, at matiyaga kapag nag-asawa na?
Ang Ating Aralin
Ang Gawa 11:1-18 ay usapin ng mga unang Judiong Kristiano tungkol sa pag-abot ni Pedro sa sa mga pagano. Nakita ni Pedro na maging ang mga pagano ay kabahagi sa plano ng Diyos sa pagliligtas. Ang pahayag na ito ay bago sa mga mananampalataya dahil akala nila, sila lamang ang kabilang sa iglesia ng Panginoon dahil sila ay mga Judio. Subalit higit sa kanilang akala ang plano ng Diyos. Tulad ng nakita ni Apostol Pablo ayon sa 1 Tess. 5:9,
"Hindi tayo pinili ng Diyos upang parusahan, kundi upang iligtas ang lahat sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
Ang katotohanang ito ay sinabi niya sa mga paganong Kristiano sa Tessalonica. Sila ay may bahagi sa plano ng Diyos sa pamamagitan ng pagliligtas na ginawa ni Kristo.
Ang Ating Misyon sa Labas ng Iglesia
Ang iglesia ay dapat maging matatag na kongregasyon upang maging malakas sa paglabas sa misyon. Sa pananaw ng iba, ang dalawang bagay na ito (pagpapalakas at paglabas sa misyon) ay dapat magkasabay. Habang nagpapalakas ang iglesia sa pananalangin, pagsamba at pagkakaloob - lalabas naman ito pagkatapos ng pagsamba upang magmisyon ang bawat miembro sa mga hindi pa kabilang sa mga mananampalataya.
Ang pangitain na ibinigay ng Diyos kay Pedro ay isang "eye opener" sa mga Kristiano.
1. Una, ang pagmimisyon sa mga pagano ay itinuturing na "paghawak sa marumi". Ngunit malinaw ayon sa Biblia ang plano ng Diyos, ayon kay Pablo sa 1 Tim. 2:4-7,
"Inihandog niya ang kanyang buhay upang tubusin ang lahat mula sa kasalanan. Ang katotohanang ito ay pinatunayan sa takdang panahon. 7 Dahil dito, ako'y pinili upang maging mangangaral, apostol at tagapagturo ng pananampalataya at katotohanang ito para sa mga Hentil. Totoo ang sinasabi kong ito, at hindi ako nagsisinungaling!"
Ang usaping ito ay naging laganap sa buong iglesia, dahil nakita ang mga apostol na nabahala ang maraming Judiong Kristiano sa pagmimisyon ng mga alagad sa mga Hentil.
2. Pangalawa, ang unang iglesia ay hinamon ng katotohanang ito upang magbago ng istruktura at paraan (mission strategy) sa kanyang pamamalakad tungkol sa pag-abot sa mga Hentil.
Naging mainit ang usapin tungkol sa nasabing issue kung paano tatanggapin ang mga Hentil sa kapulungang Kristino. Mababasa ito sa Gawa 15:1-2,
"1May dumating doon na ilang taong mula sa Judea at nagturo sa mga kapatid, "Kapag hindi kayo nagpatuli ayon sa kaugaliang itinuturo ni Moises, hindi kayo maliligtas." 2Mahigpit itong tinutulan nina Pablo at Bernabe at naging mainitan ang kanilang pagtatalo. Kaya't napagpasyahang papuntahin sa Jerusalem sina Pablo at Bernabe at ilan pang kapatid na taga-Antioquia, upang ang suliraning ito ay isangguni sa mga apostol at sa pinuno ng iglesya."
Sa hamong ito, gumawa ng hakbang ang iglesia upang abutin ang mga Hentil. Hindi sila nanatili sa dati nilang sistema bilang iglesia. Dahil dito, lumago ang iglesia, dahil naging bukas ito sa mga bagong pamamaraan na mula sa Diyos.
Ang Hamon sa Iglesia sa Ating Panahon
Ang misyon noon ay paghayo sa malayong lugar. Noon ang mga misyonero ay lumalabas ng bansa o nagpupunta sa mga kabundukan. Ngunit ngayon, ang misyon ay nasa loob ng tahanan, sa mga miembro ng pamilya na hind nagsisimba. Ang misyon ay nasa kapitbahay, ang mga kamag-anak o kasama sa trabaho. Sa mga kakilala nating nasa bisyo, nasa kahirapan. Ang misyon ngayon ay nasa ating bakuran. Minsan nga, kasama na sila sa loob mismo ng iglesia.
Ang distansya ngayon ng iglesia sa misyon ay hindi na layo ng lugar kundi layo ng damdamin. Dahil sa damdamin ng mga Kristiano ngayon, mahirap abutin ang hindi kapananampalataya o hindi kapuso o hindi kapamilya. Kahit ang sariling kapatid sa pamilya ngayon ay parang mahirap na ring bahaginan ng ebanghelyo dahil malayo ang damdamin ng magkakapamilya. Ang buhay sa ating mga komunidad ngayon ay nagiging kanya-kanya. Ang sikat na kataga ngayon ay,
"Buhay ko 'to! Huwag mo akong pakiki-alaman!"
Ang problema ngayon ay hindi malayong distansya kundi malayong damdamin ng mga taong nagkakanya-kanya. Ito ay makikita kahit sa loob ng iglesia.
Pag-ibig ang Tulay
Ang paraan ng Panginoong Jesus ay malinaw na tulay sa usaping ito.
1. Una, inuutusan tayo ng Panginoon na mahalin natin ang isa't isa sa loob ng iglesia. Ito ay magpapalakas sa atin sa loob ng kapulungan. Ang iglesia walang pag-ibig sa loob ay mahina. Dapat makita sa atin ang pagtutulungan, kahandaan sa sakripisyo kung kinakailangan para sa kapakanan ng iglesia.
2. Pangalawa, inaasahan natin na kapag nakikita ng mga nasa labas ng iglesi aang ating pagkaka-isa, maaakit sila sa ating pagkakaisa.
Kaya sabi ng Panginoon, "Makikita nila na kayo ay mga alagad ko."
Ang nakikita ng ibang tao sa atin ang ating buhay na patotoo. Sa ganitong paraan tayo nagiging liwanag at aisn sa kanila.
3. Kung malinaw na nakikita sa ating iglesia ang #1 at #2, sa aking palagay, madali na nating magagawa ang ating misyon.
Isang mabuting halimbawa ang ginagawa sa ating iglesia . May mga kapatid tayo na nag-aayuno ng isang beses kada sa sanglinggo. Ang hindi nila kinain ay ibinibigay nila sa Outreach Ministry upang ipamigay sa mga nagugutom na miembro, at mga namamlimos sa lansanggan. Bawat Sabado, lumalakad ang mga kabataan natin upang gawin ito.
Ang pundasyon ng ganitong programa ay pagmamahal sa Diyos at kapwa. Hindi rin ito nangangailangan ng pondo o salapi, ang kailangan nito ang mga taong nakahandang talikuran ang sarili para matulungan ang iba.
Ang Evangelism Program ay hindi rin nangangailangan ng pondo o programa. Ang kailangan dito ay mga taong tumanggap ng tunay sa pag-ibig ng Panginoon para sa kanilang kaligtasan. At saan man sila dadako, ibinabahagi nila ang pag-ibig ng Diyos sa iba. Nanghihikayat sila sa ibang tao sa iglesia, dahil alam nila, hindi lamang relihiyon ang ating ibinabahagi, kundi kaligtasan ang ating dala mula sa Panginoon.
Pagmamahal at Misyon
Ang pag-ibig ng Diyos ang ating baon sa ating pagmimisyon. Ang kailangan natin ngayon ay ang ilapit ang ating sarili sa mga tao. Paglabas mo sa iglesia, naririyan na sila, minsan namamalimos, minsan nga sila ay mga miembro ng iglesia na hindi man nakikilala ng kapwa miembro, at hindi man sila nabibisita ng pastor.
Kung ang pag-ibig na sinasabi ng Panginoon ay makikita lamang sa loob at lalabas sa iglesia, naniniwala ako na talagang mababago natin ang mundo.
Mga Tanong:
1. Ang politika ay itinuturing na marumi ng ilang Kristiano na hindi raw dapat suhungin ng mga mananampalataya. Hindi kaya ito isang "maruming" lugar na dapat ding pasukin ng mga Kristiano upang lumawak ang ating misyon? Ano sa palagay mo?
2. Paano tayo aabot sa mga hindi mananampalataya na hindi naman natin kinokompromiso ang ating pagka-kristiano?
3. Bakit kailangang maging bukas ang iglesia sa mga pagbabagong ipinapahayag ng Diyos? Paano natin malalaman ang tamang pagbabago sa maling pagbabago? Bakit kailangan tayong maging maingat sa bagay na ito tulad ng unang iglesia?
_________________
Lesson 9
Pagkilala sa Panginoong Jesus
Pahayag 1:1-8
Ang Aklat ng Pahayag ay ang tanging prophetic book sa Bagong Tipan. Madalas itong mapagkamalang naglalaman ng hula para sa darating na panahon (future), subalit ito ay isinulat para sa Kristiano noong una para palakasin ang kanilang loob mula sa mga pagpaparusa ni Roman Emperor Titus Flavius Domitian, na nag-utos na siya sambahin ng mga tao bilang diyos at panginoon. Ang hindi tutupad ay malupit na pinaparusahan ng kamatayan o pagkabilanggo.
Ang salitang “revelation” ang pinanggalingan ng tagalog na “pahayag”. Ito ay nangangahulugang “unveiling” o “alisan ng tabing” (isiwalat / ipahayag). Ibig sabihin, ang nilalaman nito ay mga salitang mula sa Diyos, sa pamamagitan ng angel na nagsasabi kay Juan ng mga binubuksang katotohanan ng Diyos para sa mga Kristiano noong panahon ng iyon (95 A.D.) na nakakarasan ng mga paghihirap dahil sa kanilang pananampalataya. Ipinapakita ng aklat ang mga nangyayari sa kalangitan at ang mga plano ng Diyos sa buhay ng mga mananampalataya. Kung kaya, hinahamon din ng aklat na aralin din ng mga Kristiano ang kanilang pagkatao (bilang individual at bilang iglesia) kung nakakatupad nga ba sila sa kalooban ng Diyos.
Ang Sumulat - Si Apostol Juan
Si Juan ay ang kapatid ni Santiago. Kung si Santiago ang unang pinatay na apostol, si Juan ang pinakahuling namatay.
Siya ay ipinatapon sa Patmos, isang islang bilangguan ng mga Romano ng panahon na iyon sa Asia Minor (Turkey).
Doon, nakita at narinig ni Juan ang mensahe ng Diyos na kanyang isinulat para basahin ng mga pitong iglesia sa Asia Minor.
Gumagamit ng mga simbolo ang aklat para itago ang mga mensahe nito sa mga hindi Kristiano. Subalit para sa mga Kristiano ng panahon na iyon, madali nila itong maunawaan dahil ang karamihan ng mga simbolo ay nasa Lumang Tipan.
Simbolo ng Pito (7)
Ang pito (7) ay simbolo ng kabanalan. Ang nasasaad sa aklat ay mga gawa ng Diyos na magiging kumpleto sa takdang panahon. Sa aklat mababasa ang seven seals (Rev 5:1), seven trumpets (Rev 8:6), seven vials (Rev 16:1), seven stars (Rev 1:16), at seven lampstands (Rev 1:12,20).
Ang aklat ng Pahayag ay tungkol sa Panginoong Jesus. Si Jesus ang sentro nito kung kaya, sa ating mga pag-aaral, inaasahan natin na lalo nating makikilala ang Panginoon sa kanyang mga plano para sa iglesia. Matututo tayo sa karanasan ng mga unang iglesia, kung paano nila napagtagumpayan ang mga pagsubok, hirap at pasakit. Kung paano nila pinanghawakan ang kanilang pananampalataya sa Diyos sa gitna ng matinding pagsubok.
May mga iba pang simbolo na ating aaralin sa mga susunod na Sunday School tulad ng 666, at 114, mga mandirigmang nakakabayo at iba pa.
Mensahe ng Pahayag 1:1-8
Ang mensahe ng aklat ay mula sa Diyos, ibinahagi kay Jesus, dinala ng angel kay Juan at ang apostol naman ay sumulat sa mga iglesia upang basahin sa mga Kristiano sa mga simbahan.
Sino si Jesus ayon sa Pahayag?
1. Ang tapat na saksi, ito ay nagsasabi na si Jesus ay tapat na lingkod ng Diyos na nanatili sa harap ng kamatayan at patuloy pa ring nagpapahayag ng mga Salita ng Diyos. Ito ay hamon upang manatiling tapat katulad ni Cristo.
2. Ang panganay na anak. Sabi sa Colosas 1:15, “Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita. Siya ang panganay na anak at pangunahin sa lahat ng mga nilikha.” Tumutukoy ito sa tunay na kalagayan ni Jesus, na nagsasabing hindi pagkakamali ang sambahin Siya at paglingkuran hanggang kamatayan.
3. Ang unang binuhay mula sa mga patay. Pinakamataas sa mga binuhay na muli, hindi lamang siya nauna. Siya ang Panginoon ng mga bubuhaying muli ng Diyos. Kasiguruhan ito na muling bubuhayin ang mga pinapatay na Kristiano dahil sa kanilang pananampalataya.
4. Pinuno ng mga hari sa lupa. Dapat siyang kilalaning hari ni Emperor Domitian. Kapahayagan ito na mas makapangyarihang hari si Jesus kaysa sa emperor ng Roma.
Ano ang ginawa ni Cristo para sa atin?
1. Iniibig niya tayo. Ang karapatan at kapangyarihan ni Jesus bilang Panginoon ay ginamit lamang niya sa pamamagitan ng pagkakataon upang mahalin ang mga tao.
2. Sa pamamagitan ng kanyang dugo ay pinalaya niya tayo sa ating mga kasalanan.
3. Ginawa niya tayong isang lahi ng mga pari na naglilingkod sa kanyang Diyos at Ama. Ang bawat Kristiano ay may mataas na tungkulin bilang pari ng Diyos. Direkta tayong nakakapanalangin sa Diyos, may karapatan tayong manguna sa gawain at mga misyon ng iglesia. Sa Biblia, tayong lahat ay mga pari.
Mga Tanong:
1. Bakit mahalagang makilala ng mga Kristiano kung sino si Jesus ayon sa kanyang kapangyarihan habang sila ay nagdaranas ng mga pagsubok at kapighatian?
2. Paano makakatulong sa kanila ang turo na si Jesus ay panganay sa mga muling nabuhay? Ano ang pag-asang dala nito para sa isang pinapatay na Kristiano?
3. Ang sabihin ng mga Kristiano noon na “si Jesus ang aking Hari at Panginoon”, ay bawal dahil nais ng emperor na siya lamang ang sasambahin. Sa ating panahon, paano natin ipapakita ang ganitong katapatan sa Diyos?
4. Paano mo ikukumpara ang buhay Kristiano noon sa buhay Kristiano ngayon?
____________________
Lesson 10
Pamumuhay sa Biyaya ng Diyos
2 Corinto 12:2-10
Ang karanasan ni Apostol Pablo sa Corinto ay kakaiba dahil sa panggigipit na ginawa ng mga Judio sa apostol. Ang ating aralin ay bahagi pa rin ng pagtatanggol ni Pablo sa kanyang ministeryo.
Sa halip na magresulta sa personal na pagyayabang, ang ipinahayag ng apostol ay pagkilos ng Diyos sa kanyang buhay. Kaya nga minsang nasabi ng apostol na kung magyayabang man siya ay tungkol sa Panginoon at hindi sa kanyang sarili.
Ang Pambihirang Karanasan ni Pablo.
Upang ipakita ni Pablo ang kanyang “credentials” bilang apostol, naramdaman niyang kailangan nga niyang ilabas ang kanyang itinatagong karanasan sa Diyos.
At ang isa dito ay ang nangyari sa kanya labing apat na taon ang nakalipas, "ng siya ay dalhin ng Diyos sa langit". Hindi niya alam kung ito ay panaginip o literal na nangyari sa kanya. Gayun man, ito ay isang personal na nangyari sa kanya at hindi niya ito maikakaila.
