Huwebes, Mayo 11, 2023

Sermon: May 14, 2023 - Our Testimony of Love, John 14:15-21

Ang Ating Patotoo ng Pag-ibig - Juan 14:15-21

(Our Testimony of Love) May 14, 2023

__________________________________________________________  

Ayon sa US Attorneys Office, may mga paraan upang maging effective court witness.  Ilan sa mga payo nila:

 

·         Refresh Your Memory, be exact and avoid estimates about the incident.

·         Speak In Your Own Words. Speak clearly. Be convincing.

·         Be A Responsible Witness. Sincerely and seriously talk about the incident as you recall it. Tell the truth. Do not exaggerate.

·         Think before you speak. Explain your answer. Be positive and confident.

·         Follow court rules.


Ang isang napaka-halagang tungkulin nating mga Kristiano ay ang ang pagiging saksi o witness for Christ sa mundong ito na ayaw maniwala sa Salita ng Panginoon. Last Sunday, napag-usapan natin, na marami ang nagsasabing sila ay mga naniniwala sa Diyos, ngunit hindi nakikita sa kanilang buhay ang katibayan ng kanilang pananampalataya. Faith without works is dead! Faith without works of love is a failure to testify about Christ.

 Kapag tayong mga Kristiano sa ating panahon, ay hindi na po tayo naninindigan para sa katotohanan ng ating pananampalataya, hindi na rin magiging mabisa ang ating patotoo. Hindi ito magiging convincing.  

1. LOVE JESUS 

 Kaya sabi ng Panginoong Jesus sa kanyang mga alagad, “Kung mahal ninyo ako, sundin ninyo ang aking mga utos.”

Ang ating patotoo ay dapat mag-ugat sa ating pag-ibig kay Cristo. Sabi ng Panginoon, “Kung…kung, mahal ninyo ako.” Maari tayong bumagsak sa usapang ito.  Baka hindi pagmamahal sa Diyos ang ating dahilan kung kaya nandito tayo ngayon. 

 May kabataan na nagsisimba at tinanong siya ng pastor, “Bakit ka nandito anak?”  Sagot ng kabataan, “Nandito po ako kasi nandito ang crush ko.”   Hindi pag-ibig sa Diyos ang dahilan.  Bakit ka nandito bilang pastor, “Wala po akong makitang trabaho, kaya nagpastor na lang ako.” Pera pala ang dahilan, hindi pag-mamahal sa Diyos. Some may have more narcissistic reasons, gustong maging tanyag, at ang iba may gustong patunayan sa kanilang galing.

 May kwento, (just to further illustrate my point) tungkol sa isang pastor na naghahangad sa tungkulin bilang Bishop, sabi ng pastor – “I believe I am the most qualified.” His reason is not to serve God and people, but his pride. Beware mga kapatid. Baka hindi na pag-ibig sa Diyos ang ating dahilan ng paglilingkod.

 Gayundin po sa bawat miembro ng iglesia. Sabi ng Panginoon, “If you love me…” You can only be my disciples, if you love Jesus with all your heart, soul, mind and strength.

 

2. 2. OBEY CHRIST'S COMMANDMENTS

 Ang mga Pariseo sa panahon ni Jesus, ay sumusunod sa 10 Commandments, at extra 613 na mg utos. At may extra 1,500 pang kadugtong ang mga 613. Mga utos na bawal, bawal, bawal. Tulad ng – Bawal maghakot ng damit mula sa nasusunog na bahay tuwing Sabbath.  Huwag magsalamin tuwing Sabbath, baka makita mo ang puting buhok sa iyong ulo at baka matukso kang bunutin mo ito. Bawal kumain na hindi naghuhugas ng kamay. Bawal, bawal, bawal.

 Ang Panginoong Jesus, ay may apat (4) lang specific Commandments sa mga alagad, mula sa Chapters 13-14. Una yung “love me” na napag-usapan na natin. Tatlo pang ayon sa Gospel of John ay ang mga sumusunod.

 

a.      Utos ng pag-ibig upang paglingkuran ng mga alagad ang isa’t isa.  “If I then, the Lord and the Teacher, have washed your feet, you also ought to wash one another’s feet. For I have given you an example, that you also should do as I have done to you” (13:14-15).

