Lesson III. Gifts of the Spirit
2Corinto 12:1-11
Ang mga kaloob ng Espiritu ay para sa mabungang paglilingkod ng mga Kristiano. Tandaan na ang Espiritu Santo ay pinangako sa mga alagad "para sa makapangyarihang pagpapatotoo, tungo sa mabungang pagdidisipulo" (Gawa 1:8).
Ang usapin tungkol sa Banal na Espiritu ay tungkol din kay Jesu-Cristo. Kaya ang mga kaloob ng Espiritu ay para lamang sa mga nagpapasakop kay Cristo bilang Panginoon. Hindi sila kaloob para sa mga ayaw tumanggap kay Jesus bilang Panginoon. Ang pagsasalita ng "Sumpain si Jesus!" ay mula sa mga Judiong ayaw tumanggap sa pagka-diyos ng Panginoong Jesus.
A. Kanino Nanggaling ang Mga Kaloob?
Ayon sa verse 4, "There are different kinds of gifts, but the same Spirit. 5 There are different kinds of service, but the same Lord. 6 There are different kinds of working, but the same God works all of them in all men."
Ang mga kaloob na ito ay mula sa Espiritu, na siya ring Panginoon, at siya ring Diyos. Same Spirit, same Lord, same God. Siya ay iisang Diyos na Siya ring Tatlong Persona.
Nilinaw dito ni Apostol Pablo na ang maaring panggalingan ng ganitong kaloob ay ang Diyos lamang. Kapag sinasabing Espiritu, siya ang Espiritu ng Diyos at siya rin ang Espiritu ng Panginoong Jesus.
B. Para Kanino ang Kaloob?
Ang kaloob ay para sa lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu. At ito pinagkakaloob para sa ikabubuti ng lahat. Ayon sa verse 7, "Now to each one the manifestation of the Spirit is given for the common good." Ang kaloob na ito ay hindi para sa mga pansariling gamit at lalong hindi para maitaas ang isang tao na pinagkalooban nito. Hindi sila maaring ipagyabang. At hindi nakakahigit ang isang kaloob sa ibang kaloob. Ang mga ito ay ibinigay ng Diyos sa mga Kristiano para paglilingkod at ikaluluwalhati ng Diyos.
C. Ano ang mga kaloob na ito? Aralin natin ang siyam (9 gifts) na kaloob. May mga grupo ito ayon sa kanilang gamit.
Ang mga ito ay, ayon sa kanilang pangkat;
1) karunungang magpahayag at 2) karunungang umunawa.
Ang Karunungang magpahayag (gift of wisdom), at karunungang umunawa ng aral (gift of knowledge) ay kakayahang upang mangaral at magturo (preaching and teaching ministries) ng Salita ng Diyos. Ang pangangaral at pagtuturo ay ang pinakamahalagang kaloob.
3) Malaking pananalig, 4) kapangyarihang magpagaling at 5) kapangyarihang gumawa ng kababalaghan.
Ang pananalig na binabanggit dito ay hindi pananalig upang maligtas ( faith for salvation) kundi ang pananalig upang kumilos ang Diyos bilang tugon para sa isang pangangailangan, tulad ng sakit na maaring pagalingin ng Diyos o pagliligtas sa isang mapanganib na sitwasyon (Lucas 17: 6, Lucas 18:42).
Ang pananalig na ganito ay may antas. May malaking pananalig (Lucas 7:9) at may maliit na pananalig (Mateo 8:26). Ang mga mas malaki ang pananalig ay tumatanggap ng higit na tugon mula sa Diyos.
Ang unang gamit ng ganitong pananalig ay para sa ikagagaling ng mga maysakit. Sa ganitong paraan, naipapakilala ang Panginoon sa mga hindi sumasampalataya.
6) Kakayahang manghula (prophecy) at ang 7) Kakayahang makakilala kung alin ang mula sa Diyos at ang mula sa masamang espiritu (discerment).
Ang gift of prophecy ay hindi panghuhula ng isang bagay na walang basehan. Ito ay panghuhula o pagsasalita ng isang Kristiano tungkol sa mga bagay na mangyayari sa mga darating na panahon. At mga sasabihin ng propeta ay mula sa Diyos.
Ngunit maari itong sabayan ng diablo para manghula rin mula kay Satanas ang isang gustong manggulo sa simbahan. Kaya kailangan dito ang may kakayahang makakilala sa mga tunay at huwad na propeta para patigilin ang mga nagpapanggap na manghuhula.
8) Kakayahang magsalita ng iba't ibang wika (speaking in tongues) at ang 9) Kakayahang magpaliwanag ng iba't ibang wika (interpreter).
May dalawang uri ng speaking in tongues sa Biblia. Ang una ay mababasa sa Gawa 2:11, kung saan nagsalita ang mga alagad ng iba't ibang wika na "nauunawaan" ng lahat ayon sa kanilang wika. Hindi kailangan dito ang interpreter dahil agad itong nauunawaan ng mga nakikinig.
Sa ating aralin, isa pang uri ng "wika" o speaking in tongues ang binabanggit na nangangailangan pa ng tagapagpaliwanag. May paliwanag si Apostol Pablo tungkol dito na mababasa sa 1Corinto 14: 2,
"Ang nagsasalita sa ibang wika ay sa Diyos nakikipagusap, hindi sa tao, sapagkat walang nakakaunawa sa kanya; gayunman, nagsasalita siya ng mga hiwaga sa tulong
Espiritu Santo." Ang speaking in tongues ay bunga nga mga damdaming espiritual sa isang tao, habang nakakaramdam sa presensya ng Diyos. At dahil walang salita na sasapat upang ipahayag ang kanilang nararamdaman, ito ay nailalabas nila sa mga wikang hindi maunawaan. Walang masama sa ganitong karanasan, lalo kung ito ay nakakatulong sa personal na kaugnayan ng isang tao sa Diyos. Dapat lamang itong ingatan upang hindi ito maging dahilan ng pagkalito sa loob ng iglesia.
Gayunman, ang ganitong kaloob ay itinuturing na hindi gaanong mahalaga kung ikukumpara sa pangangaral. Patuloy na paliwanag ng apostol, "Higit na mahalaga ang pangangaral ng Salita ng Diyos kaysa pagsasalita ng iba't ibang wika." Sinabi niya ito para sa higit na pakinabang para sa iglesia (1 Cor. 14:5).
Panghuli, ang mga kaloob ng Espiritu ay para sa ikalalago ng iglesia. Ang mga "gifts of the Spirit" ay mahalaga dahil tanda ang mga ito na nasa atin ang Espiritu ng Diyos (1Cor12:7). Kaya nga,
1. Nasain natin ang mga ito at hilingin na pagkalooban tayo ng Espiritu ng Diyos nitong mga kaloob. Dahil, "Iisa ang Espiritu, na gumagawa ng lahat ng ito at namamahagi ng iba't ibang kaloob, ayon sa kanyang maibigan."(1 Cor. 12:11).
2. Sikapin natin na makapagpahayag tayong lahat ng Salita ng Diyos, ( 14:24) upang makaakit tayo ng mga hindi pa sumasampalataya sa iglesia. Ang pangangaral at pagtuturo ng Salita ng Diyos ay ang pinakamahalagang kaloob ng Espiritu.
3. Gamitin lamang ang mga kaloob na makakatulong para sa ikauunlad ng iglesia.
4. Sikaping mapuspos ng Espiritu Santo ang iyong buong pagkatao. Ito ay ang kailangan upang tumanggap ng mga kaloob. Mababasa mula sa 1 Cor. 2:14,
"Sapagkat ang taong di nagtataglay ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon."
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento