Huwebes, Mayo 14, 2015

Putting God First

Putting God First on Time of Crisis
Mark 1:14-20 (Message delivered January 25, evening service, Church Anniversary FUMC, Guagua, Pampanga)

Naranasan mo na ba ang mawalan ng gana sa church?
Naranasan mo na bang magreklamo sa Diyos dahil sa sobrang bigat ng iyong dinadalang problema? 

May crisis ba sa buhay mo? Apektado ba ang relasyon mo sa Diyos?

Paalala lang po: Hindi po nangako ang Diyos na gagawin niyang maayos ang lahat para sa atin. Wala siyang ipinangako na hindi na tayo magkakaroon ng anumang suliranin. 

Ang pangako niya ay hindi niya tayo iiwan ni pababayaan man. 

Ang iglesiang ito (First UMC) ay dumaan ng napakaraming pagsubok, at napagtagumpayan lahat ito ng buong pananalig sa Diyos.

1. Ang Ministeryo ng Panginoong Jesus ay sinimulan sa panahon ng krisis. IKINULONG SI JUAN BAUTISTA (v. 14).

Tumindig si Jesus bilang mangangaral sa panahong kinukulong at ipinapako sa krus ang mga sumusunod sa Diyos. 

Nabasa ko na noong January 1, 1945, habang nagbabagasakan ang mga bomba mula sa eroplanong Americano noong liberation, kasalukuyang nananambahan ang mga miembro ng First UMC.  Alam nila na ano mang oras maari sila mabagsakan at mamatay.  Ngunit ayon sa sinulat ni Eusebio Manuel (ang District Superintendent ng Pampanga noong 1945), "Hindi kami tumigil ng pag-awit ng Joy to the World the Lord is Come. Tumigil ang pagbagsak ng mga bomba, tumahimik ang paligid at gayun na lamang ang pasasalamat namin sa Diyos."

Sa panahon ng krisis, nanatiling naglilingkod ang ating mga magulang sa Panginoon. Hindi sila tumigil sa pananambahan kahit noong panahon ng digmaan. 

Maaring nasa panahon ka ng krisis ngayon. 

Baka may digmaan sa iyong puso at kalooban ngayon?  Kapatid ko, sa panahong may suliranin ka, lalo ka pa nawang kumapit sa Panginoong Jesus.  

Sa gitna ng mga suliranin, sa Diyos ka bumaling. 

Huwag mo sanang pababayahang ang mga suliranin ay maging dahilan upang mapalayo ka sa Diyos. Sa halip, gawin mo silang tuntungan upang lalo kang mapalapit sa Diyos. 

Kung may suliranin at para bang nawawalan ka ng gana upang magsimba - lalo kang magsimba at kumapit ka sa Diyos. 

Kung may kasalanan kang nagawa, huwag kang mahihiyang lumapit sa Diyos.  lalo kang magsimba, lalo kang manalangin. 

Ang Panginoong Jesus noong ikulong si Juan (malaking hadlang ito)- ngunit noon siya nangaral. Noong siya tumindig bilang anak ng Diyos. 

Tumindig ka bilang anak ng Diyos.  Huwag kang matatakot - kasama natin si Jesus. 

2. Sa panahong ito ng krisis, noon tumugon sina Pedro at ang ibang alagad sa tawag ng Panginoong. Jesus said - "FOLLOW ME!" Then they followed. 

Following Christ in times of crisis will not be easy. 

It actually means, "Follow me where ever I will go."

Or 

"Follow me to the cross."

Pero, tanong ko lang, "Bakit sila sumunod sa ganitong tawag? 

Sa ating panahon, madali lang.  Sumunod ka kay Cristo. Manalig at magpabautismo. Magsimba ka tuwing Linggo.  Basahin mo ang Biblia mo. Ayusin mong buhay mo. Maglingkod ka sa kapwa tao. O - Kristiano ka na!

Pero ang mga unang alagad, alam nilang susunod sila sa Panginoong Jesus at maaring isusunod na silang ipapako sa Krus! Pero sumunod pa rin sila. 

Kaya nararapat itanong ngayon sa ating sarili, "Hanggang saan ba ang pagsunod ko sa Diyos?

Kapag ba ayos ang lahat? Mga kapatid, noong tumugon sila sa Panginoon para sumunod -hindi po ayos ang lahat! May malaking problema, may malaking hadlang! 

Sa ating panahon, ang krus ay simbulo ng pananampalataya. Unawain natin kung paano ito nauunawaan ng mga unang Kristiano.  

ANG KRUS PO NOON AY SIMBULO NG PAGSUNOD KAY KRISTO HANGGANG KAMATAYAN. 

Dahil kapag sumunod ka kay Cristo noon, kandidato ka na sa mga ipapako sa krus. 

Sa ating anibersaryo sa 112Years ng First UMC Pampanga, nais kong magtalaga ulit tayo ng ating pagsunod sa Panginoon. 

3. During that critical point, when following Christ will definitely lead to suffering, they put God first and followed Jesus! 

When was the last time that you said to God, "God I will follow you- kahit anong mangyari"!

I would like to end this message with this call of surrender. Kungmay crisis sa buhay mo, go to Christ and just keep on following Him. 

I would like to call on everyone to make a deep commitment to Christ. Deep, I mean, kahit nasasaktan ka, huwag kang aalis sa ating iglesia. Huwag kang lalayo sa Diyos. Amen po ba?

Jesus is still calling. Calling us to follow Him. 

Sino sa inyo na nagnanais mangako ulit? Yung iba maaring first time gumawa ng pangako kay Lord.  

Lumapit kayo. Kayo na nagnanais magtalaga na inyong buhay sa Panginoon.  Lumapit kayo, tinatawagan kayo ng Panginoong Jesus, "Lumapit kayo at sumunod kayo sa akin."

as we sing this song, "I have decided to follow Jesus" (Contemporary rendition by Hillsong).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...