Biyernes, Mayo 15, 2015

Father's Day Sermon 2

Pagpaparangal sa mga Ama
Efeso 6:2

Being honored is not just something we desire. It is also something we need.  God designed us in his image, so we are longing to be honored by our own children like him.

That is the reason why God is commanding every child to honor his/her parents. 

Paano ba dapat parangalan ang mga ama? 

1. Wives, it is your obligation to honor your husbands. 

The apostle Peter made Sarah an example sa 1 Peter 3:6. Bilang isang banal na babae, si Sarah ay magalang sa kanyang asawang si Abraham.  

Ayon kay apostol Pedro, maaring maakit ng isang Kristianong babae ang kanyang asawa sa pananampalataya sa ganitong paraan.  Na kapag nakikita ng asawang lalaki ang mabuting asal at respeto ng asawa, maakit siya sa Panginoong Jesus. 

2. Pangalawa, siyempre, tungkulin ng mga anak na igalang ang kanilang ama.  Aminin natin, sa kulturang machismo ng mga Pilipino, maraming ama ang nagkakasala sa kanilang pamilya dahil sa kawalan ng katapatan. 

Pero hindi ito dahilan para hindi natin igalang ang ating mga ama.  Walang perpektong magulang.  At wala ring perfectong anak.  Gayunman, ang hamon sa atin ay ito - maging tapat nawa tayo sa ating mga anak bilang ama. Umaamin tayo at humingi ng tawad kapag tayo ay nagkamali. 

Pero para sa ating lahat na mayroon pang ama, igalang natin ang ating mga ama at pasalamatan sila.  Ito ay habang nandiyan pa sila.  Ibig kong sabihin, (di tulad namin na wala ng ama, dahil kami ay mga ulila na sa ama), habang nandiyan pa sila, patuloy natin silang igalang at paglingkuran. 

3. Dapat igalang ng mga ama ang kanilang sarili.  We as Christian men should keep out intergrity. Sa ating lipunan ngayon, marami ang nalilito dahil maraming senator ngayon ang nasasangkot sa matinding krimen.  Mas marami ang kalalakihan ang nasa bilangguan. Mas maraming ama ang sumisira ng sariling dangal. 

I believe we should learn to honor ourselves by keeping ourselves honorable.  Now, never mind our pasts.  We all made mistakes in the past.  But now that we are in Christ, it is our duty to protect the image of God in us. 

So let set good examples for our children to imitate. 
Let us respect our wives, as they ought to respect us. 

4. The church should honor fathers. 

Kailangang bigyang pansin ng simbahan ang mga ama ng tahanan.  Napatunayan ngayon sa mga pag- aaral na ang maraming simbahan ay pambabae ang dating at hindi ito nakakaakit sa mga kalalakihan.

Sa ating panahon kailangan nating bigyan ng pansin ang ministeryo para sa mga kalalakihan.  Kailangan silang ilapit sa Diyos, tulad ng mga kabataan at kababaihan.  Ngunit madalas makalimutan ng simbahan ang mga kalalakihan at nagkukulang tayo ng mga ministeryo na angkop sa kanila. 

Sa araw na ito, dapat parangalan ng simbahan ang mga ama dahil sila ang mga imahen ng Diyos, dahil ang Diyos ay ama nating lahat. 

Sa inyong mga ama ng tahanan, kayong lahat na ama ng iglesia - pinararangalan po namin kayo sa ngalan ng Panginoong Jesus, Amen!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...