Huwebes, Abril 27, 2023

 

Ang Mabuting Pastol  John 10:1-10

 Panimula:

Ang dakilang chess player na si Paul Morphy, habang siya ay kasalukuyan pang chess champion, ay inimbitahan upang tignan ang isang painting na ang pamagat ay “The Chess Player”.   Sa painting, naglalaro si Satanas laban sa isang chess player.  Kung mananalo si Satanas, kukunin nito ang kaluluwa ng kalaban. Sa painting mukhang matatalo ang chess player, dahil mukha itong kinakabahan, desperado at parang matatalo. Kumuha si Paul Morphy ng mga actual chess pieces. Inayos niya ang mga piyesa at inaral ang position ng laro sa painting. At sabi niya, “Ako ang lalaban kay Satanas ayon sa laro sa painting.”  At naipanalo ni Morphy ang laro. Talo si Satanas.”

 Sa ating buhay, kung sakali mang mukha tayong matatalo, kaya paring ipanalo ni Jesus ang ating laban. Mananalo tayo, kung si Jesus ang lalaban para sa atin.

 Maraming tao ang disappointed, dahil sarili nila ang kanilang sinusunod sa halip na ang kalooban ng Diyos. Kung pipiliin lamang natin ang Panginoong Jesus upang maging pastol ng ating buhay, makikita natin kung paano niya tayo ipaglalaban. Sabi sa Exodus 14:14, “Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, pumanatag lamang kayo.”

  ANG DIYOS ANG ATING MABUTING PASTOL


1.       Ipinaglalaban ng mabuting Pastol, ang mga tupa.  (The sheep are basically helpless by themselves.)

a.       Sa loob ng kulungan, ang pastol ang bantay. Kahit may kulungan at pastol, maaring may magnakaw sa mga tupa. Ang mga magnanakaw ay maaring umakyat sa pader na mataas at nakawin ang mga tupa.

b.       Sa labas ng kulungan, may mga mababangis na hayop (bears or wolves), na maaring sumila sa mga tupa. Ang pastol ang tanging makapagliligtas sa mga tupa.

 


2.       Inaakay ng mabuting Pastol ang mga Tupa

a.       Kaya kilala ng mga tupa ang boses ng pastol. May healthy relationship ang tupa sa kanilang pastol.

b.       Sinusunod ng mga tupa ang pastol.  They follow directions by trusting the Lord. God’s ways are not our ways (Isaiah 55:8-9 – “For my thoughts are not your thoughts, nor are your ways my ways,” says the Lord. For as the heavens are higher than the earth, so are my ways higher than your ways, and my thoughts than your thoughts.) But even when we do not understand God's ways, because of faith, we can still put our trust in God. 

 

3.       Inaalagaan ng Pastol ang mga tupa.

a.       Nadarama ng mga tupa ang pagmamahal ng pastol. The sheep know they are loved. (Opposed to being manipulated and used.)

b.       Busog ang mga tupa. The sheep are well provided.

 

Nasa atin ang pagpili. Sino ang iyong susundin bilang pastol ng ating buhay? Sarili o ang Diyos?

Surrender your life, surrender your will to God. Piliin natin ang Panginoong Jesus bilang pastol ng ating buhay.

_______________________________________________

The Lord is My Shepherd

Psalm 23

Relationship with the Lord as our Shepherd gives:

1.       a. Satisfaction, “I have all I need.”

2.       b. Security, “Even though I walk through the valley of death, I will fear no evil. “

3.       c. Salvation, “He anoints me with oil. He prepares a banquet...”

 

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...