Advent 1: Pagsalubong sa Pagdating ng Panginoon
Isaiah 2:1-5 • Romans 13:11-14 • Matthew 24:36-44
Pumasok na po tayo sa Season of Advent at ito ang unang Linggo. Ang Linggong ito ay panawagan upang maghanda tayo sa padating ng Panginoon. Ang Advent ay hindi lamang po tungkol sa nakaraang Paskong kapanganakan ng Panginoong Jesus. Ito ay tungkol din sa muling pagdating ng Panginoong Jesus sa second coming.
Ano ba ang ibig sabihin ng Advent? Ang salitang ito ay mula sa Latin at Greek na Adventus. Ang literal na kahulugan nito ay “arise”, sa seremonya kapag ang hari o emperor ay itataga. Ang isa pang kahulugan nito ay “invasion” o pagdating ng malaking tropa ng militar. Sa mga Kristiano, ito sa pangalawang pagdating ng Panginoong Jesus upang maghari at sumakop. Ito ay paghahanda sa ating pagsalubong sa Pangalawang Pagdating ng Manunubos.
May kwento tungkol sa isang bata at isang lalaki na nagkita ng dalawang beses. Sa una nilang pagkikita, ang bata ang kamuntik ng masagasaan ng kotse. Nailigtas siya ng lalaki. Hindi nakalimutan ng bata ang mukha ng lalaking nagligtas sa kanya.
Ilang taon ang nagdaan, ang lalaki ay nag-aral ng abogasya, at naging hukom. Samantalang ang bata na iniligtas niya ay lumaking magnanakaw. Nahuli ng pulis ang magnanakaw at iniharap sa judge.Namukhaan ng magnanakaw ang judge. “Sabi niya, ako po yung iniligtas ninyo sa panganib noong bata ako. Pwede po ba ninyo akong iligtas ulit ngayon sa pagkakulong?” Sumagot ang judge, “Noon iniligtas kita. Ngayon, hahatulan na kita!”
Tandaan na sa unang pagdating ng Panginoon, siya ang ating Tagapagligtas. Sa kanyang pangalawang pagdating, siya ang ating Hukom. Hahatulan niya tayo ayon sa ating mga gawa, pag-uugali, ang ating pagkatao mula sa kalooban hanggang sa ating paglabas na pagkatao.
Kung gayun, upang maging handa tayo sa kanyang muling pagdating, kailangan tayong maging karapat-dapat sa kanyang harapan.
1. Tamang Paghahanda sa Paghuhukom
Magsimula po tayo sa ating Epistle Reading. Sa Roma 13:11-14, mababasa na ang unang paghahanda ay ang pananatiling gising sa paghihintay sa Panginoon. Tumutukoy ito sa pananatiling handa sa pamamagitan ng pamumuhay sa kaliwanagan o sa katotohanan at kabutihan.
At malinaw ding sinasabi ni Pablo na dapat talikuran ang kadiliman o mga kasalanang magbubunga ng kahatulang parusa. Ang mga kasalanan tulad ng, “magulong pagsasaya at paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan (v.13) ay magbubunga ng kaparusahan sa paghuhukom.
Mayroon bang alitan sa inyong iglesia? Sabihan ang mga nag-aaway na tumigil na. Dahil ito ay magbubunga ng paghatol ng Diyos.
Ibig sabihin, kailangan nating isuot si Cristo (v.14). Kailangang makita si Cristo sa ating buhay bilang katibayan na tayo ay namumuhay sa liwanag.
2. Tamang Paghihintay
Ang Muling Pagdating ng Panginoon ay mangyayari na isang surpresa. Natatandaan ba ninyo noong panahon na wala pang cell phone? Noong 1980’s, nag abroad ang ate ko at ibinalita na darating siya bilang isang surprise. Alam ninyo, sa paghihintay ko sa kanya noong bata pa ako, hindi ako nakatulog ng ilang gabi. Hindi ko alam kung kailan siya darating, kung anong oras, kung gabi o araw, ewan ko, basta alam ko darating siya.
Ang ganitong paghihintay ay katibayan ng ating pag-asa. Kinikilala natin ang Panginoong Jesus bilang tanging pag-asa natin upang maligtas. Ito ang naghihiwalay sa sumampalataya sa ayaw sumampalataya. Sa mga maliligtas at hindi. Ang mga sumampalataya ay umaasa ng kaligtasan. Ang mga hindi sumampalataya ay haharap sa Panginoon na takot, dahil hahatulan sila ng kaparusahan. Tandaan po natin mga kapatid na ang mga tatanggapin ng Panginoon ay ang mga tumanggap sa kanya bilang Panginoon at Tagapagligtas.
Paano makaliligtas ang taong umaayaw sa Diyos?
Paano maliligtas ang umaayaw sa liwanag?
Paano tatangapin ng Panginoong Jesus ang ayaw tumanggap sa kanya?
Kailangan po nating suotin ang isng bagong pagkatao na kalarawan ni Cristo. Mababasa sa Roma 8:29,
“Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang magiging kanya at ang mga ito'y pinili niya upang maging katulad ng kanyang Anak.”
3. Tamang Pasya
Sa ating pangatlong pagbasa sa Isaias, matutunghayan natin ang isang imbitasyon,
“Halina kayo, sambahayan ni Jacob,
lumakad tayo sa liwanag ni Yahweh.”
Ang ating mensahe ngayong unang Linggo ng Advento ay nag-aanyaya ng ating pagpapasya.
Talikuran ang mga kasalanang ito, “magulong pagsasaya at paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan.” Mga kasalanang akala ng marami ay normal lang sa buhay ng karaniwang tao. Mamuhay na gising sa liwanag ng Diyos. Lumakad po tayo sa katuwiran. At magpasya na suotin si Jesus, ang mamuhay na kasama ang Diyos, hanggang sa muling pagdating ni Jesus.
___________________________
Advent 2: Ang Pagdating ng Panginoon sa Ating Buhay
Isaiah 11:1-10 • Romans 15:4-13 • Matthew 3:1-12
Para sa sinumang Kristiano na totohanang tumanggap sa Panginoong Jesus, ang pagdating ng Diyos sa ating buhay ang siyang pinakamagandang karanasan na mayroon tayo. Walang maaring ikumpara sa kaligayahan at kapayapaan ng isang naligtas dahil sa pagtanggap kay Jesu-Cristo.
Ang Mabuting Balita ng Kaligtasan ay nagsimula kay Juan Bautista. Siya ay nangaral sa ilang. Para sa mga Judio, ang ilang ang lugar ng pagsubok sa pananampalataya at pakikitagpo sa Diyos.1 Ilang ang kanilang pinagdaanan bago sila nakarating sa Lupang Pangako.
Ang pagdaan sa ilang ay nag-aayaya ng pagbabago ng kaisipan. Ang bautismo ay pasya ng pagbabago ng kaisipan at buhay upang maging alagad ni Cristo. Maari lamang tayong maging alagad kung nakahanda tayong tumanggap ng pagbabagong nais ng Diyos para sa atin.
May mga Pariseo at Saduceong lumapit kay Juan upang pabautismo, ngunit sila ay tinawag niyang mga anak ng ulupong. Sila ay mga relihiyoso, mga mayayaman at elitista ng kanilang panahon. Ngunit ayaw nila sa pagbabagong nais ng Diyos. Ang nais lamang ng Diyos ayon kay Juan ay ang ipakita sa gawa ang katibayan ng kanilang pagsisisi. Dahil ang ating pagka-Kristiano ay napapatunayan sa ating mga gawa.
May dalawang mensahe para sa mga katulad ng mga Pariseo at Saduceo:
1. Una, may babala para sa kanila. Ang palakol ay nakahanda na upang putlin ang ugat.
Ito ay babala ng kahatulan ng Diyos sa mga nagpapakitang banal, na wala namang totoong kabanalan. Sila yung nagbabansag na mabuti, relihiyoso at malinis, mapanuri at mapanghatol sa kapwa, ngunit hindi nakikitaan ng mabuting kalooban.
2. Pangalawa, ang mensahe ni Juan tungkol sa butil at dayami. Ang butil ay may pakinabang, samantalang ang dayami ay hindi makakain. Ito ay itatapon o susunugin tulad ng masamang gawa. Ang pagsisising nakikita sa gawa ay tulad ng butil. Samantalang ang pagsisising walang kaakibat na gawa ay parang dayami na wala namang silbi.
Sa ganito ring dahilan kung bakit sinabi ni Apostol Pablo kung paano dapat patunayan ng mga Kristiano sa Roma ang kanilang pananampalataya.
1. Una, dapat makaisa ang mga Kristiano bilang patunay ng kanilang pananalig kay Cristo (v. 5). Walang kapayapaan ang kung walang pagkaka-isa.
2. Pangalawa, kailangan nilang tanggapin ang isa’t isa bilang mga Judio at Gentil. Mayroong alitan sa pagitan nila tungkol sa mga kaugalian at lahi. Kailangang mawala ang diskriminasyon ng lahi o kayamanan o ng pinag-aralan ng tao sa loob ng iglesia. Kung hindi ito mangyayari, ang katibayan ng gawa ay hindi makikita sa patotoo ng iglesia. At kung magkagayun, hindi matatamo ang kapayapaan.
Ang pagdating ng Panginoon sa ating buhay ay kailangang kakitaan ng mga katibayan. Kung sinasabi ng isang tao na siya Kristiano, sa bibig lamang, at wala sa gawa, ang ganitong tao ay huwad.
May katotohanan ang kasabihang, “Mas nais ng Diyos ang isang makasalanang nagsisisi, kaysa sa taong nagkukunwaring mabuti.”
Katibayan ng Paghahari ng Diyos
Ang pagdating ng Panginoong Jesus ay katibayan ng paghahari ng Diyos. At ito ay inilalarawan ni Propeta Isaias sa malinaw at radical na pagbabago ng sistema ng buhay.
1. Ang paghahari ng Diyos ay wakas ng paghahari ng mga naghahari-harian sa sanlibutan. Mawawakasan na ang masasamang nagdudulot ng pang-aapi..
2. Isa pa, ang paghahari ng Diyos ay mapapatunayan sa pamamagitan ng katuwiran at hustisya.
2. Magkakaroon ng ganap na kapayapaan. Ang maamong hayop ay kasamang manginginain at mabubuhay ng mga mababangis. Ang bata ay maglalarong kasama ng ahas.
Ang ating mga personal na buhay at ang sama-samang patotoo ng iglesia ang tanging katibayan ng paghahari ng Diyos.
Ang Patotoo ni Juan
Ang buhay ni Juan ay patotoo para sa pagdating ng Panginoong Jesus sa sanlibutan. Siya ay nangaral para sa katuwiran. Siya ay nanindigan para sa kalooban ng Diyos. Dahil dito, siya ay pinatay. Ano ang mensahe nito para sa atin?
Ang paghahanda para sa darating na paghahari ng Diyos ay may kaakibat na pagtatalaga ng buhay o committment. Hindi ito madali. Marami na ang nagbuwis ng buhay tulad ni Juan dahil kay Cristo. At sila ay nagtagumpay, dahil natamo nila ang tunay na kapayapaan. Lalong hindi nabigo ang Diyos sa kanilang kamatayan, dahil una ang Diyos bago nila sinagip ang sarili.
At ito pa rin ang panawagan ng Diyos para sa ating panahon. Ipaghanda natin ng daraanan ang Panginoon. Tulad ni Juan, ipatupad natin ang katuwiran at kabanalang nais ng Diyos, ay bayaang maghari ang Diyos. Ang paghahari ng Diyos ang tanging daan tungo sa kapayapaan. Amen.
______________________________
Advent 3: Maligayang Pagsalubong
Isaiah 35:1-10 • James 5:7-10 • Matthew 11:2-11
Ang paghihintay ay kadalasang nakakabagot. Lalo na ang paghihintay na walang katiyakan. Salamat na lamang at ang ating paghihintay sa Panginoon ay may katiyakan. Nakatitiyak tayo dahil ito ay pangako ng Diyos. At hindi po nagsisinungaling ang Panginoon.
Kung kaya, gaano man katagal bago dumating na muli ang Panginoong Jesus, buong galak tayong maghihintay sa kanyang pagdating. Amen po ba? Ang ating paghihintay ay isang masayang pagsalubong.
Ang Paghihintay ni Juan Bautista
Sa ating talata, si Juan ay nasa bilangguan at nabalitaan niya ang tungkol sa gawain ng Panginoong Jesus. Kaya inutusan niya ang ilang alagad upang magtanong sa Panginoon, “Ikaw na nga ba ang Messias, o maghihintay pa kami ng iba?”
Tumugon ang Panginoon, hindi sa salitang “Oo, ako nga.” Sa halip, sinabi ng Panginoon ang ayon sa kanyang ginagawa. Sumandali tayong mag reflect dito.
1. Una, ang sinabi ng Panginoon ay ang kaganapan ng ating talata sa Isaias 34:1-6! Ito ay fulfillment of prophesy!
Sabi ng Panginoon, “Nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling[a] ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.”
Ayon kay Isaias, “Ang mga bulag ay makakakita,
at makakarinig ang mga bingi.
Ang mga pilay ay lulundag na parang usa,
aawit sa galak ang mga pipi.”
2. Pangalawa, ito ay karanasan na magdudulot ng kagalakan lalo sa mahihirap, dahil ito ay Magandang Balita. Balita palang, maganda na, eh kung mangyayari pa? Edi lalong wow! Pero para sa ating mga Kristiano na nanalig kay Cristo Jesus, hindi lamang ito basta Balita. Ito ay totoong nangyayari sa buhay natin. Kumikilos ang Diyos sa buhay ng tunay na Kristiano. Amen?
3. Ang Panginoong Jesus nga ang Messias! Ito yung pinapatotohanan ng ni Jesus sa kanyang gawa. Hindi ito speculation. Hindi ito pagpapanggap, dahil sa karanasan ng pagsalubong natin sa Panginoon, “Mamamasdan ng lahat ang kaluwalhatian at kapangyarihan ni Yahweh.”
At sabi ng Panginoong Jesus, sa v.6 “Pinagpala ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!”
Ang Mabuting Balita
Marami ang mahilig sa mga bali-balita. Mahilig sila sa fake news. Hindi totoong balita, paninirang balita, at mga balitang walang pakinabang sa nakikinig. Pero gusto yan ng mga papuntang impierno.
Yung mga papuntang langit, ayaw nila sa fake news. Gusto natin sa Good News ng Diyos. Amen po ba?
Naniniwala po tayo sa Balitang ito, bagamat hindi pa natin nakikitang dumarating ang Panginoon. Ang tanong,
Totoo ba talaga ito?
Baka naman naghihintay tayo sa wala?
Baka fake news din itong balita na muling darating ang Panginoon?
Ang ganitong pagdududa ay nangyari na sa panahon ng mga apostol. Mababasa sa 2 Pedro 3:4,
“Sasabihin nila, “Nangako siyang darating, hindi ba? Nasaan na siya? Namatay na ang ating mga ninuno ngunit wala pa ring pagbabago buhat nang likhain ang mundong ito.”
Buksan natin ngayon ang nasusulat sa Santiago 5:7-10.
1. Ang unang sinasabi dito ay, maging matiyaga kayo sa paghihintay sa Panginoon. ito yung una nating dapat gawin, magtiyaga, maghintay.
2. Pangalawa, palakasin ninyo ang inyong mga puso. Palakasin ninyo ang inyong pananampalataya. Palakasin ninyo ang inyong paninidigan sa katotohanan. Palakasin ninyo ang inyong buhay espiritual. Kailangan malakas kayo! Nasa labanan po tayo. Hindi magtatagumpay ang mahina sa pananampalataya!
3. Sa v. 9, “Mga kapatid, huwag kayong magreklamo sa isa't isa upang hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang Hukom.” Huwag kayong humatol, hindi kayo ang JUDGE.
Sabihin mo sa katabi mo, “Focus on Jesus Christ. Siya yung Judge, at hindi ako, at hindi ikaw.” Malungkot ang church kapag may judgemental na kasama. Yung may namumuna, at may naghahanap ng kamalian ng iba.
Mahalaga ito sa ating paghihintay. Para masaya,
wait patiently
strengthen your hearts
and do not complain
Our Messiah is coming mga kapatid.
The Sacred Prophesy is now fulfilled.
Listen to the Good News. Rejoice!
__________________________
Advent 4: Kasama Natin Ang Diyos
Isaiah 7:10-16 • Romans 1:1-7 • Matthew 1:18-25
Sa buong Biblia, may dalawang aklat lamang ang naglalaman ng kwento ng Pasko. Ang Ebanghelyo ni Lucas at Mateo lamang. Dito lamang mababasa na ang Panginoong Jesus ay ipinanganak. May pinagkaiba ang dalawang salaysay. Sinasabi ni Lucas na si Jose at Maria ay taga Nazareth, at pumunta lamang sila sa Bethlehem upang magpatala. Na ipinanganak si Jesus sa sabsabanm dahil wala silang matitirhan sa Bethlehem.
Samantalang sa Mateo, sila ay taga Bethlehem, at doon sila natagpuan ng mga Mago. At si Jesus ay batang maliit na ng masumpungan siya ng mga ito.
Ganunman, may mahalagang pagkapareho ang dalawang salaysay.
1. Pinatotohanan ni Lucas at Mateo na si Jesus ay anak ng Diyos. Siya ang bunga ng Espiritu Santo. Siya ay may pagka-Diyos dahil siya ay Anak ng Diyos.
2. Si Jesus ay anak ng isang Birhen. Ang kanyang kapanganakan ay gawa ng Diyos sa buhay ng isang mahirap na babae na nagbukas ng kanyang buhay para sa pagkilos ng Diyos.
3. Ang pangatlo, nagkaisa sila na ang kapanganakan ng Panginoong Jesus ay katuparan ng hula sa Lumang Tipan.
Kasama Natin ang Diyos (Dahil sa Pag-ibig)
Ang kwento ng kapanganakan ng Panginoong Jesus ay nagsimula sa love story ng kanyang mga magulang - malapit ng ikasal sina Jose at Maria.
Pero nang malaman ni Jose na buntis si Maria, nag-alinlangan siyang ituloy ang kasal. Ngunit sa pakikialam ng angel sa panaginip - natuloy ang love story at pinakasalan ni Jose si Maria. Alam po ninyo, kapag nagmamahalan ang mag-asawa at buong pamilya, sa kabila ng mga pagsubok, natutupad ang kalooban ng Diyos. Kung may problema po kayo sa pamilya, bayaan ninyong makialam ang Diyos and just keep on loving one another - just continue your love story.
But the birth of Jesus is not just a love story between people. It is also the love story between God and us. Sa sobrang pagmamahal ng Diyos sa atin, ibigay niya ang kanyang sarili. Siya ay nagkatawang tao. Mababasa ito sa pangalang ibigay sa sanggol, “Jesus” - ibig sabihin, “Nagliligtas ang Diyos” -dahil ililigtas niya ang kanyang bayan.
Sa ating Christian perspective, hindi lamang ang bansang Israel ang kanyang iligtas, kundi ang buong daigdig. Dahil sa kanyang pag-ibig nasali tayong mga Gentiles sa kanyang pagliligtas (Roma 1:5).
Katuparan ng Pangako
Ang kapanganakan ng Panginoon ay katuparan ng maraming hula sa Lumang Tipan, lalo na sa Aklat ni Isaias. Ang background ng Isaiah 7:10-16, ay ang balak na pagsakop ni King Rezin sa Judah, nasasakupan ni Haring Ahaz. Nag-uusap ang Propeta Isaias at Haring Ahaz tungkol gagawin panalangin ng Hari sa Diyos upang iligtas sila sa mas malakas na kaaway. Ganito ang resulta ng kanilang pag-uusap;
1. Nagpahayag ng pananalig si Ahaz, na hindi niya susubukan ang Diyos. Sapat na siya ay naniniwala sa biyaya ng Panginoon para sa Judah.
Ang ‘act of faith” na ito ay siya ring pinatunayan ni Maria at Jose. Inilagay nila ang sarili sa kamay ng Diyos.
2, Dahil sa pananalig na ito, nagpahayag ang propeta na may gagawin ang Diyos para sa ikaliligtas ng Israel.
(from v. 7:14) “Therefore the Lord himself will give you a sign. Look, the young woman is with child and shall bear a son, and shall name him Immanuel.”
Parang sinasabi ng Propeta, “Dahil sa pananalig mo, ang Diyos mismo ang magbibigay sa iyo ng tanda. Ang Diyos mismo ang gagawa sa buhay mo ng isang pambihirang pagpapala.”
May pananalig ka ba sa Diyos?
Nagtitiwala ka ba sa kanya kahit may mabigat na suliranin? Kung gayun, umasa ka na may gagawin ang Diyos sa buhay mo!
Gawa ng Diyos na May Pagmamahal
Dahil sa pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak. Ang pangalan ng kanyang Anak ay Immanuel - kasama natin ang Diyos.
Ang pagdating ng Panginoong Jesus ay pag-agos ng pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan. Tatlong araw na lang Pasko na.
Nararamdmaan mo na bang dumadaloy ang p[ag-ibi gng Diyos sa buhay mo? Nakahanda ka na bang makipagkasundo sa mga kaaway mo?
Nakahanda ka na bang magpatawad?
Nakahanda ka na bang isabuhay ang sinasabi mong pag-ibig mo sa kapwa at sa Diyos?
Ang Pasko ay tungkol sa pag-ibig ng Diyos sa mga makasalanan, sa mga mahihirap at sa mga umaasa sa Diyos. Kasama tayo sa mga ito. At salamat - gaano man karami ang ating mga kasalanan, dati hind man po tayo kabilang sa bayan ng Israel, pero minahal tayo ng Diyos.