I. Biyaya ng Kapatawaran
Lucas 23:34-39
[34Sinabi…ginagawa: Sinabi ni
Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang
ginagawa.”]
Pinaghati-hatian ng
mga kawal ang damit ni Jesus. Sila'y nagpalabunutan upang malaman kung kani-kanino mapupunta ang
bawat kasuotan niya. 35Ang mga tao nama'y nakatayo roon at nanonood,
habang si Jesus ay kinukutya ng mga pinuno ng
bayan. Sinabi nila, “Iniligtas niya ang iba; iligtas niya ngayon ang kanyang
sarili kung siya nga ang Cristo na hinirang ng Diyos!”
36Nilait din
siya ng mga kawal. Nilapitan siya ng isa at inalok ng maasim na
alak, 37kasabay ng ganitong panunuya, “Kung ikaw nga ang Hari ng mga
Judio, iligtas mo ang iyong sarili.” 38Isinulat
nila sa kanyang ulunan, “Ito ang Hari ng mga Judio.” 39Tinuya
rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang
Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.”
Ipinapauna ko po - ang San
Lucas ay ebanghelyo para sa mga makasalanan (Lucas 5:32). Dahil ang Mabuting Balita ay tungkol sa
pagpapatawad ng Diyos.
a. Ang tunay na kapatawaran ay
galing sa Diyos.
·
Ang pagpapatawad ay kalooban ng Diyos.
·
Ang Diyos ay may hakda sa pagpapatawad.
b. Ang pagpapatawad ay inisyatibo
ng Diyos. Ang Diyos ang unang kumilos
para magkaroon ng kapatawaran.
c. Bayaang gawin ng Diyos ang
kanyang kalooban na magpatawad. Idalangin upang gampanan ng Diyos ang kanyang
pagpapatawad. Huwag mong hadlangan ang pagpapatawad ng Diyos.
2.
Dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa.
May
antas ang “ka-alaman” o knowing. May mga tao na mababaw na pagbubulay sa
kanilang ginagawa. Hindi nila inaaral ang kanilang ginagawa, kung ito ay tama o
mali. Kung ito ay may masama o mabuting ibubunga. Hindi nila alam ang kanilang
ginagawa. O maaring hindi sapat ang kanilang nalalaman sa ibubunga ng kanilang
ginagawa.
Nais ni Jesus na magkamit ng kapatawaran ang
mga sumusunod, dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa.
·
Mga pinuno ng bayan. Kinutya siya ng mga ito.
·
Mga kawal. Nilait siya ng mga ito.
·
Kasamang nakapako. Tinuya siya ng isang ito.
3. Alam ni Jesus na kailangan
nila ang kapatawaran ng Diyos.
(Lucas 24:47-48).
·
Condition. Pinatawad tayo ng Diyos upang magpatawad tayo sa iba.
·
Comfort. Ginhawa ang patawarin at magpatawad.
·
Chance. Ito ay gawin mo para sa Diyos at para sa iyong sarili. Pagkakataon mo
na ito.
4. Magpatawad. Ang magpatawad ay utos ng
Diyos.
Hindi
tayo maaring mangaral tungkol sa pag-ibig ng Diyos kung ang ating puso ay puno
ng galit at sama ng loob.
Hindi
tayo maaring maging liwanag kung may kadiliman pa sa ating puso.
Tumayo
po ang lahat: Ipangako mo kapatid – magpapatawad ka bilang anak ng Diyos.
Sumunod tayo sa halimbawa ng Panginoong Jesus.
Manalangin ka. Ama, patawarin mo
si________________ .
Ama,
pinapatawad ko na si_________________________.
II. Biyaya ng
Kaligtasan
Lucas 23:39-43
39Tinuya
rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang
Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.”
40Ngunit
pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw
ay pinaparusahan ding tulad niya! 41Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito
dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama.” 42At
sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.”
43Sumagot
si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”
Ang
Salita ng Diyos ay buhay. May halaman kami, at akala ko wala na itong ibubunga,
dahil napitas ko na lahat. Ngunit ito ay
nagbunga pa ng panibago. Buhay kasi ito.
Gayundin ang Salita ng Diyos. Ito ay may palaging bagong bunga, o revelations.
Ang
pinakamahalagang bunga ng Salita ng Diyos ay kapatawaran sa kasalanan ng mga
makasalanan. Dumating si Jesus para sa mga makasalanan, hindi para sa mga
mabubuti.
1. Matatagpuan ang mga pinaka- makasalanan
sa krus.
Doon
pumunta si Jesus. Ang krus ay ginagamit
upang parusahan ang mga itinuturing na pinaka-masamang tao.
Sila
ang mga taong hindi pinapatawad ng lipunan.
Sa
araw na iyon, nakapagitna siya sa mga makasalanan.
Isa
sa kaliwa, at isa sa kanan. Bumisita si Jesus sa lugar ng mga masasama.
Bakit?
·
Upang buksan ni Jesus ang pinto ng Paraiso para sa mga makasalanan. Sabi sa Roma 5:6, “Namatay si Jesus sa
panahong tayo ay makasalanan pa.”
2. Nakita ng isa ang pagkakataon.
At siya ay sumampalataya.
42At
sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.”
3. Hindi sumampalataya ang
pangalawa. Sa
halip tinuya niya si Jesus.
39Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi
ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.”
Ano
ang gusto ninyong gawin natin sa isang ito?
Iiwan
ba natin siya upang mamatay siyang hindi naliligtas?
Isasara
ba natin ang pinto ng paraiso dahil sa kanya?
·
May misyon tayo sa mga hindi sumasampalataya.
·
Nais ng Diyos na maligtas ang lahat ng tao (1 Tim. 2:4).
·
Buksan natin ang pinto upang sila ay sumampalataya rin sa Panginoong
Jesus.
4. Ang Ating Misyon.
Nais
ko kayong anyayahan, na basahin ang kwento ito at unawain ang kalooban ng Diyos
upang maligtas ang lahat, at hindi lamang ang iilan. Tulad ng sumampalatayang
nakapako:
·
Ibahagi natin ang ating pananampalataya.
Pinagsabihan niya ang kanyang kasama, “Wala ka bang takot sa Diyos?”
(v.40).
·
May misyon ang mga naligtas sa mga hindi pa naliligtas.
·
Maging saksi tayo sa pagpapatawad ng Diyos (Lucas 24:48).
5. Gawin mo ang iyong misyon.
·
Magpahayag ng Mabuting Balita.
·
Magpatotoo. Maging halimbawa kung paano nagpapatawad ang Diyos.
·
Abutin ang mga hindi pa sumasampalataya.
Tumayo po ang lahat:
Ipangako mo, bilang isang
pinatawad at iniligtas ng Panginoon,
ibabahagi mo ang Salita ng
Diyos lalo sa mga nalulugmok sa kasalanan.
Tandaan: Huwag mong sarilinin
ang iyong kaligtasan.
Hindi lang ikaw ang mahal ng
Diyos.
III.
Biyaya ng Pagtitiwala sa Diyos
Lucas
23: 44-46
Nang
magtatanghaling-tapat na, hanggang sa ikatlo ng hapon, nagdilim sa buong
lupain. 45Nawalan ng liwanag ang araw at ang tabing ng Templo'y napunit sa
gitna. 46Sumigaw nang malakas si Jesus, “Ama, sa mga kamay mo'y
ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang
hininga.
May gagawin po tayo. Pwede po bang tumayo ang
lahat.
Itaas
po ninyo ang inyong dalawang kamay ng kaunti.
Sa
kaliwang kamay mo – mag-isip kayo ng mga bagay o sitwasyon na nais ninyong ipagkatiwala
sa Diyos. Maaring ang future ng iyong pamilya? O isang karamdaman? Kunwari ay ilagay mo ang mga iyan sa kaliwang
kamay mo at ibigay mo sila sa Diyos.
Sa
kanang kamay mo
- ilagay mo dito ang mga bagay o
sitwasyon mo sa buhay na hirap kang ipagkatiwala sa Diyos. Destino mo sa
susunod na Conference Year? Kung hindi matutupad ang iyong hinihiling na
kagalingan? Patuloy ka bang magtitiwala at susunod sa Diyos?
Tayo
po ay manalangin. Turuan mo kaming magtiwala sa iyo Panginoon. Lalo na sa mga
sitwayon na mahirap. May sitwasyon na takot kami at nangangamba. At nais naming gumawa ng aming sariling
desisyon, upang masunod ang nais namin. Ngunit, hindi kami ang masusunod. Susundin naming ang kalooban mo. Amen.
Ang
ika-7 wika ay hango sa Awit 31:5,
Sa iyong kamay,
ipinagkakatiwala ko ang aking buhay.
At sa aki'y ibibigay ang iyong kaligtasan;
ikaw ay Diyos na mapagkakatiwalaan.
Mapapansin na ang 7 Huling
Wika ay nagsimula sa panalangin at nagwakas din sa panalangin. Ito ang kanyang
huling panalangin.
Ito ay Panalangin ng Pagtitiwala sa Diyos. Pagkatapos, siya ay nalagutan
ng hininga.
1. Sa kanyang huling hininga, si
Jesus ay nanalangin ng pagtitiwala sa Diyos.
Maraming
Kristiano ang dinakip dahil labag sa batas sa kanilang bansa ang ipangaral ang
tungkol kay Jesus. May nahuli, at sila
ay unti-unting pinatay – at habang nauubusan sila ng hininga, narinig silang
nananalangin ng Ama namin. Namatay silang nakayakap at nananalangin sa
Diyos. Ganun din si Jesus.
Harapin
natin ang kahit ano – hirap, karamdaman, o maging kamatayan, na kasama ang
Diyos. Ito po ang lakas ng pananampalataya.
2. Tinawag ni Jesus na Ama ang
Diyos.
Ang
pagtitiwala ay naka-angkla sa relasyon natin sa ating pinagkakatiwalaan. “Nagtitiwala
ako sa kanya. Tatay ko s’ya.”
Sa
Psalmo, the prayer is addressed to God.
But
Jesus addressed God as his Father.
Ang tamang kaugnayan Diyos – (bilang Ama natin), ang
magbibigay sa atin ng tamang katugunan. Ito ang susi sa mabisang panalangin.
Tamang relasyon sa Diyos ang pundasyon ng mabisang panalangin.
“Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo
ang aking mga salita, hingin ninyo
ang anumang nais ninyo at ibibigay iyon sa inyo.” – Jn. 15:7
3. Ipinagkatiwala niya sa kanyang
Diyos Ama ang kanyang espiritu.
·
Sa Awit 31, ang umaawit ay wala sa bingit ng kamatayan tulad ni
Jesus. Siya ay nilalait ng mga kaaway,
at nalugmok sa sobrang lungkot.
·
Si Jesus sa kalagayang ito ay nasa bingit ng kamatayan.
Ngunit naroon ang kanyang pagtitiwala
sa Diyos. Dahil ang mga Kristiano man, at mga tapat sa Diyos ay makakaranas ng
kamatayan.
Sa alinmang sitwasyon – kahirapan o kamatayan, dapat
tayong magtiwala sa Diyos. Ano ang nais
mong ipagkatiwala sa Diyos?
IV.
Biyaya ng Pananampalataya
Mateo
27:46 / Marcos 15:34
Nang
mag-aalas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus, “Eli,
Eli, lema sabachthani?” na ang ibig sabihi'y “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo
ako pinabayaan?”
47Ito'y
narinig ng ilan sa mga nakatayo roon kaya't sinabi nila, “Tinatawag niya si
Elias!”
Ang sinasabi ng isang sobrang nasasaktan at
umiiyak (umaagulgol) ay mahirap maunawaan.
Pero alam ng nakakarinig ang sakit ng kalooban ng taong ito.
Ang
sakit ng kalooban ay sinasabi rin sa wikang katutubo at hindi sa wikang
banyaga. Umagulgol si Jesus sa wikang Aramaic, sa sarili niyang wika. “Eli,
Eli, lema sabachthani?”
Magbulay
po tayo.
1. Ito ay tunay na damdamin ng
isang nasasaktan at nagtatanong.
Madalas ang ganitong damdamin
ay nagtatanong ng “Bakit? Bakit ako? Bakit nangyayari ito sa akin?”
Mas masaklap kapag ang mga
tanong na ito ay nanatiling tanong na walang kasagutan.
2. Ang damdamin ni Jesus ay
dinala niya sa Diyos.
Ang iba, kapag nasasaktan at
nagtatanong, hindi sila nagsasalita ni umaasa na tutugunin sila. Sa paniwala nila, “Wala namang nakikinig
sa akin. Nobody cares for me.”
Si Jesus, dinala niya ang
kanyang kalungkutan sa Diyos, sa pamamagitan ng panalangin. May matututunan po tayo sa halimbawang ito ng
Panginoon.
·
Kapag tayo ay nasasaktan, may nakakaunawa sa atin.
·
Kapag tayo ay umiiyak, may nakikinig sa atin.
·
Sa oras ng karamdaman, may nagmamalasakit sa atin! Ang Diyos!
3. Sa gitna ng pagdurusa,
ipinahayag ni Jesus ang kanyang Pananalig.
Kabaligtaran siya ng mga tao
na sa oras ng pagdurusa – ipinapahayag nila ang hapdi ng kanilang damdamin sa
pamamagitan ng:
·
Pagrereklamo.
·
Paninisi.
·
Panunumbat.
At this moment, Jesus was
heard reciting a Psalm of Faith – ito ay
Awit 22.
“O Diyos ko! Diyos ko! Bakit
mo ako pinabayaan?
Sumisigaw ako ng saklolo,
ngunit bakit di mo ako tinutulungan?”
·
Ito ay Salmo ng pagtatanong sa Diyos. Marapat na dalhin natin sa Diyos
ang mga bagay na hindi natin kayang unawain.
·
Ito ay Salmo ng pagtitiwala sa katapatan ng Diyos,
Sabi sa Salmong ito:
o
Tapat ka Panginoon, mula ng ako ay isilang.
o
Tapat ka Panginoon mula pa sa aming magulang.
o
Ikaw lang ang aking mapagkakatiwalaan.
Tayo man ay maaring makarating sa ganitong kalagayan.
Nasaan ka na sa iyong buhay kapatid?
Hanggang saan na ba ang naranasan mong pagsubok sa
buhay?
Huwag kang bibigay.
Huwag kang susuko.
Ok lang ang umiyak.
Ok lang ang magtanong ng “Bakit?”
Pero sa Diyos ka magsumbong.
Sa Diyos ka umiyak. Sa Diyos ka magtiwala.
Yumuko po tayo at manalangin.
Sabihin mo sa Diyos ang iyong nararamdaman….
V.
Pagpapala ang Maging Pagpapala sa
Iba
Juan 19:26-27
26Nang makita ni Jesus ang
kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya,
“Ina, ituring mo siyang sariling anak!”
27At sinabi niya sa alagad,
“Ituring mo siyang iyong ina!” Mula noon, sa bahay na ng alagad na ito tumira
ang ina ni Jesus.
Mga kapatid, hindi po perwisyo
ang maging pagpapala sa iba.
Hindi po pabigat ang mga
nangangailangan ng tulong at kalinga.
Sinusugo tayo ng Diyos upang
tayo ay maging ina sa mga ulila.
Upang maging lingkod sa mga
balo.
Tayo ay sinusugo ng Diyos
upang maging pagpapala tayo sa mga tao!
Ang iglesia ay nagliliwanag
ayon sa kanyang patotoo ng pag-ibig.
Ang pag-ibig ay ipinapahayag
sa pamamagitan ng paglilingkod.
Ang iglesia na walang pag-ibig
ay walang paglilingkod.
Ito ay iglesiang walang
patotoo, wala itong liwanag ng Diyos.
1. Malungkot ang Kamatayan ni
Jesus
Ang kwento ay malungkot, isa
itong trahedya. Malapit nang mamatay ang Panginoong Jesus, at maiiwan ang
kanyang mahal na ina. Maiiwan din ang
mga alagad.
Wala na yatang lulungkut pa sa
damdamin ng isang ina na namatayan ng anak. Sa tagpong ito, pasan ni Maria ang
lahat ng lungkot at sakit. Natupad ang hula ni Simeon noong italaga ang sanggol
na si Jesus sa templo. Sabi ni Simeon, “Dahil dito, magdaranas ka ng
matinding kapighatiang parang isang patalim na itinarak sa iyong puso.”
(Lucas 2:35b)
Gayundin ang mga alagad na
nagsitakas at nagtago. Maliban sa
isa. Walang ibinigay na pangalan si Juan
sa kanyang salaysay. Ang isang alagad na ito ay maaring natakot din, dahil
maari niyang ikamatay ang pag-antabay niya kay Jesus. Ngunit ito ay pagkakataon
upang ipakita niya ang kanyang katapatan sa kanyang Panginoon. Maaring siya ay
isang tapat na miembro tulad mo. Maaring tulad siya ng nag-iisang misyonero na
nagmimisyon sa kabundukan. O isang deakonesa na malayo sa kanyang pamilya,
nag-iisang kumakain at natutulog sa maliit na kwarto sa simbahan. O pastor na nag-iisa sa paglilingkod sa
simbahan.
Ang pagsunod sa Diyos ay
kadalasang malungkot at mapanganib din minsan.
2. Pagpapalang Ugnayan sa Pamilya
ng Pananampalataya
Hindi mag-ina sa dugo ang
alagad at si Maria. Ang panawagan ni Jesus ay – ang kalingain ng kanyang ina at
alagad ang isa’t isa, upang bumuo ng isang pamilya ng Diyos.
Sa gitna ng pangyayaring ito,
nagsalita ang Panginoon.
a. Sinabi niya sa kanyang ina,
“Narito ang iyong anak.”
Ayon sa www.pastoralcareinc.com, may umaalis na 1500
pastors kada buwan sa taong 2023. Ito ay malungkot na balita. Ang kadalasang dahilan
ay ang lungkot sa ministeryo.
Si Apostle Paul ay nakaranas
din ng lungkot at panganib.
Ngunit minsan, siya ay
nagkaroon ng isang ina sa iglesia sa Roma. Sinabi niya sa Roma 16:13, “Ikumusta
ninyo ako sa ina ni Rufo, na para ko na ring ina.”
Ang mga ina sa pananampalataya
ay mga pagpapala.
b. Sinabi niya sa alagad, “Narito
ang iyong ina.”
Marami ang mga balo noong unang panahon at hanggang ngayon. Ang ating
misyon ay ang mahalin ang mga tao na hindi kadugo – ngunit ngayong tayo ay
sumusunod sa Panginoon, tungkulin na natin na mahalin sila at ituring na
sariling pamilya.
3. Mula noon, sa bahay na ng
alagad na ito tumira ang ina ni Jesus.
Ang kalungkutan sa oras na iyon ay naging karanasan ng
pagpapala ng isang bagong ugnayan bilang pamilya ng Diyos.
Tignan ang iyong katabi na hindi mo kamag-anak. Sila
ay iyong pamilya sa pananampalataya.
Sila ang iyong ina at anak sa pangalan ni Jesus.
VI. Pagpapala ng Pangakong Tinupad
ng Diyos
Juan 19:28-29
28Alam ni Jesus na naganap na
ang lahat ng bagay.
Kaya't upang matupad ang
kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!”
29May isang mangkok doon na
puno ng maasim na alak. Inilubog nila rito ang isang espongha, ikinabit iyon sa
isang tangkay ng hisopo at idiniit sa kanyang bibig.
Ang mga pangako ng Diyos sa
mga Kasulatan ay nagbibigay pag-asa.
Mapanghahawakan ang mga ito.
Tapat ang Diyos at tutuparin
niya ang kanyang mga pangako
sa takdang panahon.
Paano pa kaya, kapag natupad
na ang mga ito?!
Sa pagdating ng Panginoong
Jesus, natupad na ang mga ipinangakong pagliligtas ng Diyos! Halleluyah!
Upang
Matupad ang Kasulatan.
Ang salitang “upang matupad
ang kasulatan” ay pitong (7) beses na ginamit sa Ebanghelyo ni San Juan.
·
Juan 5:39; Juan 13:18; Juan 17:12; Juan 18:9; Juan 19:24; Juan 19: 28;
Juan 19:36.
Ang Juan 19:28, ay ang ika-anim na naganap upang matupad ang Kasulatan.
Magbulay po
tayo.
1. Ang Panginoong Jesus ay tunay
na nauhaw.
·
Ang mga ipinapako sa krus ay hindi pinatutulog sa gabi,
·
Nilalatigo hanggang mawakwak ang kanilang balat ng mga sugat sa buong
katawan.
·
Nagbubuhat sila ng mabigat na pahalang na bahagi ng krus.
·
Walang pagkain o inumin, at
·
Ipinapako sa krus ang mga paa at itinatali at ipinapako rin ang mga
kamay sa init ng araw.
Mga hampas ng latigo at pagbubuhat
ng dalawang araw, torture na magdamagan, at pagpapako sa susunod na araw. Ang
ganitong pahirap ay magdudulot ng matinding pagka-uhaw.
2.
Tinupad ni Jesus ang Kasulatan sa Kanyang Pagka-uhaw
Ang tinutukoy na Kasulatan ay ang Awit 69:21.
Ganito ang nasusulat.
“Sa halip na pagkain, nang ako'y magutom, ang dulot sa
aki'y mabagsik na lason. Suka at di tubig ang ipinainom.”
Alam natin kung ano ang magagawa ng kaunting tubig sa
isang pagod, gutom, at uhaw.
Ayon sa www.eatingwell.com, ang uhaw ay nag-reresulta ng
dizziness at kapaguran. Panghihina ng kalamnan at antok. Kung makakainom ng
kaunting tubig ang isang dehydrated, makakaramdam ito ng lakas.
Ngunit, sa halip na tubig, ang pinainom sa Panginoon
ay suka.
Hindi ang hinihinging tubig ang ibinigay sa kanya. Ang
hirap ng pagka-uhaw ay dinagdagan pa nila ng hirap sa pina-inom na suka.
3.
Nangyari ang Kalooban ng Diyos
Ayon sa Isaiah 53:10a, “Sinabi ni Yahweh, “Ang
kanyang paghihirap ay kalooban ko; ang kanyang kamatayan ay handog para sa kapatawaran
ng kasalanan.”
Ang sakripisyo ng Panginoon ay
naging pagpapala.
“Namatay si Cristo, sa takdang
panahon para sa ating mga makasalanan.” (Roma 5:6)
Sa oras na ito, muling tumatawag ang Panginoon sa
atin.
Sabi sa Mateo 11:28, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at
nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.”
Huwag sana natin siyang bibiguhing muli.
Humihingi siya ng tubig, huwag natin siyang bibigyan
ng suka.
Nawa’y mapangiti natin ang Panginoon ngayon.
VII.
Ang Pagpapala ng Kaganapan ng Misyon ng Panginoon
Juan
19:30-31
29May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak.
Inilubog nila rito ang isang espongha, ikinabit iyon sa isang tangkay ng hisopo
at idiniit sa kanyang bibig. 30Nang masipsip na ni Jesus ang alak, sinabi niya,
“Naganap na!” Iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.
“Mission accomplished!”, ganito ang saludo ng isang
sundalo na nakatapos sa kanyang ginampananag misyon.
“Binayaran na!” Ganito ang report ng isang inutusan na
magbayad na utang.
“Nagawa ko ang dapat gawin.” Nakangiting sinabing
isang ama,
na kuntentong
nagpa-alam sa kanyang pamilya.
Sa pamamagitan ng krus, nagampanan ng Panginoong Jesus
ang kanyang misyon sa lupa.
1. Kamatayan ni Jesus sa Krus
Sa isang banda, ang krus ay
isang pangit na imahen.
Simbolo ito ng kasalanan ng
tao na magbubunga ng kamatayan.
Sa kabilang banda, ito ay ginamit ng Diyos upang
matupad ang kanyang kalooban na maligtas ang mga makasalanang tulad natin, sa
pamamgitan ng pananampalataya. Kaya nga,
“Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya
nasugatan;
siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.
Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya
at sa mga hampas na kanyang tinanggap.” (Isias 53:5)
“Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanya
ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.” (Isaias
53:6a)
Napakaganda ng nasusulat sa Ecclesiastes 3:11, “He
makes all things beautiful, in His time.” Kahit ang pangit na krus ay naging maganda,
dahil sa ginawang pagliligtas ng Diyos.
2.
Ang Krus ay Naging ng Pagpapala
Ang pangit na krus ay naging pagpapala dahil naganap dito
ang pagliligtas ng Diyos. Ang ginampanang paghihirap ni Cristo ay nakatulong sa
lahat. Ito ay makabuluhang sakripisyo para sa marami.
Kaya nga, kung mananalig ka kay Cristo Jesus, na siya
ay namatay at muling nabuhay alang-alang sa iyo – ikaw ay maliligtas!
Tapos na ang pagliligtas ng Diyos! Naganap na!
Ikaw na lang hinihintay ng Diyos kapatid!
Tatanggapin mo ba ang pagliligtas ng Diyos?
3. Binayaran na ang ating mga
Kasalanan
Sabi sa Galacia 3:13,
'Ngunit hindi natin masunod ang lahat ng iniuutos ng
Kautusan, kaya sinumpa tayo ng Dios. Pero ngayon, tinubos na tayo ni Cristo sa
sumpang ito. Sinumpa siya alang-alang sa atin, dahil sinasabi sa Kasulatan,
“Isinumpa ang sinumang binitay sa puno.” '
Ang kamatayan ni Cristo ay pagpapala sa atin dahil sa
ating katubusan. Bayad na ang ating mga kasalanan!
Sa Ngalan ni Jesus, pinatawad na po tayo!
Ayon sa isang kwento ng mga Judio noong mayroon pang
templo,
Ang pinakamalungkot na tao ay ang pumapasok sa templo.
Ang pinakamasayang tao ay ang papalabas mula sa
templo.
Ang papasok sa templo ay may dalang handog para sa
kasalanan.
Hindi lamang hayop ang kanyang dala. Dala rin niyang
papasok sa templo ang kanyang mga kasalanan.
Ngunit sa loob ng templo, ang kanyang mga kasalanan ay
babayaran ng buhay at dugo ng isang batang tupa.
Lalabas siya mula sa templo, na nagsasabing,
“Pinatawad na ako ng Diyos!”
Si Jesus ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng
kasalanan.
Natapos na niya ang kanyang misyon.
Kung tatanggapin mo siya ngayon – aalis kang malinis
at pinatawad.