Miyerkules, Agosto 26, 2015

Mabungang Kaugnayan sa Panginoon

Juan 15:5-17

Ang buhay Kristiano ay tinalaga ng Diyos upang maging mabunga. Ito ay may malaking silbi sa lahat. Ang bawat puno ay nagbubunga upang magpatuloy ang buhay ng puno hindi lamang sa kanyang sarili kundi pa naman sa mga bunga nito na nagdadala ng mas maraming buto, na magiging maraming puno rin sa hinaharap.

May dalawang bagay na hindi dapat mangyari sa atin.

1. Huwag nawa tayong mapuputulan ng kaugnayan sa Panginoon.
"Wala kayong magagawa", wika ng Panginoon, "kung kayo ay hiwalay sa akin."

2. Huwag nawa tayong mawalan ng bunga.
Dahil ang sangang walang bunga ay puputulin din at itatapon sa apoy.

Ang tamang Kaugnayan sa Panginoon

1. Ito ay mabungang buhay.
2. Ito ay nagbibigay kaluwalhatian sa Diyos.
3. Ito ay nagreresulta ng mabungang pananalangin.
4. Ito ay nagreresulta ng buhay na puno ng kagalakan.




Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...