Sabado, Nobyembre 7, 2015

Kaligayahan ng Pagkakaloob sa Diyos

Experiencing the Joy of Giving to God
Mark 12:41-44

Sa isang social experiment sa internet, napatunayan na ang mga mahihirap ang mas may kaya sa pagbibigay. Samantalang napatunayan din na mas maraming mayayaman ang kuripot. Mas madaling magbigay ang mga mahirap sa kapwa nila mahirap. Mas nauunawaan ng mahirap ang katulad niyang nangangailangan.

Kahit sa Biblia, ang mga dukhang balo ay makikitang mabuting pagdating sa pagkakaloob sa Diyos.

Sa ating pagbasa ng Biblia, napansin natin ang pagpuri ng Panginoong Jesus sa paghahandog na ginawa ng isang babaeng balo.

Ang bawat pagsamba ay may sangkap ng pagpupuri, pananalangin, pakikinig at pagkakaloob.

Ang pagkakaloob ay mahalagang bahagi ng pagsamba. Ito ay pagbibigay sa Diyos ng pasasalamat.
Hindi ito kabayaran sa mga kaloob ng Diyos, ito ay pasasalamat sa kabutihan ng Panginoon.

Nais ko kayong anyayahang makinig, dalangin ko na mangusap nawa ang Diyos sa mensaheng mula sa kanyang salita.

Ang babeng balo ay nagkaloob ng higit kaysa mga nakasama niyang nagkaloob sa Diyos. Maliit na halaga lamang ang salaping kanyang ibinigay, ngunit ayon sa Panginoong Jesus, nagkaloob siya ng mas malaki kaysa iba.

1. She gave out her love for God.

Giving when done without love, it becomes a burden, an obligation.

But giving when is done out love for God, it becomes a source of joy.

Kapag mahal mo, magaan sa iyo ang pagkakaloob.

Kung pakiramdam mo kapatid, kung ang pagkakaloob sa Diyos ay pabigat sa iyo, maganda yatang tanungin mo muna ang srili mo, "Gaano ko ba kamahal ang SM?"

Bakit ba kapag SM Mall na yung pinag-uusapan, napakadaling gumastos?
Bakit ba doon, napakadaling bumunot ng 500, 1000, 100, at 50?

May kwento ako. Nagkita-kita ang mga pera at nagtanungan kung saan na sila nakarating.

Sabi ng 1000. "Hmm, pinakamalayo ang nararating ko. Mga malls, high class hotels, at at mga luxury recreations."

Pahumble na sabi ni 500, "Malls lang ako palage. Sine, palabas-labasat mga gimik."

Tugon ni 100, "buti pa kayo, ako hanggang 7-11 lang."

At nakita nilang tahimik sina 50 at 20 pesos. Kaya tanong ng ibang pera, " Beinte (20) at singkwenta (50) kayo, saan kayo palagi?" Sagot ng dalawa, "E di sa mga simbahan! Kami kasi yung laging laman ng mga offering plates. Kami nga yung tinagurihang, MGA KRISTIANONG BARYA! Mga beinte at singkwenta!"

Natatawa kayo, pero mga kapatid, kailan ba ninyo gagawing Kristiano ang mga 500 at 1000 ninyo?

Subukan mong palakihin ang pag-ibig mo sa Diyos at magagawa mo ito sa halaga ng iyong kaloob sa Panginoon.

2. She gave to God out of trusts in God.

Secondly, she learned to trust God whenever she gives.

May isang member na nagreklamo kung bakit daw ang dami ng mga singilan, at pagkakaloob sa ating iglesia. Dahil siya ay isang farmer, nataon na binisita siya ng kanyang pastor habang nagtatanim.  Nag-aasik ng binhi ang miembro, habang papadating ang pastor.

Sabi ng pastor, "Ang dami naman po ng inyong iniasik! Hindi po kayo nanghihinayan sa mga binhing inyong isinaboy sa bukirin?"

"Bah! E Pastor, ang lahat ng aking iniaasik na binhi ay ibinabalik ng aking bukirin bilang ani! Alam ko pong magbubunga ang anumang aking itinatanim."

Wika ng pastor, "kapatid, gayun din po sa Diyos tuwing tayo ay nagkakaloob. Ibinabalik din ng Diyos ng liglig, siksik at umaapaw ang ating mga kaloob sa Kanya."

Noon naunawaan ng magsasaka, na ang anumang ibibigay sa Panginoong Diyos ay hindi nawawalang pananim, kundi, tulad ng binhing itinanim, ito ay babalik sa kanya bilang mga bungang aanihin.

Ang pagpapala ng Diyos ay nakapagpapabago ng buhay.

Maraming tao ang hindi natututong magbigay sa Diyos at sa iglesia  dahil natatakot silang mawalan.

Ngunit mga kapatid, nakita natin na kapag tayo ay marunong magtiwala sa Diyos, anumang ating ibibigay sa Diyos ay nagiging pagpapala.

Ang pagiging tapat sa Diyos sa pagkakaloob ay lalo lamang magpaparanas sa atin ng mas malaking katapatan ng Diyos.

Being faithful to God will bring more of God's faithfulness. Maging tapat ka sa Panginoon, at makikita mong lalo ang katapatan ng Diyos.

May kwentong pulpito, tungkol sa isang lalaki na nagpautang sa kanyang kumpare. Dahil wala ito pera, isinanla ng lalaki ang kanyang wedding ring, at ibinigay nito ang pera sa nagangailangan niya kaibigan.

Nalaman ng asawa niya ang pagsasanla ng kanyang wedding ring. Nagalit ang babae, ngunit nagpaliwanag ang lalaki,

"Sweetheart, ang umutang na kumpare natin ang tumulong sa atin noong magkasakit ang anak mo. Noong walang-wala tayo, tumulong siya ng napakalaki sa pinambayad natin sa hospital. Ngayong siya yung nangangailangan, nais kong tumulong sa kanya.

Tapat siyang kaibigan, nais kong maging tapat ding kaibigan sa kanya.

Naunawaan ng babae ang kanyang kabiyak. Dahil ang pagiging tapat ay sinusuklian ng katapatan.

Tapat po ang Diyos. Hindi siya naging maramot sa atin kailanman.

The only way to respond to God's faithfulness is to be faithful to God.

3. Number three, she gave to God that much due to her appreciation to God.
She simply wants to give thanks.

Appreciation is best expressed not only through words, but with gifts.

Offerings are not payments but are gifts to God, in response as a thanksgiving. Because we can never repay God for His goodness. Sino ba dito ang makapagbabayad sa Diyos sa kanyang ibinigay. Lahat tayo ay ipinanganak na hubad. At tignan mo ngayon kung paano ka pinagpapala ng Diyos.

Mababayaran mo ba ang buhay mo sa Panginoon?

Ang tanging magagawa mo ngayon, ay isang bagay lamang...magpasalamat.

Kung magbibigay ka sa Diyos, yung pinaka-mainam na kaloob, saliksikin mo ang iyong puso..
Bunga ba ito ng pagmamahal sa Diyos?
Nagtitiwala ka bang tunay sa kabutihan ng Diyos?
Ito ba ay bunga ng iyong pasasalamat?
















Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...