Isang paghuhugas sa paa, ng ating kapwa alagad ay yung – ingatan natin ang dangal o refutation ng ating kapwa Kristiano. Huwag tayong magsiraan. Linisin po natin ang image ng ating kapwa, at huwag itong dudumihan.


b.      Utos ng pag-ibig upang mahalin ng mga alagad ang isa’t isa.  • “A new commandment I give to you, that you love (agapate—from agape) one another, just like I have loved you; that you also love one another. By this everyone will know that you are my disciples, if you have love for one another” (13:34-35). Ang agape love na iniutos ni Jesus ay hindi lang pagmamahal sa damdamin, kundi sa gawa.  Dahil ang pag-ibig ay matiyaga, at mabait.  Maraming tao ang maari lamang mahalin, kung pagtitiyagaan mo silang mahalin.


c.       Utos na magtiwala sa Diyos, lalo sa panahon na nahihirapan ka at naguguluhan. “Don’t let your heart be troubled. Believe in God. Believe also in me” (14:1). Trust in God and be still. Sabi sa Exodo 14:14, “God will fight your battles.  Be still.” Cool ka lang kapatid, mahal ka ng Diyos.

 

3.      HABANG TAYO AY NAGPAPATOTOO, KASAMA NATIN ANG HOLY SPIRIT

Sa ating pagbasa ngayon (Chapter 14), may pagbabago sa tawag sa Holy Spirit. Dahil mula sa Chapter 1-6, ang ginamit na salita ng Book of John ay pneuma. Samantalang sa Chapter 14, ang ginamit na term ay parakletos.

·         Bumaba ang Espiritu (pneuma) kay Jesus tulad ng isang kalapati (1.32)

·         Kailangang maipanganak na muli ang isang tao sa tubig at Espiritu (pneuma), upang pagharian ng Diyos (3:32-33)

·         Ang Espiritu (pneuma) ang nagbibigay buhay (6:63)

 Kapag sinabing pneuma, dito, ang tinutukoy ay ang Espiritu Santo na makapangyarihan at nagbibigay ng buhay at bagong buhay. Hindi pwedeng ma-born again ang isang tao, kung hindi ito gawa ng Diyos. Oo, pwedeng baguhin ng isang tao ang kanyang sarili.  Pero ang pagbabagong ito ay hindi gawa ng Diyos, kaya hindi ito makapagliligtas. Iba ang pagbabagong gawa ng Espiritu Santo sa buhay ng isang tunay na alagad. “Ang taong ipinanganak ayon sa laman ay laman, at ang ipinanganak ayon sa Espiritu ay espiritu.” (John 3:6).

 Sa ating pagbasa, nagsimulang tawagin ang Holy Spirit, bilang parakletos. Ano ang ibig sabihin nito?

Parakletos, ang ibig sabihin, ay abogado o lawyer, na magtatanggol at magpapatotoo para sa iyo. Isang tao na magpapalakas ng loob, magpapayo, at kasama mo sa oras ng panganib o pangangailangan. (Barclay, 194).

Ito ngayon ang susi sa mabisang patotoong Kristiano.  Hindi lamang ito patotoo natin.  Kundi ito ay magiging patotoo pati ng Diyos na nasa atin. 

Dahil ang pneuma, ay - power of the Holy Spirit at work in us. Gumagawa ang Diyos sa ating kalooban. 

Ngunit ang parakletos, ay - power of God testifying for us.  God at work with us. 

Conclusion:

Una, siguraduhin natin na tunay ang ating pag-ibig sa Panginoong Jesus.

Pangalawa, siguraduhin natin na sinusunod natin ang ang mga utos ni Cristo tungkol sa pag-ibig sa kapwa alagad at ibang tao.

Kung gagawin natin ang mga ito, siguradong sasamahan tayo ng Espiritu Santo sa ating pagpapatotoo.

 

__________________________________________      

Sermon: Nov 6, 2022 Faith Over Fear

 Nagagapi ng Pananampalataya ang Takot (November 6, 2022)

Haggai 1:15b-2:9 • Psalm 98    2 Thessalonians 2:1-5, 13-17    Luke 20:27-38

 

(Panimula: Kwentong Pulpito)

Magsimula tayo sa isang kwento tungkol sa isang pamilya na sumakay sa taxi.  Napansin ng tatay ng pamilya na cool ang driver ng taxi. Maingat itong magmaneho at masayahin ang driver.  Sa kanilang tahimik na paglalakabay, nais kausapin ng tatay ang driver, kaya tinapik niya ito sa balikat.  Nabigla ang driver! Kamuntik na niyang banggahin ang bus sa kabilang kalsada! Kaya nanginig sa takot ang lahat!

“Sorry, hindi ko akalain na mabibigla ka sa isang tapik lamang sa balikat.” – sabi ng tatay.

Sagot ng driver, “Hindi po ninyo kasalanan kuya.  Talaga po nakakaramdam ako ng takot, dahil…first time ko pong magmaneho ngayon.”

Good Sunday morning po sa lahat.  Ang topic po natin today ay tungkol sa pananampalataya sa Diyos.  Ang pananampalataya po ay ang pinakamabisang panlaban sa takot! Kahit pa first time magmaneho ng sinasakyan mong taxi!

Sa totoo lang, marami ang mga bagay na maari nating katakutan sa buhay.  Hindi po exempted ang mga Kristiano sa karanasan ng takot.  There are types of fear sa buhay, tulad ng fear of sicknesses, loneliness, uselessness na nararamdaman ng mga seniors.  Takot na, mawawalan ka na ng silbi sa buhay. Fear of rejection, o fear of failure sa mga kabataan, na hindi sila mahal ng sari nilang magulang o hindi sila magtagumpay.  Next year, 2023, marami ang natatakot, dahil sa padating na economic recession sa buong mundo. Ang climate change, nagbabanta ito ng takot ng paglubog, baha at pagkasira ng buhay dahil sa mga bagyo at ibang kalamidad.

Sa gitna ng lahat ng ito mga kapatid, mayroon tayong pananampalataya sa Diyos na buhay! Amen?!

Ayon sa Efeso 6:16, “Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo.” Always wear your shield of faith.

Sa pagharap natin sa buhay, may tatlong kinatatakutan ang marami:

1.       Fear of Uncertain Future

2.       Fear of the Ultimate Evil

3.       Fear of Death

Harapin natin ang mga ito, gamit ang ating pananampalataya sa ating Panginoong Jesus.

Faith Against Fear of Uncertain Future (Ang Karanasan ng mga Judio sa Haggai 1:15b-2:9)

Sa ating pagbasa sa Lumang Tipan, makikita natin ang pangamba ng mga Judio habang nagbabalak silang itayo muli ang templo.  Winasak ng ma Babylonians ang templo, pinatay ang maraming mamayan, at lugmok sa kahirapan ang Israel. Salamat na lamang, dahil pagkatapos ng mabagsik na pananakop ng Babylonia, ang mga Persians ang bagong empire.  Dahil kung mabagsik ang mga Babylonians, mababait ang mga Persians na sumakop sa Israel.  Sa pangunguna ni Cyrus at Darius ng Persia, ang mga Israelites ay pinabalik sa Israel upang itayo nilang muli ang kanilang bayan.

Kaya pag-uwi ng mga remnants, ang mga natirang buhay pa sa mga mamamayan, (dahil karamihan ay namatay), nakita nila ang nakalulunos na kalagayan ng wasak na templo, mga sirang bahay, at kawawang kalagayan ng bansa.  Kaya agad-agad na itinayo ng mga tao ang kanilang mga bahay.  Nagtanim silang muli, upang itayo muli ang kanilang kabuhayn.   Sa ganitong kalagayan nagbigay ng challenge si Prophet Haggai, upang isama ng mga tao ang pagtatayo sa templo sa kanilang plano.  Pero sabi ng mga mamamayan, “Sinasabi ng mga taong ito na diumano'y hindi pa napapanahon upang itayong muli ang Templo.”(Haggai 1:2). 

Discouraged ang mga tao na itayo ang templo, una, para unahin nilang itayo ang sari-sarili nilang bahay.

Pangalawa, dahil mahirap sila.  Ang unang templo, ay pinatayo ni Solomon, sa panahon na sobrang yaman ng Israel.  Ngayon, sobrang hirap nila. Wala silang kasiguruhan sa darating na bukas.

Nangaral si Propeta Haggai, upang manawagan sa Israel, na  magpakatatag ang Israel. Sabi ni Yahweh, “Patuloy ninyong gawin ang Templo sapagkat ako'y kasama ninyo.”(Haggai 2:4). Kaya kumilos na may pananampalataya ang mga bayan, gamit ang pagtitiwala sa Diyos, naitayo ng mga Israelita ang templo ng higit na maganda kaysa noong una. Sa muling pagtatayo ng templo, nakita ng mga Israelita ang kabutihan, at kapangyarihan ng Diyos.

Faith Against Fear of the Ultimate Evil (2 Thessalonians 2:1-5, 13-17)

Ang pagbasa sa Epistle of 2 Thessalonians 2:1-5, 13-17 ay nakapangingilabot.  Ito ay tungkol sa pagdating ng Suwail o anti-Christ. Ayon sa 2 Tessalonica 2:3-“Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail na itinakda sa kapahamakan.   Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.” Paglitaw ng Suwail, taglay niya ang kapangyarihan ni Satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng mapanlinlang na mga himala at kababalaghan. (2:9).

Ito na ang paglaganap ng labis na kasamaan, dahil ang Masama ay papalakpakan, ito yung iboboto ng mga mamamayan, ito ang gagawin nilang bayani at leader – ang Masama. Ang Masama ang magpapakilalang Diyos. Kaya siguradong magdurusa, at paparusahan niya ang mga tunay at tapat na naglilingkod sa tunay na Diyos. Mangyayari ito mga kapatid.  Sa totoo lang, unti-unti na nating nakikita ang kaganapan nito. Tandaan, mapagtatagumpayan natin ito, sa pamamagitan ng pananatiling matatag sa pananampalataya.

Faith Against the Fear of Death (Luke 20:27-38)

Ang ating Gospel Reading ay pag-uusap sa pagitan ng Panginoong Jesus at mga Saducees.  Saducees do not believe in resurrection.  Para sa kanila, walang muling pagkabuhay. Para sa kanila, ang kamatayan ang magtatagumpay sa buhay. Para sa mga Saducees, kamatayan ang mga last say! Basta para sa kanila, mamamatay ako, ikaw at lahat tayo. PERIOD! For them, death is final conclusion of life! Kamatayan! Wala na! Yun na yun!

Ngunit sabi ng Panginoong Jesus sa John 11:25, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay.” Pero marami pa rin ang may takot sa kamatayan.  Ayaw natin na may masamang mangyari sa atin, o sa ating mahal sa buhay. Maraming nasasaktan kapag may namamatay. Nagkaroon ng stampede sa Korea (Oct. 30, 2022), namatay ang 149. Araw-araw, nagpapasabog ng missiles ang Russia sa Ukkraine, marami ang namamatay.  Sa atin, wala mang digmaan. Pero may sakit at mga aksidente.  Walang makaka-iwas sa kamatayan.

Ang ating pananampalataya sa Diyos, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ang tanging panlaban natin sa kamatayan. Ito ang tanging paraan, upang makamit natin ang muling pagkabuhay, at buhay na walang hanggan.  Si St. Chrysostom, isang mangangaral sa Antioch, sa capital noon ng Roman Empire, ay binantaan, na ipapatapon siya ni Empress Eudoxia, dahil hindi nagustuhan ng reyna ang kanyang sermon.  Matapos mabalitaan, nagwika si St. Chrysostom: “Ano ang katatakutan ko? Kamatayan ba? Pero alam ninyo na nasa buhay ko si Cristo, ang kamatayan para sa akin ay pakinabang.  Itatapon ako? Ang buong daigdig ay sa Panginoon! Kahirapan ba? Ngunit wala tayong dalang dumating sa mundo, at wala rin tayong dadalhin pag-alis sa mundo.  Kaya ang lahat ng takot na mararanasan sa daigdig ay aking pinagmamasdan, at napapangiti ako dahil ang nakikita ko ay pawang kabutihan. Ang kahirapan ay hindi ko katatakutan. Hindi ko rin hinahanap ang karangyaan. Hindi ko kinatatakautan ang kamatayan.”

Mababasa sa Proverbs 29:25 “The fear of man bringeth a snare: but whoso putteth his trust in the LORD shall be safe.” Pagtagumpayan po natin, labanan natin ang takot, sa pamamagitan ng ating pananalig sa Diyos. Amen.

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...