Wastong Pamumuhay Bilang Kristiano
Colossians 2:6-15
Nakikila ang tunay na relihiyong Kristiano sa uri ng buhay mayroon ang mga kaanib nito. Upang mas makilala tayo bilang tunay na relihiyong Kristiano, tungkulin nating lahat na kaanib ng ating iglesia ang magpakatotoo sa ating pananampalataya. Dahil ang kasiraan ng isa ay maaring maging kasiraan ng iba. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ng apostol sa talatang 6-7, “Sapagkat tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon, mamuhay kayo sa paraang karapat-dapat sa kanya. Magpakatatag kayo at patuloy na lumago sa pagkakilala sa kanya. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa Diyos.”
Ang Buhay Natin ang Tanging Ebidensya
May isang miembro sa isang iglesia na dating nagpasasa sa ibat-ibang uri ng bisyo. Habang lango sa alak, nagmaneho siya ng motorsiklo at naaksidente. Wasak ang katawan at mukha, binigyan siya ng 40% tsansang mabuhay ng mga doktor. Pagkatapos ng maraming panalangin ng iglesia, nakaligtas siya sa panganib at gumaling. Minsan, nagpatotoo ang kapatid na ito sa oras ng pagsamba. Isinalaysay niya ang kabutihan ng Diyos kung paano siya pinatawad at binago ng Panginoon. At sabi niya, “Totoo po lahat ng sinabi ko sa inyo. Ako po ay ebidensya na buhay ang Diyos.”
Kung sinasabi nating tunay na relihiyong Kristiano ang ating iglesia, hahanapin ng mga tao ang katibayan sa ating personal na buhay. Kaya dapat makita sa atin, kung ano tayo noon, at sino tayo ngayon bilang mga anak ng Diyos. Sabi sa talatang 10, “Kaya't kayo'y ganap na sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa kanya.” Tulad din ng sabi ni Apostol Pablo sa 1 Cor. 5:17, “Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago.”
Ang Katibayan ng Ating Bautismong Kristiano
Ang bautismo ay makabuluhang ritual, subalit madalas ay inaabuso dahil sa maling pagkaunawa dito. Marami ang mga magulang na nagpapabautismo sa kanilang anak, ngunit hindi naman nila hinuhubog ang mga bata sa pananampalatayang Kristiano. Dahil dito, ang bautismo ay nawawalang ng saysay. Ngunit ayon sa talatang 12, “Sa pamamagitan ng bautismo, nailibing kayong kasama ni Cristo at muli rin kayong nabuhay na kasama niya dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa kanya.”
Ang katibayan na Tayo ay Binago Na.
Ang bautismo, sa tunay nitong kahulugan ay ang pagkilos ng kapangyarihan ng Diyos na bumabago sa buhay ng isang makasalanan tungo sa kaligtasan. Kung kaya, kung ipamumuhay lamang natin ang ating bautismo, at kung talagang makikita sa ating buhay na tayo ay binago ng Diyos, hindi na magdududa ang ibang tao sa ating pagka-Kristiano. Patuloy ni Pablo sa Roma 6:4, “Samakatuwid, tayo'y namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay.”
Ang Katibayan na Tayo ay Pinatawad Na.
Ang bawat Kristiano ay nilinis na ng Panginoong Jesus ng kanyang dugo. Ngayong pinatawad na tayo, hindi na kailangan pa ang bumalik tayo sa pagkakasala. Sabi nga ni Apostol Pablo sa Roma 6:1-2,
“Ano ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang-loob ng Diyos? Hinding-hindi! Tayo'y patay na sa kasalanan, paano pa tayo mamumuhay sa pagkakasala?”
Ang ebidensya ng ating tinanggap na bautismo, kapatawaran at bagong bagong buhay dahil sa ating pananampalataya ay dapat makita sa ating buhay. Kung tatalikuran natin ang Panginoon pagkatapos nating maranasan ang bagong buhay at babalik din pala tayo sa kasalanan, ayon kay Apostol Pedro, wala tayong pinagkaiba sa mga aso at baboy. Mula sa 2Pedro 2:22, ay ganito ang nasusulat, “Angkop na angkop sa nangyari sa kanila ang mga kasabihang: "Ugali ng aso, matapos sumuka ay muling kinakain ang nailuwa na," at, "Ito namang baboy, paliguan mo man, pilit na babalik sa dating lubluban."
Maliban sa pagtatawan na tayo at yuyurakan pa ng mga hindi mananampalataya, ang ating relihiyon ay hindi magiging kaakit-akit kung sinasabi nating tayo ay sa Panginoon, ngunit hindi naman ito nakikita sa ating buhay.
Walang perfectong Kristiano. Ngunit mahalaga na mapatunayan natin na tayo ay nagsisikap tungo sa banal na pamumuhay. Dahil pinili po tayo ng Diyos upang magpakabanal.
Ang Ebidensya ng Tagumpay ng Panginoon sa Ating Buhay
Ang tagumpay ng Panginoon ay nakikita sa buhay, ugali at maging sa maliliit na kilos ng isang totoong Kristiano. Napagtagumpayan na ng Panginoon ang pagwasak sa kapangyarihan ng masama (v. 15). Ngunit ang tagumpay na ito ay dapat makita sa ating buhay, kung talagang kabahagi tayo sa pagliligtas ng Diyos. Ang pananatiling lublob sa kasalanan ay katibayan na wala pa ang isang tao sa panig ng Diyos. Sabi ng verse 13, “Kayong dating patay dahil sa kasalanan, kayong mga Hentil na hindi nasasakop ng Kautusan ay binuhay ng Diyos na kasama ni Cristo. Pinatawad niya ang ating mga kasalanan.”
Mga Tanong sa Talakayan:
1. Ano ang pagbabagong tinutukoy ng Biblia ayon sa 2 Cor. 5:17? Paano naganap ang pagbabago sa iyong buhay mula ng tanggapin mo ang Panginoon?
2. May relihiyon na walang pagbabagong buhay at may tunay na relihiyong Kristiano na may pagbabagong buhay. Ano ang pinakaiba ng dalawa? Kung susuriin mo ang iyong sarili ng taimtim, alin ang relihiyon mo sa dalawa?
3. Ano ang tunay na relihiyon ayon sa 1 Tim. 3:16 at James 1:27?