June 2, 2018
Ang Panginoon ng Sabbath
Second Sunday After Pentecost
Mark 2:23-3:6
Nagtitipon tayo ngayon upang sumamba at magpasalamat sa Diyos. Napakabuti ng Panginoon kaya dapat siyang pasalamatan.
Ang araw na ito ay "date" ng Panginoon sa atin. Ito ang araw na kanyang itinalaga para sumamba tayo at magpasalamat sa kanya.
Sa araw na ito, excited ang Diyos na makita tayo. Tayong mga magulang excited tayo na makita at makasama ang ating mga anak. Gayundin ang ating Amang Diyos. Nagagalak siya na makita tayo sa kanyang simbahan.
Ang Sabbath ay ang ika-apat na utos ng Diyos (Sa Sampung Utos). Ang Sabbath ay paraan ng pagpapakilala ng Diyos, dahil siya ang Panginoon ng Sabbath.
a. nais ng Diyos na makapahinga ang lahat ( Deut.5:12)
b. upang kilalanin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay (5:14)
c. upang maunawaan ng mga Israelita na sila ay iniligtas ng Diyos mula sa pagka-alipin sa Egypt at ngayon sila ay malaya na.
Mga Pagtatalo Tungkol sa Sabbath
May dalawang kontrobersiya sa mga kwento na ating tutunghayan. Ang una ay nang pumitas at kumain ang mga alagad ng Panginoong Jesus ng uhay ng trigo. Ayon sa interpretasyon ng mga Pariseo sa kautusan, ito ay labag sa batas ng Pamamahinga o ng Sabbath.
Pinaalala ng Panginoon sa mga Pariseo ang tungkol sa ginawa ni Haring David noong sila ay hinahabol ng mga tauhan ni Saul. Nagutom sila at kinain nila ang tinapay ng templo na pari lamang ang may karapatang kumain. Sinasabi ni Jesus na ang tugon sa gutom ng isang tao ay higit na mahalaga kaysa batas na nagpapahirap sa taong nangangailangan. Ang Sabbath ay para sa ikabubuti ng tao. Hindi ito dapat maging batas na magpapahirap pa lalo sa isang nahihirapan na.
Muli, pinaalala ng Panginoon ang kahulugan ng Sabbath ayon sa Deut. 5:12-15. Ito ay araw ng pamamahinga, ito ay nag-papaalala sa kabutihan ng paglikha ng Diyos at ng paglayang mula sa Diyos.
Panginoon ng Sabbath - Mark 3:4
June 2, 2018
Ang pangalawang kontrobersiya ay tungkol sa pagpapagaling na ginawa ng Panginoon sa araw ng Sabbath. Muli, ito ay tinutulan ng mga Pariseo.
Ngunit lalong uminit ang ulo ng Panginoon sa mg aPariseo.
Bago pinagaling ang maysakit, nagtanong ang Panginoon ng ganito sa mga Pariseo,
“Pagkatapos, tinanong naman niya ang mga tao, “Alin ba ang naaayon sa Kautusan, ang gumawa ng mabuti, o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Ang magligtas ng buhay, o ang pumatay?” - Mark 3:4
Mababasa natin na ang insidente ay naganap sa sinagoga, at sa Araw ng Sabbath, sa banal na lugar at banal na araw. Pinalitaw ng mga Pariseo na pagpapagaling o paggawa ay labag sa batas ng banal na araw tulad ng Sabbath. Ngunit ang tanong ng Panginoon ay tungkol sa “paggawa ng mabuti” sa banal na araw ng Sabbath.
Walang naisagot ang mga Pariseo. Sa halip, sila ay lalong nag-isip ng mas masama. Binalak nilang patayin si Jesus.
Para saan ang Sabbath?
Ang Sabbath ay utos ng Diyos para sa kapakanan ng tao. Ang magpahinga, ang maging mapagpasalamat sa kabutihan ng Diyos bilang Lumikha at upang alalahanin ang ginawang pagpapalaya ng Diyos sa Israel.
Para sa Panginoong Jesus, mali ang interpretasyon ng mga Pariseo sa kanilang pakakahulugan sa Sabbath. Pinagbabawal nila ang magtrabaho tuwing Sabbath, at lampas dito, pinababawal nila ang gumawa ng mabuti sa Sabbath. Mali para sa kanila ang kumain o ang magpagaling ng maysakit sa araw na ito. Naging makitid ang kanilang pakahulugan.
Ang buhay ang pangunahin sa Panginoon at hindi ang batas. Ang batas ay dapat na magsilbi para sa ikabubuti ng tao.
Sino ang Ating Diyos?
Siya ang Diyos ng Sabbath. Wika ng Panginoong Jesus sa Marcos 2:28,
”Ang Anak ng Tao ay siyang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”
Ang Diyos ay Panginoon ng kabutihan at hindi ng mga nagpapahirap na kautusan. Siya ay Diyos na nagpapalaya. Ngayon tayo ay tagasunod na ni Cristo, hindi na tayo dapat makulong sa mga batas. Malaya na tayo upang gumawa ng mabuti.
Mga Tanong sa Talakayan:
1. Ang Sabbath ay para sa ating ikabubuti. Inuutusan tayo ng Diyos upang magpahinga. Ano ang halaga nito para sa ating kalusugan at espiritual na kaugnayan sa Diyos?
2. Paano naging makitid ang pakahulugan ng mga Pariseo sa interpretasyon nila sa Sabbath? Ano ang nais ipabatid ng Panginoon sa tanong niyang, ““Alin ba ang naaayon sa Kautusan, ang gumawa ng mabuti, o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Ang magligtas ng buhay, o ang pumatay?” - Mark 3:4
3. Paano nating igagalang ang araw ng Pamamahinga sa paraan ng pagsamba at pamamahinga na hindi naman tayo magiging katulad ng mga Pariseo sa panahon ng Panginoong Jesus?