Mga Hirit ng Diablo
First Sunday in Lent :
Luke 4:1-13
Ayon kay Lukas, bago pa nagsimula si Jesus sa kanyang misyon, humihirit na ang Diablo upang sirain ang misyon ni Jesus at ang gamit niya ay mapandayang panunukso. Banal na gawain ang pag-aayuno. Ito ay oras ng pananalangin sa Diyos Ama, pagsisiyasat sa sarili at pagtatanong tungkol sa layunin ng Diyos sa buhay ng nag-aayuno. Pagkakataon ito upang mapalapit sa Diyos, pero hindi pa rin ito pinalampas ni Satanas. Ginamit din niya ang pagkakataong ito upang tuksuhin si Jesus.
Ayon sa 1 Peter 5:8,
“Be careful! Watch out for attacks from the Devil, your great enemy. He prowls around like a roaring lion, looking for some victim to devour.”
Sinasabi ng Biblia na ang Diablo ay masipag sa paghahanap ng biktima. Maging si Jesus ay hindi niya tinantanan. Ang mga lider simbahan ay madalas din niyang inuusig at tinutukso. Ang nais niya ay masira ang buhay at ministeryo ng iglesia. Salamat na lamang at hindi nagkukulang ang Diyos sa pagpapaalala sa atin sa gimik na ito ng Diablo.
Isa pang katangian ng Diablo ay ang kanyang pagiging matiyaga. Sinasabi ng Kasulatan na pagkatapos niyang tuksuhin si Jesus, bagamat hindi siya nagtagumpay - "naghintay siya ng ibang pagkakataon" upang tuksuhin si Jesus. Marunong siyang maghintay at matiyaga siyang naghahanap ng ibang pagkakataon upang masilo ang mga Kristiano.
Ayy Tukso!
Nagiging tukso maging ang masama kapag ito ay ‘evil in disguise’. Ito ay masama sa anyong mabuti o nakakaakit. Kung mayroon man itong idudulot na mabuti, ito ay pansamantala lamang. Pagkatapos ng saglit na mabuti, mapapahamak ang biktima nito. Nahuhulog sa bitag ng Diablo ang mga tao sa tukso dahil sa maling desisyon, mahinang pananampalataya at kakulangan sa kaalaman sa Salita ng Diyos.
Unang Hirit ng Diablo: Gawing Tinapay ang Bato
Sa biglang tingin wala namang masama sa tinapay. Kung gagawin ito ni Jesus, madali niyang maaakit ang mga tao sa kanyang ministeryo. Sa kabilang banda, ang nais ipagawa ng Diablo kay Jesus ay paggamit ng kapangyarihan upang madaliin ang panghihikayat ng mga tao. Sumagot si Jesus,
“But Jesus told him, “No! The Scriptures say, ‘People need more than bread for their life.” (v. 4, NLT)
Ang katagang ito ay galing sa Deuteronomy 8:3, na ang sabi ay ganito:
“Yes, he humbled you by letting you go hungry and then feeding you with manna, a food previously unknown to you and your ancestors. He did it to teach you that people need more than bread for their life; real life comes by feeding on every word of the LORD.”
Ano nga ba ang bumubuo sa buhay? Tinapay lamang ba? Ang dala ni Jesus ay buhay na sagana at kasiya-siya. Sapat na ba ang tinapay upang maipagkaloob niya sa mga tao ang tunay na kahulugan ng buhay na sagana? Ang sagot ni Jesus ay hindi!
Ang tunay na buhay ay makakamit ayon sa Deuteronomio 8:1-4 sa pamamagitan ng hindi paglimot sa kabutihan ng Diyos, at sa pagsunod sa kanyang mga Salita.
Kung sumunod si Jesus sa tuksong ito, mabibigyang prioridad ang hindi gaanong mahalagang bagay at maisasantabi ang mas na mahalaga. Mabibigyang pansin ang mababaw na pangangailangan at makalilinutan ang tunay na pakay ni Jesus.
Pangalawang Hirit
Ang pangalawang tukso ay tungkol sa pagkamit ng kapangyarihan upang mapasunod ang mga tao. Wala ring masama sa kapangyarihang ito. Hindi masama ang kapangyarihan. Subalit kung manggagaling ito kay Satanas at maisasanla ang sariling kaluluwa upang makamit ang kapangyarihang ito, ito ay isa ng masamang patibong. Hindi na ito magbibigy kaluwalhatian sa Diyos!
Ang sagot ni Jesus ay ganito, mula rin sa Deuteronomio (6:13);
You must fear the LORD your God and serve him. When you take an oath, you must use only his name.
Ang nilalaman ng Deut. 6 ay tungkol sa Covenant o kasunduan ng Diyos at Israel. Na kapag nagtanong ang mga bata sa mga matatanda, “Bakit tayo chosen people? Bakit tayo sumasamba? Bakit tayo susunod sa Utos ng Diyos? Etc. (vv. 6:20-25)” At sasabihin ng mga matatanda na sila ay may pangako sa Diyos dahil sa kabutihan ng Panginoon sa kanilang mga ninuno. Pinili ng Diyos ang Israel at ginawang panganay hindi upang magkamit ng kapangyarihan, kundi upang maglingkod!
For we are righteous when we obey all the commands the LORD our God has given us.’. (Deut. 6:25)
Ang nais ng Diablo ay ang tumanggap ng kapangyarihan mula sa kanya si Jesus at sasamba si Jesus sa kanya! Para kay Jesus, ang pananatiling tapat sa Diyos ay higit sa pagkakaroon ng kapangyarihang galing sa Diablo.
Pangatlong Hirit
Ang susunod na tukso ay ang pagsubok sa malasakit ng Diyos kay Jesus. Kung makita ng mga tao na lumundag si Jesus mula sa tuktok nito at hindi magalusan, siguradong patok siya sa masa! Subalit ito ay panunubok na sa kapangyarihan ng Diyos! Iingatan nga ba siya ng Diyos? Hindi nga ba siya magagalusan? Sa madaling salita, tinuturuan ng Diablo na magduda si Jesus sa Ama. Parang ang kasabihang “Subukan pamu ban abalu!” Isang pagkakamali kung susubukan natin ang Diyos para lamang malaman natin kung totoong mahal niya tayo!
Ang sagot ni Jesus ay mula sa Deuteronomio 6:16, ng subukin ng mga Israelita ang Diyos sa pagrereklamo kay Moises.
Moses named the place Massah—”the place of testing”—and Meribah—”the place of arguing”—because the people of Israel argued with Moses and tested the LORD by saying, “Is the LORD going to take care of us or not?” –Exodus 17:7
Alam nila na may Diyos. Pero duda sila kung totoong nagmamalasakit ang Diyos.
Pagbubulay
Marami sa ating panahon ang mga kabataan na pinalalaki sa luho ng material na bagay (tinapay) at nawawala na ang kaugnayan at relasyon sa Diyos. Para sa iba, ang kahulugan ng buhay ay ang pagkakaroon ng kapangyarihan upang kilalanin sa komunidad, at ang iba naman ay sinusubok ang Diyos para lang makuha ang pansariling hangarin. Ang tatlong ito ang tukso ng Diablo kay Jesus at siya ring tukso ngayon sa marami.
Sa paghanap natin ng layunin sa buhay, sumunod tayo sa mga panuntunan ni Jesus. Saan nga ba tayo nakatayo? Ano ang ating mga paninindigan sa buhay? Una, tandaan na mayroon pang hihigit sa tinapay o material na bagay upang maging makahulugan ang buhay. Pangalawa, sikaping maging tapat sa iyong pangako sa Diyos, at huwag ka isasanl ang sariling kaluluwa magkamit ng kapangyarihan. At pangatlo, huwag magdududa sa kabutihan ng Diyos. Magtiwala tayo sa kanya at huwag na siyang susubukin.