June 22, 2014 Sunday School
Romans 6:1-11
Patay sa Kasalanan Ngunit Buhay Dahil kay Cristo
1 Ano ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang-loob ng Diyos? 2 Hinding-hindi! Tayo'y patay na sa kasalanan, paano pa tayo mamumuhay sa pagkakasala? 3 Hindi ba ninyo alam na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nabautismuhan sa kanyang kamatayan? 4 Samakatuwid, tayo'y namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay.
5 Sapagkat kung nakasama tayo ni Cristo sa isang kamatayang katulad ng kanyang kamatayan, tiyak na tayo ay makakasama rin niya sa muling pagkabuhay na katulad ng kanyang muling pagkabuhay. 6 Alam natin na ang dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama niya, upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan. 7 Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. 8 Kung tayo'y namatay nang kasama ni Cristo, naniniwala tayong mabubuhay rin tayong kasama niya. 9 Alam nating si Cristo nang muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan. 10 Nang siya'y mamatay, namatay siya nang minsanan dahil sa kasalanan; at ang buhay niya ngayon ay dahil sa Diyos. 11 Kaya dapat din ninyong ituring ang inyong sarili bilang patay na sa kasalanan ngunit buhay naman dahil sa Diyos, sapagkat kayo'y nakipag-isa na kay Cristo Jesus.
______________________
Binago ng Lubusan
Ang pagiging Kristiano ay may KKB - Kapatawaran, Kaligtasan at Bagong Buhay! Hindi maaring mawala ang isa sa mga ito sa buhay ng isang tunay namananampalataya.
Minsan, may isang pastor ang na-invite magsermon sa isang kapilya. Habang naghihintay sa pananambahan, nagtanong ang host pastor sa dalaw na tagapagsalita kung paano niya nakilala ang Panginoon. Wika ng guest preacher, "Lumaki po ako sa isang pamilyang Kristiano at lumaki akong laman ng iglesia." At nagtanong din ang guest preacher sa host pastor, "Kayo po, paano ninyo nakilala ang Panginoon?"
"Sa Muntinglupa po." sagot ng pastor.
Patuloy na usisa ng guest, "Bakit po sa Munti?"
"Nakapatay ako ng dalawang tao....nakulong at doon ko nakilala ang Panginoon." tugon ng pastor.
Hindi na nagtanong pa ang guest pastor, (siguro natakot) ngunit nagpatuloy sa kwento ang pastor ng nasabing kapilya. "Napakabuti ng Diyos, di po ba pastor? Pinatawad ako sa aking masamang nakalipas, iniligtas ako sa kasalanan, at binago ako ng lubusan."
Tumango ang guest preacher. Oo nga, napakabuti ng Diyos sa ating lahat. Bagamat tayong lahat ay nagkasala.
Sa lahat ng apostol, si San Pablo ang may pinakamasamang nakalipas - dati siyang mamamatay tao at harapan niyang nilalapastangan ang pangalan ng Panginoong Jesus. Sa kabila nito, siya ay pinatawad, iniligtas at binago ng Panginoon.
Madali para sa atin ang tanggapin ang pagpapatawad at pagliligtas ng Diyos. Ngunit ang pagbabagong buhay ay hindi karaniwang napagtatagumpayan ng maraming Kristiano. Mayroong, tumatanggap sa Panginoon, lumalapit sa altar - nangangakong magbabago, magbabago ng ilang buwan at bumabalik din sa dating bisyo at dating masamang ugali. Dahil dito, hindi sila nagtatagumpay sa totohanang pagbabagong buhay.
Batayan ng Pagbabagong Buhay sa Mga Kristiano
1, Napakasagana ng Kagandahang-loob ng Diyos
2. Patay na Tayo sa Kasalanan
3. Nabautismuhan na Tayo Kay Jesu-Cristo
4. Hindi na Tayo Alipin ng Kasalanan
5. Umaasa Tayo sa Ating Muling Pagkabuhay
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento