Makabuluhang Pagtitiis
1 Peter 2:19-25
Noong tayo ay tawagin ng Panginoon ang mga alagad upang sumunod sa Kanya, sinabi niya na kailangan nilang talikuran ang sarili at pasanin ang kanilang krus (Lucas 9:23). Tulad ng mga unang alagad, tayo rin ay tinawag ng Panginoon at mahalagang maunawaan natin ang kahulugan ng makabuluhang pagtitiis.
May mga pagtitiis na bunga ng parusa sa nagawang kasalanan. Ngunit may uri ng pagtitiis na bunga ng ginagawang kabutihan. Ang pagtiis ng mga bayani ay halimbawan nito. Sila ay pinarusahan dahil sa paggawa ng mabuti.
Ang Kalagayan ng Mga Kristiano Noon
Ang mga Kristiano sa panahon na isinulat ang 1 Pedro, ay kakaunti sa bilang ng populasyon (minority). Marami sa kanila ang alipin na pinahihirapan ng kanilang mga amo dahil sila ay mananampalataya sa Panginoong Jesus. Sa ganitong kalagayan sila sinulatan ng Apostol Pedro.
Bahagi ng sistema ng lipunan ang ganitong kaugnayan ng amo at mga alipin. Ang mga mayayamang Hentil ay karaniwang malupit sa mga alipin nila. Dahil kakaunti lamang ang mga Kristiano, hindi pa naging usapin kung dapat nga bang baguhin ang sistema ng lipunan noon.
Mabuting Pagtitiis
1. Pagtitiis Upang Magkapagpatotoo (v. 19)
Ang mga unang alagad ay nakaranas ng mga hindi makatarungang parusa mula sa kanilang mga amo. Ang kanilang pagtitiis ay upang maipakita nila na tunay silang alagad ni Cristo, at ng sa gayon ay mahikayat din nila ang kanilang mga amo sa pananampalataya.
Sa kanilang kalagayan, sa halip na ituring nilang pagdurusa ang paghihirap, hinihikayat ng apostol na ituring ng mga Kristiano ang paghihirap (unjust suffering) bilang pagkakataon upang maipakita nila na sila ay mga tunay na naniniwala sa Diyos.
2. Pagtitiis bunga ng paggawa ng Kabutihan (v. 20)
Ang paggawa ng kabutihan ay higit sa pagbibigay ng mga bagay na hindi na natin kailangan, o pagkakaloob ng mga gamit na napaglumaan na. Ang paggawa ng mabuti ay may kaakibat na
sakripisyo. Ang layunin ay para sa ikabubuti ng higit na nakakarami.
Sa kalagayan ng mga Kristiano sa panahong iyon, hindi madali ang gumawa ng mabuti sa mga taong nagpapahirap sa kanila. Ngunit sa halip na gumanti, nakikita ng apostol na ito ay pagkakataon pa rin upang magliwanag sila bilang mga alagad ni Cristo.
Ang paggawa ng kabutihan sa gitna ng paghihirap ay ang dahilan kung bakit nahikayat na maging Kristiano ang mga Romano. Dahil habang pinahihirapan nila at pinagpapatay ang mga Kristiano, lalong nakikita ang kanilang katapatan sa pananampalataya sa Diyos.
Ang pananatiling tapat sa Diyos hanggang kamatayan ang siyang pinakamabisang patotoo sa mga hindi sumasampalataya.
3. Pagtitiis tulad ng ginawa ni Cristo (v. 21-23)
Kung mananatili sila sa pananalig, sa gitna ng pagsubok, sila ay lalong pinadadalisay ng Diyos sa kanilang kaugnayan sa Panginoon.
Sila rin lalong nagiging katulad na Cristo na dumanas din ng paghihirap upang makamit ang lalong mabuti para sa nakararami.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahin
TumugonBurahinHello Pastor Jess, sa araw na ito'y nais kong malaman nyo na labis akong pinagpapala sa Blog site nyo, marami pong salamat sa inyong masinop na pagsusulat. Nawa ay patuloy na pagpalain ng ating Banal na Dios ang inyong ministeryo.
Purihin ang Banal na Dios!
Pastor Bong De Castro
Spring of Life UMC
QCPACE-NWD