Pinagpala
Mark 10:46-52; Hebrews 7:23-28; Job 42:1-6, 10-17
Ang ating mga pagbasa sa Biblia ay tumutukoy lahat sa isang salita: Pagpapala o Blessings.
Ang buhay na nakadugtong sa Diyos ayon sa Panginoong Jesus, sa Juan 15:8,
"This is to my Father's glory, that you bear much fruit, showing yourselves to be my disciples."
Ito ay buhay na pinagpala. Ito ay buhay na sagana.
1. Sa buhay ni Job, tumanggap siya ng isang mahalagang blessing- ito ay ang blessing of being restored. Siya ay bumagsak, siya ay nagkasakit, nawalan siya ng mga anak at kabuhayan.
Ngunit sa ganap na pagpapakilala ng Diyos kay Job, nakilala ni Job ang Diyos sa kanyang kapangyarihan at kabutihan. Dahil dito, siya ay nagsisi at nagpakumbaba sa harapan ng Diyos.
Kung kaya, ibinalik ng Diyos ang nawala sa kay Job.
What we need from God is restoration, for once or many times, we have destroyed ourselves by committing sins. Maraming tao ang nasisira ang buhay dahil sa sariling kagagawan.
However, meeting does not lead to our condemnation. Sa tunay na pananampalatayang Kristiano, hindi po tayo maaring hatulan ninuman, kapag tayo ay nakiisa na kay Cristo.
"There is no condemnation for those who are in Christ Jesus."
Through Jesus Christ we were forgiven. We were saved. We are restored.
2. Pangalawang blessing ayon sa ating pagbasa, ayon sa Awit 34:4, ay deliverance,
" I sought the LORD, and he answered me, and delivered me from all my fears."
Some people are unaware of their being slaves by sins, and worse, some are slaves of the devil.
Marami ang nag-aakala na sila ay malaya. Hindi nila namamalayan na aktibong gumagawa ang diablo sa kanilang buhay. Pakinggan natin ang pagkabasa ng Efeso 2:1-2,
"As for you, you were dead in your transgressions and sins, in which you used to live when you
followed the ways of this world and of the ruler of the kingdom of the air, the spirit who is now at work in those who are disobedient."
Malinaw na sinasabi dito na ang mga wala pa kay Cristo ay sakop pa ng demonyo.
Kapag tayo po ay nagsuko ng ating buhay sa Panginoong Jesus, tayo po pinalalaya ng ating Panginoon mula sa kamay ng kaaway, upang tayo ay manatiling malaya kailan paman.
Maraming tao ang nangangailangan ng deliverance. May iba ba namumuhay sa takot.
May iba na gusto nilang makaalis sa bisyo pero, hindi sila makalaya, alipin na sila ng bisyong ito.
At madalas ang ganitong bisyo ay may halo ng pagkilos ng diablo sa ating buhay.
May iba na namumuhay sa kasalanan nilang hindi pa pinagsisihan.
Mayniba naman, nagsisi na pero takot pa rin na nalaman ng iba yung kanilang kasalanan. Na parang hindi pa sila totoong pinatawad.
May mga nakakulong pa rin sa kanilang nakalipas.
Pakinggan po ninyo, ang Diyos ay nagpapalaya sa bihag ng kasalanan at ng nakalipas.
3. Ang pangatlong blessing ay nababasa sa ating Gospel Reading. Ito ay ang blessing ng kagalingan. Si Bartimeo ay bulag. Ngunit siya ay nakakitang muli.
Ang Diyos ay nagkakaloob ng pagpapala ng kagalingan, lalo sa mga may pananampalataya.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...