Huwebes, Mayo 14, 2015

Your Life' s Calling

Textthis Week : January 18, 2015
Gospel Reading : John 1:43-51

Tulad ng mga taong nagkaroon ng makahulugang buhay, Si John Wesley ay nagtagumpay.  Hanga ako sa mga katulad niya na nakatupad sa kanilang 

1) pagkatawag 
2) at katuparan ng plano ng Diyos sa kanilang buhay. 

They were able to discover their sense of purpose, calling and destiny.  Beyond their ambition, they realized that God has directed them to fulfill a call. They responded and in this manner, they were led to a destiny designed by God for their lives. 

The Christian life is a life called to fulfill meaning and greatness.  Magiging dakila tayo dahil sa ating pagsunod sa tawag ng Diyos. 

Responding to God's call is more than mere following of selfish ambitions and personal goals. 

After hearing God's word today, matagpuan mo nawa ang plano ng Diyos para sa iyong buhay. 

Ang buhay alagad ay buhay na;

1. Natagpuan ni Cristo
2. Tinawag at
3. Tumugon sa panawagan ng Panginoon. 

Isa-isahin natin ang mga ito.  Pangunahan nawa ng Banal na Espiritu sa ating pagbubulay sa araw na ito. 

1. Ang buhay Kristiano ay buhay na natagpuan ni Cristo. Naghahanap ang Panginoong Jesus ng mga susunod sa kanya.  Dalangin ko na makakita siya sa iglesiang ito ng mga tunay na alagad. 

a. Si Apostol Pablo ay nagsabi ng ganito, "Nang ako ay matagpuan ni Cristo..." Hindi siya ang kusang naghanap sa Diyos, kundi siya ang hinanap ng Panginoon. At natagpuan siya ng Panginoon. Gayun din si Felipe sa ating binasang talata. 

Wala silang planong hanapin ang Diyos.  Ngunit ito yung pinakapunto ng Doktrina ng pagkakatawang tao ng Diyos - upang hanapin ang mga nawawala, hanapin ang mga lumalayo sa Panginoon, ilapit muli sa Diyos ang mga naliligaw.  Marami kahit ngayon ang ganitong tao - nakatagpo nga ng relihiyon, ngunit hindi nakilala ang Panginoon! 

b. Being found by Jesus means, God has now got your attention. Kapag natagpuan ka ng. Diyos, ito na yung magsisilbing "turning point ng buhay mo".  Ito yung punto ng pagbabago sa iyo dahil alam mo, Diyos na ang kumakausap sa iyo. 
Tapos na ang lokohan, 
Oras na ng pagpapakatotoo, 
Oras na upang ibaling ang ating atensyon 
Sa plano ng Diyos sa ating buhay.

Jesus found Philip. Then, Nathanael was also found by Jesus.  Hindi lang si Felipe ang nakatagpo kay Nathanael.  For Jesus caught the attention of. Nathanael.  Sabi ng Panginoon, "Nakita kita sa ilalim ng igos." 

Ewan kapatid. Pero nais kitang tanungin, "Ano nga ba ang kailangan para ibaling mo ang iyong pansin patungo sa Panginoon? Ano nga ba talaga ang kailangan para pansinin mo naman ang Diyos?

May mga tao na nagsasabi ng ganito, "Pastor, matagal na akong paikot-ikot sa buhay. PAGOD NA AKO!" Sa mga ganitong tao, iisa lang ang dapat ipayo, pumunta ka sa Panginoon, nais ka niya makatagpo ngayun din. 

2. Pangalawa, Ang buhay Kristiano ay buhay na tinawag ng Diyos.  "Halika at sumunod ka sa akin."

God is not just seeking to win your attention but also - God is asking for your decision. 

Ginawa ko itong sermon nang Lunes, January 12. At sariwa pa sa isip ko ang awit ng ating Youth Choir last Sunday. Inawit nila yung choir rendition ng "I have decided to follow Jesus." 

Totoo ang sabi ng awit. Hindi tayo maaring maging tunay na Kristiano kung wala tayong matatag na desisyon na sumunod sa Panginoon. 

Isang patotoo ang minsan ko nang narinig. Isang dating drug pusher ang kumikita ng malaking halaga ang natagpuan ng Panginoon, at gumawa siya ng isang desisyon,

"Susunod ako sa Diyos, tatalikod na ako sa aking maruming hanap-buhay."

Ganyan kasi ang pagsunod  sa Pangnoon, minsan may kailangan nga tayong bitawan, may kailangan tayong talikuran.  Sa iyong pagsunod sa Panginoon ngayon, ikaw ang nakakaalam kung ano yung dapat mong bitawan. 

3. Lahat tayo ay tinawag upang umalis sa dilim at magsimula na tayong mamuhay sa liwanag. 

Mula sa kasalanan, tungo sa kabutihan. 

Mula sa karumihan tungo sa kalinisan ng buhay. 

Mula sa makasariling hangarin, tungo sa makadiyos na layunin. 

Para matupad ang tawag ng Panginoon sa iyo ngayon, kailangan kang makinig, gumawa ng desisyon at umaksyon ka. 

Listen- make a decision then act on it. 

Minsan, isang tatay ang tumwag sa anak niya. Sabi sa kanya, "Anak, tumulong ka sa gawaing bahay. Busy kami ni mommy." Malutong opo ang kanyang tugon.

"O sige linisin ko yung kotse. Bombahin mo yung flat tire." Utos ng tatay. 

Tugon ng bata, "Dad, mahirap po yun eh. Next time na lang."

That boy desired to help, he decided to help but he failed to act!

Ayaw kong maging maging failure para sa iyo ang pagsambang ito. 

Tayong lahat ay tinatawag ng Diyos ngayon. 

May kwento noong bata pa si Ronald Reagan. Dinala siya ng kanyang tita sa gumgawa ng sapatos. Tinanong siya kung ano ang gusto niya, pabilog o patulis na hugis.  Hindi makasagot ang batang Reagan.  Dumaan ang isang Linggo, hindi parin alam ni Reagan ang kanyang pipiliin.  Du,aan ang ilang araw, nagkita ang sapatero at ang bata, at wala pa ring desisyon si Reagan.  

"Alam ko na kung gayun ang gagawin ko." Sabi ng sapatero.  At gumawa nga ng sapatos ang sapatero, isang pabilog at isang patulis. Ganyan ang nangyayari sa mga ayaw magdesisyon para sa sarili. 

