Text this Week - January 18, 2015
Epistle Reading - 1 Corinthians 6:12-20
United in the Lord
Habang lumilipas ang mga panahon, nais kong patotohanan na lalo kong naaapreciate ngayon ang kagandahan ng pagiging Metodistang Kristiano.
Halimbawa, yung sinabi ni John Wesley na katagang, "work all you can, save all you can, but give all youcan."
Hindi po pagpapayaman ang kanyang layunin para mga Metodista. Maganda kung lahat tayo ay yumaman, pero hindi iyon ang sukdulang layunin ng Diyos para sa atin. Kundi pa naman, ang pinakamataas na layunin niya ay upang makatulong ang mga Metodista sa iba kapag marami na silang naipon.
Ito ang buod ng buhay Kristiano - buhay ito na makahulugan dahil nagagamit ito para sa mga layunin ng Diyos.
Ang Layunin ng Diyos Para sa Ating Buhay
May layunin ang Diyos para sa ating buhay. Binigyan tayo ng buhay upang gumanap ng isang banal na tungkulin.
Ang layunin ng buhay ay hindi lamang para masunod natin ang layaw ng laman.
Ano ang mga layaw ng laman?
a. Una, ang pagkain. Madalas tayong maakit nito sa pagaakalang, ito na ang pinakamagandang bagay na magbibigay sa atin ng ganap na kaligayahan. Ang makain mo ang gusto mo. Pero ito na nga ba ang tunay na kahulugan ng buhay?
Sabi ng Bibliya, "Hindi!"
b. Isa pang layaw ng laman na umaakit sa tao ay ang sexual desires natin. Binigyan ba tayo ng buhay "to find fullfilment for our sexual desires"? Ang pinakamataas nga bang goal sa buhay ay ang maging "sexy" o ang maabot ang "ultimate sexual attractiveness" ng ating katawan at mukha?
Dahil sa maling akalang ito, marami ang gumagastos ng husto para lang makita nila sa salamin ang kanilang magandang figure at mukha. Samantalang wala naman pumapansing ibang tao sa kanila.
Hindi rin ito ang tunay na nagbibigay ng pinakamataas na layunin ng buhay.
Discovering What Gives Meaning to Life
Napakasarap pala kapag nakikita mo ang iyong pananampalataya bilang isang "discovery". Lalo kapag ang bawat yugto nito ay mga kabanatang nagpapalalim sa kahulugan ng buhay. Kapag sa bawat taon na nagdaraan, lalo tayong napapalapit sa Diyos at nakikita natin ang katuparan ng layunin ng Diyos sa ating buhay.
Isang lalaki ang dating babaero. akala kasi niya, ito na yung pinakamabuti para sa kanya, ang magbilang ng mga babae sa kanyang buhay. Kayamanan at kalaswaan, ito ang inakala niya pinakamahalaga sa buhay.
At nakilala niya ang Panginoon.
Narinig niya ang sabi ng Panginoon, "Ano nga ba ang mapapala ng isang tao, mapasakanya man ang lahat ng kayamanan sa mundo, kung ang kapalit naman nito ang ang kaparusahan ng kanyang kaluluwa?"
Ngayon, sa Diyos na ang kanyang atensyon, at hindi na sa mga pansamantalang aliw na kaloob ng mundo. May mga paraan ang Biblia kung paano natin hahanapin sa Diyos ang kahulugan ng buhay.
1. Una, Makiisa tayo sa Panginoong Jesus.
Verse 6:17 states, "But anyone united to the Lord becomes one spirit with him". Makikita lamang natin ang kahulugan ng buhay kapag nakiisa na tayo sa Panginoon. Ang mga naghahanap ng kahulugan ng buhay sa pamamagitan ng pagpapayaman ay napapagod lang. Ngunit ang mag naghahangad na makasunod sa kalooban ng Diyos ay nagkakaroon ng fullfilment sa buhay.
2. Pangalawa, Dedicate your body as the temples of God's Spirit
Sabi sa Verse 6:19, "Or do you not know that your body is a temple of the Holy Spirit within you, which you have from God, and that you are not your own?"
May dalawang mayamang magkaibigan. Parehong malaki ang kanilang ari-arian. Ang isa ay Kristiano, at malaking halaga ang kanyang ibinibigay sa gawain ng Panginoon at tulong sa iba. Nagtataka ang kanyang kaibigan kung bakit ganito ang ginagawa ng Kristiano. kaya nagtanong siya, "Bakit ang laki ng ininibigay mo sa Diyos?"
Sagot niya, "Wala akong ibinibigay sa Diyos!"
patuloy pa niya, "Ang lahat ng nasa atin ay pag-aari na ng Diyos. Iyan ay pinagkakatiwala lamang sa atin."
Lalo na ang ating katawan. Kapag ito ay itinuring nating sa Diyos, hindi natin ito gagamitin sa kasalanan at makasariling kapakanan.
Nais kong hilingin sa bawat isa ngayon na manalangin. Nais ko pong hilingin sa bawat isa na magtalaga tayo ng ating sarili upang imbitahan ang Espiritu Santo na manahan sa ating buhay. Na mula ngayon, ang ating katawan ay ituturing nating templo ng Diyos.
Narito Panginoon ang aming mga katawan, gawin mo itong temple ng kabanalan. Manahan ka sa aming buhay. Kami ay sa iyo. Amen.
3. Panghuli, italaga natin ang ating sarili, na tayo ay sa Diyos.
Binili tayo sa dugo ng Cristo. Hindi na tayo pagaari ng ating sarili.
Madali itong maunawaan ng mga tao noong una. Dahil ang mga alipin, o ang mga natalo sa digmaan ay ibinebenta. Ang sinumang nakabili sa mga taong ito ay kanilang magiging Panginoon.
Mula sa kasalanan, binayaran ng Panginoon ng kanyang sariling buhay ang ating buhay.
Pag-aari na tayo ng Diyos kung gayon.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus
(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...
-
Lesson 1. Hangaring Makilala Si Cristo Filipos 3:4-14 "Gagawin ko ang lahat makilala ko lang siya!" ganito yata ang sinasabi...
-
Sermon 1: Binabalak ng Panginoong Jesus sa Kamatayan ng Kanyang Kaibigan Juan 11:1-4 Panimula: May isang matanda sa isang iglesia na nagkas...
-
Sermon 1 : Masayang Pagpapaalam 1 2 Timothy 4:6-8, 16-18 Kadalasan ang pamamaalam ay malungkot. Ang paglisan ng isang tao ay nagdudu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento