Huwebes, Mayo 14, 2015

Sowing the Seeds of Love

Message: Sowing the Seeds of Love
Gospel Reading: Mark 1:29-39
(Feb8, 2014)

Love Month na! And on all of our messages, we are going to talk about LOVE!  

Mayroong tatlong paraan ng pag-ibig sa kapwa ang Panginoong Jesus base sa ating Gospel Reading.

 1. Loving by spending time with those we love.
 2. Loving by caring and
 3. Loving by serving. 

Dalangin ko po na maging pagpapala itong mensaheng ito sa lahat. 

1. Love by spending time with those we love.

Jesus spent time with his disciples. Giving time is a very important way of expressing love. 

Reading verse 29, it says, "As soon as they left the synagogue, they went with James and John to the home of Simon and Andrew."

This talks about Jesus' way of discipling Peter, James and John. He trained them in the ministry by being with them. 

Masayang barkada ito. He went "WITH" them. 

Pagkatapos magsimba sama-sama silang pumunta sa bahay ni Simon Pedro. Ang pagdidisipulo ay samahan ng mga magkakapatid at magkakaibigan. 

Di po ba masaya ito? Sama-samang mag mall, kumain, magkantahan at iba pa. Yung pupunta sa isang bahay ang tropa ay magluluto, kwentuhan at dalanginan at gumagawa para sa misyon. 

Alam po ninyo, ito yung kailangan natin. Kailangan sa mga pag-aaral sa paglago ng mga iglesia, ang isang bagong miembro kung gusto ninyo siyang manatili sa church, this person must find a barkada. 

a. Hindi po mananatili ang isang tao sa iglesia kung wala siyang makitang kaibigan. 

First time nagsimba, 
Walang pumansin
Walang bumati
Walang naging kaibigan
Aalis yan sa church! 

So if we really care for people, Spend time with them. 

b. Your family are definitely longing to be with you. 

Maraming kabataan ngayon ang laging nagsasabing hindi sila mahal ng kanilang mga magulang.  Ang totoo, mahal sila ng kanilang mga magulang, yun lang walang panahon yung mga magulang, kaya yung pagmamahal nila, hindi ito maramdaman ng mga anak.

2. Love by caring. Pagbibigay malasakit. 

He showed compassion by meeting simple needs of people.  In this case, he healed the fever of Peter's mother in-law. 

a. Do not ignore people. May panahon na akala natin maliit na bagay lamang ang pinagdadaanan ng isang tao, ngunit para sa kanya-para siyang dinadaganan ng buong mundo. Lalo kung wala siyang masabihan ng kanyang problema.  

At naroon ka, 
nakita ka niya, 
gusto ka niyang makausap, 
ngunit wala kang panahon para sa kanya-
nang oras na kailangan niya ang munting tapik sa balikat. O kaya ay kaunting pagbati man lang. 

Ang hinihingi niya ay kaunting pansin. 

Hanga po ako sa sensitivity ng Panginoon sa mga tao. Not only that he spends time with them, but he cares for them by addressing their simple needs. 

Kaya noong gumaling yung biyenan ni Pedro, pinaglingkuran sila. 

This is what love is all about! You give it away - it will come back to you! Itanim mo ito sa iba ay aani ka ng pagmamahal. 

Listen to what Jesus is teaching us, he says, "it is better to give than to receive." But whenever we give, we receive! In fact if you give more, you will receive more. E lalo na po sa pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.

3. Love by SERVING.

Jesus, he came to serve people. 

Love is done by doing it. Noong nagsimula akong magka-interest sa driving, tinuruan ako ng kapatid ko. Pero pagkapos akong turuan, napansin ko, hindi pa ako lubos na marunong. Kaya takot akong magmaneho. Then somebody gave me a simple advice, pero effective. Sabi ng aking kaibigan, 

"Learn by doing it - driving is learned by driving."

Jesus showed us how to love. And the only way to learn how to love is by loving. 

a. By healing people of their sicknesses. 

Ill people are empty and broken. Napakahirap po ang magkasakit.

Kung itatanong po ninyo kung sino ang pinakamahirap o yung lubos na nahihirapan - 

Go to the public hospital. 

Maghanap ka ng isang pobreng bata na naka-confine, na habang binabantayan siya ng kanyang nanay na hindi rin makapagtrabaho dahil kailangan niyang mag-asikaso ng kanyang anak. At maaring sa gabi, darating ang tatay niya na pagkatapos magtrabaho ay tutuloy ng hospital para samahan ang kanyang pamilya. At magsasalo-salo sila sa kaunting pansit na dala ng tatay. 

Ang tanong ko, "napapansin ba ito ng ating iglesia?"

O baka naman po, nasa kapitbahay lang pala ninyo ang pobreng batang ito? They need our prayers. They need us. Ang kaunting malasakit sa kapwa ay magpapaunlad sa iglesia. 

b. isa pang ginawa ng Panginoon, ay ang pagpapalaya sa mga tao sa mga demonyo. 

Kung bubuksan lang natin ang ating mga mata, ang mga manifestations ng mga demonyo ngayon ay makikita sa mga ibat-ibang porma ng addictions at bisyo, uncontrolled emotions, violence at corruptions of values. Sumisira sila ng buhay ng tao, at nagsisimula silang manira sa pamamagitan ng pagpasok sa isipan. 

Demons starts damaging lives by corrupting the mind. Sinisira nila yung judgement ng tao. Yung tama, gagawing mali. Yung mali gagawing tama. 

Hanggang maging maging bihag nila ang taong ito. 

Jesus came to set people free from these possesions. 

Here is our opportunity to know Christ once again. 

a. He wants to be your friend. Gawin mong kabarkada ang Panginoon. Isama mo sa tropa si Lord, at magsama ka ng iba. Spend time with your fellow Christians. just enjoy your fellowship with them. 

b. Do not miss those simple, small opportunities to help people whenever, wherever they need you. 

Simpleng pangangailangan na iyong matutugunan, ay maaring bumago ng buhay sa isang natulungan. 

c. Tanggapin mo ang kalayaang kaloob ng Diyos. Kung mayroong bagay o bisyo o emotional burdens na parang tali sa buhay mo? Why not bring them before God today? Just allow Jesus to set you free.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...