Magdesisyon kana!

Some of you are called to the ministry. Kung isa ka matagal nang kinukulit ng Panginoon para magturo at mangaral - pwede bang pagbigyan mo na si Lord ngayon?

Some of you are called by God to dedicate your life to Him. John Wesley once said, "Let it be the desire of my heart, to be like my Master. To do not my will, but the will of the one who sent me."

Ang iba sa atin, ay tinatawagan ng Panginoon para bumitaw na tayo sa ating maling gawain. Ikaw ang nakakakilala sa sarili mo. Kung mayroong nais alisin ang Diyos sa ugali mo o gawain mo. Act on it now. Hindi ka magsisisi.

United in the Lord

Text this Week - January 18, 2015
Epistle Reading - 1 Corinthians 6:12-20

United in the Lord

Habang lumilipas ang mga panahon, nais kong patotohanan na lalo kong naaapreciate ngayon ang kagandahan ng pagiging Metodistang Kristiano. 

Halimbawa, yung sinabi ni John Wesley na katagang, "work all you can, save all you can, but give all youcan." 

Hindi po pagpapayaman ang kanyang layunin para mga Metodista.  Maganda kung lahat tayo ay yumaman, pero hindi iyon ang sukdulang layunin ng Diyos para sa atin.  Kundi pa naman, ang pinakamataas na layunin niya ay upang makatulong ang mga Metodista sa iba kapag marami na silang naipon.  

Ito ang buod ng buhay Kristiano - buhay ito na makahulugan dahil nagagamit ito para sa mga layunin ng Diyos. 

Ang Layunin ng Diyos Para sa Ating Buhay

May layunin ang Diyos para sa ating buhay.  Binigyan tayo ng buhay upang gumanap ng isang banal na tungkulin.  

Ang layunin ng buhay ay hindi lamang para masunod natin ang layaw ng laman. 

Ano ang mga layaw ng laman? 

a. Una, ang pagkain.  Madalas tayong maakit nito sa pagaakalang, ito na ang pinakamagandang bagay na magbibigay sa atin ng ganap na kaligayahan.  Ang makain mo ang gusto mo.  Pero ito na nga ba ang tunay na kahulugan ng buhay? 

Sabi ng Bibliya, "Hindi!"

b. Isa pang layaw ng laman na umaakit sa tao ay ang sexual desires natin. Binigyan ba tayo ng buhay "to find fullfilment for our sexual desires"? Ang pinakamataas nga bang goal sa buhay ay ang maging "sexy" o ang maabot ang "ultimate sexual attractiveness" ng ating katawan at mukha? 

Dahil sa maling akalang ito, marami ang gumagastos ng husto para lang makita nila sa salamin ang kanilang magandang figure at mukha. Samantalang wala naman pumapansing ibang tao sa kanila. 

Hindi rin ito ang tunay na nagbibigay ng pinakamataas na layunin ng buhay. 

Discovering What Gives Meaning to Life

Napakasarap pala kapag nakikita mo ang iyong pananampalataya bilang isang "discovery".  Lalo kapag ang bawat yugto nito ay mga kabanatang nagpapalalim sa kahulugan ng buhay.  Kapag sa bawat taon na nagdaraan, lalo tayong napapalapit sa Diyos at nakikita natin ang katuparan ng layunin ng Diyos sa ating buhay.

Isang lalaki ang dating babaero.  akala kasi niya, ito na yung pinakamabuti para sa kanya, ang magbilang ng mga babae sa kanyang buhay. Kayamanan at kalaswaan, ito ang inakala niya pinakamahalaga sa buhay.  

At nakilala niya ang Panginoon. 

Narinig niya ang sabi ng Panginoon, "Ano nga ba ang mapapala ng isang tao, mapasakanya man ang lahat ng kayamanan sa mundo, kung ang kapalit naman nito ang ang kaparusahan ng kanyang kaluluwa?"

Ngayon, sa Diyos na ang kanyang atensyon, at hindi na sa mga pansamantalang aliw na kaloob ng mundo. May mga paraan ang Biblia kung paano natin hahanapin sa Diyos ang kahulugan ng buhay. 

1. Una, Makiisa tayo sa Panginoong Jesus.  

Verse 6:17 states, "But anyone united to the Lord becomes one spirit with him". Makikita lamang natin ang kahulugan ng buhay kapag nakiisa na tayo sa Panginoon. Ang mga naghahanap ng kahulugan ng buhay sa pamamagitan ng pagpapayaman ay napapagod lang.  Ngunit ang mag naghahangad na makasunod sa kalooban ng Diyos ay nagkakaroon ng fullfilment sa buhay. 

2. Pangalawa, Dedicate your body as the temples of God's Spirit

Sabi sa Verse 6:19, "Or do you not know that your body is a temple of the Holy Spirit within you, which you have from God, and that you are not your own?"

May dalawang mayamang magkaibigan. Parehong malaki ang kanilang ari-arian.  Ang isa ay Kristiano, at malaking halaga ang kanyang ibinibigay sa gawain ng Panginoon at tulong sa iba. Nagtataka ang kanyang kaibigan kung bakit ganito ang ginagawa ng Kristiano.  kaya nagtanong siya, "Bakit ang laki ng ininibigay mo sa Diyos?"

Sagot niya, "Wala akong ibinibigay sa Diyos!" 

patuloy pa niya, "Ang lahat ng nasa atin ay pag-aari na ng Diyos. Iyan ay pinagkakatiwala lamang sa atin."

Lalo na ang ating katawan.  Kapag ito ay itinuring nating sa Diyos, hindi natin ito gagamitin sa kasalanan at makasariling kapakanan. 

Nais kong hilingin sa bawat isa ngayon na manalangin. Nais ko pong hilingin sa bawat isa na magtalaga tayo ng ating sarili upang imbitahan ang Espiritu Santo na manahan sa ating buhay. Na mula ngayon, ang ating katawan ay ituturing nating templo ng Diyos. 

Narito Panginoon ang aming mga katawan, gawin mo itong temple ng kabanalan. Manahan ka sa aming buhay. Kami ay sa iyo. Amen.

3. Panghuli, italaga natin ang ating sarili, na tayo ay sa Diyos. 

Binili tayo sa dugo ng Cristo.  Hindi na tayo pagaari ng ating sarili.

Madali itong maunawaan ng mga tao noong una.  Dahil ang mga alipin, o ang mga natalo sa digmaan ay ibinebenta.  Ang sinumang nakabili sa mga taong ito ay kanilang magiging Panginoon. 

Mula sa kasalanan, binayaran ng Panginoon ng kanyang sariling buhay ang ating buhay. 

Pag-aari na tayo ng Diyos kung gayon.

Putting God First

Putting God First on Time of Crisis
Mark 1:14-20 (Message delivered January 25, evening service, Church Anniversary FUMC, Guagua, Pampanga)

Naranasan mo na ba ang mawalan ng gana sa church?
Naranasan mo na bang magreklamo sa Diyos dahil sa sobrang bigat ng iyong dinadalang problema? 

May crisis ba sa buhay mo? Apektado ba ang relasyon mo sa Diyos?

Paalala lang po: Hindi po nangako ang Diyos na gagawin niyang maayos ang lahat para sa atin. Wala siyang ipinangako na hindi na tayo magkakaroon ng anumang suliranin. 

Ang pangako niya ay hindi niya tayo iiwan ni pababayaan man. 

Ang iglesiang ito (First UMC) ay dumaan ng napakaraming pagsubok, at napagtagumpayan lahat ito ng buong pananalig sa Diyos.

1. Ang Ministeryo ng Panginoong Jesus ay sinimulan sa panahon ng krisis. IKINULONG SI JUAN BAUTISTA (v. 14).

Tumindig si Jesus bilang mangangaral sa panahong kinukulong at ipinapako sa krus ang mga sumusunod sa Diyos. 

Nabasa ko na noong January 1, 1945, habang nagbabagasakan ang mga bomba mula sa eroplanong Americano noong liberation, kasalukuyang nananambahan ang mga miembro ng First UMC.  Alam nila na ano mang oras maari sila mabagsakan at mamatay.  Ngunit ayon sa sinulat ni Eusebio Manuel (ang District Superintendent ng Pampanga noong 1945), "Hindi kami tumigil ng pag-awit ng Joy to the World the Lord is Come. Tumigil ang pagbagsak ng mga bomba, tumahimik ang paligid at gayun na lamang ang pasasalamat namin sa Diyos."

Sa panahon ng krisis, nanatiling naglilingkod ang ating mga magulang sa Panginoon. Hindi sila tumigil sa pananambahan kahit noong panahon ng digmaan. 

Maaring nasa panahon ka ng krisis ngayon. 

Baka may digmaan sa iyong puso at kalooban ngayon?  Kapatid ko, sa panahong may suliranin ka, lalo ka pa nawang kumapit sa Panginoong Jesus.  

Sa gitna ng mga suliranin, sa Diyos ka bumaling. 

Huwag mo sanang pababayahang ang mga suliranin ay maging dahilan upang mapalayo ka sa Diyos. Sa halip, gawin mo silang tuntungan upang lalo kang mapalapit sa Diyos. 

Kung may suliranin at para bang nawawalan ka ng gana upang magsimba - lalo kang magsimba at kumapit ka sa Diyos. 

Kung may kasalanan kang nagawa, huwag kang mahihiyang lumapit sa Diyos.  lalo kang magsimba, lalo kang manalangin. 

Ang Panginoong Jesus noong ikulong si Juan (malaking hadlang ito)- ngunit noon siya nangaral. Noong siya tumindig bilang anak ng Diyos. 

Tumindig ka bilang anak ng Diyos.  Huwag kang matatakot - kasama natin si Jesus. 

2. Sa panahong ito ng krisis, noon tumugon sina Pedro at ang ibang alagad sa tawag ng Panginoong. Jesus said - "FOLLOW ME!" Then they followed. 

Following Christ in times of crisis will not be easy. 

It actually means, "Follow me where ever I will go."

Or 

"Follow me to the cross."

Pero, tanong ko lang, "Bakit sila sumunod sa ganitong tawag? 

Sa ating panahon, madali lang.  Sumunod ka kay Cristo. Manalig at magpabautismo. Magsimba ka tuwing Linggo.  Basahin mo ang Biblia mo. Ayusin mong buhay mo. Maglingkod ka sa kapwa tao. O - Kristiano ka na!

Pero ang mga unang alagad, alam nilang susunod sila sa Panginoong Jesus at maaring isusunod na silang ipapako sa Krus! Pero sumunod pa rin sila. 

Kaya nararapat itanong ngayon sa ating sarili, "Hanggang saan ba ang pagsunod ko sa Diyos?

Kapag ba ayos ang lahat? Mga kapatid, noong tumugon sila sa Panginoon para sumunod -hindi po ayos ang lahat! May malaking problema, may malaking hadlang! 

Sa ating panahon, ang krus ay simbulo ng pananampalataya. Unawain natin kung paano ito nauunawaan ng mga unang Kristiano.  

ANG KRUS PO NOON AY SIMBULO NG PAGSUNOD KAY KRISTO HANGGANG KAMATAYAN. 

Dahil kapag sumunod ka kay Cristo noon, kandidato ka na sa mga ipapako sa krus. 

Sa ating anibersaryo sa 112Years ng First UMC Pampanga, nais kong magtalaga ulit tayo ng ating pagsunod sa Panginoon. 

3. During that critical point, when following Christ will definitely lead to suffering, they put God first and followed Jesus! 

When was the last time that you said to God, "God I will follow you- kahit anong mangyari"!

I would like to end this message with this call of surrender. Kungmay crisis sa buhay mo, go to Christ and just keep on following Him. 

I would like to call on everyone to make a deep commitment to Christ. Deep, I mean, kahit nasasaktan ka, huwag kang aalis sa ating iglesia. Huwag kang lalayo sa Diyos. Amen po ba?

Jesus is still calling. Calling us to follow Him. 

Sino sa inyo na nagnanais mangako ulit? Yung iba maaring first time gumawa ng pangako kay Lord.  

Lumapit kayo. Kayo na nagnanais magtalaga na inyong buhay sa Panginoon.  Lumapit kayo, tinatawagan kayo ng Panginoong Jesus, "Lumapit kayo at sumunod kayo sa akin."

as we sing this song, "I have decided to follow Jesus" (Contemporary rendition by Hillsong).

The Day the Devil Went to Church

The Day The Devil Went To Church
Feb. 1, 2015 / Mark 1:21-28

Sa bawat pagkakataon na nandito tayo sa loob ng iglesia, dalangin ko na maranasan ng bawat isa ang presensya ng Diyos. 

Malaking kawalan kapag nagsimba ka ngunit hindi mo nakatagpo ang Diyos. 

Ang kaaway, ang diablo ay kumikilos din tuwing tayo ay nagsisimba.  Nais niya tayong ilayo sa Diyos.  Sa loob ng simbahan, nais niyang iligaw ang ating isipan upang kahit physically presnt tayo ay ay mentally absent naman. Kaya mag-ingat po tayo. 

Pumapasok din ng simbahan ang diablo. 

1. A Devil in Church

Ang lugar ng eksena ay sinagoga. Sa sinagoga nagsimula ang salitang "ekklesia" - ang ibig sabihin ay "pagtitipon" o "gathering".  Ito ay lugar ng pagsamba. Nandoon ang isang nasaniban ng masamang espiritu. 

Dalawang posibilidad kung bakit naroon siya.  Maaring dala siya ng taong nasaniban, o baka ang diablo ang nagdala sa tao doon. 

Ang diablo ay may maraming paraan ng pagsanib na hindi natin namamalayan.  Maaring isang tao ang naniniwalang napakabanal niya, ngunit salungat sa kalooban ng Diyos ang lahat ng nais niya, at naghahasik pala siya ng kaguluhan sa loob ng iglesia. 

Hindi ito nakapagtataka, dahil maging sa langit ay nagpupunta rin ang diablo (Job chapter 1). 

2. Ang Pananampalataya ng Diablo

Katulad ng mga Kristiano, ang diablo ay may pagpapahayag din ng pananampalataya. "I believe in God...". 

Sabi ng James 2:19, 
"You believe that there is one God. Good! Even the demons believe that-and shudder."

Naniniwala din siya sa Diyos!

NGUNIT MAY PINAGKAIBA ANG PANANAMPALATAYANG KRISTIANO SA DEMONYO

Ang pananampalataya ng Demonyo ay ganito;

a. It is a faith confession without submission. Naniniwala siya sa Diyos at kapangyarihan ng Panginoon ngunit hindi siya nagpapasakop dito. 

b. It is a faith without obedience. takot siya sa Diyos ngunit wala siyang pagsunod. 

Mga kapatid, ang pagkilala sa Diyos ay dapat ipakita sa salita at sa gawa. Sa pagpapasakop at pagsunod.  Kung walang pagsunod at pagpapasakop, ito ay isang huwad na pananampalataya. 

3. The Devil's Prayer

Marunong din siyang manalangin! We find this demon talking to Jesus inside the church! pambihira itong demonyong ito! (Oooops! Hindi po ako nagmumura.)

Prayer can be faked, and it can also be demonic in nature.  Balikan natin ang verse  24. sabi ng demonyo, 

"What do you want with us, Jesus of Nazareth? Have you come to destroy us?"

a. Demonic prayers are insults to God. 
b. Demonic prayers are declarations of independence from God. "Anong pakialam mo sa amin Jesus na tiga-Nazareth?" Heto po yung kanyang sinasabi. Sinasabi niya ng patanong - na walang pakialam ang Diyos sa kanya. 

4. The Devil's Excommunication

Finally, this demon was casted out by Jesus simply through His word. 

Gustong i-demonstrate ng demon yung power niya sa pamamagitan ng pagpapahirap sa taong yun. 

But you see, the devil is not even a match to Jesus! He is now a loser. Just by the word of Jesus, umalis siya. The devil is now under our feet.

Finally, I would like to invite you to apply this Word of God to our lives. 

Let us check our faith. Is it a true Christian faith or just devil's faith? 

Let us compare the two.

A Christian believes in God, the devil also confesses that there is God. 

BUT! however, 

the devil does not submitt to God's power. 
A Christian is expected to submit to God. 

The devil rebels and disobeys willfully against God. 
A true Christian, humbly worships God and accepts Jesus as Lord and Savior. 

Mga kapatid, yung demonyo sa ating binabasa ay matapang na pinahayag na laban siya sa Diyos.  

Kayo ba, may lakas na loob ba kayong magpahayag ng inyong pananampalataya? Handa ba ninyo itong ipahayag sa pamamagitan ng inyong pagsunod at pagpapasakop sa Diyos? 

kung handa kang ipahayag ito, hinihiling ko na magtaas ka lang ng kamay. bilang kapahayagan na ikaw ay nagpapasakop sa kapangyarihan ng Diyos.  

Hindi ito gagawin ng diablo. Gagawin lamang ito ng isang nanalig at nagpapailalim sa kapangyarihan ng Diyos.  Gawin mo ito...kilalanin mo si Jesus bilang Panginoon.

Sowing the Seeds of Love

Message: Sowing the Seeds of Love
Gospel Reading: Mark 1:29-39
(Feb8, 2014)

Love Month na! And on all of our messages, we are going to talk about LOVE!  

Mayroong tatlong paraan ng pag-ibig sa kapwa ang Panginoong Jesus base sa ating Gospel Reading.

 1. Loving by spending time with those we love.
 2. Loving by caring and
 3. Loving by serving. 

Dalangin ko po na maging pagpapala itong mensaheng ito sa lahat. 

1. Love by spending time with those we love.

Jesus spent time with his disciples. Giving time is a very important way of expressing love. 

Reading verse 29, it says, "As soon as they left the synagogue, they went with James and John to the home of Simon and Andrew."

This talks about Jesus' way of discipling Peter, James and John. He trained them in the ministry by being with them. 

Masayang barkada ito. He went "WITH" them. 

Pagkatapos magsimba sama-sama silang pumunta sa bahay ni Simon Pedro. Ang pagdidisipulo ay samahan ng mga magkakapatid at magkakaibigan. 

Di po ba masaya ito? Sama-samang mag mall, kumain, magkantahan at iba pa. Yung pupunta sa isang bahay ang tropa ay magluluto, kwentuhan at dalanginan at gumagawa para sa misyon. 

Alam po ninyo, ito yung kailangan natin. Kailangan sa mga pag-aaral sa paglago ng mga iglesia, ang isang bagong miembro kung gusto ninyo siyang manatili sa church, this person must find a barkada. 

a. Hindi po mananatili ang isang tao sa iglesia kung wala siyang makitang kaibigan. 

First time nagsimba, 
Walang pumansin
Walang bumati
Walang naging kaibigan
Aalis yan sa church! 

So if we really care for people, Spend time with them. 

b. Your family are definitely longing to be with you. 

Maraming kabataan ngayon ang laging nagsasabing hindi sila mahal ng kanilang mga magulang.  Ang totoo, mahal sila ng kanilang mga magulang, yun lang walang panahon yung mga magulang, kaya yung pagmamahal nila, hindi ito maramdaman ng mga anak.

2. Love by caring. Pagbibigay malasakit. 

He showed compassion by meeting simple needs of people.  In this case, he healed the fever of Peter's mother in-law. 

a. Do not ignore people. May panahon na akala natin maliit na bagay lamang ang pinagdadaanan ng isang tao, ngunit para sa kanya-para siyang dinadaganan ng buong mundo. Lalo kung wala siyang masabihan ng kanyang problema.  

At naroon ka, 
nakita ka niya, 
gusto ka niyang makausap, 
ngunit wala kang panahon para sa kanya-
nang oras na kailangan niya ang munting tapik sa balikat. O kaya ay kaunting pagbati man lang. 

Ang hinihingi niya ay kaunting pansin. 

Hanga po ako sa sensitivity ng Panginoon sa mga tao. Not only that he spends time with them, but he cares for them by addressing their simple needs. 

Kaya noong gumaling yung biyenan ni Pedro, pinaglingkuran sila. 

This is what love is all about! You give it away - it will come back to you! Itanim mo ito sa iba ay aani ka ng pagmamahal. 

Listen to what Jesus is teaching us, he says, "it is better to give than to receive." But whenever we give, we receive! In fact if you give more, you will receive more. E lalo na po sa pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.

3. Love by SERVING.

Jesus, he came to serve people. 

Love is done by doing it. Noong nagsimula akong magka-interest sa driving, tinuruan ako ng kapatid ko. Pero pagkapos akong turuan, napansin ko, hindi pa ako lubos na marunong. Kaya takot akong magmaneho. Then somebody gave me a simple advice, pero effective. Sabi ng aking kaibigan, 

"Learn by doing it - driving is learned by driving."

Jesus showed us how to love. And the only way to learn how to love is by loving. 

a. By healing people of their sicknesses. 

Ill people are empty and broken. Napakahirap po ang magkasakit.

Kung itatanong po ninyo kung sino ang pinakamahirap o yung lubos na nahihirapan - 

Go to the public hospital. 

Maghanap ka ng isang pobreng bata na naka-confine, na habang binabantayan siya ng kanyang nanay na hindi rin makapagtrabaho dahil kailangan niyang mag-asikaso ng kanyang anak. At maaring sa gabi, darating ang tatay niya na pagkatapos magtrabaho ay tutuloy ng hospital para samahan ang kanyang pamilya. At magsasalo-salo sila sa kaunting pansit na dala ng tatay. 

Ang tanong ko, "napapansin ba ito ng ating iglesia?"

O baka naman po, nasa kapitbahay lang pala ninyo ang pobreng batang ito? They need our prayers. They need us. Ang kaunting malasakit sa kapwa ay magpapaunlad sa iglesia. 

b. isa pang ginawa ng Panginoon, ay ang pagpapalaya sa mga tao sa mga demonyo. 

Kung bubuksan lang natin ang ating mga mata, ang mga manifestations ng mga demonyo ngayon ay makikita sa mga ibat-ibang porma ng addictions at bisyo, uncontrolled emotions, violence at corruptions of values. Sumisira sila ng buhay ng tao, at nagsisimula silang manira sa pamamagitan ng pagpasok sa isipan. 

Demons starts damaging lives by corrupting the mind. Sinisira nila yung judgement ng tao. Yung tama, gagawing mali. Yung mali gagawing tama. 

Hanggang maging maging bihag nila ang taong ito. 

Jesus came to set people free from these possesions. 

Here is our opportunity to know Christ once again. 

a. He wants to be your friend. Gawin mong kabarkada ang Panginoon. Isama mo sa tropa si Lord, at magsama ka ng iba. Spend time with your fellow Christians. just enjoy your fellowship with them. 

b. Do not miss those simple, small opportunities to help people whenever, wherever they need you. 

Simpleng pangangailangan na iyong matutugunan, ay maaring bumago ng buhay sa isang natulungan. 

c. Tanggapin mo ang kalayaang kaloob ng Diyos. Kung mayroong bagay o bisyo o emotional burdens na parang tali sa buhay mo? Why not bring them before God today? Just allow Jesus to set you free.

When God's Power Meets Our Faith

When God's Power Meets Faith 
BS on Mark 11:12-14; 20-24

I tried looking at this story by taking a quick glance on the "unfair" cursing of the fig then proceed swiftly on the meeting of Jesus' divine power and our faith. Actually, this story is not to show how unfair God is. It is to demonstrate what God can do through his divine will.  And if this power will he accessed with faith, it can do much more. 

1. God's power can dry up an unfruitful tree and more, it can move mountains. Believe in what God can do. That is what faith is all about. 

2. Prayer and faith can produce incredible results, since they unleash God's potential. But remember, God moves according to His own way. Faith is not a way of putting God in our control. Faith is trusting God, not commanding God.  

 Verse 24 says, "Therefore I tell you, whatever you ask for in prayer, believe that you have received it, and it will be yours."

Prayer and faith really work. However, what a pity for those who who do not pray.  They will receive nothing from their wishes. 

3. Prayer without forgiveness is much like a fig tree full of leaves but without the fruit. Faith without works of obedience is only a display of uselesness.  Prayer without forgiveness is disgusting before God. 

Verse  25 says, 

"And when you stand praying, if you hold anything against anyone, forgive him, so that your Father in heaven may forgive you your sins."

All of us are sinners in need of God's forgiveness.  To be forgiven however, we also have to forgive. Unless we forgive we will not be forgiven. 

Unforgiveness will bring us to God's wrath, like the tree full of leaves but without the fruit.

So, have faith, pray and do not forget to forgive. Or else...you will just end up missing the power of God in you.

Keeping a Divine Secret

Keeping and Sharing a Divine Secret
Mark 9:2-9

Verse 9 Says "As they were coming down the mountain, Jesus gave them orders not to tell anyone what they had seen until the Son of Man had risen from the dead."

They were told to keep a secret. 

Mahirap yata ito. Maraming tao ngayon ang hindi na marunong magtago ng mga sekreto. 

Among the professional counselors, pastors, teachers, etc. keeping secrets in a must. Betraying someone of a secret entrusted to a person, may be a ground for a charge of misconduct. 

Now as a Christian, it is our duty to protect the dignity of each one of us as a true family of God. 

So, can you keep a secret? 
Can God trust you, if He will enfold to you divine secret? 

Transfiguation is a divine secret because it was entrusted first to only three of the disciples.  It is a vision that they alone saw.  Sekreto ito na hindi nila dapat sasabihin sa ibang alagad. 

Why were they entrusted with this secret?

1. They were being groomed to be leaders. 

Peter, James and John were the closest followers of Jesus. They are trained by being first - to be trustworthy.  Hindi karapat dapat maging leader ng simbahan yung tsismoso.  

Hindi pwede yung taong; lahat ng marinig ay binobroadcast sa himpapawid and lahat ng sekreto! 

- As Christians, it is our duty to protect the dignity of our fellow Christians. 

Kailangan po tayong maging karapat dapat sa ating pagkatawag. 

2. To be a Christian is a Call to Keep Divine Secrets

- As Christians, we are mandated by Christ to keep divine secrets. 

-This has something to do with how we understand ourselves. We are chosen people of God. Let us be holy enough to handle holy matters. 

They were priviledged to witness this Transformation so they will deeply know Christ as God. He is the revealer of truth first entrusted to Moses and the prophets.  And now this secret is passed on to them as Disciples of Jesus. 

Pastors, are you worthy to keep this divine secret, that was entrusted to Moises, the prophets - and now to you?

Christians, will you be the right person to be the bearer of light that was shown to Moses on Mount Sinai?

3. They were chosen to reveal the secret as commanded.  to reveal the secret when the Christ will be brought back to,life. 

Here is a clear order - kapag nabuhay na siyang muli kailangan na nilang ilahad ang mga bagay na kanilang nasaksihan. 

Kung mayroon tayong dapat matutunan - tayong lahat ay yung kung paano tayo matututong mag- evangelize. 

Maraming Kristiano hindi alam kung paano ibabahagi si Cristo. Kaya marami pa sa mga nagsisimba ngayon hindi sila totoong "born again". 

Wala silang kasiguruhan ng kaligtasan dahil ipinakilala sila sa relihiyon pero hindi sila tunay na tumanggap sa Panginoong Jesus. Walang pagbabagong buhay na makikita. 

Be a true Ambassador of Christ. 

Know Him better. 
Keep that secret within you, know yourself as a bearer of that divine secret. You are no less than Moses.  You are the new prophet. 

Last, since Jesus is now alive again, 

It now your duty to tell the world that he is God!

Bagong Pagkilala kay Jesus

Bagong Pagkilala Kay Cristo
Mark 9:2-9; 2 Kings 2:1-12
(Feb. 15, 2015)

Ang Diyos ay hindi nagbabago. Ang totoo, ang antas ng ating pagkilala sa kanya ang nagbabago. Dahil sa patuloy nating paglilingkod, lumalawig pa ang ating kaalaman tungkol sa kanya. 

Sa ganitong paraan umuunlad ang ating pagkilala sa Diyos. 

Bago ang pagpunta nila sa bundok, unang nagpakilala na ang ating Panginoong Jesus sa mga alagad. 

Sinabi niya na siya ay ipapako sa krus, mamamatay, at muling mabubuhay. Ngunit hindi ito maunawaan ng mga alagad, lalo na si Pedro na humadlang pa sa sinasabi ng Panginoon. 

Masasabi natin kung gayun, na kahit matagal na nilang kasama ang Panginoon, ay hindi pa nila lubusang nakilala ang Dakilang Guro. 

Sabi ng 8:31, "He then began to teach them that the Son of Man must suffer many things and be rejected by the elders, chief priests and teachers of the law, and that he must be killed and after three days rise again."

Ito ay pagkilala sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtahak sa daan ng sakripisyo.  Kailangan nating makilala ang Panginoon bilang Nagdurusang Alipin (Suffering Servant). Dahil ito ang kanyang misyon. Ito ang dahilan kung bakit kailangan siyang magkatawang tao. Upang iligtas ang sanlibutan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan niya sa krus.

Mapapansin na hindi agad-agad naunawaan ng mga alagad ang nais ipabatid ng Panginoon nang magpakilala siya sa kanyang anyo bilang Nagdurusang Alipin (Suffering Servant). Tulad natin, kailangan pa nating makita ang Panginoon, sa isa pa niyang anyo. Ito ay upang lubusan natin siyang makilala. 

Pagbabagong Anyo- A New Revelation

Sa ating teksto, isinama ng Panginoon ang tatlo, si Pedro, Juan at Santiago sa mataas na bundok. At doon nasaksihan nila ang pagbabagong anyo ng Panginoon. 

Tulad ng sabi ni apostol sa Juan 1:14,

"The Word became flesh and made his dwelling among us. We have seen his glory, the glory of the One and Only, who came from the Father, full of grace and truth."

Seeing Christ through a Different Perspective

Bilang isang karaniwang tao, na nagsusuot ng kananiwang damit - ito ang dating pagkilala nila sa Panginoon. Ngunit noong araw na iyon, nakakita sila ng bagong anyo ng Messias.

1. Anyo ng kaluwalhatian (Glory)
2. Anyo ng kapangyarihan. (Power)
3. Anyo ng karangalan (Honor)

Kilalanin natin ang Panginoon sa mga anyong ito, upang maunawaan natin kung bakit kailangan siyang magdusa sa ibabaw ng krus. 

Tulungan nawa tayo ng Espiritu Santo sa ting paglalahad ng kanyang Salita. 

1. Una, ito ang anyo ng Kanyang Kaluwalhatian (Glory shekinah)

Ang Biblia (Filipos 2:7) ay nagsasabing hinubad o inalis ng Panginoon ang kanyang pagkadiyos (Tagalog Popular Version) ngunit hindi naman sinasabing nawala na ang kanyang kaluwalhatian. 

Ibig sabihin nito, hindi nawala ang karangalan niya bilang Diyos. Kahit sa Juan 17:5, ay ipinapahayag ng Panginoong Jesus ang kanyang karangalan. 

"And now, Father, glorify me in your presence with the glory I had with you before the world began."

Kung kaya, noong ipakita ng Panginoong Jesus ang kaluwalhatiang ito, pinatutunayan lamang na Siya pa rin ang Panginoon mula noong una, at hanggang ngayon Siya pa rin ang Panginoon!

