Textthis Week : January 18, 2015
Gospel Reading : John 1:43-51
Tulad ng mga taong nagkaroon ng makahulugang buhay, Si John Wesley ay nagtagumpay. Hanga ako sa mga katulad niya na nakatupad sa kanilang
1) pagkatawag
2) at katuparan ng plano ng Diyos sa kanilang buhay.
They were able to discover their sense of purpose, calling and destiny. Beyond their ambition, they realized that God has directed them to fulfill a call. They responded and in this manner, they were led to a destiny designed by God for their lives.
The Christian life is a life called to fulfill meaning and greatness. Magiging dakila tayo dahil sa ating pagsunod sa tawag ng Diyos.
Responding to God's call is more than mere following of selfish ambitions and personal goals.
After hearing God's word today, matagpuan mo nawa ang plano ng Diyos para sa iyong buhay.
Ang buhay alagad ay buhay na;
1. Natagpuan ni Cristo
2. Tinawag at
3. Tumugon sa panawagan ng Panginoon.
Isa-isahin natin ang mga ito. Pangunahan nawa ng Banal na Espiritu sa ating pagbubulay sa araw na ito.
1. Ang buhay Kristiano ay buhay na natagpuan ni Cristo. Naghahanap ang Panginoong Jesus ng mga susunod sa kanya. Dalangin ko na makakita siya sa iglesiang ito ng mga tunay na alagad.
a. Si Apostol Pablo ay nagsabi ng ganito, "Nang ako ay matagpuan ni Cristo..." Hindi siya ang kusang naghanap sa Diyos, kundi siya ang hinanap ng Panginoon. At natagpuan siya ng Panginoon. Gayun din si Felipe sa ating binasang talata.
Wala silang planong hanapin ang Diyos. Ngunit ito yung pinakapunto ng Doktrina ng pagkakatawang tao ng Diyos - upang hanapin ang mga nawawala, hanapin ang mga lumalayo sa Panginoon, ilapit muli sa Diyos ang mga naliligaw. Marami kahit ngayon ang ganitong tao - nakatagpo nga ng relihiyon, ngunit hindi nakilala ang Panginoon!
b. Being found by Jesus means, God has now got your attention. Kapag natagpuan ka ng. Diyos, ito na yung magsisilbing "turning point ng buhay mo". Ito yung punto ng pagbabago sa iyo dahil alam mo, Diyos na ang kumakausap sa iyo.
Tapos na ang lokohan,
Oras na ng pagpapakatotoo,
Oras na upang ibaling ang ating atensyon
Sa plano ng Diyos sa ating buhay.
Jesus found Philip. Then, Nathanael was also found by Jesus. Hindi lang si Felipe ang nakatagpo kay Nathanael. For Jesus caught the attention of. Nathanael. Sabi ng Panginoon, "Nakita kita sa ilalim ng igos."
Ewan kapatid. Pero nais kitang tanungin, "Ano nga ba ang kailangan para ibaling mo ang iyong pansin patungo sa Panginoon? Ano nga ba talaga ang kailangan para pansinin mo naman ang Diyos?
May mga tao na nagsasabi ng ganito, "Pastor, matagal na akong paikot-ikot sa buhay. PAGOD NA AKO!" Sa mga ganitong tao, iisa lang ang dapat ipayo, pumunta ka sa Panginoon, nais ka niya makatagpo ngayun din.
2. Pangalawa, Ang buhay Kristiano ay buhay na tinawag ng Diyos. "Halika at sumunod ka sa akin."
God is not just seeking to win your attention but also - God is asking for your decision.
Ginawa ko itong sermon nang Lunes, January 12. At sariwa pa sa isip ko ang awit ng ating Youth Choir last Sunday. Inawit nila yung choir rendition ng "I have decided to follow Jesus."
Totoo ang sabi ng awit. Hindi tayo maaring maging tunay na Kristiano kung wala tayong matatag na desisyon na sumunod sa Panginoon.
Isang patotoo ang minsan ko nang narinig. Isang dating drug pusher ang kumikita ng malaking halaga ang natagpuan ng Panginoon, at gumawa siya ng isang desisyon,
"Susunod ako sa Diyos, tatalikod na ako sa aking maruming hanap-buhay."
Ganyan kasi ang pagsunod sa Pangnoon, minsan may kailangan nga tayong bitawan, may kailangan tayong talikuran. Sa iyong pagsunod sa Panginoon ngayon, ikaw ang nakakaalam kung ano yung dapat mong bitawan.
3. Lahat tayo ay tinawag upang umalis sa dilim at magsimula na tayong mamuhay sa liwanag.
Mula sa kasalanan, tungo sa kabutihan.
Mula sa karumihan tungo sa kalinisan ng buhay.
Mula sa makasariling hangarin, tungo sa makadiyos na layunin.
Para matupad ang tawag ng Panginoon sa iyo ngayon, kailangan kang makinig, gumawa ng desisyon at umaksyon ka.
Listen- make a decision then act on it.
Minsan, isang tatay ang tumwag sa anak niya. Sabi sa kanya, "Anak, tumulong ka sa gawaing bahay. Busy kami ni mommy." Malutong opo ang kanyang tugon.
"O sige linisin ko yung kotse. Bombahin mo yung flat tire." Utos ng tatay.
Tugon ng bata, "Dad, mahirap po yun eh. Next time na lang."
That boy desired to help, he decided to help but he failed to act!
Ayaw kong maging maging failure para sa iyo ang pagsambang ito.
Tayong lahat ay tinatawag ng Diyos ngayon.
May kwento noong bata pa si Ronald Reagan. Dinala siya ng kanyang tita sa gumgawa ng sapatos. Tinanong siya kung ano ang gusto niya, pabilog o patulis na hugis. Hindi makasagot ang batang Reagan. Dumaan ang isang Linggo, hindi parin alam ni Reagan ang kanyang pipiliin. Du,aan ang ilang araw, nagkita ang sapatero at ang bata, at wala pa ring desisyon si Reagan.
"Alam ko na kung gayun ang gagawin ko." Sabi ng sapatero. At gumawa nga ng sapatos ang sapatero, isang pabilog at isang patulis. Ganyan ang nangyayari sa mga ayaw magdesisyon para sa sarili.
Magdesisyon kana!
Some of you are called to the ministry. Kung isa ka matagal nang kinukulit ng Panginoon para magturo at mangaral - pwede bang pagbigyan mo na si Lord ngayon?
Some of you are called by God to dedicate your life to Him. John Wesley once said, "Let it be the desire of my heart, to be like my Master. To do not my will, but the will of the one who sent me."
Ang iba sa atin, ay tinatawagan ng Panginoon para bumitaw na tayo sa ating maling gawain. Ikaw ang nakakakilala sa sarili mo. Kung mayroong nais alisin ang Diyos sa ugali mo o gawain mo. Act on it now. Hindi ka magsisisi.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento