Gospel Message: June 15, 2014
Final Instruction : Sent to Make Disciples
Matthew 28:16-20
16 Then the eleven disciples went to Galilee, to the mountain where Jesus had told them to go.
17 When they saw him, they worshipped him; but some doubted.
18 Then Jesus came to them and said, "All authority in heaven and on earth has been given to me.
19 Therefore go and make disciples of all nations, baptising them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit,
20 and teaching them to obey everything I have commanded you. And surely I am with you always, to the very end of the age."
Most parents give their last words to their children. At madalas ito ay paalala ng mga mahalagang bagay na dapat gawin.
Ang huling habilin ng Panginoon ay hindi sinambit sa krus kundi sa bundok. Ang huling wika ng Panginoon ay ang Great Commission.
Paniniwala at Pagdududa (v. 17)
Nakita ng lahat ang Panginoon ngunit hati ang damdamin ng mga alagad - naniniwala ang iba at ang iba ay duda. Ang talatang 17 ay naglalarawan sa ating panahon. May ibang sekta na hanggang ngayon ay nagsasabing hindi totoong namatay at muling nabuhay ang Panginoon. May iba na nagsasabing hindi raw Diyos na nagkatawang tao ang Panginoong Jesus.
Pare-pareho nilang kaharap ang Panginoon ngunit hindi sila nagkakaisa sa paniniwala. May sumamba sa kanya at mayroong hindi.
Madalas nga namang maging dahilan ng pagkakahati ng mga tao ang relihiyon. Sa iisang bagay, magkakaiba ang pananaw natin. Iba-iba ang ating opinyon. Madalas magtalo ang marami kung sino ang tama at mali.
Sa ganitong kalagayan, ano nga ba ang maari nating gawin?
1. Una, upang masunod natin ng maayos ang Great Commission, mahalaga na bigyan muna natin ng puwang ang Diyos sa ating buhay at iwan sumandali ang ating sariling kaisipan at opinyon na nagdudulot ng pagdududa.
Ang sagot ay nasa mismong talatang 18. Dahil lumapit mismo ang Panginoon at siya na mismo ang patuloy na nagpaliwanag. Sa mga usapin na magkakaiba, mahalaga na matuto tayong isantabi rin ang ating mga opinyon at bigyang daan ang nais sabihin ng Diyos. Madalas na hindi maunawaan ang Salita ng Diyos dahil sa sobrang opinyon at ibat-ibang kaisipan.
Upang makasunod tayo sa utos na ito ng Panginoon, kailangan muna nating iwan ang ating mga sariling haka-haka tungkol sa Panginoon. At bigyan natin ng puwang ang nais ipabatid ng Diyos sa atin.
2. Pangalawa, nilinaw ng Panginoon na ang "lahat ng kapangyarihan ay ipinagkaloob na sa kanya."
Upang makasunod tayo sa utos na ito, kailangan muna nating makilala ng wasto kung sino ang Panginoon sa ating buhay. Siya ba ang iyong Panginoon? Ikaw ba ay lubusan nangpapasakop ng kanyang kapangyarihan? Ipinagkaloob mo naba ng lubos ang iyong puso at buhay sa kanya?
Pagmasdan po ninyo ang halimbawa ni Job. Noong una, hindi pa lubusang kilala ni Job ang Panginoon. Sumasagot siya at nagtatanong sa mga panukala ng Diyos. Ngunit kung babasahin ang huling yugto ng kwento ni Job sa talatang 5 ng chapter 42, sabi ni Job, "Ngayon Panginoon kilala na kita." At lubusang isinuko ni. Job ang sarili sa Panginoon.
May isang pastor na nagnanais maparangalan dahil sa kanyang galing at sipag sa ministeryo. minsan, dumaan siya sa matinding pagsubok sa buhay. Nagreklamo siya sa Diyos, "Bakit ako pa? Naglilingkod naman ako ng tapat sa iyo!" reklamo niya sa Panginoon.
Ngunit hindi niya namamalayan na hinuhubog lamang siya ng Diyos upang lalong tumatag at maging mapagpakumbaba. Malinaw sa aklat ng Kawikaan na ang kapakumbabaan ay kailangan upang magkamit ng karangalan mula sa Diyos. Hanggang nakita niya na kailangan niyang isuko sa. Panginoon ang kanyang ministeyo. Dahil hindi sa galing, posisyon, yabang ang lakas ng ministeyo kundi ang bendesyon ng Panginoon. At nang matutong magpakumbaba, ay itinaas siya ng Diyos. Naging maunlad ang kanyang ministeyo at marami ang naligtas. Dahil ngayon malinaw na sa kanya na ang lahat kapangyarihan ay nasa kamay na ng Panginoon.
3. Pangatlo, upang makasunod tayo ng maayos sa Great Commission, tanggapin natin ang nais ipagawa ng Panginoon sa atin bilang individual na Kristiano at bilang iglesia.
Ang utos ay ganito, "Gawin ninyong alagad ko ang lahat ng tao."
Marami ang nagtatag ng simbahan upang yumaman, o di kaya ay upang magkaroon ng impluensya sa politika, o ang iba ay naghahangad na makapagtayo ng malaking simbahan at magkaroon ng maraming miembro.
Sa mga nabanggit, hindi kasali ang paggawa ng alagad ni Cristo.
Mayroon daw isang katulong na inutusang magsaing ng kanin. Nang dumating ang amo, nalaman niya na ang inuluto ng katulong ay arroz caldo. Paliwanag ng katulong, "Kanin din naman po ang arroz caldo di ba? At mas kabisado ko po siyang iluto....errr."
Pinaalis noon din ang katulong.
Aminin man natin o hindi, madalas tayong maging katulad ng nasabing katulong. Mas gusto nating gawin yung hiyang sa atin. Mas madali ang church maintenance kaysa magmisyon. Mas masarap ang makipagkamutan ng likod sa mga miembro, at sundin ang kalooban ng tao (para magtagal sa destino) sa halip na magdisipulo at akayin ang mga tao sa tunay na Kristianismo. It is easier to please people than to please God. So we please people instead. Linawin natin ang nais ipagawa ng Panginoon:
a. Gawin alagad ang mga tao. Malaki ng pinagkaiba ng alagad sa miembro lamang. Ang mga alagad ay mga taong "naglilingkod" kasama ng pastor. Ang mga miembro ay mga "pinaglilingkuran" ng mga pastor.
Ang miembro ay marunong magkaloob ng salapi sa iglesia (pero hindi rin lahat). Samantalang ang alagad ay nagkakaloob ng buong buhay niya at lahat sa Panginoon.
Ang alagad ay humahayo. Ang miembro ay binibisita.
Ang alagad ay nagpapa-alipin sa Diyos. Akala ng miembro, empleyado nila ang pastor.
Ang miembro ay maaring mapamahal sa pastor na kanyang "type". Ang alagad ay nagmamahal sa Diyos ng buong puso, isip, lakas at kaluluwa.
Kung lilinawing mabuti ang utos na ito, kailangan nating gawing alagad ang bawat miembro ng ating iglesia. Ito ang dahilan kung bakit ang susi ng tunay nanpaglago ng iglesia ay nasa evangelism, nurture at discipleship. Ang bawat Kristiano ay kailangang tumanggap sa Panginoon upsng maligtas, sanayin bilang alagad at suguin upang magmisyon.
Ang bawat alagad ay may misyon.
Walang alagad na nanonood lamang sa loob ng iglesia at namimintas kung may makitang mali.
Pakinggan po ninyo ang sabi ng Panginoon.
b. bautismuhan sila. Kailangan silang maging kabilang sa iglesia upang sanayin.
c. Turuan sila. Tuturuan sila upang sila rin ay maging tagapagturo. Sila ay mimisyunan upang sila ay matutong magmisyon. Inaakay sila upang lumago sila bilang taga-akay ng iba.
d. Panghuli, ang tunay na alagad ay namumuhay sa pagsunod sa mga utos Panginoon.
Wika ni John Wesley, "Marami ang mga utos ang Panginoon. Ang iba ay mahirap at ang iba ay madali. Ang iba ay masayang gawin, ngunit ang iba ay kinakailangan ng sakripisyo."
Marami hanggang ngayon ang ayaw sa pagsunod sa mga mahihirap na utos ng Diyos. Halimbawa, ayaw ng iba ang ikapu at ang pag-aayuno. Pinipili lamang nila ang madaling gawin.
Ngunit pakaisipin po natin mga kapatid ko sa Panginoon, ikaw ba ay nakahandang maglingkod bilang alagad ni Cristo?
Wika ng Panginoon, "Halikayo at sumunod kayo sa akin. At gagawin ko kayong mangingisda ng tao."
Sino po ang nagnanais tumutugon sa panawagan ng Panginoon?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento