Buod ng 21 Irrefutable Laws of Leadership
ni John Maxwell.
1. Ang Batas ng Suklob (The Law of the Lid). Sa batas na ito nasusubok kung gaano ka-epektibo ang isang leader. Ang
bawat leader ay may kakayahan (potential) at limitasyon, na sinisimbolo ng
takip (lid), ayon sa kanyang abilidad, kaalaman at pagkatao. Habang umuunlad
ang lider, lumalawak ang kanyang kakayanan (abilities), karunungan (wisdom) at
ang ating mabuting pagkatao (character) – parang lalagyanan na dumarami ang
nilalaman, at lumalawak na naitutulong sa marami. Sa kabaligtaran naman, ang taong hindi
lumalago sa kakayanan (stagnant), karunungan at mabuting pagkatao, ay hindi
lalago bilang isang lider. Mas susundin ng mga tao ang lider na may tumataas na
lid o abilidad, kaalaman at mabuting pagkatao.
2. Batas ng Impluensya (The Law of Influence). Ang tinutukoy na “Influence” ay ang kakayanan ng lider na mapangyari
ang inaasahang resulta (power or capacity to produce a desired result). Ito ang
sukatan ng tunay na lider at wala ng iba. Ang “Influence” ay paraan upang makamit
ang mga kabuoang layunin (collective goals) at pangarap (dreams) ng nakakarami,
at ito ay nauunawaan ng lider. Alam ng
lider ang pangangailangan at nais ng kanyang nasasakupan, kaya sinusunod nila
ito. May malalim na malasakit at pagmamahal ang lider sa mga kasama sa
organisasyon. Ang leadership ay hindi
tulad ng “management, entrepreneurship, knowledge, pioneer-ship, or
position.” Ang mga ito ay pagsunod para
mapanatili ang mga Sistema, o standard
procedures, samantalang ang leadership ay tungo sa radical na pagbabago ng
direction, sistema at procedures. Ang katibayan ng leadership, ay makikita sa
impluensya sa mga tagasunod.
3. Batas ng Proseso (The Law of Process). Ang
mga Leaders ay may kakayanang matuto (learners), kung kaya ang kanilang
pag-unlad ay napapansin ng mga sumusunod sa kanila. Ang
proseso ng kanilang paglago sa kakayanan, karunungan at pagkatao ay bunga ng
disiplina at pasisikap. Sabi ni Maxwell,
“Kapag nais kong maging inspirado,
dumadalo ako sa mga pagtitipon. Kapag gusto kong matuto, at kailangan kong mag-improve,
ako ay nag-aaral, at tinatapos ko ang kailangang proseso.” Ano ang iyong
ginagawa upang umunlad ka sa iyong trabaho? Ano ang ginagawa mo para sa iyong
personal skills development?
4. Batas ng Paglalayag. (The Law of Navigation.) Alam ng marami kung paano humawak ng manibela, ngunit alam ng
leader kung saan ang dapat pupuntahan, at kung paano makakarating sa pupuntahan
at kung ano ang epektibong paraan para makarating doon. Sabi
niya, “Kung ang lider, hindi niya kayang ilipat ang mga tao sa maalon na tubig,
mananagot siya sa paglubog ng bangka.”
5. Batas ng Pagdagdag (The Law of Addition). Ang batas na ito ng leadership ay para sa ika-uunlad ng iba, hindi
para sa ikatataas ng sarili. Dahil ang Leadership
ay gawain ng paglilingkod, pagpapahalaga at pagbibigay ito ng pagkakataon para
umunlad ang iba. Tuwing tayo ay
naglilingkod, mas pinapahalagahan natin ang iba. Ang mga leaders, hindi sila insecure na
malampasan ng iba na mas magaling. Hindi
sila nababahala na mas mapansin, at mas appreciated ang iba. Lagi nilang tinatanong, “How
can I serve?” They focus in serving. They add value to others. And because they add
value to others, they also add value to themselves.
6. Ang Batas ng Matatag na Pundasyon (The Law of Solid Ground.) The solid ground ay solid character, pamumuhay na may integridad, pagiging
totoo at discipline. Ang pundasyon ng leadership ay tiwala. Ang tiwala ay
nakakamit o nasisira. Ang tiwala ay bunga ng mabuting pagkatao na nakikita sa
leader. Ang mabuting character ay bunga ng
pagpapakatotoo (honesty), kahit sa panahon na ang lider ay nahihirapan (o
sinisiran). Maging totoo, sa sarili (self
awareness) at sa iba (awareness on how others see you), hindi nagkukunwari, o
nag-iisip ng higit sa sarili. May tunay na disiplina, dahil sa paggawa ng bagay
na kailangang gawin (kahit nabibigatan pa.)
7. Batas ng Paggalang (The Law of Respect).
Ang leader ay kailangang maging matatag, marangal at kagalang-galang, dahil
nais niya na igalang siya ng iba, sinisikap niya ang makamit ang marangal na
pagtingin ng iba upang paniwalaan at sundin. Dahil natural na sinusunod ng iba
ang taong mas may leadership skills at may mga katangian na higit sa mayroon
sila. Ang anomang pagsunod ay hindi aksidente.
Laging sinusunod ng mga tao ang may katangiang manguna, nirerespeto, o
hinahangahan, at pinaniniwalaan nilang karapat-dapat sundin. May anim na bagay na dapat mayroon ang leadr
para repetuhin: 1.) Natural leadership ability. If you possess natural
leadership ability, people will want to follow you. “Some people are born with
greater skills and ability to lead than others. All leaders are not created equal.
2.) Respect for others. “When leaders show respect for others-especially for
people who have less power or a lower position than theirs–they gain respect
from others.” 3.) Courage. 4.) Success. “People
respect others’ accomplishments. And it’s hard to argue with a good track
record.” 5.) Loyalty. 6.) Value added to others.
8. Batas ng Sapantaha (The Law of Intuition). Sa mabilisang desisyon,
ginagamit ng leader ang sariling pasya (personal
bias). Ito ay talas ng leader, sa
pagka-unawa at kaalaman upang gumawa ng mabilis na pasya, sino ang itatalaga, kung
ano ang gagawin, at kung saan tutungo. Ang sapantaha, (discernment ability) ay
kakayanan upang kilalanin ang mga tao, sitwasyon, hadlang at posibilidad. Tulad ng ibang katangian ng leadership, ito
ay maaring aralin. Ang sapantaha ng
pangunguna, ay kakayanang magbulay ng malalim, pagkakaroon ng malinaw na
pananaw sa kasalukuyang kalagayan, maaring patunguhan ng organisasyon, at
pagtugon sa mga hamon ng kasalukuyang nangyayari, Ang totoo, ito ay bunga ng
matagal ng pinag-iisipan at pinag-aralan ng leader, kaya alam niya ang gagawin
kapag biglaan. Kaya tiwala ang leader sa
sariling pasya (pero hindi mayabang o nagmamagaling lamang), alam niya ang alam
niya at hindi niya alam, at siya ay confident, kahit sa biglaang pasya.
9. Ang Batas ng Batobalani (The Law of Magnetism.) Ang mga leaders ay batobalani. Naaakit nila ang mga tagasunod, at
gayundin ang mga namumuno na pagmasdan sila, at pakinggan sila. Dahil ang mga magnetic leaders ay may
nagagawang mabuti at beneficial sa organization. May nakikitang mabuting
pagbabago, o pag-unlad. Kaya kung nais mong maging batobalani, gumawa ka ng mga
dakilang bagay na kapansin-pansin sa mga pinuno at mga ibang nagmamasid.
10. Ang Batas ng Ugnayan (The Law of Connection). Ang ugnayan ay kailaangan
upang magtagpo ang isa sa iba, dahil pareho ang katangian, interes o pamamaraan
(same wavelength). Ang pagkakaroon ng
connection sa iba ay napakahalaga sa leadership. Kapag ang leader ay hindi
“emotionally connected” sa iba, ang mga subordinates hindi tututol. Kailangan, makuha muna ang puso, bago makuha
ang kamay.
11. Batas Tungkol sa mga Malapit na Kasama (The Law of the Inner Circle). Sinasabi na kung sino ang mga malapit at lagi mong kasama, sila ang
kasama mo sa iyong pangunguna. Kaya sila
dapat ay may malasakit sa organisasyon para ito ay magtagumpay, at hindi lamang
para makamit ang sariling interest.
Tutulungan nila ang leader at ang pantay na karapatan ng lahat, wala
silang inaapakang paa ng iba. Sila ay mga taong may pananagutan sa lahat. Ang leader ay nagsisimula muna sa nalalaman
niya, ngunit lumalakas ang organisasyon sa team leadership na nabubuo. Kadalasan,
ang inner circle ay mga taong malalapitan upang humingi ng payo ang
leader. Kaya, kailangan, maingat na
pipiliin ang mga ito, para umunlad ang tagapanguna at buong samahan. Sa pagpili ng inner circle sa leadership:
Itanong muna ang mga sumusunod;
• Sila ba ay may mabuti at
malakas na impluensya sa iba?
• Nakakatulong ba ang
kanilang presensya sa kapulungan?
• Sila ba ay may
makabuluhang tungkulin at nagagawa sa organisasyon?
• Nakakaragdag ba sila sa
pakinabang ng leader at organisasyon?
• May mabuti ba silang
relasyon sa iba para sa ikauunlad ng organisasyon?
Maging maingat sa pagpili at pakilatis sa
makakasama sa inner circle. Alamin kung sila ay excellent, mature, at may
mabuting kalooban. Hindi magtatagumpay
ang leader na nag-iisa. Wala sa isang tao lamang ang lahat ng galing at talino.
Inilalarawan ni Mother Teresa ang team leadership, sabi niya “You can do what I
can’t do. I can do what you can’t do. Together we can do great things.”
Birds of the same feathers flock
together. Si Hitler ay strong leader,
ngunit masama. Kaya naakit din niya ang
masasamang tao, na sumuporta sa kanyang leadership. Kung ano ang iyong
adhikain, pamamaraan, estilo at ugali, ganito ring tao ang iyong aakitin sa
iyong pangunguna.
12. Batas ng Pagbibigay-lakas. (The Law of Empowerment). Maraming leaders ang mabagal sa pag-unlad dahil mas nais nilang tumanggap
kaysa magbigay, sinasarili ang galing at karunungan, sa halip na magbahagi. Ang totoo, nais nilang masarili ang
magandang pwesto, tumututol sila sa pagbabago, at lumalabas ang kanilang
mababang tiwala sa sarili, at insecurities.
Samantalang ang Empowerment, ay pagbibigay ng pagkakataon sa iba upang
umunlad. Upang palakasin ang iba,
siguraduing may tiwala ka sa sarili mong kakayanan, gumagawa ng buong
katapatan, upang magtiwala ang iba na nagmamasid, nakikinig at sumusunod sa
iyo, habang ginagawa mo ang iyong tungkulin sa abot ng iyong makakaya.
13. Batas ng paglalarawan (The Law of the Picture). Ang mga tao ay laging nakatingin. Bibihira ang nakikinig. Ang
halimbawa ng leader ay mahalaga. Leaders lead by example. Kaya kailangang
ilarawan ng ating pangunguna ang ating pangitain (vision), direction at
strategies.
14. Batas ng Pagtanggap (The Law of Buy-In).
Bago tatanggapin ng iba ang ideas, vision at strategies ng leader, kailangan
munang tanggapin ng mga followers ang leader mismo. Ayon kay General H. Norman Schwarzkopf, “Mahalaga
sa Leadership ang kumbinasyon ng strategy at character. Ngunit, kung pipili ka
lamang ng isa, huwag mong piliin mo strategy.” Sa batas ng pagtanggap, madalas
gawin ng mga tao ang sumusunod: Maghahanap sila ng bagong leader kapag, hindi
nila tanggap ang leader o ang kanyang vision.
Maghahanap din sila ng bagong leader kapag hindi nila tanggap ang
leader, kahit na gusto nila sa vision. Pero kapag gusto nila sa leader, kahit
ayaw sa vision, gusto nilang mapalitan ang vision at susuporta ang mga ito sa
leader.
15. Batas ng Tagumpay (The Law of Victory). Ang
mga tunay na leader ay tagumpay ng organisasyon ang hanap. Tagumpay ang nagpapatibok sa puso ng mga
tunay na leaders. Si Winston Churchill,
ay hindi tumanggap ng pagkatalo kay Hitler, kahit halos winasak na ng Germany
ang England. Sa mga talumpati ni Churchill, umalingawngaw
ang mga salitang, ”Never, Never, Never Give Up.” Ayon kay Maxwell, may
tatlong sangkap ang tagumpay - a.
nagkakaisag pangarap, (unified vision), b. kumpleto, ngunit magkakaibang
kakayanan (diverse skills), at c. tamang pangunguna (right
leadership).
16. Batas ng Pagdagsa (The Law of Big Mo). Ang
pagdagsa o momentum ay isang patuloy na pagdaloy ng pwersa, na sinimulan,
nagpapatuloy at lalo pang lumalakas. Ang
dagsa o momentum ay kaibigan ng mga leaders.
Nagsisimula ang dagsa sa maliliit na pagkilos na magbibigay ng mga
munting tagumpay. Sa pagpapatuloy, ang mga hadlang ay nagiging munting
suliranin, hanggang patuloy na nakakamit ang tagumpay. Kapag mayroon ng momentum, maliwanag ang
bukas, at puno ng pag-asa ang lahat. Upang makalikha ng pagdagsa, kailangan ang
malinaw na vision, magaling at mabisang teamwork ng inner circle at tamang
motivation ng mga kasama. Kapag
naramdaman ng mga tao ang lakas nila sa pagkakaisa at kasiyahan sa paggawa,
nagsisimula sila ng mga malilit na tagumpay, at bandang huli, nagkakaroon sila
ng matinding lakas, at nakakagawa na sila ng malalaking tagumpay!
