Miyerkules, Nobyembre 25, 2015

Christ the King Sunday: Ang Kaharian ni Jesus na Panginoon

Ang Kaharian ni Jesus na Panginoon
John 18:33-37

Isa sa maaring ituring na pinaka-magandang piyesa ng musika ay ang “The Messiah” ni Friedrich Handel.  Sinasabi na isinulat lamang niya ito sa loob ng tatlong  Linggo.  Kahit ang mga modernong music writers ay hindi nila makopya ang piyesa (kung sulat kamay) sa loob ng tatlong Linggo.  Naisulat ni Handel ang piyesa sa inspirasyon ng Diyos.

Nang ito ay itanghal, napatayo maging si King George I, ang hari ng England.  Pagpapahiwatig ito na kinikilala ng hari si Jesus bilang Panginoon.  Alam natin na ang Halleluya Chorus ay nagpapahayag na si Jesus ay “King of kings and Lord of lords.” Siya ang Panginoon at inaasahan na ang lahat sa atin ay magpapakumbaba sa Kanyang paanan.

Ang araw na ito ay pagpaparangal sa Panginoong Jesus bilang Hari ng sansinukob.  Subalit anong uri ng kaharian ang kaharian ng ating Panginoon?

1. It is not of this world (v.36)
Ang laman ng mensahe ng Panginoong Jesus ay tungkol sa Kaharian ng Diyos.  At ang hari ng kanyang kaharian ay ang Diyos mismo.  Hindi ito kailanman tulad ng kaharian ng tao na naghahari base sa kapangyarihan ng posisyon o kayamanan.  Hindi ito pagmamanipula sa mga mahihirap. Ang pahahari ng Diyos ay tungkol sa pag-ibig ng ating Panginoon sa kanyang nasasakupan. Hindi ito katulad ng mga naghahari-harian sa mundo na gumagamit ng dahas at  kapangyarihan na gumagamit sa kapwa upang makakuha ng pansariling pakinabang.

2.  A Kingdom of Service and not of Domination.

Ng tanungin ni Pilato ang Panginoon, si Pilato ang tinanong ni Jesus.  Ibig sabihin, hindi natigatig ang Panginoon sa taglay na kapangyarihan ni Pilato.  Higit na makapangyarihan si Jesus. Ang nililitis sa tagpong ito ay hindi si Jesus kundi si Pilato.  Ang sinumang humaharap kay Jesus ay dumadaan sa paglilitis ng Diyos.

3. A Kingdom of Truth

Nakita ni Pilato  ang dahilan kung bakit naroon si Jesus ay dahil sa mga maling paratang ng mga Judio sa Panginoon.  Ayon sa Lucas 23:2 si Jesus “daw” ay;
a. naguturo na hindi dapat magbayad ng buwis ang mga    tao sa pamahalaan ng Roma.
b. sinasabi daw ni Jesus na siya ang Hari ng mga Judio
c. nangunguna daw si Jesus sa pag-aalsa laban sa    Emperyo ng Roma

Tatlong beses na paglilitis ang ginanap, alam ni Pilato na walang katotohanan ang mga paratang sa Panginoon.  Subalit sa halip na manindigan sa katotohanan, nagyabang pa itong si Pilato  tungkol sa kanyang katungkulan.  Kumbinsido na siya na si Jesus ay hari (v. 37),bagama’t iba ang kanyang kaharian.  .

Sinasabi ni Jesus na ang dumating siya upang magpatotoo para sa katotohanan.

Ano ang Katotohanan?

Sa aking pananaw, bagama’t alam na ni Pilato ang katotohanan, ayaw pa rin niyang kumilos ayon dito dahil,

1. Para sa kanya, higit na mahalaga ang kapangyarihan na nagmumula sa kanyang posisyon kaysa magpakatotoo.  Maraming tao ang nakikipag-compromise para manatili lamang sa posisyon na kanilang tinatamasa bilang isang uri ng “tagumpay”, ngunit sa katotohanan, ito ay pamumuhay sa kasinungalingan.

2. para sa kanya, mas mabuti ang iligtas niya ang sarili upang manatili sa tungkulin kaysa iligtas ang isang walang kasalanan na napagbibintangan ng kasinungalingan.  Sabi sa James 4:17

“Anyone, then, who knows the good he ought to do and doesn't do it, sins.”

Nagkasala siya dahil hindi niya ginawa ang tama.

3. Para sa kanya, mas mabuting takasan na lamang niya ng usapin at sa mga tao ibato ang desisyon. “Sino ang gusto ninyong palayain ko, si Jesus o si Barabas?”  Alam ng mga tao na si Barabas ang tunay na rebelde laban sa Roma at hindi si Jesus.  Alam din ito si Pilato.  Alam natin na si Barabas pa rin ang pinili ng mga tao at sinunod sila ni Pilato bagamat makaikatlong beses na sinabi ni Pilato na wala siyang nakitang kasalanan sa Panginoong Jesus.

Ang mga ginawang ito ni Pilato at mga mamamayan ay pagbabalatkayo. Hindi sila tumindig sa katotohanan.

Samantalang ang Panginoon ay biktima ng kawalan ng katarunagan, ngunit nanatili siya sa katotohanan.  Hindi niya binaluktot ang katotohanan bagamat lumasap siya ng parusa.  Hindi kailanman nagbago ang kanyang paninindigan para lang iligtas ang sarili.


Jesus Our  King is Offering Us His Kingdom

Ang alok niya ay isang kaharian ng pag-ibig, paglilingkod, na ayon sa katotohanan.

Ang pagkukunwari ay hadlang sa paghahari ng Diyos, maging sa ating personal na buhay.  Ang sabi ng Panginoon, sa John 18:37,

“Jesus answered, "You are right in saying I am a king. In fact, for this reason I was born, and for this I came into the world, to testify to the truth. Everyone on the side of truth listens to me."

Listening to the truth simply means, we try to hear with sincerity, we try to understand what is being said to us, then we do what we ought to do.

Nais ng Panginoon na siya ang maging hari ng ating buhay.  Ano mang hadlang mayroon ngayon sa ating buhay, kung mayroon man, na humahadlang upang hindi natin siya tanggapin...alisin natin ang mga ito.

Gawin mo siyang hari ng iyong buhay ngayon. Ito ang mabuting gawin, ito ang nararapat gawin.

Magpasakop ka sa Kanya ngayon. Amen.

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...