Huwebes, Mayo 14, 2015

The Day the Devil Went to Church

The Day The Devil Went To Church
Feb. 1, 2015 / Mark 1:21-28

Sa bawat pagkakataon na nandito tayo sa loob ng iglesia, dalangin ko na maranasan ng bawat isa ang presensya ng Diyos. 

Malaking kawalan kapag nagsimba ka ngunit hindi mo nakatagpo ang Diyos. 

Ang kaaway, ang diablo ay kumikilos din tuwing tayo ay nagsisimba.  Nais niya tayong ilayo sa Diyos.  Sa loob ng simbahan, nais niyang iligaw ang ating isipan upang kahit physically presnt tayo ay ay mentally absent naman. Kaya mag-ingat po tayo. 

Pumapasok din ng simbahan ang diablo. 

1. A Devil in Church

Ang lugar ng eksena ay sinagoga. Sa sinagoga nagsimula ang salitang "ekklesia" - ang ibig sabihin ay "pagtitipon" o "gathering".  Ito ay lugar ng pagsamba. Nandoon ang isang nasaniban ng masamang espiritu. 

Dalawang posibilidad kung bakit naroon siya.  Maaring dala siya ng taong nasaniban, o baka ang diablo ang nagdala sa tao doon. 

Ang diablo ay may maraming paraan ng pagsanib na hindi natin namamalayan.  Maaring isang tao ang naniniwalang napakabanal niya, ngunit salungat sa kalooban ng Diyos ang lahat ng nais niya, at naghahasik pala siya ng kaguluhan sa loob ng iglesia. 

Hindi ito nakapagtataka, dahil maging sa langit ay nagpupunta rin ang diablo (Job chapter 1). 

2. Ang Pananampalataya ng Diablo

Katulad ng mga Kristiano, ang diablo ay may pagpapahayag din ng pananampalataya. "I believe in God...". 

Sabi ng James 2:19, 
"You believe that there is one God. Good! Even the demons believe that-and shudder."

Naniniwala din siya sa Diyos!

NGUNIT MAY PINAGKAIBA ANG PANANAMPALATAYANG KRISTIANO SA DEMONYO

Ang pananampalataya ng Demonyo ay ganito;

a. It is a faith confession without submission. Naniniwala siya sa Diyos at kapangyarihan ng Panginoon ngunit hindi siya nagpapasakop dito. 

b. It is a faith without obedience. takot siya sa Diyos ngunit wala siyang pagsunod. 

Mga kapatid, ang pagkilala sa Diyos ay dapat ipakita sa salita at sa gawa. Sa pagpapasakop at pagsunod.  Kung walang pagsunod at pagpapasakop, ito ay isang huwad na pananampalataya. 

3. The Devil's Prayer

Marunong din siyang manalangin! We find this demon talking to Jesus inside the church! pambihira itong demonyong ito! (Oooops! Hindi po ako nagmumura.)

Prayer can be faked, and it can also be demonic in nature.  Balikan natin ang verse  24. sabi ng demonyo, 

"What do you want with us, Jesus of Nazareth? Have you come to destroy us?"

a. Demonic prayers are insults to God. 
b. Demonic prayers are declarations of independence from God. "Anong pakialam mo sa amin Jesus na tiga-Nazareth?" Heto po yung kanyang sinasabi. Sinasabi niya ng patanong - na walang pakialam ang Diyos sa kanya. 

4. The Devil's Excommunication

Finally, this demon was casted out by Jesus simply through His word. 

Gustong i-demonstrate ng demon yung power niya sa pamamagitan ng pagpapahirap sa taong yun. 

But you see, the devil is not even a match to Jesus! He is now a loser. Just by the word of Jesus, umalis siya. The devil is now under our feet.

Finally, I would like to invite you to apply this Word of God to our lives. 

Let us check our faith. Is it a true Christian faith or just devil's faith? 

Let us compare the two.

A Christian believes in God, the devil also confesses that there is God. 

BUT! however, 

the devil does not submitt to God's power. 
A Christian is expected to submit to God. 

The devil rebels and disobeys willfully against God. 
A true Christian, humbly worships God and accepts Jesus as Lord and Savior. 

Mga kapatid, yung demonyo sa ating binabasa ay matapang na pinahayag na laban siya sa Diyos.  

Kayo ba, may lakas na loob ba kayong magpahayag ng inyong pananampalataya? Handa ba ninyo itong ipahayag sa pamamagitan ng inyong pagsunod at pagpapasakop sa Diyos? 

kung handa kang ipahayag ito, hinihiling ko na magtaas ka lang ng kamay. bilang kapahayagan na ikaw ay nagpapasakop sa kapangyarihan ng Diyos.  

Hindi ito gagawin ng diablo. Gagawin lamang ito ng isang nanalig at nagpapailalim sa kapangyarihan ng Diyos.  Gawin mo ito...kilalanin mo si Jesus bilang Panginoon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sermon: Panawagan Upang Sumunod Kay Jesus

(Ang Halimbawa ni Martha at Maria) July 21, 2019 - Luke 10:38-42 41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at a...