17. Batas ng Pagpili ng Higit na Mahalaga (The Law of Priorities). May mga organisasyong abala sa maraming activities, ngunit walang
matagumpay na resulta. They confuse
activity with accomplishments. Sila ay walang focus sa mga bagay na higit na
mahalaga. Focusing on what is most important is so much
more effective than being busy. Once we
understand our focus, we can prioritize our to-do list and make things happen
faster. Tinuturo ni Maxwell ang Pareto
Principle, mas kilala sa 80/20% principle. Sa pag-aaral na ginawa ni Maxwell,
may mga bagay na pinakamahalaga, mahalaga at walang gaanong halaga. Madalas, mapapansin na ang pinakamahalaga
ay nasa 20% lamang ng ating gawain, subalit dapat ibuhos dito ang ating
panahon, dahil ito ang magbibigay sa atin ng tagumpay na nananatili. Ang ibang
mahalaga, ay maaring I delegate sa ibang kasama, at ang hindi gaanong mahalaga
ay maaring isantabi o i-delegate din.
18. Batas ng Pagpapakasakit (The Law of Sacrifice). A leader must give up to go up. Inuuna
ng tunay na leader ang tungkulin, bago ang sariling karapatan, kalayaan at
pakinabang. Maxwell says and I quote “It is easier to go from failure to
success than it is to go from excuses to success.” Without sacrifice, there is
no improvement. Ang tunay at mabisang
leadership ay hindi para sa magkamit ng pansariling kalayaan, kapangyarihan at
kayamanan. Ito ay pag-hahandog ng sakripisyo, kapalit ang karapatan, kayamanan,
minsan ay buhay ng isang tao para makamit ang mahalagang bagay na magiging
pakinabang sa marami. May pagkakataon na hindi makikita ng Leader
ang bunga ng kanyang sakripisyo, dahil ito ay para sa mga susunod na salinlahi.
19. Batas ng Tamang Pagkakataon (The Law of Timing). Hindi pare-pareho ang mga pagkakataon. Ang mabisang pangunguna ay
may tamang panahon at pagkakataon. Alam
ng mga epektibong leaders kung kailan sasamantalahin ang pagkakataon, kung alin
ang dapat aralin at pagbutihin, kung kailan uurong, at kung kailan
kikilos. Tanging ang tamang aksyon,
sa wastong pagkakataon ang magbibigay ng tagumpay. Alam
ng mga mabisang leaders ang mga opportunities, at mga posibleng panganib. Sa kanilang pagpaplano, nakikita nila ang mas
maraming pagpipilian (options), kabilang ang mga short at long term plans.
20. Batas ng Sumasabog na Paglago (The Law of Explosive Growth). Alam ng malakas na leader, na ang
paghubog ng iba pang leaders (training leaders by multiplication) , ay
ang tanging paraan upang makagawa ng malaking paglago sa organisasyon. Ang Law of Explosive Growth ay
nagsasaad na: ang leader na sinusunod ng ibang leader ay lumalago “by addition”,
samantalang ang leader na nagsasanay ng mas maraming leaders ay dumarami gamit
ang “multiplication”. Tinatawag ito ni Maxwell na “Leader’s Math”. To add
growth, lead followers. To multiply, lead leaders. Why develop
leaders? Maxwell summarizes it as such:
“If you develop yourself, you can experience personal success. If you develop a team, your organization can experience growth.
If you develop leaders, your organization
can achieve explosive growth”
Batas ng Pamana (The law of Legacy). Ang mga Leaders na nag-iiwan ng pamana, ay
nag-iiwan ng tatak na mahirap burahin sa ating mga puso, bunga ng kanilang
matinding adhikain sa bumago sa ating buhay at sa buong mundo. Ayon kay Maxwell, bibihira ang ganitong mga
tao. Ang mga nakakaunawa sa Batas
ng Pamana, ay kumikilos sa kasalukuyan para sa darating na panahon. Kaya iniisip nila ang mga taong papalit sa
kanilang tungkulin, maging kapamilya, kaibigan, o ibang tao. Lumilikha sila ng kultura ng pangunguna
(leadership culture), sa loob ng kanilang organisasyon, kaya ang impact ng
kanilang leadership ay mas mahaba kaysa kanilang buhay. Mas mahalaga ang
pagpapamana ng kanilang tungkulin, kaysa sariling tagumpay na kanilang
nakakamit habang nabubuhay. Alam nil ana
ang tunay na tagumpay ay makikita, kapag patay ang leader ngunit buhay pa rin
ang organisasyon. Ibig sabihin, para sa leader na may pamana, mas mahalaga na
manatili ang kanyang sinimulan, kaysa sarili niyang buhay at pansariling tagumpay.