Ang Kapansanan ng Apostol
Sa kabilang banda, may pambihirang karanasan man ang apostol, alam niya kung paano siya ginagawang mapagpakumbaba ng Diyos. Nagkaroon ng kapansanan ang apostol at ang sabi ng ibang Bible experts, maaring siya ay may epilepsy.
“Ngunit upang hindi ko ipagyabang ang kamangha-manghang pahayag ng Diyos sa akin, ako'y binigyan ng isang kapansanan sa katawan na nagsisilbing sugo ni Satanas upang pahirapan ako, at nang sa gayo'y hindi ako maging palalo.” - (v.7).
Makikita na alam ng apostol na kailanman, ang pagyayabang sa sariling kakayanan, talino o “credentials” ay hindi magagamit upang itaas ang Panginoon. Ang kanyang dahilan ngayon ay hindi na ang ipagyabang ang kanyang pambihirang karanasan kundi ang ipakita sa mga taga-Corinto na ang biyaya ng Diyos ay ang natatanging dahilan kung bakit siya naglilingkod sa iglesia ng Diyos.
Tulad ng patotoo niya sa 1 Timoteo 1:12-13,
"Nagpapasalamat ako sa ating Panginoong Jesu-Cristo na nagbibigay sa akin ng lakas, dahil itinuring niya akong karapat-dapat na maglingkod sa kanya, kahit na noong una'y nilapastangan, inusig at nilait ko siya. Sa kabila nito'y nahabag sa akin ang Diyos sapagkat hindi ko nalalaman ang aking ginagawa noong ako'y hindi pa sumasampalataya."
Pamumuhay sa Biyaya ng Diyos
May kwento tungkol sa isang professor na nagbigay ng isang napakahirap na examination. Alam ng bawat estudyante na hindi sila papasa sa nasabing test. Subalit sa dulo ng examination paper, ay nakasulat ang ganito;
“It doesn’t matter if you will be able to answer correctly in this final test,
your final grade will be an “A” on this course. You are now under GRACE!"
Ang pamumuhay sa biyaya ay ang katotohanan na bagamat hindi tayo pumasa sa pamantayan ng Diyos, tinanggap pa rin tayo ng Diyos bilang kanyang mga anak at tayo ay may pag-asang maligtas. Ang pamumuhay sa biyaya ng Diyos ngayon ay dahilan upang ang bawat Kristiano ay;
1. mamuhay na may kapakumbabaan. Ang Diyos ay hindi mag-aatubiling magpadala ng kahinaan o parusa sa isang Kristiano na magmamataas.
Sa “realization: ng apostol, nasabi niya ang ganito,
“...ako'y binigyan ng isang kapansanan sa katawan na nagsisilbing sugo ni Satanas upang pahirapan ako, at nang sa gayo'y hindi ako maging palalo.”
2. patuloy na magtiwala lamang sa Panginoon at hindi sa sariling karanasan at kaalaman.
“ Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.”- Kawikaan 3:5
3.magtiwalang lubos sa Panginoon maging sa panahon ng kahinaan at mga pagsubok. Tulad ng sabi ng apostol
"Tatlong beses kong idinalangin sa Panginoon na alisin ito, ngunit ganito ang kanyang sagot, "Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina." Kaya't buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang lalo kong madama ang kapangyarihan ni Cristo.”
Pamumuhay Bilang Alipin ng Diyos
Ang tunay na Kristiano ay alipin ng Diyos at naglilingkod kahit na hindi pabor sa kanya ang kanyang kalagayan. Maraming nag-aakalang Kristiano sila, subalit nagiging mareklamo at nais nila na sila ang masunod at hindi ang Diyos.
Para sa apostol, hindi man tinugon ng Diyos ang kanyang panalangin upang siya ay gumaling sa kanyang kapansanan, nanatili siyang tapat na naglilingkod sa Panginoon.
Mga Tanong:
1. Ano ang mga halimbawa ng mga “credentials” o achievements na maaring magpataas ng pride ng isang tao? Bakit hindi nakatutulong ang mga ganitong bagay sa paglilingkod bilang Kristiano?
2. Ano ang pag-papaalipin sa Diyos? Bakit mahalaga ito sa isang Kristiano? Ano ang epekto nito sa ating “attitude” sa paglilingkod sa Diyos?