Walang nagbago sa kanya kahit nagkatawang tao pa siya. Siya pa rin ang Diyos na puno ng kaluwalhatian!

2. Pangalawa, ang Transfiguration, o pagbabagong anyo ng Panginoong Jesus ay katibayan ng kanyang kapangyarihan. 

Ayon sa Pahayag 12:10

"At narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi,“Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang lakas bilang Hari! Ipinamalas din ni Cristo ang kanyang kapangyarihan! Sapagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin."

3. Ang Transfiguration ay pagpapakita ng Panginoong Jesus ng kanyang karangalan (honor).

Sa Pahayag 5:12, 

12Umaawit sila nang malakas, “Ang Korderong pinatay ay karapat-dapat tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, parangal, papuri at paggalang!”

Pagtatapos

Maraming paniniwala ngayon ang nagtatatwa sa pagiging Diyos ng Panginoong Jesus. Para sa mga unang Krisitino, ang kilalanin ang Panginoong Jesus bilang Diyos na dapat sambahin ay mapanganib at mapanghamon.  

Ito ay isang bagong pananampalataya para sa mga Judio at kakaibang paniniwala para sa mga Hentil.  Gayunman, nagbuwis sila ng buhay maipahayag lamang ito. 

They knew him as a divine person. And so they declared him for who Jesus is. 

What about you? Will you declare Him now as your God and Savior?

The Compassion of Jesus

The Compassion  of Jesus 
Bible Study: Matthew 14: 13 -21

13When Jesus heard what had happened, he withdrew by boat privately to a solitary place. Hearing of this, the crowds followed him on foot from the towns. 14 When Jesus landed and saw a large crowd, he had compassion on them and healed their sick.

15As evening approached, the disciples came to him and said, "This is a remote place, and it's already getting late. Send the crowds away, so that they can go to the villages and buy themselves some food."

16 Jesus replied, "They do not need to go away. You give them something to eat."

17 "We have here only five loaves of bread and two fish," they answered.

18 "Bring them here to me," he said. 19 And he directed the people to sit down on the grass. Taking the five loaves and the two fish and looking up to heaven, he gave thanks and broke the loaves. Then he gave them to the disciples, and the disciples gave them to the people. 20 They all ate and were satisfied, and the disciples picked up twelve basketfuls of broken pieces that were left over. 21 The number of those who ate was about five thousand men, besides women and children.

The Compassion of Our Lord

Kung kikilalanin natin ang Panginoon at ilalarawan siya sa gamit ang isang salita lamang, pipiliin ko ang adjective na "mabait" ang Panginoon. Napakabuti ng Panginoon at napakamaawain. This story simply brought out the character of Christ as a compassionate Master. 

His Compassion is Rooted in His Relationship With God 

v. 13 solitary place... He prays to the Father each morning. He went to prayer after hearing the sad news of John's death. 

His character is shaped by his relationshionship with the Father. And that relationship is nurtured by his consistent meeting with God through prayer and worship. 

His Compassion is Ignited by His Love for People

v. 14 he had compassion and healed...Jesus' religion is not just a personal relationship with God, he has strong ties to people.  While strongly connected to God, he is also connected to people.  Particularly the people in need. Makadiyos pero makatao. 

V. 15 -21 Small Amount of Food to Feed Everyone

The disciples were commanded to feed the people. However, the supply is so scarce and the demand for food  is too high. Feeding 5000 plus women and kids is like feeding a whole town! A heavily populated barangay in the Philippines may have 2 k to 4,000 population. 

His Compassion Led Him to Make Miracle Happen

1. Miracle happens when the Food Supply is on the Good Hands

v. 18 Bring them to me...Jesus instructed the disciples that no matter how small the food available is, they should put these in His hands so it will be served to feed the people. The seven number of 5 loaves and 2 fish (5 + 2 = 7) is a sign of an act of God. 

In the Philippines, there is extreme poverty because the food supply is on selfish people's hands.  Nasa kamay na kasi ng mga nagpapayaman. Hindi ito naibibigay sa "kamay ng Diyos" upang maipamigay sa tunay na naglilingkod tungo sa kamay ng mahihirap.

2. Second, miracle happens when there are people who are willing to obey Jesus' instruction of feeding people. 

God is capable of multiplying food. He is our Jehovah-Jireh, a providing God. The food is actually NOT  the problem. The problem arrises when people who are supposed to serve do not serve. Kapag yung dapat sana ay magsilbi ay nagpapayaman. 

What is lacking are people willing to Give and SERVE. 

3. This Miracle Story should be understood as a Sacramental Story. 

The verse 19 states...he took, he look up to heaven, he gave thanks, he broke the bread and gave it to his disciples is a familiar Eucharistic formula. 

a. Sacramental stories are demonstrations of acts of God.  Whenever God works, we may expect miracles to happen. 

b. Sacramental Stories are God's demand on us to serve people. He gave first the food to his disciples. Not to be hoarded but to be given to people. 

Methodist History of Service

The early Methodists followed the ancient practice of fasting. During Wednesdays and Fridays, they skip meals and serve the food to the poor. The Methodists still continue this practice even today. 

Through this simple fasting, and giving food to the poor, we may act on the Sacramental meaning of this text.

Following Jesus Today

Following Jesus Today
Mark 8:34 

"Then he called the crowd to him along with his disciples and said: "If anyone would come after me, he must deny himself and take up his cross and follow me."

A CHOICE TO FOLLOW HIM

"If anyone would come after me" is a choice. We are not forced to do this. It is an invitation from the God-Man Jesus. He said, "if" - it is an open option for everyone. 

However, following Him requires deep commitments. Shallow and deep skin transformations will not suffice.  What Jesus requires is a change from within, a transformed life that will bring out a total change in life. 

To follow Him, the following are necessary;

1. Self denial. We have to put God First and put self last. 

We are naturally self seekers. Hindi lang mapasalamatan dahil sa ginawang mabuti...tsk, nagtampo. Hindi nabisita ng pastor, umalis sa church. Hindi nabati, nagalit. 

The true rival of God in the seat of our hearts is OURSELVES. And self engrandizement will definitely result to PRIDE.

By denying ourselves, we are directed by the Lord Jesus to make God the most important priority of our lives. 

Spiritual Disciplines to Deny Self. 

a. Fasting - fasting will train a Christian to deny self by taking control of any cravings from material things, food and money. 

Fasting is an excellent way of putting God first. Food and insecurities will vanies as we learn to trust God, instead of trusting on food and things. 

b. Simplicity - living simple lives is an important spiritual discipline practiced by John Wesley. Jesus even had no pillow to rest His head. 

By living a simple life, Christians can avoid wordly attractions. This will lead us to love God more than anything else. 

2. the second thing that the Lord Jesus requires in following Him is to CARRY our cross. 

The cross symbolizes suffering. People becomes so uneasy when it comes to suffering. What we are looking for is ENJOYMENT! We are always looking for FUN! 

But the invitation to carry our crosses means, 

1. We have to carry the mission of our Lord even to the point of DEATH. 

2. We are called to a serious duty of bringing the Good News of our Lord to people at any cost. 

Therefore, becoming a Christian is to follow Jesus by leaving ourselves behind and putting God first and His will. 

We are called to a serious business of carrying the mission of Christ to the world even at the cost of facing the Cross. 

Do you really want to follow Christ then?

New Year Sermon

Gumagawa ang Diyos ng Mga Bagong Bagay
Isaiah 43:18-19

Sa kabila ng ating mga kakulangan at mga kasalanan, ang Diyos ay patuloy na gumagawa ng mga bagong bagay. 

Ito ay isang mabuting balita. 

Bilang tao, tayo naman ay nakagagawa ng mga kamalian. At minsan ang mga kamaliang ito ay nagiging bilangguan ng ating isip at pagkatao. At mas malubha, kapag tayo ang ginawan ng kamalian ng iba. Kapag sinaktan nila tayo, kahit wala tayong kasalanan.  Marami ang nagdurusa dahil sa kagagawan ng iba.

May mga nakaraan tayo na patuloy na umaalipin sa ating emosyon at sumisira ng ating desisyon. Sa ganitong paraan, parang hindi tayo makahakbang, nananatili tayo sa ating nakaraan. 

Mabuting tandaan na ang Diyos ay gumagawa ng mga bagong bagay. Kaya niyang baguhin ang ating buhay.  Hindi na mababago pa ang ating nakaraan, ngunit maari pang magbago ang ating bukas. Kung hahayaan lamang nating makagawa ang Diyos sa ating buhay, mararanasan natin ang bunga ng mga bagong bagay na gawa ng Diyos. 

1. Una, ipagkatiwala mo sa Diyos ang iyong buhay, ang iyong kasalukuyan at ang iyong hinaharap. Ilagay mo sa kamay ng Diyos maging ang iyong nakaraan.

Marami ang napapagod sa buhay dahil sa lungkot at sama ng loob. Gayun man, ang panawagan ng Panginoon sa mga napapagal at nabibigatan ay ganito, 

"Lumapit kayo sa akin kayong napapagal at nabibigatang lubha, at kayo ay aking pagpapahingain."

Nais gawing magaan ng Panginoon ang iyon dinadalang problema. Handa siya upang tulungan ka. Bakit hindi mo idulog sa Diyos ang sugat ng iyong puso? 

2. Iwan mo na ang nakaraan. 

May mga taong hirap iwanan ang nakaraan dahil, nais pa nilang harapin ito, sa pamamagitan ng paghihiganti. Ang iba naman ay nag-aakalang isang pagtakas kung iiwan nila ang nakaraan. Ang iba naman ay nagsasabi, na ang kanilang nakaraan ay bahagi na ng kanilang buhay. 

Ngunit ang totoo, ang kwento ng ating buhay sa nakaraan hindi ang kabuoan ng ating pagkatao. Kung sino tayo, ay hindi batay sa mga ginagawa ng iba sa ating buhay.  Nasa ating pagpili pa rin, kung ano ang mangyayri saatin sa hinaharap. Bilang Kristiano, binubuo pa ng Diyos ang ating buhay-kung sino tayo, ay nasa kamay ng Diyos. 

Kung iiwan natin ang nakaraan, binibigyan nating ng puwang ang Diyos upang gumawa siya ng panibago sa ating pagkatao. 

Hindi ang nakaraan ang dapat humugis sa ating buhay, kundi ang Diyos. Kayang gumawa ng Diyos ng mas magaganda at mabubuting karanasan. 

3. Piliin mo ang makabubuti sa iyo, sa halip na paalipin ka sa mga sumisira sa iyong damdamin at buhay. 

Piliin mo ang maging masaya, matagumpay, at manatili ka sa piling ng Diyos na nagmamahal sa iyo. Tandaan mo, ikaw ay may kakayahan upang patuloy na pumili kung ano ang iyong magiging bukas. Ito ay regalong kaloob ng Diyos na hindi dapat sirain ng iyong nakalipas. 

Bitawan ang anumang galit, dahil ito ay lason sa iyong sariling damdamin. Wala naman itong ibubungang kabutihan. Ang paghihiganti ay hindi nagbubunga ng ginhawa sa damdamin man o buhay. 

Bagong taon na naman. Isang bagong simula ang kaloob ng Diyos sa iyo.

Sermon, May 17, 2015

Preaching Text May 17, 2015

For Your Own Protection
John 17:6-19

Sermon Title: FOR YOUR OWN PROTECTION or 
HOW TO STAY PROTECTED

Madalas nating mabasa ang warnings na ganito, 

"For your own protection, wear safety hats."
"For your own safety, buckle up."

sa mga computers naman, mababasa ang ganitong messages mula sa mga Anti-Virus Providers, 

"Keep you computer protected, download your anti-virus now!"

Safety comes in many forms, because danger comes in many forms too.

It was reported, on a Unang Hirit episode (May 15, 2015, 6am) that in the Philippines alone, there 33,000 accidents per year that take the lives of our young people, through road accidents alone. Wala pa dito yung napapahamak sa ibang krimen. 

For our own sake as Christians, it is only Jesus Christ who can provide us safety in our journey in this world.  This world, where we are passing though is a dangerous place, because the prince of this world is none other than the devil. 

So how are we going to keep ourselves protected from evil? 

To remain protected then, 

Let us read the prayer of our Lord Jesus. For this prayer reveals the heart of Christ on his intentions for our safety as his disciples. To remain safe, do the following, 

1. Stick to the Word, (v. 8For I gave them the words you gave me and they accepted them.)

2. Let us Keep Our Unity as Christians (v. 11b, protect them by the power of your name-the name you gave me-so that they may be one as we are one.)

3. Be sanctified by the truth (v. 17, Sanctify them by the truth; your word is truth.)

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...